SlideShare a Scribd company logo
1 of 17
Download to read offline
YUNIT II
Pagpapalakas at Pagpapatatag ng Kalamnan
I. Layunin
. 1.Naipaliliwanag ang pagkakaiba ng lakas ng kalamnan at tatag ng kalamnan.
2. Naisasagawa nang wasto ang mga gawaing pisikal na nakapaloob sa aralin.
3. Naipakikita ang kasiyahan at pag-iingat sa pagsasagawa ng mga gawain.
II. Nilalaman
Paksa: Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino
Mga physical activity na nagdudulot ng muscular strength at
muscular endurance
Kasanayan: Lakas at Tatag ng Kalamnan
Pagpapahalaga: Kalusugan na dulot ng malakas na katawan
Sangggunian: Curriculum Guide
Kagamitan: Larawan ng Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang
Pilipino
Lubid o mahabang tela (siguraduhin na ang tela ay di
nakakasugat kapag hinila ng mga bata)
Pito
Mesa na may bigat na kayang itulak ng mga bata
Sako o bag na may pampabigat na damit o libro (Siguraduhin na
ang bigat ng sako ay kakayaning dalhin ng mga bata)
III. Pamamaraan
A. Pang araw–araw na Gawain
1. Pagtsek ng attendance at angkop na kasuotan
Pagtsek sa takdang-aralin
2. Pampasiglang Gawain
Ipagawa sa mga bata ang pampasiglang gawain na ginawa sa mga
nakaraang aralin.
3. Balik-Aral
Tanungin kung paano nilalaro ang Syato.
Tanungin din kung anong kasanayan ang pinahuhusay nito at anong
tulong ang maidudulot sa katawan.
B. Panimulang Gawain
Sagutin ang mga tanong sa SIMULAN NATIN na nasa LM.
Talakayin ang Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino at
kung paano ito masusunod. Ipagawa ang Gawain I. Bumuo ng apat na pangkat.
Ihanda ang bawat estasyon na iikutan ng bawat pangkat. Ipaalala ang mga pag-
ARALIN 1
Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto
iingat na dapat gawin. Ipakita ang tamang paraan sa paggawa ng mga nakalaan
sa bawat estasyon.Ipagawa ang mga gawaing nakalaan sa bawat pangkat.
Magtala ng 30 segundo hanggang isang minuto lamang para sa bawat estasyon.
C. Panlinang na Gawain
Magkaroon ng talakayan sa ginawang gawain. Ipasagot sa mga bata ang
mga tanong sa “Ipagpatuloy Natin” at ipaliwanag ito.
D. Paglalapat
Ipagawa ang nasa LM na “Gawin Natin”. Gabayan ang mga bata sa
pagsasagawa at ipaalala ang mga pag-iingat na dapat gawin.Talakayin
ang ginawang gawain.
E. Paglalagom
Gabayan ang mga bata upang makabuo ng paglalahat. Maaaring
magtanong upang makabuo ng kaisipan na dapat tandaan.
IV. Pagtataya
Ipasagot sa mga bata ang mga tanong sa Suriin Natin.
V. Takdang-aralin
Itala ang mga ginagawa ninyo sa araw-araw na nangangailangan ng lakas at
tatag ng kalamnan. Ugaliing gawin ang mga ito sa tuwina upang mapalakas
ang inyong katawan.
YUNIT II
Pagpapalakas at pagpapatatag ng Kalamnan
I. Layunin
1. Nabibigyang halaga ang lakas at tatag ng kalamnan sa pakikilahok sa mga
gawain sa klase.
2. Naisasagawa nang maayos at tama ang mga gawaing nakalilinang sa lakas
at tatag ng kalamnan.
3. Naipaliliwanag ang pagkakaiba ng lakas at tatag ng kalamnan.
4. Naipakikita ang kasiyahan na puno ng enerhiya at tiyaga sa pagsasagawa
ng mga gawaing pisikal.
II. Nilalaman
Paksa: Mga gawaing sumusubok sa lakas at tatag ng kalamnan
Pag-unawa sa pagkakaiba ng lakas at tatag ng kalamnan
Kasanayan: Lakas at tatag ng kalamnan
Pagpapahalaga: Pagtitiyaga sa mga gawain gaano man kahirap
Sanggunian:Grade 4 P.E. Curriculum Guide
Kagamitan: Larawan, bag, mga aklat
III. Pamamaraan
A. Pang araw-araw na Gawain
1. Pagtsek ng attendance at angkop na kasuotan
2. Pampasiglang Gawain
Ipagawa sa mga bata ang gawaing pampasigla na nasa LM sa
nakaraang aralin.
Ipaalala sa mga bata ang pag-iingat sa pagsasagawa.
3. Balik–aral:
Balik-aralan ang nakaraang aralin.
B. Panimulang Gawain
Ipakita ang mga larawang nasa LM.
Maaaring may nakahanda ang guro na malalaking larawan. Ipagawa ang
gawaing isinasaad sa LM.
ARALIN 2
Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto
Talakayin at magtanong sa mga bata kung ano ang nakita nila sa larawan.
Itanong kung ang larawan ay nagpapakita ng gawaing magpapalakas at
magpapatatag ng kalamnan.
C. Panlinang na Gawain
Ipagawa ang gawain na sumusubok sa lakas at tatag ng kalamnan na
makikita sa SIMULAN NATIN na nasa LM.
Pagkatapos ng gawain, ipasagot ang tanong sa LM.
Talakayin at ipaliwanag ang pagkakaiba ng may lakas at tatag ng
kalamnan.
Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagkakaroon ng lakas at tatag ng
kalamnan.
D. Paglalapat
Ipagawa sa mga bata ang pangkatang gawain sa LM “Gawin Natin”.
Ipaliwanag kung paano nagamit ang muscular endurance sa laro dito.
Linawin ang pagkakaiba ng lakas at tatag ng kalamnan.
E. Paglalagom
Tulungan ang mga bata na makabuo ng isang paglalahat na dapat nilang
tandaan. Linawin ang pagkakaiba ng konsepto ng lakas at tatag ng
kalamnan at kung anong mga pang-araw-araw na gawain na
nangangailangan nito
IV. Pagtataya
Ipasagot ang mga sumusunod ng OO o HINDI.
OO HINDI
1. Naisagawa mo ba nang tama ang mga gawaing
sumusubok sa tatag at lakas ng kalamnan.
2. Nauunawaan mo na ba ang pagkakaiba ng tatag at
lakas ng kalamnan.
3. Nasisiyahan ka ba kapag pinagagawa ka ng mga gawain
sa bahay at paaralan?
V. Takdang-aralin
Ipagawa ang nasa LM. “PAGBUTIHIN NATIN.”
Ipaliwanag ang paggawa ng Fitness diary.
YUNIT II
Pagpapaunlad ng Iiksi
I. Layunin
1. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng agility (liksi) bilang sangkap ng
Physical Fitness.
2. Nasasabi ang kahalagahan ng pakikilahok sa mga gawaing pisikal.
3. Naipapakita ang liksi sa pakikilahok sa obstacle relay.
II. Nilalaman
Paksa: Kasanayan ng Kaliksihan
Kasanayan: Agility (Liksi)
Pagpapahalaga: Pagiging maingat sa sarili at kapwa
Sangggunian: PE Curriculm Guide,
Kagamitan: Tsart ng mga gawain, pito, cone, buklod o hulahoop
III. Pamamaraan
A. Pang araw–araw na gawain
1. Pagtsek ng attendance at angkop na kasuotan
2. Pampasiglang Gawain
Ipagawa sa mga bata ang pampasiglang gawain na ginawa sa mga
nakaraang aralin.
3. Balik Aral
Punan ang patlang.
Ang pagkakaroon ng lakas at tatag ng kalamnan ay mahalaga
dahil______________________________. Ang ilan sa mga gawaing
nagpapahusay ng kasanayang ito ay ang______,
B. Panimulang Gawain
1. Pahanayin ang mga bata.
ARALIN 3
Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto
2. Paghudyat gamit ang pito, ituro kung ang mga bata ay hahakbang
pakaliwa o pakanan.Isaalang-alang ang konsepto ng mirror-image para
sa mga bata. (Hal. Kung papupuntahin sa kanan, ituro ang pakaliwa.)
3. Ulit-ulitin ito sa loob ng limang minuto. Tingnan kung nakasusunod ang
mga bata.
4. Magkaroon ng talakayan na may kaugnayan sa mga kilos na
nagpapakita ng agility (liksi).
C. Panlinang na Gawain
Ipagawa ang gawain na nasa LM na “Gawin Natin”.
Pagkatapos ng gawain, magkaroon ng talakayan o pag-uusap sa
isinagawa.Ipaliwanag ang kasanayang ginamit sa pagsasagawa ng mga
gawain.
Ipatukoy ang mga kasanayang nililinang sa gawain at itanong ang
kahalagahan ng pakikilahok sa mga gawaing katulad nito.
Palawakin ang mga sagot ng mga bata.
D. Paglalapat
Ipagawa ang larong nasa LM.
Ipaliwanag ang pamamaraan ng paglaro. Ipaalala ang mga pag-iingat na
dapat gawin sa tuwing maglalaro.
Pagkatapos ng gawain, pag-usapan ang naging karanasan at talakayin
ang kasanayan na ginamit sa laro.
E. Paglalagom
Gabayan ang mga bata sa pagbuo ng konsepto
Maaaring magbigay ng mga gabay na tanong.
IV. Pagtataya
Ipasagot ang tanong sa LM na “Suriin Natin”.
Sagot: 1. A 2. D 3. A 4. C 5. C
V. Takdang-aralin
Pasulatan ang Fitness diary. Ipasulat ang kahalagahan ng ginawang
gawain na may kaugnayan sa kaliksihan ng katawan.
YUNIT II
Paglinang ng Bilis
I. Layunin
1. Nakasusunod sa alintunin ng laro.
2. Natutukoy ang kahalagahan ng bilis sa pagkapanalo sa laro.
3. Nakakikilos nang mabilis at may direksyon ayon sa tuntunin.
II. Nilalaman
Paksa: Mga gawaing pisikal na nagpapakita ng bilis
Kasanayan: Bilis
Pagpapahalaga: Sportsmanship; may pag-iingat at kasiyahan sa pagsa-
sagawa ng mga gawaing pisikal.
Sangggunian: P.E 4 Curriculum Guide, tsart ng mga gawain
Kagamitan: tsart ng mga gawain
III. Pamamaraan
A. Pang-araw–araw na gawain
1. Pagtsek ng attendance at angkop na kasuotan
2. Pampasiglang Gawain:
Ipagawa sa mga bata ang pampasiglang gawain na ginawa sa mga
nakaraang aralin.
Maaaring magbigay ang guro ng ibang pampasiglang gawain.
3. Balik-aral
Ipagawa sa mga bata.
Isulat ang mga pang-araw-araw na kilos o gawaing ginagawa sa paaralan o sa
bahay na nagpapahusay ng kaliksihan
1
2
3
4
5
ARALIN 4
Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto
B. Panimulang Gawain
Sabihin sa mga bata na magkakaroon sila ng paligsahan sa pag-aabot ng
mga bagay. Maghanda ang guro ng mga premyo sa mga batang mabilis
magbigay ng bagay na sasabihin ng guro. (Halimbawa: “Bigyan ako ng isang
puting panyo, isang pares ng itim na sapatos at iba pa.)
Pag-usapan ang ginawang gawain.
Ipaalala sa mga bata ang mga dapat tandaang pag-iingat kapag naglalaro.
C. Panlinang na Gawain
Ipaliwanag sa mga bata ang ibang kaalaman tungkol sa larong “Tapikan ng
Tuhod”. Ipaalala muli ang mga pag-iingat na dapat gawin.
Ihanda ang paglalaruan ng mga bata at gabayan ang mga bata sa paglalaro.
Pagkatapos ng pagsasagawa, itanong sa mga bata kung ano ang kanilang
pakiramdam. Pag-usapan ang mga naging karanasan sa paglalaro.
Talakayin at ipaliwanag ang kasanayang nililinang sa pagsasagawa ng laro.
D. Paglalapat
Talakayin ang pamamaraan sa larong Circle Chase. Ipaliwanag sa mga bata
ang dapat gawin.
Pagkatapos ng gawain, magkaroon ng talakayan kung paano isinagawa ang
laro at mga kasanayang nililinang nito. Maaaring itanong ang nasa LM.
E. Paglalagom
Magbigay ng mga gabay na tanong sa mga bata upang makabuo ng paglalahat.
IV. Pagtataya
Ipasagot sa mga bata ang mga tanong ng OO o HINDI sa pamamagitan ng
paglagay ng tsek sa kolum ng kanilang sagot.
Mga Tanong OO HINDI
1. Nakasunod ka ba ng may pag-iingat sa alituntunin ng
laro?
2. Pinahalagahan mo ba ang mga gawaing tumutulong
upang malinang ang kasanayan sa bilis?
3. Nagsisikap ka ba na sanayin ang iyong sarili na
kumilos nang mabilis?
V. Takdang-aralin
Ipatala sa mga bata sa kanilang kuwaderno ang mga gawain sa bahay o sa
paaralan na tumutulong upang mapahusay ang kanilang bilis. Alamin ang mga
paraan sa paglalaro ng Patintero para sa susunod na aralin.
YUNIT II
Patintero
I. Layunin
1. Nakasusunod sa mga alintunin ng laro.
2. Natutukoy ang kahalagahan ng laro sa pagpapaunlad ng mga sangkap ng
Physical fitness.
3. Nakakakilos nang mabilis at maliksi habang naglalaro.
II. Nilalaman
Paksa: Paglaro ng Patintero
Kasanayan: Bilis at Liksi
Pagpapahalaga: Sportsmanship; may kasiyahan sa paglalaro ng invasion
games
Sangggunian: P.E 4 Curriculum Guide
Kagamitan: chalk, pito
III. Pamamaraan
A. Pang araw–araw na gawain
1. Pagtsek ng attendance at angkop na kasuotan
2. Pampasiglang Gawain:
Ipagawa sa mga bata ang pampasiglang gawain na ginawa sa mga
nakaraang aralin.
Maaaring magbigay ang guro ng ibang pampasiglang gawain.
B. Panimulang Gawain
1. Ipasagot sa mga bata ang mga tanong sa SIMULAN NATIN na nasa
LM.
2. Pag-usapan ang mga sagot.
3. Ipaalala sa mga bata ang mga dapat tandaang mga sangkap ng
Physical fitness.
C. Panlinang na Gawain:
1. Ipaliwanag sa mga bata ang ibang kaalaman tungkol sa larong
“Patintero” at mga halimbawa ng invasion games.
2. Linawin ang mga tuntunin ng laro.
D. Paglalapat
ARALIN 5
Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto
Ihanda ang paglalaruan ng mga bata para sa Patintero.
Pagkatapos ng laro, itanong sa mga bata kung anong mga skill-related
components ang ginamit sa laro. Pag-usapan ang mga naging karanasan
sa paglalaro.
Talakayin at ipaliwanag ang sportsmanship sa paglalaro.
E. Paglalagom
Magbigay ng mga gabay na tanong sa mga bata upang makabuo ng
paglalahat.
IV. Pagtataya
Ipasagot ang mga tanong sa pamamagitan ng pagguhit ng sa wastong hanay.
Napakahusay Mahusay Kailangan
pang
husayin
Liksi sa pag-iwas sa pagtataya sa
larong Patintero
Bilis ng pagtakbo sa larong Patintero
Magalang na pakikipaglaro
Nauunawaan ang konsepto ng
invasion games
V. Takdang-aralin
Ipasulat sa kanilang Fitness Diary ang mga natutuhan tungkol sa pagpapalakas
at pagpapatatag ng kalamnan. Ipasiyasat ang tungkol sa larong Agawang Panyo.
YUNIT II
Agawang Panyo
I. Layunin
1. Nakikilala ang mga larong lumilinang sa kasanayan ng bilis at liksi.
2. Naisasagawa nang may pag-unawa ang iba’t ibang gawain o laro na may
liksi at bilis.
3. Naipakikita ang kasiyahan, pag-iingat at patas na pakikipaglaro sa kamag-
aral.
II. Nilalaman
Paksa: Mga larong lumilinang sa kasanayan ng bilis at liksi
Kasanayan: Bilis, liksi
Pagpapahalaga: Pagiging masaya , pag-iingat sa sarili at pagiging isports
Sangggunian: PE4 Curriculum Guide
Kagamitan: Bola
III. Pamamaraan
A. Pang araw–araw na Gawain
1 . P agtsek ng attendance at angkop na kasuotang pampisikal na gawain
2. Pampasiglang Gawain:
Ipagawa sa mga bata ang sumusunod:
Jumping rope....……………………….16 na bilang
Paekis-ekis na pagtakbo……………..16 na bilang
3.Balik Aral: Ipakumpleto ang nakasulat sa kahon. Maaaring isulat sa pisara o
manila paper.
Kahapon kami ay naglaro
ng
______________________
__. Natutuhan ko na ang
mga larong ito ay
nagpapaunlad
ng____________________
______. Nalaman ko na
dapat palang
gawin_____________ ang
mga gawaing pisikal upang
laging ___________ ang
katawan.
ARALIN 6
Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto
B. Panimulang Gawain
Ipakita sa mga mag-aaral ang mga gawaing pisikal na nasa larawan (ang
larawan ay makikita sa LM)
Itanong ang sumusunod:
Ano ang ginawa sa mga bata? Nagagawa mo rin ba ito?
Anong kakayahang pisikal ang kailangan mong gawin upang magawa mo ito?
Ipagawa sa mga mga-aaral ang Gawain I (Pagbabalik tanaw)
Itanong kung ano ang palagian nilang ginagawa sa nabanggit na laro.
Itanong kung anong bahagi ng katawan ang ginamit at anong kasanayan ang
nalinang nito.
C. Panlinang na Gawain
Ilahad sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng bilis at liksi na mabasa sa LM.
Pag-usapan ang mga dapat tandaan kung nagsasagawa ng mga gawaing
pisikal.
Ilahad ang kasunod na laro. Ihanda ang palaruan at mga kagamitan sa laro
Ipabasa ang pamamaraan ng larong nasa LM na “Ipagpatuloy Natin”.
Ipaliwanag ito sa mga bata at ipaalala ang mga pag-iingat na dapat gawin sa
paglalaro.
Pagkatapos ng laro talakayin ang kasanayan na nilinang sa larong isinagawa
Maaring pasagutan sa mga bata ang mga tanong na nasa LM.
D. Paglalapat
Ilahad ang larong Agawang Panyo. Ihanda ang mga kagamitan at ang
palaruan.
Ipabasa ang pamamaraan ng laro na makikita sa LM.
Ipaliwanag ito sa mga bata at ipaalaala ang pagiging isport sa pakikipaglaro.
Ipalaro ang Agawang Panyo sa Gabay Mo.
Pagkatapos ng paglaro, talakayin ang kasanayan na nalinang sa
larong isinasagawa.
E. Paglalagom
Gabayan ang mga bata upang makabuo ng paglalahat. Maaaring magtanong
upang makabuo ng kaisipan na dapat tandaan.
IV. Pagtataya
Ipasagot sa mga mag-aaral ang Gawain na nasa LM “Suriin Natin”
V. Takdang-aralin
Ipagawa ang gawain sa LM.
YUNIT II
Agawang Base
I. Layunin
1. Natatalakay ang larong Agawang Base at natutukoy ang kahalagahan ng
laro sa pagpapaunlad ng mga sangkap ng physical fitness
2. Naisasagawa nang maingat ang mga gawaing pisikal sa paglalaro ng
habulan
3. Naipakikita ang kasiyahan na puno ng enerhiya at tiyaga, paggalang sa
kapwa at patas na pakikipaglaro
II. Nilalaman
Paksa: Invasion Game na Agawang Base
Kasanayan: Bilis at Liksi
Pagpapahalaga: Masiglang pakikilahok sa laro na may pag-iingat at tapat sa
kapwa kalaro.
Sanggunian: PE 4 Curriculum Guide, Aklat sa PE
Kagamitan: Puno, Upuan, Palaruan
III. Pamamaraan
A. Pang-araw-araw na Gawain
1. Pag tsek ng attendance at angkop na kasuotan
2. Pampasiglang Gawain
Ipagawa sa mga bata ang mga pampasiglang gawain na ginawa sa mga
nakaraang aralin.
B. Panimulang Gawain
1. Hikayatin ang mga bata na magbigay ng mga gawaing-bahay na
nagpapakita ng bilis at liksi.
2. Itanong sa mga mag-aaral kung bakit kailangang isagawa nang palagian
ang mga gawaing pisikal.
C. Panlinang na Gawain
1. Ipabasa at talakayin ang mga pamamaraan ng paglaro ng Agawang
Base.
ARALIN 7 Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto
2. Pag-usapan ang mga dapat tandaan kung nagsasagawa ng mga gawaing
pisikal.
3. Ipagawa sa mga mag-aaral ang mabilisang pagtakbo na paekis-ekis at
pabalik-balik.
4. Itama ng guro ang mga galaw ng mga mag-aaral kung may mali sa
isinasagawa.
5. Itanong sa mga mag-aaral kung nasisiyahan sila sa pagsasagawa ng kilos
at bakit.
6. Itanong sa mga mag-aaral kung anong bahagi ng katawan ang ginamit sa
isinagawang laro.
D. Paglalapat
Ipalaro sa mga mag-aaral ang Agawang Base.
Ipaalala na mas mabuti na bago magsimula sa pagsasagawa ng anumang
gawaing pisikal, isagawa muna ang warm-up upang maiwasang mapinsala
ang kalamnan.
E. Paglalagom
Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang mga sangkap ng physical fitness
na nagamit sa Agawang Base.
IV. Pagtataya
Palagyan ng tsek (P) ang bawat kolum kung nagawa nila ang mga ito.
Mahina Katamtaman Mabilis
Pagtakbo nang mabilis
Pagligtas ng kakampi
Paghuli ng kalaban
Maliksing pag-iwas na mataya
V. Takdang-aralin
Ipasanay sa mga mag-aaral ang larong Agawang Base para sa paligsahan.
Ipagawa ang Gawain sa LM.
YUNIT II
Lawin at Sisiw
I. Layunin
1. Natatalakay ang pinanggalingan ng larong Lawin at Sisiw at ang mga
alintuntunin at mga kasanayan nito.
2. Nakapaglalarawan ng mga alituntunin at kasanayan sa laro ayon sa
pamantayan.
3. Nakasusunod sa wastong paraan ng laro na may pag-iingat at naipakikita
ang sportsmanship sa paglalaro.
II. Nilalaman
Paksa: Invasion Game – Larong Lawin at Sisiw
Kasanayan: Paggalaw nang mabilis at maliksi, koordinasyon ng pangkat
Pagpapahalaga: Determinasyon at disiplina sa sarili
Sanggunian: PE 4 Curriculum Guide, Aklat sa PE
Kagamitan sa pagtuturo: Mga larawan, panyo
III. Pamamaraan
A. Pang-araw-araw na Gawain
1. Pagtsek ng attendance at angkop na kasuotan
2. Pampasiglang Gawain
Ipagawa ang pampasiglang gawain na ibinigay sa mga unang aralin.
Maaaring baguhin o dagdagan.
3. Balik-aral: Itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod:
Nasisiyahan ba kayo sa mga ginawa natin noong nakaraan?
Ano-anong mga sangkap ng physical fitness ang iyong napaunlad?
Dapat bang panatilihing malakas ang katawan? Bakit?
Naisulat mo ba sa iyong Fitness Diary ang natutuhang kasanayan sa
larong Agawang Base?
B. Panimulang Gawain
ARALIN 8
Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto
Ang gawaing ito ay nakapagpapaalala sa mga bata sa mga nakikita o
naranasang mga gawain.
Word Puzzle Game
Ipakita ang mga larawan ng iba’t ibang laro at mga kagamitan nito. Invasion
games tulad ng Lawin at Sisiw, Araw at Gabi, Agawang panyo, Zigzag relay,
Agawang Base at iba pa.
Itanong sa mga bata kung anong mga laro ang nasa larawan.
Ipahanap at pabilugan ang mga salita na tumutugma sa mga laro at mga
sangkap ng physical fitness.
C. Paglinang na Gawain
Gawin ang talakayan sa pamamagitan ng pagpapakita ng sunod-sunod na
larawan na nagpapaliwanag sa pinagmulan ng larong lawin at sisiw.
Pahalagahan din ang wastong pagsunod sa mga alituntunin at kasanayan
nito.
Tatalakayin ang mga kaisipan tungkol sa larong Lawin at Sisiw at ang mga
alituntunin nito.
Ilarawan kung bakit dinagit ng Lawin ang Sisiw.
D. Paglalapat
Pahanayin ang mga mag-aaral sa anim na hanay.
Maglaban-laban ang pangkat 1 at 2, pangkat 3 at 4, pangkat 5 at 6.
Sa iyong pangangasiwa, ipasanay sa mga bata ang wastong paraan sa
paghawak ng baywang ng kasunod na manlalaro, pag-ilag at paekis-ekis
habang naglaro.
Ipasubok ang laro para masanay sa pagsunod sa mga alituntunin ng laro.
E. Paglalagom
Itatanong ng guro ang mga sumusunod:
Ano-anong mga kasanayan ang malilinang sa larong ginawa?
Ano ang dapat tandaan kapag naglalaro.
Sa kasaysayan ng larong Lawin at Sisiw, ano ang ginawa ng Inahing Manok
upang mabantayan ang kanyang mga sisiw?
Anong mga estratehiya ang ginamit upang hindi mahablot ng kalaban ang
buntot?
Batay sa mga naitala ninyong mga kasanayan sa inyong Fitness Diary, may
pagbabago ba o mas naipauunlad ba ang mga sangkap ng physical fitness
sa larong Lawin at Sisiw? Paano ito nakatulong sa inyo?
IV. Pagtataya
Ipagawa ang Gawain sa LM na “Suriin Natin.”
Palagyan ng tsek ang kolum na naglalarawan ng sagot ng bata.
V. Takdang-aralin
Isulat sa inyong Fitness Diary ang iyong mga natutuhan na mga kasanayan sa
paglaro ng Lawin at Sisiw.

More Related Content

Similar to TG_PE 5_Q2.pdf

Tg pe 4 p. 3-5, Phyical Activity Pyramid
Tg pe 4  p. 3-5, Phyical Activity PyramidTg pe 4  p. 3-5, Phyical Activity Pyramid
Tg pe 4 p. 3-5, Phyical Activity PyramidDarel Caubang
 
Dll epp 5_q1_w4[1]
Dll epp 5_q1_w4[1]Dll epp 5_q1_w4[1]
Dll epp 5_q1_w4[1]Ruel Ramos
 
DLL_Music Arts Physical Education Health5_Q1_W1 2022.docx
DLL_Music Arts Physical  Education  Health5_Q1_W1 2022.docxDLL_Music Arts Physical  Education  Health5_Q1_W1 2022.docx
DLL_Music Arts Physical Education Health5_Q1_W1 2022.docxLARRYFABI1
 
DLL EPP- Home Economics.docx
DLL EPP- Home Economics.docxDLL EPP- Home Economics.docx
DLL EPP- Home Economics.docxgenissabaes
 
dllepp-homeeconomics-221022002823-5c5e8ada.pdf
dllepp-homeeconomics-221022002823-5c5e8ada.pdfdllepp-homeeconomics-221022002823-5c5e8ada.pdf
dllepp-homeeconomics-221022002823-5c5e8ada.pdfmaylingonzales1
 
DLl_ESP 3 -Q1 WK5.docx
DLl_ESP 3 -Q1 WK5.docxDLl_ESP 3 -Q1 WK5.docx
DLl_ESP 3 -Q1 WK5.docxMelanieBddr
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN PHYSICAL EDUCATION (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN PHYSICAL EDUCATION (Q3-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN PHYSICAL EDUCATION (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN PHYSICAL EDUCATION (Q3-Q4)LiGhT ArOhL
 
daily lesson plan in p.e March 22 (PE -Aralin 4).docx
daily lesson plan in p.e March 22 (PE -Aralin 4).docxdaily lesson plan in p.e March 22 (PE -Aralin 4).docx
daily lesson plan in p.e March 22 (PE -Aralin 4).docxSARAHDVENTURA
 
Aralin 1 lakas ng loob ko copy
Aralin 1 lakas ng loob ko   copyAralin 1 lakas ng loob ko   copy
Aralin 1 lakas ng loob ko copyEDITHA HONRADEZ
 
Day 1 week 1.docx
Day 1 week 1.docxDay 1 week 1.docx
Day 1 week 1.docxDixieRamos2
 
ESP-DLL 7 Ikatlong Markahan.docx
ESP-DLL 7 Ikatlong Markahan.docxESP-DLL 7 Ikatlong Markahan.docx
ESP-DLL 7 Ikatlong Markahan.docxAniceto Buniel
 
ESP-DLL 7 Ikatlong Markahan.pdf
ESP-DLL 7 Ikatlong Markahan.pdfESP-DLL 7 Ikatlong Markahan.pdf
ESP-DLL 7 Ikatlong Markahan.pdfRHEABRAMBONGA
 
pe5_q1_mod2_kickball_FINAL08092020.pdf
pe5_q1_mod2_kickball_FINAL08092020.pdfpe5_q1_mod2_kickball_FINAL08092020.pdf
pe5_q1_mod2_kickball_FINAL08092020.pdfGlyn Ariston
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN PHYSICAL EDUCATION (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN PHYSICAL EDUCATION (Q1-Q2)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN PHYSICAL EDUCATION (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN PHYSICAL EDUCATION (Q1-Q2)LiGhT ArOhL
 

Similar to TG_PE 5_Q2.pdf (20)

Tg pe 4 p. 3-5, Phyical Activity Pyramid
Tg pe 4  p. 3-5, Phyical Activity PyramidTg pe 4  p. 3-5, Phyical Activity Pyramid
Tg pe 4 p. 3-5, Phyical Activity Pyramid
 
Dll epp 5_q1_w4[1]
Dll epp 5_q1_w4[1]Dll epp 5_q1_w4[1]
Dll epp 5_q1_w4[1]
 
DLL_Music Arts Physical Education Health5_Q1_W1 2022.docx
DLL_Music Arts Physical  Education  Health5_Q1_W1 2022.docxDLL_Music Arts Physical  Education  Health5_Q1_W1 2022.docx
DLL_Music Arts Physical Education Health5_Q1_W1 2022.docx
 
DLL EPP- Home Economics.docx
DLL EPP- Home Economics.docxDLL EPP- Home Economics.docx
DLL EPP- Home Economics.docx
 
dllepp-homeeconomics-221022002823-5c5e8ada.pdf
dllepp-homeeconomics-221022002823-5c5e8ada.pdfdllepp-homeeconomics-221022002823-5c5e8ada.pdf
dllepp-homeeconomics-221022002823-5c5e8ada.pdf
 
PE Grade 5 week 1.pptx
PE Grade 5 week 1.pptxPE Grade 5 week 1.pptx
PE Grade 5 week 1.pptx
 
DLl_ESP 3 -Q1 WK5.docx
DLl_ESP 3 -Q1 WK5.docxDLl_ESP 3 -Q1 WK5.docx
DLl_ESP 3 -Q1 WK5.docx
 
Grade 5 PPT_PE_Q3_W3_Day 1-5.pptx
Grade 5 PPT_PE_Q3_W3_Day 1-5.pptxGrade 5 PPT_PE_Q3_W3_Day 1-5.pptx
Grade 5 PPT_PE_Q3_W3_Day 1-5.pptx
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN PHYSICAL EDUCATION (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN PHYSICAL EDUCATION (Q3-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN PHYSICAL EDUCATION (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN PHYSICAL EDUCATION (Q3-Q4)
 
daily lesson plan in p.e March 22 (PE -Aralin 4).docx
daily lesson plan in p.e March 22 (PE -Aralin 4).docxdaily lesson plan in p.e March 22 (PE -Aralin 4).docx
daily lesson plan in p.e March 22 (PE -Aralin 4).docx
 
Pe3 m2
Pe3 m2Pe3 m2
Pe3 m2
 
Aralin 1 lakas ng loob ko copy
Aralin 1 lakas ng loob ko   copyAralin 1 lakas ng loob ko   copy
Aralin 1 lakas ng loob ko copy
 
Day 1 week 1.docx
Day 1 week 1.docxDay 1 week 1.docx
Day 1 week 1.docx
 
ESP-DLL 7 Ikatlong Markahan.docx
ESP-DLL 7 Ikatlong Markahan.docxESP-DLL 7 Ikatlong Markahan.docx
ESP-DLL 7 Ikatlong Markahan.docx
 
ESP-DLL 7 Ikatlong Markahan.pdf
ESP-DLL 7 Ikatlong Markahan.pdfESP-DLL 7 Ikatlong Markahan.pdf
ESP-DLL 7 Ikatlong Markahan.pdf
 
DLL_MAPEH-5_Q1_W1 (1).docx
DLL_MAPEH-5_Q1_W1 (1).docxDLL_MAPEH-5_Q1_W1 (1).docx
DLL_MAPEH-5_Q1_W1 (1).docx
 
pe5_q1_mod2_kickball_FINAL08092020.pdf
pe5_q1_mod2_kickball_FINAL08092020.pdfpe5_q1_mod2_kickball_FINAL08092020.pdf
pe5_q1_mod2_kickball_FINAL08092020.pdf
 
Module 11 session 2
Module 11 session 2Module 11 session 2
Module 11 session 2
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN PHYSICAL EDUCATION (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN PHYSICAL EDUCATION (Q1-Q2)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN PHYSICAL EDUCATION (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN PHYSICAL EDUCATION (Q1-Q2)
 
Module 11 session 2
Module 11 session 2Module 11 session 2
Module 11 session 2
 

Recently uploaded

Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...mtmedel20in0037
 
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptxGrade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptxGeizukiTaro
 
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptx
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptxBahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptx
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptxjennygomez299283
 
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptxGrade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptxmesibasan
 
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxChristineJaneWaquizM
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdfreboy_arroyo
 
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdfNonieAnnGalang
 
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumDLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumVALERIEYDIZON
 
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)RonalynGatelaCajudo
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pmarryrosegardose
 
Mapeh-Aralin-4.1-Healthpptx (1).pp for cottx
Mapeh-Aralin-4.1-Healthpptx (1).pp for cottxMapeh-Aralin-4.1-Healthpptx (1).pp for cottx
Mapeh-Aralin-4.1-Healthpptx (1).pp for cottxOlinadLobatonAiMula
 
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointLesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointRuvyAnnClaus
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancykatpantan
 
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxPart 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxEVELYNGRACETADEO1
 
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptx
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptxisyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptx
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptxLornaBajarOliva
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxMarwinElleLimbaga
 
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...FairyLouMejia1
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxdiannesofocado8
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5TeacherTinCabanayan
 
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptxGrade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptxGeizukiTaro
 

Recently uploaded (20)

Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
 
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptxGrade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
 
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptx
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptxBahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptx
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptx
 
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptxGrade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptx
 
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
 
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
 
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumDLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
 
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
 
Mapeh-Aralin-4.1-Healthpptx (1).pp for cottx
Mapeh-Aralin-4.1-Healthpptx (1).pp for cottxMapeh-Aralin-4.1-Healthpptx (1).pp for cottx
Mapeh-Aralin-4.1-Healthpptx (1).pp for cottx
 
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointLesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
 
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxPart 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
 
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptx
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptxisyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptx
isyung-moral-tungkol-sa-seksuwalidad.pptx
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
 
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
 
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptxGrade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
 

TG_PE 5_Q2.pdf

  • 1. YUNIT II Pagpapalakas at Pagpapatatag ng Kalamnan I. Layunin . 1.Naipaliliwanag ang pagkakaiba ng lakas ng kalamnan at tatag ng kalamnan. 2. Naisasagawa nang wasto ang mga gawaing pisikal na nakapaloob sa aralin. 3. Naipakikita ang kasiyahan at pag-iingat sa pagsasagawa ng mga gawain. II. Nilalaman Paksa: Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino Mga physical activity na nagdudulot ng muscular strength at muscular endurance Kasanayan: Lakas at Tatag ng Kalamnan Pagpapahalaga: Kalusugan na dulot ng malakas na katawan Sangggunian: Curriculum Guide Kagamitan: Larawan ng Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino Lubid o mahabang tela (siguraduhin na ang tela ay di nakakasugat kapag hinila ng mga bata) Pito Mesa na may bigat na kayang itulak ng mga bata Sako o bag na may pampabigat na damit o libro (Siguraduhin na ang bigat ng sako ay kakayaning dalhin ng mga bata) III. Pamamaraan A. Pang araw–araw na Gawain 1. Pagtsek ng attendance at angkop na kasuotan Pagtsek sa takdang-aralin 2. Pampasiglang Gawain Ipagawa sa mga bata ang pampasiglang gawain na ginawa sa mga nakaraang aralin. 3. Balik-Aral Tanungin kung paano nilalaro ang Syato. Tanungin din kung anong kasanayan ang pinahuhusay nito at anong tulong ang maidudulot sa katawan. B. Panimulang Gawain Sagutin ang mga tanong sa SIMULAN NATIN na nasa LM. Talakayin ang Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino at kung paano ito masusunod. Ipagawa ang Gawain I. Bumuo ng apat na pangkat. Ihanda ang bawat estasyon na iikutan ng bawat pangkat. Ipaalala ang mga pag- ARALIN 1 Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto
  • 2. iingat na dapat gawin. Ipakita ang tamang paraan sa paggawa ng mga nakalaan sa bawat estasyon.Ipagawa ang mga gawaing nakalaan sa bawat pangkat. Magtala ng 30 segundo hanggang isang minuto lamang para sa bawat estasyon. C. Panlinang na Gawain Magkaroon ng talakayan sa ginawang gawain. Ipasagot sa mga bata ang mga tanong sa “Ipagpatuloy Natin” at ipaliwanag ito. D. Paglalapat Ipagawa ang nasa LM na “Gawin Natin”. Gabayan ang mga bata sa pagsasagawa at ipaalala ang mga pag-iingat na dapat gawin.Talakayin ang ginawang gawain. E. Paglalagom Gabayan ang mga bata upang makabuo ng paglalahat. Maaaring magtanong upang makabuo ng kaisipan na dapat tandaan. IV. Pagtataya Ipasagot sa mga bata ang mga tanong sa Suriin Natin. V. Takdang-aralin Itala ang mga ginagawa ninyo sa araw-araw na nangangailangan ng lakas at tatag ng kalamnan. Ugaliing gawin ang mga ito sa tuwina upang mapalakas ang inyong katawan.
  • 3. YUNIT II Pagpapalakas at pagpapatatag ng Kalamnan I. Layunin 1. Nabibigyang halaga ang lakas at tatag ng kalamnan sa pakikilahok sa mga gawain sa klase. 2. Naisasagawa nang maayos at tama ang mga gawaing nakalilinang sa lakas at tatag ng kalamnan. 3. Naipaliliwanag ang pagkakaiba ng lakas at tatag ng kalamnan. 4. Naipakikita ang kasiyahan na puno ng enerhiya at tiyaga sa pagsasagawa ng mga gawaing pisikal. II. Nilalaman Paksa: Mga gawaing sumusubok sa lakas at tatag ng kalamnan Pag-unawa sa pagkakaiba ng lakas at tatag ng kalamnan Kasanayan: Lakas at tatag ng kalamnan Pagpapahalaga: Pagtitiyaga sa mga gawain gaano man kahirap Sanggunian:Grade 4 P.E. Curriculum Guide Kagamitan: Larawan, bag, mga aklat III. Pamamaraan A. Pang araw-araw na Gawain 1. Pagtsek ng attendance at angkop na kasuotan 2. Pampasiglang Gawain Ipagawa sa mga bata ang gawaing pampasigla na nasa LM sa nakaraang aralin. Ipaalala sa mga bata ang pag-iingat sa pagsasagawa. 3. Balik–aral: Balik-aralan ang nakaraang aralin. B. Panimulang Gawain Ipakita ang mga larawang nasa LM. Maaaring may nakahanda ang guro na malalaking larawan. Ipagawa ang gawaing isinasaad sa LM. ARALIN 2 Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto
  • 4. Talakayin at magtanong sa mga bata kung ano ang nakita nila sa larawan. Itanong kung ang larawan ay nagpapakita ng gawaing magpapalakas at magpapatatag ng kalamnan. C. Panlinang na Gawain Ipagawa ang gawain na sumusubok sa lakas at tatag ng kalamnan na makikita sa SIMULAN NATIN na nasa LM. Pagkatapos ng gawain, ipasagot ang tanong sa LM. Talakayin at ipaliwanag ang pagkakaiba ng may lakas at tatag ng kalamnan. Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagkakaroon ng lakas at tatag ng kalamnan. D. Paglalapat Ipagawa sa mga bata ang pangkatang gawain sa LM “Gawin Natin”. Ipaliwanag kung paano nagamit ang muscular endurance sa laro dito. Linawin ang pagkakaiba ng lakas at tatag ng kalamnan. E. Paglalagom Tulungan ang mga bata na makabuo ng isang paglalahat na dapat nilang tandaan. Linawin ang pagkakaiba ng konsepto ng lakas at tatag ng kalamnan at kung anong mga pang-araw-araw na gawain na nangangailangan nito IV. Pagtataya Ipasagot ang mga sumusunod ng OO o HINDI. OO HINDI 1. Naisagawa mo ba nang tama ang mga gawaing sumusubok sa tatag at lakas ng kalamnan. 2. Nauunawaan mo na ba ang pagkakaiba ng tatag at lakas ng kalamnan. 3. Nasisiyahan ka ba kapag pinagagawa ka ng mga gawain sa bahay at paaralan? V. Takdang-aralin Ipagawa ang nasa LM. “PAGBUTIHIN NATIN.” Ipaliwanag ang paggawa ng Fitness diary.
  • 5. YUNIT II Pagpapaunlad ng Iiksi I. Layunin 1. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng agility (liksi) bilang sangkap ng Physical Fitness. 2. Nasasabi ang kahalagahan ng pakikilahok sa mga gawaing pisikal. 3. Naipapakita ang liksi sa pakikilahok sa obstacle relay. II. Nilalaman Paksa: Kasanayan ng Kaliksihan Kasanayan: Agility (Liksi) Pagpapahalaga: Pagiging maingat sa sarili at kapwa Sangggunian: PE Curriculm Guide, Kagamitan: Tsart ng mga gawain, pito, cone, buklod o hulahoop III. Pamamaraan A. Pang araw–araw na gawain 1. Pagtsek ng attendance at angkop na kasuotan 2. Pampasiglang Gawain Ipagawa sa mga bata ang pampasiglang gawain na ginawa sa mga nakaraang aralin. 3. Balik Aral Punan ang patlang. Ang pagkakaroon ng lakas at tatag ng kalamnan ay mahalaga dahil______________________________. Ang ilan sa mga gawaing nagpapahusay ng kasanayang ito ay ang______, B. Panimulang Gawain 1. Pahanayin ang mga bata. ARALIN 3 Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto
  • 6. 2. Paghudyat gamit ang pito, ituro kung ang mga bata ay hahakbang pakaliwa o pakanan.Isaalang-alang ang konsepto ng mirror-image para sa mga bata. (Hal. Kung papupuntahin sa kanan, ituro ang pakaliwa.) 3. Ulit-ulitin ito sa loob ng limang minuto. Tingnan kung nakasusunod ang mga bata. 4. Magkaroon ng talakayan na may kaugnayan sa mga kilos na nagpapakita ng agility (liksi). C. Panlinang na Gawain Ipagawa ang gawain na nasa LM na “Gawin Natin”. Pagkatapos ng gawain, magkaroon ng talakayan o pag-uusap sa isinagawa.Ipaliwanag ang kasanayang ginamit sa pagsasagawa ng mga gawain. Ipatukoy ang mga kasanayang nililinang sa gawain at itanong ang kahalagahan ng pakikilahok sa mga gawaing katulad nito. Palawakin ang mga sagot ng mga bata. D. Paglalapat Ipagawa ang larong nasa LM. Ipaliwanag ang pamamaraan ng paglaro. Ipaalala ang mga pag-iingat na dapat gawin sa tuwing maglalaro. Pagkatapos ng gawain, pag-usapan ang naging karanasan at talakayin ang kasanayan na ginamit sa laro. E. Paglalagom Gabayan ang mga bata sa pagbuo ng konsepto Maaaring magbigay ng mga gabay na tanong. IV. Pagtataya Ipasagot ang tanong sa LM na “Suriin Natin”. Sagot: 1. A 2. D 3. A 4. C 5. C V. Takdang-aralin Pasulatan ang Fitness diary. Ipasulat ang kahalagahan ng ginawang gawain na may kaugnayan sa kaliksihan ng katawan.
  • 7. YUNIT II Paglinang ng Bilis I. Layunin 1. Nakasusunod sa alintunin ng laro. 2. Natutukoy ang kahalagahan ng bilis sa pagkapanalo sa laro. 3. Nakakikilos nang mabilis at may direksyon ayon sa tuntunin. II. Nilalaman Paksa: Mga gawaing pisikal na nagpapakita ng bilis Kasanayan: Bilis Pagpapahalaga: Sportsmanship; may pag-iingat at kasiyahan sa pagsa- sagawa ng mga gawaing pisikal. Sangggunian: P.E 4 Curriculum Guide, tsart ng mga gawain Kagamitan: tsart ng mga gawain III. Pamamaraan A. Pang-araw–araw na gawain 1. Pagtsek ng attendance at angkop na kasuotan 2. Pampasiglang Gawain: Ipagawa sa mga bata ang pampasiglang gawain na ginawa sa mga nakaraang aralin. Maaaring magbigay ang guro ng ibang pampasiglang gawain. 3. Balik-aral Ipagawa sa mga bata. Isulat ang mga pang-araw-araw na kilos o gawaing ginagawa sa paaralan o sa bahay na nagpapahusay ng kaliksihan 1 2 3 4 5 ARALIN 4 Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto
  • 8. B. Panimulang Gawain Sabihin sa mga bata na magkakaroon sila ng paligsahan sa pag-aabot ng mga bagay. Maghanda ang guro ng mga premyo sa mga batang mabilis magbigay ng bagay na sasabihin ng guro. (Halimbawa: “Bigyan ako ng isang puting panyo, isang pares ng itim na sapatos at iba pa.) Pag-usapan ang ginawang gawain. Ipaalala sa mga bata ang mga dapat tandaang pag-iingat kapag naglalaro. C. Panlinang na Gawain Ipaliwanag sa mga bata ang ibang kaalaman tungkol sa larong “Tapikan ng Tuhod”. Ipaalala muli ang mga pag-iingat na dapat gawin. Ihanda ang paglalaruan ng mga bata at gabayan ang mga bata sa paglalaro. Pagkatapos ng pagsasagawa, itanong sa mga bata kung ano ang kanilang pakiramdam. Pag-usapan ang mga naging karanasan sa paglalaro. Talakayin at ipaliwanag ang kasanayang nililinang sa pagsasagawa ng laro. D. Paglalapat Talakayin ang pamamaraan sa larong Circle Chase. Ipaliwanag sa mga bata ang dapat gawin. Pagkatapos ng gawain, magkaroon ng talakayan kung paano isinagawa ang laro at mga kasanayang nililinang nito. Maaaring itanong ang nasa LM. E. Paglalagom Magbigay ng mga gabay na tanong sa mga bata upang makabuo ng paglalahat. IV. Pagtataya Ipasagot sa mga bata ang mga tanong ng OO o HINDI sa pamamagitan ng paglagay ng tsek sa kolum ng kanilang sagot. Mga Tanong OO HINDI 1. Nakasunod ka ba ng may pag-iingat sa alituntunin ng laro? 2. Pinahalagahan mo ba ang mga gawaing tumutulong upang malinang ang kasanayan sa bilis? 3. Nagsisikap ka ba na sanayin ang iyong sarili na kumilos nang mabilis? V. Takdang-aralin
  • 9. Ipatala sa mga bata sa kanilang kuwaderno ang mga gawain sa bahay o sa paaralan na tumutulong upang mapahusay ang kanilang bilis. Alamin ang mga paraan sa paglalaro ng Patintero para sa susunod na aralin. YUNIT II Patintero I. Layunin 1. Nakasusunod sa mga alintunin ng laro. 2. Natutukoy ang kahalagahan ng laro sa pagpapaunlad ng mga sangkap ng Physical fitness. 3. Nakakakilos nang mabilis at maliksi habang naglalaro. II. Nilalaman Paksa: Paglaro ng Patintero Kasanayan: Bilis at Liksi Pagpapahalaga: Sportsmanship; may kasiyahan sa paglalaro ng invasion games Sangggunian: P.E 4 Curriculum Guide Kagamitan: chalk, pito III. Pamamaraan A. Pang araw–araw na gawain 1. Pagtsek ng attendance at angkop na kasuotan 2. Pampasiglang Gawain: Ipagawa sa mga bata ang pampasiglang gawain na ginawa sa mga nakaraang aralin. Maaaring magbigay ang guro ng ibang pampasiglang gawain. B. Panimulang Gawain 1. Ipasagot sa mga bata ang mga tanong sa SIMULAN NATIN na nasa LM. 2. Pag-usapan ang mga sagot. 3. Ipaalala sa mga bata ang mga dapat tandaang mga sangkap ng Physical fitness. C. Panlinang na Gawain: 1. Ipaliwanag sa mga bata ang ibang kaalaman tungkol sa larong “Patintero” at mga halimbawa ng invasion games. 2. Linawin ang mga tuntunin ng laro. D. Paglalapat ARALIN 5 Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto
  • 10. Ihanda ang paglalaruan ng mga bata para sa Patintero. Pagkatapos ng laro, itanong sa mga bata kung anong mga skill-related components ang ginamit sa laro. Pag-usapan ang mga naging karanasan sa paglalaro. Talakayin at ipaliwanag ang sportsmanship sa paglalaro. E. Paglalagom Magbigay ng mga gabay na tanong sa mga bata upang makabuo ng paglalahat. IV. Pagtataya Ipasagot ang mga tanong sa pamamagitan ng pagguhit ng sa wastong hanay. Napakahusay Mahusay Kailangan pang husayin Liksi sa pag-iwas sa pagtataya sa larong Patintero Bilis ng pagtakbo sa larong Patintero Magalang na pakikipaglaro Nauunawaan ang konsepto ng invasion games V. Takdang-aralin Ipasulat sa kanilang Fitness Diary ang mga natutuhan tungkol sa pagpapalakas at pagpapatatag ng kalamnan. Ipasiyasat ang tungkol sa larong Agawang Panyo.
  • 11. YUNIT II Agawang Panyo I. Layunin 1. Nakikilala ang mga larong lumilinang sa kasanayan ng bilis at liksi. 2. Naisasagawa nang may pag-unawa ang iba’t ibang gawain o laro na may liksi at bilis. 3. Naipakikita ang kasiyahan, pag-iingat at patas na pakikipaglaro sa kamag- aral. II. Nilalaman Paksa: Mga larong lumilinang sa kasanayan ng bilis at liksi Kasanayan: Bilis, liksi Pagpapahalaga: Pagiging masaya , pag-iingat sa sarili at pagiging isports Sangggunian: PE4 Curriculum Guide Kagamitan: Bola III. Pamamaraan A. Pang araw–araw na Gawain 1 . P agtsek ng attendance at angkop na kasuotang pampisikal na gawain 2. Pampasiglang Gawain: Ipagawa sa mga bata ang sumusunod: Jumping rope....……………………….16 na bilang Paekis-ekis na pagtakbo……………..16 na bilang 3.Balik Aral: Ipakumpleto ang nakasulat sa kahon. Maaaring isulat sa pisara o manila paper. Kahapon kami ay naglaro ng ______________________ __. Natutuhan ko na ang mga larong ito ay nagpapaunlad ng____________________ ______. Nalaman ko na dapat palang gawin_____________ ang mga gawaing pisikal upang laging ___________ ang katawan. ARALIN 6 Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto
  • 12. B. Panimulang Gawain Ipakita sa mga mag-aaral ang mga gawaing pisikal na nasa larawan (ang larawan ay makikita sa LM) Itanong ang sumusunod: Ano ang ginawa sa mga bata? Nagagawa mo rin ba ito? Anong kakayahang pisikal ang kailangan mong gawin upang magawa mo ito? Ipagawa sa mga mga-aaral ang Gawain I (Pagbabalik tanaw) Itanong kung ano ang palagian nilang ginagawa sa nabanggit na laro. Itanong kung anong bahagi ng katawan ang ginamit at anong kasanayan ang nalinang nito. C. Panlinang na Gawain Ilahad sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng bilis at liksi na mabasa sa LM. Pag-usapan ang mga dapat tandaan kung nagsasagawa ng mga gawaing pisikal. Ilahad ang kasunod na laro. Ihanda ang palaruan at mga kagamitan sa laro Ipabasa ang pamamaraan ng larong nasa LM na “Ipagpatuloy Natin”. Ipaliwanag ito sa mga bata at ipaalala ang mga pag-iingat na dapat gawin sa paglalaro. Pagkatapos ng laro talakayin ang kasanayan na nilinang sa larong isinagawa Maaring pasagutan sa mga bata ang mga tanong na nasa LM. D. Paglalapat Ilahad ang larong Agawang Panyo. Ihanda ang mga kagamitan at ang palaruan. Ipabasa ang pamamaraan ng laro na makikita sa LM. Ipaliwanag ito sa mga bata at ipaalaala ang pagiging isport sa pakikipaglaro. Ipalaro ang Agawang Panyo sa Gabay Mo. Pagkatapos ng paglaro, talakayin ang kasanayan na nalinang sa larong isinasagawa. E. Paglalagom Gabayan ang mga bata upang makabuo ng paglalahat. Maaaring magtanong upang makabuo ng kaisipan na dapat tandaan. IV. Pagtataya Ipasagot sa mga mag-aaral ang Gawain na nasa LM “Suriin Natin” V. Takdang-aralin Ipagawa ang gawain sa LM.
  • 13. YUNIT II Agawang Base I. Layunin 1. Natatalakay ang larong Agawang Base at natutukoy ang kahalagahan ng laro sa pagpapaunlad ng mga sangkap ng physical fitness 2. Naisasagawa nang maingat ang mga gawaing pisikal sa paglalaro ng habulan 3. Naipakikita ang kasiyahan na puno ng enerhiya at tiyaga, paggalang sa kapwa at patas na pakikipaglaro II. Nilalaman Paksa: Invasion Game na Agawang Base Kasanayan: Bilis at Liksi Pagpapahalaga: Masiglang pakikilahok sa laro na may pag-iingat at tapat sa kapwa kalaro. Sanggunian: PE 4 Curriculum Guide, Aklat sa PE Kagamitan: Puno, Upuan, Palaruan III. Pamamaraan A. Pang-araw-araw na Gawain 1. Pag tsek ng attendance at angkop na kasuotan 2. Pampasiglang Gawain Ipagawa sa mga bata ang mga pampasiglang gawain na ginawa sa mga nakaraang aralin. B. Panimulang Gawain 1. Hikayatin ang mga bata na magbigay ng mga gawaing-bahay na nagpapakita ng bilis at liksi. 2. Itanong sa mga mag-aaral kung bakit kailangang isagawa nang palagian ang mga gawaing pisikal. C. Panlinang na Gawain 1. Ipabasa at talakayin ang mga pamamaraan ng paglaro ng Agawang Base. ARALIN 7 Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto
  • 14. 2. Pag-usapan ang mga dapat tandaan kung nagsasagawa ng mga gawaing pisikal. 3. Ipagawa sa mga mag-aaral ang mabilisang pagtakbo na paekis-ekis at pabalik-balik. 4. Itama ng guro ang mga galaw ng mga mag-aaral kung may mali sa isinasagawa. 5. Itanong sa mga mag-aaral kung nasisiyahan sila sa pagsasagawa ng kilos at bakit. 6. Itanong sa mga mag-aaral kung anong bahagi ng katawan ang ginamit sa isinagawang laro. D. Paglalapat Ipalaro sa mga mag-aaral ang Agawang Base. Ipaalala na mas mabuti na bago magsimula sa pagsasagawa ng anumang gawaing pisikal, isagawa muna ang warm-up upang maiwasang mapinsala ang kalamnan. E. Paglalagom Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang mga sangkap ng physical fitness na nagamit sa Agawang Base. IV. Pagtataya Palagyan ng tsek (P) ang bawat kolum kung nagawa nila ang mga ito. Mahina Katamtaman Mabilis Pagtakbo nang mabilis Pagligtas ng kakampi Paghuli ng kalaban Maliksing pag-iwas na mataya V. Takdang-aralin Ipasanay sa mga mag-aaral ang larong Agawang Base para sa paligsahan. Ipagawa ang Gawain sa LM.
  • 15. YUNIT II Lawin at Sisiw I. Layunin 1. Natatalakay ang pinanggalingan ng larong Lawin at Sisiw at ang mga alintuntunin at mga kasanayan nito. 2. Nakapaglalarawan ng mga alituntunin at kasanayan sa laro ayon sa pamantayan. 3. Nakasusunod sa wastong paraan ng laro na may pag-iingat at naipakikita ang sportsmanship sa paglalaro. II. Nilalaman Paksa: Invasion Game – Larong Lawin at Sisiw Kasanayan: Paggalaw nang mabilis at maliksi, koordinasyon ng pangkat Pagpapahalaga: Determinasyon at disiplina sa sarili Sanggunian: PE 4 Curriculum Guide, Aklat sa PE Kagamitan sa pagtuturo: Mga larawan, panyo III. Pamamaraan A. Pang-araw-araw na Gawain 1. Pagtsek ng attendance at angkop na kasuotan 2. Pampasiglang Gawain Ipagawa ang pampasiglang gawain na ibinigay sa mga unang aralin. Maaaring baguhin o dagdagan. 3. Balik-aral: Itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod: Nasisiyahan ba kayo sa mga ginawa natin noong nakaraan? Ano-anong mga sangkap ng physical fitness ang iyong napaunlad? Dapat bang panatilihing malakas ang katawan? Bakit? Naisulat mo ba sa iyong Fitness Diary ang natutuhang kasanayan sa larong Agawang Base? B. Panimulang Gawain ARALIN 8 Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto
  • 16. Ang gawaing ito ay nakapagpapaalala sa mga bata sa mga nakikita o naranasang mga gawain. Word Puzzle Game Ipakita ang mga larawan ng iba’t ibang laro at mga kagamitan nito. Invasion games tulad ng Lawin at Sisiw, Araw at Gabi, Agawang panyo, Zigzag relay, Agawang Base at iba pa. Itanong sa mga bata kung anong mga laro ang nasa larawan. Ipahanap at pabilugan ang mga salita na tumutugma sa mga laro at mga sangkap ng physical fitness. C. Paglinang na Gawain Gawin ang talakayan sa pamamagitan ng pagpapakita ng sunod-sunod na larawan na nagpapaliwanag sa pinagmulan ng larong lawin at sisiw. Pahalagahan din ang wastong pagsunod sa mga alituntunin at kasanayan nito. Tatalakayin ang mga kaisipan tungkol sa larong Lawin at Sisiw at ang mga alituntunin nito. Ilarawan kung bakit dinagit ng Lawin ang Sisiw. D. Paglalapat Pahanayin ang mga mag-aaral sa anim na hanay. Maglaban-laban ang pangkat 1 at 2, pangkat 3 at 4, pangkat 5 at 6. Sa iyong pangangasiwa, ipasanay sa mga bata ang wastong paraan sa paghawak ng baywang ng kasunod na manlalaro, pag-ilag at paekis-ekis habang naglaro. Ipasubok ang laro para masanay sa pagsunod sa mga alituntunin ng laro. E. Paglalagom Itatanong ng guro ang mga sumusunod: Ano-anong mga kasanayan ang malilinang sa larong ginawa? Ano ang dapat tandaan kapag naglalaro. Sa kasaysayan ng larong Lawin at Sisiw, ano ang ginawa ng Inahing Manok upang mabantayan ang kanyang mga sisiw? Anong mga estratehiya ang ginamit upang hindi mahablot ng kalaban ang buntot?
  • 17. Batay sa mga naitala ninyong mga kasanayan sa inyong Fitness Diary, may pagbabago ba o mas naipauunlad ba ang mga sangkap ng physical fitness sa larong Lawin at Sisiw? Paano ito nakatulong sa inyo? IV. Pagtataya Ipagawa ang Gawain sa LM na “Suriin Natin.” Palagyan ng tsek ang kolum na naglalarawan ng sagot ng bata. V. Takdang-aralin Isulat sa inyong Fitness Diary ang iyong mga natutuhan na mga kasanayan sa paglaro ng Lawin at Sisiw.