SlideShare a Scribd company logo
1 of 26
370
Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 8
Ikatlong Markahan
MODYUL 11: ANG KAGANDAHANG-LOOB SA KAPWA
Ano ang Inaasahang Maipamamalas Mo?
Maganda ka ba? Sa panahong ito pag ikaw ay tinanong kung ikaw ay
maganda ang unang papasok sa isipan ng karamihan ay ang panlabas na kaanyuan.
Ang panlabas ba na kaanyuan ang sukatan ng kagandahan ng isang tao? Sa modyul
na ito ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa kagandahang-loob ay
magsisilbing gabay mo sa mapanagutang pagsasabuhay ng mabuting gawain na
tutugon sa pangangailangan ng mga kapwa mo mag-aaral, ibang mga kabataan, at
nang ibang nilikha dito sa mundo.
Pinag-aralan mo sa nakaraan modyul ang pagsunod at paggalang.
Naipamalas mo bilang mag-aaral ang pang-unawa sa pagiging masunurin at
magalang sa iyong magulang, nakatatanda at nasa kapangyarihan. Kasunod nito ay
naisagawa mo ang angkop na kilos na nararapat para sa gawain ng pagsunod at
paggalang. Natukoy mo ang bunga ng hindi pagtalima at ang mga paglabag na
maaari mong gawin sa iyong magulang, nakatatanda at mga nasa kapangyarihan.
Nahinuha mo na ang pagsunod at paggalang sa kanila ay dahil sa pagmamahal, sa
malalim na pananagutan at pagkilala mo na sila ay kaloob ng Diyos. Ang iyong
magulang, mga nakatatanda at nasa kapangyarihan ay binigyang awtoridad ng
Diyos upang mahubog, mabantayan at mapalakas ang mga halaga dito sa mundo.
At dahil sa mga nabanggit, ikaw na kabataan ngayon ay inaasahang maging
maimpluwensiya sa iba pang kabataan sa aspeto ng pagsunod at paggalang sa
lahat.
Inaasahang gagamitin mo ang lahat ng mga pag-unawang ito upang
maipamalas mo ang mga layuning pampagkatuto na inaasahan sa modyul na ito.
Sa huli’y inaasahang masasagot mo ang mahahalagang tanong na: Bakit
kailangan ng tao ang magpakabuti o ipamalas ang kagandahang-loob? Paano ka
magiging mabuti sa iyong kapwa?
371
Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na
kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
1. Nagugunita ang kagandahang-loob na ginawa sa kapwa at mga pangangailangan
nila na natugunan.
2. Nasusuri ang mga kadahilanan sa pagpapamalas ng kagandahang-loob sa
kapwa.
3. Naipaliliwanag ang batayang konsepto.
4. Naisasagawa ang mga angkop na kilos sa isang mabuting gawaing tumutugon sa
pangangailangan ng kapwa.
Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng awtput mo ika-apat na bilang:
a. Makagawa ng malinaw at makatotohanang plano ng pagpapamalas ng
kagandahang-loob sa loob ng paaralan o sa lipunan
b. Maisagawa ang indibidwal at pangkatan na gawain sa bawat araw
c. Magkaruon ng awtput na nagpapatunay ng pagsasagawa ng
kagandahang-loob.
d. May kalakip na pagninilay tungkol sa kanilang karanasan at epekto ng
pangkatang at indibidwal na gawain sa kanilang pagkatao at
pakikipagkapwa.
PAUNANG PAGTATAYA
Maganda ba ang iyong Kalooban?
Panuto:
1. Narito ang tseklis na susukat kung ikaw ay may kagandahang-loob.Iyong suriin
ang mga sumusunod na sanaysay at i-rate mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng
paglalagay ng tsek ( / ) kung palagi, paminsan-minsan, bihira, o di mo kailanman
ginawa ang mga nakasaad.
372
2. Pagkatapos ay kunin mo ang pangkalahatang iskor at tingnan mo sa susunod na
pahina ang katumbas nitong interpretasyon o paglalarawan.
Mga kilos o gawa na
nagpapakita ng
kagandahang-loob sa kapwa
Palagi
(4)
Paminsan-
minsan
(3)
Madalang
(2)
Hindi
Kailanman
(1)
Sa tahanan:
1. Ako ay tumutulong sa
mga gawain-bahay.
2. Ako ay sumusunod sa
aking mga magulang at
nakatatanda.
3. Ako ay may pag-aalala
sa kabuhayan ng aking
pamilya.
Sa komunidad:
4. Aking kinikilala at
kakilala ko ang aking
kapit-bahay
5. Ako ay nagbibigay ng
tulong sa abot ng aking
makakaya sa mga
organisasyon at
institusyon. (sa
simbahan, sa Caritas..)
6. Ako ay nakikisuyo ng
may paggalang sa aking
kapwa. ( sa dyip o mga
pampublikong lugar).
7. Ako ay may malasakit
sa mga ibang nilalang
tulad ng hayop at mga
halaman gayon na rin
sa kalikasan
373
Sa paaralan:
8. Ako ay nakikitungo ng
buong katapatan sa
aking mga kamag-aral.
9. Ako ay bumabati ng
may paggalang sa mga
guro at opisyal ng
paaralan.
10. Ako ay nakikitungo ng
mabuti sa ibang
magulang, mga janitor
at iba pang-
manggagawa sa loob
ng paaralan.
11. Ako ay tumutulong sa
taong may
pangangailangan.
12. Naipamamalas ko ang
kagandahang-loob sa
pangaraw-araw kong
pamumuhay.
Kabuuan/Iskor
Pangkalahatang Iskor
374
PAGLALARAWAN/INTERPRETASYON
Saklaw ng Iskor Katumbas na
Paglalarawan
Interpretasyon
3.01- 4.00
Palagi (Always) Ikaw ay may angking
kagandahang-loob.
Napahahalagahan mo
ang kapakanan ng iyong
kapwa. Ipagpatuloy mo.
2.01- 3.00
Paminsan-minsan
(Sometimes)
Likas sa iyo ang
kagandahang-loob kaya
nga lamang ay may maliit
kang pagtatangi sa
paggawa mo nito.
Maging masigasig sa
pagpapamalas nito.
1.01-2.00
Madalang ( Seldom) Ang paggawa mo ng
magandang bagay sa
kapwa ay bihira.
Maaaring may takot ka o
pag-aalinlangan na dapat
iwaksi mo upang ang
likas na kagandahang-
loob mo ay maipamalas
sa kapwa.
0.01-1.00
Hindi Kailanman (Never) Likas sa atin ang
kagandahang-loob ngunit
marami kang agam-agam
sa pakikipagkapwa.
Iyong suriin ang sarili mo
upang malinang ang
kagandahang-loob.
375
PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Nakagawa ka na ba ng kagandahang-loob sa kapwa? Sino ang
ginawan mo nito?
Gawain 1
1. Tukuyin mo kung sino ang nagawan mo ng maganda sa
nakaraan mga araw.
2. Sa isang maigsing bond paper, gumuhit ng tulad ng nasa ibabang halimbawa.
3. Ang tao na nasa kanan mo ay ikaw. Isulat mo ang iyong pangalan sa may dibdib.
Ang nasa kaliwa ay kumakatawan sa mga taong nagawan mo ng kabutihan nitong
nagdaang mga araw.
4. Isulat mo ang pangalan nila sa bandang itaas ng kanilang ulo.
5. Sa loob ng “arrow” isulat kung ano ang ginawa mong kabutihan para sa kanila. Sa
labas ng “arrow”, tukuyin kung anong edad mo nagawa ang kagandahang
yaon.(nuong ikaw ay walo, sampung taon....)
376
6. Tukuyin mo din kung anong pangangailangan nila ang natugunan mo. Isulat sa
loob ng kanilang bago maleta.
Sagutin ang mga tanong
Kailan ka huling gumawa ng kagandahang-loob? Ano ang iyong naramdaman
matapos kang gumawa ng maganda? May maganda bang bunga ang paggawa mo
ng kabutihan?
Gawain 2 (Dyad)
Frendz
Tau
Maghanap ng kapareha upang maibahagi mo ang natuklasan. Narito ang gabay sa
pakikipag-dyad:
a. Tao o mga taong ginawan ng kabutihan
b. Dahilan at naging mabuti ka
c. Pamamaraan kung paano ka mabuti sa kanila
d. Pangangailangan ng iyong kapwa
e.
Kadalasan ang paggawa ng kabutihan ay nagkakaroon ng limitasyon.
Nanaisin na lamang natin gumawa o magpakabuti sa mga taong alam natin
masusuklian ang ating ginawa.Sa pagkakataon yaon, masusubok ang ating
pagiging tao na may kabutihan o kagandahang-loob.
377
PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA
Natukoy at naibahagi mo kung sino ang nagawaan mo ng
kagandahang-loob sa nagdaan mga araw. Pati na rin ang mga pangangailangan nila
na natugunan mo sa payak mong pamamaraan. Ngayon sa pamamagitan ng gawain
na sumusunod malilinang pa ang iyong kaalamanan sa konsepto ng kagandahang-
loob.
Weez weez
Gawain 1
1. Narito ang larawan ng isang hardinero na kumakatawan sa iyo. Hawak niya ang
kanyang pandilig na may tubig na magbibigay lakas at sustansiya sa mga halaman.
Ang mga halaman na iyon ay ang mga tao na nagawan mo ng kagandahang-loob.
2. Makikita mo rin sa larawan ang bawat patak ng tubig. Ang mga patak na ito ay
sumasagisag sa mga kadahilanan kung bakit mo pinamalas ang iyong kagandahang-
loob sa kanila.
3. Isulat mo ang dahilan kung bakit ka gumawa ng maganda sa mga taong
nabanggit mo sa Gawain 1 sa Pagtuklas ng Dating Kaalamanan.
378
May napagtanto ka ba sa katatapos na gawain? Mahirap bang harapin ang hamon
ng kagandahang-loob sa kapwa?
RUBRIC PARA SA PAGSUSURI NG SARILI (Activity: Weez-weez)
Kraytirya/Puntos 2 1 0
Natutukoy ang
mga taong
pinakitaan ng
kagandahang-
loob.
May apat o higit
pang natukoy na
mga taong
napakitaan ng
kagandahang-
loob
May natukoy na isa
hanggang tatlo na
napakitaan ng
kagandahang-loob
Walang
magunita o
matukoy na
ginawan ng
kagandahang-
loob.
Nasusuri ang
kadahilanan sa
pagpapamalas
ng
kagandahang-
loob sa kapwa
May nasuring 3 o
higit pa na
magkakaibang
kadahilanan sa
pagpapamalas ng
kagandahang-
loob.
May isa o dalawang
kadahilan na nasuri
sa paggawa ng
maganda sa kapwa.
Walang
kakayahan
suriin ang mga
bagay o
kadahilanan ng
paggawa ng
maganda sa
kapwa.
Naipapaliwanag
ng mabuti ang
mga
kadahilanan sa
paggawa ng
maganda sa
kapwa.
May higit sa
tatlong paliwanag
na naipahayag
tungkol sa
kadahilanang
nasuri.
May isa o dalawang
paliwanag na
naipahayag tungkol
sa kadahilanang
nasuri.
Hindi
maipaliwanag
ang
kadahilanan sa
paggawa ng
maganda sa
kapwa.
Gawain 2
Panuto: Sa iyong kuwaderno, sagutan ang mga sumusunod na tanong sa higit sa
tatlong pangungusap. Maging matapat sa iyong pagsagot. Matapos ang pagsagot,
humanap ng dalawang tao/kamag-aral/kaibigan na maibabahagi ang naging mga
sagot mo.
1. Sa mga naisaad mong kadahilanan ng iyong pagtulong, ano sa mga ito ang
masasabi mong pinaka-pangunahing dahilan? Bakit?
379
2. Sa iyong palagay, ang pagtulong ba ay para lamang sa mga kaibigan at malapit
sa iyo? Papaano mo tutulungan ang mga taong nakasamaan mo ng loob o
nakagalit?
3. Saan nga ba nag-uugat ang paggawa ng kagandahan?
4. Ang paggawa ba ng kabutihan o kagandahang-loob ay nangangahulugang
pagpapakatao? Ipaliwanag ang iyong sagot?
C. PAGPAPALALIM
ANG KAGANDAHANG-LOOB SA KAPWA
Mabuti ka ba?
Ang buhay dito sa mundo ay masasabing
walang katiyakan. Iniluwal ang bawat nilalang sa oras
na walang nakaaalam at ang buhay na kaloob na ito ay
maaaring mawala o bawiin sa takdang oras. Kaya
naman nararapat na gawin ng tao ang kanyang
tungkulin habang naririto siya sa mundong ibabaw. Isa
na sa kanyang moral na responsibildad ay ang
ipamalas ang kabutihan o kagandahang-loob sa kapwa.
Mga Kaganapan sa Kasalukuyan
Sa kasalukuyang panahon maririnig at
mapapanood sa mga programa tagapag-balita ang
iba’t ibang salaysay ng mga krimeng nagaganap sa
ating bansa at sa buong mundo tulad na lamang sa
Tsina. Isang munting bata, hinayaang masagasaan ng
dumadaan na sasakyan at walang pakundangan
iniwan sa daan. Dito sa ating bansa nuong nakaraang taon, isang MMDA traffic
enforcer ang pinagalitan at sinaktan ng isang pribadong mamamayan. Sa isa pang
kaganapan, isang bata na nasa unang baitang ang napatay ng isa ring mag-aaral na
380
nasa ika-limang baitang nang dahil lamang sa paglalaro ng holen. At ang huli, isang
kasambahay minaltrato nang kanyang amo sa pamamagitan ng pag-plantsa ng
kanyang mukha, pagkukulong, at pagpapakain ng sirang pagkain.
Tila nagiging mahirap ng magpakabuti o magpakita ng kagandahang-loob sa
kapwa. Tunay na bang nawala ang kabutihan/kagandahang-loob dito sa mundo?
Napakasakit matunghayan at maramdaman na may mga pangyayaring ganito.
Ang kabutihan o kagandahang-loob ay isa sa mahirap unawain at
maisabuhay lalo na kung ang pakikipagkapwa ang tatalakayin. Ano nga ba ang
kahulugan ng kabutihan o kagandahang-loob? Ano ang kinalaman nito sa
pakikipagkapwa?
Kahulugan ng Kabutihan at Kagandahang-loob
Ang salitang kabutihan o kagandahang-loob ay magkasingkahulugan. Ang
una ay hango sa salitang-ugat na buti na nangahulugang kaaya-aya, kaayusan, at
kabaitan. Ang kagandahang-loob naman ay hango sa dalawang payak na salita na
ganda at loob. Ang loob ay tumutukoy sa “inner self o real self”. Ang “inner or real
self” na tinatawag ay ang kakanyahan ng tao. Dito sa “inner self” na ito naruroon ang
tunay na kahalagahan o silbi ng isang tao. At ayon sa ilang may-akda, ang lahat ng
“values” at birtud ng tao ay bumubukal sa kabutihan o kagandahang-loob.
Kaligayahan, Kabutihan o Kagandahang-loob ayon sa Etika ni Aristoteles
Sa naisaad na kahulugan ng kabutihan o kagandahang-loob binigyang lalim ito ni
Aristotle, isang Griyegong pilosoper. Siya ay estudyante ni Plato at guro ni Alexander
the Great. Ang kanyang pilosopiya ay nagkaroon ng pangmatagalang impluwensya
sa pag-unlad ng lahat ng “Western philosophy”.
Isa sa mga etikang naisulat ni Aritoteles ay ang Etika Nikomakiya. Dito sa
nabanggit na etika ay tinalakay niya ang kaligayahan. Bago niya pinalawig ang
tungkol sa kaligayahan, binigyan diin niya kung ano ang pagpapakatao. Ayon sa
kaniya, hindi ang pagsunod sa mga iniidolo nakasalig ang pagiging tao na tao. Ang
pagpapakatao ay naguugat sa kalikasan niyang magpakatao at ang pagkilos na may
layunin (telos).
Para kay Aristoteles, ang “ultimate end” o huling layunin ng tao ay ang
kaligayahan. Pero saan ba natin masusumpungan ang kaligayahan? Ang
kaligayahan ay maaaring nasa kasarapan, karangyaan o yaman sa buhay. Ito ay
381
nasa karangalan na maibibigay ng ibang tao. At ang kaligayahan ay maaaring nasa
birtud na moral. Kailangan ba natin ang mga yaong nabanggit?
Kinakailangan pa rin ng tao ang kasarapan, karangalan at moral na birtud ngunit
isaisip na ang kaligayahan ay may angking katangian. Ito ay pangmatagalan, may
kasarinlan, aktibo at panghabang-buhay. Mula sa mga katangian na nabanggit, dito
makikita na ang layunin makagawa ng maganda o mabuti ay ang magbibigay
kaligayahan sa tao. Ang tao ay magiging lubos ang pagpapakatao kung siya ay
makikipag-kapwa tao.
Ayon pa rin sa etika ni Aristotle isinasaad na:
a. Ang birtud ay isang anyo ng kabutihan o kagandahang-loob.
Ang birtud tulad ng katapatan, kawanggawa, kalinisan, mapagpatawad, mapag-
bigay at pagiging maawain ay ilan lamang sa pagkakataon kung saan kongkretong
mamalas ang kagandahang-loob o kabutihan.
b. Ang pangalagaan ang kabutihan ng kapwa ay isang karangalan.
Isang marangal na gawain ang isa-puso at isip ang mapanatili ang kabutihan ng
ating kapwa. Kaakibat nito ay ang pagkakaroon ng malasakit sa kapakanan ng iba.
382
PAKIKIPAGKAPWA
KABUTIHAN/
KAGANDAHANG LOOB
LOOB
INNERSELF
TAO
c. Ang bigyan kasiguruhan ang kabutihan nang nakararami ay marangal at
banal.
Isa sa makapagpapatunay sa isinaad ni Aristotle sa kanyang etika ay si Mother
Teresa of Calcutta. Nagawa ni Mother Teresa na bigyan ng pag-asa at pagkalinga
ang mas higit na may pangangailangan sa lansangan. Kaya naman, kahit
nabubuhay pa lamang siya ay itinuring na siyang isang banal.
Kaligayahan, Kagandahang-Loob/Kabutihan at Pagkatao ng Tao
Dayagram 1
Ugnayan ng Loob, Kabutihan/Kagandahang-Loob, Pakikipagkapwa at Kaligayahan
Matapos na mapukaw ang iyong kaisipan sa mga pangyayari sa panahon na
ito na may kinalaman sa kagandahang-loob, mapagtanto mo ang kahulugan nito at
mabatid ang pilosopiya ni Aristoteles, iyong pagmasdan ang dayagram sa itaas.
Makikita mo ang ugnayan ng pagkatao, kalooban ng tao sa kabutihan o
kagandahang-loob.
Ang kabutihan o kagandahang-loob ng idibidwal ay tunay na naguugat sa
kanyang pagkatao. Likas sa tao ang pagiging maganda o mabuti dahil may
paniniwala na ang lahat ng nilikha sa una ng Diyos ay kaaya-aya, maayos at may
angkin kabutihan. Kaya naman ang tao ay ginawa bilang tagapangasiwa ng bawat
nilalang dito sa sanlibutan.
383
Ang tao bilang persona ayon kay Santo Tomas de Aquino, ay indibidwal na
maaring tumindig sa sarili niya dahil sa kanyang kamalayan at kalayaan. Ang tao
dahil siya ay persona ay origihal ang kabutihan, at ang paggawa ng mabuti ay
pagpakapersona, o pagpakatao. (Dy, 2012 )
Ang angkin kabutihan o kagandahang-loob ng tao ay nakaugat sa kanyang
loob. Ang loob ng tao ang siyang nagsisilbing munting tinig na gagabay o
gumagabay sa bawat kilos nito. Ang pagkakaroon ng likas na kagandahang-loob ang
magbibigay daan para sa pakikipagkapwa. At ang pakikipag-kapwa tao ang siyang
magbibigay kaligayahan sa tao na siyang huling layunin ng tao.
Kabutihan o Kagandahang-loob bilang Ekspresyon ng Magandang Buhay
Napag-alamanan mo ang ugnayan ng loob, kabutihan at pakikipagkapwa ayon
sa aral ni Santo Tomas at ng iba pang mga pilosper. Ngayon ay bigyan diin ang
kabutihan bilang repleksyon ng isang magandang buhay.
Ang kagandahang-loob sa kapwa ay isang ekspresyon nang kagandahan ng
buhay. Ang kabutihan o kagandahang-loob ay maipaliliwanag sa iba’t ibang
pagkaunawa:
1. Ang tao ay nilikha kawangis ng Diyos na Manlilikha. Ang kagandahang-loob o
kabutihan ay likas na kaloob ng Diyos. Kaya naman ang tao ay
pinagkalooban nang espiritwal at material na kabutihan.
2. Ang kagandahang-loob ay ang pinag-uugatan ng mabuti at magandang pag-
iisip, damdamin, at gawa ng tao habang namumuhay ito nang matiwasay.
3. Ang kagandahang-loob ay hindi magiging ganap kung hindi ito
maipamamalas sa iba. Ito ay nararapat na magmula sa kalooban at
maibahagi sa kapwa para sa ikabubuti ng marami.
4. Ang kagandahang-loob at mabuting buhay ay nakasalalay sa antas ng
kamalayan o pang-unawa kung ano nga ba talaga ang mabuti. (Alejo,1990 )
Kabutihan /Kagandahang-Loob sa Kapwa
Ang tao upang maging makatao ay nararapat na tunay na mabuti sa kapwa.
Ang kagandahang-loob ay hindi patungkol sa sarili lamang. Sa halip, ito ay patungo
sa ikabubuti ng karamihan. Ang tunay na paggawa ng kabutihan o kagandahang-
384
Isang magandang halimbawa ay si Papa Juan Pablo II. Noong siya ay
nabubuhay pa isang Turkish national na nagngangalan Mehmet Ali Agca ang
naglagay ng buhay niya sa bingit ng kamatayan. Nabaril ni Mehmet at nagtamo
ang Santo Papa ng apat na tama ng baril- dalawa sa kanyang bituka, isa sa
kanang braso at sa kanyang kaliwang kamay. Matapos ang pagpapagaling ng
Santo Papa ay nakuha pang dalawin, kausapin at gawaran ng kapatawaran si
Mehmet sa nagawa niya.
loob nangangailangan ng pagsasakripisyo. Dumarating sa punto na kailangan
kalimutan mo ang sarili alang-alang sa ikabubuti ng iba.
Ang kagandahang-loob ay matutunghayan sa iba’t ibang pamamaraaan ng
pagmamahal at pagkalinga sa kapwa. Makikita rin ito sa “harmonious” na
pamumuhay o pakikitungo sa kapit-bahay at iba pang kasapi ng pamayanan.
Maipamamalas din ito sa pamamagitan ng pagmamalasakit sa mga palaboy sa
lipunan. Ang kagandahang-loob ay di lamang para sa tao kundi sa ating kalikasan na
nangangailangan ng ating pag-aaruga.
Hangganan ng Kabutihan o Kagandahang-Loob
Sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat isa nasusubok kung hanggan
saan tayo magiging mabuti o maipakikita ang kagandahan ng ating kalooban. Paano
ka magiging mabuti sa iyong kamag-aral na lagi ka na lang kinukutya dahil sa
panlabas mong kaanyuan, ang guro na lagi na lang ikaw pinagagalitan, ang
kapitbahay mo na lagi kang hinahamon ng away?
Isang natatanging ugali at birtud ang magpakita ng kagandahang-loob sa
kabila ng sakit na naramdaman. Dahil likas ang kagandahang-loob sa isang nilalang,
walang hanggan ang paggawa nito sa kapwa. Ang magiging daan ng isang
indibidwal para hindi niya sukuan ang paggawa ng mabuti ay ang kanyang
“transcendence self”. Sa Pilosopiya, ang transcendence ay nangangahulugan “going
beyond”. Ang isang tao ay may kakayahan malagpasan ang anuman pagsubok o
tukso na darating dahil may talino at lakas na nagmumula sa kalooban nito. Dito rin
papasok ang tinatawag na “unconditional love” o pag-ibig na walang pinipili o
pasubali.
385
Lingid sa kaalamanan ng karamihan, may mga tao o grupo ng mga
mapagkawanggawa ang patuloy na gumagawa ng kagandahang-loob kahit na
walang kamera o media na nakabantay. Isa na rito ang Buddhist Tzu Chi
Foundation dito sa ating bansa. Ang grupo ay binubuo ng mga Pilipino at Tsino
na ginagabayan ng mga turo at aral ng kanilang foundress na si Dharma
Master Cheng Yen. Ang grupo ay tumutulong sa aspeto ng edukasyon,
medisina, pangangalaga ng kalikasan, at kawanggawa sa mga nasasalanta ng
kalamidad.Tulad na lamang ng magkapatid na Leah and Rachel Awel na
nabiyayaan ng kabutihan ng grupong nasabi. Ang magkapatid ay conjoined
twin na sa pamamagitan ng operasyon ay napaghiwalay ang magkadikit na
puso nuon sila ay bagong panganak. Matapos ang siyam na taon, sila ay
sinusuportahan pa rin ng foundation. Ang magkapatid ay nag-aaral sa isang
Chinese-Buddhist na paaralan, ang kanilang ama ay nabigyan ng trabaho
bilang isang volunteer sa foundation. Patuloy rin silang tinutustusan sa
kanilang pangangailangan pinansyal. Ayon magkapatid na Leah at Rachel,
pangarap nilang maging isang duktor at guro pang makagawa din sila ng
maganda o mabuti sa kapwa.
Sa halimbawang nasaad, kagandahang-loob sa kapwa ang malinaw na
naisabuhay.
Sa bibliya, napatunayan ang kagandahang-loob sa katauhan ni Hesus ng
kanyang pakitunguhan ng mabuti sina Maria Magdalena, Zakeyo, at Pedro. Si Pedro,
sa kabila ng kanyang munting pananampalataya ay nagawa pang ipagkatiwala sa
kanya ang Simbahan. Sa iba pang pangyayari, matutunghayan natin na ang
paggawa ng mabuti o pagpapakita ng kagandahang-loob ay nagmumula sa
pagkatao ng tao na nag-aangking ng “unconditional love”.
Ang paggawa ng kabutihan o kagandahang-loob at ang tinatawag na
“unconditional love” ay mga hamon na nagbibigay-daan para maisabuhay din natin
ang pagiging mapagbigay ng sarili o maisakripisyo ang sarili para sa isang higit na
pinapahalagahan.
Isang Testimonya ng Kagandahang-loob
Narito ang isang patunay ng kagandahang-loob.
386
Likas sa ating mga nilalang ang kabutihan/kagandahang-loob dahil ito ay
nakaugat sa pagkatao at kalooban natin na may kakayahang magmahal.
Kung ating babalikan, sa simula pa lamang ng paglikha, kabutihan o
kagandahang-loob na ang sanhi kung bakit narito ang sangkatauhan. Ito ay dahil sa
kabutihan ng ating Manlilikha. At itong kabutihan o kagandahang-loob Niya ay nag
uugat sa pagmamahal. Ang Diyos ay nagtataglay ng walang kapantay na
pagmamahal. Ipinakita rin Niya ang kagandahang-loob sa mga taong makasalanan
at itinakwil ng lipunan. At sa makabagong panahon, may mga tao pa rin na
nagsusumikap na maipamalas ang kagandahang-loob sa kapwa.
Sagutin ang sumusunod:
1. Bakit mahalaga ang paggawa ng kabutihan sa kapwa?
2. Paano nalilinang ang pagkatao ng bawat indibidwal sa paggawa ng
kabutihan?
3. May hangganan ba ang paggawa ng kabutihan? Ipaliwanag.
4. Ano ang epekto ng paggawa ng kabutihan ating buhay?
Paghinuha ng Batayang Konsepto
Anong mahahalagang konsepto ang iyong natutunan mula sa aralin? Isulat
ang sagot sa mga kamay sa ibaba.
387
PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO
Pagganap
Gawain 1: “ KAGANDAHANG-LOOB, I-PATROL MO”
Pamilyar ba kayo sa mga programa sa radyo at telebisyon na
nagkakawanggawa? Nariyan ang Sagip Kapamilya, Lingkod Kapamilya, Wish Ko
Lang at Kapwa Ko Mahal Ko na patuloy na gumawa ng kabutihan sa kabila ng
pagsubok sa pakikipanayam sa lansangan. Ikaw, handa ka bang maging
Kabutihan/Kagandahan Patroler?
Panuto:
1. Magbuo ng grupo na may 3-4 na miyembro.
2. Sa gawaing ito kakailanganin mo ang gadyet tulad ng celfone na may video o
isang videocam.
3. Magmasid sa iyong pamayanan kung may pangangailangang dapat tugunan.
4. Maging sensitibo sa pangangailangan na kaya mong tugunan. Maaari ka rin
maging daan para humingi ng tulong sa kinauukulan.
5. Lagyan ito ng dokumentasyon sa pamamagitan ng mga makabagong gadyet.
6. Maaari mo itong i-upload sa iyong facebook, twitter account (kung mayroon) o
di kaya ipadala sa ilang mga program sa telebisyon na nagpapalabas ng mga
ganon uri ng gawa.
PAG-UUGNAY ng BATAYANG KONSEPTO sa PAG-UNLAD BILANG
TAO
Ano ang kabuluhan ng Batayang Konsepto sa iyong pag-unlad bilang
tao?
Ano-ano ang maaari mong gawin upang mailapat ang iyong pagkatuto sa
modyul na ito?
388
Rubric sa Pagganap – KAGANDAHANG-LOOB, I-PATROL MO!
Kraytirya/Puntos 4 3 2 1
Pagtugon sa
pangangailangan
ng kapwa.
Nakatugon
sa apat o
higit pa na
panga-
ngailangan
ng kapwa.
Nakatugon
sa tatlo na
panga-
ngailangan
ng kapwa.
Nakatugon
sa dalawang
panga-
ngailangan
ng kapwa.
Nakatugon sa
isa lamang na
panga-
ngailangan ng
kapwa.
Paggawa ng
dokumentaryo na:
- Malinaw ang
pagpapakita
ng kabutihan
- Maikli at
madaling
unawain
- Iginagalang
ang karapatan
ng mga taong
kabilang sa
gawain
- Malinaw ang
pagpa-
pahayag o
pagpapatrol
Nagpamala
s ng apat na
katangian
nakasaad
sa kraytirya
ng paggawa
ng doku-
mentaryo
Nagpamalas
ng tatlo sa
katangian
nakasaad sa
kraytirya ng
paggawa ng
dokumen-
taryo
Nagpamalas
ng dalawa sa
katangian
nakasaad sa
kraytirya ng
paggawa ng
dokumen-
taryo
Nagpamalas
ng isa lamang
na katangian
nakasaad sa
kraytirya ng
paggawa ng
dokumentaryo
Paglathala sa
mga programa o
social networking
site na may
karampatang
permiso.
Nailathala
ang apat o
higit pa na
kabutihang
nai-patrol.
Nailathala
ang tatlong
kabutihang
nai-patrol.
Nailathala
ang
dalawang
kabutihang
nai-patrol.
Nailathala ang
isa lamang na
kabutihang
nai-patrol.
Pagninilay
1. Magsulat ng pagninilay sa iyong journal tungkol sa konsepto ng
kabutihan/kagandahang-loob. Isaalang-alang ang mga sumusunod na dapat
bigyan ng diin:
- Sino ang mga taong natulungan ko at ano ang epekto sa kanilang buhay ng
pagtulong ko?
- Ano ang mensahe/aral na aking natutunan sa kagandahang-loob?
389
- Paano ko iko-komit ang aking sarili upang maisabuhay ang natutunang aral
sa paggawa ng kagandahang-loob?
- Sa paanong paraan ko hihikayatin gumawa ng maganda/mabuti ang mga
taong iyong ginawan nito?
Rubric sa PAGNINILAY
Mga Layunin:
1. Pagsulat ng pagninilay sa mga natuklasan sa konsepto at paggawa ng
kabutihan o kagandahang-loob sa kapwa.
2. Pagtukoy sa mga natulungan at epekto sa kanilang buhay.
3. Pagbibigay linaw sa aral o mensahe na dulot ng paggawa ng kagandahang-
loob.
4. Pagkomit na isabuhay ang natutunang aral sa paggawa ng kagandahang-
loob
Kraytirya/Puntos 4 3 2 1
Natukoy ang
mga taong
natulungan.
Natukoy
ang apat o
higit pa na
taong
natulungan.
Natukoy
ang tatlong
tao na
natulungan
.
Natukoy ang
dalawang tao
na
natulungan.
Isa lamang ang
natukoy na
taong
natulungan.
Nabanggit ang
epekto ng
paggawa ng
kabutihan sa
kapwa.
Nabanggit
ang apat o
higit pa na
epekto ng
paggawa ng
kabutihan
sa kapwa.
Nabanggit
ang tatlong
epekto ng
paggawa
ng
kabutihan
sa kapwa.
Nabanggit
ang
dalawang
epekto ng
paggawa ng
kabutihan sa
kapwa.
Isa lamang ang
nabanggit na
epekto ng
paggawa ng
kabutihan sa
kapwa.
Nakapagbigay
ng malinaw na
aral o mensahe
ng paggawa ng
Naipaliwana
g ng
tahasan at
malinaw
Naipaliwan
ag ang aral
o mensahe
ngunit may
Nakapagbiga
y ng aral o
mensahe ng
paggawa ng
Hindi malinaw
ang
pagpapahayag
ng aral o
390
kabutihan sa
kapwa.
ang aral o
mensaheng
nakuha sa
paggawa ng
kabutihan
pag-
aalinlangan
sa
kabutihang
nagawa.
kabutihan
ngunit hindi
maipaliwana
g.
mensaheng
nakuha sa
paggawa ng
kabutihan.
Nakapagkomit
na ipagpatuloy
na isabuhay ang
kabutihan
nagawa sa
kapwa.
Nangakong
gagawa ng
kabutihan
sa kapwa
ng apat o
higit pa na
beses.
Nangakong
gagawa ng
kabutihan
sa kapwa
ng tatlong
beses.
Nangakong
gagawa ng
kabutihan sa
kapwa ng
kahit
dalawang
beses.
Nangakong
gagawa ng
kabutihan sa
kapwa
makaisang
beses lamang.
Pagsasabuhay
Ang konsepto ng paggawa ng kagandahan o kabutihan ay maisasakatuparan
lamang kung iyong isasabuhay ito, hind lamang ngayong ikatlong markahan.
Maaarin itong ipagpatuloy hanggang sa susunod na taon. Narito ang indibidwal at
gawaing pangklase.
“Tree of Good Deeds”
Panuto para sa buong klase:
1. Ito ang mga kailangang gamitin:
- 1 Drift wood
- Mga pinatuyong sanga
- 1 matibay na pagtatayuan ng drift wood
- Mga plastic na dahon, kulay berde
- Tali o string para sa mga dahon
- Mga pakong bakya
Sa bahagi na ito ng pagsasabuhay, kung ang gagamit ng modyul na ito
ay indibidwal, hindi na kailangan gumawa ng tree of good deed para maging
lubos ang pagsasabuhay. Sa halip, kumuha ng isang halamang luntian na nasa
paso at sundin ang panuto / rubric sa pang-idibidwal na gawain.
391
2. Magtasking para kung sino ang gagawa nito:
- Maghahanda ng driftwood. (lilinisin, lalagyan ng pako)
- Magtatayo ng driftwood sa labas ng silid aralan o sa lugar
na makikita ng karamihan
- maghahanda ng mga plastic na dahon (lalagyan ng tali ang bawat dahon)
3. Narito ang detalye para sa tree of Good Deeds
- Pag ang puno ay tapos na maaari na itong gamitin. Sa pagkakataong ito ang
bawat isa ay may tungkulin ng dapat gampanan.
- Balikan ang konsepto ng kagandahang-loob na natutunan.
- Maging mulat sa paggawa araw-araw ng kabutihan/kagandahan sa kamag-
aral, magulang, kapatid, at sa iba-kilala o hindi kilala.
- Tandaan, sa bawat kabutihan o ginawa, may kaukulang dahon ka na
maisasabit sa puno. Sa bawat dahon na isasabit mo, maari mong isulat ang
nagawa mong maganda. Maari mo ring isulat ang iyong pangalan o pirmahan
ito.
- Ang puno ay dapat magkaroon ng buhay. Ang buhay nito ay nakasalalay sa
mga kabutihan/ kagandahang-loob o luntian dahon na maisasabit mo.
Rubric sa Pangkatang paggawa ng “TREE of GOOD DEEDS”
Layunin:
1. Paggawa ng “tree of good deeds” na magsisilbing paalala sa pagsasabuhay
ng patuloy na paggawa ng kagandahan sa kapwa.
2. Pagmalas ng galing sa pagbuo ng “tree of good deeds” sa pamamagitan ng
pagpili ng angkop na materyales, kulay, disenyo, lokasyon, atbp.
392
Kraytirya/Puntos 4 3 2 1
Pagkamalikhain sa
paggawa ng “tree of good
deeds” sa:
- pagpili ng angkop
na kulay,
- disenyo,
- anyo at
- balanse/proporsyon
Nagpakita
ng apat na
pamamara
an ng
pagiging
malikhain.
Nagpakita
ng tatlong
pamamara
an ng
pagiging
malikhain.
Nagpakita
ng
dalawang
pamamara
an ng
pagiging
malikhain.
Nagpakita
ng isang
pamamar
aan ng
pagiging
malikhain.
Pagpili ng materyales na:
- mura,
- pangmatagalan,
- kaakit-akit, at
- katutubo
Nakapili ng
materyales
ayon sa
apat na
katangian.
Nakapili ng
materyales
ayon sa
tatlong
katangian.
Nakapili ng
materyales
ayon
lamang sa
dalawang
katangian.
Nakapili
ng
materyale
s na may
isa
lamang na
katangian.
Paglagay ng “tree” sa
lokasyon na:
- may sapat na ilaw
- nakikita ng
karamihan
- “accessible” sa
lahat at
- maayos at malinis.
Nailagay
ang “tree of
good
deeds” sa
lokasyon
na
nagtatagla
y ng apat
na
katangian,
Nailagay
ang “tree of
good
deeds” sa
lokasyon
na
nagtatagla
y ng
tatlong
katangian,
Nailagay
ang “tree of
good
deeds” sa
lokasyon
na
nagtatagla
y ng
dalawang
katangian,
Nailagay
ang “tree
of good
deeds” sa
lokasyon
na
nagtatagla
y ng isa
lamang na
katangian,
Rubric para sa indibidwal na pagsasabuhay – “TREE of GOOD DEEDS”
Ang paggawa ng “tree of good deeds” ay kakatawan sa mga
kabutihan/kagandahang-loob na gagawin sa kapwa. Ito ay magiging bahagi ng pang
araw-araw na gawain hanggang sa matapos ang “school year”. Maaari din itong
gamitin sa susunod na taon, sa ika-siyam na baitang sa asignatura ng Edukasyon sa
Pagpapakatao.
393
Kraytirya/Puntos 4 3 2 1
Pagbigay buhay
sa puno sa
pamamagitan ng
paggawa ng
kabutihan sa:
- kapamilya
- kapitbahay
- kamag-aral
- awtoridad
- di kilalang
tao
- hayop o
bagay
Nakagawa
ng
kabutihan
sa lahat ng
mga
nabanggit
sa kraytirya
Nakagawa ng
kabutihan sa
kahit na
tatlong
nabanggit sa
kraytirya.
Nakagawa ng
kabutihan sa
kahit na
dalawang
nabanggit sa
kraytirya.
Nakagawa ng
kabutihan sa
isa lamang
na nabanggit
sa kraytirya.
Pagyabong ng
luntiang puno sa
pamamagitan ng
bilang ng dahon
naisasabit.
Nakapagsa
bit ng pito o
higit pa na
dahon sa
loob ng
isang lingo.
Nakapagsabit
ng limang
dahon sa
loob isang
lingo.
Nakapagsabit
ng tatlong
dahon sa
loob ng isang
lingo.
Nakapagsabit
ng isa
lamang na
dahon sa
loob ng isang
lingo.
Paghikayat sa
kapwa na gumawa
rin ng kabutihan
sa kapwa.
Nakahikayat
ng 4 na
ginawan ng
kabutihan
na gumawa
rin ng
mabuti sa
kapwa.
Nakahikayat
ng 3 na
ginawan ng
kabutihan na
gumawa rin
ng mabuti sa
kapwa.
Nakahikayat
ng 2 na
ginawan ng
kabutihan na
gumawa rin
ng mabuti sa
kapwa.
Nakahikayat
ng 1 na
ginawan ng
kabutihan na
gumawa rin
ng mabuti sa
kapwa.
Mga Kagamitang Kakailanganin:
1. Mga kopya ng tseklis sa Paunang pagtataya
2. Maigsing bond paper (2) , lapis, eraser, at ruler
3. Mga kopya ng Weez weez (Gawain 1 sa Paglinang…)
4. Kuwaderno sa Edukasyon sa Pagpapakatao
394
5. Computer at LCD para sa Multi-media presentation
6. Mga kopya ng worksheet –Mga Kamay (sa paghinuha ng Batayang
Konsepto)
7. Driftwood ( isa lamang para sa buong klase )
8. Mga pinatuyong sanga ng puno.
9. Artipisyal o gawa sa “recyclable” plastic bag na mga dahon (kinortihan at
ginupit)
10. String o tali para sa mga dahon
11. Pakong bakya
12. Marker
13. Journal notebook
Mga Sanggunian:
A. Print Source
Alejo, Fr. Alberto E. 1990. Tao Po! Tuloy! : Isang Landas ng Pag-unawa sa Loob ng
Tao. Quezon City. Ateneo De Manila University Office of Research and Publications.
De Mesa, Jose M. 1991. In Solidarity with Culture. Quezon City. Maryhill School of
Theology.
Dy, Manuel B. 2007. Mga Babasahin sa Pilosopiyang Moral. Loyola Schools, Ateneo
de Manila University.
Esteban, Ester J. 1990. Education in Values. Manila: Sinagtala Publications
Marte, Nonita C. et.al., 2008. Goodness in Service. Makati City: Don Bosco Press.
Punsalan, Twila G. et.al. 2008. Goodness in Me. Makati City: Don Bosco Press.
B. Web Source
Ikalawang Aklat ng Etika Nikomakeyo ayon kay Aristoteles.
http://etika107.blogspot.com/2004/09/ikalawang-aklat-ng-etika-nikomakeyo.html
Goodness: A Reflection of God.
http://www.suscopts.org/resources/literature/532/goodness-a-reflection-of-god/
The Goodness of God. http://bible.org/seriespage/goodness-god
Transcendence (Philosophy).
http://www.wikipedia.org/wiki/Transcendence_(philosophy)
395
www.philippinesnews.com
www.abs-cbnnews.com
www.graphicshunt.com
www.book-clipart.com
www.js210.K12.sd.us
www.clipartOf.com/15513
www.inmagine.com
www.webweaver.nu
www.netmagiconline
www.vector-images.com
www.gogram.com
http://www.youtube.com/watch?v=R0kA3fmX9Pw&feature=player_embedded
http://ph.video.search.yahoo.com/video/play;_ylt=A0S00xrUO4dQeEsAu3veRwx.;_yl
u=X3oDMTBrc3VyamVwBHNlYwNzcgRzbGsDdmlkBHZ0aWQD?p=kindness&vid=A
BCFC0A49AA754474089ABCFC0A49AA754474089&l=4%3A25&turl=http%3A%2F
%2Fts3.mm.bing.net%2Fth%3Fid%3DV.4618988984664110%26pid%3D15.1&rurl=h
ttp%3A%2F%2Fwww.godtube.com%2Fwatch%2F%3Fv%3DWD7GWPNX&tit=Simpl
e+Acts+of+Kindness+-+Heartwarming!!+-
+Inspirational+Videos&c=16&sigr=1180rlh9f&b=31&fr=yfp-t-711
C. Ibang sanggunian:
Dy, Dr. Manuel. 2012. Lecture on Pagkatao ng Tao, K-12 Curriculum for Edukasyon
sa Pagpapakatao. Manila.

More Related Content

What's hot

Paggawa ng mabuti sa kapwa
Paggawa ng mabuti sa kapwaPaggawa ng mabuti sa kapwa
Paggawa ng mabuti sa kapwaMaricar Valmonte
 
Paggawa ng kabutihan sa kapwa
Paggawa ng kabutihan sa kapwaPaggawa ng kabutihan sa kapwa
Paggawa ng kabutihan sa kapwaMartinGeraldine
 
Talento Mo, Tuklasin, Kilalanin at Paunlarin
Talento Mo, Tuklasin, Kilalanin at PaunlarinTalento Mo, Tuklasin, Kilalanin at Paunlarin
Talento Mo, Tuklasin, Kilalanin at PaunlarinVincentDanteConde
 
ESP 8 FIRST QUARTER.pptx
ESP 8 FIRST QUARTER.pptxESP 8 FIRST QUARTER.pptx
ESP 8 FIRST QUARTER.pptxroelmahilumII
 
Edukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalim
Edukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalimEdukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalim
Edukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalimSherlyn Tapales
 
3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...
3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...
3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...MaamAraJelene
 
Modyul 6 - Pakikipagkaibigan
Modyul 6 - PakikipagkaibiganModyul 6 - Pakikipagkaibigan
Modyul 6 - PakikipagkaibiganJared Ram Juezan
 
Esp 10 modyul 10 Pagmamahal sa bayan
Esp 10 modyul 10 Pagmamahal sa bayanEsp 10 modyul 10 Pagmamahal sa bayan
Esp 10 modyul 10 Pagmamahal sa bayanThelma Singson
 
ESP 7 Modyul 14 Ang Kahalagahan ng Mabuting Pagpapasiya
ESP 7  Modyul 14 Ang Kahalagahan ng Mabuting PagpapasiyaESP 7  Modyul 14 Ang Kahalagahan ng Mabuting Pagpapasiya
ESP 7 Modyul 14 Ang Kahalagahan ng Mabuting PagpapasiyaRoselle Liwanag
 
Ang pamilya bilang natural na institusyon
Ang pamilya bilang natural na institusyon Ang pamilya bilang natural na institusyon
Ang pamilya bilang natural na institusyon Reinaliza Perido
 
EsP 8 Modyul 5 Ang Pakikipagkapwa
EsP 8 Modyul 5 Ang PakikipagkapwaEsP 8 Modyul 5 Ang Pakikipagkapwa
EsP 8 Modyul 5 Ang PakikipagkapwaMich Timado
 
Grade 7 Isip at Kilos-loob
Grade 7 Isip at Kilos-loobGrade 7 Isip at Kilos-loob
Grade 7 Isip at Kilos-loobBridget Rosales
 
MODYUL 1: MGA ANGKOP AT INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALA...
MODYUL 1: MGA ANGKOP AT INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALA...MODYUL 1: MGA ANGKOP AT INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALA...
MODYUL 1: MGA ANGKOP AT INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALA...Glenda Acera
 
Pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatanda
Pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatandaPagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatanda
Pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatandaYhanzieCapilitan
 

What's hot (20)

Paggawa ng mabuti sa kapwa
Paggawa ng mabuti sa kapwaPaggawa ng mabuti sa kapwa
Paggawa ng mabuti sa kapwa
 
EsP 8 : Modyul 9
EsP 8 : Modyul 9EsP 8 : Modyul 9
EsP 8 : Modyul 9
 
Paggawa ng kabutihan sa kapwa
Paggawa ng kabutihan sa kapwaPaggawa ng kabutihan sa kapwa
Paggawa ng kabutihan sa kapwa
 
Pagsunod at paggalang
Pagsunod at paggalangPagsunod at paggalang
Pagsunod at paggalang
 
Module 5 pakikipagkapwa
Module 5 pakikipagkapwaModule 5 pakikipagkapwa
Module 5 pakikipagkapwa
 
M8 ppt
M8 pptM8 ppt
M8 ppt
 
Talento Mo, Tuklasin, Kilalanin at Paunlarin
Talento Mo, Tuklasin, Kilalanin at PaunlarinTalento Mo, Tuklasin, Kilalanin at Paunlarin
Talento Mo, Tuklasin, Kilalanin at Paunlarin
 
ESP 8 FIRST QUARTER.pptx
ESP 8 FIRST QUARTER.pptxESP 8 FIRST QUARTER.pptx
ESP 8 FIRST QUARTER.pptx
 
Edukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalim
Edukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalimEdukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalim
Edukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalim
 
3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...
3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...
3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...
 
Modyul 6 - Pakikipagkaibigan
Modyul 6 - PakikipagkaibiganModyul 6 - Pakikipagkaibigan
Modyul 6 - Pakikipagkaibigan
 
Esp 10 modyul 10 Pagmamahal sa bayan
Esp 10 modyul 10 Pagmamahal sa bayanEsp 10 modyul 10 Pagmamahal sa bayan
Esp 10 modyul 10 Pagmamahal sa bayan
 
ESP 7 Modyul 14 Ang Kahalagahan ng Mabuting Pagpapasiya
ESP 7  Modyul 14 Ang Kahalagahan ng Mabuting PagpapasiyaESP 7  Modyul 14 Ang Kahalagahan ng Mabuting Pagpapasiya
ESP 7 Modyul 14 Ang Kahalagahan ng Mabuting Pagpapasiya
 
Ang pamilya bilang natural na institusyon
Ang pamilya bilang natural na institusyon Ang pamilya bilang natural na institusyon
Ang pamilya bilang natural na institusyon
 
EsP 8 Modyul 5 Ang Pakikipagkapwa
EsP 8 Modyul 5 Ang PakikipagkapwaEsP 8 Modyul 5 Ang Pakikipagkapwa
EsP 8 Modyul 5 Ang Pakikipagkapwa
 
Panloob na salik
Panloob na salikPanloob na salik
Panloob na salik
 
Grade 7 Isip at Kilos-loob
Grade 7 Isip at Kilos-loobGrade 7 Isip at Kilos-loob
Grade 7 Isip at Kilos-loob
 
EsP 8 Modyul 2
EsP 8 Modyul 2EsP 8 Modyul 2
EsP 8 Modyul 2
 
MODYUL 1: MGA ANGKOP AT INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALA...
MODYUL 1: MGA ANGKOP AT INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALA...MODYUL 1: MGA ANGKOP AT INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALA...
MODYUL 1: MGA ANGKOP AT INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALA...
 
Pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatanda
Pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatandaPagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatanda
Pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatanda
 

Similar to Baitang 8_EsP_LM_Module 11_March.16.2013.doc

may 6,2021.pptx
may 6,2021.pptxmay 6,2021.pptx
may 6,2021.pptxKah Molina
 
G8 ppt MODULE 10 new.pptx
G8 ppt MODULE 10 new.pptxG8 ppt MODULE 10 new.pptx
G8 ppt MODULE 10 new.pptxmaryannnavaja1
 
Homeroo Guidance Program Quarter 3 W1.pptx
Homeroo Guidance Program Quarter 3 W1.pptxHomeroo Guidance Program Quarter 3 W1.pptx
Homeroo Guidance Program Quarter 3 W1.pptxHenryViernes
 
Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao 8 unang araw
Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao 8 unang arawBanghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao 8 unang araw
Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao 8 unang arawJenny Rose Basa
 
First-Quarter-Week-2-ESP.pptx
First-Quarter-Week-2-ESP.pptxFirst-Quarter-Week-2-ESP.pptx
First-Quarter-Week-2-ESP.pptxMarivicYang1
 
LESSON 10 PAGGALANG at pagsunod Edukasyon
LESSON 10 PAGGALANG at pagsunod EdukasyonLESSON 10 PAGGALANG at pagsunod Edukasyon
LESSON 10 PAGGALANG at pagsunod EdukasyonMercedesSavellano2
 
Aralin 10 Paggalang sa Nakatatanda.pptx
Aralin 10 Paggalang sa Nakatatanda.pptxAralin 10 Paggalang sa Nakatatanda.pptx
Aralin 10 Paggalang sa Nakatatanda.pptxMercyUSavellano
 
ESP8 Ang Paggawa ng Mabuti sa Kapwa.pptx
ESP8 Ang Paggawa ng Mabuti sa Kapwa.pptxESP8 Ang Paggawa ng Mabuti sa Kapwa.pptx
ESP8 Ang Paggawa ng Mabuti sa Kapwa.pptxShannenMayGestiada3
 
EsP-9-Modyul-5.ppt
EsP-9-Modyul-5.pptEsP-9-Modyul-5.ppt
EsP-9-Modyul-5.pptTrebor Pring
 
GRADE5_ESP-Copy.pptx kfdawrdtyrghvhgsrrtst
GRADE5_ESP-Copy.pptx kfdawrdtyrghvhgsrrtstGRADE5_ESP-Copy.pptx kfdawrdtyrghvhgsrrtst
GRADE5_ESP-Copy.pptx kfdawrdtyrghvhgsrrtstaddelleOrendain
 
DLL ESP (MELCs) W5.docxeeeeeeeeeeeeeeeee
DLL ESP (MELCs) W5.docxeeeeeeeeeeeeeeeeeDLL ESP (MELCs) W5.docxeeeeeeeeeeeeeeeee
DLL ESP (MELCs) W5.docxeeeeeeeeeeeeeeeeeMaritesOlanio
 
MGA ANGKOP AT INAASAHAN KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALAGA AT PAGBI...
MGA ANGKOP AT INAASAHAN KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALAGA AT PAGBI...MGA ANGKOP AT INAASAHAN KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALAGA AT PAGBI...
MGA ANGKOP AT INAASAHAN KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALAGA AT PAGBI...Cristy Barsatan
 
ESP 8 - Pagmamahal sa Diyos Lecture.pptx
ESP 8 - Pagmamahal sa Diyos Lecture.pptxESP 8 - Pagmamahal sa Diyos Lecture.pptx
ESP 8 - Pagmamahal sa Diyos Lecture.pptxGeraldineMatias3
 

Similar to Baitang 8_EsP_LM_Module 11_March.16.2013.doc (20)

may 6,2021.pptx
may 6,2021.pptxmay 6,2021.pptx
may 6,2021.pptx
 
G8 ppt MODULE 10 new.pptx
G8 ppt MODULE 10 new.pptxG8 ppt MODULE 10 new.pptx
G8 ppt MODULE 10 new.pptx
 
Homeroo Guidance Program Quarter 3 W1.pptx
Homeroo Guidance Program Quarter 3 W1.pptxHomeroo Guidance Program Quarter 3 W1.pptx
Homeroo Guidance Program Quarter 3 W1.pptx
 
Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao 8 unang araw
Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao 8 unang arawBanghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao 8 unang araw
Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao 8 unang araw
 
First-Quarter-Week-2-ESP.pptx
First-Quarter-Week-2-ESP.pptxFirst-Quarter-Week-2-ESP.pptx
First-Quarter-Week-2-ESP.pptx
 
Grade 6 PPT_ESP_Q1_W10.pptx
Grade 6 PPT_ESP_Q1_W10.pptxGrade 6 PPT_ESP_Q1_W10.pptx
Grade 6 PPT_ESP_Q1_W10.pptx
 
LESSON 10 PAGGALANG at pagsunod Edukasyon
LESSON 10 PAGGALANG at pagsunod EdukasyonLESSON 10 PAGGALANG at pagsunod Edukasyon
LESSON 10 PAGGALANG at pagsunod Edukasyon
 
2Q-EsP8-WENG-M5_Week-2.pptx
2Q-EsP8-WENG-M5_Week-2.pptx2Q-EsP8-WENG-M5_Week-2.pptx
2Q-EsP8-WENG-M5_Week-2.pptx
 
Aralin 10 Paggalang sa Nakatatanda.pptx
Aralin 10 Paggalang sa Nakatatanda.pptxAralin 10 Paggalang sa Nakatatanda.pptx
Aralin 10 Paggalang sa Nakatatanda.pptx
 
ESP8 Ang Paggawa ng Mabuti sa Kapwa.pptx
ESP8 Ang Paggawa ng Mabuti sa Kapwa.pptxESP8 Ang Paggawa ng Mabuti sa Kapwa.pptx
ESP8 Ang Paggawa ng Mabuti sa Kapwa.pptx
 
ESP MODYUL-13
ESP MODYUL-13ESP MODYUL-13
ESP MODYUL-13
 
Modyul 10
Modyul 10Modyul 10
Modyul 10
 
Modyul 9
Modyul 9Modyul 9
Modyul 9
 
EsP-9-Modyul-5.ppt
EsP-9-Modyul-5.pptEsP-9-Modyul-5.ppt
EsP-9-Modyul-5.ppt
 
Es p grade 9 3rd quarter
Es p grade 9 3rd quarterEs p grade 9 3rd quarter
Es p grade 9 3rd quarter
 
GRADE5_ESP-Copy.pptx kfdawrdtyrghvhgsrrtst
GRADE5_ESP-Copy.pptx kfdawrdtyrghvhgsrrtstGRADE5_ESP-Copy.pptx kfdawrdtyrghvhgsrrtst
GRADE5_ESP-Copy.pptx kfdawrdtyrghvhgsrrtst
 
DLL ESP (MELCs) W5.docxeeeeeeeeeeeeeeeee
DLL ESP (MELCs) W5.docxeeeeeeeeeeeeeeeeeDLL ESP (MELCs) W5.docxeeeeeeeeeeeeeeeee
DLL ESP (MELCs) W5.docxeeeeeeeeeeeeeeeee
 
birtud.docx
birtud.docxbirtud.docx
birtud.docx
 
MGA ANGKOP AT INAASAHAN KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALAGA AT PAGBI...
MGA ANGKOP AT INAASAHAN KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALAGA AT PAGBI...MGA ANGKOP AT INAASAHAN KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALAGA AT PAGBI...
MGA ANGKOP AT INAASAHAN KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALAGA AT PAGBI...
 
ESP 8 - Pagmamahal sa Diyos Lecture.pptx
ESP 8 - Pagmamahal sa Diyos Lecture.pptxESP 8 - Pagmamahal sa Diyos Lecture.pptx
ESP 8 - Pagmamahal sa Diyos Lecture.pptx
 

Recently uploaded

FILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptx
FILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptx
FILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxlaranangeva7
 
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdfEdbrianMarkMApostol
 
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptxYollySamontezaCargad
 
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxMga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxNaennylMTanuban
 
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)RonalynGatelaCajudo
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxJeneferSaloritos
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxChristineJaneWaquizM
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYANaennylMTanuban
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...erickacalugcugan001
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxEduardoReyBatuigas2
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationkimdavidmerana03
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxAJAdvin1
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptxBernsPadua
 
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxG9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxCharmaineMacailan1
 
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNNPagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNNRenzlorezo
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxMaestroSonnyTV
 
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1NorbileneCayabyab1
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxlericacbrocano
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxlevyandhrei14
 

Recently uploaded (20)

FILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptx
FILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptx
FILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptx
 
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
 
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
 
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxMga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
 
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
 
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxG9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
 
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNNPagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
 
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
 

Baitang 8_EsP_LM_Module 11_March.16.2013.doc

  • 1. 370 Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 8 Ikatlong Markahan MODYUL 11: ANG KAGANDAHANG-LOOB SA KAPWA Ano ang Inaasahang Maipamamalas Mo? Maganda ka ba? Sa panahong ito pag ikaw ay tinanong kung ikaw ay maganda ang unang papasok sa isipan ng karamihan ay ang panlabas na kaanyuan. Ang panlabas ba na kaanyuan ang sukatan ng kagandahan ng isang tao? Sa modyul na ito ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa kagandahang-loob ay magsisilbing gabay mo sa mapanagutang pagsasabuhay ng mabuting gawain na tutugon sa pangangailangan ng mga kapwa mo mag-aaral, ibang mga kabataan, at nang ibang nilikha dito sa mundo. Pinag-aralan mo sa nakaraan modyul ang pagsunod at paggalang. Naipamalas mo bilang mag-aaral ang pang-unawa sa pagiging masunurin at magalang sa iyong magulang, nakatatanda at nasa kapangyarihan. Kasunod nito ay naisagawa mo ang angkop na kilos na nararapat para sa gawain ng pagsunod at paggalang. Natukoy mo ang bunga ng hindi pagtalima at ang mga paglabag na maaari mong gawin sa iyong magulang, nakatatanda at mga nasa kapangyarihan. Nahinuha mo na ang pagsunod at paggalang sa kanila ay dahil sa pagmamahal, sa malalim na pananagutan at pagkilala mo na sila ay kaloob ng Diyos. Ang iyong magulang, mga nakatatanda at nasa kapangyarihan ay binigyang awtoridad ng Diyos upang mahubog, mabantayan at mapalakas ang mga halaga dito sa mundo. At dahil sa mga nabanggit, ikaw na kabataan ngayon ay inaasahang maging maimpluwensiya sa iba pang kabataan sa aspeto ng pagsunod at paggalang sa lahat. Inaasahang gagamitin mo ang lahat ng mga pag-unawang ito upang maipamalas mo ang mga layuning pampagkatuto na inaasahan sa modyul na ito. Sa huli’y inaasahang masasagot mo ang mahahalagang tanong na: Bakit kailangan ng tao ang magpakabuti o ipamalas ang kagandahang-loob? Paano ka magiging mabuti sa iyong kapwa?
  • 2. 371 Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa: 1. Nagugunita ang kagandahang-loob na ginawa sa kapwa at mga pangangailangan nila na natugunan. 2. Nasusuri ang mga kadahilanan sa pagpapamalas ng kagandahang-loob sa kapwa. 3. Naipaliliwanag ang batayang konsepto. 4. Naisasagawa ang mga angkop na kilos sa isang mabuting gawaing tumutugon sa pangangailangan ng kapwa. Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng awtput mo ika-apat na bilang: a. Makagawa ng malinaw at makatotohanang plano ng pagpapamalas ng kagandahang-loob sa loob ng paaralan o sa lipunan b. Maisagawa ang indibidwal at pangkatan na gawain sa bawat araw c. Magkaruon ng awtput na nagpapatunay ng pagsasagawa ng kagandahang-loob. d. May kalakip na pagninilay tungkol sa kanilang karanasan at epekto ng pangkatang at indibidwal na gawain sa kanilang pagkatao at pakikipagkapwa. PAUNANG PAGTATAYA Maganda ba ang iyong Kalooban? Panuto: 1. Narito ang tseklis na susukat kung ikaw ay may kagandahang-loob.Iyong suriin ang mga sumusunod na sanaysay at i-rate mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek ( / ) kung palagi, paminsan-minsan, bihira, o di mo kailanman ginawa ang mga nakasaad.
  • 3. 372 2. Pagkatapos ay kunin mo ang pangkalahatang iskor at tingnan mo sa susunod na pahina ang katumbas nitong interpretasyon o paglalarawan. Mga kilos o gawa na nagpapakita ng kagandahang-loob sa kapwa Palagi (4) Paminsan- minsan (3) Madalang (2) Hindi Kailanman (1) Sa tahanan: 1. Ako ay tumutulong sa mga gawain-bahay. 2. Ako ay sumusunod sa aking mga magulang at nakatatanda. 3. Ako ay may pag-aalala sa kabuhayan ng aking pamilya. Sa komunidad: 4. Aking kinikilala at kakilala ko ang aking kapit-bahay 5. Ako ay nagbibigay ng tulong sa abot ng aking makakaya sa mga organisasyon at institusyon. (sa simbahan, sa Caritas..) 6. Ako ay nakikisuyo ng may paggalang sa aking kapwa. ( sa dyip o mga pampublikong lugar). 7. Ako ay may malasakit sa mga ibang nilalang tulad ng hayop at mga halaman gayon na rin sa kalikasan
  • 4. 373 Sa paaralan: 8. Ako ay nakikitungo ng buong katapatan sa aking mga kamag-aral. 9. Ako ay bumabati ng may paggalang sa mga guro at opisyal ng paaralan. 10. Ako ay nakikitungo ng mabuti sa ibang magulang, mga janitor at iba pang- manggagawa sa loob ng paaralan. 11. Ako ay tumutulong sa taong may pangangailangan. 12. Naipamamalas ko ang kagandahang-loob sa pangaraw-araw kong pamumuhay. Kabuuan/Iskor Pangkalahatang Iskor
  • 5. 374 PAGLALARAWAN/INTERPRETASYON Saklaw ng Iskor Katumbas na Paglalarawan Interpretasyon 3.01- 4.00 Palagi (Always) Ikaw ay may angking kagandahang-loob. Napahahalagahan mo ang kapakanan ng iyong kapwa. Ipagpatuloy mo. 2.01- 3.00 Paminsan-minsan (Sometimes) Likas sa iyo ang kagandahang-loob kaya nga lamang ay may maliit kang pagtatangi sa paggawa mo nito. Maging masigasig sa pagpapamalas nito. 1.01-2.00 Madalang ( Seldom) Ang paggawa mo ng magandang bagay sa kapwa ay bihira. Maaaring may takot ka o pag-aalinlangan na dapat iwaksi mo upang ang likas na kagandahang- loob mo ay maipamalas sa kapwa. 0.01-1.00 Hindi Kailanman (Never) Likas sa atin ang kagandahang-loob ngunit marami kang agam-agam sa pakikipagkapwa. Iyong suriin ang sarili mo upang malinang ang kagandahang-loob.
  • 6. 375 PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN Nakagawa ka na ba ng kagandahang-loob sa kapwa? Sino ang ginawan mo nito? Gawain 1 1. Tukuyin mo kung sino ang nagawan mo ng maganda sa nakaraan mga araw. 2. Sa isang maigsing bond paper, gumuhit ng tulad ng nasa ibabang halimbawa. 3. Ang tao na nasa kanan mo ay ikaw. Isulat mo ang iyong pangalan sa may dibdib. Ang nasa kaliwa ay kumakatawan sa mga taong nagawan mo ng kabutihan nitong nagdaang mga araw. 4. Isulat mo ang pangalan nila sa bandang itaas ng kanilang ulo. 5. Sa loob ng “arrow” isulat kung ano ang ginawa mong kabutihan para sa kanila. Sa labas ng “arrow”, tukuyin kung anong edad mo nagawa ang kagandahang yaon.(nuong ikaw ay walo, sampung taon....)
  • 7. 376 6. Tukuyin mo din kung anong pangangailangan nila ang natugunan mo. Isulat sa loob ng kanilang bago maleta. Sagutin ang mga tanong Kailan ka huling gumawa ng kagandahang-loob? Ano ang iyong naramdaman matapos kang gumawa ng maganda? May maganda bang bunga ang paggawa mo ng kabutihan? Gawain 2 (Dyad) Frendz Tau Maghanap ng kapareha upang maibahagi mo ang natuklasan. Narito ang gabay sa pakikipag-dyad: a. Tao o mga taong ginawan ng kabutihan b. Dahilan at naging mabuti ka c. Pamamaraan kung paano ka mabuti sa kanila d. Pangangailangan ng iyong kapwa e. Kadalasan ang paggawa ng kabutihan ay nagkakaroon ng limitasyon. Nanaisin na lamang natin gumawa o magpakabuti sa mga taong alam natin masusuklian ang ating ginawa.Sa pagkakataon yaon, masusubok ang ating pagiging tao na may kabutihan o kagandahang-loob.
  • 8. 377 PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA Natukoy at naibahagi mo kung sino ang nagawaan mo ng kagandahang-loob sa nagdaan mga araw. Pati na rin ang mga pangangailangan nila na natugunan mo sa payak mong pamamaraan. Ngayon sa pamamagitan ng gawain na sumusunod malilinang pa ang iyong kaalamanan sa konsepto ng kagandahang- loob. Weez weez Gawain 1 1. Narito ang larawan ng isang hardinero na kumakatawan sa iyo. Hawak niya ang kanyang pandilig na may tubig na magbibigay lakas at sustansiya sa mga halaman. Ang mga halaman na iyon ay ang mga tao na nagawan mo ng kagandahang-loob. 2. Makikita mo rin sa larawan ang bawat patak ng tubig. Ang mga patak na ito ay sumasagisag sa mga kadahilanan kung bakit mo pinamalas ang iyong kagandahang- loob sa kanila. 3. Isulat mo ang dahilan kung bakit ka gumawa ng maganda sa mga taong nabanggit mo sa Gawain 1 sa Pagtuklas ng Dating Kaalamanan.
  • 9. 378 May napagtanto ka ba sa katatapos na gawain? Mahirap bang harapin ang hamon ng kagandahang-loob sa kapwa? RUBRIC PARA SA PAGSUSURI NG SARILI (Activity: Weez-weez) Kraytirya/Puntos 2 1 0 Natutukoy ang mga taong pinakitaan ng kagandahang- loob. May apat o higit pang natukoy na mga taong napakitaan ng kagandahang- loob May natukoy na isa hanggang tatlo na napakitaan ng kagandahang-loob Walang magunita o matukoy na ginawan ng kagandahang- loob. Nasusuri ang kadahilanan sa pagpapamalas ng kagandahang- loob sa kapwa May nasuring 3 o higit pa na magkakaibang kadahilanan sa pagpapamalas ng kagandahang- loob. May isa o dalawang kadahilan na nasuri sa paggawa ng maganda sa kapwa. Walang kakayahan suriin ang mga bagay o kadahilanan ng paggawa ng maganda sa kapwa. Naipapaliwanag ng mabuti ang mga kadahilanan sa paggawa ng maganda sa kapwa. May higit sa tatlong paliwanag na naipahayag tungkol sa kadahilanang nasuri. May isa o dalawang paliwanag na naipahayag tungkol sa kadahilanang nasuri. Hindi maipaliwanag ang kadahilanan sa paggawa ng maganda sa kapwa. Gawain 2 Panuto: Sa iyong kuwaderno, sagutan ang mga sumusunod na tanong sa higit sa tatlong pangungusap. Maging matapat sa iyong pagsagot. Matapos ang pagsagot, humanap ng dalawang tao/kamag-aral/kaibigan na maibabahagi ang naging mga sagot mo. 1. Sa mga naisaad mong kadahilanan ng iyong pagtulong, ano sa mga ito ang masasabi mong pinaka-pangunahing dahilan? Bakit?
  • 10. 379 2. Sa iyong palagay, ang pagtulong ba ay para lamang sa mga kaibigan at malapit sa iyo? Papaano mo tutulungan ang mga taong nakasamaan mo ng loob o nakagalit? 3. Saan nga ba nag-uugat ang paggawa ng kagandahan? 4. Ang paggawa ba ng kabutihan o kagandahang-loob ay nangangahulugang pagpapakatao? Ipaliwanag ang iyong sagot? C. PAGPAPALALIM ANG KAGANDAHANG-LOOB SA KAPWA Mabuti ka ba? Ang buhay dito sa mundo ay masasabing walang katiyakan. Iniluwal ang bawat nilalang sa oras na walang nakaaalam at ang buhay na kaloob na ito ay maaaring mawala o bawiin sa takdang oras. Kaya naman nararapat na gawin ng tao ang kanyang tungkulin habang naririto siya sa mundong ibabaw. Isa na sa kanyang moral na responsibildad ay ang ipamalas ang kabutihan o kagandahang-loob sa kapwa. Mga Kaganapan sa Kasalukuyan Sa kasalukuyang panahon maririnig at mapapanood sa mga programa tagapag-balita ang iba’t ibang salaysay ng mga krimeng nagaganap sa ating bansa at sa buong mundo tulad na lamang sa Tsina. Isang munting bata, hinayaang masagasaan ng dumadaan na sasakyan at walang pakundangan iniwan sa daan. Dito sa ating bansa nuong nakaraang taon, isang MMDA traffic enforcer ang pinagalitan at sinaktan ng isang pribadong mamamayan. Sa isa pang kaganapan, isang bata na nasa unang baitang ang napatay ng isa ring mag-aaral na
  • 11. 380 nasa ika-limang baitang nang dahil lamang sa paglalaro ng holen. At ang huli, isang kasambahay minaltrato nang kanyang amo sa pamamagitan ng pag-plantsa ng kanyang mukha, pagkukulong, at pagpapakain ng sirang pagkain. Tila nagiging mahirap ng magpakabuti o magpakita ng kagandahang-loob sa kapwa. Tunay na bang nawala ang kabutihan/kagandahang-loob dito sa mundo? Napakasakit matunghayan at maramdaman na may mga pangyayaring ganito. Ang kabutihan o kagandahang-loob ay isa sa mahirap unawain at maisabuhay lalo na kung ang pakikipagkapwa ang tatalakayin. Ano nga ba ang kahulugan ng kabutihan o kagandahang-loob? Ano ang kinalaman nito sa pakikipagkapwa? Kahulugan ng Kabutihan at Kagandahang-loob Ang salitang kabutihan o kagandahang-loob ay magkasingkahulugan. Ang una ay hango sa salitang-ugat na buti na nangahulugang kaaya-aya, kaayusan, at kabaitan. Ang kagandahang-loob naman ay hango sa dalawang payak na salita na ganda at loob. Ang loob ay tumutukoy sa “inner self o real self”. Ang “inner or real self” na tinatawag ay ang kakanyahan ng tao. Dito sa “inner self” na ito naruroon ang tunay na kahalagahan o silbi ng isang tao. At ayon sa ilang may-akda, ang lahat ng “values” at birtud ng tao ay bumubukal sa kabutihan o kagandahang-loob. Kaligayahan, Kabutihan o Kagandahang-loob ayon sa Etika ni Aristoteles Sa naisaad na kahulugan ng kabutihan o kagandahang-loob binigyang lalim ito ni Aristotle, isang Griyegong pilosoper. Siya ay estudyante ni Plato at guro ni Alexander the Great. Ang kanyang pilosopiya ay nagkaroon ng pangmatagalang impluwensya sa pag-unlad ng lahat ng “Western philosophy”. Isa sa mga etikang naisulat ni Aritoteles ay ang Etika Nikomakiya. Dito sa nabanggit na etika ay tinalakay niya ang kaligayahan. Bago niya pinalawig ang tungkol sa kaligayahan, binigyan diin niya kung ano ang pagpapakatao. Ayon sa kaniya, hindi ang pagsunod sa mga iniidolo nakasalig ang pagiging tao na tao. Ang pagpapakatao ay naguugat sa kalikasan niyang magpakatao at ang pagkilos na may layunin (telos). Para kay Aristoteles, ang “ultimate end” o huling layunin ng tao ay ang kaligayahan. Pero saan ba natin masusumpungan ang kaligayahan? Ang kaligayahan ay maaaring nasa kasarapan, karangyaan o yaman sa buhay. Ito ay
  • 12. 381 nasa karangalan na maibibigay ng ibang tao. At ang kaligayahan ay maaaring nasa birtud na moral. Kailangan ba natin ang mga yaong nabanggit? Kinakailangan pa rin ng tao ang kasarapan, karangalan at moral na birtud ngunit isaisip na ang kaligayahan ay may angking katangian. Ito ay pangmatagalan, may kasarinlan, aktibo at panghabang-buhay. Mula sa mga katangian na nabanggit, dito makikita na ang layunin makagawa ng maganda o mabuti ay ang magbibigay kaligayahan sa tao. Ang tao ay magiging lubos ang pagpapakatao kung siya ay makikipag-kapwa tao. Ayon pa rin sa etika ni Aristotle isinasaad na: a. Ang birtud ay isang anyo ng kabutihan o kagandahang-loob. Ang birtud tulad ng katapatan, kawanggawa, kalinisan, mapagpatawad, mapag- bigay at pagiging maawain ay ilan lamang sa pagkakataon kung saan kongkretong mamalas ang kagandahang-loob o kabutihan. b. Ang pangalagaan ang kabutihan ng kapwa ay isang karangalan. Isang marangal na gawain ang isa-puso at isip ang mapanatili ang kabutihan ng ating kapwa. Kaakibat nito ay ang pagkakaroon ng malasakit sa kapakanan ng iba.
  • 13. 382 PAKIKIPAGKAPWA KABUTIHAN/ KAGANDAHANG LOOB LOOB INNERSELF TAO c. Ang bigyan kasiguruhan ang kabutihan nang nakararami ay marangal at banal. Isa sa makapagpapatunay sa isinaad ni Aristotle sa kanyang etika ay si Mother Teresa of Calcutta. Nagawa ni Mother Teresa na bigyan ng pag-asa at pagkalinga ang mas higit na may pangangailangan sa lansangan. Kaya naman, kahit nabubuhay pa lamang siya ay itinuring na siyang isang banal. Kaligayahan, Kagandahang-Loob/Kabutihan at Pagkatao ng Tao Dayagram 1 Ugnayan ng Loob, Kabutihan/Kagandahang-Loob, Pakikipagkapwa at Kaligayahan Matapos na mapukaw ang iyong kaisipan sa mga pangyayari sa panahon na ito na may kinalaman sa kagandahang-loob, mapagtanto mo ang kahulugan nito at mabatid ang pilosopiya ni Aristoteles, iyong pagmasdan ang dayagram sa itaas. Makikita mo ang ugnayan ng pagkatao, kalooban ng tao sa kabutihan o kagandahang-loob. Ang kabutihan o kagandahang-loob ng idibidwal ay tunay na naguugat sa kanyang pagkatao. Likas sa tao ang pagiging maganda o mabuti dahil may paniniwala na ang lahat ng nilikha sa una ng Diyos ay kaaya-aya, maayos at may angkin kabutihan. Kaya naman ang tao ay ginawa bilang tagapangasiwa ng bawat nilalang dito sa sanlibutan.
  • 14. 383 Ang tao bilang persona ayon kay Santo Tomas de Aquino, ay indibidwal na maaring tumindig sa sarili niya dahil sa kanyang kamalayan at kalayaan. Ang tao dahil siya ay persona ay origihal ang kabutihan, at ang paggawa ng mabuti ay pagpakapersona, o pagpakatao. (Dy, 2012 ) Ang angkin kabutihan o kagandahang-loob ng tao ay nakaugat sa kanyang loob. Ang loob ng tao ang siyang nagsisilbing munting tinig na gagabay o gumagabay sa bawat kilos nito. Ang pagkakaroon ng likas na kagandahang-loob ang magbibigay daan para sa pakikipagkapwa. At ang pakikipag-kapwa tao ang siyang magbibigay kaligayahan sa tao na siyang huling layunin ng tao. Kabutihan o Kagandahang-loob bilang Ekspresyon ng Magandang Buhay Napag-alamanan mo ang ugnayan ng loob, kabutihan at pakikipagkapwa ayon sa aral ni Santo Tomas at ng iba pang mga pilosper. Ngayon ay bigyan diin ang kabutihan bilang repleksyon ng isang magandang buhay. Ang kagandahang-loob sa kapwa ay isang ekspresyon nang kagandahan ng buhay. Ang kabutihan o kagandahang-loob ay maipaliliwanag sa iba’t ibang pagkaunawa: 1. Ang tao ay nilikha kawangis ng Diyos na Manlilikha. Ang kagandahang-loob o kabutihan ay likas na kaloob ng Diyos. Kaya naman ang tao ay pinagkalooban nang espiritwal at material na kabutihan. 2. Ang kagandahang-loob ay ang pinag-uugatan ng mabuti at magandang pag- iisip, damdamin, at gawa ng tao habang namumuhay ito nang matiwasay. 3. Ang kagandahang-loob ay hindi magiging ganap kung hindi ito maipamamalas sa iba. Ito ay nararapat na magmula sa kalooban at maibahagi sa kapwa para sa ikabubuti ng marami. 4. Ang kagandahang-loob at mabuting buhay ay nakasalalay sa antas ng kamalayan o pang-unawa kung ano nga ba talaga ang mabuti. (Alejo,1990 ) Kabutihan /Kagandahang-Loob sa Kapwa Ang tao upang maging makatao ay nararapat na tunay na mabuti sa kapwa. Ang kagandahang-loob ay hindi patungkol sa sarili lamang. Sa halip, ito ay patungo sa ikabubuti ng karamihan. Ang tunay na paggawa ng kabutihan o kagandahang-
  • 15. 384 Isang magandang halimbawa ay si Papa Juan Pablo II. Noong siya ay nabubuhay pa isang Turkish national na nagngangalan Mehmet Ali Agca ang naglagay ng buhay niya sa bingit ng kamatayan. Nabaril ni Mehmet at nagtamo ang Santo Papa ng apat na tama ng baril- dalawa sa kanyang bituka, isa sa kanang braso at sa kanyang kaliwang kamay. Matapos ang pagpapagaling ng Santo Papa ay nakuha pang dalawin, kausapin at gawaran ng kapatawaran si Mehmet sa nagawa niya. loob nangangailangan ng pagsasakripisyo. Dumarating sa punto na kailangan kalimutan mo ang sarili alang-alang sa ikabubuti ng iba. Ang kagandahang-loob ay matutunghayan sa iba’t ibang pamamaraaan ng pagmamahal at pagkalinga sa kapwa. Makikita rin ito sa “harmonious” na pamumuhay o pakikitungo sa kapit-bahay at iba pang kasapi ng pamayanan. Maipamamalas din ito sa pamamagitan ng pagmamalasakit sa mga palaboy sa lipunan. Ang kagandahang-loob ay di lamang para sa tao kundi sa ating kalikasan na nangangailangan ng ating pag-aaruga. Hangganan ng Kabutihan o Kagandahang-Loob Sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat isa nasusubok kung hanggan saan tayo magiging mabuti o maipakikita ang kagandahan ng ating kalooban. Paano ka magiging mabuti sa iyong kamag-aral na lagi ka na lang kinukutya dahil sa panlabas mong kaanyuan, ang guro na lagi na lang ikaw pinagagalitan, ang kapitbahay mo na lagi kang hinahamon ng away? Isang natatanging ugali at birtud ang magpakita ng kagandahang-loob sa kabila ng sakit na naramdaman. Dahil likas ang kagandahang-loob sa isang nilalang, walang hanggan ang paggawa nito sa kapwa. Ang magiging daan ng isang indibidwal para hindi niya sukuan ang paggawa ng mabuti ay ang kanyang “transcendence self”. Sa Pilosopiya, ang transcendence ay nangangahulugan “going beyond”. Ang isang tao ay may kakayahan malagpasan ang anuman pagsubok o tukso na darating dahil may talino at lakas na nagmumula sa kalooban nito. Dito rin papasok ang tinatawag na “unconditional love” o pag-ibig na walang pinipili o pasubali.
  • 16. 385 Lingid sa kaalamanan ng karamihan, may mga tao o grupo ng mga mapagkawanggawa ang patuloy na gumagawa ng kagandahang-loob kahit na walang kamera o media na nakabantay. Isa na rito ang Buddhist Tzu Chi Foundation dito sa ating bansa. Ang grupo ay binubuo ng mga Pilipino at Tsino na ginagabayan ng mga turo at aral ng kanilang foundress na si Dharma Master Cheng Yen. Ang grupo ay tumutulong sa aspeto ng edukasyon, medisina, pangangalaga ng kalikasan, at kawanggawa sa mga nasasalanta ng kalamidad.Tulad na lamang ng magkapatid na Leah and Rachel Awel na nabiyayaan ng kabutihan ng grupong nasabi. Ang magkapatid ay conjoined twin na sa pamamagitan ng operasyon ay napaghiwalay ang magkadikit na puso nuon sila ay bagong panganak. Matapos ang siyam na taon, sila ay sinusuportahan pa rin ng foundation. Ang magkapatid ay nag-aaral sa isang Chinese-Buddhist na paaralan, ang kanilang ama ay nabigyan ng trabaho bilang isang volunteer sa foundation. Patuloy rin silang tinutustusan sa kanilang pangangailangan pinansyal. Ayon magkapatid na Leah at Rachel, pangarap nilang maging isang duktor at guro pang makagawa din sila ng maganda o mabuti sa kapwa. Sa halimbawang nasaad, kagandahang-loob sa kapwa ang malinaw na naisabuhay. Sa bibliya, napatunayan ang kagandahang-loob sa katauhan ni Hesus ng kanyang pakitunguhan ng mabuti sina Maria Magdalena, Zakeyo, at Pedro. Si Pedro, sa kabila ng kanyang munting pananampalataya ay nagawa pang ipagkatiwala sa kanya ang Simbahan. Sa iba pang pangyayari, matutunghayan natin na ang paggawa ng mabuti o pagpapakita ng kagandahang-loob ay nagmumula sa pagkatao ng tao na nag-aangking ng “unconditional love”. Ang paggawa ng kabutihan o kagandahang-loob at ang tinatawag na “unconditional love” ay mga hamon na nagbibigay-daan para maisabuhay din natin ang pagiging mapagbigay ng sarili o maisakripisyo ang sarili para sa isang higit na pinapahalagahan. Isang Testimonya ng Kagandahang-loob Narito ang isang patunay ng kagandahang-loob.
  • 17. 386 Likas sa ating mga nilalang ang kabutihan/kagandahang-loob dahil ito ay nakaugat sa pagkatao at kalooban natin na may kakayahang magmahal. Kung ating babalikan, sa simula pa lamang ng paglikha, kabutihan o kagandahang-loob na ang sanhi kung bakit narito ang sangkatauhan. Ito ay dahil sa kabutihan ng ating Manlilikha. At itong kabutihan o kagandahang-loob Niya ay nag uugat sa pagmamahal. Ang Diyos ay nagtataglay ng walang kapantay na pagmamahal. Ipinakita rin Niya ang kagandahang-loob sa mga taong makasalanan at itinakwil ng lipunan. At sa makabagong panahon, may mga tao pa rin na nagsusumikap na maipamalas ang kagandahang-loob sa kapwa. Sagutin ang sumusunod: 1. Bakit mahalaga ang paggawa ng kabutihan sa kapwa? 2. Paano nalilinang ang pagkatao ng bawat indibidwal sa paggawa ng kabutihan? 3. May hangganan ba ang paggawa ng kabutihan? Ipaliwanag. 4. Ano ang epekto ng paggawa ng kabutihan ating buhay? Paghinuha ng Batayang Konsepto Anong mahahalagang konsepto ang iyong natutunan mula sa aralin? Isulat ang sagot sa mga kamay sa ibaba.
  • 18. 387 PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO Pagganap Gawain 1: “ KAGANDAHANG-LOOB, I-PATROL MO” Pamilyar ba kayo sa mga programa sa radyo at telebisyon na nagkakawanggawa? Nariyan ang Sagip Kapamilya, Lingkod Kapamilya, Wish Ko Lang at Kapwa Ko Mahal Ko na patuloy na gumawa ng kabutihan sa kabila ng pagsubok sa pakikipanayam sa lansangan. Ikaw, handa ka bang maging Kabutihan/Kagandahan Patroler? Panuto: 1. Magbuo ng grupo na may 3-4 na miyembro. 2. Sa gawaing ito kakailanganin mo ang gadyet tulad ng celfone na may video o isang videocam. 3. Magmasid sa iyong pamayanan kung may pangangailangang dapat tugunan. 4. Maging sensitibo sa pangangailangan na kaya mong tugunan. Maaari ka rin maging daan para humingi ng tulong sa kinauukulan. 5. Lagyan ito ng dokumentasyon sa pamamagitan ng mga makabagong gadyet. 6. Maaari mo itong i-upload sa iyong facebook, twitter account (kung mayroon) o di kaya ipadala sa ilang mga program sa telebisyon na nagpapalabas ng mga ganon uri ng gawa. PAG-UUGNAY ng BATAYANG KONSEPTO sa PAG-UNLAD BILANG TAO Ano ang kabuluhan ng Batayang Konsepto sa iyong pag-unlad bilang tao? Ano-ano ang maaari mong gawin upang mailapat ang iyong pagkatuto sa modyul na ito?
  • 19. 388 Rubric sa Pagganap – KAGANDAHANG-LOOB, I-PATROL MO! Kraytirya/Puntos 4 3 2 1 Pagtugon sa pangangailangan ng kapwa. Nakatugon sa apat o higit pa na panga- ngailangan ng kapwa. Nakatugon sa tatlo na panga- ngailangan ng kapwa. Nakatugon sa dalawang panga- ngailangan ng kapwa. Nakatugon sa isa lamang na panga- ngailangan ng kapwa. Paggawa ng dokumentaryo na: - Malinaw ang pagpapakita ng kabutihan - Maikli at madaling unawain - Iginagalang ang karapatan ng mga taong kabilang sa gawain - Malinaw ang pagpa- pahayag o pagpapatrol Nagpamala s ng apat na katangian nakasaad sa kraytirya ng paggawa ng doku- mentaryo Nagpamalas ng tatlo sa katangian nakasaad sa kraytirya ng paggawa ng dokumen- taryo Nagpamalas ng dalawa sa katangian nakasaad sa kraytirya ng paggawa ng dokumen- taryo Nagpamalas ng isa lamang na katangian nakasaad sa kraytirya ng paggawa ng dokumentaryo Paglathala sa mga programa o social networking site na may karampatang permiso. Nailathala ang apat o higit pa na kabutihang nai-patrol. Nailathala ang tatlong kabutihang nai-patrol. Nailathala ang dalawang kabutihang nai-patrol. Nailathala ang isa lamang na kabutihang nai-patrol. Pagninilay 1. Magsulat ng pagninilay sa iyong journal tungkol sa konsepto ng kabutihan/kagandahang-loob. Isaalang-alang ang mga sumusunod na dapat bigyan ng diin: - Sino ang mga taong natulungan ko at ano ang epekto sa kanilang buhay ng pagtulong ko? - Ano ang mensahe/aral na aking natutunan sa kagandahang-loob?
  • 20. 389 - Paano ko iko-komit ang aking sarili upang maisabuhay ang natutunang aral sa paggawa ng kagandahang-loob? - Sa paanong paraan ko hihikayatin gumawa ng maganda/mabuti ang mga taong iyong ginawan nito? Rubric sa PAGNINILAY Mga Layunin: 1. Pagsulat ng pagninilay sa mga natuklasan sa konsepto at paggawa ng kabutihan o kagandahang-loob sa kapwa. 2. Pagtukoy sa mga natulungan at epekto sa kanilang buhay. 3. Pagbibigay linaw sa aral o mensahe na dulot ng paggawa ng kagandahang- loob. 4. Pagkomit na isabuhay ang natutunang aral sa paggawa ng kagandahang- loob Kraytirya/Puntos 4 3 2 1 Natukoy ang mga taong natulungan. Natukoy ang apat o higit pa na taong natulungan. Natukoy ang tatlong tao na natulungan . Natukoy ang dalawang tao na natulungan. Isa lamang ang natukoy na taong natulungan. Nabanggit ang epekto ng paggawa ng kabutihan sa kapwa. Nabanggit ang apat o higit pa na epekto ng paggawa ng kabutihan sa kapwa. Nabanggit ang tatlong epekto ng paggawa ng kabutihan sa kapwa. Nabanggit ang dalawang epekto ng paggawa ng kabutihan sa kapwa. Isa lamang ang nabanggit na epekto ng paggawa ng kabutihan sa kapwa. Nakapagbigay ng malinaw na aral o mensahe ng paggawa ng Naipaliwana g ng tahasan at malinaw Naipaliwan ag ang aral o mensahe ngunit may Nakapagbiga y ng aral o mensahe ng paggawa ng Hindi malinaw ang pagpapahayag ng aral o
  • 21. 390 kabutihan sa kapwa. ang aral o mensaheng nakuha sa paggawa ng kabutihan pag- aalinlangan sa kabutihang nagawa. kabutihan ngunit hindi maipaliwana g. mensaheng nakuha sa paggawa ng kabutihan. Nakapagkomit na ipagpatuloy na isabuhay ang kabutihan nagawa sa kapwa. Nangakong gagawa ng kabutihan sa kapwa ng apat o higit pa na beses. Nangakong gagawa ng kabutihan sa kapwa ng tatlong beses. Nangakong gagawa ng kabutihan sa kapwa ng kahit dalawang beses. Nangakong gagawa ng kabutihan sa kapwa makaisang beses lamang. Pagsasabuhay Ang konsepto ng paggawa ng kagandahan o kabutihan ay maisasakatuparan lamang kung iyong isasabuhay ito, hind lamang ngayong ikatlong markahan. Maaarin itong ipagpatuloy hanggang sa susunod na taon. Narito ang indibidwal at gawaing pangklase. “Tree of Good Deeds” Panuto para sa buong klase: 1. Ito ang mga kailangang gamitin: - 1 Drift wood - Mga pinatuyong sanga - 1 matibay na pagtatayuan ng drift wood - Mga plastic na dahon, kulay berde - Tali o string para sa mga dahon - Mga pakong bakya Sa bahagi na ito ng pagsasabuhay, kung ang gagamit ng modyul na ito ay indibidwal, hindi na kailangan gumawa ng tree of good deed para maging lubos ang pagsasabuhay. Sa halip, kumuha ng isang halamang luntian na nasa paso at sundin ang panuto / rubric sa pang-idibidwal na gawain.
  • 22. 391 2. Magtasking para kung sino ang gagawa nito: - Maghahanda ng driftwood. (lilinisin, lalagyan ng pako) - Magtatayo ng driftwood sa labas ng silid aralan o sa lugar na makikita ng karamihan - maghahanda ng mga plastic na dahon (lalagyan ng tali ang bawat dahon) 3. Narito ang detalye para sa tree of Good Deeds - Pag ang puno ay tapos na maaari na itong gamitin. Sa pagkakataong ito ang bawat isa ay may tungkulin ng dapat gampanan. - Balikan ang konsepto ng kagandahang-loob na natutunan. - Maging mulat sa paggawa araw-araw ng kabutihan/kagandahan sa kamag- aral, magulang, kapatid, at sa iba-kilala o hindi kilala. - Tandaan, sa bawat kabutihan o ginawa, may kaukulang dahon ka na maisasabit sa puno. Sa bawat dahon na isasabit mo, maari mong isulat ang nagawa mong maganda. Maari mo ring isulat ang iyong pangalan o pirmahan ito. - Ang puno ay dapat magkaroon ng buhay. Ang buhay nito ay nakasalalay sa mga kabutihan/ kagandahang-loob o luntian dahon na maisasabit mo. Rubric sa Pangkatang paggawa ng “TREE of GOOD DEEDS” Layunin: 1. Paggawa ng “tree of good deeds” na magsisilbing paalala sa pagsasabuhay ng patuloy na paggawa ng kagandahan sa kapwa. 2. Pagmalas ng galing sa pagbuo ng “tree of good deeds” sa pamamagitan ng pagpili ng angkop na materyales, kulay, disenyo, lokasyon, atbp.
  • 23. 392 Kraytirya/Puntos 4 3 2 1 Pagkamalikhain sa paggawa ng “tree of good deeds” sa: - pagpili ng angkop na kulay, - disenyo, - anyo at - balanse/proporsyon Nagpakita ng apat na pamamara an ng pagiging malikhain. Nagpakita ng tatlong pamamara an ng pagiging malikhain. Nagpakita ng dalawang pamamara an ng pagiging malikhain. Nagpakita ng isang pamamar aan ng pagiging malikhain. Pagpili ng materyales na: - mura, - pangmatagalan, - kaakit-akit, at - katutubo Nakapili ng materyales ayon sa apat na katangian. Nakapili ng materyales ayon sa tatlong katangian. Nakapili ng materyales ayon lamang sa dalawang katangian. Nakapili ng materyale s na may isa lamang na katangian. Paglagay ng “tree” sa lokasyon na: - may sapat na ilaw - nakikita ng karamihan - “accessible” sa lahat at - maayos at malinis. Nailagay ang “tree of good deeds” sa lokasyon na nagtatagla y ng apat na katangian, Nailagay ang “tree of good deeds” sa lokasyon na nagtatagla y ng tatlong katangian, Nailagay ang “tree of good deeds” sa lokasyon na nagtatagla y ng dalawang katangian, Nailagay ang “tree of good deeds” sa lokasyon na nagtatagla y ng isa lamang na katangian, Rubric para sa indibidwal na pagsasabuhay – “TREE of GOOD DEEDS” Ang paggawa ng “tree of good deeds” ay kakatawan sa mga kabutihan/kagandahang-loob na gagawin sa kapwa. Ito ay magiging bahagi ng pang araw-araw na gawain hanggang sa matapos ang “school year”. Maaari din itong gamitin sa susunod na taon, sa ika-siyam na baitang sa asignatura ng Edukasyon sa Pagpapakatao.
  • 24. 393 Kraytirya/Puntos 4 3 2 1 Pagbigay buhay sa puno sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan sa: - kapamilya - kapitbahay - kamag-aral - awtoridad - di kilalang tao - hayop o bagay Nakagawa ng kabutihan sa lahat ng mga nabanggit sa kraytirya Nakagawa ng kabutihan sa kahit na tatlong nabanggit sa kraytirya. Nakagawa ng kabutihan sa kahit na dalawang nabanggit sa kraytirya. Nakagawa ng kabutihan sa isa lamang na nabanggit sa kraytirya. Pagyabong ng luntiang puno sa pamamagitan ng bilang ng dahon naisasabit. Nakapagsa bit ng pito o higit pa na dahon sa loob ng isang lingo. Nakapagsabit ng limang dahon sa loob isang lingo. Nakapagsabit ng tatlong dahon sa loob ng isang lingo. Nakapagsabit ng isa lamang na dahon sa loob ng isang lingo. Paghikayat sa kapwa na gumawa rin ng kabutihan sa kapwa. Nakahikayat ng 4 na ginawan ng kabutihan na gumawa rin ng mabuti sa kapwa. Nakahikayat ng 3 na ginawan ng kabutihan na gumawa rin ng mabuti sa kapwa. Nakahikayat ng 2 na ginawan ng kabutihan na gumawa rin ng mabuti sa kapwa. Nakahikayat ng 1 na ginawan ng kabutihan na gumawa rin ng mabuti sa kapwa. Mga Kagamitang Kakailanganin: 1. Mga kopya ng tseklis sa Paunang pagtataya 2. Maigsing bond paper (2) , lapis, eraser, at ruler 3. Mga kopya ng Weez weez (Gawain 1 sa Paglinang…) 4. Kuwaderno sa Edukasyon sa Pagpapakatao
  • 25. 394 5. Computer at LCD para sa Multi-media presentation 6. Mga kopya ng worksheet –Mga Kamay (sa paghinuha ng Batayang Konsepto) 7. Driftwood ( isa lamang para sa buong klase ) 8. Mga pinatuyong sanga ng puno. 9. Artipisyal o gawa sa “recyclable” plastic bag na mga dahon (kinortihan at ginupit) 10. String o tali para sa mga dahon 11. Pakong bakya 12. Marker 13. Journal notebook Mga Sanggunian: A. Print Source Alejo, Fr. Alberto E. 1990. Tao Po! Tuloy! : Isang Landas ng Pag-unawa sa Loob ng Tao. Quezon City. Ateneo De Manila University Office of Research and Publications. De Mesa, Jose M. 1991. In Solidarity with Culture. Quezon City. Maryhill School of Theology. Dy, Manuel B. 2007. Mga Babasahin sa Pilosopiyang Moral. Loyola Schools, Ateneo de Manila University. Esteban, Ester J. 1990. Education in Values. Manila: Sinagtala Publications Marte, Nonita C. et.al., 2008. Goodness in Service. Makati City: Don Bosco Press. Punsalan, Twila G. et.al. 2008. Goodness in Me. Makati City: Don Bosco Press. B. Web Source Ikalawang Aklat ng Etika Nikomakeyo ayon kay Aristoteles. http://etika107.blogspot.com/2004/09/ikalawang-aklat-ng-etika-nikomakeyo.html Goodness: A Reflection of God. http://www.suscopts.org/resources/literature/532/goodness-a-reflection-of-god/ The Goodness of God. http://bible.org/seriespage/goodness-god Transcendence (Philosophy). http://www.wikipedia.org/wiki/Transcendence_(philosophy)
  • 26. 395 www.philippinesnews.com www.abs-cbnnews.com www.graphicshunt.com www.book-clipart.com www.js210.K12.sd.us www.clipartOf.com/15513 www.inmagine.com www.webweaver.nu www.netmagiconline www.vector-images.com www.gogram.com http://www.youtube.com/watch?v=R0kA3fmX9Pw&feature=player_embedded http://ph.video.search.yahoo.com/video/play;_ylt=A0S00xrUO4dQeEsAu3veRwx.;_yl u=X3oDMTBrc3VyamVwBHNlYwNzcgRzbGsDdmlkBHZ0aWQD?p=kindness&vid=A BCFC0A49AA754474089ABCFC0A49AA754474089&l=4%3A25&turl=http%3A%2F %2Fts3.mm.bing.net%2Fth%3Fid%3DV.4618988984664110%26pid%3D15.1&rurl=h ttp%3A%2F%2Fwww.godtube.com%2Fwatch%2F%3Fv%3DWD7GWPNX&tit=Simpl e+Acts+of+Kindness+-+Heartwarming!!+- +Inspirational+Videos&c=16&sigr=1180rlh9f&b=31&fr=yfp-t-711 C. Ibang sanggunian: Dy, Dr. Manuel. 2012. Lecture on Pagkatao ng Tao, K-12 Curriculum for Edukasyon sa Pagpapakatao. Manila.