SlideShare a Scribd company logo
1 of 21
Download to read offline
i
Produksyon
Modyul para sa Araling Panlipunan 9
Unang Markahan-Modyul 4
Ikalimang Linggo
MARCIANA A. AGLOLO
Tagapaglinang
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyong Administratibo ng Cordillera
ii
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Cordillera Administrative Region
SCHOOLS DIVISION OF BAGUIO CITY
No. 82 Military Cut-off Road, Baguio City
Published by:
Learning Resource Management and Development System
PAUNAWA HINGGIL SA KARAPATANG SIPI
(COPYRIGHT NOTICE)
2021
Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:
“No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines.
However, prior approval of the government agency of office wherein the work is
created shall be necessary for exploitation of such work for profit.”
Ang modyul na ito ay inihanda para sa implementasyon ng K to 12 Curriculum sa
pamamagitan ng Curriculum Implementation Division (CID) – Learning Resource
Management and Development System (LRMDS). Maaari itong kopyahin para sa
layuning pang-edukasyon at maaaring hilingin ang pahintulot sa nagmamay-ari nito.
Ang paghalaw o pagpapaunlad nito ay maaaring gawin, ibigay lamang ang
karampatang pagkilala sa orihinal na lumikha. Hindi pinahihintulutan ang paghalaw ng
anumang likha mula rito kung ang layunin ay pangkomersiyo o pagkakakitaan.
1
Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa upang matulungan ka na maunawaan at
maintindihan ang konsepto ng produksyon, mga salik nito at ang implikasyon
nito sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Ang pinakatiyak na kasanayan sa pagkatuto na dapat malinang sa iyo
ay matalakay ang mga salik ng produksyon at ang implikasyon nito sa pang-
araw-araw na pamumuhay. Para makamit mo ang nasabing kasanayan,
kailangan mong basahin, unawain at gawin nang buong puso ang bawat
babasahin at aktibidad. Inaasahang maging makabuluhan ang modyul na
ito at makatulong upang maunawaan at malinawan ka sa proseso ng
produksyon at mga salik nito at nawa ay makahikayat sa iyo na maging
matalino at produktibo sa pamamahala at paggamit ng resources o yaman.
Ang pag-aaral sa nilalaman ng modyul na ito at ang paggawa sa lahat
ng mga gawain ay inaasahang maisasakatuparan mo sa loob ng isang linggo
o tatlong oras para sa ating asignatura.
Mga Tiyak na Layunin:
Sa modyul na ito, inaasahan ko na iyong makakamit ang mga
sumusunod na layunin:
1. nailalarawan ang proseso ng produksyon;
2. natutukoy at naihahambing ang mga salik ng produksyon;
3. napahahalagahan ang mga salik ng produksyon at implikasyon nito; at
4. nakapagsasagawa ng isang simpleng recycling bilang aplikasyon ng
produksyon.
Handa ka na bang matuto? Sige simulan mo na.
2
Subukin
Panuto: Basahin at unawain mo ang bawat katanungan bago ito
sagutin. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
________1. Ang mga hilaw na sangkap ay dumadaan sa proseso upang maging
yaring produkto. Ang tawag sa prosesong ito ay produksyon. Alin sa mga
sumusunod ang hindi kabilang sa hilaw na sangkap sa paggawa ng tinapay?
a. harina b. asin c. itlog d. pandesal
________2. Ang mga bagay na kailangan sa paggawa ng produkto ay tinatawag
na salik ng produksyon o input. Kabilang dito ang lupa, paggawa, kapital at
entreprenuerhip. Alin sa mga sumusunod ang tamang paglalarawan sa lupa
bilang salik ng produksyon?
a. Lahat ng mga gawa ng tao na ginagamit sa produksyon gaya ng pera,
makinarya, teknolohiya, maging ang mga gusali.
b. Lahat ng kakayahan ng tao sa pagtatrabaho gaya ng lakas-bisig at
lakas-isip
c. Saklaw nito ang kagalingan ng isang tao na magsimula at mamamahala
ng negosyo o produksyon
d. Saklaw nito lahat ng mga yamang galing sa lupa, tubig o mineral
________3. Alin sa mga sumusunod ang tamang paglalarawan sa paggawa
bilang salik ng produksyon?
a. Lahat ng mga gawa ng tao na ginagamit sa produksyon gaya ng pera,
makinarya, teknolohiya, maging ang mga gusali.
b. Lahat ng kakayahan ng tao sa pagtatrabaho gaya ng lakas-bisig at
lakas-isip
c. Saklaw nito ang kagalingan ng isang tao na magsimula at mamamahala
ng negosyo o produksyon
d. Saklaw nito lahat ng mga yamang galing sa lupa, tubig o mineral
________4. Alin sa mga sumusunod ang tamang paglalarawan sa
entreprenuership bilang salik ng produksyon?
a. Lahat ng mga gawa ng tao na ginagamit sa produksyon gaya ng pera,
makinarya, teknolohiya, maging ang mga gusali.
b. Lahat ng kakayahan ng tao sa pagtatrabaho gaya ng lakas-bisig at
lakas-isip
c. Saklaw nito ang kagalingan ng isang tao na magsimula at mamamahala
ng negosyo o produksyon
d. Saklaw nito lahat ng mga yamang galing sa lupa, tubig o mineral
________5. Alin sa mga sumusunod ang tamang paglalarawan sa kapital
bilang salik ng produksyon?
a. Lahat ng mga gawa ng tao na ginagamit sa produksyon gaya ng pera,
makinarya, teknolohiya, maging ang mga gusali.
b. Lahat ng kakayahan ng tao sa pagtatrabaho gaya ng lakas-bisig at
lakas-isip
3
c. Saklaw nito ang kagalingan ng isang tao na magsimula at mamamahala
ng negosyo o produksyon
d. Saklaw nito lahat ng mga yamang galing sa lupa, tubig o mineral
________6. Malaki ang epekto ng mga salik ng produksyon sa dami at kalidad
ng produkto. Ano ang maaaring mangyari sa produksyon kapag ang lupa na
pinagmumulan ng hilaw na sangkap ay kumunti dahil sa industriyalisasyon
o pinatayuan ng gusali at pabrika?
a. Bibilis ang produksyon dahil dumami ang mga pabrika at paggawaan
b. Mababawasan ang produksyon dahil kumunti ang mga hilaw na
sangkap
c. Madadagdagan ang produksyon dahil ang mga negosyante ay aangkat
ng hilaw na sangkap sa ibang lugar
d. Walang pagbabago sa dami ng produksyon dahil walang pagbabago sa
mga salik
________7. Kung bago ang mga teknolohiya at makinarya sa paggawa, ano ang
maaaring epekto nito sa produksyon?
a. Bababa ang produksyon lalo na kapag ang mga manggagawa at hilaw
na sangkap ay hindi nagbago
b. Mabilis ang produksyon at maraming magagawa lalo na kapag may
nakahandang hilaw na sangkap na ipoproseso
c. Walang pagbabago sa produksyon lalo na kapag madalas ang
brownout kaya ang teknolohiya ay hindi rin nagagamit
d. Bababa ang sahod ng mga manggagawa dahil mababawasan ang
kanilang nagagawang produkto
________8. Kadalasan, ang kapital bilang salik ng produksyon ay iniuugnay
sa pera o salapi. Paano kumikita ang tao gamit ang kanilang pera?
a. Ito ay pinapaupahan at nagkakaloob ng upa bilang kita ng tao
b. Ito ay pinauutang at nagkakaloob ng interes bilang kita ng tao
c. Ito ay kagalingan ng tao sa pagnenegosyo kaya nagkakaloob ng tubo
bilang kita ng tao
d. Ito ang paggamit ng talento at lakas na nagkakaloob ng sahod o
sweldo bilang kita ng tao.
_________9. Sa proseso ng produksyon, lahat ng mga salik ay binabayaran.
Alin sa mga sumusunod ang tamang pares ng salik at kabayaran nito?
a. Lupa: interes
b. Paggawa : sahod o sweldo
c. Kapital : sweldo
d. Entreprenuership : upa
_______10. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapahayag ng kahalagahan
ng produksyon sa pang-araw-araw na pamumuhay?
a. Ang produksyon ang pinagmumulan ng mga produktong
kinukonsumo ng tao
b. Ang produksyon ay lumilikha ng trabaho at kita
4
c. Ang produksyon ay tumutugon sa pangangailangan at kagustuhan
ng tao
d. Ang produksyon ang umuubos sa mga likas na yaman ng bansa
______11. Ang produksyon ay tumutukoy sa paglikha ng mga bagay o
serbisyo upang matugunan ang pangangailangan ng tao. Paano mo maaaring
isagawa ang produksyon ngayong panahon ng pandemya?
a. Umutang sa bangko at magsimula ng online business
b. Maging aktibo sa barangay at sumali sa contact tracing
c. Magrecycle ng mga hindi nagagamit na tela at gawing face mask
d. Magluto nang marami at ipakain sa mga mahihirap
_______12. Ano ang implikasyon o maaaring epekto sa ekonomiya ng
pagkakaroon ng maraming lakas-paggawa subalit kulang ang pagawaan?
a. Magkakaroon ng mataas na kita ang mga manggagawa
b. Marami ang walang trabaho dahil sa kakulangan ng mapapasukan
c. Magkakaroon ng sigalot sa pagawaan dahil maraming manggagawa
d. Magiging mahal ang sahod ng mga manggagawa dahil sa dami nila
_______13. Ano ang implikasyon o maaaring resulta sa ating ekonomiya kung
sagana tayo sa lupa, paggawa, kapital at entreprenyurship?
a. Sisigla ang kompetisyon at lalaganap ang malawak na agwat ng
mahirap at mayaman
b. Uunlad ang ekonomiya dahil sa mataas at masiglang produksyon
c. Madadagdagan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao
d. Mababawasan ang mga paninda o suplay sa pamilihan
_______14. Ano ang mahihinuha mong epekto ng “industriyalisasyon” sa
suplay ng mga hilaw na sangkap para sa produksyon?
a. Lalong dadami ang suplay ng hilaw na sangkap dahil sa makabagong
kagamitan sa pagtatanim
b. Liliit ang mapagkukunan ng hilaw na sangkap dahil sa mga proyektong
pang-industriyalisasyon ng bansa
c. Kailangan nating mag-angkat ng hilaw na sangkap para sa produksyon
d. Mabilis na maubos ang hilaw sa dami ng industriya
________15. Dahil sa kasalukuyang suliranin ng COVID-19, ang produksyon
ng pagkain at iba pang produkto ay apektado. Maraming pagawaan o
industriya ang pinasara at ang mga manggagawa ay nawalan ng trabaho dahil
sa quarantine at lockdown. Paano naman ito nakakaapekto sa mga
magsasaka sa Cordillera?
a. Malakas ang benta ng mga magsasaka ng kanilang gulay sa trading
post
b. Maraming nasasayang at libreng gulay dahil walang trader at
mapagbentahan
c. Maraming magsasaka ang nag-online selling ng kanilang gulay
d. Maraming magsasaka ang nagbebenta ng cactus sa halip na gulay
5
Balikan
Napag-aralan natin sa mga nagdaang modyul na ang ekonomiks ay
pamamahala sa gastusin ng tahanan at kung paano ang pamamalakad ng
tao sa kanilang kabuhayan upang matugunan ang kanyang walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan sa kabila ng limitadong
pinagkukunang-yaman. Natutunan mo rin na kung hindi maayos ang
pamamalakad o sistema ng alokasyon sa mga yaman na meron ang tao ay
magaganap ang suliranin ng kakapusan.
Ngayon naman ay nais kong suriin mo kung saan nanggagaling ang
iyong mga kagamitan at mga pagkaing iyong kinunkonsumo araw-araw. Ang
mga ito ba ay direktang galing sa kapaligiran o bukid? O karamihan ba sa
inyong gamit at kinukunsumo ay gawa o galing sa pabrika o industriya?
Paano ito nagawa?
Ang mga katanungan na ito ay nakatuon sa konsepto ng produksyon
na siyang laman ng modyul na ito. Sinasabing mas nasisiyahan at
nakikinabang ang tao kung ang kanyang ginagamit o kinusunsumo ay
dumaan sa proseso-simple man o masalimuot. Ang proseso ng pagpapalit
anyo ng produkto sa pamamagitan ng pagsama-sama ng mga salik ay
tinatawag na produksyon.
Hangarin ng araling ito na magkaroon ka ng ideya at kamalayan sa mga
salik ng produksyon at ang implikasyon nito sa ating pang-araw-araw na
pamumuhay.
6
Tuklasin
Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman tungkol
sa konsepto at mga salik ng produksyon. Basahin at unawain mo ang mga
pahayag at sagutin o gawin mo ang gawain.
STRAWBERRY JAM
Ang strawberry ay isa sa mga produkto ng Benguet, lalo na sa bayan
ng La Trinidad. Maaari itong kainin nang direkta o kaya ay gawing jam o
panlasa ng ice cream o cake. Isa sa pinakamabentang produkto na gawa sa
strawberry ay ang jam na masarap pampalaman ng tinapay.
Paano magluto ng strawberry jam upang ang lahat ng mga berry ay
buo?
Mga sangkap
Strawberry - 1 kg
Asukal - 1 kg
Paraan ng Pagluluto:
1. Hugasan ang mga strawberry at paghiwalayin ang mga tangkay.
2. Ilipat sa isang mangkok, punan ng asukal at iwanan upang mag-infuse
ng 3-5 na oras.
3. Pagkatapos, iluto ito at hayaang kumulo. Alisin ang mga bula.
4. Bawasan o pahinaan ang apoy at lutuin muli ito ng 30-50 minuto.
Halaw sa: https://hdburger.ru/tl/strawberry-jam-with-whole-berries-strawberry-
jam-with-whole-berries-and-frayed/
Suriin
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan bilang pagsusuri sa
resipe na iyong binasa. Isulat ang sagot sa patlang na nailaan.
Mga Pamprosesong Tanong:
Tanong Sagot
1.Anu-ano ang mga kinakailangan
sa pagluluto ng strawberry jam?
2.Paano nagkakaroon ng
magandang resulta ang pagluluto ng
strawberry jam?
GAWAIN: PAGGAWA NG STRAWBERRY JAM, AALAMIN KO
7
3. Sa kasalukuyan, bakit maraming
nag-iisip at gumagawa ng mga
bagong resipe ng pagkain?
4.Bakit mahalagang maging kaaya-
aya sa hitsura ng bawat produkto na
ating ginagawa?
Ang proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng
pagsasama-sama ng mga salik ay tinatawag na produksyon. Tumutukoy ang
produksyon sa paglikha ng mga produkto o serbisyo upang matugunan ang
pangangailangan ng mga tao (Viloria, et.al, 1999). Ang mga salik na ginagamit
sa produksyon ay tinatawag na input at ang resulta o bunga ng paggamit
nito ay tinatawag na output (Imperial, et.al., 1999). Halimbawa ng input ay
asukal at strawberry. Ang output ay ang strawberry jam. Pero maliban sa
mga hilaw na sangkap ng strawberry jam, kabilang din sa input ang kalan,
palayok, mangkok, at galing at sipag ng tao na magluto nito. Kailangan din
ang pera upang makabili ng ibang sangkap at kagamitan.
May apat na input o salik ng produksyon na kinabibilangan ng lupa,
paggawa, kapital at entrepreneurship. Basahin mo ang nasa talahanayan
upang maintindihan ang mga ito nang lubusan.
Salik ng Produksyon Paliwanag
1. LUPA -Tumutukoy hindi lamang sa tinatamnan ng
mga magsasaka o pinagtatayuan ng bahay
kundi kasama rin ang lahat ng yamang likas sa
ibabaw at ilalim nito gaya ng yamang-tubig,
yamang-mineral at yamang-gubat (Ekonomiks-
Modyul ng Mag-aaral, DepEd,2015). Dagdag pa
nila Santiago, et.al (1997), ang lahat ng biyaya
ng kalikasan gaya ng lupa at mga hilaw na
materyal ay itinuturing na lupa.
-Ito ay natatangi sa ibang salik ng produksyon
sa kadahilanang ito ay fixed input o takda ang
bilang o sukat nito. Mahalagang wasto at
produktibo ang paggamit nito upang
magkaroon ng lubos na kapakinabangan.
- Ang kapakinabangan ng lupa sa may-ari nito
ay nagtatakda ng kita na tinatawag na upa
(Viloria, et.al, 1999).
https://www.freepik.com/free-photo/landscape-
cultivated-
ground_979046.htm#page=1&query=land&position
=3
8
2. PAGGAWA o LAKAS-
PAGGAWA
-Ito ang lakas na ibinubuhos ng tao, pisikal man
o mental, para makagawa ng mga bagay na
pinakikinabangan ng mga tao. Ito ang
pinakamahalagang sangkap ng produksyon
kung saan tinutuklas at nililikha ang mga
bagong bagay mula sa umiiral nang mga bagay
( Nera-Lauron, 1999).
-Tumutukoy sa kakayahan ng tao sa
produksyon ng produkto at serbisyo. Ito ay may
dalawang uri. Una ay lakas-isip o mental. Sila
ang mga mangagawang gumagamit ng kanilang
isip sa paggawa gaya ng mga abogado, doktor,
guro at iba pa. Tinatawag din ang trabaho nila
na white-collar jobs. Ikalawa ay lakas-bisig o
pisikal. Sila naman ang mga manggagawa na
gumagamit ng lakas ng katawan sa paggawa
gaya ng mga magsasaka, karpintero, welder at
iba pa. Blue-collar job naman ang ibang taguri
sa trabaho nila (Ekonomiks-Modyul ng Mag-
aaral, DepEd, 2015).
-Sahod o suweldo ang tawag sa pakinabang ng
manggagawa sa ipinagkaloob na paglilingkod.
- Ang manggagawang tumatanggap ng sahod
(wage) ay binabayaran ayon sa oras na kanyang
ginugol sa paglilingkod samantalang ang taong
tumatanggap ng suweldo (salary) ay
binabayaran nang fixed sa bawat pay period.
Kadalasan ang suweldo ay sa mga namamahala
o propesyonal na posisyon.
(https://www.accountingtools.com/articles/what-is-the-
difference-between-salary-and-
wages.html#:~:text=The%20essential%
20difference%20between%20a,
is%20paid%20by%20the%20hour.&text=Someone%20who%20
is%20paid%20wages,the%20number%20of%20hours%20work
ed.)
https://www.freepik.com/free-vector/flat-
engineering-team-
background_4501374.htm#page=1&query=la
borers&position=3
9
3. KAPITAL -Tumutukoy sa kalakal o kagamitang gawa ng
tao na ginagamit sa paglikha ng panibagong
kalakal kagaya ng salapi, makinarya at
imprastraktura tulad ng gusali, kalsada, tulay
pati na ang mga sasakyan (Ekonomiks-Modyul
ng Mag-aaral, DepEd, 2015).
- Ang puhunan o kapital ay hindi lamang sa
anyong salapi. Kasama rito ang mga
produktong yari na ginagamit sa pagsisimula ng
negosyo (Viloria, et.al., 1999).
-Sa makabagong ekonomiya, nangangailangan
ang mga bansa na mangalap ng malaking
kapital upang makamtan ang pagsulong.
-Ang interes ay kabayaran sa paggamit ng
puhunan o kapital (Viloria, et.al, 1999).
4. ENTREPRENUERSHIP -Tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng
isang tao na magsimula ng isang negosyo. Ang
entrepreneur ang tagapag-ugnay ng naunang
mga salik ng produksyon upang makabuo ng
produkto at serbisyo. Siya ang lider na nag-
oorganisa, nagkokontrol at nakikipagsapalaran
sa mga desisyon sa mga bagay na makaaapekto
sa produksyon.
-Taglay ng isang entrepreneur ang pag-iisip na
maging malikhain, puno ng inobasyon at handa
sa pagbabago. Siya ay may kakayahan na
pangasiwaan ang negosyo, may matalas na
pakiramdam hinggil sa pagbabago sa pamilihan
at may lakas ng loob na humarap at
makipagsapalaran sa kahihinatnan ng negosyo.
-Ang tubo o profit ay tumutukoy sa kita ng isang
entrepreneur.
(Ekonomiks-Modyul ng Mag-aaral, DepEd, 2015)
https://www.freepik.com/free-
vector/industrial-equipment-machines-
cartoon-set-isolated-white-
background_4393742.htm#page=1&query=
machines&position=1
https://www.freepik.com/free-
vector/businesspeople-isometric-icons-set-with-
male-female-persons-money-business-
symbols-
isolated_7378805.htm#query=entrepreneurship
&position=3
10
Nalaman mo na ang mga salik ng produksyon at ang halaga nito sa
paggawa ng mga bagong produkto at serbisyo upang lubusang matugunan
ang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Pagyamanin
May mga inihanda akong gawain na makatutulong sa iyo upang lubos
mong maunawaan ang mga salik ng produksyon, matalakay at masuri ang
implikasyon nito sa pang-araw-araw nating pamumuhay.
GAWAIN 1 INPUT AT OUTPUT, ILARAWAN KO
Panuto: Tumingin sa iyong paligid at pumili ng mga bagay na
maaaring gamiting input upang makagawa ng output. Iguhit mo ang mga
input sa kaliwang kahon at ang magiging output nito sa kanang kahon.
Pagkatapos, sagutin ang katanungan sa ibaba nito. 15 puntos lahat (10
puntos sa guhit at 5 puntos sa paliwanag)
Input Output
Ipaliwanag: Paano gagawin ang nasabing output gamit ang mga input?
Isalaysay ang mga proseso ayon sa pagkakasunud-sunod.
1. _____________________________________________________________________
2. _____________________________________________________________________
3. _____________________________________________________________________
4. _____________________________________________________________________
11
PAGTATAYA 1
ALTERNATIBONG PAGTUGON: Isulat ang ✓ kung maganda ang implikasyon
o dulot ng mga sumusunod na sitwasyon sa buhay ng tao at  kung hindi
maganda ang dulot.
________________1. Laging dinadaanan ng bagyo ang Cordillera kaya ang mga
taniman ay nasisira.
________________2. Mayaman ang Cordillera ng yamang-mineral gaya ng ginto
at tanso kaya ang pagmimina ay kabuhayan ng ilang mamamayan.
________________3. Ang mga Cordilleran ay maaasahan sa paggawa.
________________4. Ang mga Cordilleran ay magagaling na entrepreneur.
________________5. Maraming nasirang kalsada sa Cordillera dulot ng walang
tigil na pag-ulan.
GAWAIN 2 INPUT-PROCESS-OUTPUT
Panuto: Mabubuo ang mga bagong produkto at serbisyo o output sa
paggamit ng mga input at angkop na proseso. Kumpletuhin ang
talahanayan upang maipakita ang input at output sa produksyon. Gamiting
gabay ang halimbawang naibigay.
Kung may Input na… May Output na…
Karne ng manok, sayote, etag Pinikpikan
1) Dinengdeng
saging, wrapper, asukal, mantika 2)
tabla, varnish, pako 3)
4) Damit
5) Sapatos
PAGTATAYA 2
INPUT AT OUTPUT. Salungguhitan ang INPUT at bilugan ang OUTPUT sa
mga sumusunod na pahayag.
1. Nakagawa ng matibay na wallet ang nanay mo gamit ang mga wrapper ng
mga instant na kape.
2. Ang mga lumang magazine ay tiniklop ng mga mag-aaral at ginawang
flower vase.
3. Ang itinayo nilang gusali ay ginamit bilang pagawaan ng tela.
4. Maraming mag-aaral ang pumapasok sa paaralan upang maging
propesyonal.
5. Nagpapautang ng pera ang mga bangko upang kumita ng interes.
12
GAWAIN 3 SALIK NAGBAGO, PRODUKSYON APEKTADO
Panuto: Nais kong iyong talakayin o ipaliwanag ang implikasyon (mga
posibleng resulta/epekto) sa proseso ng produksyon kung may mga
pagbabago sa mga salik.
Sitwasyon Implikasyon (maaaring resulta/epekto
sa produksyon)
1. Ang mga dating taniman ay
pinatayuan ng mga gusali
2. Maraming kabataan ang
kumuhuha ng training o
pagsasanay sa TESDA
3. Nagmahal ang interes ng
pautang sa bangko
4. Maraming Pilipino ang
nagtatayo ng negosyo
PAGTATAYA 3
MABUTI O MASAMA. Isulat ang MABUTI kung ang pahayag ay nagsasaad ng
magandang pagbabago sa produksyon at MASAMA kung ito ay hindi
magandang pagbabago. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
_______________1. Tumaas ang kita ng mananahi ng face mask sa panahon ng
COVID-19.
_______________2. Maraming manggagawa ang nawalan ng hanapbuhay dahil
sa community quarantine dulot ng COVID-19.
_______________3. Nabawasan ang polusyon sa hangin at tubig dahil sa
pagsasara ng mga pagawaan at paghinto ng transportasyon.
_______________4. Maraming entrepreneur ang nag-isip ng paraan para
kumita gaya ng pagluluto ng pagkain at pagbebenta sa mga ito online.
_______________5. Maraming baboy ang inilibing nang buhay dahil sa banta
ng African Swine Fever (ASF).
13
Isaisip
Dito mo naman ibubuod ang iyong natutunan hinggil sa produksyon at
mga salik nito. Punan ng angkop na salita ang mga patlang para mabuo ang
ideya. Tignan ang mga nakalistang salita bilang pagpipilian. 5 puntos.
Mga salitang pagpipilian:
entrepreneurship
ekonomiya
input
lupa
produksyon
salik
Ang mga pangangailangan at kagustuhan ng tao ay matutugunan sa
pamamagitan ng 1)_____________________. Ito ay tumutukoy sa pagpoproseso
sa mga bagay para maging bagong produkto. May apat na salik ng
produksyon na kinabibilangan ng lupa, paggawa, kapital at
2)_____________________. Ang mga kinakailangan sa paggawa ng produkto ay
tinatawag sa Ingles na 3)_______________ samantalang ang resulta ng
pagsasama-sama sa mga ito ay tinatawag na output.
Malaki ang bahaging ginagampanan ng bawat 4) ________________ ng
produksyon sa pagtugon sa mga pangangailangan at kagustuhan ng mga tao.
Magiging masigla ang produksyon at buong 5)________________ kapag ang
lupa, paggawa, kapital at entrepreneurship ay sapat at balanse. Anumang
pagbabago sa mga salik ay makaaapekto sa dami at kalidad ng produksyon.
Binabati kita sa maayos at tamang pagtugon sa mga gawain!
Isagawa
Recycling: Nais ko na magpamalas ka ng pagkamalikhain at
pagkamaabilidad sa pamamagitan ng pagbuo ng isang kapakipakinabang na
bagay mula sa mga patapon o hindi na ginagamit na bagay sa inyong
tahanan. Maaaring mula sa lumang damit, lumang papel o dyaryo, nagamit
na straw, wrapper ng pagkain, bote o plastic. Maaari kang magpatulong sa
iyong magulang o tumingin sa internet kung paano gawin. Hinihikayat kita
na kung may sapat kang kagamitan ay may kukuha ng iyong video habang
ginagawa ang recycling para mapanood ko ang iyong paggawa. Kung wala ka
namang kagamitan sa pagkuha ng video ay maaaring larawan ng iyong input
at output ang iyong ipasa. Kung wala kang camera, maaari mong isulat sa
papel ang mga kagamitan o sangkap, proseso at output mo at ilakip sa
sagutang-papel kapag ipinasa mo. Subalit sana ay masiguro muna na ligtas
ka sa proseso ng iyong paggawa.
14
Ipakita o ipasa mo ang iyong gawa pagkatapos ng isang linggo. Kung
may messenger ka ay ipadala sa messenger ng guro ang video o larawan. Ito
ay isa sa mga proyekto mo bilang mag-aaral ng ekonomiks.
Halimbawa: face shield mula sa plastic o lalagyan ng tubig
Pamantayan sa pagbibigay ng marka:
Pamantayan Napakahusay Mahusay Hindi
masyadong
mahusay
Kagamitan Lahat ng ginamit
ay recycled talaga
(15 pts)
May ginamit na
hindi recycled
(12 pts)
Ang ginamit ay
hindi recycled
(9 pts)
Kalidad Matibay at
talagang
mapakikinabangan
ang ginawa
(10 pts)
Matibay at may
pakinabang ang
ginawa
(8 pts)
Hindi
masyadong
matibay ang
ginawa
(6 pts)
Disenyo Napakaganda at
napakaangkop ang
disenyo
(5 pts)
Maganda at
angkop ang
disenyo
(4 pts)
Hindi
masyadong
maganda ang
disenyo
(3 pts)
Kabuuan 30
Tayahin
Ngayon ay iyong sasagutin ang mga sumusunod na katanungan bilang
pagtataya sa iyong natutunan. Basahin at intindihing mabuti ang mga
katanungan bago sagutin. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago
ang bilang.
________1. Malaki ang epekto ng mga salik ng produksyon sa dami at kalidad
ng produkto. Ano ang maaaring mangyari sa produksyon kapag ang lupa na
pinagmumulan ng hilaw na sangkap ay kumunti dahil sa industriyalisasyon
o pinatayuan ng gusali at pabrika?
a. Bibilis ang produksyon dahil dumami ang mga pabrika at paggawaan
b. Mababawasan ang produksyon dahil kumunti ang mga hilaw na
sangkap
c. Madadagdagan ang produksyon dahil ang mga negosyante ay aangkat
ng hilaw na sangkap sa ibang lugar
d. Walang pagbabago sa dami ng produksyon dahil walang pagbabago sa
mga salik
________2. Kung bago ang mga teknolohiya at makinarya sa paggawa, ano ang
maaaring epekto nito sa produksyon?
15
a. Bababa ang produksyon lalo na kapag ang mga manggagawa at hilaw
na sangkap ay hindi nagbago
b. Mabilis ang produksyon at maraming magagawa lalo na kapag may
nakahandang hilaw na sangkap na ipoproseso
c. Walang pagbabago sa produksyon lalo na kapag madalas ang
brownout kaya ang teknolohiya ay hindi rin nagagamit
d. Bababa ang sahod ng mga manggagawa dahil mababawasan ang
nagagawa nilang produkto
________3. Kadalasan, ang kapital bilang salik ng produksyon ay iniuugnay
sa pera o salapi. Paano kumikita ang tao gamit ang kanilang pera?
a. Ito ay pinapaupahan at nagkakaloob ng upa bilang kita ng tao
b. Ito ay pinauutang at nagkakaloob ng interes bilang kita ng tao
c. Ito ay kagalingan ng tao sa pagnenegosyo kaya malaki ang tubo
niya sa negosyo
d. Ito ang paggamit ng talento at lakas na nagkakaloob ng sahod o
sweldo bilang kita ng tao.
_________4. Sa proseso ng produksyon, lahat ng mga salik ay binabayaran.
Alin sa mga sumusunod ang tamang pares ng salik at kabayaran nito?
a. Lupa: interes c. Entreprenuership : upa
b. Kapital : sahod d. Paggawa : sahod o sweldo
_______5. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapahayag ng kahalagahan
ng produksyon sa pang-araw-araw na pamumuhay?
a. Ang produksyon ang pinagmumulan ng mga produktong
kinukonsumo ng tao
b. Ang produksyon ay lumilikha ng trabaho at kita
c. Ang produksyon ay tumutugon sa pangangailangan at kagustuhan
ng tao
d. Ang produksyon ang umuubos sa mga likas na yaman ng bansa
_______6. Ang produksyon ay tumutukoy sa paglikha ng mga bagay o serbisyo
upang matugunan ang pangangailangan ng tao. Paano mo maaaring isagawa
ang produksyon ngayong panahon ng pandemya?
a. Umutang sa bangko at magsimula ng online business
b. Maging aktibo sa barangay at sumali sa contact tracing
c. Magrecycle ng mga hindi nagagamit na tela at gawing face mask
d. Magluto nang marami at ipakain sa mga mahihirap
_______7. Ano ang implikasyon o maaaring epekto sa ekonomiya ng
pagkakaroon ng maraming lakas-paggawa subalit kulang ang pagawaan?
a. Magkakaroon ng mataas na kita ang mga manggagawa
b. Marami ang walang trabaho dahil sa kakulangan ng mapapasukan
c. Magkakaroon ng sigalot sa pagawaan dahil sa dami ng manggagawa
d. Magiging mahal ang sahod ng mga manggagawa dahil sa dami nila
_______8. Ano ang implikasyon o maaaring resulta sa ating ekonomiya kung
sagana tayo sa lupa, paggawa, kapital at entreprenyurship?
16
a. Sisigla ang kompetisyon at lalaganap ang malawak na agwat ng
mahirap at mayaman
b. Uunlad ang ekonomiya dahil sa mataas at masiglang produksyon
c. Dadami ang pangangailangan at kagustuhan ng tao
d. Mababawasan ang mga paninda o suplay sa pamilihan
_______9. Ano ang mahihinuha mong epekto ng “industriyalisasyon” sa
suplay ng mga hilaw na sangkap para sa produksyon?
a. Lalong dadami ang suplay ng hilaw na sangkap dahil sa makabagong
kagamitan sa pagtatanim
b. Liliit ang mapagkukunan ng hilaw na sangkap dahil sa mga proyektong
pang-industriyalisasyon ng bansa
c. Kailangan nating mag-angkat ng hilaw na sangkap para sa produksyon
d. Mabilis na maubos ang hilaw sa dami ng industriya
________10. Dahil sa kasalukuyang suliranin ng COVID-19, ang produksyon
ng pagkain at iba pang produkto ay apektado. Maraming pagawaan o
industriya ang pinasara at ang mga mangagawa ay nawalan ng trabaho dahil
sa quarantine at lockdown. Paano naman ito nakakaapekto sa mga
magsasaka sa Cordillera?
a. Malakas ang benta ng mga magsasaka ng kanilang gulay sa trading
post
b. Maraming magsasaka ang nag-online selling ng kanilang gulay
c. Maraming nasasayang at libreng gulay dahil walang trader at
mapagbentahan
d. Maraming magsasaka ang nagbebenta ng cactus sa halip na gulay
________11. Ang mga hilaw na sangkap ay dumadaan sa proseso upang
maging yaring produkto. Ang tawag sa prosesong ito ay produksyon. Alin sa
mga sumusunod ang hindi kabilang sa hilaw na sangkap sa paggawa ng
upuan? a. pako b. tabla c. uling d. varnish
________12. Ang mga bagay na kailangan sa paggawa ng produkto ay
tinatawag na salik ng produksyon. Kabilang dito ang lupa, paggawa, kapital
at entreprenuerhip. Alin sa mga sumusunod ang tamang paglalarawan sa
lupa bilang salik ng produksyon?
a. Saklaw nito lahat ng mga yamang galing sa lupa, tubig o mineral
b. Lahat ng mga gawa ng tao na ginagamit sa produksyon gaya ng pera,
makinarya, teknolohiya, maging ang mga gusali.
c. Lahat ng kakayahan ng tao sa pagtatrabaho gaya ng lakas-bisig at
lakas-isip
d. Saklaw nito ang kagalingan ng isang tao na magsimula at mamamahala
ng negosyo o produksyon
________13. Alin sa mga sumusunod ang tamang paglalarawan sa paggawa
bilang salik ng produksyon?
a. Lahat ng mga gawa ng tao na ginagamit sa produksyon gaya ng pera,
makinarya, teknolohiya, maging ang mga gusali.
17
b. Lahat ng kakayahan ng tao sa pagtatrabaho gaya ng lakas-bisig at
lakas-isip
c. Saklaw nito ang kagalingan ng isang tao na magsimula at mamamahala
ng negosyo o produksyon
d. Saklaw nito lahat ng mga yamang galing sa lupa, tubig o mineral
________14. Alin sa mga sumusunod ang tamang paglalarawan sa
entreprenuership bilang salik ng produksyon?
a. Lahat ng mga gawa ng tao na ginagamit sa produksyon gaya ng pera,
makinarya, teknolohiya, maging ang mga gusali.
b. Lahat ng kakayahan ng tao sa pagtatrabaho gaya ng lakas-bisig at
lakas-isip
c. Saklaw nito ang kagalingan ng isang tao na magsimula at mamamahala
ng negosyo o produksyon
d. Saklaw nito lahat ng mga yamang galing sa lupa, tubig o mineral
________15. Alin sa mga sumusunod ang tamang paglalarawan sa kapital
bilang salik ng produksyon?
a. Lahat ng mga gawa ng tao na ginagamit sa produksyon gaya ng pera,
makinarya, teknolohiya, maging ang mga gusali.
b. Lahat ng kakayahan ng tao sa pagtatrabaho gaya ng lakas-bisig at
lakas-isip
c. Saklaw nito ang kagalingan ng isang tao na magsimula at mamamahala
ng negosyo o produksyon
d. Saklaw nito lahat ng mga yamang galing sa lupa, tubig o mineral
Karagdagang Gawain
Ngayon naman ay magsulat ka ng tatlong aral na iyong natutunan na
kaya mo ring isagawa mula sa topikong produksyon. Isulat mo ito sa mga
kahon.
1)
2) 3)
Aral na natutunan
ko at kaya kong
isagawa
18
Susi sa pagwawasto
Subukin
1.
d
2.d
3.
b
4.
c
5.
a
6.
b
7.
b
8.
b
9.
b
10.
d
11.
c
12.b
13.
b
14.
b
15.
b
Tuklasin
Suriin
Mga
pamprosesong
tanong:
1.
Kinakailangan?-
strawberry,
lemon
juice,
asukal
2.
Paano
nagkakaroon
ng
magandang
resulta?-
maayos
na
paghahalo
at
pagsunod
nang
tama
sa
proseso
3.
Bakit
maraming
gumagawa
ng
bagong
resipe?-
para
may
makain
at
maibenta
4.
Bakit
mahalagang
maging
kaaya-aya?
para
mahikayat
ang
tao
na
bumili
nito
*Gawain-
Pagkopya
ng
resipe
ng
isang
pagkain.
Bigyan
ito
ng
komento
ng
guro
Pagyamanin
Gawain
1:
Salik,
ilarawan
ko
•
Ang
guhit
ay
pupuntusan
ng
guro
ayon
sa
nilalaman
o
kaangkupan
ng
salik
at
output
na
inilalarawan.
Basahin
din
ang
proseso
na
isinulat.
Maaaring
15
puntos
lahat
Pagtataya
1.
Alternatibong
pagtugon
1.
2.✓
3.
✓
4.
✓
5.

Gawain
2.
Input-Process-Output
1.
isda,
dahon
ng
malunggay,
bulaklak
ng
kalabasa,
okra,
string
beans,
ampalaya,
bagoong,
luya,
kamatis,
sibuyas,
tubig
2.
turon
3.
lamesa/upuan/aparador…
4.
tela,
sinulid,
sewing
machine
5.
balat/plastic/goma,
shoe
glue
o
rugby,
padding,
sinulid,
karayom
Pagtataya
2.
Input
at
Output
Input-
nasalungguhitan
Output-nabilugan
1.
wrapper-------------------wallet
2.
magazine-----------------flower
vase
3.
gusali----------------------pagawaan
4.
mag-aaral-----------------
propesyonal
5.
pautang/pera-------------interes
Gawain
3-
Salik
Nagbago,
Produksyon
Apektado
1.
Kukulangin
ang
suplay
ng
mga
tanim-bababa
ang
produksyon
2.
Dadami
ang
mga
lakas-bisig
o
skilled
workers-
tataas
ang
produksyon
3.
Mababawasan
ang
bilang
ng
namumuhunan
o
nangungutang-bababa
ang
produskyon
4.
Lalakas
ang
produksyon/negosyo
Pagtataya
3-Mabuti
o
Masama
1.
Mabuti
2.
Masama
3.
Mabuti
4.
Mabuti
5.
Masama
Isaisip
1.
produksyon
2.
entrepreneurship
3.
input
4.
salik
5.
ekonomiya
Isagawa
•
Ang
output
ng
mag-aaral
ay
bibigyan
ng
puntos
ayon
sa
mga
naibigay
na
pamantayan.
Tayahin
1.
b
2.
b
3.a
4.
d
5.
d
6.
c
7.
b
8.
b
9.
b
10.
c
11.
d
12.
a
13.
b
14.c
15.a
Karagdagang
gawain
•
Iwasto
ayon
sa
nilalaman,
praktikalidad
at
kaangkupan
sa
topiko
19
Talasanggunian
Imperial, Consuelo M., Eleanor D. Antonio, Ma. Carmelita B. Samson,
Evangeline M. Dallo. Pana-panahon (Worktext para sa Araling Panlipunan sa
Ikaapat na Taon). Sampaloc, Maynila: Rex Book Store., 1999.
Nera-Lauron, Maria Theresa. Ekonomiks. Old Sta. Mesa, Manila: IBON
Foundation, Inc., 1999.
Philippines. Department of Education. Ekonomiks-Araling Panlipunan
(Modyul para sa Mag-aaral). Pasig City:Vibal Group, Inc., 2015.
Santiago, Aurora L., Lilia C. Fenequito, Socorro T. Valenzuela. Ekonomiks
(Para sa Mataas na Paaralan). Valenzuela City: Jo-es Publishing & Printing
House, Inc., 1997.
Viloria, Evelina M., Nilda B. Cruz, Remedios E. Quiray, Alice L. Lim.
Ekonomiks (Batayang Aklat para sa Ikaapat na Taon). Quezon City, Metro
Manila:SD Publications, Inc., 1999.
https://www.freepik.com/free-vector/wood-industry-raw-material-
production-samples-flat-set-with-tree-trunk-logs-planks-
door_6804310.htm#page=1&query=raw%20material&position=0
https://www.freepik.com/free-vector/lunch-
time_798194.htm#page=1&query=chair&position=4
https://www.freepik.com/free-photo/landscape-cultivated-
ground_979046.htm#page=1&query=land&position=3
https://www.freepik.com/free-vector/flat-engineering-team-
background_4501374.htm#page=1&query=laborers&position=3
https://www.freepik.com/free-vector/industrial-equipment-machines-
cartoon-set-isolated-white-
background_4393742.htm#page=1&query=machines&position=1
https://www.freepik.com/free-vector/businesspeople-isometric-icons-set-with-
male-female-persons-money-business-symbols-
isolated_7378805.htm#query=entrepreneurship&position=3
https://www.accountingtools.com/articles/what-is-the-difference-between-salary-and-
wages.html#:~:text=The%20essential%20difference%20between%20a,is%20paid%20by%20t
he%20hour.&text=Someone%20who%20is%20paid%20wages,the%20number%20of%20hou
rs%20worked.

More Related Content

What's hot

DLP - Detailed Lesson Plan - Patakarang Piskal
DLP - Detailed Lesson Plan - Patakarang PiskalDLP - Detailed Lesson Plan - Patakarang Piskal
DLP - Detailed Lesson Plan - Patakarang PiskalGlenn Rivera
 
EKONOMIKS 9 QUARTER 4 WEEK 3: SEKTOR NG AGRIKULTURA
EKONOMIKS 9 QUARTER 4 WEEK 3: SEKTOR NG AGRIKULTURAEKONOMIKS 9 QUARTER 4 WEEK 3: SEKTOR NG AGRIKULTURA
EKONOMIKS 9 QUARTER 4 WEEK 3: SEKTOR NG AGRIKULTURAPau Gacusan-Paler
 
ARALING PANLIPUNAN 9 IKALAWANG MARKAHAN.pptx
ARALING PANLIPUNAN 9 IKALAWANG MARKAHAN.pptxARALING PANLIPUNAN 9 IKALAWANG MARKAHAN.pptx
ARALING PANLIPUNAN 9 IKALAWANG MARKAHAN.pptxWilDeLosReyes
 
Ekon DLL quarter 4 week 1 sy 18 19
Ekon DLL quarter 4 week 1 sy 18 19Ekon DLL quarter 4 week 1 sy 18 19
Ekon DLL quarter 4 week 1 sy 18 19DIEGO Pomarca
 
Ekonomiks DLL quarter 1 week 1 sy 18 19
Ekonomiks DLL quarter 1 week 1 sy 18 19Ekonomiks DLL quarter 1 week 1 sy 18 19
Ekonomiks DLL quarter 1 week 1 sy 18 19DIEGO Pomarca
 
Es p 9 Modyul 15 Lokal at Global na Demand
Es p 9 Modyul 15 Lokal at Global na DemandEs p 9 Modyul 15 Lokal at Global na Demand
Es p 9 Modyul 15 Lokal at Global na DemandEdna Azarcon
 
istruktura ng pamilihan.pdf
istruktura ng pamilihan.pdfistruktura ng pamilihan.pdf
istruktura ng pamilihan.pdfWilDeLosReyes
 
KAKAPUSAN (Araling Panlipunan - Ekonomiks)
KAKAPUSAN (Araling Panlipunan - Ekonomiks)KAKAPUSAN (Araling Panlipunan - Ekonomiks)
KAKAPUSAN (Araling Panlipunan - Ekonomiks)Antonio Delgado
 
YUNIT 1: MGA PANGUNAHING KONSEPTO NG EKONOMIKS ( ARALIN 2: KAKULANGAN )
YUNIT 1: MGA PANGUNAHING KONSEPTO NG EKONOMIKS ( ARALIN 2: KAKULANGAN )YUNIT 1: MGA PANGUNAHING KONSEPTO NG EKONOMIKS ( ARALIN 2: KAKULANGAN )
YUNIT 1: MGA PANGUNAHING KONSEPTO NG EKONOMIKS ( ARALIN 2: KAKULANGAN )Mary Love Quijano
 
Konteksto ng Suliranin Pangkapaligiran Dahilan at Epekto
Konteksto ng Suliranin Pangkapaligiran Dahilan at EpektoKonteksto ng Suliranin Pangkapaligiran Dahilan at Epekto
Konteksto ng Suliranin Pangkapaligiran Dahilan at Epektoedmond84
 
Angmamimili 120817073727-phpapp02
Angmamimili 120817073727-phpapp02Angmamimili 120817073727-phpapp02
Angmamimili 120817073727-phpapp02Doctolero Coralde
 
ESP-9_Q4_Week-1.pdf
ESP-9_Q4_Week-1.pdfESP-9_Q4_Week-1.pdf
ESP-9_Q4_Week-1.pdfGerrieIlagan
 
Patakarang piskal
Patakarang piskalPatakarang piskal
Patakarang piskalromeomanalo
 

What's hot (20)

DLP - Detailed Lesson Plan - Patakarang Piskal
DLP - Detailed Lesson Plan - Patakarang PiskalDLP - Detailed Lesson Plan - Patakarang Piskal
DLP - Detailed Lesson Plan - Patakarang Piskal
 
EKONOMIKS 9 QUARTER 4 WEEK 3: SEKTOR NG AGRIKULTURA
EKONOMIKS 9 QUARTER 4 WEEK 3: SEKTOR NG AGRIKULTURAEKONOMIKS 9 QUARTER 4 WEEK 3: SEKTOR NG AGRIKULTURA
EKONOMIKS 9 QUARTER 4 WEEK 3: SEKTOR NG AGRIKULTURA
 
ARALING PANLIPUNAN 9 IKALAWANG MARKAHAN.pptx
ARALING PANLIPUNAN 9 IKALAWANG MARKAHAN.pptxARALING PANLIPUNAN 9 IKALAWANG MARKAHAN.pptx
ARALING PANLIPUNAN 9 IKALAWANG MARKAHAN.pptx
 
Ekon DLL quarter 4 week 1 sy 18 19
Ekon DLL quarter 4 week 1 sy 18 19Ekon DLL quarter 4 week 1 sy 18 19
Ekon DLL quarter 4 week 1 sy 18 19
 
Ekonomiks DLL quarter 1 week 1 sy 18 19
Ekonomiks DLL quarter 1 week 1 sy 18 19Ekonomiks DLL quarter 1 week 1 sy 18 19
Ekonomiks DLL quarter 1 week 1 sy 18 19
 
Es p 9 Modyul 15 Lokal at Global na Demand
Es p 9 Modyul 15 Lokal at Global na DemandEs p 9 Modyul 15 Lokal at Global na Demand
Es p 9 Modyul 15 Lokal at Global na Demand
 
istruktura ng pamilihan.pdf
istruktura ng pamilihan.pdfistruktura ng pamilihan.pdf
istruktura ng pamilihan.pdf
 
KAKAPUSAN (Araling Panlipunan - Ekonomiks)
KAKAPUSAN (Araling Panlipunan - Ekonomiks)KAKAPUSAN (Araling Panlipunan - Ekonomiks)
KAKAPUSAN (Araling Panlipunan - Ekonomiks)
 
ASSESSMENT EXAM
ASSESSMENT EXAMASSESSMENT EXAM
ASSESSMENT EXAM
 
Dlp cot
Dlp cot  Dlp cot
Dlp cot
 
Pangangailangan o kagustuhan
Pangangailangan o kagustuhanPangangailangan o kagustuhan
Pangangailangan o kagustuhan
 
YUNIT 1: MGA PANGUNAHING KONSEPTO NG EKONOMIKS ( ARALIN 2: KAKULANGAN )
YUNIT 1: MGA PANGUNAHING KONSEPTO NG EKONOMIKS ( ARALIN 2: KAKULANGAN )YUNIT 1: MGA PANGUNAHING KONSEPTO NG EKONOMIKS ( ARALIN 2: KAKULANGAN )
YUNIT 1: MGA PANGUNAHING KONSEPTO NG EKONOMIKS ( ARALIN 2: KAKULANGAN )
 
Konteksto ng Suliranin Pangkapaligiran Dahilan at Epekto
Konteksto ng Suliranin Pangkapaligiran Dahilan at EpektoKonteksto ng Suliranin Pangkapaligiran Dahilan at Epekto
Konteksto ng Suliranin Pangkapaligiran Dahilan at Epekto
 
Produksiyon
ProduksiyonProduksiyon
Produksiyon
 
Angmamimili 120817073727-phpapp02
Angmamimili 120817073727-phpapp02Angmamimili 120817073727-phpapp02
Angmamimili 120817073727-phpapp02
 
Produksiyon
ProduksiyonProduksiyon
Produksiyon
 
EsP 9-Modyul 15
EsP 9-Modyul 15EsP 9-Modyul 15
EsP 9-Modyul 15
 
ESP-9_Q4_Week-1.pdf
ESP-9_Q4_Week-1.pdfESP-9_Q4_Week-1.pdf
ESP-9_Q4_Week-1.pdf
 
Module 11 session 1
Module 11 session 1Module 11 session 1
Module 11 session 1
 
Patakarang piskal
Patakarang piskalPatakarang piskal
Patakarang piskal
 

Similar to ap9_q1_mod4_W5-Produksyon_Marciana-Aglolo-converted (1).pdf

Long Quiz-Produksyon.pptx
Long Quiz-Produksyon.pptxLong Quiz-Produksyon.pptx
Long Quiz-Produksyon.pptxQuennie11
 
Long Quiz.pptx
Long Quiz.pptxLong Quiz.pptx
Long Quiz.pptxQuennie11
 
Modyul 12 sektor ng agrikultuta, industriya at pangangalak
Modyul 12   sektor ng agrikultuta, industriya at pangangalakModyul 12   sektor ng agrikultuta, industriya at pangangalak
Modyul 12 sektor ng agrikultuta, industriya at pangangalakdionesioable
 
Modyul 3 kakulangan at kakapusan sa pagtugon sa pangangaila
Modyul 3  kakulangan at kakapusan sa pagtugon sa pangangailaModyul 3  kakulangan at kakapusan sa pagtugon sa pangangaila
Modyul 3 kakulangan at kakapusan sa pagtugon sa pangangaila南 睿
 
15. mga suliranin at programa sa industriya at pangangalakal
15. mga suliranin at programa sa industriya at pangangalakal15. mga suliranin at programa sa industriya at pangangalakal
15. mga suliranin at programa sa industriya at pangangalakalJocelyn Tamares
 
ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS) PRE-POST TEST (with Answer Key)
ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS) PRE-POST TEST (with Answer Key)ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS) PRE-POST TEST (with Answer Key)
ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS) PRE-POST TEST (with Answer Key)Froidelyn Fernandez- Docallas
 
First finals examination
First finals examinationFirst finals examination
First finals examinationmyemeyegranil
 
Banghay aralin sa araling panlipunan 9
Banghay aralin sa araling panlipunan 9Banghay aralin sa araling panlipunan 9
Banghay aralin sa araling panlipunan 9Crystal Mae Salazar
 
Pre-Test-kontemporaryo.docx
Pre-Test-kontemporaryo.docxPre-Test-kontemporaryo.docx
Pre-Test-kontemporaryo.docxJanCarlBriones2
 
Kalagayan-at-suliranin-sa-isyu-ng-paggawa-sa.pptx
Kalagayan-at-suliranin-sa-isyu-ng-paggawa-sa.pptxKalagayan-at-suliranin-sa-isyu-ng-paggawa-sa.pptx
Kalagayan-at-suliranin-sa-isyu-ng-paggawa-sa.pptxTeodoroJervoso
 
Salik ng Produksyon.pptx sa grade 9 ekonomiks
Salik ng Produksyon.pptx sa grade 9 ekonomiksSalik ng Produksyon.pptx sa grade 9 ekonomiks
Salik ng Produksyon.pptx sa grade 9 ekonomiksRonalynGatelaCajudo
 
Salik ng Produksyon.powerpoint AP9 QUIZES
Salik ng Produksyon.powerpoint AP9 QUIZESSalik ng Produksyon.powerpoint AP9 QUIZES
Salik ng Produksyon.powerpoint AP9 QUIZESRonalynGatelaCajudo
 
Classroom observation in Araling Panlipunan.pptx
Classroom observation in Araling Panlipunan.pptxClassroom observation in Araling Panlipunan.pptx
Classroom observation in Araling Panlipunan.pptxjanicepauya
 
Ekonomiks Learning Module Yunit 1
Ekonomiks Learning Module Yunit 1Ekonomiks Learning Module Yunit 1
Ekonomiks Learning Module Yunit 1Byahero
 

Similar to ap9_q1_mod4_W5-Produksyon_Marciana-Aglolo-converted (1).pdf (20)

Long Quiz-Produksyon.pptx
Long Quiz-Produksyon.pptxLong Quiz-Produksyon.pptx
Long Quiz-Produksyon.pptx
 
Long Quiz.pptx
Long Quiz.pptxLong Quiz.pptx
Long Quiz.pptx
 
Final(idk).pptx
Final(idk).pptxFinal(idk).pptx
Final(idk).pptx
 
Modyul 12 sektor ng agrikultuta, industriya at pangangalak
Modyul 12   sektor ng agrikultuta, industriya at pangangalakModyul 12   sektor ng agrikultuta, industriya at pangangalak
Modyul 12 sektor ng agrikultuta, industriya at pangangalak
 
Modyul 3 kakulangan at kakapusan sa pagtugon sa pangangaila
Modyul 3  kakulangan at kakapusan sa pagtugon sa pangangailaModyul 3  kakulangan at kakapusan sa pagtugon sa pangangaila
Modyul 3 kakulangan at kakapusan sa pagtugon sa pangangaila
 
Pre-Test.pptx
Pre-Test.pptxPre-Test.pptx
Pre-Test.pptx
 
15. mga suliranin at programa sa industriya at pangangalakal
15. mga suliranin at programa sa industriya at pangangalakal15. mga suliranin at programa sa industriya at pangangalakal
15. mga suliranin at programa sa industriya at pangangalakal
 
Summative 1-7(1)
Summative 1-7(1)Summative 1-7(1)
Summative 1-7(1)
 
Pre-Test.pptx
Pre-Test.pptxPre-Test.pptx
Pre-Test.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS) PRE-POST TEST (with Answer Key)
ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS) PRE-POST TEST (with Answer Key)ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS) PRE-POST TEST (with Answer Key)
ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS) PRE-POST TEST (with Answer Key)
 
First finals examination
First finals examinationFirst finals examination
First finals examination
 
Banghay aralin sa araling panlipunan 9
Banghay aralin sa araling panlipunan 9Banghay aralin sa araling panlipunan 9
Banghay aralin sa araling panlipunan 9
 
Pre-Test-kontemporaryo.docx
Pre-Test-kontemporaryo.docxPre-Test-kontemporaryo.docx
Pre-Test-kontemporaryo.docx
 
Kalagayan-at-suliranin-sa-isyu-ng-paggawa-sa.pptx
Kalagayan-at-suliranin-sa-isyu-ng-paggawa-sa.pptxKalagayan-at-suliranin-sa-isyu-ng-paggawa-sa.pptx
Kalagayan-at-suliranin-sa-isyu-ng-paggawa-sa.pptx
 
PPT1 GRADE9..pptx
PPT1 GRADE9..pptxPPT1 GRADE9..pptx
PPT1 GRADE9..pptx
 
Salik ng Produksyon.pptx sa grade 9 ekonomiks
Salik ng Produksyon.pptx sa grade 9 ekonomiksSalik ng Produksyon.pptx sa grade 9 ekonomiks
Salik ng Produksyon.pptx sa grade 9 ekonomiks
 
Salik ng Produksyon.powerpoint AP9 QUIZES
Salik ng Produksyon.powerpoint AP9 QUIZESSalik ng Produksyon.powerpoint AP9 QUIZES
Salik ng Produksyon.powerpoint AP9 QUIZES
 
Classroom observation in Araling Panlipunan.pptx
Classroom observation in Araling Panlipunan.pptxClassroom observation in Araling Panlipunan.pptx
Classroom observation in Araling Panlipunan.pptx
 
Ekonomiks lm yunit 1 (2)
Ekonomiks lm yunit 1 (2)Ekonomiks lm yunit 1 (2)
Ekonomiks lm yunit 1 (2)
 
Ekonomiks Learning Module Yunit 1
Ekonomiks Learning Module Yunit 1Ekonomiks Learning Module Yunit 1
Ekonomiks Learning Module Yunit 1
 

Recently uploaded

LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............AljayGanda
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxMaestroSonnyTV
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxlericacbrocano
 
Banghay aralin sa filipino Example from jaw
Banghay aralin sa filipino Example from jawBanghay aralin sa filipino Example from jaw
Banghay aralin sa filipino Example from jawMichaelJawhare
 
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoUri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoChristineJaneWaquizM
 
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptxAng Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptxmaryjoyrobis2
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxLucy Datuin
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxlevyandhrei14
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxfedelgado4
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxjobellejulianosalang
 
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...VielMarvinPBerbano
 
Pangangailangan at Kagustuhan Powerpoint.pptx
Pangangailangan at Kagustuhan Powerpoint.pptxPangangailangan at Kagustuhan Powerpoint.pptx
Pangangailangan at Kagustuhan Powerpoint.pptxPaoloBriones2
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangerekimdavidmerana03
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxAJAdvin1
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfYollySamontezaCargad
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxRioOrpiano1
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxCristyJoySalarda
 
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasIsyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasRonalynGatelaCajudo
 
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxSEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxDahlvinJaro
 

Recently uploaded (20)

LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
 
Banghay aralin sa filipino Example from jaw
Banghay aralin sa filipino Example from jawBanghay aralin sa filipino Example from jaw
Banghay aralin sa filipino Example from jaw
 
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoUri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
 
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptxAng Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
 
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
 
Pangangailangan at Kagustuhan Powerpoint.pptx
Pangangailangan at Kagustuhan Powerpoint.pptxPangangailangan at Kagustuhan Powerpoint.pptx
Pangangailangan at Kagustuhan Powerpoint.pptx
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
 
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasIsyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
 
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxSEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
 

ap9_q1_mod4_W5-Produksyon_Marciana-Aglolo-converted (1).pdf

  • 1. i Produksyon Modyul para sa Araling Panlipunan 9 Unang Markahan-Modyul 4 Ikalimang Linggo MARCIANA A. AGLOLO Tagapaglinang Kagawaran ng Edukasyon Rehiyong Administratibo ng Cordillera
  • 2. ii Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION Cordillera Administrative Region SCHOOLS DIVISION OF BAGUIO CITY No. 82 Military Cut-off Road, Baguio City Published by: Learning Resource Management and Development System PAUNAWA HINGGIL SA KARAPATANG SIPI (COPYRIGHT NOTICE) 2021 Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides: “No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency of office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.” Ang modyul na ito ay inihanda para sa implementasyon ng K to 12 Curriculum sa pamamagitan ng Curriculum Implementation Division (CID) – Learning Resource Management and Development System (LRMDS). Maaari itong kopyahin para sa layuning pang-edukasyon at maaaring hilingin ang pahintulot sa nagmamay-ari nito. Ang paghalaw o pagpapaunlad nito ay maaaring gawin, ibigay lamang ang karampatang pagkilala sa orihinal na lumikha. Hindi pinahihintulutan ang paghalaw ng anumang likha mula rito kung ang layunin ay pangkomersiyo o pagkakakitaan.
  • 3. 1 Alamin Ang modyul na ito ay ginawa upang matulungan ka na maunawaan at maintindihan ang konsepto ng produksyon, mga salik nito at ang implikasyon nito sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ang pinakatiyak na kasanayan sa pagkatuto na dapat malinang sa iyo ay matalakay ang mga salik ng produksyon at ang implikasyon nito sa pang- araw-araw na pamumuhay. Para makamit mo ang nasabing kasanayan, kailangan mong basahin, unawain at gawin nang buong puso ang bawat babasahin at aktibidad. Inaasahang maging makabuluhan ang modyul na ito at makatulong upang maunawaan at malinawan ka sa proseso ng produksyon at mga salik nito at nawa ay makahikayat sa iyo na maging matalino at produktibo sa pamamahala at paggamit ng resources o yaman. Ang pag-aaral sa nilalaman ng modyul na ito at ang paggawa sa lahat ng mga gawain ay inaasahang maisasakatuparan mo sa loob ng isang linggo o tatlong oras para sa ating asignatura. Mga Tiyak na Layunin: Sa modyul na ito, inaasahan ko na iyong makakamit ang mga sumusunod na layunin: 1. nailalarawan ang proseso ng produksyon; 2. natutukoy at naihahambing ang mga salik ng produksyon; 3. napahahalagahan ang mga salik ng produksyon at implikasyon nito; at 4. nakapagsasagawa ng isang simpleng recycling bilang aplikasyon ng produksyon. Handa ka na bang matuto? Sige simulan mo na.
  • 4. 2 Subukin Panuto: Basahin at unawain mo ang bawat katanungan bago ito sagutin. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang. ________1. Ang mga hilaw na sangkap ay dumadaan sa proseso upang maging yaring produkto. Ang tawag sa prosesong ito ay produksyon. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa hilaw na sangkap sa paggawa ng tinapay? a. harina b. asin c. itlog d. pandesal ________2. Ang mga bagay na kailangan sa paggawa ng produkto ay tinatawag na salik ng produksyon o input. Kabilang dito ang lupa, paggawa, kapital at entreprenuerhip. Alin sa mga sumusunod ang tamang paglalarawan sa lupa bilang salik ng produksyon? a. Lahat ng mga gawa ng tao na ginagamit sa produksyon gaya ng pera, makinarya, teknolohiya, maging ang mga gusali. b. Lahat ng kakayahan ng tao sa pagtatrabaho gaya ng lakas-bisig at lakas-isip c. Saklaw nito ang kagalingan ng isang tao na magsimula at mamamahala ng negosyo o produksyon d. Saklaw nito lahat ng mga yamang galing sa lupa, tubig o mineral ________3. Alin sa mga sumusunod ang tamang paglalarawan sa paggawa bilang salik ng produksyon? a. Lahat ng mga gawa ng tao na ginagamit sa produksyon gaya ng pera, makinarya, teknolohiya, maging ang mga gusali. b. Lahat ng kakayahan ng tao sa pagtatrabaho gaya ng lakas-bisig at lakas-isip c. Saklaw nito ang kagalingan ng isang tao na magsimula at mamamahala ng negosyo o produksyon d. Saklaw nito lahat ng mga yamang galing sa lupa, tubig o mineral ________4. Alin sa mga sumusunod ang tamang paglalarawan sa entreprenuership bilang salik ng produksyon? a. Lahat ng mga gawa ng tao na ginagamit sa produksyon gaya ng pera, makinarya, teknolohiya, maging ang mga gusali. b. Lahat ng kakayahan ng tao sa pagtatrabaho gaya ng lakas-bisig at lakas-isip c. Saklaw nito ang kagalingan ng isang tao na magsimula at mamamahala ng negosyo o produksyon d. Saklaw nito lahat ng mga yamang galing sa lupa, tubig o mineral ________5. Alin sa mga sumusunod ang tamang paglalarawan sa kapital bilang salik ng produksyon? a. Lahat ng mga gawa ng tao na ginagamit sa produksyon gaya ng pera, makinarya, teknolohiya, maging ang mga gusali. b. Lahat ng kakayahan ng tao sa pagtatrabaho gaya ng lakas-bisig at lakas-isip
  • 5. 3 c. Saklaw nito ang kagalingan ng isang tao na magsimula at mamamahala ng negosyo o produksyon d. Saklaw nito lahat ng mga yamang galing sa lupa, tubig o mineral ________6. Malaki ang epekto ng mga salik ng produksyon sa dami at kalidad ng produkto. Ano ang maaaring mangyari sa produksyon kapag ang lupa na pinagmumulan ng hilaw na sangkap ay kumunti dahil sa industriyalisasyon o pinatayuan ng gusali at pabrika? a. Bibilis ang produksyon dahil dumami ang mga pabrika at paggawaan b. Mababawasan ang produksyon dahil kumunti ang mga hilaw na sangkap c. Madadagdagan ang produksyon dahil ang mga negosyante ay aangkat ng hilaw na sangkap sa ibang lugar d. Walang pagbabago sa dami ng produksyon dahil walang pagbabago sa mga salik ________7. Kung bago ang mga teknolohiya at makinarya sa paggawa, ano ang maaaring epekto nito sa produksyon? a. Bababa ang produksyon lalo na kapag ang mga manggagawa at hilaw na sangkap ay hindi nagbago b. Mabilis ang produksyon at maraming magagawa lalo na kapag may nakahandang hilaw na sangkap na ipoproseso c. Walang pagbabago sa produksyon lalo na kapag madalas ang brownout kaya ang teknolohiya ay hindi rin nagagamit d. Bababa ang sahod ng mga manggagawa dahil mababawasan ang kanilang nagagawang produkto ________8. Kadalasan, ang kapital bilang salik ng produksyon ay iniuugnay sa pera o salapi. Paano kumikita ang tao gamit ang kanilang pera? a. Ito ay pinapaupahan at nagkakaloob ng upa bilang kita ng tao b. Ito ay pinauutang at nagkakaloob ng interes bilang kita ng tao c. Ito ay kagalingan ng tao sa pagnenegosyo kaya nagkakaloob ng tubo bilang kita ng tao d. Ito ang paggamit ng talento at lakas na nagkakaloob ng sahod o sweldo bilang kita ng tao. _________9. Sa proseso ng produksyon, lahat ng mga salik ay binabayaran. Alin sa mga sumusunod ang tamang pares ng salik at kabayaran nito? a. Lupa: interes b. Paggawa : sahod o sweldo c. Kapital : sweldo d. Entreprenuership : upa _______10. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapahayag ng kahalagahan ng produksyon sa pang-araw-araw na pamumuhay? a. Ang produksyon ang pinagmumulan ng mga produktong kinukonsumo ng tao b. Ang produksyon ay lumilikha ng trabaho at kita
  • 6. 4 c. Ang produksyon ay tumutugon sa pangangailangan at kagustuhan ng tao d. Ang produksyon ang umuubos sa mga likas na yaman ng bansa ______11. Ang produksyon ay tumutukoy sa paglikha ng mga bagay o serbisyo upang matugunan ang pangangailangan ng tao. Paano mo maaaring isagawa ang produksyon ngayong panahon ng pandemya? a. Umutang sa bangko at magsimula ng online business b. Maging aktibo sa barangay at sumali sa contact tracing c. Magrecycle ng mga hindi nagagamit na tela at gawing face mask d. Magluto nang marami at ipakain sa mga mahihirap _______12. Ano ang implikasyon o maaaring epekto sa ekonomiya ng pagkakaroon ng maraming lakas-paggawa subalit kulang ang pagawaan? a. Magkakaroon ng mataas na kita ang mga manggagawa b. Marami ang walang trabaho dahil sa kakulangan ng mapapasukan c. Magkakaroon ng sigalot sa pagawaan dahil maraming manggagawa d. Magiging mahal ang sahod ng mga manggagawa dahil sa dami nila _______13. Ano ang implikasyon o maaaring resulta sa ating ekonomiya kung sagana tayo sa lupa, paggawa, kapital at entreprenyurship? a. Sisigla ang kompetisyon at lalaganap ang malawak na agwat ng mahirap at mayaman b. Uunlad ang ekonomiya dahil sa mataas at masiglang produksyon c. Madadagdagan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao d. Mababawasan ang mga paninda o suplay sa pamilihan _______14. Ano ang mahihinuha mong epekto ng “industriyalisasyon” sa suplay ng mga hilaw na sangkap para sa produksyon? a. Lalong dadami ang suplay ng hilaw na sangkap dahil sa makabagong kagamitan sa pagtatanim b. Liliit ang mapagkukunan ng hilaw na sangkap dahil sa mga proyektong pang-industriyalisasyon ng bansa c. Kailangan nating mag-angkat ng hilaw na sangkap para sa produksyon d. Mabilis na maubos ang hilaw sa dami ng industriya ________15. Dahil sa kasalukuyang suliranin ng COVID-19, ang produksyon ng pagkain at iba pang produkto ay apektado. Maraming pagawaan o industriya ang pinasara at ang mga manggagawa ay nawalan ng trabaho dahil sa quarantine at lockdown. Paano naman ito nakakaapekto sa mga magsasaka sa Cordillera? a. Malakas ang benta ng mga magsasaka ng kanilang gulay sa trading post b. Maraming nasasayang at libreng gulay dahil walang trader at mapagbentahan c. Maraming magsasaka ang nag-online selling ng kanilang gulay d. Maraming magsasaka ang nagbebenta ng cactus sa halip na gulay
  • 7. 5 Balikan Napag-aralan natin sa mga nagdaang modyul na ang ekonomiks ay pamamahala sa gastusin ng tahanan at kung paano ang pamamalakad ng tao sa kanilang kabuhayan upang matugunan ang kanyang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan sa kabila ng limitadong pinagkukunang-yaman. Natutunan mo rin na kung hindi maayos ang pamamalakad o sistema ng alokasyon sa mga yaman na meron ang tao ay magaganap ang suliranin ng kakapusan. Ngayon naman ay nais kong suriin mo kung saan nanggagaling ang iyong mga kagamitan at mga pagkaing iyong kinunkonsumo araw-araw. Ang mga ito ba ay direktang galing sa kapaligiran o bukid? O karamihan ba sa inyong gamit at kinukunsumo ay gawa o galing sa pabrika o industriya? Paano ito nagawa? Ang mga katanungan na ito ay nakatuon sa konsepto ng produksyon na siyang laman ng modyul na ito. Sinasabing mas nasisiyahan at nakikinabang ang tao kung ang kanyang ginagamit o kinusunsumo ay dumaan sa proseso-simple man o masalimuot. Ang proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng pagsama-sama ng mga salik ay tinatawag na produksyon. Hangarin ng araling ito na magkaroon ka ng ideya at kamalayan sa mga salik ng produksyon at ang implikasyon nito sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
  • 8. 6 Tuklasin Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman tungkol sa konsepto at mga salik ng produksyon. Basahin at unawain mo ang mga pahayag at sagutin o gawin mo ang gawain. STRAWBERRY JAM Ang strawberry ay isa sa mga produkto ng Benguet, lalo na sa bayan ng La Trinidad. Maaari itong kainin nang direkta o kaya ay gawing jam o panlasa ng ice cream o cake. Isa sa pinakamabentang produkto na gawa sa strawberry ay ang jam na masarap pampalaman ng tinapay. Paano magluto ng strawberry jam upang ang lahat ng mga berry ay buo? Mga sangkap Strawberry - 1 kg Asukal - 1 kg Paraan ng Pagluluto: 1. Hugasan ang mga strawberry at paghiwalayin ang mga tangkay. 2. Ilipat sa isang mangkok, punan ng asukal at iwanan upang mag-infuse ng 3-5 na oras. 3. Pagkatapos, iluto ito at hayaang kumulo. Alisin ang mga bula. 4. Bawasan o pahinaan ang apoy at lutuin muli ito ng 30-50 minuto. Halaw sa: https://hdburger.ru/tl/strawberry-jam-with-whole-berries-strawberry- jam-with-whole-berries-and-frayed/ Suriin Sagutin ang mga sumusunod na katanungan bilang pagsusuri sa resipe na iyong binasa. Isulat ang sagot sa patlang na nailaan. Mga Pamprosesong Tanong: Tanong Sagot 1.Anu-ano ang mga kinakailangan sa pagluluto ng strawberry jam? 2.Paano nagkakaroon ng magandang resulta ang pagluluto ng strawberry jam? GAWAIN: PAGGAWA NG STRAWBERRY JAM, AALAMIN KO
  • 9. 7 3. Sa kasalukuyan, bakit maraming nag-iisip at gumagawa ng mga bagong resipe ng pagkain? 4.Bakit mahalagang maging kaaya- aya sa hitsura ng bawat produkto na ating ginagawa? Ang proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga salik ay tinatawag na produksyon. Tumutukoy ang produksyon sa paglikha ng mga produkto o serbisyo upang matugunan ang pangangailangan ng mga tao (Viloria, et.al, 1999). Ang mga salik na ginagamit sa produksyon ay tinatawag na input at ang resulta o bunga ng paggamit nito ay tinatawag na output (Imperial, et.al., 1999). Halimbawa ng input ay asukal at strawberry. Ang output ay ang strawberry jam. Pero maliban sa mga hilaw na sangkap ng strawberry jam, kabilang din sa input ang kalan, palayok, mangkok, at galing at sipag ng tao na magluto nito. Kailangan din ang pera upang makabili ng ibang sangkap at kagamitan. May apat na input o salik ng produksyon na kinabibilangan ng lupa, paggawa, kapital at entrepreneurship. Basahin mo ang nasa talahanayan upang maintindihan ang mga ito nang lubusan. Salik ng Produksyon Paliwanag 1. LUPA -Tumutukoy hindi lamang sa tinatamnan ng mga magsasaka o pinagtatayuan ng bahay kundi kasama rin ang lahat ng yamang likas sa ibabaw at ilalim nito gaya ng yamang-tubig, yamang-mineral at yamang-gubat (Ekonomiks- Modyul ng Mag-aaral, DepEd,2015). Dagdag pa nila Santiago, et.al (1997), ang lahat ng biyaya ng kalikasan gaya ng lupa at mga hilaw na materyal ay itinuturing na lupa. -Ito ay natatangi sa ibang salik ng produksyon sa kadahilanang ito ay fixed input o takda ang bilang o sukat nito. Mahalagang wasto at produktibo ang paggamit nito upang magkaroon ng lubos na kapakinabangan. - Ang kapakinabangan ng lupa sa may-ari nito ay nagtatakda ng kita na tinatawag na upa (Viloria, et.al, 1999). https://www.freepik.com/free-photo/landscape- cultivated- ground_979046.htm#page=1&query=land&position =3
  • 10. 8 2. PAGGAWA o LAKAS- PAGGAWA -Ito ang lakas na ibinubuhos ng tao, pisikal man o mental, para makagawa ng mga bagay na pinakikinabangan ng mga tao. Ito ang pinakamahalagang sangkap ng produksyon kung saan tinutuklas at nililikha ang mga bagong bagay mula sa umiiral nang mga bagay ( Nera-Lauron, 1999). -Tumutukoy sa kakayahan ng tao sa produksyon ng produkto at serbisyo. Ito ay may dalawang uri. Una ay lakas-isip o mental. Sila ang mga mangagawang gumagamit ng kanilang isip sa paggawa gaya ng mga abogado, doktor, guro at iba pa. Tinatawag din ang trabaho nila na white-collar jobs. Ikalawa ay lakas-bisig o pisikal. Sila naman ang mga manggagawa na gumagamit ng lakas ng katawan sa paggawa gaya ng mga magsasaka, karpintero, welder at iba pa. Blue-collar job naman ang ibang taguri sa trabaho nila (Ekonomiks-Modyul ng Mag- aaral, DepEd, 2015). -Sahod o suweldo ang tawag sa pakinabang ng manggagawa sa ipinagkaloob na paglilingkod. - Ang manggagawang tumatanggap ng sahod (wage) ay binabayaran ayon sa oras na kanyang ginugol sa paglilingkod samantalang ang taong tumatanggap ng suweldo (salary) ay binabayaran nang fixed sa bawat pay period. Kadalasan ang suweldo ay sa mga namamahala o propesyonal na posisyon. (https://www.accountingtools.com/articles/what-is-the- difference-between-salary-and- wages.html#:~:text=The%20essential% 20difference%20between%20a, is%20paid%20by%20the%20hour.&text=Someone%20who%20 is%20paid%20wages,the%20number%20of%20hours%20work ed.) https://www.freepik.com/free-vector/flat- engineering-team- background_4501374.htm#page=1&query=la borers&position=3
  • 11. 9 3. KAPITAL -Tumutukoy sa kalakal o kagamitang gawa ng tao na ginagamit sa paglikha ng panibagong kalakal kagaya ng salapi, makinarya at imprastraktura tulad ng gusali, kalsada, tulay pati na ang mga sasakyan (Ekonomiks-Modyul ng Mag-aaral, DepEd, 2015). - Ang puhunan o kapital ay hindi lamang sa anyong salapi. Kasama rito ang mga produktong yari na ginagamit sa pagsisimula ng negosyo (Viloria, et.al., 1999). -Sa makabagong ekonomiya, nangangailangan ang mga bansa na mangalap ng malaking kapital upang makamtan ang pagsulong. -Ang interes ay kabayaran sa paggamit ng puhunan o kapital (Viloria, et.al, 1999). 4. ENTREPRENUERSHIP -Tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang tao na magsimula ng isang negosyo. Ang entrepreneur ang tagapag-ugnay ng naunang mga salik ng produksyon upang makabuo ng produkto at serbisyo. Siya ang lider na nag- oorganisa, nagkokontrol at nakikipagsapalaran sa mga desisyon sa mga bagay na makaaapekto sa produksyon. -Taglay ng isang entrepreneur ang pag-iisip na maging malikhain, puno ng inobasyon at handa sa pagbabago. Siya ay may kakayahan na pangasiwaan ang negosyo, may matalas na pakiramdam hinggil sa pagbabago sa pamilihan at may lakas ng loob na humarap at makipagsapalaran sa kahihinatnan ng negosyo. -Ang tubo o profit ay tumutukoy sa kita ng isang entrepreneur. (Ekonomiks-Modyul ng Mag-aaral, DepEd, 2015) https://www.freepik.com/free- vector/industrial-equipment-machines- cartoon-set-isolated-white- background_4393742.htm#page=1&query= machines&position=1 https://www.freepik.com/free- vector/businesspeople-isometric-icons-set-with- male-female-persons-money-business- symbols- isolated_7378805.htm#query=entrepreneurship &position=3
  • 12. 10 Nalaman mo na ang mga salik ng produksyon at ang halaga nito sa paggawa ng mga bagong produkto at serbisyo upang lubusang matugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Pagyamanin May mga inihanda akong gawain na makatutulong sa iyo upang lubos mong maunawaan ang mga salik ng produksyon, matalakay at masuri ang implikasyon nito sa pang-araw-araw nating pamumuhay. GAWAIN 1 INPUT AT OUTPUT, ILARAWAN KO Panuto: Tumingin sa iyong paligid at pumili ng mga bagay na maaaring gamiting input upang makagawa ng output. Iguhit mo ang mga input sa kaliwang kahon at ang magiging output nito sa kanang kahon. Pagkatapos, sagutin ang katanungan sa ibaba nito. 15 puntos lahat (10 puntos sa guhit at 5 puntos sa paliwanag) Input Output Ipaliwanag: Paano gagawin ang nasabing output gamit ang mga input? Isalaysay ang mga proseso ayon sa pagkakasunud-sunod. 1. _____________________________________________________________________ 2. _____________________________________________________________________ 3. _____________________________________________________________________ 4. _____________________________________________________________________
  • 13. 11 PAGTATAYA 1 ALTERNATIBONG PAGTUGON: Isulat ang ✓ kung maganda ang implikasyon o dulot ng mga sumusunod na sitwasyon sa buhay ng tao at  kung hindi maganda ang dulot. ________________1. Laging dinadaanan ng bagyo ang Cordillera kaya ang mga taniman ay nasisira. ________________2. Mayaman ang Cordillera ng yamang-mineral gaya ng ginto at tanso kaya ang pagmimina ay kabuhayan ng ilang mamamayan. ________________3. Ang mga Cordilleran ay maaasahan sa paggawa. ________________4. Ang mga Cordilleran ay magagaling na entrepreneur. ________________5. Maraming nasirang kalsada sa Cordillera dulot ng walang tigil na pag-ulan. GAWAIN 2 INPUT-PROCESS-OUTPUT Panuto: Mabubuo ang mga bagong produkto at serbisyo o output sa paggamit ng mga input at angkop na proseso. Kumpletuhin ang talahanayan upang maipakita ang input at output sa produksyon. Gamiting gabay ang halimbawang naibigay. Kung may Input na… May Output na… Karne ng manok, sayote, etag Pinikpikan 1) Dinengdeng saging, wrapper, asukal, mantika 2) tabla, varnish, pako 3) 4) Damit 5) Sapatos PAGTATAYA 2 INPUT AT OUTPUT. Salungguhitan ang INPUT at bilugan ang OUTPUT sa mga sumusunod na pahayag. 1. Nakagawa ng matibay na wallet ang nanay mo gamit ang mga wrapper ng mga instant na kape. 2. Ang mga lumang magazine ay tiniklop ng mga mag-aaral at ginawang flower vase. 3. Ang itinayo nilang gusali ay ginamit bilang pagawaan ng tela. 4. Maraming mag-aaral ang pumapasok sa paaralan upang maging propesyonal. 5. Nagpapautang ng pera ang mga bangko upang kumita ng interes.
  • 14. 12 GAWAIN 3 SALIK NAGBAGO, PRODUKSYON APEKTADO Panuto: Nais kong iyong talakayin o ipaliwanag ang implikasyon (mga posibleng resulta/epekto) sa proseso ng produksyon kung may mga pagbabago sa mga salik. Sitwasyon Implikasyon (maaaring resulta/epekto sa produksyon) 1. Ang mga dating taniman ay pinatayuan ng mga gusali 2. Maraming kabataan ang kumuhuha ng training o pagsasanay sa TESDA 3. Nagmahal ang interes ng pautang sa bangko 4. Maraming Pilipino ang nagtatayo ng negosyo PAGTATAYA 3 MABUTI O MASAMA. Isulat ang MABUTI kung ang pahayag ay nagsasaad ng magandang pagbabago sa produksyon at MASAMA kung ito ay hindi magandang pagbabago. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang. _______________1. Tumaas ang kita ng mananahi ng face mask sa panahon ng COVID-19. _______________2. Maraming manggagawa ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa community quarantine dulot ng COVID-19. _______________3. Nabawasan ang polusyon sa hangin at tubig dahil sa pagsasara ng mga pagawaan at paghinto ng transportasyon. _______________4. Maraming entrepreneur ang nag-isip ng paraan para kumita gaya ng pagluluto ng pagkain at pagbebenta sa mga ito online. _______________5. Maraming baboy ang inilibing nang buhay dahil sa banta ng African Swine Fever (ASF).
  • 15. 13 Isaisip Dito mo naman ibubuod ang iyong natutunan hinggil sa produksyon at mga salik nito. Punan ng angkop na salita ang mga patlang para mabuo ang ideya. Tignan ang mga nakalistang salita bilang pagpipilian. 5 puntos. Mga salitang pagpipilian: entrepreneurship ekonomiya input lupa produksyon salik Ang mga pangangailangan at kagustuhan ng tao ay matutugunan sa pamamagitan ng 1)_____________________. Ito ay tumutukoy sa pagpoproseso sa mga bagay para maging bagong produkto. May apat na salik ng produksyon na kinabibilangan ng lupa, paggawa, kapital at 2)_____________________. Ang mga kinakailangan sa paggawa ng produkto ay tinatawag sa Ingles na 3)_______________ samantalang ang resulta ng pagsasama-sama sa mga ito ay tinatawag na output. Malaki ang bahaging ginagampanan ng bawat 4) ________________ ng produksyon sa pagtugon sa mga pangangailangan at kagustuhan ng mga tao. Magiging masigla ang produksyon at buong 5)________________ kapag ang lupa, paggawa, kapital at entrepreneurship ay sapat at balanse. Anumang pagbabago sa mga salik ay makaaapekto sa dami at kalidad ng produksyon. Binabati kita sa maayos at tamang pagtugon sa mga gawain! Isagawa Recycling: Nais ko na magpamalas ka ng pagkamalikhain at pagkamaabilidad sa pamamagitan ng pagbuo ng isang kapakipakinabang na bagay mula sa mga patapon o hindi na ginagamit na bagay sa inyong tahanan. Maaaring mula sa lumang damit, lumang papel o dyaryo, nagamit na straw, wrapper ng pagkain, bote o plastic. Maaari kang magpatulong sa iyong magulang o tumingin sa internet kung paano gawin. Hinihikayat kita na kung may sapat kang kagamitan ay may kukuha ng iyong video habang ginagawa ang recycling para mapanood ko ang iyong paggawa. Kung wala ka namang kagamitan sa pagkuha ng video ay maaaring larawan ng iyong input at output ang iyong ipasa. Kung wala kang camera, maaari mong isulat sa papel ang mga kagamitan o sangkap, proseso at output mo at ilakip sa sagutang-papel kapag ipinasa mo. Subalit sana ay masiguro muna na ligtas ka sa proseso ng iyong paggawa.
  • 16. 14 Ipakita o ipasa mo ang iyong gawa pagkatapos ng isang linggo. Kung may messenger ka ay ipadala sa messenger ng guro ang video o larawan. Ito ay isa sa mga proyekto mo bilang mag-aaral ng ekonomiks. Halimbawa: face shield mula sa plastic o lalagyan ng tubig Pamantayan sa pagbibigay ng marka: Pamantayan Napakahusay Mahusay Hindi masyadong mahusay Kagamitan Lahat ng ginamit ay recycled talaga (15 pts) May ginamit na hindi recycled (12 pts) Ang ginamit ay hindi recycled (9 pts) Kalidad Matibay at talagang mapakikinabangan ang ginawa (10 pts) Matibay at may pakinabang ang ginawa (8 pts) Hindi masyadong matibay ang ginawa (6 pts) Disenyo Napakaganda at napakaangkop ang disenyo (5 pts) Maganda at angkop ang disenyo (4 pts) Hindi masyadong maganda ang disenyo (3 pts) Kabuuan 30 Tayahin Ngayon ay iyong sasagutin ang mga sumusunod na katanungan bilang pagtataya sa iyong natutunan. Basahin at intindihing mabuti ang mga katanungan bago sagutin. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang. ________1. Malaki ang epekto ng mga salik ng produksyon sa dami at kalidad ng produkto. Ano ang maaaring mangyari sa produksyon kapag ang lupa na pinagmumulan ng hilaw na sangkap ay kumunti dahil sa industriyalisasyon o pinatayuan ng gusali at pabrika? a. Bibilis ang produksyon dahil dumami ang mga pabrika at paggawaan b. Mababawasan ang produksyon dahil kumunti ang mga hilaw na sangkap c. Madadagdagan ang produksyon dahil ang mga negosyante ay aangkat ng hilaw na sangkap sa ibang lugar d. Walang pagbabago sa dami ng produksyon dahil walang pagbabago sa mga salik ________2. Kung bago ang mga teknolohiya at makinarya sa paggawa, ano ang maaaring epekto nito sa produksyon?
  • 17. 15 a. Bababa ang produksyon lalo na kapag ang mga manggagawa at hilaw na sangkap ay hindi nagbago b. Mabilis ang produksyon at maraming magagawa lalo na kapag may nakahandang hilaw na sangkap na ipoproseso c. Walang pagbabago sa produksyon lalo na kapag madalas ang brownout kaya ang teknolohiya ay hindi rin nagagamit d. Bababa ang sahod ng mga manggagawa dahil mababawasan ang nagagawa nilang produkto ________3. Kadalasan, ang kapital bilang salik ng produksyon ay iniuugnay sa pera o salapi. Paano kumikita ang tao gamit ang kanilang pera? a. Ito ay pinapaupahan at nagkakaloob ng upa bilang kita ng tao b. Ito ay pinauutang at nagkakaloob ng interes bilang kita ng tao c. Ito ay kagalingan ng tao sa pagnenegosyo kaya malaki ang tubo niya sa negosyo d. Ito ang paggamit ng talento at lakas na nagkakaloob ng sahod o sweldo bilang kita ng tao. _________4. Sa proseso ng produksyon, lahat ng mga salik ay binabayaran. Alin sa mga sumusunod ang tamang pares ng salik at kabayaran nito? a. Lupa: interes c. Entreprenuership : upa b. Kapital : sahod d. Paggawa : sahod o sweldo _______5. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapahayag ng kahalagahan ng produksyon sa pang-araw-araw na pamumuhay? a. Ang produksyon ang pinagmumulan ng mga produktong kinukonsumo ng tao b. Ang produksyon ay lumilikha ng trabaho at kita c. Ang produksyon ay tumutugon sa pangangailangan at kagustuhan ng tao d. Ang produksyon ang umuubos sa mga likas na yaman ng bansa _______6. Ang produksyon ay tumutukoy sa paglikha ng mga bagay o serbisyo upang matugunan ang pangangailangan ng tao. Paano mo maaaring isagawa ang produksyon ngayong panahon ng pandemya? a. Umutang sa bangko at magsimula ng online business b. Maging aktibo sa barangay at sumali sa contact tracing c. Magrecycle ng mga hindi nagagamit na tela at gawing face mask d. Magluto nang marami at ipakain sa mga mahihirap _______7. Ano ang implikasyon o maaaring epekto sa ekonomiya ng pagkakaroon ng maraming lakas-paggawa subalit kulang ang pagawaan? a. Magkakaroon ng mataas na kita ang mga manggagawa b. Marami ang walang trabaho dahil sa kakulangan ng mapapasukan c. Magkakaroon ng sigalot sa pagawaan dahil sa dami ng manggagawa d. Magiging mahal ang sahod ng mga manggagawa dahil sa dami nila _______8. Ano ang implikasyon o maaaring resulta sa ating ekonomiya kung sagana tayo sa lupa, paggawa, kapital at entreprenyurship?
  • 18. 16 a. Sisigla ang kompetisyon at lalaganap ang malawak na agwat ng mahirap at mayaman b. Uunlad ang ekonomiya dahil sa mataas at masiglang produksyon c. Dadami ang pangangailangan at kagustuhan ng tao d. Mababawasan ang mga paninda o suplay sa pamilihan _______9. Ano ang mahihinuha mong epekto ng “industriyalisasyon” sa suplay ng mga hilaw na sangkap para sa produksyon? a. Lalong dadami ang suplay ng hilaw na sangkap dahil sa makabagong kagamitan sa pagtatanim b. Liliit ang mapagkukunan ng hilaw na sangkap dahil sa mga proyektong pang-industriyalisasyon ng bansa c. Kailangan nating mag-angkat ng hilaw na sangkap para sa produksyon d. Mabilis na maubos ang hilaw sa dami ng industriya ________10. Dahil sa kasalukuyang suliranin ng COVID-19, ang produksyon ng pagkain at iba pang produkto ay apektado. Maraming pagawaan o industriya ang pinasara at ang mga mangagawa ay nawalan ng trabaho dahil sa quarantine at lockdown. Paano naman ito nakakaapekto sa mga magsasaka sa Cordillera? a. Malakas ang benta ng mga magsasaka ng kanilang gulay sa trading post b. Maraming magsasaka ang nag-online selling ng kanilang gulay c. Maraming nasasayang at libreng gulay dahil walang trader at mapagbentahan d. Maraming magsasaka ang nagbebenta ng cactus sa halip na gulay ________11. Ang mga hilaw na sangkap ay dumadaan sa proseso upang maging yaring produkto. Ang tawag sa prosesong ito ay produksyon. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa hilaw na sangkap sa paggawa ng upuan? a. pako b. tabla c. uling d. varnish ________12. Ang mga bagay na kailangan sa paggawa ng produkto ay tinatawag na salik ng produksyon. Kabilang dito ang lupa, paggawa, kapital at entreprenuerhip. Alin sa mga sumusunod ang tamang paglalarawan sa lupa bilang salik ng produksyon? a. Saklaw nito lahat ng mga yamang galing sa lupa, tubig o mineral b. Lahat ng mga gawa ng tao na ginagamit sa produksyon gaya ng pera, makinarya, teknolohiya, maging ang mga gusali. c. Lahat ng kakayahan ng tao sa pagtatrabaho gaya ng lakas-bisig at lakas-isip d. Saklaw nito ang kagalingan ng isang tao na magsimula at mamamahala ng negosyo o produksyon ________13. Alin sa mga sumusunod ang tamang paglalarawan sa paggawa bilang salik ng produksyon? a. Lahat ng mga gawa ng tao na ginagamit sa produksyon gaya ng pera, makinarya, teknolohiya, maging ang mga gusali.
  • 19. 17 b. Lahat ng kakayahan ng tao sa pagtatrabaho gaya ng lakas-bisig at lakas-isip c. Saklaw nito ang kagalingan ng isang tao na magsimula at mamamahala ng negosyo o produksyon d. Saklaw nito lahat ng mga yamang galing sa lupa, tubig o mineral ________14. Alin sa mga sumusunod ang tamang paglalarawan sa entreprenuership bilang salik ng produksyon? a. Lahat ng mga gawa ng tao na ginagamit sa produksyon gaya ng pera, makinarya, teknolohiya, maging ang mga gusali. b. Lahat ng kakayahan ng tao sa pagtatrabaho gaya ng lakas-bisig at lakas-isip c. Saklaw nito ang kagalingan ng isang tao na magsimula at mamamahala ng negosyo o produksyon d. Saklaw nito lahat ng mga yamang galing sa lupa, tubig o mineral ________15. Alin sa mga sumusunod ang tamang paglalarawan sa kapital bilang salik ng produksyon? a. Lahat ng mga gawa ng tao na ginagamit sa produksyon gaya ng pera, makinarya, teknolohiya, maging ang mga gusali. b. Lahat ng kakayahan ng tao sa pagtatrabaho gaya ng lakas-bisig at lakas-isip c. Saklaw nito ang kagalingan ng isang tao na magsimula at mamamahala ng negosyo o produksyon d. Saklaw nito lahat ng mga yamang galing sa lupa, tubig o mineral Karagdagang Gawain Ngayon naman ay magsulat ka ng tatlong aral na iyong natutunan na kaya mo ring isagawa mula sa topikong produksyon. Isulat mo ito sa mga kahon. 1) 2) 3) Aral na natutunan ko at kaya kong isagawa
  • 20. 18 Susi sa pagwawasto Subukin 1. d 2.d 3. b 4. c 5. a 6. b 7. b 8. b 9. b 10. d 11. c 12.b 13. b 14. b 15. b Tuklasin Suriin Mga pamprosesong tanong: 1. Kinakailangan?- strawberry, lemon juice, asukal 2. Paano nagkakaroon ng magandang resulta?- maayos na paghahalo at pagsunod nang tama sa proseso 3. Bakit maraming gumagawa ng bagong resipe?- para may makain at maibenta 4. Bakit mahalagang maging kaaya-aya? para mahikayat ang tao na bumili nito *Gawain- Pagkopya ng resipe ng isang pagkain. Bigyan ito ng komento ng guro Pagyamanin Gawain 1: Salik, ilarawan ko • Ang guhit ay pupuntusan ng guro ayon sa nilalaman o kaangkupan ng salik at output na inilalarawan. Basahin din ang proseso na isinulat. Maaaring 15 puntos lahat Pagtataya 1. Alternatibong pagtugon 1. 2.✓ 3. ✓ 4. ✓ 5.  Gawain 2. Input-Process-Output 1. isda, dahon ng malunggay, bulaklak ng kalabasa, okra, string beans, ampalaya, bagoong, luya, kamatis, sibuyas, tubig 2. turon 3. lamesa/upuan/aparador… 4. tela, sinulid, sewing machine 5. balat/plastic/goma, shoe glue o rugby, padding, sinulid, karayom Pagtataya 2. Input at Output Input- nasalungguhitan Output-nabilugan 1. wrapper-------------------wallet 2. magazine-----------------flower vase 3. gusali----------------------pagawaan 4. mag-aaral----------------- propesyonal 5. pautang/pera-------------interes Gawain 3- Salik Nagbago, Produksyon Apektado 1. Kukulangin ang suplay ng mga tanim-bababa ang produksyon 2. Dadami ang mga lakas-bisig o skilled workers- tataas ang produksyon 3. Mababawasan ang bilang ng namumuhunan o nangungutang-bababa ang produskyon 4. Lalakas ang produksyon/negosyo Pagtataya 3-Mabuti o Masama 1. Mabuti 2. Masama 3. Mabuti 4. Mabuti 5. Masama Isaisip 1. produksyon 2. entrepreneurship 3. input 4. salik 5. ekonomiya Isagawa • Ang output ng mag-aaral ay bibigyan ng puntos ayon sa mga naibigay na pamantayan. Tayahin 1. b 2. b 3.a 4. d 5. d 6. c 7. b 8. b 9. b 10. c 11. d 12. a 13. b 14.c 15.a Karagdagang gawain • Iwasto ayon sa nilalaman, praktikalidad at kaangkupan sa topiko
  • 21. 19 Talasanggunian Imperial, Consuelo M., Eleanor D. Antonio, Ma. Carmelita B. Samson, Evangeline M. Dallo. Pana-panahon (Worktext para sa Araling Panlipunan sa Ikaapat na Taon). Sampaloc, Maynila: Rex Book Store., 1999. Nera-Lauron, Maria Theresa. Ekonomiks. Old Sta. Mesa, Manila: IBON Foundation, Inc., 1999. Philippines. Department of Education. Ekonomiks-Araling Panlipunan (Modyul para sa Mag-aaral). Pasig City:Vibal Group, Inc., 2015. Santiago, Aurora L., Lilia C. Fenequito, Socorro T. Valenzuela. Ekonomiks (Para sa Mataas na Paaralan). Valenzuela City: Jo-es Publishing & Printing House, Inc., 1997. Viloria, Evelina M., Nilda B. Cruz, Remedios E. Quiray, Alice L. Lim. Ekonomiks (Batayang Aklat para sa Ikaapat na Taon). Quezon City, Metro Manila:SD Publications, Inc., 1999. https://www.freepik.com/free-vector/wood-industry-raw-material- production-samples-flat-set-with-tree-trunk-logs-planks- door_6804310.htm#page=1&query=raw%20material&position=0 https://www.freepik.com/free-vector/lunch- time_798194.htm#page=1&query=chair&position=4 https://www.freepik.com/free-photo/landscape-cultivated- ground_979046.htm#page=1&query=land&position=3 https://www.freepik.com/free-vector/flat-engineering-team- background_4501374.htm#page=1&query=laborers&position=3 https://www.freepik.com/free-vector/industrial-equipment-machines- cartoon-set-isolated-white- background_4393742.htm#page=1&query=machines&position=1 https://www.freepik.com/free-vector/businesspeople-isometric-icons-set-with- male-female-persons-money-business-symbols- isolated_7378805.htm#query=entrepreneurship&position=3 https://www.accountingtools.com/articles/what-is-the-difference-between-salary-and- wages.html#:~:text=The%20essential%20difference%20between%20a,is%20paid%20by%20t he%20hour.&text=Someone%20who%20is%20paid%20wages,the%20number%20of%20hou rs%20worked.