3. Isang mapagpalang araw sa ating
lahat! Nawa’y ang sigla,
matamang pakikilahok at
positibong pananaw ay maghahari
sa lahat sa oras ng talakayan
4. 1. May-uod sa puwit- malikot
2. Makati ang dila- madaldal
3. Basag ang pula- palaaway
4. Gintong kutsara sa bibig-mayaman
5. Binubuhat ang sariling bangko-
mayabang
DI-
G
U
S
T
O
5. Ikurus sa noo- Tandaan
Magdildil ng asin-magtiis
Magsunog ng kilay- Mag-aral mabuti
Pusong Mamon- Matulungin
Nagbabanat ng buto- masipag
G
U
S
T
O
6. 1. Nakikilala ang mga uri ng tayutay na ginamit sa akda.
2. Nagagamit ang ilang tayutay at talinghaga sa isang
simpleng tulang tradisyunal na may temang pag-ibig
3. Naibibgay ang titulo ng kanta batay sa lirikong hinango
sa mga awiting nagtataglay ng tayutay.
7. HANAY A HANAY B
1. Kayod-kalabaw A. Masipag
2. bukas ang palad B. matulungin
3. lantang gulay C. pagod
4. nagsusunog ng kilay D. nag-aral mabuti
5. kilos pagong E. makupad
8. - Pinapangkat ang klase sa dalawang grupo. --
Pabilisan sa pagsagot sa formulang ibibigay ko sa
pamamagitan ng apat na basic math equation.
-Magtulungan sa pagsusuma sa math na ibibigay
ko pagkatapos ay hanapin at ayusin ang
pagkakasunud-sunod ng mga numero upang
malaman ang sagot.
9. UNAWAING MABUTI
Hatiin sa siyam (9) ang bilang na 12345678,
pagkatapos ang resulta ay doblehin sa dalawa,
kasunod ay bawasan ng 654321 lumabas na
bilang at ang makukuhang kabuuan ay dagdagan
ng 54051.
Paghusayan!!
10. Ngayon, Ilahad paharap ang likurang bahagi ang
kabuuan ng ginawang math equation upang
malaman ang paksa natin sa araw na ito.
13. Ang Tayutay (Figure of Speech)
-Tinatawag itong “patalinhagang
pagpapahayag.”
-Sa pagtatayutay, sadyang lumalayo ang
nagpapahayag sa karaniwang paraan ng
pagsasalita upang sa ganoon ay
higit na maganda at kaakit - akit ang
sinabi.
15. 1. Pagtutulad (Simile)
-Ginagamit ito sa paghahambing ng
dalawang magkaibang bagay, tao,
pangyayari at iba pa.
-- Ito’y ginagamitan ng mga salitang;
tulad ng gaya ng para nang
kapara kawangis tila
katulad.
16. Mga Halimbawa:
a. Parang bituin sa langit ang
ningning ng kanyang mga mata.
b. Mamula - mula ang pisngi
niyang tulad ng isang mansanas.
17. 2. Pagwawangis (Metaphor)
- Ito’y naghahambing din gaya ng pagtutulad
ngunit hindi ginagamitan ng mga salitang;
tulad ng, gaya ng para ng,
kapara, kawangis, tila, at katulad
- sapagkat ito’y tiyakang paghahambing.
18. Mga Halimbawa:
a. Ang kamay ng manggagawa ay bakal
sa tigas.
b. Si Luis ay elepante sa laki.
19. 3. Pagmamalabis o
Eksaherasyon (Hyperbole)
– lubhang nagpapalabis sa
kalagayan ng tao, bagay o pangyayari ang
tayutay na ito.
20. Mga Halimbawa:
a. Nabasag ang aking bungo sa
dumating na problema sa buhay
namin.
b. Bumaha ng salapi nang dumating
ang kanyang ama buhat sa ibang
bansa.
21. 4. Personipikasyon o
Pagbibigay - katauhan
-ito’y pagsasalin ng talino, gawa at
katangian ng tao sa mga bagay - bagay sa
paligid natin.
22. Mga Halimbawa:
a. Lumuha ang langit nang
masawi ang dakilang bayani.
b. Lumuhod ang mga tala sa
kanyang kagandahan.
23. 5.Pagtawag(Apostrophe)
– ito’y pakikipag - usap sa karaniwang
bagay o sa isang
dinaramang kaisipan na para bang
nakikipag - usap sa isang buhay na tao
gayong wala naman na parang naroroo’t
kaharap mismo.
24. Mga Halimbawa:
a. Oh, Tukso, layuan mo ako at huwag ibulid
sa pagkakasala.
b. Pag - asa, halika’t ako’y akayin nang hindi
dumilim ang aking buhay.
c. Liwanag, sumikat ka at patnubayan mo ang
nagdidilim kong landas.
25. G. SUBOK KAALAMAN (TAYO TAY-O!)
Panuto: Tumayo kung sa palagay mo ang
pangungusap na ibibigay ay nagtataglay
ng tayutay. Manatiling nakaupo naman
kung hindi.
26. 1.Ang buhay ng isang tao ay tulad ng isang
Bangka.
2.Si Lorna ang pulot na nagpapatamis sa
buhay ko.
3.Nakapapaso ang init ng sikat ng araw.
4.Ang kanyang matangos na ilong ay
namana sa kanyang ina.
5.Kumakaway ang umaga at nagsasabing ang
lahat ay may pag-asa.
27. Tukuyin kung anong uri ng tayutay ang
sumusunod na pangungusap.,
_____1. Namuti ang buhok ni Mary sa kahihintay sa
kanyang kaibigan
_____2. Ang guro ay syang pangalawang magulang
_____3. Liwanag, Kapayapaan kailangan kita
_____4. Nagsayawan ang mga dahon nang umihip ang
hangin.
_____5.Simbagal ng pagong ang takbo ng sasakyan.
28. Ang mga sumusunod na gulay ay may
kanya-kanyang isinisimbulo kapag
ginamit sa matayutay na paraan.
Hanguin ang angkop na larawan ng
mga gulay upang mabuo ang mga
sumisimbulo sa mga talinghaga. Titik
lamang ang isusulat sa patlang at
gawing batayan ang kahulugan.
30. PANUTO: Pagtambalin ang dalawang magkaugnay na
larawan upang makabuo ng isang uri ng tayutay.
Punan ang mga patlang upang mabuo ang tayutay.
Gawing batayan ang mga naibigay na letra.
31. 1. Ang __I_ ___ ___ ang siyang ___ _L_ ___ _W ng
tahanan.
32. PAGPAPAYAMAN (MY OH-MINE)
Panuto: Ipagpalagay nating nagpa-follow tayo sa
mundo ng online selling. May mga ipapakita akong
bagay na ima-mine ninyo.Bawat aytem ay may
katumbas na katanungang bibigyang kasagutan.
1. Paso 2. Halaman
3. Tsukolate 4. Biskwit
5. Pera
33. Ibigay ang titulo ng kantang
hinango sa mga awiting nagtataglay
ng lirikong matalinghaga. (MTV)
34. PAGTATAYA/TAKDANG-ARALIN
Sumulat ng isa o dalawang saknong ng tula
tungkol sa pagmamahal ng anak sa kanyang
magulang. Gumamit ng matatalinghagang
salita, tayutay at simbulo sa pagbuo ng tula.
Iri-rekord/ibi-video pagkatapos ay ipadala sa
Group Chat o sa messenge (Jonah Villacillo)