1. PEARL HOSPITAL
Bakit nandito ako?
Hindi ito tama?
Hindi ito makatarungan?
Sa aking paglingon, alam kong nakita niya ako, ng ‘nurse’.
“Alam kong narinig mo ako? Bakit ako nandito?”
Nag-iwas lang siya ng tingin at saka umalis. Bakit ganoon sila?
Sunod lang ng sunod kahit hindi na tama?
Naiinis ako.
Nagagalit.
Nalulungkot.
Naghihinagpis.
Nanghihinayang.
Bakit ganito?!
Kasalukuyan akong nasa unang palapag ng luma at bulok na hospital na ito. Walang
pumapansin sa akin at sa ibang kagaya ko. Nawawalan na sila ng pag-asa. Paulit-ulit
na lang ngunit tanging mga pader lang ang nakakausap nila. Karamihan sa amin rito sa
unang palapag ay pareho ang pinagdaanan. Pare-parehong aksidente sa daan. Hindi
naging tuwid ang daan kaya sila’y naririto, naghihintay sa pasilyo ng hospital.
Ngunit, aksidente nga ba?
Naririto sila para humingi ng tulong. Ibinigay nila ang kanilang tiwala ngunit iba ang
isinukli.
2. Lumabas ako mula sa hospital. Sa kabila ng highway ay kakikitaan ito ng mga kainan.
Dumating ang isa sa mga may-ari. Ang hospital na ito ay binubuo ng iilang
makapangyarihang tao. Isa ito sa pinakanakapagbibigay ng lunas sa mga pasyente nito
ayon sa mga commercial sa telebisyon kaya ganoon na lang kadami ang nagpupunta
rito.
“Boss,nagkaproblema po.” Sabi ng kanyang alagad. Itim ang salamin na nakasukbit sa
mga mate nito at may kung anong bagay ang nakapasak sa kanyang mga tainga.
“Lagi namang may problema. Ano pa bang bago?” Iyan, iyan ang sabi ng isa sa mga
may-ari. Aureolin ang kanyang pangalan sa aking pagkakaalala.
Ipinagpatuloy ko ang pakikinig sa kanila.
“Si Persimmon po, pumupuslit po tuwing gabi para puntahan ang ibang mga pasyente
kahit kayo po ang dapat na makipag-usap sa kanila.” Si Persimmon, ang pagkakaalam
ko ay kabilang sa mga may-ari.
Halatang nagngingitngit sa galit si Mr. Aureolin. Ayaw na ayaw niya sa lahat ay ang
mga mang-aagaw. Ngunit hindi pa rito nagtatapos ang kanilang pag-uusap. Naglabas
ng papel ang kanyang alagad. Hindi ko makita kung ano ang naroroon. Nasaksihan ko
na lang na nilukot niya ito at itinapon sa gilid.
“Pati ba naman si Ivory?!” Galit na turan ng lalaki. “Ginagalit ba talaga nila ako?
Sinusubukan nilang agawan ako ng pwesto, ganun ba? Ganun ang plano nila? Sinasabi
ko na nga ba.” Nakakatakot. Ngunit hindi sila nakikita ng ibang tao o naririnig man lang
dahil naroon sila sa parte ng hospital sa may hardin sa harap nito at tinatakpan sila ng
kotse ni Mr. Aureolin. Si Ivory. Si Ms. Ivory, isa rin siya sa mga may-ari nito o sa
nagpapatakbo nito ngunit ang alam ko siya ang pinakatahimik sa kanila, Karaniwan ring
hindi niya kinakausap ang ibang kasosyo niya rito. Mas nais niyang gumagalaw ng
mag-isa.
“Si Alizarin? Anong balita sa kanya?” Tanong pa ni Mr. Aureolin. Si Alizarin, sa
pagkakaalam ko ang pinakastrikto sa kanilang apat. Ayaw na ayaw niya ang
pumapalpak. Masyado niyang nais ng kaayusan kaya minsan marami ang nagdurusa
dahil nasisisante sila.
“Wala naman pong balita sa kanya. Ganun pa rin po. Maayos po siyang gumalaw.”
“’Yun lang ba?”
“Opo Boss.”
Matapos ang kanilang pag-uusap ay pumasok na rin sila sa hospital. Lumingon siya sa
aking gawi at ngumiti.
3. Ngumiti siya.
Nginitian niya ako.
At kinilabutan ako.
Nanghina.
Ngunit hindi ko ito pinansin dahil may nais akong malaman.
Nilapitan ko siya.
“Akala ko ba tutulungan mo sila? Pero anong ginagawa mo? Bakit naririto pa rin sila sa
unang palapag?” Tanong ko sa kanya ngunit nilagpasan niya lamang ako.
Lumapit siya sa isang matandang umiiyak. Nakita ko ang mukha ni Mr. Aureolin, alam
kong nandidiri siya pero tiniis niya dahil sa pagmamataas niya sa sarili niya. Akala ko
didiretso na siya papaakyat ngunit nagkamali ako.
Umupo siya.
Umupo siya sa tabi ng matanda.
Umupo siya sa upuan.
Upuan na hindi ganoon kagandahan. Sa ngayong araw, siya na ang panglabinlimang
tao na naupo roon.
20:09 Iyan ang nakita ko sa orasan na nakasabit sa mataas na bahagi ng pader para
makita agad ng mga pasyente.
Akala ko aalis rin siya agad. Pero nagkamali nanaman ako. Para sa kanila na mahalaga
ang bawat segundo, ang isang minuto ay katumbas ng isang taon na nasasayang.
Kaya laking pagtataka at pagkagulat ko ng pinili niyang manatili roon sa loob ng anim.
Anim.
Anim na minuto.
4. Nakikisimpatya sa matanda na hirap. Palibhasa’y inosente ang matanda kaya hindi niya
nakikita.
Matapos ang anim na minuto
20:15
Sumakay siya sa elevator. Sinubukan kong pumasok, sinubukan kong umakyat ngunit
hindi ko alam kung bakit hindi ako makatapak roon.
Alas otso na pala ng gabi. Ayoko dito ngunit hindi pa ako maaaring umalis!
Sa aking paglalakad papunta sa labasan, namataan ko ang itim na kotse.
Lulan ng itim na kotse ay si Mr. Persimmon. Naririto na rin pala siya.
Pumasok siya.
20:16
Ngumingiti.
Nakita niya ang upuan.
Upuan na pinag-upuan ni Mr. Aurelion kanina sabay ngumiti ng palihim.
“Nandito ka pa rin pala.” Sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko. Gusto ko siyang sugurin
ngunit hindi ko magawa at naiinis ako dahil alam kong kaya nila akong paalisin rito
anumang oras.
Bakit nga ba ako naririto? Wala naman akong napapala! Mangyayari pa kaya ang nais
ko kung sila ang makakalaban ko?
Ano nga ba ang ninanais ko?
Hindi ko namalayan na umakyat na rin pala si Mr. Persimmon.
Gusto ko ng magpahinga pero hindi pwede. Kailangan kong matigil iyon sa lalong mas
madaling panahon.
5. Minabuti kong lumabas muna. Binaybay ko ang tawiran at nagpunta sa kainan na
katapat ng ospital na ito. Pagkakataon nga naman, nakita ko si Ms. Ivory kasama ang
isang dalaga.
Pumasok ako roon at nagtago sa kalapit na lamesa ng sa kanila. Pumosisyon ako ng
nakikita ko ang mukha ni Ms. Ivory at saka yumuko.
“You know I can help you right?” Sabi ng kausap niya na kumakain gamit ang mga
kubyertos na pilak. Hawak hawak niya ang pilak na kutsara habang sinasabi ito.
“Kaya nga ikaw ang nilapitan ko ‘di ba?” Si Ms. Ivory na ngiting ngiti. Akala ko pa
naman hindi siya katulad ng ibang may-ari ng ospital. Akala ko lang pala iyon.
“Basta ‘yung deal natin ha? Ayoko ng gusot. Alam mo na kung sino ang aalisin sa
landas.”
“Nagawa na nga namin dati diba?” Sabay tingin niya sakin at ngumiti.
Kung gaano kalinis ang pangalan niya ganoon karumi ang pagkatao niya. Isa pala siya
sa kanila. Nandidiri ako sa kanya.
Sumenyas siya sa waiter para kuhanin na ang bill ng kinain nila.
Dala-dala ang itim na bagay na naglalaman ng kapirasong papel, natisod ang lalaki sa
may gawi ko.
Total: ₱2016.00
Agad naman siyang nakabawi at pumunta na roon.
Umalis na ako roon. Wala na akong pakialam kung makita niya ako. Nais kong
malaman niyang narinig ko.
Nanghihina nanaman ako. Babalik na lang ako sa ospital.
Sa aking pagtawid, nakarinig ako ng paparating na sasakyan. Maraming sasakyan.
Nilalakad ko na ang harapan ng ospital nang mamataan ko ang papel na nilamukos
kanina. Hindi na ito nakalukot, may nagbukas na nito.
Tatsulok. Tatsulok ang naroroon.
At may sulat sa ibaba.
‘Alam ko namang nais mong malaman ito. Kaya ayan binuklat ko na para sa iyo.’
6. Kinikilabutan ako.
Bakit ganito?
Bakit ako ang kinikilabutan?
Dumating na ang huling may-ari. Si Mr. Alizarin. Siya ang pinakanakakatakot sa
kanilang apat. Pero itinatago niya ito sa pagsusuot ng simpleng mga damit. At ngayon
nga’ nakamaong lamang siya at may suot na T-shirt na may disenyong dalawang
mascara.
Komedya.
Trahedya.
Sa pinakababa ay may numero.
~2016~ Most Awaited Day
Pero ang kanyang mukha. Walang emosyon. Itinago niya lahat ng emosyon. Ngunit
nang mabaling ang atensyon niya sa akin ay agad siyang napangiti. Agad din siyang
umalis. Mailap ang pagkakataon. Naririto lang ako sa sulok, naghihintay dahil hindi ako
makaakyat. Hanggang unang palapag lang ako at naiinis ako roon.
Wala akong magawa. Kasama ang iba ring naghihintay.
Sa aking paglalakad sa pasilyo ng unang palapag, namataan ko sila.
Silang apat.
Isang tuktok
Isang gitna
Dalawang magkabilang dulo
Heto na ang tsansa ko.
7. Nakita ko silang pababa. Huminto sila na para bang may hinihintay kaya dali dali akong
nagtago. Dumating ang isang lalaki. Muli silang naglakad.
Nagpatiuna si Mr. Aurelion at Ms. Ivory kasama ang lalaki samantalang huminto naman
si Mr. Alizarin at Mr. Persimmon.
“Alam naming susunod ka. Makulit ka talaga ano?” Sabi ni Mr. Persimmon. Pero hindi
ko na lang siya pinansin. Bahala siya sa buhay niya.
“Alam mo bang hindi ka dapat nakikialam sa mga ganitong bagay. Delikado.” Sabay
ngiti ni Mr. Alizarin.
Binagtas namin ang hagdan pababa.
Marumi.
Mainit.
Mabaho.
Mabaho.
“Handa ka na ba?” Tanong ni Mr. Aurelion sa lalaki. Hindi siya nanlaban.
Nararamdaman ko ang takot niya. Ngunit wala akong nararamdaman.
Wala.
Wala akong nararamdaman.
Bakit naririto kami?
Bakit dito? Nanghihina ako.
“Matalino ka pero hindi ka na dapat nakikialam lalo sa pamamalakad namin.” Sabi ni
Mr. Aurelion. Hindi na makasagot ang lalaki.
“Malaya ka, pero ‘wag mong sayangin iyan sa pagtuklas sa amin dahil mas malaki ang
masasayang mo kung magkaganon.” Nagbubutil na ang pawis niya. Samantalang ang
apat na may-ari ay parang walang mga emosyon at tila bagot na bagot sa mga
nangyayari.
“Itigil mo na ang pagsunod-sunod sa amin. Naiintindihan mo?” Biglang nag-iba ang aura
rito. Nag-iba ang timpla nila. Ngumiti sila ng pang-demonyo. Ngumiti sila. Ngunit hindi
ako ang nginitian nila.
“Dahil kung hindi…
8. .
.
.
…Ganito ang mangyayari SA’YO.”
Laking pagkagulat ko na lamang sa nakita ko.
Morge.
Nasa Morge ako.
Nasa Morge kami.
Nasa Morge AKO.
Tumapat kami sa isang labi na naroroon. Hindi ko alam kung sino ang nagtanggal ng
nakabalot sa labi.
Hindi ko namalayan kung sinong nagtanggal ng nakabalot SA AKIN.
Mabaho.
Mabaho.
Dahil nasa akin lahat ng baho nila.
Alam ko lahat ng baho nila.
Sa ospital, sa pinakadulong sulok ng ospital.
Bakit ganito?! Hindi ito tama! Hindi ito makatarungan!
Ngumiti sila ngunit hindi lang ako ang nginitian nila.