3. Mga Inaasahan
Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay
malilinang mo ang mga sumusunod na
kasanayan:
1.Nagagamit ang magagalang na pananalita sa
angkop na sitwasyon:
1.1 Nagagamit ang magagalang na pananalita
sa pagbati(F2WG-Ia-1)
4. 1.2 Nasasabi ang magagalang na pananalita sa
paghingi ng pahintulot(F2WG-IIa-1)
1.3 Nasasabi ang magagalang na pananalita sa
pagtanong ng lokasyon ng lugar(F2WG-IIIa-g-1)
1.4 Naipapakita ang pagiging magalang sa
pakikipag-usap sa matatanda(F2WG-IVa-c-1)
5. 1.5 Naisasagawa ang pagiging magalang sa
pagtanggap ng paumanhin (pagtanggap ng
tawag sa telepono; pagbibigay ng reaksiyon o
komento)(F2WG- IVe-1)
6. Basahin ang mga sumusunod na
sitwasyon at isulat sa patlang ang
letra ng tamang sagot.
Paunang Pagsubok
7. ____1. Tinatanong ng Nanay si Bella,”kumain ka na ba?”Ano
ang dapat niyang isagot?
a. Oo,kanina pa.
b. Opo,tapos na po.
c. Bakit ka nagtatanong?
____2. Tumunog ang telepono at ikaw ang nakasagot.Ano
ang sasabihin mo?
a. Hello! Sino po sila?
b. Hello!Bakit ka tumatawag?
c. Hello!Anong kailangan mo?
8. ____3. Isang umaga ay nakasalubong mo ang iyong guro.Ano
ang sasabihin mo sa kaniya?
a. Magandang umaga po.
b. Magandang tanghali po.
c. Magandang gabi po.
____4. Naiwan ni Rona ang lapis niya sa kanilang bahay.Nais
niyang manghiram ng lapis sa katabi niya. Ano ang dapat
niyang sabihin?
a. Pahiram na muna ng lapis mo!
b. May lapis ka ba diyan?
c. Maaari ba akong manghiram ng lapis?
9. ____5. Hindi sinasadyang maapakan ni Ardie ang paa ng
kanyang
kaklase.Ano ang dapat niyang sabihin?
a. Pasensiya ka na hindi ko sinasadya.
b. Bakit ka kasi nakaharang sa daanan.
c. Tumingin ka sa dinadaanan mo!
10. Balik-tanaw
Lagyan ng tsek ( / ) ang puwang kung ang
larawan ay nagpapakita ng paggalang at
ekis ( X ) kung hindi.
12. Basahin at unawaing mabuti ang teksto sa ibaba.
Idolo ko si Kuya
Akda nina Mary-Ann B. Castor
at Jelvie Joy D. Advincula
Lagi kong naalala si Kuya Kardo. Bata pa lamang kami
ay lagi na siyang napupuri dahil sa mabuting pag-
uugali na taglay niya. Hindi ko malilimutan ang ilang
pangyayari na aking nasaksihan tungkol sa kanya gaya
ng minsang nakita namin ang aming guro.
13. Ganito ang mga nangyari.
Kuya Kardo: Magandang umaga po Bb.Santos.
Bb.Santos: Magandang umaga rin sa inyo mga bata.
Kuya: Kumusta po kayo?
Bb. Santos: Mabuti naman.
Kuya Kardo: Maari po bang magtanong?
Bb.Santos: Oo naman. Ano ba ang nais ninyong
itanong?
Kuya Kardo: Maaari po bang malaman kung saan
makikita ang silid ni Gng. Dela Cruz?
Bb.Santos: Doon ninyo makikita ang kanyang silid sa
tabi ng kantina.
14. Kuya Kardo: Maraming salamat po Bb. Santos.
Bb. Santos: Walang anuman. Ikinagagalak kong
makatulong sa inyo.
Hindi ko rin malilimutan ang ginawa ni Kuya Kardo nang
minsang makabangga ko ang aming dyanitor sa paaralan.
Kuya Kardo: Paumanhin po, hindi po sinasadya ng aking
kapatid na kayo ay mabangga.
Dyanitor: Huwag kayong mag-alala at hindi naman
ako nasaktan.
15. Kuya Kardo: Mabuti naman po kung ganon. Paumanhin
pong muli sa abala. Kami po ay aalis na.
Ang bait talaga ni kuya kaya idolo ko siya.
16. Bago mo sagutan ang mga gawain,alamin mo
muna ang mga halimbawa ng magagalang na
pananalita at kung kailan ginagamit ang mga ito.
17. A. Ang Magagalang na Pananalita
at Gamit Nito
Po,opo Pagsagot sa nakakatanda
Magandang umaga po/
tanghali po/ gabi po
Pagbati sa taong nakakasalubong
Pasensiya na po Paghingi ng paumanhin
Maaari po ba/Pwede
po ba
Paghingi ng pahintulot, pabor o tulong
19. B. Kahalagahan ng Paggamit ng Magagalang na
Pananalita
Ang pagiging magalang ay likas na sa ating mga
pilipino.Isa ito sa mga magagandang kaugalian na
minana natin sa ating mga ninuno.Ang paggamit nito ay
mahalaga sa pakikipag-usap bilang tanda ng
pagpapadama ng paggalang at pagbibigay ng respeto sa
taong kausap.
20. Gawain 1.1 Basahin ang mga pahayag sa Hanay A at Hanay B.
Pagtambalin ang mga magagalang na pananalita na ginamit sa tekstong
binasa.
Hanay A Hanay B
1. Maari po bang magtanong? a. Huwag kang mag-alala at
hindi naman ako nasaktan.
2. Magandang umaga po. b. Mabuti naman.
3. Kumusta po kayo? c. Oo,ano ba iyon?
4. Pasensiya na po hindi ko d. Walang anuman.
po sinasadya .
5.Maraming salamat po . e. Magandang umaga rin.
Mga Gawain
21. Gawain 1.2. Isulat sa loob ng speech balloon ang
magagalang na pananalita na angkop sa bawat sitwasyon.
Sitwasyon 1
Hello! Kumusta
ka na?
26. Pamantayan sa pagwawasto:
Mga katangian ng sagot:
- Tama at angkop sa ibinigay
na
sitwasyon ang sagot
- Gumagamit ng
magagalang na
pananalita sa pagsagot.
- Maayos at malinaw ang
pagkakasulat ng sagot.
Mga puntos:
5- taglay ang tatlong
pamantayan
3- dalawang pamantayan
Lamang ang natamo
1- Isang pamantayan
lamang ang natamo
27. Tandaan
May mga magagalang na pananalita na
ginagamit sa pakikipag-usap. Maging magalang sa
kilos at pananalita. Gumamit ng mga salitang
naaayon sa mga sitwasyon ng may paggalang. Higit
na magiging maganda ang pakikipag-ugnayan mo
sa iyong kapwa kapag ginamit mo ang mga ito.Ang
paggamit nito ay nagpapakita ng respeto at
paggalang sa taong kausap.
28. Pag-alam sa mga Natutuhan
Bumuo ng usapan sa telepono gamit ang
sitwasyon sa ibaba.
29. Sitwasyon:
Tumawag ang iyong kaibigan upang imbitahan ka sa kanyang
kaarawan.
Ako: ________________________________________________________.
Kaibigan ko:___________________________________________________.
Ako:________________________________________________________.
Kaibigan ko: _____________________________________________.
Ako: _____________________________________________________.
30. Maari mong markahan ang iyong ginawa ayon sa
sumusunod na pamantayan:
Mga Katangian ng sagot:
- Tama at angkop ang mga
pahayag ayon sa ibinigay
na sitwasyon
-Gumagamit ng magalang
na pananalita sa binuong
usapan.
- Maayos at malinaw ang
pagkakasulat ng sagot.
Mga puntos:
- taglay ang tatlong
pamantayan
- dalawang pamantayan
lamang ang natamo
- Isang pamantayan
lamang ang natamo
31. Pangwakas na Pagsusulit
Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon
at isulat ang letra ng tamang sagot sa
puwang.
Pangwakas na Pagsusulit
32. _____ 1.Tinulungan mong magbuhat ng libro ang iyong guro.
Nagpasalamat siya sa iyo. Ano ang isasagot mo sa
kanya?
a. Hindi naman po mabigat.
b. Malakas naman po ako.
c. Walang anuman po.
33. _____ 2.Hindi mo masyadong narinig ang sinabi ng iyong guro
habang siya ay nagtuturo. Ano ang sasabihin mo?
a. Ma’am, pakilakasan ang iyong boses!
b. Ulitin niyo nga po ma’am!
c. Mawalang galang na po, maari niyo po bang ulitin.
34. _____ 3. Kaarawan mo at nakatanggap ka ng regalo galing sa
iyong kaibigan. Ano ang sasabihin mo?
a. Walang anuman.
b. Maraming salamat.
c. Wala kang sasabihin.
35. _____ 4. Naligaw ka at hindi mo alam ang daan pabalik. Nakakita ka
ng pulis at ikaw ay nagtanong. Ano ang sasabihin mo sa kanya?
a. Maari po bang magtanong?
b. Alam mo ba ang bahay namin?
c. Baka pwedeng ituro mo sa akin ang daan pabalik.
36. _____ 5. May dalang pasalubong ang tatay galing sa trabaho.
Ano ang sasabihin mo sa kanya?
a. Ang konti naman po.
b. Maraming salamat po.
c. Mabuti may dala kayong pasalubong.
37. Pagninilay
Gumuhit ng hugis puso sa puwang kung ang
pahayag ay gumagamit ng magagalang na pananalita at
hugis bilog kung hindi.
38. _____1. Pakiabot po ng tubig inay.
_____2. Umalis ka nga riyan!
_____3. Magandang umaga po,Gng. Suarez.
_____4. Paumanhin po,hindi ko na po uulitin.
_____5. Ang bagal mo namang maglakad lolo!