SlideShare a Scribd company logo
1 of 52
Pre Test
AP 10
Panuto: Basahin at unawaing mabuti
ang mga tanong. Piliin at isulat ang titik
ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ang salitang ito ay ginagamit sa iba’t
ibang konteksto. Isang halimbawa nito ay
ang paggamit ng kontemporaryong daigdig
na naglalarawan sa panahon mula ika-20
dantaon hanggang sa kasalukuyan.
a. kontemporaryo b. isyu
c. balita d. panahon
2. Mga pangyayari o ilang suliraning bumabagabag o
gumagambala at nagpapabago sa kalagayan ng ating
pamayanan, bansa, o mundo sa kasalukuyang panahon.
Ang mga isyung ito ay maaaring may kaugnayan sa mga
temang tulad ng lipunan, karapatang pantao, relihiyon,
ekonomiya, at marami pang iba.
a. kontemporaryong panahon
b. kontemporaryong isyu
c. kontemporaryo
d. isyu
3. Napakahalaga ng pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu.
Nililinang nito ang ating mga pansariling kakayahan at kasanayan sa
pag-aaral at pag-iisip.Alin sa mga sumusunod na kahalagahan ng
pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu ang may kinalaman sa ating
pagiging mabuting mamamayan?
a. Napag-iisipan natin kung ano ang mga nangyayari sa lipunan at sa
daigdig
b. Pinayayabong ang ating kaalaman bilang mag-aaral
c. Hinuhubog nito ang ating pagkatao bilang isang responsableng
mamamayan
d. Nagkakaroon ng pagmamalasakit at pagmamahal sa bansa at mas
nagiging isang mapagmatyag, matalino, at produktibong
mamamayan
4. Ang pagtataguyod ng pagkakaisa, pag-unlad, at pagkakaroon
ng kapayapaan sa ating bansa at sa buong daigdig ay nalilinang
sa pamamagitan ng pag-aaral sa mga kontemporaryong isyu.
Paano natin ito maisasakatuparan?
a. Pang-unawa at paggalang sa mga batas at mga alituntunin
b. Masidhing damdaming makabayan, makakalikasan, at
makasandaigdigan
c. Aktibong pagganap sa mga gawain
d. Pag-unawa sa iba’t ibang isyu sa lipunan
5. Tumutukoy ang solid waste sa mga basurang
nagmula sa mga tahanan at komersyal na
establisimyento, mga basura na nakikita sa paligid,
mga basura na nagmumula sa sektor ng agrikultura
at iba pang basurang hindi nakakalason. Sang ayon
sa pag-aaral ng National Solid Waste Management
ng 2016, saan nagmumula ang malaking porsyento
ng basura sa Pilipinas?
a. Batangas b. Cavite c. Metro Manila d. Mindanao
6. Batay sa pag-aaral ng National Solid Waste
Management Report ng 2015, anong uri ng
basura ang may pinakamalaking porsyento ang
itinatapon sa bansa?
a. Biodegradable b. Recyclables
c. Residual d. Special
7. Isa pang lumalaking suliranin ng Pilipinas ay ang
tamang pagtatapon ng electronic waste o e-waste.
Alin sa mga sumusunod na solid waste ang kabilang
sa electronic waste?
a. laptop, computer at cellular phone
b. laptop, computer at mga basag na bubog
c. computer at mga sirang yero
d. lata, plastic at mga papel
8. Samantala, ang mga dumpsite sa Pilipinas, partikular sa Metro Manila, ay
nagdudulot din ng panganib sa mga naninirahan dito. Anong panganib ang
idinudulot ng mga katas ng basura o leachate sa tao mula sa Rodriguez at
Payatas dumpsite na dumadaloy patungo sa ilog ng Marikina at Ilog Pasig
hanggang sa Manila Bay.
a. Nagtataglay ng lead at arsenic na mapanganib sa kalusugan ng tao.
b. Panganib din ang dulot ng pamumulot ng basura sa kalusugan at buhay ng
halos 4,300 na waste pickers sa mga dumpsite sa Metro Manila at sa maraming
iba pa na pakalat-kalat at nagkakalkal sa mga tambak ng basura.
c. Apektado din ang pag-aaral ng mga kabataang waste pickers bukod pa sa
posibilidad na sila ay magkasakit, maimpluwensiyahan na gumawa ng ilegal na
gawain, o kaya ay mamatay.
d. Nadaragdagan din ang trabaho ng mga waste collector dahil kailangan nilang
magsagawa ng waste segregation bago dalhin ang mga nakolektang basura sa
dumpsite.
9. Ayon sa Food and Agricultural Organization ng
United Nations, ano ang tawag sa matagalan o
permanenteng pagkasira ng kagubatan dulot ng
iba’t ibang gawain ng tao o natural na kalamidad?
a. Deforestation b. Fuel Wood Harvesting
c. Illegal Logging d. Migration
10. Alin sa mga sumusunod ang epekto ng climate change ang may
kaugnayan sa kalusugan ng mga mamamayan sa Pilipinas?
a. Pagliit ng produksiyon sa sektor ng agrikultura
b. Pagtaas ng bilang ng mga nagiging biktima ng sakit dahil sa
pabago-bagong panahon.
c. Paglikas ng mga mamamayan dahil sa pagkasira ng tahanan dulot
ng malalakas na bagyo
d. Pagkawala ng tahanan dulot ng pagkain ng mga karagatan sa
dating lupa na kinatatayuan ng
kanilang tahanan.
11. Ano ang masamang epekto ng kawalang disiplina ng tao
sa pagtatapon ng basura?
I. Nagdudulot ng sakit sa mga tao
II. Nakadaragdag ng polusyon sa hangin
III. Nadaragdagan ang trabaho ng mga waste collector
IV. Nadaragdagan ang kita ng mga tao
a. I b. I at II c. II at III d. I,II, at III
12. Batay sa pag-aaral ng Asian Development Bank noong 2004,
paano nakakaapekto ang mga
dumpsite na matatagpuan sa Metro Manila?
I. Ang mga basura ay nagtataglay ng lead at arsenic na mapanganib
sa kalusugan ng tao.
II. Ang mga kabataan ay naiimpluwensiyahang gumawa ng illegal na
gawain o mamatay.
III. Ito ay nakakaapekto sa pag-aaral ng mga kabataang waste picker
IV. Nagsisilbing tirahan ng mga taong walang matirahan
A. I B. I at II C. II at III D. I,II, at III
13. Taun-taon, maraming kalamidad ang nararanasan
sa ating bansa. Ito ay nagaganap sa iba’t ibang bahagi
ng ating bansa. Maaari itong maganap kapag may
malakas o tuloy-tuloy na pag-ulan sa matataas na
lugar, pagputok ng bulkan, o paglindol. Maaari ring
magkaroon nito dahil sa pagmimina o quarrying.
a. flashflood b. landslide
c. bagyo d. pagbaha
14. Ito ay sinasabing isang kakaibang panahon bunga
ng pag-init ng katubigan ng Karagatang Pasipiko. Ang
mga bansang apektado nito ay nakararanas ng
tagtuyot na nagiging sanhi ng mga problemang
pangkabuhayan.
a. tsunami b. bagyo
c. El Niño d. La Niña
15. Madalas maranasan ang kalamidad na ito sa
mababang lugar sa ating bansa. Maaaring matinding
pagbuhos ng ulan o matagal na pag-ulan. Maaaring
dulot din ito ng pag-apaw ng mga ilog, estero, at mga
kanal.
a. pagbaha b. flashflood
c. bagyo d. Landslide
16. Ang kalamidad na ito ay bunga ng pagyanig ng
lupa na nagiging dahilan ng pagkasira ng mga gusali
at mga kabahayan.
a. pagputok ng bulkan b. tsunami
c. lindol d. Landslide
17. Ano ang karaniwang dahilan kung bakit may nasasaktan
at nawawalan ng buhay sa tuwing nagkakaroon ng
kalamidad?
a. Paninirahan sa matataas na lugar at sa mga paanan ng
bundok
b. Paninirahan sa estero, baybay ng dagat at ilog
c. Patuloy ng pagpuputol ng mga puno sa mga kagubatan
d. Pagtangging lumikas ng mga tao mula sa mga
mapanganib na lugar
18. Pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya
mula sa ibang bansa na naniningil ng mas
mababang bayad.
a. Nearshoring c. Onshoring
b. Offshoring d. Inshoring
19. Tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo mula sa
kompanya sa kalapit na bansa.
a. Nearshoring c. Onshoring
b. Offshoring d. Inshoring
20.Pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas
na naglalayong hikayatin ang mga lokal na
namumuhunan at bigyang- proteksiyon ang mga ito
upang makasabay sa kompetisyon laban sa
malalaking dayuhang negosyante
a. Guarded Globalization c. Onshoring
b. Offshoring d. Inshoring
21. Ang mga sumusunod ay naidulot ng globalisasyon sa
paggawa MALIBAN sa isa
a. ang demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o
kasanayan sa paggawa na globally standard
b.nabigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na
makilala sa pandaigidigan pamilihan
c. binago ng globalisasyon ang workplace at mga salik ng
produksiyon
d. mahal ang labor o pasahod sa mga manggagawa
22. Isa sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang pagbabago sa workplace ng mga
manggagawa, binago rin nito ang sistema ng pagpili sa mga manggawa. Alin sa sumusunod
na pahayag ang nagpapatunay ng pagbabagong ito?
a.Humigpit ang pagproseso sa pagpasok ng mga dayuhang kompanya, produkto at
serbisyo sa bansa kaya’t kinailangan ng mga world class workers.
b.Tumaas ang kalidad ng mga lokal na produkto sa pandaigdaigang pamilihan kaya’t
kinailangang mag-angkat ng mga eksperto sa ibang bansa para sanayin ang mga lokal na
manggagawa.
c. Humirap ang kalagayan ng mga dayuhang kompanya sa pagpasok sa bansa kaya’t
kinailangang pababain ang sweldo ng mga lokal na manggagawa.
d.Naging malaya ang pagpasok ng mga dayuhang kompanya sa bansa dahil sa
mababang pagpapasweldo at pagngonguntrata lamang sa mga lokal na manggagawa.
23. Mahalaga sa isa manggagawa ang seguridad sa paggawa sa kaniyang pinapasukang
kompanya o trabaho subalit patuloy ang paglaganap ng iskemang subcontracting sa
paggawa sa bansa. Ano ang iskemang subcontracting?
a.Sistema ng pagkuha ng isang kompanya sa isang ahensiya o indibidwal na subcontractor
upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.
b.Iskema ng pagkuha ng isang ahensiya o indibiwal nasubcontractor ng isang kompanya
para sa pagsagawa ng isang trabaho o serbisyo.
c.Pag-eempleyo sa isang manggagawa upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa loob ng 6 na
buwan.
d. Pagkuha sa isang ahensiya o indibidwal nasubcontractor sa isang manggagawa sa loob ng
mas mahabang panahon.
24. Tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng
trabaho, malaya at pantay na oportunidad sa
paggawa, at maayos na workplace para sa mga
manggawa.Sa anong haligi ng paggawa ito nabibilang
a.Employment Pillar c. Workers Right Pillar
b. Social Protection Pillar d. Social Dialogue Pillar
25. Ang mga sumusunod ay isyung kinakaharap ng
bansa sa paggawa maliban sa isa
a. unemployment at underemployment
c. Ofw
b. kakulangan sa pagbibigay ng ayuda
d. Guarded Globalization
26. Dalawang konsepto na madalas mapagpalit ay ang
seksuwalidad at kasarian. Bagaman magkaugnay ang
dalawang konseptong ito, natatangi ang kahulugan ng
bawat isa. Ito ay tumutukoy sa natural o biyolohikal na
katangian bilang lalaki o babae.
a. seksuwalidad b. kasarian
c. sexual orientation d. gender identity
27. Samantala ito naman ay tumutukoy sa isang aspektong
kultural na natutuhan natin. Ang mga ideya natin ay
natutuhan natin mula sa lipunang ating kinabibilangan at
ginagalawan. Napananatili at naipapasa ang mga ideya at
paniniwalang ito sa pamamagitan ng pakikipagtalastasan at
pag-aaral. Sa madaling salita tinutukoy nito ang pambabae
at panlalaki.
a. seksuwalidad b. kasarian
c. sexual orientation d. gender identity
28. Paano nagkakaiba ang kasarian at seksuwalidad?
a. Hindi nagkakaiba ang kahulugan ng dalawang ito.
b. Ang kasarian ay epekto ng kultura samantalang ang
seksuwalidad ay biyolohikal.
c. Ang kasarian ay biyolohikal samantalang ang
seksuwalidad ay kultural.
d. Ang kasarian ay seksuwalidad at madaling
mapalitan ng sinuman.
29. Tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng
malalim na atraksiyong apeksyonal, emosyonal, sekswal; at
ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay
maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang
higit sa isa.
a. seksuwalidad b. kasarian
c. sexual orientation d. gender identity
30. Mga taong nagkakaroon ng seksuwal na
pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na
kasarian, mga lalaking mas gustong lalaki ang
makakatalik at mga babaeng mas gusto ang babae
bilang sekswal na kapareha.
a. heterosexual b. homosexual
c. asexual d. bisexual
31. Sila naman ang mga taong nakararamdam
ng atraksyon sa dalawang kasarian.
a. heterosexual b. homosexual
c. asexual d. bisexual
32. Mga taong walang nararamdamang atraksiyong
seksuwal sa anumang kasarian .
a. heterosexual b. homosexual
c. asexual d. bisexual
33. Dahil sa diskriminasyon marami sa mga homosekswal
ang nakararanas ng depresyon, pagiging mapag-isa, hindi
pagpasok sa paaralan, at pagpapatiwakal. Ang mga
sumusunod ay mga uri ng diskriminasyon na nararanasan ng
mga LGBT maliban sa isa.
a. Hindi pagtanggap sa kanila sa trabaho
b. Mga pang-iinsulto at pangungutya
c. Hindi pagpapatuloy sa establisyemento
d. Panghihipo at paghawak sa bahagi ng katawan nito
34. Maaaring mangyari ang uri ng diskriminasyong ito kung
ang indibidwal o organisasyon ay hindi binibigyan ng
kaukulang karapatan ang isang taong kabilang sa LGBT mula
sa pabahay, hanapbuhay o serbisyo, binabawasan ang mga
benepisyo nito, at pagtrato nang hindi tama nang walang
isang lehitimong dahilan.
a. tuwirang diskriminasyon
b. di-tuwirang diskriminasyon
c. diskriminasyon sa pagkakakilanlan
d. relasyon sa iba
35. Nakararanas din ng diskriminasyon ang mga babae sa
paghahanapbuhay. Ang mga sumusunod ay mga uri ng
diskriminasyon sa paghahanapbuhay para sa kababaihan maliban sa
isa.
a. Nakatatanggap ang mga kababaihan ng mababang sahod at
temporaryong trabaho.
b. Itinatalaga rin sila sa mababang posisyon.
c. Ang kababaihan ay agrabiyado, dahil dito nakatali sa pinansyal na
suporta ng kanilang asawa at anak ang mga babae.
d. Itinuturing na magkaiba ang kakayahan ng kababaihan at
kalalakihan sa pagtugon sa pang-ekonomiyang pangangailangan.
36. Nagdala ng ideya ng kalayaan, karapatan, at pagkakapantay-
pantay sa Pilipinas ang pagdating ng mga mananakop na ito. At
nagsimula ang pampublikong paaralan na bukas para sa kababaihan
at kalalakihan, mahirap o mayaman, maraming kababaihan ang
nakapag-aral.
a. Panahon bago ang mga mananakop
b. Panahon ng mga Espanyol
c. Panahon ng mga Amerikano
d. Panahon ng Hapon
37. Ito ay isang tradisyong Hindu kung saan
sinusunog ang asawang balo kasabay ng kanyang
namatay na asawa sa paniniwalang magsasama sila
ng maluwalhati sa kabilang buhay.
a. funeral pyre b. breast flattening
c. foot binding d. purdah
38. Ang tawag sa ganitong klase ng mga paa ay lotus feet o lily feet.
Halos isang milenyong umiral ang tradisyong ito sa Tsina. Ang
pagkakaroon ng ganitong klase ng paa sa simula ay kinikilala bilang
simbolo ng yaman, ganda, at pagiging karapat-dapat sa
pagpapakasal. Subalit dahil sa ang mga kababaihang ito ay may
bound feet, nalimitahan ang kanilang pagkilos, pakikilahok sa
politika, at ang kanilang pakikisalamuha.
a. funeral pyre b. breast flattening
c. foot binding d. purdah
39. Isang lider-ispiritwal na may tungkuling
panrelihiyon at maihahalintulad sa mga
sinaunang priestess at shaman.
a. babaylan b. albularyo
c. datu d. timawa
40. Maaaring mangyari ang uri ng diskriminasyong ito kung
ang indibidwal o organisasyon ay hindi binibigyan ng
kaukulang karapatan ang isang taong kabilang sa LGBT mula
sa pabahay, hanapbuhay o serbisyo, binabawasan ang mga
benepisyo nito, at pagtrato nang hindi tama nang walang
isang lehitimong dahilan.
a. tuwirang diskriminasyon
b. di-tuwirang diskriminasyon
c. diskriminasyon sa pagkakakilanlan
d. relasyon sa iba
41. Nakararanas din ng diskriminasyon ang mga babae sa
paghahanapbuhay. Ang mga sumusunod ay mga uri ng
diskriminasyon sa paghahanapbuhay para sa kababaihan maliban sa
isa.
a. Nakatatanggap ang mga kababaihan ng mababang sahod at
temporaryong trabaho.
b. Itinatalaga rin sila sa mababang posisyon.
c. Ang kababaihan ay agrabiyado, dahil dito nakatali sa pinansyal na
suporta ng kanilang asawa at anak ang mga babae.
d. Itinuturing na magkaiba ang kakayahan ng kababaihan at
kalalakihan sa pagtugon sa pang-ekonomiyang pangangailangan.
42. Ang mga sumusunod ay mga anyo ng diskriminasyon na nararanasan sa
tahanan maliban sa isa.
a. May pagkakaiba ang mga gawaing nakaatang sa kanila gaya ng paggawa ng
desisyon at paghanap ng mapagkukunan ng pangangailangan sa tahanan.
b. Itinuturing na magkaiba ang kakayahan ng mga kababaihan at kalalakihan sa
pang-ekonomiyang pangangailangan.
c. Karaniwang ang magulang na babae ang naiiwan sa tahanan para mag-asikaso
ng mga anak.
d. Ipinakikita nito ang kababaihan bilang mga sexual object para sa mga
kalalakihan.
43. Karapatan ng lahat ang mabuhay. Walang sinuman ang maaaring basta
na lamang pagkaitan ng buhay sa anumang dahilan, kabilang ang may
kaugnayan sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
Ang parusang kamatayan ay hindi ipapataw sa sinuman dahil sa
consensual sexual activity ng mga taong nasa wastong gulang o batay sa
oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Anong
karapatan ang tinutukoy sa prinsipyong ito?
a. Ang Karapatan sa Buhay
b. Ang Karapatan sa Trabaho
c. Ang Karapatan sa Edukasyon
d. Ang Karapatang Lumahok sa Buhay-Pampubliko
44. Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon nang walang
diskriminasiyong nag-uugat at sanhi ng oryentasyong
seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian.
a. Ang Karapatan sa Buhay
b. Ang Karapatan sa Trabaho
c. Ang Karapatan sa Edukasyon
d. Ang Karapatang Lumahok sa Buhay-Pampubliko
45. Bawat mamamayan ay may karapatang sumali sa mga usaping
publiko, kabilang ang karapatang mahalal, lumahok sa pagbubuo ng
mga patakarang may kinalaman sa kaniyang kapakanan; at upang
mabigyan ng pantay na serbisyo-publiko at trabaho sa mga
pampublikong ahensiya, kabilang ang pagseserbisyo sa pulisya at
militar, nang walang diskriminasiyong sanhi ng oryentasyong
seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
a. Ang Karapatan sa Buhay
b. Ang Karapatan sa Trabaho
c. Ang Karapatan sa Edukasyon
d. Ang Karapatang Lumahok sa Buhay-Pampubliko
46. Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na
kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa karapatan
ng kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na larangan
kundi gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya,
panlipunan at pampamilya.
a. CEDAW b. GABRIELA
c. Ang LADLAD d. VAWC
47. Paano pinapangalagaan ng pamahalaan ang mga karapatan ng
mga mamamayan?
a. Ipinapaalam nito sa mga mamamayan ang kanilang mga karapatan
b. Pinaparusahan nito ang sinumang lumabag sa karapatan ng kapwa
mamamayan.
c. Dinadagdagan nito ang mga karapatan ng mga mamamayan sa
pamamagitan ng batas
d. Tinatanggalan nito ng mga karapatan ang mga mamamayang
lumalabag sa batas ng estado
48. Bakit mahalaga ang Pandaigdigang Deklarasyon ng
Karapatang Pantao?
a. Iniiwasan nito ang diskriminasyon
b. Itinataguyod nito ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng
tao
c. Pinapangalagaan nito ang maliliit na bansa tulad ng
Pilipinas
d. Sinisiguro nitong walang magaganap na paglabag sa
karapatang pantao
49. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito: “ LGBT rights are
human rights “ Ban Ki- Moon, dating UN Secretary General.
a. Ang mga LGBT ay dapat tratuhing tao
b. Ang mga LGBT ay may karapatang pantao
c. May pantay na karapatan ang lahat ng tao
d. Ang karapatan ng mga LGBT ay kabilang sa karapatang
pantao
50. Sinasabi sa iyo ng inyong lola na ang pagiging bakla o
tomboy ay kasalanan. Ano ang sasabihin mo sa iyong lola?
a. Ipagtatanggol ko ang mga bakla at tomboy sa aking lola
b. Sasabihin ko sa lola ko na walang masama sa pagiging
bakla at tomboy
c. Hindi na lang ako kikibo
d. Ipaliliwanag ko sa aking lola na kailangan ng mga bakla at
tomboy na tanggapin sila sa lipunan

More Related Content

Similar to Pre-Test.pptx

Kalagayan-at-suliranin-sa-isyu-ng-paggawa-sa.pptx
Kalagayan-at-suliranin-sa-isyu-ng-paggawa-sa.pptxKalagayan-at-suliranin-sa-isyu-ng-paggawa-sa.pptx
Kalagayan-at-suliranin-sa-isyu-ng-paggawa-sa.pptx
TeodoroJervoso
 
PT_ARALING PANLIPUNAN 4_Q2.do 1st quartercx
PT_ARALING PANLIPUNAN 4_Q2.do 1st quartercxPT_ARALING PANLIPUNAN 4_Q2.do 1st quartercx
PT_ARALING PANLIPUNAN 4_Q2.do 1st quartercx
EDGIESOQUIAS1
 
AP10_Q2_Mod3_Mga-Dahilan-at-Epekto-ng-Migrasyon (1).pdf
AP10_Q2_Mod3_Mga-Dahilan-at-Epekto-ng-Migrasyon (1).pdfAP10_Q2_Mod3_Mga-Dahilan-at-Epekto-ng-Migrasyon (1).pdf
AP10_Q2_Mod3_Mga-Dahilan-at-Epekto-ng-Migrasyon (1).pdf
AntonetteRici
 

Similar to Pre-Test.pptx (20)

Kalagayan-at-suliranin-sa-isyu-ng-paggawa-sa.pptx
Kalagayan-at-suliranin-sa-isyu-ng-paggawa-sa.pptxKalagayan-at-suliranin-sa-isyu-ng-paggawa-sa.pptx
Kalagayan-at-suliranin-sa-isyu-ng-paggawa-sa.pptx
 
AP-10-Summative.docx
AP-10-Summative.docxAP-10-Summative.docx
AP-10-Summative.docx
 
ASSESSMENT EXAM
ASSESSMENT EXAMASSESSMENT EXAM
ASSESSMENT EXAM
 
Unified division test ap iv pre test
Unified division test ap iv pre testUnified division test ap iv pre test
Unified division test ap iv pre test
 
RAM-AP4.pdf
RAM-AP4.pdfRAM-AP4.pdf
RAM-AP4.pdf
 
RAM-AP4.pdf
RAM-AP4.pdfRAM-AP4.pdf
RAM-AP4.pdf
 
AP 10 IST PERIODICAL 2022.pdf
AP 10 IST PERIODICAL 2022.pdfAP 10 IST PERIODICAL 2022.pdf
AP 10 IST PERIODICAL 2022.pdf
 
Dap iv 4th grading
Dap iv  4th gradingDap iv  4th grading
Dap iv 4th grading
 
Bap iv 1st grading
Bap iv  1st gradingBap iv  1st grading
Bap iv 1st grading
 
Cap iv 3rd grading
Cap iv 3rd gradingCap iv 3rd grading
Cap iv 3rd grading
 
AP10_Q1_Modyul2.pptx
AP10_Q1_Modyul2.pptxAP10_Q1_Modyul2.pptx
AP10_Q1_Modyul2.pptx
 
PT_ARALING PANLIPUNAN 4_Q2.do 1st quartercx
PT_ARALING PANLIPUNAN 4_Q2.do 1st quartercxPT_ARALING PANLIPUNAN 4_Q2.do 1st quartercx
PT_ARALING PANLIPUNAN 4_Q2.do 1st quartercx
 
Modyul 12 sektor ng agrikultuta, industriya at pangangalak
Modyul 12   sektor ng agrikultuta, industriya at pangangalakModyul 12   sektor ng agrikultuta, industriya at pangangalak
Modyul 12 sektor ng agrikultuta, industriya at pangangalak
 
PART 5 NAT GRADE 10 ARALING PANLIPUNAN P
PART 5 NAT GRADE 10 ARALING PANLIPUNAN PPART 5 NAT GRADE 10 ARALING PANLIPUNAN P
PART 5 NAT GRADE 10 ARALING PANLIPUNAN P
 
Mga hamong pangkapaligiran
Mga hamong pangkapaligiranMga hamong pangkapaligiran
Mga hamong pangkapaligiran
 
Pre-Test.pptx
Pre-Test.pptxPre-Test.pptx
Pre-Test.pptx
 
PRE-TEST AP10.docx
PRE-TEST AP10.docxPRE-TEST AP10.docx
PRE-TEST AP10.docx
 
AP10_Q2_Mod3_Mga-Dahilan-at-Epekto-ng-Migrasyon (1).pdf
AP10_Q2_Mod3_Mga-Dahilan-at-Epekto-ng-Migrasyon (1).pdfAP10_Q2_Mod3_Mga-Dahilan-at-Epekto-ng-Migrasyon (1).pdf
AP10_Q2_Mod3_Mga-Dahilan-at-Epekto-ng-Migrasyon (1).pdf
 
Modyul 3 kakulangan at kakapusan sa pagtugon sa pangangaila
Modyul 3  kakulangan at kakapusan sa pagtugon sa pangangailaModyul 3  kakulangan at kakapusan sa pagtugon sa pangangaila
Modyul 3 kakulangan at kakapusan sa pagtugon sa pangangaila
 
DIAGNOSTIC TEST FOR Ap 4
DIAGNOSTIC TEST FOR Ap 4 DIAGNOSTIC TEST FOR Ap 4
DIAGNOSTIC TEST FOR Ap 4
 

More from JanCarlBriones2

More from JanCarlBriones2 (15)

Discuss the concept of an isometric drawing.pptx
Discuss the concept of an isometric drawing.pptxDiscuss the concept of an isometric drawing.pptx
Discuss the concept of an isometric drawing.pptx
 
isyu sa paggawa.pptx
isyu sa paggawa.pptxisyu sa paggawa.pptx
isyu sa paggawa.pptx
 
Week 6.pptx
Week 6.pptxWeek 6.pptx
Week 6.pptx
 
Week 3.pptx
Week 3.pptxWeek 3.pptx
Week 3.pptx
 
AralPan10_Q4L2.docx
AralPan10_Q4L2.docxAralPan10_Q4L2.docx
AralPan10_Q4L2.docx
 
AralPan10_Q4L4.docx
AralPan10_Q4L4.docxAralPan10_Q4L4.docx
AralPan10_Q4L4.docx
 
AralPan10_Q4L3.docx
AralPan10_Q4L3.docxAralPan10_Q4L3.docx
AralPan10_Q4L3.docx
 
AralPan10_Q4L1.docx
AralPan10_Q4L1.docxAralPan10_Q4L1.docx
AralPan10_Q4L1.docx
 
Week 2.docx
Week 2.docxWeek 2.docx
Week 2.docx
 
JAN CARL BRIONES-Writing Programs Using Loops.pptx
JAN CARL BRIONES-Writing Programs Using Loops.pptxJAN CARL BRIONES-Writing Programs Using Loops.pptx
JAN CARL BRIONES-Writing Programs Using Loops.pptx
 
01-11-23 Relieving Activity.pptx
01-11-23 Relieving Activity.pptx01-11-23 Relieving Activity.pptx
01-11-23 Relieving Activity.pptx
 
December 1 Relieving Activity .pptx
December 1 Relieving Activity .pptxDecember 1 Relieving Activity .pptx
December 1 Relieving Activity .pptx
 
Dahilan, Dimensyon at Epekto Ng Globalisasyon.pptx
Dahilan, Dimensyon at Epekto Ng Globalisasyon.pptxDahilan, Dimensyon at Epekto Ng Globalisasyon.pptx
Dahilan, Dimensyon at Epekto Ng Globalisasyon.pptx
 
Grade 10 EsP LAS.docx
Grade 10 EsP LAS.docxGrade 10 EsP LAS.docx
Grade 10 EsP LAS.docx
 
Relieving Activities Class A and D.pptx
Relieving Activities Class A and D.pptxRelieving Activities Class A and D.pptx
Relieving Activities Class A and D.pptx
 

Pre-Test.pptx

  • 2. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
  • 3. 1. Ang salitang ito ay ginagamit sa iba’t ibang konteksto. Isang halimbawa nito ay ang paggamit ng kontemporaryong daigdig na naglalarawan sa panahon mula ika-20 dantaon hanggang sa kasalukuyan. a. kontemporaryo b. isyu c. balita d. panahon
  • 4. 2. Mga pangyayari o ilang suliraning bumabagabag o gumagambala at nagpapabago sa kalagayan ng ating pamayanan, bansa, o mundo sa kasalukuyang panahon. Ang mga isyung ito ay maaaring may kaugnayan sa mga temang tulad ng lipunan, karapatang pantao, relihiyon, ekonomiya, at marami pang iba. a. kontemporaryong panahon b. kontemporaryong isyu c. kontemporaryo d. isyu
  • 5. 3. Napakahalaga ng pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu. Nililinang nito ang ating mga pansariling kakayahan at kasanayan sa pag-aaral at pag-iisip.Alin sa mga sumusunod na kahalagahan ng pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu ang may kinalaman sa ating pagiging mabuting mamamayan? a. Napag-iisipan natin kung ano ang mga nangyayari sa lipunan at sa daigdig b. Pinayayabong ang ating kaalaman bilang mag-aaral c. Hinuhubog nito ang ating pagkatao bilang isang responsableng mamamayan d. Nagkakaroon ng pagmamalasakit at pagmamahal sa bansa at mas nagiging isang mapagmatyag, matalino, at produktibong mamamayan
  • 6. 4. Ang pagtataguyod ng pagkakaisa, pag-unlad, at pagkakaroon ng kapayapaan sa ating bansa at sa buong daigdig ay nalilinang sa pamamagitan ng pag-aaral sa mga kontemporaryong isyu. Paano natin ito maisasakatuparan? a. Pang-unawa at paggalang sa mga batas at mga alituntunin b. Masidhing damdaming makabayan, makakalikasan, at makasandaigdigan c. Aktibong pagganap sa mga gawain d. Pag-unawa sa iba’t ibang isyu sa lipunan
  • 7. 5. Tumutukoy ang solid waste sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at komersyal na establisimyento, mga basura na nakikita sa paligid, mga basura na nagmumula sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang hindi nakakalason. Sang ayon sa pag-aaral ng National Solid Waste Management ng 2016, saan nagmumula ang malaking porsyento ng basura sa Pilipinas? a. Batangas b. Cavite c. Metro Manila d. Mindanao
  • 8. 6. Batay sa pag-aaral ng National Solid Waste Management Report ng 2015, anong uri ng basura ang may pinakamalaking porsyento ang itinatapon sa bansa? a. Biodegradable b. Recyclables c. Residual d. Special
  • 9. 7. Isa pang lumalaking suliranin ng Pilipinas ay ang tamang pagtatapon ng electronic waste o e-waste. Alin sa mga sumusunod na solid waste ang kabilang sa electronic waste? a. laptop, computer at cellular phone b. laptop, computer at mga basag na bubog c. computer at mga sirang yero d. lata, plastic at mga papel
  • 10. 8. Samantala, ang mga dumpsite sa Pilipinas, partikular sa Metro Manila, ay nagdudulot din ng panganib sa mga naninirahan dito. Anong panganib ang idinudulot ng mga katas ng basura o leachate sa tao mula sa Rodriguez at Payatas dumpsite na dumadaloy patungo sa ilog ng Marikina at Ilog Pasig hanggang sa Manila Bay. a. Nagtataglay ng lead at arsenic na mapanganib sa kalusugan ng tao. b. Panganib din ang dulot ng pamumulot ng basura sa kalusugan at buhay ng halos 4,300 na waste pickers sa mga dumpsite sa Metro Manila at sa maraming iba pa na pakalat-kalat at nagkakalkal sa mga tambak ng basura. c. Apektado din ang pag-aaral ng mga kabataang waste pickers bukod pa sa posibilidad na sila ay magkasakit, maimpluwensiyahan na gumawa ng ilegal na gawain, o kaya ay mamatay. d. Nadaragdagan din ang trabaho ng mga waste collector dahil kailangan nilang magsagawa ng waste segregation bago dalhin ang mga nakolektang basura sa dumpsite.
  • 11. 9. Ayon sa Food and Agricultural Organization ng United Nations, ano ang tawag sa matagalan o permanenteng pagkasira ng kagubatan dulot ng iba’t ibang gawain ng tao o natural na kalamidad? a. Deforestation b. Fuel Wood Harvesting c. Illegal Logging d. Migration
  • 12. 10. Alin sa mga sumusunod ang epekto ng climate change ang may kaugnayan sa kalusugan ng mga mamamayan sa Pilipinas? a. Pagliit ng produksiyon sa sektor ng agrikultura b. Pagtaas ng bilang ng mga nagiging biktima ng sakit dahil sa pabago-bagong panahon. c. Paglikas ng mga mamamayan dahil sa pagkasira ng tahanan dulot ng malalakas na bagyo d. Pagkawala ng tahanan dulot ng pagkain ng mga karagatan sa dating lupa na kinatatayuan ng kanilang tahanan.
  • 13. 11. Ano ang masamang epekto ng kawalang disiplina ng tao sa pagtatapon ng basura? I. Nagdudulot ng sakit sa mga tao II. Nakadaragdag ng polusyon sa hangin III. Nadaragdagan ang trabaho ng mga waste collector IV. Nadaragdagan ang kita ng mga tao a. I b. I at II c. II at III d. I,II, at III
  • 14. 12. Batay sa pag-aaral ng Asian Development Bank noong 2004, paano nakakaapekto ang mga dumpsite na matatagpuan sa Metro Manila? I. Ang mga basura ay nagtataglay ng lead at arsenic na mapanganib sa kalusugan ng tao. II. Ang mga kabataan ay naiimpluwensiyahang gumawa ng illegal na gawain o mamatay. III. Ito ay nakakaapekto sa pag-aaral ng mga kabataang waste picker IV. Nagsisilbing tirahan ng mga taong walang matirahan A. I B. I at II C. II at III D. I,II, at III
  • 15. 13. Taun-taon, maraming kalamidad ang nararanasan sa ating bansa. Ito ay nagaganap sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa. Maaari itong maganap kapag may malakas o tuloy-tuloy na pag-ulan sa matataas na lugar, pagputok ng bulkan, o paglindol. Maaari ring magkaroon nito dahil sa pagmimina o quarrying. a. flashflood b. landslide c. bagyo d. pagbaha
  • 16. 14. Ito ay sinasabing isang kakaibang panahon bunga ng pag-init ng katubigan ng Karagatang Pasipiko. Ang mga bansang apektado nito ay nakararanas ng tagtuyot na nagiging sanhi ng mga problemang pangkabuhayan. a. tsunami b. bagyo c. El Niño d. La Niña
  • 17. 15. Madalas maranasan ang kalamidad na ito sa mababang lugar sa ating bansa. Maaaring matinding pagbuhos ng ulan o matagal na pag-ulan. Maaaring dulot din ito ng pag-apaw ng mga ilog, estero, at mga kanal. a. pagbaha b. flashflood c. bagyo d. Landslide
  • 18. 16. Ang kalamidad na ito ay bunga ng pagyanig ng lupa na nagiging dahilan ng pagkasira ng mga gusali at mga kabahayan. a. pagputok ng bulkan b. tsunami c. lindol d. Landslide
  • 19. 17. Ano ang karaniwang dahilan kung bakit may nasasaktan at nawawalan ng buhay sa tuwing nagkakaroon ng kalamidad? a. Paninirahan sa matataas na lugar at sa mga paanan ng bundok b. Paninirahan sa estero, baybay ng dagat at ilog c. Patuloy ng pagpuputol ng mga puno sa mga kagubatan d. Pagtangging lumikas ng mga tao mula sa mga mapanganib na lugar
  • 20. 18. Pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang bansa na naniningil ng mas mababang bayad. a. Nearshoring c. Onshoring b. Offshoring d. Inshoring
  • 21. 19. Tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo mula sa kompanya sa kalapit na bansa. a. Nearshoring c. Onshoring b. Offshoring d. Inshoring
  • 22. 20.Pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na naglalayong hikayatin ang mga lokal na namumuhunan at bigyang- proteksiyon ang mga ito upang makasabay sa kompetisyon laban sa malalaking dayuhang negosyante a. Guarded Globalization c. Onshoring b. Offshoring d. Inshoring
  • 23. 21. Ang mga sumusunod ay naidulot ng globalisasyon sa paggawa MALIBAN sa isa a. ang demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa na globally standard b.nabigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa pandaigidigan pamilihan c. binago ng globalisasyon ang workplace at mga salik ng produksiyon d. mahal ang labor o pasahod sa mga manggagawa
  • 24. 22. Isa sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang pagbabago sa workplace ng mga manggagawa, binago rin nito ang sistema ng pagpili sa mga manggawa. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapatunay ng pagbabagong ito? a.Humigpit ang pagproseso sa pagpasok ng mga dayuhang kompanya, produkto at serbisyo sa bansa kaya’t kinailangan ng mga world class workers. b.Tumaas ang kalidad ng mga lokal na produkto sa pandaigdaigang pamilihan kaya’t kinailangang mag-angkat ng mga eksperto sa ibang bansa para sanayin ang mga lokal na manggagawa. c. Humirap ang kalagayan ng mga dayuhang kompanya sa pagpasok sa bansa kaya’t kinailangang pababain ang sweldo ng mga lokal na manggagawa. d.Naging malaya ang pagpasok ng mga dayuhang kompanya sa bansa dahil sa mababang pagpapasweldo at pagngonguntrata lamang sa mga lokal na manggagawa.
  • 25. 23. Mahalaga sa isa manggagawa ang seguridad sa paggawa sa kaniyang pinapasukang kompanya o trabaho subalit patuloy ang paglaganap ng iskemang subcontracting sa paggawa sa bansa. Ano ang iskemang subcontracting? a.Sistema ng pagkuha ng isang kompanya sa isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon. b.Iskema ng pagkuha ng isang ahensiya o indibiwal nasubcontractor ng isang kompanya para sa pagsagawa ng isang trabaho o serbisyo. c.Pag-eempleyo sa isang manggagawa upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa loob ng 6 na buwan. d. Pagkuha sa isang ahensiya o indibidwal nasubcontractor sa isang manggagawa sa loob ng mas mahabang panahon.
  • 26. 24. Tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho, malaya at pantay na oportunidad sa paggawa, at maayos na workplace para sa mga manggawa.Sa anong haligi ng paggawa ito nabibilang a.Employment Pillar c. Workers Right Pillar b. Social Protection Pillar d. Social Dialogue Pillar
  • 27. 25. Ang mga sumusunod ay isyung kinakaharap ng bansa sa paggawa maliban sa isa a. unemployment at underemployment c. Ofw b. kakulangan sa pagbibigay ng ayuda d. Guarded Globalization
  • 28. 26. Dalawang konsepto na madalas mapagpalit ay ang seksuwalidad at kasarian. Bagaman magkaugnay ang dalawang konseptong ito, natatangi ang kahulugan ng bawat isa. Ito ay tumutukoy sa natural o biyolohikal na katangian bilang lalaki o babae. a. seksuwalidad b. kasarian c. sexual orientation d. gender identity
  • 29. 27. Samantala ito naman ay tumutukoy sa isang aspektong kultural na natutuhan natin. Ang mga ideya natin ay natutuhan natin mula sa lipunang ating kinabibilangan at ginagalawan. Napananatili at naipapasa ang mga ideya at paniniwalang ito sa pamamagitan ng pakikipagtalastasan at pag-aaral. Sa madaling salita tinutukoy nito ang pambabae at panlalaki. a. seksuwalidad b. kasarian c. sexual orientation d. gender identity
  • 30. 28. Paano nagkakaiba ang kasarian at seksuwalidad? a. Hindi nagkakaiba ang kahulugan ng dalawang ito. b. Ang kasarian ay epekto ng kultura samantalang ang seksuwalidad ay biyolohikal. c. Ang kasarian ay biyolohikal samantalang ang seksuwalidad ay kultural. d. Ang kasarian ay seksuwalidad at madaling mapalitan ng sinuman.
  • 31. 29. Tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal, emosyonal, sekswal; at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa. a. seksuwalidad b. kasarian c. sexual orientation d. gender identity
  • 32. 30. Mga taong nagkakaroon ng seksuwal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na kasarian, mga lalaking mas gustong lalaki ang makakatalik at mga babaeng mas gusto ang babae bilang sekswal na kapareha. a. heterosexual b. homosexual c. asexual d. bisexual
  • 33. 31. Sila naman ang mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian. a. heterosexual b. homosexual c. asexual d. bisexual
  • 34. 32. Mga taong walang nararamdamang atraksiyong seksuwal sa anumang kasarian . a. heterosexual b. homosexual c. asexual d. bisexual
  • 35. 33. Dahil sa diskriminasyon marami sa mga homosekswal ang nakararanas ng depresyon, pagiging mapag-isa, hindi pagpasok sa paaralan, at pagpapatiwakal. Ang mga sumusunod ay mga uri ng diskriminasyon na nararanasan ng mga LGBT maliban sa isa. a. Hindi pagtanggap sa kanila sa trabaho b. Mga pang-iinsulto at pangungutya c. Hindi pagpapatuloy sa establisyemento d. Panghihipo at paghawak sa bahagi ng katawan nito
  • 36. 34. Maaaring mangyari ang uri ng diskriminasyong ito kung ang indibidwal o organisasyon ay hindi binibigyan ng kaukulang karapatan ang isang taong kabilang sa LGBT mula sa pabahay, hanapbuhay o serbisyo, binabawasan ang mga benepisyo nito, at pagtrato nang hindi tama nang walang isang lehitimong dahilan. a. tuwirang diskriminasyon b. di-tuwirang diskriminasyon c. diskriminasyon sa pagkakakilanlan d. relasyon sa iba
  • 37. 35. Nakararanas din ng diskriminasyon ang mga babae sa paghahanapbuhay. Ang mga sumusunod ay mga uri ng diskriminasyon sa paghahanapbuhay para sa kababaihan maliban sa isa. a. Nakatatanggap ang mga kababaihan ng mababang sahod at temporaryong trabaho. b. Itinatalaga rin sila sa mababang posisyon. c. Ang kababaihan ay agrabiyado, dahil dito nakatali sa pinansyal na suporta ng kanilang asawa at anak ang mga babae. d. Itinuturing na magkaiba ang kakayahan ng kababaihan at kalalakihan sa pagtugon sa pang-ekonomiyang pangangailangan.
  • 38. 36. Nagdala ng ideya ng kalayaan, karapatan, at pagkakapantay- pantay sa Pilipinas ang pagdating ng mga mananakop na ito. At nagsimula ang pampublikong paaralan na bukas para sa kababaihan at kalalakihan, mahirap o mayaman, maraming kababaihan ang nakapag-aral. a. Panahon bago ang mga mananakop b. Panahon ng mga Espanyol c. Panahon ng mga Amerikano d. Panahon ng Hapon
  • 39. 37. Ito ay isang tradisyong Hindu kung saan sinusunog ang asawang balo kasabay ng kanyang namatay na asawa sa paniniwalang magsasama sila ng maluwalhati sa kabilang buhay. a. funeral pyre b. breast flattening c. foot binding d. purdah
  • 40. 38. Ang tawag sa ganitong klase ng mga paa ay lotus feet o lily feet. Halos isang milenyong umiral ang tradisyong ito sa Tsina. Ang pagkakaroon ng ganitong klase ng paa sa simula ay kinikilala bilang simbolo ng yaman, ganda, at pagiging karapat-dapat sa pagpapakasal. Subalit dahil sa ang mga kababaihang ito ay may bound feet, nalimitahan ang kanilang pagkilos, pakikilahok sa politika, at ang kanilang pakikisalamuha. a. funeral pyre b. breast flattening c. foot binding d. purdah
  • 41. 39. Isang lider-ispiritwal na may tungkuling panrelihiyon at maihahalintulad sa mga sinaunang priestess at shaman. a. babaylan b. albularyo c. datu d. timawa
  • 42. 40. Maaaring mangyari ang uri ng diskriminasyong ito kung ang indibidwal o organisasyon ay hindi binibigyan ng kaukulang karapatan ang isang taong kabilang sa LGBT mula sa pabahay, hanapbuhay o serbisyo, binabawasan ang mga benepisyo nito, at pagtrato nang hindi tama nang walang isang lehitimong dahilan. a. tuwirang diskriminasyon b. di-tuwirang diskriminasyon c. diskriminasyon sa pagkakakilanlan d. relasyon sa iba
  • 43. 41. Nakararanas din ng diskriminasyon ang mga babae sa paghahanapbuhay. Ang mga sumusunod ay mga uri ng diskriminasyon sa paghahanapbuhay para sa kababaihan maliban sa isa. a. Nakatatanggap ang mga kababaihan ng mababang sahod at temporaryong trabaho. b. Itinatalaga rin sila sa mababang posisyon. c. Ang kababaihan ay agrabiyado, dahil dito nakatali sa pinansyal na suporta ng kanilang asawa at anak ang mga babae. d. Itinuturing na magkaiba ang kakayahan ng kababaihan at kalalakihan sa pagtugon sa pang-ekonomiyang pangangailangan.
  • 44. 42. Ang mga sumusunod ay mga anyo ng diskriminasyon na nararanasan sa tahanan maliban sa isa. a. May pagkakaiba ang mga gawaing nakaatang sa kanila gaya ng paggawa ng desisyon at paghanap ng mapagkukunan ng pangangailangan sa tahanan. b. Itinuturing na magkaiba ang kakayahan ng mga kababaihan at kalalakihan sa pang-ekonomiyang pangangailangan. c. Karaniwang ang magulang na babae ang naiiwan sa tahanan para mag-asikaso ng mga anak. d. Ipinakikita nito ang kababaihan bilang mga sexual object para sa mga kalalakihan.
  • 45. 43. Karapatan ng lahat ang mabuhay. Walang sinuman ang maaaring basta na lamang pagkaitan ng buhay sa anumang dahilan, kabilang ang may kaugnayan sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Ang parusang kamatayan ay hindi ipapataw sa sinuman dahil sa consensual sexual activity ng mga taong nasa wastong gulang o batay sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Anong karapatan ang tinutukoy sa prinsipyong ito? a. Ang Karapatan sa Buhay b. Ang Karapatan sa Trabaho c. Ang Karapatan sa Edukasyon d. Ang Karapatang Lumahok sa Buhay-Pampubliko
  • 46. 44. Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon nang walang diskriminasiyong nag-uugat at sanhi ng oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian. a. Ang Karapatan sa Buhay b. Ang Karapatan sa Trabaho c. Ang Karapatan sa Edukasyon d. Ang Karapatang Lumahok sa Buhay-Pampubliko
  • 47. 45. Bawat mamamayan ay may karapatang sumali sa mga usaping publiko, kabilang ang karapatang mahalal, lumahok sa pagbubuo ng mga patakarang may kinalaman sa kaniyang kapakanan; at upang mabigyan ng pantay na serbisyo-publiko at trabaho sa mga pampublikong ahensiya, kabilang ang pagseserbisyo sa pulisya at militar, nang walang diskriminasiyong sanhi ng oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. a. Ang Karapatan sa Buhay b. Ang Karapatan sa Trabaho c. Ang Karapatan sa Edukasyon d. Ang Karapatang Lumahok sa Buhay-Pampubliko
  • 48. 46. Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na larangan kundi gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya. a. CEDAW b. GABRIELA c. Ang LADLAD d. VAWC
  • 49. 47. Paano pinapangalagaan ng pamahalaan ang mga karapatan ng mga mamamayan? a. Ipinapaalam nito sa mga mamamayan ang kanilang mga karapatan b. Pinaparusahan nito ang sinumang lumabag sa karapatan ng kapwa mamamayan. c. Dinadagdagan nito ang mga karapatan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng batas d. Tinatanggalan nito ng mga karapatan ang mga mamamayang lumalabag sa batas ng estado
  • 50. 48. Bakit mahalaga ang Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao? a. Iniiwasan nito ang diskriminasyon b. Itinataguyod nito ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao c. Pinapangalagaan nito ang maliliit na bansa tulad ng Pilipinas d. Sinisiguro nitong walang magaganap na paglabag sa karapatang pantao
  • 51. 49. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito: “ LGBT rights are human rights “ Ban Ki- Moon, dating UN Secretary General. a. Ang mga LGBT ay dapat tratuhing tao b. Ang mga LGBT ay may karapatang pantao c. May pantay na karapatan ang lahat ng tao d. Ang karapatan ng mga LGBT ay kabilang sa karapatang pantao
  • 52. 50. Sinasabi sa iyo ng inyong lola na ang pagiging bakla o tomboy ay kasalanan. Ano ang sasabihin mo sa iyong lola? a. Ipagtatanggol ko ang mga bakla at tomboy sa aking lola b. Sasabihin ko sa lola ko na walang masama sa pagiging bakla at tomboy c. Hindi na lang ako kikibo d. Ipaliliwanag ko sa aking lola na kailangan ng mga bakla at tomboy na tanggapin sila sa lipunan