14. Mahilig ba kayong makipag-
usap?
Ano-ano ang mga bagay na
inyong pinag-uusapan?
15. Apat na Uri ng Pangungusap
1. Paturol o Pasalaysay-
pangungusap na nagkukwento o
nagsasalaysay. Ito ay nagtatapos sa
bantas na tuldok.
16. Ang ubas ay kulay lila.
Ang ubas ay matamis.
Ang prutas na ubas ay
matatagpuan sa La Union.
Maraming bunga ang puno
ng ubas.
17. 2. Patanong - pangungusap na
nagsisiyasat o naghahanap ng sagot.
Ito ay nagtatapos sa bantas na
tandang pananong (?).
18. Saan natin makikita ang bagoong?
Saan natin ginagamit ang bagoong?
Ano ang kulay ng bagoong?
Saan natin madalas makita ang
bagoong?
19. 3. Pautos o Pakiusap–
nagpapahayag ng
obligasyong dapat gawin.
Nagtatapos ito sa bantas na
tuldok. (.)
20. Bilhan mo nga ako ng buko.
Lagyan mo nga ng sabaw ng
buko ang aking baso.
Pwede mo ba akong pitasan
ng buko.
Ubusin mo iyong iniinom
mong buko.
21. 4. Padamdam – nagsasaad ng
matinding damdamin tulad ng
tuwa, takot at pagkagulat.
Nagtatapos ito sa bantas na
tandang padamdam (!).
22. Wow! Ang sarap ng durian!
Naku! Pwede akong matusok sa
prutas na iyan!
Halla! Ang laki ng durian!
23. Usapan ng Magkaibigan
Ben: Wow! Ang ganda naman ng laruan mo.
Lino: Padala ito saakin ni Tatay.
Ben: Bakit parang hindi ka masaya?
Lino: Gusto ko na kasing makita si Tatay. Sa isang taon pa siya
makakauwi. Gusto ko na siyang makasama sa darating na
pasko.
Ben: Malungkot ka pala. Halika at maglaro nalang tayo.
Lino: Sige, mabuti pa nga.
Ben: Hayan masaya kana.
24. Panuto: Kayo ay bubunot
ng papel sa loob ng kahon
at inyong tutukuyin kung
anong uri ito ng
pangungusap.
26. Panuto:
Ang bawat grupo ay mabibigyan ng
5 minuto upang sagutan ang
gawain. Ang grupong pinaka mabilis
matapos ang siyang mananalo.
27.
28. Group I
Panuto: Pag-aralan ang mga larawan. Ilarawan ang
bawat larawan gamit ang apat na uri ng pangungusap.
Group II
Panuto: Ano-ano ang ang iba’t -ibang uri ng
pangungusap? Sumulat ng tig-isang halimbawa ng
bawat uri.
Group III
Panuto: Lagyan ng angkop na bantas ang mga
pangungusap.
29. Panuto: Pag- aralan ang mga sumusunod na
pangungusap. Isulat sa patlang kung Pasalaysay,
Patanong, Pautos, Padamdam ang uri ng
pangungusap na ginamit.
__________________1. Paano po kayo
nakapagsimulang magtayo ng shop?
Patanong
30. ______________2. Noong nakaraang
araw namasukan ako sa isang repair
shop.
____________3. Naku! Napakarami pala
ang nagagawa ninyong jeep sa isang
araw.
Pasalaysay
Padamdam
31. ____________4. Maaari po bang malaman
kung ilan pong jeep ang nagagawa ng
kompanya ninyo sa isang araw?
_____________5. Nagkaroon ng maraming
produksyon ang gaming shop.
Patanong
Pasalaysay
32. __________6. Sino po ang mga
kasama ninyo sa paggawa ng
jeep?
___________7. Nagtiyaga ako upang
makaipon ng malaking halaga.
Patanong
Pasalaysay
33. __________ 8. Naku! Ang jeep ay
naitanghal na rin sa iba’t ibang
paligsahan.
___________9. Saan naman po ang
inyong motorshop?
__________10. Ilan pong jeep ang
nagagawa ninyo sa isang araw?
Padamdam
Patanong
Patanong
34. Ano-ano ang apat na uri ng
pangungusap?
Magbigay ng halimbawa ng
pangungusap gamit ang apat na
uri ng pangungusap.
35.
36. I. Panuto: Basahin ang usapan ng magkapatid
tungkol sa kanilang karanasan sa
pamamasyal sa Sunflower Maze, Tayug,
Pangasinan at tukuyin kung Pasalaysay,
Patanong, Pautos, Padamdam ang uri ng
pangungusap na kanilang ginamit sa bawat
usapan. Isulat ang sagot sa patlang bago ang
bilang.
37. Ella: Anong masasabi mo tungkol sa pinasyalan natin na
Sunflower Maze sa Tayug Kuya?
Cardo: Sadya ngang nakabibighani ang ganda ng pook
pasyalan na iyon. Napakaraming mga bulaklak.
Ella: Pakikuha mo nga ang aking telepono kuya at ating
tingnan ang mga larawan natin doon.
Cardo: Aba! Ang ganda ng kuha mo dito sa may bisekleta na
maraming bulaklak Ella.
Ella: Siyempre naman kuya. Salamat at kinuhanan mo ako ng
larawan ha.
Cardo: Walang anuman.
38. ____________1. Anong uri ng pangungusap ang ginamit ni
Ella sa unang usapan?
____________2. Anong uri naman ng pangungusap ang
ginamit ni Cardo sa pangalawang usapan?
____________3. Sa pangatlong usapan naman, anong uri
ng pangungusap ang ginamit ni Ella?
____________4. Sa pang apat na usapan, anong uri ng
pangungusap ang ginamit ni Cardo?
____________5. Sa pang limang usapan, anong uri ng
pangungusap ang ginamit ni Ella?
Patanong
Pasalaysay
Pakiusap
Pasalaysay
Padamdam
39. Takdang Aralin
Magbahagi ng isang pangyayaring
nasaksihan sa iyong paligid habang ikaw
ay bumibili. Gamitin ang ibat-ibang uri ng
pangungusap sa paglalarawan ng iyong
nakita.