1. Maria Ruby De Vera Cas
Pasong Buaya II E/S
Imus City, Cavite
PANG-ANGKOP
2. Ang pang-angkop ay mga
katagang nag-uugnay sa magkakasunod na
salita sa pangungusap upang maging
madulas o magaan ang pagbigkas ng mga
ito. Ginagamit din ang pang angkop upang
pag-ugnayin ang mga panuring at ang mga
salitang binibigyang turing nito.
3. May tatlong pang-angkop ang
ginagamit sa pag-uugnay ng mga salita:
1. Pang-angkop na na - Ito ay nag-uugnay
ng dalawang salita na kung saan ang
naunang salita ay nagtatapos sa mga
katinig maliban sa titik n. Isinusulat ito
nang kahiwalay sa mga salitang pinag-
uugnay.
4. Ang nauunang salita ay malinis na
nagtatapos sa titik s na isang katinig.
Halimbawa:
Ang malinis na hangin ay ating kailangan.
5. 2. Pang-angkop na ng - Ito ay isinusulat
karugtong ng mga salitang nagtatapos sa
mga patinig (a, e, i, o u).
6. Ang pang-angkop na ng ay
idinugtong sa salitang malalaki na
nagtatapos sa titik i na isang patinig
Halimbawa:
Pinipigil ng malalaking ugat ng mga
puno ang baha.
7. Ang pang-angkop na -ng ay nag-uugnay
rin sa mga salitang magkakasunod na kung
saan ang naunang salita ay nagtatapos sa
katinig na n. Ngunit hindi ito isinusulat sa
ganitong anyo. Ang titik na n sa hulihan ng
salita ay kinakaltas na lamang. Kaya ang
pang-angkop na -ng at hindi g ang ginamit.
9. 3. Pang-angkop na g - ginagamit
kung ang salitang durugtungan ay
nagtatapos sa titik na n.
Halimbawa:
Isang masunuring bata si Nonoy.
10. GAWIN
A. Sipiin ang dalawang salitang pinag-ugnay
ng pang-angkop. Bilugan ang pang-
angkop na ginamit.
Halimbawa: Nilipad ng hangin ang mga
dahong tuyo.
1. Lalaking masipag ang gusto ng mga babae.
11. 2. Si Nardo ay matapat na mag-aaral.
3. Matalinong bata iyong si Rose.
4-7. Maraming nalalaglag na dahong tuyo
araw-araw dito sa aming malawak na bakuran.
8. Magalang na nakipag-usap si Mario sa
matanda.
9-10. Malambot na unan ang gusto kong
gamitin.
12. B. Lagyan ng wastong pang-angkop ang
patlang.
1. Umigib si Melvin sa balon__ malalim.
2. Nakatatakot umigib sa malalim __ balon.
3. Dahan-dahan__ tumayo ang maysakit na
bata.
4-5. Mas matamis ang pula __ mansanas
kaysa berde ___ mansanas.
13. 6. Dala-dala ni Michael ang aklat __ makapal.
7. Nahulog ang bata sa mataas __ hagdan.
8. Ang bata __ iyan ay napakalikot.
9. Nakasasakit sa balat ang mainit __ sikat ng
araw.
10. Ang nasaktan__ bata ay niyapos ng ina.
14. ISULAT
A. Sipiin ang mga pangungusap. Lagyan ng
ekis (X) ang bilang ng pangungusap na
may maling pang-angkop.
___ 1. Berdeng-berde ang mga dahon ng
halamang iyon.
___ 2. Pulutin natin ang mga dahon na
tuyo.
15. 3. Nawala ang bago na payong ni Magda.
4. Isukat mo muna ang damit na bago, bago
ka umalis.
5. Sumasakit ang sira na ngipin ni Guada.
B. Gumawa ng usapan tungkol sa paborito
mong libangan. Gumamit ng pang-angkop
sa usapan. Bilugan ang mga pang-angkop.