Q3, m3 panahon ng hapon

16,636 views

Published on

3 Comments
11 Likes
Statistics
Notes
No Downloads
Views
Total views
16,636
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
5
Actions
Shares
0
Downloads
349
Comments
3
Likes
11
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Q3, m3 panahon ng hapon

  1. 1. Modyul 3: Pananakop ng Japan at ang Kapanganakan ng Bagong Republika
  2. 2. PANIMULA
  3. 3. PANIMULA Itinatag ang pamahalaang Komonwelt sa bisa ng Tydings-McDuffie Act. Itinakda nito ang sampung taong transisyon mula sa pamamahala ng mga Amerikano sa Pilipinas hanggang sa pagkamit ng bansa ng minimithing kalayaan. Magaganap ito sa Hulyo 4, 1946.
  4. 4. PANIMULA Nagsimulang manungkulan si Manuel L. Quezon, ang nahalal na pangulo at katuwang ang kanyang pangalawang pangulo na si Sergio Osmeña Sr. sa pamahalaang Komonwelt.
  5. 5. PANIMULA Habang inihahanda ng mga Pilipino ang bansa sa nalalapit na ganap na paglaya mula sa mga Amerikano, sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Europe.
  6. 6. PAGSAKOP SA PILIPINAS NG MGA HAPON
  7. 7. PANIMULA Noong Setyembre 1, 1939, sinalakay ni Adolf Hitler, diktador ng Germany at nagtatag ng partidong Nazi ang Warsaw, Poland. Pagkaraan ng dalawang araw, nagdeklara ng digmaan ang Great Britain at France laban sa Germany. Ito ang simula ng pinakamapaminsalang digmaan sa kasaysayan na pinagtunggalian ng dalawang magkalabang alyansa: ang Allied Power sa pangunguna ng Great Britain at France, at ang Axis Power ng Germany, Italy at Japan.
  8. 8. PANIMULA Sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Asya nang wasakin ng Japan ang Pearl Harbor noong Disyembre 7, 1941 (sa Pilipinas ay Disyembre 8). Ang Pearl Harbor ay isa sa pangunahing baseng pandagat ng United States na matatagpuan sa pulo ng Hawaii na nasa rehiyong Pacific.
  9. 9. PANIMULA Nasangkot ang Pilipinas sa digmaan nang salakayin ng pwersang Hapones ang bansa. Binomba ng Japan ang ilan sa pangunahing lugar sa Pilipinas kabilang na ang Davao, Baguio, Aparri, Clark Field, Nichols Air Base, at Sangley Point sa Cavite.
  10. 10. PANIMULA Sa pagdating ni Heneral Masaharu Homma, pinuno ng hukbong Hapones na lumusob sa Pilipinas, ipinahayag ng pinuno ng hukbong Amerikano na si Heneral Douglas MacArthur ang Maynila bilang “Open City”. Idineklara niya ito noong Disyembre 26. Sa kabila ng pahayag ni MacArthur, binomba pa rin ng mga Hapones ang Maynila na ikinawasak ng lungsod at ikinasawi ng maraming sibilyan.
  11. 11. PANIMULA
  12. 12. PANIMULA Death March o Martsa ng Kamatayan – mula Mariveles, Bataan hanggang San Fernando, Pampanga
  13. 13. PANIMULA Jose P. Laurel, pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas
  14. 14. PANIMULA Leyte Landing, pagbabalik ni MacArthur sa Pilipinas
  15. 15. PANIMULA pagsuko ni Hen. Tomoyuki Yamashita
  16. 16. PANIMULA naging pangulo si Sergio Osmeña
  17. 17. ANG KAPANGANAKAN NG BAGONG REPUBLIKA
  18. 18. PANIMULA Sa pagbawi ng mga Amerikano sa Pilipinas mula sa pamamahala ng mga Hapones, muling ibinalik ang pamahalaang Komonwelt. Pinalitan ni Osmeña si Quezon bilang pangulo dahil sa pagpanaw nito sa sakit na tuberculosis noong Agosto 1, 1944.
  19. 19. PANIMULA Naganap noong Abril 23, 1946 ang pambansang halalan. Dito nagwagi si Manuel Roxas bilang ikatlo at huling pangulo ng Komonwelt. Siya rin ang unang pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas
  20. 20. PANIMULA Noong Hulyo 4, 1946, pinasinayaan ng buong bansa ang pagkakatatag ng bagong Republika, at ang opisyal na pagwawakas ng kapangyarihang Amerikano sa Pilipinas. Ibinaba ang watawat ng United States at itinaas naman ang watawat ng Pilipinas bilang sagisag ng ganap na kasarinlan ng bansa. Sa araw ding iyon, naganap ang inagurasyon at panunumpa ni Roxas bilang pangulo sa Independence Grandstand sa Maynila sa gulang na 54. Naging pangalawang pangulo ng bansa si Elpidio Quirino.
  21. 21. MGA SULIRANIN 1. ang muling pagbangon ng industriya sa Pilipinas, muling pagpapasigla sa agrikultura at produksyon. Pati na rin ang paglutas sa mga suliraning pambansa tulad ng kaso ng kolaborasyon, amnestiya, kapayapaan at kahirapan. 2. kinalaman sa agrikultura sa pamamagitan ng pagsasabatas ng Republic Act (R.A.) No. 34. Itinakda ng batas na ito na magkaroon ng mas maayos na hatian sa mga produktong naani sa pagitan ng may-ari ng lupa at ng magsasaka. 3. HUKBALAHAP (Hukbong Bayan Laban sa mga Hapones) na pangkat ng mga gerilyang Pilipino na naging kalaban ng pamahalaan ngunit nabigo siyang ayusin ito.
  22. 22. MGA SULIRANIN 4. pagbibigay nito ng espesyal na pribilehiyo sa pamahalaang Amerikano. Nilagdaan ni Pangulong Roxas ang mga batas at kasunduan na tuwirang may malaking kapakinabangan sa United States sa aspektong pangekonomiya at pang-militar. Ang mga ito ay ang Philippine Trade Act ng 1946 na kilala rin bilang Bell Trade Act, at ang Military Bases Agreement ng 1947.
  23. 23. MGA SULIRANIN ilan sa kasunduan.
  24. 24. MGA SULIRANIN Sinasabi ng kanyang mga kritiko na ang mga batas at kasunduang may kinalaman sa United States ay mga kondisyong nararapat na ipagkaloob ng Pilipinas sa pagbibigay ng mga Amerikanoa sa minimithing kalayaan ng bansa. Sa kasawiang palad, hindi natapos ni Pangulong Roxas ang kanyang termino nang mamatay siya sa isang heart attack. Ito ay pagkaraan niyang magbigay ng mensahe sa harap ng US Thirteenth Air Force sa Clark Field, Pampanga noong Abril 15, 1948. Ipinagpatuloy ni Elpidio Quirino ang nalalabing termino ni Pangulong Roxas.
  25. 25. PANIMULA Sinasabi ng kanyang mga kritiko na ang mga batas at kasunduang may kinalaman sa United States ay mga kondisyong nararapat na ipagkaloob ng Pilipinas sa pagbibigay ng mga Amerikanoa sa minimithing kalayaan ng bansa. Sa kasawiang palad, hindi natapos ni Pangulong Roxas ang kanyang termino nang mamatay siya sa isang heart attack. Ito ay pagkaraan niyang magbigay ng mensahe sa harap ng US Thirteenth Air Force sa Clark Field, Pampanga noong Abril 15, 1948. Ipinagpatuloy ni Elpidio Quirino ang nalalabing termino ni Pangulong Roxas.
  26. 26. PAMPROSESONG TANONG 1. Tunay ba na naganap ang pagsalakay ng mga Hapones sa Pilipinas? Kailan ito naganap?
  27. 27. PAMPROSESONG TANONG 1. Tunay ba na naganap ang pagsalakay ng mga Hapones sa Pilipinas? Kailan ito naganap? 2. Ano ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa pagkakasangkot ng bansa sa digmaan sa pagitan ng Japan at ng United States?
  28. 28. PAMPROSESONG TANONG 1. Tunay ba na naganap ang pagsalakay ng mga Hapones sa Pilipinas? Kailan ito naganap? 2. Ano ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa pagkakasangkot ng bansa sa digmaan sa pagitan ng Japan at ng United States? 3. Paano mo mailalarawan ang naging kondisyon ng mga Pilipinong nakaranas ng pamamahala ng mga Hapones?
  29. 29. MGA ALAALA NG PANANAKOP NG JAPAN SA PILIPINAS
  30. 30. MGA ALAALA NG PANANAKOP NG JAPAN SA PILIPINAS Inilalarawan sa sipi na isinulat ni Minyong Ordoñez ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Nagbalik-tanaw siya sa mga kaganapan sa bayan ng Majayjay sa lalawigan ng Laguna. Inilahad din ng may-akda ang ginawang pagpapatawad ngunit hindi ang paglimot sa isang di-malilimutang karanasan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig para sa mga tuwirang nakasaksi at nakaranas nito. Basahin at unawain ang sipi.
  31. 31. GAWAIN 2. PARA SA AKIN. Kopyahin ang organizer sa kuwaderno. Magbigay ng sariling saloobin tungkol sa sumusunod na salita sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong.
  32. 32. GAWAIN 3. ARAL NG KASAYSAYAN. Basahin ang pahayag sa bawat bilang. Sagutin ang sumusunod. 1. Batay sa akda, ilahad ang naging karanasan ng mga Pilipino sa kamay ng mga Hapones. Pangatwiranan ang iyong sagot. 2. Pagkalipas ng 70 taon, sa iyong palagay, napatawad na ba ng mga Pilipinong nakasaksi sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang mga Hapones? Patunayan. 3. Kung ikaw ang Pilipinong nakaranas ng pamamahala ng mga Hapones noong panahon ng digmaan, kaya mo bang magpatawad sa ginawa ng mga Hapones? Bakit mo nasabi? 4. Ayon sa may-akda, nakalimot na ba ang mga Pilipinong nakaranas at nakasaksi sa pananakop ng mga Hapones? Patunayan. 5. Maglahad ng iyong mga natutuhan sa mga karanasan ng World War II kids.
  33. 33. PAMUMUHAY AT PERA SA PANAHON NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
  34. 34. PAMUMUHAY AT PERA SA PANAHON NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG Ang pamamahala ng mga Hapones mula 1942 hanggang 1945 ay nagdulot ng iba’t ibang karanasan sa mga Pilipino. Sapilitang binago ng mga mananakop ang pamumuhay ng mga Pilipino upang iwaksi ang impluwensiyang Amerikano at tanggapin ang kanilang pamamahala. Isa sa hindi mabuting karanasan ng mga Pilipino sa kamay ng mga dayuhang Hapones ay inilalarawan sa political cartoon na hango sa The History of the Burgis. Unawain ang mga ilustrasyon sa ibaba at sagutin ang sumusunod na tanong.
  35. 35. GAWAIN 4. PAGTUKOY SA NILALAMAN NG POLITICAL CARTOON. Buuin ang blank book sa pamamagitan ng paglalagay ng hinihinging detalye tungkol sa political cartoon. Para sa unang pangkat, bigyang-pansin ang Ilustrasyon A. Sa ikalawang pangkat naman ang para sa Ilustrasyon B.
  36. 36. GAWAIN 6. MENSAHE NG POLITICAL CARTOON. Sagutin ang sumusunod na tanong. 1. Ano ang ipinakikitang pangyayari sa cartoon? 2. Ano ang mensahe ng cartoon? 3. Sang-ayon ka ba sa mensaheng nais ipahayag ng cartoonist? Bakit? 4. Kung bibigyan ka ng pagkakataon, alin sa mga aspeto ng political cartoon ang nais mong baguhin? Ipaliwanag ang dahilan.
  37. 37. PERA NG PILIPINAS SA PANAHON NG MGA HAPONES
  38. 38. PERA NG PILIPINAS SA PANAHON NG MGA HAPONES Isa sa mahalagang artifact sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay ang mga ipinagawang salaping papel na gagamitin sa pagbili ng pangangailangan ng tao. Nagpalabas ang mga dayuhang Hapones ng napakaraming salaping papel na tinawag na Japanese government-issued Philippine fiat peso o Southern Development Bank Notes.
  39. 39. PERA NG PILIPINAS SA PANAHON NG MGA HAPONES Hindi lubusang nagamit ng mga mamamayan ang mga naturang salapi sapagkat halos walang halaga ang mga ito. Dahil dito, tinagurian ng mga Pilipino ang mga perang ito bilang “Mickey Mouse Money” kung saan inihahalintulad ang mga ito sa play money na walang halaga sa ekonomiya.
  40. 40. PERA NG PILIPINAS SA PANAHON NG MGA HAPONES Kung pagmamasdan ang salaping papel, gumamit ang mga Hapones ng “Block Letters” na nakasulat ng pula at nasa harapan ng salapi. Ang unang titik ay tumutukoy sa lugar kung saan inilabas ang salapi at ang pangalawang titik ay ang dami ng salaping inilabas ng pamahalaang Hapones. Samakatuwid, ang unang titik sa salaping papel ng Pilipinas ay titik P na susundan ng titik A para sa unang salaping papel. Titik B para sa pangalawang salaping papel. Titik C sa pangatlo at sa mga susunod pang titik para sa mga salaping papel. Sa paglabas ng sumunod na mga salaping papel para sa 1, 5, 10 at 100 piso, dinagdagan ng numero ang mga Block Letters.
  41. 41. GAWAIN 7. PAGTUKOY SA ARTIFACT. Sagutin ang tanong sa bawat bilang. 1. Anong mahalagang bagay ang binigyang-diin ng Sanggunian 3? 2. Bakit maituturing na artifact ang nakalarawan sa Sanggunian 3? 3. Aling bahagi ng salaping papel ang nagpapakita kung anong panahon sa kasaysayan ng Pilipinas ito ipinalabas at ginamit? 4. Ano ang dalawang patunay na ang “mickey mouse money” ay inilabas upang gamitin ng mga Pilipino sa pagbili ng kanilang pangangailangan? 5. Sa five centavo bill, ano ang ibig sabihin ng titik “P” sa salapi? Ano ang ibig sabihin ng titik “L” sa salapi?
  42. 42. GAWAIN 8. PAGSURI NG SANGGUNIAN. Sagutin ang sumusunod na tanong. 1. Bakit naglabas ng mga salaping papel ang mga Hapones noong panahon ng digmaan? 2. Ano ang layunin ng mga Hapones sa paglagay ng larawan ng bantayog ni Rizal sa ilang salaping papel na kanilang inilabas? 3. Bakit tinawag na mickey mouse money ang mga salaping papel na inilabas ng mga Hapones? 4. Ano ang pagkakaiba ng halaga ng “mickey mouse money” noon at sa salapi natin ngayon? 5. Sa paanong paraan mo mapahahalagahan ang salapi na ibinibigay ng iyong magulang?
  43. 43. PAGTATATAG NG REPUBLIKA MATAPOS ANG DIGMAAN
  44. 44. PAGTATATAG NG REPUBLIKA MATAPOS ANG DIGMAAN Sa pagwawakas ng pamamahala ng mga Hapones sa Pilipinas noong 1945, tuluyang ibinalik ng mga Amerikano ang Pamahalaang Komonwelt sa bansa. Sumunod na inihanda ang pagkakaloob ng kasarinlan ng bansa na itinakda noong Hulyo 4, 1946. Sa araw ding ito, pinasinayaan ang pagtatatag ng bagong Republika ng Pilipinas.
  45. 45. PAGTATATAG NG REPUBLIKA MATAPOS ANG DIGMAAN Sa pagwawakas ng pamamahala ng mga Hapones sa Pilipinas noong 1945, tuluyang ibinalik ng mga Amerikano ang Pamahalaang Komonwelt sa bansa. Sumunod na inihanda ang pagkakaloob ng kasarinlan ng bansa na itinakda noong Hulyo 4, 1946. Sa araw ding ito, pinasinayaan ang pagtatatag ng bagong Republika ng Pilipinas. Muli nating balikan ang ilang mahahalagang probisyon ng batas na nagtakda ng kasarinlan ng Pilipinas. Ang batas na ipinagkaloob ng mga Amerikanong mambabatas na sina Senador Millard E. Tydings at Kinatawan John McDuffie. Ito ang Philippine Independence Law na tanyag sa tawag na Tydings-McDuffie Law.
  46. 46. MGA KONDISYON NG KASARINLAN BASE SA PHILIPPINE TRADE ACT AT MILITARY BASES AGREEMENT
  47. 47. MGA KONDISYON NG KASARINLAN BASE SA PHILIPPINE TRADE ACT AT MILITARY BASES AGREEMENT Bago pa man ang inagurasyon ng Ikatlong Republika at maging isang ganap na malayang bansa ang Pilipinas, inaprubahan na ng United States at ng Pilipinas ang Philippine Trade Act na kilala rin sa tawag na Bell Trade Act noong Abril 30, 1946.
  48. 48. MGA KONDISYON NG KASARINLAN BASE SA PHILIPPINE TRADE ACT AT MILITARY BASES AGREEMENT Hinango ang katawagan ng nasabing batas kay Congressman C. Jasper Bell na nagpanukala nito sa Kongreso ng United States. Kung babalikan, ang katatapos na Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang nagdulot ng malawakang pinsala sa pamumuhay at kabuhayan ng mga Pilipino. Sa mga sang-ayon sa Philippine Trade Act, isang magandang simula ito para sa bansa dahil binubuksan nito ang malaking oportunidad na muling itaguyod ang ekonomiya sa pamamagitan ng mahusay na ugnayang pangkalakalan ng Pilipinas at United States.
  49. 49. MGA KONDISYON NG KASARINLAN BASE SA PHILIPPINE TRADE ACT AT MILITARY BASES AGREEMENT Sa kabilang dako, naging isang malaking isyu ang pag-apruba sa Philippine Trade Act. Marami ang hindi sang-ayon dahil sa pagkakaloob sa mga Amerikano ng pantay na karapatang gamitin, linangin at paunlarin ang likas na yaman ng Pilipinas. Tinawag ito bilang “Parity Rights”. Bukod dito, Ipinahayag ng U.S. na hindi maipagkakaloob ang halaga para sa bayad - pinsala nang walang kasunduang pangkalakalan na tulad ng Bell Trade Act.
  50. 50. TRANSISYON SA SUSUNOD NA MODULE
  51. 51. TRANSISYON SA SUSUNOD NA MODULE Inilarawan ng mga primaryang sanggunian ang naging kalagayan ng mga Pilipino sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at pamamahala ng Japan sa bansa. Ang hindi malilimutang karanasan ng mga tuwirang nakasaksi sa pagmamalupit ng mga dayuhan ay patuloy na ipinaaalala ng mga salaysay at biswal na sanggunian na binigyang-diin sa modyul na ito. Sa pagtatatag ng Ikatlong Republika ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946, muling naharap sa panibagong pakikibaka ang mga Pilipino sa pagtaguyod ng isang nagsasariling bansa. Isa sa mga ito ay ang mga probisyon ng mga batas at kasunduang tinanggap ng pamahalaan ni Pangulong Roxas ay nagbigay ng kapaki-pakinabangan sa mga Amerikano sa aspetong pang-ekonomiya at pangmilitar.
  52. 52. TRANSISYON SA SUSUNOD NA MODULE Sa susunod na modyul, tatalakayin ang iba pang hamon na kinaharap ng mga Pilipino sa pagsisimula ng Ikatlong Republika. Dalawa sa mga ito ay ang suliranin sa lupa at ang paghahangad ng mga magsasaka sa makamit ang kanilang mga karapatan.
  53. 53. KEY ANSWERS
  54. 54. Learner’s Module (Q3, M3), pp. 1 - 28 Teaching Guide (Q3, M3), pp. 1 - 14
  55. 55. DOWNLOAD LINK
  56. 56. All is well May the odds be ever in your favor Good vibes =) Break a leg (Good luck)
  57. 57. Prepared By: JARED RAM A. JUEZAN Teacher I, AP 7 January 2 - 3, 2014 Thank Thank you very you very much much

×