SlideShare a Scribd company logo
1 of 7
RepublicofthePhilippines
DepartmentofEducation
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF CABANATUAN CITY
SAN JOSEF NATIONAL HIGH SCHOOL
San Josef Sur, Cabanatuan City
Pre Test
Araling Panlipunan 10
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot
sa sagutang papel.
1. Ang salitang ito ay ginagamit sa iba’t ibang konteksto. Isang halimbawa nito ay ang paggamit
ng kontemporaryong daigdig na naglalarawan sa panahon mula ika-20 dantaon hanggang sa
kasalukuyan.
a. kontemporaryo b. isyu c. balita d. panahon
2. Mga pangyayari o ilang suliraning bumabagabag o gumagambala at nagpapabago sa
kalagayan ng ating pamayanan, bansa, o mundo sa kasalukuyang panahon. Ang mga isyung
ito ay maaaring may kaugnayan sa mga temang tulad ng lipunan, karapatang pantao, relihiyon,
ekonomiya, at marami pang iba.
a. kontemporaryong panahon b. kontemporaryong isyu c. kontemporaryo d. isyu
3. Napakahalaga ng pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu. Nililinang nito ang ating mga
pansariling kakayahan at kasanayan sa pag-aaral at pag-iisip.Alin sa mga sumusunod na
kahalagahan ng pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu ang may kinalaman sa ating pagiging
mabuting mamamayan?
a. Napag-iisipan natin kung ano ang mga nangyayari sa lipunan at sa daigdig
b. Pinayayabong ang ating kaalaman bilang mag-aaral
c. Hinuhubog nito ang ating pagkatao bilang isang responsableng mamamayan
d. Nagkakaroon ng pagmamalasakit at pagmamahal sa bansa at mas nagiging isang
mapagmatyag, matalino, at produktibong mamamayan
4. Ang pagtataguyod ng pagkakaisa, pag-unlad, at pagkakaroon ng kapayapaan sa ating bansa
at sa buong daigdig ay nalilinang sa pamamagitan ng pag-aaral sa mga kontemporaryong isyu.
Paano natin ito maisasakatuparan?
a. Pang-unawa at paggalang sa mga batas at mga alituntunin
b. Masidhing damdaming makabayan, makakalikasan, at makasandaigdigan
c. Aktibong pagganap sa mga gawain
d. Pag-unawa sa iba’t ibang isyu sa lipunan
5. Tumutukoy ang solid waste sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at komersyal na
establisimyento, mga basura na nakikita sa paligid, mga basura na nagmumula sa sektor ng
agrikultura at iba pang basurang hindi nakakalason. Sang ayon sa pag-aaral ng National Solid
Waste Management ng 2016, saan nagmumula ang malaking porsyento ng basura sa
Pilipinas?
a.. Batangas b. Cavite c. Metro Manila d. Mindanao
6. Batay sa pag-aaral ng National Solid Waste Management Report ng 2015, anong uri ng
basura ang may pinakamalaking porsyento ang itinatapon sa bansa?
a. Biodegradables b. Recyclables c. Residual d. Special
7. Isa pang lumalaking suliranin ng Pilipinas ay ang tamang pagtatapon ng electronic waste o
e-waste. Alin sa mga sumusunod na solid waste ang kabilang sa electronic waste?
a. laptop, computer at cellular phone b. laptop, computer at mga basag na bubog
c. computer at mga sirang yero d. lata, plastic at mga papel
8. Samantala, ang mga dumpsite sa Pilipinas, partikular sa Metro Manila, ay nagdudulot din ng
panganib sa mga naninirahan dito. Anong panganib ang idinudulot ng mga katas ng basura o
leachate sa tao mula sa Rodriguez at Payatas dumpsite na dumadaloy patungo sa ilog ng
Marikina at Ilog Pasig hanggang sa Manila Bay.
a. Nagtataglay ng lead at arsenic na mapanganib sa kalusugan ng tao.
b. Panganib din ang dulot ng pamumulot ng basura sa kalusugan at buhay ng halos 4,300 na
waste pickers sa mga dumpsite sa Metro Manila at sa maraming iba pa na pakalat-kalat at
nagkakalkal sa mga tambak ng basura.
c. Apektado din ang pag-aaral ng mga kabataang waste pickers bukod pa sa posibilidad na sila
ay magkasakit, maimpluwensiyahan na gumawa ng ilegal na gawain, o kaya ay mamatay.
d. Nadaragdagan din ang trabaho ng mga waste collector dahil kailangan nilang magsagawa ng
waste segregation bago dalhin ang mga nakolektang basura sa dumpsite.
9. .Ayon sa Food and Agricultural Organization ng United Nations, ano ang tawag sa matagalan
o permanenteng pagkasira ng kagubatan dulot ng iba’t ibang gawain ng tao o natural na
kalamidad?
a. Deforestation b. Fuel Wood Harvesting c. Illegal Logging d. Migration
10. Alin sa mga sumusunod ang epekto ng climate change ang may kaugnayan sa kalusugan
ng mga mamamayan sa Pilipinas?
a. Pagliit ng produksiyon sa sektor ng agrikultura
b. Pagtaas ng bilang ng mga nagiging biktima ng sakit dahil sa pabago-bagong panahon.
c. Paglikas ng mga mamamayan dahil sa pagkasira ng tahanan dulot ng malalakas na bagyo
d. Pagkawala ng tahanan dulot ng pagkain ng mga karagatan sa dating lupa na kinatatayuan ng
kanilang tahanan.
11. ,Ano ang masamang epekto ng kawalang disiplina ng tao sa pagtatapon ng basura?
I. Nagdudulot ng sakit sa mga tao
II. Nakadaragdag ng polusyon sa hangin
III. Nadaragdagan ang trabaho ng mga waste collector
IV. Nadaragdagan ang kita ng mga tao
a. I b. I at II c. II at III d. I,II, at III
12. Batay sa pag-aaral ng Asian Development Bank noong 2004, paano nakakaapekto ang mga
dumpsite na matatagpuan sa Metro Manila?
I. Ang mga basura ay nagtataglay ng lead at arsenic na mapanganib sa kalusugan ng tao.
II. Ang mga kabataan ay naiimpluwensiyahang gumawa ng illegal na gawain o mamatay.
III. Ito ay nakakaapekto sa pag-aaral ng mga kabataang waste picker
IV. Nagsisilbing tirahan ng mga taong walang matirahan
A. I B. I at II C. II at III D. I,II,at III
13. Taun-taon, maraming kalamidad ang nararanasan sa ating bansa. Ito ay nagaganap sa iba’t
ibang bahagi ng ating bansa. Maaari itong maganap kapag may malakas o tuloy-tuloy na pag-
ulan sa matataas na lugar, pagputok ng bulkan, o paglindol. Maaari ring magkaroon nito dahil
sa pagmimina o quarrying.
a. flashflood b. landslide c. bagyo d. pagbaha
14. Ito ay sinasabing isang kakaibang panahon bunga ng pag-init ng katubigan ng Karagatang
Pasipiko. Ang mga bansang apektado nito ay nakararanas ng tagtuyot na nagiging sanhi ng
mga problemang pangkabuhayan.
a. tsunami b. bagyo c. El Niño d. La Niña
15. Madalas maranasan ang kalamidad na ito sa mababang lugar sa ating bansa. Maaaring
matinding pagbuhos ng ulan o matagal na pag-ulan. Maaaring dulot din ito ng pag-apaw ng
mga ilog, estero, at mga kanal.
a. pagbaha b. flashflood c. bagyo d. Landslide
16. Ang kalamidad na ito ay bunga ng pagyanig ng lupa na nagiging dahilan ng pagkasira ng
mga gusali at mga kabahayan.
a. pagputok ng bulkan b. tsunami c. lindol d. Landslide
17. Ano ang karaniwang dahilan kung bakit may nasasaktan at nawawalan ng buhay sa tuwing
nagkakaroon ng kalamidad?
a. Paninirahan sa matataas na lugar at sa mga paanan ng bundok
b. Paninirahan sa estero, baybay ng dagat at ilog
c. Patuloy ng pagpuputol ng mga puno sa mga kagubatan
d. Pagtangging lumikas ng mga tao mula sa mga mapanganib na lugar
18. Pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang bansa na naniningil ng mas
mababang bayad.
a. Nearshoring c. Onshoring
b. Offshoring d. Inshoring
19. Tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo mula sa kompanya sa kalapit na bansa.
a. Nearshoring c. Onshoring
b. Offshoring d. Inshoring
20.Pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na naglalayong hikayatin ang mga lokal
na namumuhunan at bigyang- proteksiyon ang mga ito upang makasabay sa kompetisyon
laban sa malalaking dayuhang negosyante
a. Guarded Globalization c. Onshoring
b. Offshoring d. Inshoring
21. Ang mga sumusunod ay naidulot ng globalisasyon sa paggawa MALIBAN sa isa
a. ang demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa na globally
standard
b.nabigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa pandaigidigan pamilihan
c. binago ng globalisasyon ang workplace at mga salik ng produksiyon
d. mahal ang labor o pasahod sa mga manggagawa
22. Isa sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang pagbabago sa workplace ng mga
manggagawa, binago rin nito ang sistema ng pagpili sa mga manggawa. Alin sa sumusunod
na pahayag ang nagpapatunay ng pagbabagong ito?
a.Humigpit ang pagproseso sa pagpasok ng mga dayuhang kompanya, produkto at
serbisyo sa bansa kaya’t kinailangan ng mga world class workers.
b.Tumaas ang kalidad ng mga lokal na produkto sa pandaigdaigang pamilihan kaya’t
kinailangang mag-angkat ng mga eksperto sa ibang bansa para sanayin ang mga lokal na
manggagawa.
c. Humirap ang kalagayan ng mga dayuhang kompanya sa pagpasok sa bansa kaya’t
kinailangang pababain ang sweldo ng mga lokal na manggagawa.
d.Naging malaya ang pagpasok ng mga dayuhang kompanya sa bansa dahil sa
mababang pagpapasweldo at pagngonguntrata lamang sa mga lokal na manggagawa.
23. Mahalaga sa isa manggagawa ang seguridad sa paggawa sa kaniyang pinapasukang
kompanya o trabaho subalit patuloy ang paglaganap ng iskemang subcontracting sa
paggawa sa bansa. Ano ang iskemang subcontracting?
a.Sistema ng pagkuha ng isang kompanya sa isang ahensiya o indibidwal na subcontractor
upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.
b.Iskema ng pagkuha ng isang ahensiya o indibiwal nasubcontractor ng isang kompanya
para sa pagsagawa ng isang trabaho o serbisyo.
c.Pag-eempleyo sa isang manggagawa upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa loob ng 6
na buwan.
d. Pagkuha sa isang ahensiya o indibidwal nasubcontractor sa isang manggagawa sa loob ng
mas mahabang panahon.
24. Tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho, malaya at pantay na oportunidad sa
paggawa, at maayos na workplace para sa mga manggawa.Sa anong haligi ng paggawa ito
nabibilang
a.Employment Pillar c. Workers Right Pillar
b. Social Protection Pillar d. Social Dialogue Pillar
25. Ang mga sumusunod ay isyung kinakaharap ng bansa sa paggawa maliban sa isa
a. unemployment at underemployment c. Ofw
b. kakulangan sa pagbibigay ng ayuda d. Guarded Globalization
26. Dalawang konsepto na madalas mapagpalit ay ang seksuwalidad at kasarian. Bagaman
magkaugnay ang dalawang konseptong ito, natatangi ang kahulugan ng bawat isa. Ito ay
tumutukoy sa natural o biyolohikal na katangian bilang lalaki o babae.
a. seksuwalidad b. kasarian c. sexual orientation d. gender identity
27. Samantala ito naman ay tumutukoy sa isang aspektong kultural na natutuhan natin. Ang
mga ideya natin ay natutuhan natin mula sa lipunang ating kinabibilangan at ginagalawan.
Napananatili at naipapasa ang mga ideya at paniniwalang ito sa pamamagitan ng
pakikipagtalastasan at pag-aaral. Sa madaling salita tinutukoy nito ang pambabae at panlalaki.
a. seksuwalidad b. kasarian c. sexual orientation d. gender identity
28. Paano nagkakaiba ang kasarian at seksuwalidad?
a. Hindi nagkakaiba ang kahulugan ng dalawang ito.
b. Ang kasarian ay epekto ng kultura samantalang ang seksuwalidad ay biyolohikal.
c. Ang kasarian ay biyolohikal samantalang ang seksuwalidad ay kultural.
d. Ang kasarian ay seksuwalidad at madaling mapalitan ng sinuman.
29. Tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong
apeksyonal, emosyonal, sekswal; at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay
maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa.
a. seksuwalidad b. kasarian c. sexual orientation d. gender identity
30. Mga taong nagkakaroon ng seksuwal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na
kasarian, mga lalaking mas gustong lalaki ang makakatalik at mga babaeng mas gusto ang
babae bilang sekswal na kapareha.
a. heterosexual b. homosexual c. asexual d. bisexual
31. Sila naman ang mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian.
a. heterosexual b. homosexual c. asexual d. bisexual
32. Mga taong walang nararamdamang atraksiyong seksuwal sa anumang kasarian .
a. heterosexual b. homosexual c. asexual d. bisexual
33. Dahil sa diskriminasyon marami sa mga homosekswal ang nakararanas ng depresyon,
pagiging mapag-isa, hindi pagpasok sa paaralan, at pagpapatiwakal. Ang mga sumusunod ay
mga uri ng diskriminasyon na nararanasan ng mga LGBT maliban sa isa.
a. Hindi pagtanggap sa kanila sa trabaho
b. Mga pang-iinsulto at pangungutya
c. Hindi pagpapatuloy sa establisyemento
d. Panghihipo at paghawak sa bahagi ng katawan nito
34. Maaaring mangyari ang uri ng diskriminasyong ito kung ang indibidwal o organisasyon ay
hindi binibigyan ng kaukulang karapatan ang isang taong kabilang sa LGBT mula sa pabahay,
hanapbuhay o serbisyo, binabawasan ang mga benepisyo nito, at pagtrato nang hindi tama
nang walang isang lehitimong dahilan.
a. tuwirang diskriminasyon b. di-tuwirang diskriminasyon
c. diskriminasyon sa pagkakakilanlan d. relasyon sa iba
35. Nakararanas din ng diskriminasyon ang mga babae sa paghahanapbuhay. Ang mga
sumusunod ay mga uri ng diskriminasyon sa paghahanapbuhay para sa kababaihan maliban sa
isa.
a. Nakatatanggap ang mga kababaihan ng mababang sahod at temporaryong trabaho.
b. Itinatalaga rin sila sa mababang posisyon.
c. Ang kababaihan ay agrabiyado, dahil dito nakatali sa pinansyal na suporta ng kanilang asawa
at anak ang mga babae.
d. Itinuturing na magkaiba ang kakayahan ng kababaihan at kalalakihan sa pagtugon sa pang-
ekonomiyang pangangailangan.
36. Nagdala ng ideya ng kalayaan, karapatan, at pagkakapantay-pantay sa Pilipinas ang
pagdating ng mga mananakop na ito. At nagsimula ang pampublikong paaralan na bukas para
sa kababaihan at kalalakihan, mahirap o mayaman, maraming kababaihan ang nakapag-aral.
a. Panahon bago ang mga mananakop b. Panahon ng mga Espanyol
c. Panahon ng mga Amerikano d. Panahon ng Hapon
37. Ito ay isang tradisyong Hindu kung saan sinusunog ang asawang balo kasabay ng kanyang
namatay na asawa sa paniniwalang magsasama sila ng maluwalhati sa kabilang buhay.
a. funeral pyre b. breast flattening c. foot binding d. purdah
38. Ang tawag sa ganitong klase ng mga paa ay lotus feet o lily feet. Halos isang milenyong
umiral ang tradisyong ito sa Tsina. Ang pagkakaroon ng ganitong klase ng paa sa simula ay
kinikilala bilang simbolo ng yaman, ganda, at pagiging karapat-dapat sa pagpapakasal. Subalit
dahil sa ang mga kababaihang ito ay may bound feet, nalimitahan ang kanilang pagkilos,
pakikilahok sa politika, at ang kanilang pakikisalamuha.
a. funeral pyre b. breast flattening c. foot binding d. purdah
39. Isang lider-ispiritwal na may tungkuling panrelihiyon at maihahalintulad sa mga sinaunang
priestess at shaman.
a. babaylan b. albularyo d. datu d. timawa
40. Maaaring mangyari ang uri ng diskriminasyong ito kung ang indibidwal o organisasyon ay
hindi binibigyan ng kaukulang karapatan ang isang taong kabilang sa LGBT mula sa pabahay,
hanapbuhay o serbisyo, binabawasan ang mga benepisyo nito, at pagtrato nang hindi tama
nang walang isang lehitimong dahilan.
a. tuwirang diskriminasyon b. di-tuwirang diskriminasyon
c. diskriminasyon sa pagkakakilanlan d. relasyon sa iba
41. Nakararanas din ng diskriminasyon ang mga babae sa paghahanapbuhay. Ang mga
sumusunod ay mga uri ng diskriminasyon sa paghahanapbuhay para sa kababaihan maliban sa
isa.
a. Nakatatanggap ang mga kababaihan ng mababang sahod at temporaryong trabaho.
b. Itinatalaga rin sila sa mababang posisyon.
c. Ang kababaihan ay agrabiyado, dahil dito nakatali sa pinansyal na suporta ng kanilang asawa
at anak ang mga babae.
d. Itinuturing na magkaiba ang kakayahan ng kababaihan at kalalakihan sa pagtugon sa pang-
ekonomiyang pangangailangan.
42. Ang mga sumusunod ay mga anyo ng diskriminasyon na nararanasan sa tahanan maliban
sa isa.
a. May pagkakaiba ang mga gawaing nakaatang sa kanila gaya ng paggawa ng desisyon at
paghanap ng mapagkukunan ng pangangailangan sa tahanan.
b. Itinuturing na magkaiba ang kakayahan ng mga kababaihan at kalalakihan sa pang-
ekonomiyang pangangailangan.
c. Karaniwang ang magulang na babae ang naiiwan sa tahanan para mag-asikaso ng mga
anak.
d. Ipinakikita nito ang kababaihan bilang mga sexual object para sa mga kalalakihan.
43. Karapatan ng lahat ang mabuhay. Walang sinuman ang maaaring basta na lamang
pagkaitan ng buhay sa anumang dahilan, kabilang ang may kaugnayan sa oryentasyong
seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Ang parusang kamatayan ay hindi ipapataw sa
sinuman dahil sa consensual sexual activity ng mga taong nasa wastong gulang o batay sa
oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Anong karapatan ang tinutukoy sa
prinsipyong ito?
a. Ang Karapatan sa Buhay b. Ang Karapatan sa Trabaho
c. Ang Karapatan sa Edukasyon d. Ang Karapatang Lumahok sa Buhay-Pampubliko
44. Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon nang walang diskriminasiyong nag-uugat at
sanhi ng oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian.
a. Ang Karapatan sa Buhay b. Ang Karapatan sa Trabaho
c. Ang Karapatan sa Edukasyon d. Ang Karapatang Lumahok sa Buhay-Pampubliko
45. Bawat mamamayan ay may karapatang sumali sa mga usaping publiko, kabilang ang
karapatang mahalal, lumahok sa pagbubuo ng mga patakarang may kinalaman sa kaniyang
kapakanan; at upang mabigyan ng pantay na serbisyo-publiko at trabaho sa mga pampublikong
ahensiya, kabilang ang pagseserbisyo sa pulisya at militar, nang walang diskriminasiyong sanhi
ng oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
a. Ang Karapatan sa Buhay b. Ang Karapatan sa Trabaho
c. Ang Karapatan sa Edukasyon d. Ang Karapatang Lumahok sa Buhay-Pampubliko
46. Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong
tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na larangan kundi
gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya.
a. CEDAW b. GABRIELA c. Ang LADLAD d. VAWC
47. Paano pinapangalagaan ng pamahalaan ang mga karapatan ng mga mamamayan?
a. Ipinapaalam nito sa mga mamamayan ang kanilang mga karapatan
b. Pinaparusahan nito ang sinumang lumabag sa karapatan ng kapwa mamamayan.
c. Dinadagdagan nito ang mga karapatan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng batas
d. Tinatanggalan nito ng mga karapatan ang mga mamamayang lumalabag sa batas ng estado
48. Bakit mahalaga ang Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao?
a. Iniiwasan nito ang diskriminasyon
b. Itinataguyod nito ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao
c. Pinapangalagaan nito ang maliliit na bansa tulad ng Pilipinas
d. Sinisiguro nitong walang magaganap na paglabag sa karapatang pantao
49. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito: “ LGBT rights are human rights “ Ban Ki- Moon,
dating UN Secretary General.
a. Ang mga LGBT ay dapat tratuhing tao
b. Ang mga LGBT ay may karapatang pantao
c. May pantay na karapatan ang lahat ng tao
d. Ang karapatan ng mga LGBT ay kabilang sa karapatang pantao
50. Sinasabi sa iyo ng inyong lola na ang pagiging bakla o tomboy ay kasalanan. Ano ang
sasabihin mo sa iyong lola?
a. Ipagtatanggol ko ang mga bakla at tomboy sa aking lola
b. Sasabihin ko sa lola ko na walang masama sa pagiging bakla at tomboy
c. Hindi na lang ako kikibo
d. Ipaliliwanag ko sa aking lola na kailangan ng mga bakla at tomboy na tanggapin sila sa
lipunan
Inihanda ni:
Janeth M. Angeles
Guro III
Answer Key
Pre Test
1. a
2. b
3. d
4. a
5. c
6. a
7. a
8. a
9. a
10. b
11. d
12. d
13. b
14. c
15. a
16. c
17. d
18. b
19. a
20. a
21. d
22. a
23. a
24. a
25. c
26. a
27. b
28. b
29. c
30. a
31. d
32. c
33. d
34. a
35. d
36. c
37. a
38. c
39. a
40. a
41. d
42. d
43. a
44. c
45. d
46. a
47. b
48. b
49. d
50. b

More Related Content

What's hot

Kahulugan ng Implasyon.pptx
Kahulugan ng Implasyon.pptxKahulugan ng Implasyon.pptx
Kahulugan ng Implasyon.pptxWilDeLosReyes
 
Aralin 18 pagsusuri ng economic performance ng bansa
Aralin 18   pagsusuri ng economic performance ng bansaAralin 18   pagsusuri ng economic performance ng bansa
Aralin 18 pagsusuri ng economic performance ng bansaedz42
 
Makroekonomiks
MakroekonomiksMakroekonomiks
Makroekonomikssicachi
 
Ugnayan ng Kita,Pagkonsumo at Pagiimpok
Ugnayan ng Kita,Pagkonsumo at PagiimpokUgnayan ng Kita,Pagkonsumo at Pagiimpok
Ugnayan ng Kita,Pagkonsumo at PagiimpokMarkvinson Olaer
 
Suliraning pangkapaligiran
Suliraning pangkapaligiranSuliraning pangkapaligiran
Suliraning pangkapaligiranjenncadmumar
 
Ekonomiks Teaching Guide Part 5
Ekonomiks Teaching Guide Part 5Ekonomiks Teaching Guide Part 5
Ekonomiks Teaching Guide Part 5Byahero
 
Ekon DLL quarter 3 week 1 sy 18 19
Ekon DLL quarter 3 week 1 sy 18 19Ekon DLL quarter 3 week 1 sy 18 19
Ekon DLL quarter 3 week 1 sy 18 19DIEGO Pomarca
 
Are you smarter than a 9th grader (subukin) patakarang piskal
Are you smarter than a 9th grader (subukin) patakarang piskal  Are you smarter than a 9th grader (subukin) patakarang piskal
Are you smarter than a 9th grader (subukin) patakarang piskal atheena greecia
 
IKATLONG MARKAHAN ARALIN 2 Mga Modelo ng Pambansang Ekonomiya.ppt
IKATLONG MARKAHAN ARALIN 2 Mga Modelo ng Pambansang Ekonomiya.pptIKATLONG MARKAHAN ARALIN 2 Mga Modelo ng Pambansang Ekonomiya.ppt
IKATLONG MARKAHAN ARALIN 2 Mga Modelo ng Pambansang Ekonomiya.pptMaryJoyTolentino8
 
EPP 4 PPT Q3 - Agri Aralin 1 - Pakinabang sa Pagtatanim ng Halamang Ornamenta...
EPP 4 PPT Q3 - Agri Aralin 1 - Pakinabang sa Pagtatanim ng Halamang Ornamenta...EPP 4 PPT Q3 - Agri Aralin 1 - Pakinabang sa Pagtatanim ng Halamang Ornamenta...
EPP 4 PPT Q3 - Agri Aralin 1 - Pakinabang sa Pagtatanim ng Halamang Ornamenta...RanjellAllainBayonaT
 
Banghay aralin sa araling panlipunan 9 (number heads together)
Banghay aralin sa araling panlipunan 9 (number heads together)Banghay aralin sa araling panlipunan 9 (number heads together)
Banghay aralin sa araling panlipunan 9 (number heads together)Crystal Mae Salazar
 
Mga Tao Sa Aking Komunidad
Mga Tao Sa Aking KomunidadMga Tao Sa Aking Komunidad
Mga Tao Sa Aking KomunidadRitchenMadura
 
Kabuuang Pambansang Produkto (Gross National Product)
Kabuuang Pambansang Produkto (Gross National Product)Kabuuang Pambansang Produkto (Gross National Product)
Kabuuang Pambansang Produkto (Gross National Product)benchhood
 

What's hot (20)

Kahulugan ng Implasyon.pptx
Kahulugan ng Implasyon.pptxKahulugan ng Implasyon.pptx
Kahulugan ng Implasyon.pptx
 
Aralin 18 pagsusuri ng economic performance ng bansa
Aralin 18   pagsusuri ng economic performance ng bansaAralin 18   pagsusuri ng economic performance ng bansa
Aralin 18 pagsusuri ng economic performance ng bansa
 
Makroekonomiks
MakroekonomiksMakroekonomiks
Makroekonomiks
 
Aralin 21: Pang-unawa sa Implasyon
Aralin 21: Pang-unawa sa ImplasyonAralin 21: Pang-unawa sa Implasyon
Aralin 21: Pang-unawa sa Implasyon
 
Ugnayan ng Kita,Pagkonsumo at Pagiimpok
Ugnayan ng Kita,Pagkonsumo at PagiimpokUgnayan ng Kita,Pagkonsumo at Pagiimpok
Ugnayan ng Kita,Pagkonsumo at Pagiimpok
 
Suliraning pangkapaligiran
Suliraning pangkapaligiranSuliraning pangkapaligiran
Suliraning pangkapaligiran
 
Esp leaners module 9
Esp leaners module 9Esp leaners module 9
Esp leaners module 9
 
Ekonomiks Teaching Guide Part 5
Ekonomiks Teaching Guide Part 5Ekonomiks Teaching Guide Part 5
Ekonomiks Teaching Guide Part 5
 
Macro economics diagram
Macro economics diagramMacro economics diagram
Macro economics diagram
 
SEKTOR NG AGRIKULTURA.pptx
SEKTOR NG AGRIKULTURA.pptxSEKTOR NG AGRIKULTURA.pptx
SEKTOR NG AGRIKULTURA.pptx
 
G10 lp-12
G10 lp-12G10 lp-12
G10 lp-12
 
Ekon DLL quarter 3 week 1 sy 18 19
Ekon DLL quarter 3 week 1 sy 18 19Ekon DLL quarter 3 week 1 sy 18 19
Ekon DLL quarter 3 week 1 sy 18 19
 
Are you smarter than a 9th grader (subukin) patakarang piskal
Are you smarter than a 9th grader (subukin) patakarang piskal  Are you smarter than a 9th grader (subukin) patakarang piskal
Are you smarter than a 9th grader (subukin) patakarang piskal
 
IKATLONG MARKAHAN ARALIN 2 Mga Modelo ng Pambansang Ekonomiya.ppt
IKATLONG MARKAHAN ARALIN 2 Mga Modelo ng Pambansang Ekonomiya.pptIKATLONG MARKAHAN ARALIN 2 Mga Modelo ng Pambansang Ekonomiya.ppt
IKATLONG MARKAHAN ARALIN 2 Mga Modelo ng Pambansang Ekonomiya.ppt
 
Module 9 session 3
Module 9 session 3Module 9 session 3
Module 9 session 3
 
EPP 4 PPT Q3 - Agri Aralin 1 - Pakinabang sa Pagtatanim ng Halamang Ornamenta...
EPP 4 PPT Q3 - Agri Aralin 1 - Pakinabang sa Pagtatanim ng Halamang Ornamenta...EPP 4 PPT Q3 - Agri Aralin 1 - Pakinabang sa Pagtatanim ng Halamang Ornamenta...
EPP 4 PPT Q3 - Agri Aralin 1 - Pakinabang sa Pagtatanim ng Halamang Ornamenta...
 
Banghay aralin sa araling panlipunan 9 (number heads together)
Banghay aralin sa araling panlipunan 9 (number heads together)Banghay aralin sa araling panlipunan 9 (number heads together)
Banghay aralin sa araling panlipunan 9 (number heads together)
 
9-AP-ARALIN 4.pptx
9-AP-ARALIN 4.pptx9-AP-ARALIN 4.pptx
9-AP-ARALIN 4.pptx
 
Mga Tao Sa Aking Komunidad
Mga Tao Sa Aking KomunidadMga Tao Sa Aking Komunidad
Mga Tao Sa Aking Komunidad
 
Kabuuang Pambansang Produkto (Gross National Product)
Kabuuang Pambansang Produkto (Gross National Product)Kabuuang Pambansang Produkto (Gross National Product)
Kabuuang Pambansang Produkto (Gross National Product)
 

Similar to Pre-Test-kontemporaryo.docx

DIAGNOSTIC TEST-AP10.pptx
DIAGNOSTIC TEST-AP10.pptxDIAGNOSTIC TEST-AP10.pptx
DIAGNOSTIC TEST-AP10.pptxAngelicaPampag
 
Ap10 modyul2 mga isyung pangekonomiya_aralin1 and 2
Ap10 modyul2 mga isyung pangekonomiya_aralin1 and 2Ap10 modyul2 mga isyung pangekonomiya_aralin1 and 2
Ap10 modyul2 mga isyung pangekonomiya_aralin1 and 2Aileen Enriquez
 
Lesson in History.pptx
Lesson in History.pptxLesson in History.pptx
Lesson in History.pptxAndreiTadeo
 
PT_ARALING PANLIPUNAN 4_Q2.do 1st quartercx
PT_ARALING PANLIPUNAN 4_Q2.do 1st quartercxPT_ARALING PANLIPUNAN 4_Q2.do 1st quartercx
PT_ARALING PANLIPUNAN 4_Q2.do 1st quartercxEDGIESOQUIAS1
 
Kalagayan-at-suliranin-sa-isyu-ng-paggawa-sa.pptx
Kalagayan-at-suliranin-sa-isyu-ng-paggawa-sa.pptxKalagayan-at-suliranin-sa-isyu-ng-paggawa-sa.pptx
Kalagayan-at-suliranin-sa-isyu-ng-paggawa-sa.pptxTeodoroJervoso
 
AP10_Q2_Mod3_Mga-Dahilan-at-Epekto-ng-Migrasyon (1).pdf
AP10_Q2_Mod3_Mga-Dahilan-at-Epekto-ng-Migrasyon (1).pdfAP10_Q2_Mod3_Mga-Dahilan-at-Epekto-ng-Migrasyon (1).pdf
AP10_Q2_Mod3_Mga-Dahilan-at-Epekto-ng-Migrasyon (1).pdfAntonetteRici
 
Unified division test ap iv pre test
Unified division test ap iv pre testUnified division test ap iv pre test
Unified division test ap iv pre testJerome Alvarez
 
Mga hamong pangkapaligiran
Mga hamong pangkapaligiranMga hamong pangkapaligiran
Mga hamong pangkapaligiranJared Ram Juezan
 
AP10 Q2 Mod3 Mga Dahilan At Epekto Ng Migrasyon FINAL Revised
AP10 Q2 Mod3 Mga Dahilan At Epekto Ng Migrasyon FINAL RevisedAP10 Q2 Mod3 Mga Dahilan At Epekto Ng Migrasyon FINAL Revised
AP10 Q2 Mod3 Mga Dahilan At Epekto Ng Migrasyon FINAL RevisedHeather Strinden
 
AP10_Q2_Mod3_Mga-Dahilan-at-Epekto-ng-Migrasyon-FINAL-revised (1).pdf
AP10_Q2_Mod3_Mga-Dahilan-at-Epekto-ng-Migrasyon-FINAL-revised (1).pdfAP10_Q2_Mod3_Mga-Dahilan-at-Epekto-ng-Migrasyon-FINAL-revised (1).pdf
AP10_Q2_Mod3_Mga-Dahilan-at-Epekto-ng-Migrasyon-FINAL-revised (1).pdfCusiLacudiLabra
 
AP-10-Summative.docx
AP-10-Summative.docxAP-10-Summative.docx
AP-10-Summative.docxCRISTANALONZO
 

Similar to Pre-Test-kontemporaryo.docx (20)

Pre-Test.pptx
Pre-Test.pptxPre-Test.pptx
Pre-Test.pptx
 
AP TEST.pdf
AP TEST.pdfAP TEST.pdf
AP TEST.pdf
 
DIAGNOSTIC TEST-AP10.pptx
DIAGNOSTIC TEST-AP10.pptxDIAGNOSTIC TEST-AP10.pptx
DIAGNOSTIC TEST-AP10.pptx
 
Sibika 6
Sibika 6Sibika 6
Sibika 6
 
Ap10 modyul2 mga isyung pangekonomiya_aralin1 and 2
Ap10 modyul2 mga isyung pangekonomiya_aralin1 and 2Ap10 modyul2 mga isyung pangekonomiya_aralin1 and 2
Ap10 modyul2 mga isyung pangekonomiya_aralin1 and 2
 
Lesson in History.pptx
Lesson in History.pptxLesson in History.pptx
Lesson in History.pptx
 
AP 10 IST PERIODICAL 2022.pdf
AP 10 IST PERIODICAL 2022.pdfAP 10 IST PERIODICAL 2022.pdf
AP 10 IST PERIODICAL 2022.pdf
 
RAM-AP4.pdf
RAM-AP4.pdfRAM-AP4.pdf
RAM-AP4.pdf
 
RAM-AP4.pdf
RAM-AP4.pdfRAM-AP4.pdf
RAM-AP4.pdf
 
PT_ARALING PANLIPUNAN 4_Q2.do 1st quartercx
PT_ARALING PANLIPUNAN 4_Q2.do 1st quartercxPT_ARALING PANLIPUNAN 4_Q2.do 1st quartercx
PT_ARALING PANLIPUNAN 4_Q2.do 1st quartercx
 
Kalagayan-at-suliranin-sa-isyu-ng-paggawa-sa.pptx
Kalagayan-at-suliranin-sa-isyu-ng-paggawa-sa.pptxKalagayan-at-suliranin-sa-isyu-ng-paggawa-sa.pptx
Kalagayan-at-suliranin-sa-isyu-ng-paggawa-sa.pptx
 
AP10_Q2_Mod3_Mga-Dahilan-at-Epekto-ng-Migrasyon (1).pdf
AP10_Q2_Mod3_Mga-Dahilan-at-Epekto-ng-Migrasyon (1).pdfAP10_Q2_Mod3_Mga-Dahilan-at-Epekto-ng-Migrasyon (1).pdf
AP10_Q2_Mod3_Mga-Dahilan-at-Epekto-ng-Migrasyon (1).pdf
 
Activity no. 4.pptx
Activity no. 4.pptxActivity no. 4.pptx
Activity no. 4.pptx
 
DIAGNOSTIC TEST FOR Ap 4
DIAGNOSTIC TEST FOR Ap 4 DIAGNOSTIC TEST FOR Ap 4
DIAGNOSTIC TEST FOR Ap 4
 
Unified division test ap iv pre test
Unified division test ap iv pre testUnified division test ap iv pre test
Unified division test ap iv pre test
 
Mga hamong pangkapaligiran
Mga hamong pangkapaligiranMga hamong pangkapaligiran
Mga hamong pangkapaligiran
 
AP10 Q2 Mod3 Mga Dahilan At Epekto Ng Migrasyon FINAL Revised
AP10 Q2 Mod3 Mga Dahilan At Epekto Ng Migrasyon FINAL RevisedAP10 Q2 Mod3 Mga Dahilan At Epekto Ng Migrasyon FINAL Revised
AP10 Q2 Mod3 Mga Dahilan At Epekto Ng Migrasyon FINAL Revised
 
AP10_Q2_Mod3_Mga-Dahilan-at-Epekto-ng-Migrasyon-FINAL-revised (1).pdf
AP10_Q2_Mod3_Mga-Dahilan-at-Epekto-ng-Migrasyon-FINAL-revised (1).pdfAP10_Q2_Mod3_Mga-Dahilan-at-Epekto-ng-Migrasyon-FINAL-revised (1).pdf
AP10_Q2_Mod3_Mga-Dahilan-at-Epekto-ng-Migrasyon-FINAL-revised (1).pdf
 
AP-10-Summative.docx
AP-10-Summative.docxAP-10-Summative.docx
AP-10-Summative.docx
 
Bap iv 1st grading
Bap iv  1st gradingBap iv  1st grading
Bap iv 1st grading
 

More from JanCarlBriones2

Discuss the concept of an isometric drawing.pptx
Discuss the concept of an isometric drawing.pptxDiscuss the concept of an isometric drawing.pptx
Discuss the concept of an isometric drawing.pptxJanCarlBriones2
 
JAN CARL BRIONES-Writing Programs Using Loops.pptx
JAN CARL BRIONES-Writing Programs Using Loops.pptxJAN CARL BRIONES-Writing Programs Using Loops.pptx
JAN CARL BRIONES-Writing Programs Using Loops.pptxJanCarlBriones2
 
01-11-23 Relieving Activity.pptx
01-11-23 Relieving Activity.pptx01-11-23 Relieving Activity.pptx
01-11-23 Relieving Activity.pptxJanCarlBriones2
 
December 1 Relieving Activity .pptx
December 1 Relieving Activity .pptxDecember 1 Relieving Activity .pptx
December 1 Relieving Activity .pptxJanCarlBriones2
 
Dahilan, Dimensyon at Epekto Ng Globalisasyon.pptx
Dahilan, Dimensyon at Epekto Ng Globalisasyon.pptxDahilan, Dimensyon at Epekto Ng Globalisasyon.pptx
Dahilan, Dimensyon at Epekto Ng Globalisasyon.pptxJanCarlBriones2
 
Relieving Activities Class A and D.pptx
Relieving Activities Class A and D.pptxRelieving Activities Class A and D.pptx
Relieving Activities Class A and D.pptxJanCarlBriones2
 

More from JanCarlBriones2 (15)

Discuss the concept of an isometric drawing.pptx
Discuss the concept of an isometric drawing.pptxDiscuss the concept of an isometric drawing.pptx
Discuss the concept of an isometric drawing.pptx
 
isyu sa paggawa.pptx
isyu sa paggawa.pptxisyu sa paggawa.pptx
isyu sa paggawa.pptx
 
Week 6.pptx
Week 6.pptxWeek 6.pptx
Week 6.pptx
 
Week 3.pptx
Week 3.pptxWeek 3.pptx
Week 3.pptx
 
AralPan10_Q4L2.docx
AralPan10_Q4L2.docxAralPan10_Q4L2.docx
AralPan10_Q4L2.docx
 
AralPan10_Q4L4.docx
AralPan10_Q4L4.docxAralPan10_Q4L4.docx
AralPan10_Q4L4.docx
 
AralPan10_Q4L3.docx
AralPan10_Q4L3.docxAralPan10_Q4L3.docx
AralPan10_Q4L3.docx
 
AralPan10_Q4L1.docx
AralPan10_Q4L1.docxAralPan10_Q4L1.docx
AralPan10_Q4L1.docx
 
Week 2.docx
Week 2.docxWeek 2.docx
Week 2.docx
 
JAN CARL BRIONES-Writing Programs Using Loops.pptx
JAN CARL BRIONES-Writing Programs Using Loops.pptxJAN CARL BRIONES-Writing Programs Using Loops.pptx
JAN CARL BRIONES-Writing Programs Using Loops.pptx
 
01-11-23 Relieving Activity.pptx
01-11-23 Relieving Activity.pptx01-11-23 Relieving Activity.pptx
01-11-23 Relieving Activity.pptx
 
December 1 Relieving Activity .pptx
December 1 Relieving Activity .pptxDecember 1 Relieving Activity .pptx
December 1 Relieving Activity .pptx
 
Dahilan, Dimensyon at Epekto Ng Globalisasyon.pptx
Dahilan, Dimensyon at Epekto Ng Globalisasyon.pptxDahilan, Dimensyon at Epekto Ng Globalisasyon.pptx
Dahilan, Dimensyon at Epekto Ng Globalisasyon.pptx
 
Grade 10 EsP LAS.docx
Grade 10 EsP LAS.docxGrade 10 EsP LAS.docx
Grade 10 EsP LAS.docx
 
Relieving Activities Class A and D.pptx
Relieving Activities Class A and D.pptxRelieving Activities Class A and D.pptx
Relieving Activities Class A and D.pptx
 

Recently uploaded

AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5TeacherTinCabanayan
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxevafecampanado1
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanRonalynGatelaCajudo
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxMarwinElleLimbaga
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxMimmeMCompra
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedRICXIE1
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values edFatimaCayusa2
 
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptxKontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptxRoselynGabatHernande
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGronaldfrancisviray2
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxgracedagan4
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...AlliyahMonsanto
 
PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...
PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...
PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...CristinaLoyola5
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsJeielCollamarGoze
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxArielTupaz
 
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong AdarnaAralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong AdarnaHelenMaeParacale
 
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxBook Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxdhanjurrannsibayan2
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADlykamaevargas77
 
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation TaxAraling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Taxdavidsonfadera
 
Summary Quiz for Ponema with answer keys.pptx
Summary Quiz for Ponema with answer keys.pptxSummary Quiz for Ponema with answer keys.pptx
Summary Quiz for Ponema with answer keys.pptxShynaNorraineDestura
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....jeynsilbonza
 

Recently uploaded (20)

AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptxKontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
 
PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...
PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...
PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
 
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong AdarnaAralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
 
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxBook Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
 
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation TaxAraling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
 
Summary Quiz for Ponema with answer keys.pptx
Summary Quiz for Ponema with answer keys.pptxSummary Quiz for Ponema with answer keys.pptx
Summary Quiz for Ponema with answer keys.pptx
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
 

Pre-Test-kontemporaryo.docx

  • 1. RepublicofthePhilippines DepartmentofEducation REGION III SCHOOLS DIVISION OF CABANATUAN CITY SAN JOSEF NATIONAL HIGH SCHOOL San Josef Sur, Cabanatuan City Pre Test Araling Panlipunan 10 Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Ang salitang ito ay ginagamit sa iba’t ibang konteksto. Isang halimbawa nito ay ang paggamit ng kontemporaryong daigdig na naglalarawan sa panahon mula ika-20 dantaon hanggang sa kasalukuyan. a. kontemporaryo b. isyu c. balita d. panahon 2. Mga pangyayari o ilang suliraning bumabagabag o gumagambala at nagpapabago sa kalagayan ng ating pamayanan, bansa, o mundo sa kasalukuyang panahon. Ang mga isyung ito ay maaaring may kaugnayan sa mga temang tulad ng lipunan, karapatang pantao, relihiyon, ekonomiya, at marami pang iba. a. kontemporaryong panahon b. kontemporaryong isyu c. kontemporaryo d. isyu 3. Napakahalaga ng pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu. Nililinang nito ang ating mga pansariling kakayahan at kasanayan sa pag-aaral at pag-iisip.Alin sa mga sumusunod na kahalagahan ng pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu ang may kinalaman sa ating pagiging mabuting mamamayan? a. Napag-iisipan natin kung ano ang mga nangyayari sa lipunan at sa daigdig b. Pinayayabong ang ating kaalaman bilang mag-aaral c. Hinuhubog nito ang ating pagkatao bilang isang responsableng mamamayan d. Nagkakaroon ng pagmamalasakit at pagmamahal sa bansa at mas nagiging isang mapagmatyag, matalino, at produktibong mamamayan 4. Ang pagtataguyod ng pagkakaisa, pag-unlad, at pagkakaroon ng kapayapaan sa ating bansa at sa buong daigdig ay nalilinang sa pamamagitan ng pag-aaral sa mga kontemporaryong isyu. Paano natin ito maisasakatuparan? a. Pang-unawa at paggalang sa mga batas at mga alituntunin b. Masidhing damdaming makabayan, makakalikasan, at makasandaigdigan c. Aktibong pagganap sa mga gawain d. Pag-unawa sa iba’t ibang isyu sa lipunan 5. Tumutukoy ang solid waste sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at komersyal na establisimyento, mga basura na nakikita sa paligid, mga basura na nagmumula sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang hindi nakakalason. Sang ayon sa pag-aaral ng National Solid Waste Management ng 2016, saan nagmumula ang malaking porsyento ng basura sa Pilipinas? a.. Batangas b. Cavite c. Metro Manila d. Mindanao 6. Batay sa pag-aaral ng National Solid Waste Management Report ng 2015, anong uri ng basura ang may pinakamalaking porsyento ang itinatapon sa bansa? a. Biodegradables b. Recyclables c. Residual d. Special
  • 2. 7. Isa pang lumalaking suliranin ng Pilipinas ay ang tamang pagtatapon ng electronic waste o e-waste. Alin sa mga sumusunod na solid waste ang kabilang sa electronic waste? a. laptop, computer at cellular phone b. laptop, computer at mga basag na bubog c. computer at mga sirang yero d. lata, plastic at mga papel 8. Samantala, ang mga dumpsite sa Pilipinas, partikular sa Metro Manila, ay nagdudulot din ng panganib sa mga naninirahan dito. Anong panganib ang idinudulot ng mga katas ng basura o leachate sa tao mula sa Rodriguez at Payatas dumpsite na dumadaloy patungo sa ilog ng Marikina at Ilog Pasig hanggang sa Manila Bay. a. Nagtataglay ng lead at arsenic na mapanganib sa kalusugan ng tao. b. Panganib din ang dulot ng pamumulot ng basura sa kalusugan at buhay ng halos 4,300 na waste pickers sa mga dumpsite sa Metro Manila at sa maraming iba pa na pakalat-kalat at nagkakalkal sa mga tambak ng basura. c. Apektado din ang pag-aaral ng mga kabataang waste pickers bukod pa sa posibilidad na sila ay magkasakit, maimpluwensiyahan na gumawa ng ilegal na gawain, o kaya ay mamatay. d. Nadaragdagan din ang trabaho ng mga waste collector dahil kailangan nilang magsagawa ng waste segregation bago dalhin ang mga nakolektang basura sa dumpsite. 9. .Ayon sa Food and Agricultural Organization ng United Nations, ano ang tawag sa matagalan o permanenteng pagkasira ng kagubatan dulot ng iba’t ibang gawain ng tao o natural na kalamidad? a. Deforestation b. Fuel Wood Harvesting c. Illegal Logging d. Migration 10. Alin sa mga sumusunod ang epekto ng climate change ang may kaugnayan sa kalusugan ng mga mamamayan sa Pilipinas? a. Pagliit ng produksiyon sa sektor ng agrikultura b. Pagtaas ng bilang ng mga nagiging biktima ng sakit dahil sa pabago-bagong panahon. c. Paglikas ng mga mamamayan dahil sa pagkasira ng tahanan dulot ng malalakas na bagyo d. Pagkawala ng tahanan dulot ng pagkain ng mga karagatan sa dating lupa na kinatatayuan ng kanilang tahanan. 11. ,Ano ang masamang epekto ng kawalang disiplina ng tao sa pagtatapon ng basura? I. Nagdudulot ng sakit sa mga tao II. Nakadaragdag ng polusyon sa hangin III. Nadaragdagan ang trabaho ng mga waste collector IV. Nadaragdagan ang kita ng mga tao a. I b. I at II c. II at III d. I,II, at III 12. Batay sa pag-aaral ng Asian Development Bank noong 2004, paano nakakaapekto ang mga dumpsite na matatagpuan sa Metro Manila? I. Ang mga basura ay nagtataglay ng lead at arsenic na mapanganib sa kalusugan ng tao. II. Ang mga kabataan ay naiimpluwensiyahang gumawa ng illegal na gawain o mamatay. III. Ito ay nakakaapekto sa pag-aaral ng mga kabataang waste picker IV. Nagsisilbing tirahan ng mga taong walang matirahan A. I B. I at II C. II at III D. I,II,at III 13. Taun-taon, maraming kalamidad ang nararanasan sa ating bansa. Ito ay nagaganap sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa. Maaari itong maganap kapag may malakas o tuloy-tuloy na pag- ulan sa matataas na lugar, pagputok ng bulkan, o paglindol. Maaari ring magkaroon nito dahil sa pagmimina o quarrying. a. flashflood b. landslide c. bagyo d. pagbaha 14. Ito ay sinasabing isang kakaibang panahon bunga ng pag-init ng katubigan ng Karagatang Pasipiko. Ang mga bansang apektado nito ay nakararanas ng tagtuyot na nagiging sanhi ng mga problemang pangkabuhayan. a. tsunami b. bagyo c. El Niño d. La Niña 15. Madalas maranasan ang kalamidad na ito sa mababang lugar sa ating bansa. Maaaring matinding pagbuhos ng ulan o matagal na pag-ulan. Maaaring dulot din ito ng pag-apaw ng mga ilog, estero, at mga kanal. a. pagbaha b. flashflood c. bagyo d. Landslide 16. Ang kalamidad na ito ay bunga ng pagyanig ng lupa na nagiging dahilan ng pagkasira ng mga gusali at mga kabahayan. a. pagputok ng bulkan b. tsunami c. lindol d. Landslide
  • 3. 17. Ano ang karaniwang dahilan kung bakit may nasasaktan at nawawalan ng buhay sa tuwing nagkakaroon ng kalamidad? a. Paninirahan sa matataas na lugar at sa mga paanan ng bundok b. Paninirahan sa estero, baybay ng dagat at ilog c. Patuloy ng pagpuputol ng mga puno sa mga kagubatan d. Pagtangging lumikas ng mga tao mula sa mga mapanganib na lugar 18. Pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang bansa na naniningil ng mas mababang bayad. a. Nearshoring c. Onshoring b. Offshoring d. Inshoring 19. Tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo mula sa kompanya sa kalapit na bansa. a. Nearshoring c. Onshoring b. Offshoring d. Inshoring 20.Pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na naglalayong hikayatin ang mga lokal na namumuhunan at bigyang- proteksiyon ang mga ito upang makasabay sa kompetisyon laban sa malalaking dayuhang negosyante a. Guarded Globalization c. Onshoring b. Offshoring d. Inshoring 21. Ang mga sumusunod ay naidulot ng globalisasyon sa paggawa MALIBAN sa isa a. ang demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa na globally standard b.nabigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa pandaigidigan pamilihan c. binago ng globalisasyon ang workplace at mga salik ng produksiyon d. mahal ang labor o pasahod sa mga manggagawa 22. Isa sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang pagbabago sa workplace ng mga manggagawa, binago rin nito ang sistema ng pagpili sa mga manggawa. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapatunay ng pagbabagong ito? a.Humigpit ang pagproseso sa pagpasok ng mga dayuhang kompanya, produkto at serbisyo sa bansa kaya’t kinailangan ng mga world class workers. b.Tumaas ang kalidad ng mga lokal na produkto sa pandaigdaigang pamilihan kaya’t kinailangang mag-angkat ng mga eksperto sa ibang bansa para sanayin ang mga lokal na manggagawa. c. Humirap ang kalagayan ng mga dayuhang kompanya sa pagpasok sa bansa kaya’t kinailangang pababain ang sweldo ng mga lokal na manggagawa. d.Naging malaya ang pagpasok ng mga dayuhang kompanya sa bansa dahil sa mababang pagpapasweldo at pagngonguntrata lamang sa mga lokal na manggagawa. 23. Mahalaga sa isa manggagawa ang seguridad sa paggawa sa kaniyang pinapasukang kompanya o trabaho subalit patuloy ang paglaganap ng iskemang subcontracting sa paggawa sa bansa. Ano ang iskemang subcontracting? a.Sistema ng pagkuha ng isang kompanya sa isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon. b.Iskema ng pagkuha ng isang ahensiya o indibiwal nasubcontractor ng isang kompanya para sa pagsagawa ng isang trabaho o serbisyo. c.Pag-eempleyo sa isang manggagawa upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa loob ng 6 na buwan. d. Pagkuha sa isang ahensiya o indibidwal nasubcontractor sa isang manggagawa sa loob ng mas mahabang panahon. 24. Tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho, malaya at pantay na oportunidad sa paggawa, at maayos na workplace para sa mga manggawa.Sa anong haligi ng paggawa ito nabibilang a.Employment Pillar c. Workers Right Pillar b. Social Protection Pillar d. Social Dialogue Pillar 25. Ang mga sumusunod ay isyung kinakaharap ng bansa sa paggawa maliban sa isa a. unemployment at underemployment c. Ofw b. kakulangan sa pagbibigay ng ayuda d. Guarded Globalization
  • 4. 26. Dalawang konsepto na madalas mapagpalit ay ang seksuwalidad at kasarian. Bagaman magkaugnay ang dalawang konseptong ito, natatangi ang kahulugan ng bawat isa. Ito ay tumutukoy sa natural o biyolohikal na katangian bilang lalaki o babae. a. seksuwalidad b. kasarian c. sexual orientation d. gender identity 27. Samantala ito naman ay tumutukoy sa isang aspektong kultural na natutuhan natin. Ang mga ideya natin ay natutuhan natin mula sa lipunang ating kinabibilangan at ginagalawan. Napananatili at naipapasa ang mga ideya at paniniwalang ito sa pamamagitan ng pakikipagtalastasan at pag-aaral. Sa madaling salita tinutukoy nito ang pambabae at panlalaki. a. seksuwalidad b. kasarian c. sexual orientation d. gender identity 28. Paano nagkakaiba ang kasarian at seksuwalidad? a. Hindi nagkakaiba ang kahulugan ng dalawang ito. b. Ang kasarian ay epekto ng kultura samantalang ang seksuwalidad ay biyolohikal. c. Ang kasarian ay biyolohikal samantalang ang seksuwalidad ay kultural. d. Ang kasarian ay seksuwalidad at madaling mapalitan ng sinuman. 29. Tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal, emosyonal, sekswal; at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa. a. seksuwalidad b. kasarian c. sexual orientation d. gender identity 30. Mga taong nagkakaroon ng seksuwal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na kasarian, mga lalaking mas gustong lalaki ang makakatalik at mga babaeng mas gusto ang babae bilang sekswal na kapareha. a. heterosexual b. homosexual c. asexual d. bisexual 31. Sila naman ang mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian. a. heterosexual b. homosexual c. asexual d. bisexual 32. Mga taong walang nararamdamang atraksiyong seksuwal sa anumang kasarian . a. heterosexual b. homosexual c. asexual d. bisexual 33. Dahil sa diskriminasyon marami sa mga homosekswal ang nakararanas ng depresyon, pagiging mapag-isa, hindi pagpasok sa paaralan, at pagpapatiwakal. Ang mga sumusunod ay mga uri ng diskriminasyon na nararanasan ng mga LGBT maliban sa isa. a. Hindi pagtanggap sa kanila sa trabaho b. Mga pang-iinsulto at pangungutya c. Hindi pagpapatuloy sa establisyemento d. Panghihipo at paghawak sa bahagi ng katawan nito 34. Maaaring mangyari ang uri ng diskriminasyong ito kung ang indibidwal o organisasyon ay hindi binibigyan ng kaukulang karapatan ang isang taong kabilang sa LGBT mula sa pabahay, hanapbuhay o serbisyo, binabawasan ang mga benepisyo nito, at pagtrato nang hindi tama nang walang isang lehitimong dahilan. a. tuwirang diskriminasyon b. di-tuwirang diskriminasyon c. diskriminasyon sa pagkakakilanlan d. relasyon sa iba 35. Nakararanas din ng diskriminasyon ang mga babae sa paghahanapbuhay. Ang mga sumusunod ay mga uri ng diskriminasyon sa paghahanapbuhay para sa kababaihan maliban sa isa. a. Nakatatanggap ang mga kababaihan ng mababang sahod at temporaryong trabaho. b. Itinatalaga rin sila sa mababang posisyon. c. Ang kababaihan ay agrabiyado, dahil dito nakatali sa pinansyal na suporta ng kanilang asawa at anak ang mga babae. d. Itinuturing na magkaiba ang kakayahan ng kababaihan at kalalakihan sa pagtugon sa pang- ekonomiyang pangangailangan. 36. Nagdala ng ideya ng kalayaan, karapatan, at pagkakapantay-pantay sa Pilipinas ang pagdating ng mga mananakop na ito. At nagsimula ang pampublikong paaralan na bukas para sa kababaihan at kalalakihan, mahirap o mayaman, maraming kababaihan ang nakapag-aral. a. Panahon bago ang mga mananakop b. Panahon ng mga Espanyol c. Panahon ng mga Amerikano d. Panahon ng Hapon
  • 5. 37. Ito ay isang tradisyong Hindu kung saan sinusunog ang asawang balo kasabay ng kanyang namatay na asawa sa paniniwalang magsasama sila ng maluwalhati sa kabilang buhay. a. funeral pyre b. breast flattening c. foot binding d. purdah 38. Ang tawag sa ganitong klase ng mga paa ay lotus feet o lily feet. Halos isang milenyong umiral ang tradisyong ito sa Tsina. Ang pagkakaroon ng ganitong klase ng paa sa simula ay kinikilala bilang simbolo ng yaman, ganda, at pagiging karapat-dapat sa pagpapakasal. Subalit dahil sa ang mga kababaihang ito ay may bound feet, nalimitahan ang kanilang pagkilos, pakikilahok sa politika, at ang kanilang pakikisalamuha. a. funeral pyre b. breast flattening c. foot binding d. purdah 39. Isang lider-ispiritwal na may tungkuling panrelihiyon at maihahalintulad sa mga sinaunang priestess at shaman. a. babaylan b. albularyo d. datu d. timawa 40. Maaaring mangyari ang uri ng diskriminasyong ito kung ang indibidwal o organisasyon ay hindi binibigyan ng kaukulang karapatan ang isang taong kabilang sa LGBT mula sa pabahay, hanapbuhay o serbisyo, binabawasan ang mga benepisyo nito, at pagtrato nang hindi tama nang walang isang lehitimong dahilan. a. tuwirang diskriminasyon b. di-tuwirang diskriminasyon c. diskriminasyon sa pagkakakilanlan d. relasyon sa iba 41. Nakararanas din ng diskriminasyon ang mga babae sa paghahanapbuhay. Ang mga sumusunod ay mga uri ng diskriminasyon sa paghahanapbuhay para sa kababaihan maliban sa isa. a. Nakatatanggap ang mga kababaihan ng mababang sahod at temporaryong trabaho. b. Itinatalaga rin sila sa mababang posisyon. c. Ang kababaihan ay agrabiyado, dahil dito nakatali sa pinansyal na suporta ng kanilang asawa at anak ang mga babae. d. Itinuturing na magkaiba ang kakayahan ng kababaihan at kalalakihan sa pagtugon sa pang- ekonomiyang pangangailangan. 42. Ang mga sumusunod ay mga anyo ng diskriminasyon na nararanasan sa tahanan maliban sa isa. a. May pagkakaiba ang mga gawaing nakaatang sa kanila gaya ng paggawa ng desisyon at paghanap ng mapagkukunan ng pangangailangan sa tahanan. b. Itinuturing na magkaiba ang kakayahan ng mga kababaihan at kalalakihan sa pang- ekonomiyang pangangailangan. c. Karaniwang ang magulang na babae ang naiiwan sa tahanan para mag-asikaso ng mga anak. d. Ipinakikita nito ang kababaihan bilang mga sexual object para sa mga kalalakihan. 43. Karapatan ng lahat ang mabuhay. Walang sinuman ang maaaring basta na lamang pagkaitan ng buhay sa anumang dahilan, kabilang ang may kaugnayan sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Ang parusang kamatayan ay hindi ipapataw sa sinuman dahil sa consensual sexual activity ng mga taong nasa wastong gulang o batay sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Anong karapatan ang tinutukoy sa prinsipyong ito? a. Ang Karapatan sa Buhay b. Ang Karapatan sa Trabaho c. Ang Karapatan sa Edukasyon d. Ang Karapatang Lumahok sa Buhay-Pampubliko 44. Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon nang walang diskriminasiyong nag-uugat at sanhi ng oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian. a. Ang Karapatan sa Buhay b. Ang Karapatan sa Trabaho c. Ang Karapatan sa Edukasyon d. Ang Karapatang Lumahok sa Buhay-Pampubliko 45. Bawat mamamayan ay may karapatang sumali sa mga usaping publiko, kabilang ang karapatang mahalal, lumahok sa pagbubuo ng mga patakarang may kinalaman sa kaniyang kapakanan; at upang mabigyan ng pantay na serbisyo-publiko at trabaho sa mga pampublikong ahensiya, kabilang ang pagseserbisyo sa pulisya at militar, nang walang diskriminasiyong sanhi ng oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. a. Ang Karapatan sa Buhay b. Ang Karapatan sa Trabaho c. Ang Karapatan sa Edukasyon d. Ang Karapatang Lumahok sa Buhay-Pampubliko
  • 6. 46. Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na larangan kundi gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya. a. CEDAW b. GABRIELA c. Ang LADLAD d. VAWC 47. Paano pinapangalagaan ng pamahalaan ang mga karapatan ng mga mamamayan? a. Ipinapaalam nito sa mga mamamayan ang kanilang mga karapatan b. Pinaparusahan nito ang sinumang lumabag sa karapatan ng kapwa mamamayan. c. Dinadagdagan nito ang mga karapatan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng batas d. Tinatanggalan nito ng mga karapatan ang mga mamamayang lumalabag sa batas ng estado 48. Bakit mahalaga ang Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao? a. Iniiwasan nito ang diskriminasyon b. Itinataguyod nito ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao c. Pinapangalagaan nito ang maliliit na bansa tulad ng Pilipinas d. Sinisiguro nitong walang magaganap na paglabag sa karapatang pantao 49. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito: “ LGBT rights are human rights “ Ban Ki- Moon, dating UN Secretary General. a. Ang mga LGBT ay dapat tratuhing tao b. Ang mga LGBT ay may karapatang pantao c. May pantay na karapatan ang lahat ng tao d. Ang karapatan ng mga LGBT ay kabilang sa karapatang pantao 50. Sinasabi sa iyo ng inyong lola na ang pagiging bakla o tomboy ay kasalanan. Ano ang sasabihin mo sa iyong lola? a. Ipagtatanggol ko ang mga bakla at tomboy sa aking lola b. Sasabihin ko sa lola ko na walang masama sa pagiging bakla at tomboy c. Hindi na lang ako kikibo d. Ipaliliwanag ko sa aking lola na kailangan ng mga bakla at tomboy na tanggapin sila sa lipunan Inihanda ni: Janeth M. Angeles Guro III
  • 7. Answer Key Pre Test 1. a 2. b 3. d 4. a 5. c 6. a 7. a 8. a 9. a 10. b 11. d 12. d 13. b 14. c 15. a 16. c 17. d 18. b 19. a 20. a 21. d 22. a 23. a 24. a 25. c 26. a 27. b 28. b 29. c 30. a 31. d 32. c 33. d 34. a 35. d 36. c 37. a 38. c 39. a 40. a 41. d 42. d 43. a 44. c 45. d 46. a 47. b 48. b 49. d 50. b