1. Republic of the Philippines
DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY
Villa de Bacolor, Pampanga
Pagsusuring Pampelikula
(Dayo: Sa Mundo ng Elementalia)
RONALD FRANCIS SANCHEZ VIRAY
MASTER OF ARTS IN EDUCATION MANAGEMENT
Chona Navarro, PhD
2. Pagsusuring Pampelikula
1. Pamagat: Dayo: Sa Mundo ng Elementalia
Sa direksiyon ni: Robert Quilao
Maraming kahulugan ang maaaring mailapat sa salitang dayo. Ang
salitang ito ay maaaring pumapatungkol sa isang bisita, dalaw, estranghero,
dayuhan o ang tinatawag nilang taga-ibang lupa. Tumutukoy ito sa isang tao o
bagay na bago lamang sa isang partikular na lugar at ang dayong tinutukoy ng
may likha sa pamagat ng pelikula na ito ay ang isang batang napadpad sa ibang
dimensiyon o sa mundong punong-puno ng kababalaghan at mga element, ito ay
ang mundo ng elementalia. Isang nakatutuwang paglalakbay ng isang dayo ang
makikita sa pelikulang “Dayo: Sa Mundo ng Elementalia”. Sa hindi inaasahang
pagkakataon ay kinailangang maging dayo ni Bubuy sa mundong nababalutan
ng misteryo para sagipin ang kaniyang lolo at lola na nilamon at dinala sa
ibayong lugar na kakaiba sa muno ng mga to na tinatawag na mundo ng
Elementalia. Ang mundong ito ang naging daan para maranasan ng
pangunahing tauhan ang iba’t ibang karanasan na hindi kailanman nabubuhay
sa mundong kaniyang ginagalawan. Ngunit ano ang kinalaman ng pamagat sa
kwento? Ang buong daloy ng pamagat at patungkol sa batang dumayo sa
mundo ng elemetalia upang masagip ang kaniyang lolo at lola. Nakaakma ang
pamagat sa daloy ng kwento at masasabing napakaganda ng kwento sapagkat
maraming kang mapupulutang aral. Sa pamamagitan ng pagpapakahulugan sa
salitang dayo na pumapatungkol sa pagpunta ng batang si Bubuy sa ibang
3. mundo na tinatatawag mundo ng Elementalia, maaring sabihin na iyon ang
pagpapakahulugan ng pamagat ng nasabing pelikula.
2. Pangunahing Tauhan
1. Bubuy- Ang batang naging dayo sa mundo ng Elementalia upang sagipin ang
kaniyang lolo Miong at lola Nita sa pagkakabihag ng isang puno ng balete.
Kinatawan niya ang mga batang may mataas na hangarin sa buhay at ang mga
batang mapagmahal sa pamilya na lumaki sa pangangala ng kanilang lolo at
lola.
2. Anna- Isang batang mananananggal na tumulong kay Bubuy upang
makarating sa mundo ng Elementalia. Siya rin ang nagging kaagapay ni buboy
sa paglalakbay sa Elementalia at katulong na sumagip sa kaniyang lolo at lola.
Kinatawan niya ang mga taong handang tumulong sa ibang kapwa na hindi
humihingi ng anumang kapalit at ang mga kaibigan na kaagapay sa kalungkutan
at kasiyahan.
3. Narsi- Isang narcissistic na tikbalang, siya rin ay tumulong kay Bubuy sa
paglalakbay sa Elementalia upang masagip ang kaniyang lolo at lola. Isa rin
siyang kinatawan ng mga taong hindi mang-iiwan at buong pusong tutulong sa
kanilang kapuwa.
4. Lolo Miong at Lola Nita- Sila ang mapagmahal na lolo at lola ni Bubuy na
nilamon at dinala sa ibang mundo na tinatawa na mundo ng Elementalia. Imahe
4. sila ng mga lolo at lola na kahit matatanda na ay patuloy pa ring nag-aaruga ng
kanilang mga apong iniwan at hindi maalagaan ng kanilang mga magulang.
5. Mang Nano – isang matandang duwende na tumulong kay Bubuy upang
maisakatuparan ang pagsagip sa kaniyang lolo at lola. Imahe rin siya ng mga
matatandang may malasakit sa kaniyang kapuwa.
6. Carpio- isang manananggol na manannggal at ama ni Anna. Pigura siya ng
mga taong hindi nabibigyan ng pansin ang kanilang mga anak dahil sa sobrang
babad sa trabaho ngunit handang gawin ang lahat para sa ikabubuti ng kanilang
anak
3. Pangunahing Tagpuan
Ang pangunahing tagpuan sa pelikula sa naganap sa mundo ng
Elementalia. Naging dayo si Bubuy sa Elementalia upang masagip ang kaniyang
minamahal na lolo at lola. Sa nakagagalak at kapanapanabik na paglalakbay ni
Bubuy kasama ang kaniyang mga kaibigan na sina Anna at Narsi na kapwang
naninirahan sa naturang mundo ay masasaksihan ang kakaibang paglalakbay ng
magkakaibigan. Saksi ang lugar na ito sa kabayanihan, katapangan,
kaligayahan, at pagmamahal ng nasabing bata sa kaniyang lolo at lola na silang
nagsisilbing magulang upang mailigtas ito sa kapahamakan. Sa mundong ito
naganap ang mga mahahalagang panyayari sa nasabing pelikula. Hitik sa mga
kapanapanabik sa eksena ang masasaksihan sa Elementalia. Masusubaybayan
ang kakaibang paglalakbay ni Buboy sa Elementalia upang mailigtas ang
5. kaniyang lolo at lola, kaagapay niya sa kaniyang naturang paglalakbay ang
kaniyang mga kaibigan na sina Anna at Narsi. Sa mundo ng Elementalia
pinatunayan ni Bubuy na handa ang mga taong maglakbay sa ibayong lugar
upang masagip lamang ang kanilang mga mahal sa buhay.
Isa sa mga simbolo ng mundo ng Elementalia ay ang mga pagsubok na
kinahaharap ng mga tao. Pinakita sa pelikula ang mga paghihirap ni Bubuy sa
mundo ng Elementalia upang masagip ang kaniyang lolo at lola. Si Bubuy ay
dumayo sa mundo ng Elementalia at doon siya ay nakaranas ng iba't ibang
karanasan. Waring mga pagsubok sa buhay, ito ay dadaan o dadayo lamang sa
buhay at kapag ito ay napagtagumpayang masulusyonan ay magiging isang
mabuting aral. Nakita rito ang katagagan ni Buboy upang humarap sa anumang
kapaitan ng buhay na kanyang tinatamasa. Isa pa sa simbolismo ng Elementalia
ay ang lugar na pinapagpantasyahan na hindi sukat akalain na tunay pa lang
nakatayo. Hindi na lingid sa kaisipan na hanggang ngayoin ay isang malakiung
misteryo kung tunay nga bang may mundo para sa mga ibang elemento,
engkanto, at mga aswang. Ang mundo ng Elementalia ay waring mundo nan ais
puntahan ng isang tao upang takasan ang mapait na reyalidad. Mundong puno
ng pantasya at magagandang tanawin na kakikitaan sa mundo ng Elementalia.
4. Tema ng Pelikula
Ang tema ng pelikula ay napapaloob na rin sa pamagat nito, ito ay
pumapatungkol sa pagiging dayo ng isang bata na si Bubuy sa mundong hindi
6. niya kinagisnan at ito ay ang mundo ng Elementalia. Ito ay pinaghalong aksyon,
komedya, at adventure na klase ng pelikula. Ang kwento ng nasabing pelikula ay
umiikot sa pangarap, katapangan at ang pagmamahal ng pangunahing tauhan
na si Bubuy sa kaniyang mga mahal buhay. Makikita na kahit bago at hindi
pamilyar sa kaniya ang mundong napuntahan ay handa pa rin siyang tumahak
sa landas na iyon upang masagip ang kaniyang lolo at lola. Masasaksihan rin sa
pelikula ang kakaibang pagkakaibigan ng isang tao, mananangal, at tikbalang.
Bunga nito, kakikitaan ang pelikulang ito ng mga paniniwala ng mga tao sa mga
iba’t ibang nilalang na hindi nabubuhay dito sa mundong ibabaw na kilala rin sa
katawagang ibang elemento, engkanto, aswang, at marami pang-iba. Ang
pagbabago ni Buboy ay makikita sa pelikulang ito. Mula sa binubullying bata sa
mundo ng mga tao hanggaang maging isang magiting na bayani sa mundo
Elementali sa pamamagitan ng pagsagip niya sa kaniyang lolo at lola.
5. Mga Aspektong Teknikal
A. Musika
Ang musikang gagamitin sa isang pelukula ang isa sa mga tatak sa isipan
ng mga manonood. Inaasahan na sa pamamagitan ng musikang gagamitin ay
masasalamin ang buhay o pinagdaanan ng pangunahing tauhan. Masasabing
akma ang pagkakalapat ng mga musika napakinggan sa Dayo: Sa Mundo ng
Elementalia. Sa pagsusuring ginawa sa pelikula masasabi ng mga tagasuri, ang
kabuuang musika ay akmang-akma sa partikular na damdamin o temang
7. ipinakita sa bawat sandali ng pelikula dahil na rin nakatulong ang mga ito upang
ipahayag ang damdamin na gustong iparating ng mga tauhan na pupukaw sa
atensyon ng mga manunuod. Isang magandang halimbawa na lang ang theme
song na ginamit sa pelikula na pinamagatang Lipad na inawit ng nag-iisang si
Lea Salonga. Ang bawat linya ng liriko ng Lipad ay sinsalamin ang pangarap ni
Bubuy na makalipad balang araw. Saktong-sakto ang pagkakalapat ng musikang
ito sa pelikula sa kadahilanang, nang sandalling makalipad si bubuy sa
himpapawid sa tulong ni Anna ay ang pagpapatugtog sa Lipad. Bakas sa mukha
ni Buboy ang kasiyahan sa kaniyang mukha dahil naisakaturapan na niya ang
kanyang ninanaais at ito naman ang pinakaaral ng Lipad, ang pagtupas sa mga
pangarap. Ginagamit ng musika ang mga direktor ng pelikula para alamin natin
kung anu-ano ang mga nararamdaman ng mga tauhan sa kuwento.
B. Sinematograpi
Isang malaking aspekto ng isang pelikula ang sinematograpiya nito. Ang
pelikuang Dayo: Sa Mundo ng Elementalia ay isang animated na pelikula na
kung saan ipinapakita ang kahusayan na tinataglay ng bawat Pilipino sa pagawa
ng isang animated na pelikula. Naging maayos ang pagkakalikha sa bawat
eksenang nagnap sa pelikula. Ang mga litratong iginuhit ay klaro at nagbigay
kulay sa mga eksena. Naramdaman ng mga tagasuri na nakapsapok sila sa
mundo ng Elementalia sa pamamagitan ng mahusay na pagkakaguhit sa
mundong nasabi. Kamangha-mangha ang mga tanawing naiguhit sa pelikula
8. kaya nanaisin ng mga tagasuri na sila ay makapunta sa Elementalia. Isang
malaking adbentahe ang pagiging animated ng pelikula sapagkat nailarawn ito
ng maayos. Ang bawat mga tanawin na makikita sa pelikula ay hindi sukat
akalain sa taglay nitong ganda. Ang bawat anggulong ipinakita sa pelikula ay
akma sa mga eksenang naganap. Sa kabuuan ay naging matagumpay ang
kanilang pagtutugma ng mga tunog, pagkuha ng anggulo ay naging
makatotohanan at naihatid ng maayos ang mga eksena sa pelikula. Masasabi ng
mga tagasuri na Malaki ang potensyal ng mga Pilipino sa paggawa ng isang
animated na pelikula dahil sa nasaksihan nila sa Dayo: Sa Mundo ng
Elementalia.
C. Pagkasunod sunod ng mga pangyayari
May iba’t ibang estilo ang mga manunulat at direktor sa pagsasalayasay
at pagpapakita ng kwento at eksena sa pelikula. Mahalaga sa isang eksena ang
mahusay at maayos na pagpapakita sa bawat detalye o kabuuang pangyayari sa
pelikula sapagkat ito ang madalas tinitignan ng mga manonood. Ito rin ay
magandang pamantayan upang malaman kung ang pagkakagawa sa pelikula ay
naging mahusay. Sa pelikulang Dayo: Sa Mundo ng Elementalia, ang mga
pangyayari rito ay sunod-sunod na naipakita ng awtor mula sa panimulang
pangyayari na unti-unting nakapukaw ng pansin sa pambihirang karanasan ng
pangunahing tauhan, sa karurukan o kasukdulan na pakikipagsapalaran nito sa
mundo ng Elementalia, sa kakalasan na pagmamahal na ipinakita nito sa
9. pagsagip sa mga mahal sa buhay at sa wakas na nagbigay aral para sa kaniya.
Bagamat hindi maiiwasan na may mga eksena o detalye hindi maiintindihan o
pagkakaroon ng kalituhan sa daloy ng pelikula tulad nalamang sa parte kung
saan si Bubuy ay nakatulog at nananaginip ngunit ito pala ay totoong nangyayari
o nagaganap sa pelikula. Kakikitaan din ang pelikula ng isang flashback na
istorya, ito ay ang muling naalala ni Bubuy ang kanyang lolo at lola nang
kanyang makita ang kanilang letrato. Isang magandang estilo ang naipakita sa
paggamit ng flashback upang maipikita ng malinaw ang mga kaganapang
naganap na sa buhay ng pangunahing tauhan. Sa kabuuan, ang pagkasunod-
sunod ng pangyayari ay maayos at hindi naging mahirap para sa manonood na
unawain ang bawat detalye sa eksena dahil naipakita ng may likha ang
koneksiyon ng mga pangyayari sa bawat isa.
D. Pagganap ng mga Pangunahing Tauhan
Ang pagpili ng mga tauhan sa pelikula ay isa mga krusyal na desisyon na
gagawin. Nakasalalay sa mga tauhan na kito kung maganda ang kalalabasan ng
pelikula. Sa kaso ng Dayo: Sa Mundo ng Elementalia, akma ang mga nakuhang
voice actor na magbibigay buhay sa bawat tauhan sa pelikula. Mahusay na
nagampanan ng mga voice actor ang paglalapat ng boses sa mga tauhan sa
pelikula at napatunayan nila ang kanilang kahusayan kahit boses lamag ang
kanilang ginagamit upang magampan ng husto ang bawat karakter na kanilang
ginagampanan. Damang-dama ng mga tagasuri ang katauhan ng kanilang
10. ginagampanan at angkop na angkop ang kanilang boses sa pagganap na siyang
lalong nagpakita sa kanilang kagalingan. Tugma ang pagboboses ni Nash Aguas
sa pangunahing tauhan na si Bubuy sapagkat naipakita sa masiglang boses ni
Nash Aguas ang katangian ni Bubuy. Akma rin ang pagkakaboses ng mga voice
actor sa bawat emosyon na nais ipadama ng bawat tauhan. Naramdaman ng
mga tagasuri ang emosyon ng bawat voice actor at masasabi nila na saktong-
sakto ang boses ng bawat tauhan. Sa kabuuan, nabigyan ng hustisya ng mga
voice actor ang mga tauhan na kanilang binigyang buhay sa pagmamit ng
kanilang natatanging boses.
E. Mga Kulturang Inihayag sa Pelikula
Hitk na hitik sa mga kultura ng Pilipinas ang pelikulang Dayo: Sa Mundo
ng Elementalia. Sa pagsusuring ginawa ng mga tagsuri sa naturang pelikula,
kakikitaan ito ng mga mayayamang kultura ng mga Pilipino. Sa simula pa lamang
ng pelikula ay makikita na ang mga Amerikano ay may magandang naiambag sa
mga Pilipino. Ito ay ang pagkakaroon ng pormal na edukasyon ng mga Pilipino
na maaring binubuo ng palakasan at akademya sa loob ng paaralan. Isama pa
rito ang pagdaan ng mga jeepney sa kalsada. Ito ay malimit na gamitin ng mga
Pilipino bilang isang uri ng sasakyan o transportasyon na panlupa. Makikita rin
sa loob ng pelikula na si Bubuy ang pangunahing tauhan sa kwento, na
gumagamit ng "po at opo" tuwing makikipag-usap siya sa kaniyang mga lolo't
lola. Maging ang pagmamano ni Bubuy sa kaniyang lolo't lola tuwing siya'y uuwi
11. ay pagpapakita ng kulturang pagiging magalang at marespeto ng mga Pilipino.
Sa puntong ito, masasabi na likas talaga sa mga Pilipino ang pagkakaroon ng
mabuting-asal tulad na lamang ng pagmamano at paggamit ng "po at opo" sa
mga nakakatanda o maging sa kausap. Karagdagan pa, sa pagtatanong ng
"kumusta ka apo?" at ang pagyakap sa kasapi ng pamilya sa palabas ay sagisag
ng pagiging mapagmamahal sa pamilya ng mga Pinoy. Maging din ang sabay-
sabay sa hapagkainan tuwing oras ng hapunan ay tanda na ang mga Pilipino ay
pinapahalagahan ang salitang pamilya. Kakikitaan rin ang pelikula ng pagtulong
sa kapwa o ang tinatawag na bayanihan ng mga Piipino. Ito ay makikita sa
parting humingi ng tulong si Bubuy sa kanyang mga kapit-bahay at walang pag-
aatubili naming pumunta ang mga ito sa kanilang tahanan. Masasalamin sa
pangyayaring iyon ang pagkakaroon ng pusong matulungin ng mga Pilipino.
Sunod na man sa palabas ay mapapanood na may Last Supper at mga
na nakakabit sa kusina at estatwa ni Birhen Maria sa loob ng kwarto ng pamilya
ni Buboy na tanda ng pagiging relihiyoso at deboto ng mga kristiyanong katoliko.
Mayroon ding nabanggit ang batang si Buboy na pagsunod sa 10 Commanments
na alam na man ng lahat na ito'y parte ng pananampalataya na kung saan
makikita ang pagsunod sa mga utos ng Diyos ng bawat mananampalataya.
Isama pa sa kultura ng mga Pilipino ang pagsasabit ng mga malalaking kutsara
at tindidor bilang disensyo sa kanilang mga tahanan. Bilang panghuli,
maiilalarawan din sa pelikulang Dayo: Sa Mundo ng Elementalia ang paniniwala
ng mga Pilipino sa mga pamahiin. Isang magandang halimbawa nito ay ang
pagsabi ng lolo ni Buboy sa palabas na hindi niya maaring sirain ang punso na
12. namuo sa kanilang bakuran dahil daw baka gantihan siya ng duwendeng
namamahay sa punso. Naniniwala rin sa kababalaghan at mga iba't-ibang uri ng
mga elemento. Tulad na lamang ng mga elementong makikita sa palabas;
Manananggal, Kapre, Tikbalang, Duwende, Nuno, Bruhang Engkanto, at
Tiyanak. Sa puntong ito, masasabi na ang mga nakatatandang mga Pilipino o
ang mga ninuno ng mga Pilipino ay may naipamana sa ibang mga henerasyon
sa pamamagitan ng kanilang pagkukuwento, o marahil ay sariling karanasan nila
na kanilang itinatak sa ating isipan na kung kaya't ang kanilang mga kwentong
bayan na magaphanggang ngayon ay may epekto pa rin sa pamumumuhay ng
bawat indibidwal.
6. Kahalagahang Pantao
A. Paglalapat ng teoryang pampanitikan.
1. Teoryang Arkitaypal- Ang panitikang ito ay tumutukoy kung paano maipakita
ang mga simbolismo sa akda. Makikita sa pelikulang Dayo: Sa Mundo ng
Elementalia kung paano nagamit ang mga Simbolismo sa paglapat ng mga
kahulugan. Gaya ng Last Supper na nakasabit sa harapan ng hapagkainan at
ang pagdarasal at paniniwala sa mga santo, makikita natin na may
pagkarelihiyoso ang mga tauhan. Dahil sa mga simbolismo, madali nating
nabibigyan ng kahulugan kung paano ba binibigyan ng kahulugan ang mga
simbolo na ginamit sa pelikula.
13. 2. Teoryang Bayograpikal -Sa panitikang ito naman naman ay nakatuon kung
paano ipinamalas ang karanasan sa buhay ng may akda. Ipinahihiwatig sa
teoryang ito ang buhay ng may akda na kung saan minsan siyang naging
masaya, malungkot, nakaranas ng paghihirap at pagsubok at iba pa. Sa
pelikulang Dayo Sa Mundo ng elementalia, makikita kung paano nalampasan
ang mga pagsubok na pinagdaan ni Bubuy. Unang makikita sa kwento ang
kasiyahan sa pamumuhay niya dahil sa tulong ng kaniyang lolo at lola.
Pangalawa, naging malungkot si Bubuy nang kinuha ng puno ng balete ang
kanyang lolo at lola dahil sa kagagawan niyang pagsunog sa punong ito.
Pangatlo, nakita rin sa kwento ang pagsubok na kailangan niyang malampasan
para lamang makuha niya ang mga kakailanganing sangkap para mailigtas ang
kanyang lolo at lola. Kung saan dito makikita ang pahihirap na naranasan ni
bubuy. At panghuli, ang masayang wakas. Nailigtas ni Bubuy ang kanyang lolo
at lola at pinangko niyang susunod na ito sakanya. Kung susuriin nating maigi,
akamang-akma ang teoryang bayograpikal. Nakita ang naging karanasan ni
Bubuy sa kaniyang buhay. Naging masaya, malungkot, dumaan sa mga
pagsubok at pahihirap na talaga nga namang makikita natin ang naging
karanasan niya sa kwento.
3. Teoryang Kultural- Dito naman sa kulturang kultural ay makikita ang kultura na
ginamit sa pelikula. Sa pelikulang Dayo: Sa Mundo ng Elementalia, masasalamin
ang kulturang Pilipino. Una ay ang pagiging relihiyoso ng mga Pilipino.
Masasalamin sa pelikulang ito kung paano magdasal si Bubuy sa tuwing gabi at
14. ang mga santo na kabilang sa kanilang paniniwala. Pangalawa, naniniwala rin sa
mga lamang lupa o mga engkanto ang mga Pilipino, gaya ng tikbalang,
manananggal, at iba. At ang pinakaimportanteng nakita ng mga tagasuri
nasalamin sa kultura ng mga Pilipino ay ang pagmamano at pagkain ng sabay-
sabay, at pagmamahal sa pamilya. Ang mga Pilipino ay nakaugalian ng kumain
ng salo-salo dahil dito nakakabuo sila ng mga kwentuhan na hindi masyadong
nagagawa. Ang pagmamano ay isa rin sa mga nakaugalian ng mga Pilipino na
susimbolo sa pagbibigay ng galang o pagrespeto sa mga nakakatanda. Ang
pinakahuli ay ang pagmamahal sa pamilya. Tinuturing ng mga Pilipino ang
kanilang mga pamilya bilang kanilang natatanging kayamanan sa buhay. Kung
kaya't ang teoryang kultura ay lapat din dito sa pelikula.
B. Simbolismo
1. Ang mga santo- Sinisimbolo nito kung paano naging relihiyoso ang mga
tauhan sa pelikula. Ito ang pinagkukunan nila ng lakas upang ipagpatuloy ang
buhay. Sa kabilang banda, ito rin ang nasasandalan ng tauhan sa tuwing
humihingi diya ng gabay at kapatawaran. Nasasalamin nito ang pagiging malapit
ng mga Pilipino sa Diyos.
2. Ang mga imahe o larawan- Kung mapapansin ay noong ipinakita na ang mga
larawan ay bumalik ang mga naging alaala ni Bubuy sa panahong kasama pa
niya ang kaniyang lolo at lola. Ang mga larawan ang nagsisilbing salamin sa mga
magagandang nangyari sa buhay ng mga tao. Ito ang mga nagsisilbing memorya
sa mga mahahalagang panyayaring naganap sa kanila buhay. Sinisimbolo rin ng
15. mga larawang ito ang kalakasan at inspirisyon ni Bubuy sa pagliligtas niya sa
kaniyang lolo at lola.
3. Puno ng balete- Sumisimbolo ito sa problema na pilit yumayakap at
dumadapo sa buhay ng mga tao. Ang pagkuha ng puno ng balete sa lolo at lola
ni Bubuy ang pinakamitsa ng suliranin ng pelikula. Makikita kung paano naging
matatag si Bubuy para lamang malagpasan ang problema at makawala na ang
kanyang mahal sa buhay sa bagay na sumakal sa katawan ng kanyang lolo at
lola. Sa buhay marahil laging mayroong bagay na sumasakal sa mga to pero
laging pakatandaan na huwag sumuko at mawalan ng pag-asa. Ang mga ito ay
mga pagsubok lamang na daraan sa buhay nang sa gayon ay masukat ang
katatagang ng isang tao upang harapin ang mga ito at ito ang pinakita ni Bubuy
sa pelikula.
4. Alikupoy – Ito ang bagay na kailangan ni Bubuy upang masagip ang kaniyang
lola at lolo sa pagkakabihag sa kanila. Ang mga sangkap nito ay kailangan
niyang mahanap upang mabuo ito at maipatak sa mga baging na nakatali sa
kaniyang lolo at lola upang mawala ang sumpa. Kung hindi niya ito magagawa
habang buhay na silang makukulong sa Mundo ng Elementalia. Sinisimbolo
lamang nitong may mga solusyon sa mga pagsubok na nararanasan sa buhay.
Ang kailangan lamang gawin ay hanapin ito, saliksikin at patuloy na maglakbay
sa landas na ating tinatahak dahil lahat ng mga bagay sa mundo ay may dahilan
at may kapalit na kaginhawaan.
C. Mga Aral
16. Ang pelikulang Dayo: Sa Mundo ng Elementalia ay hindi lamang tuwa ang
hatid sa mga manonood, bagkus mayroong ding mga aral na kikintal sa puso ng
mga manonood. Ang pagkakadakip ng lola at lolo ni Bubuy sa masamang
elemento at pagsagip niya sa mga ito ay patunay lamang na handa ang isang
tao na isugal ang lahat upang mailigtas ang kanyang pamilya. Sinasalamin nito
na walang pagsubok ang hindi kayang lampasan upang mailigtas lang ang mga
taong iyong minamahal. Isa pa sa mga aral makukuha sa panood ng pelikulang
ito ay ang paniniwalang maabot ang pangarap kahit ito ay mukhang imposible.
Maniwalang makakamit ang matamis na pangarap, ngunit hindi lang dapat
matapos sa paniniwala, bagkus kailangan din ng angkop ng gawa. Ang hindi
agad pagsuko sa isang problema at paniniwala sa sarili ay isang susi upang
malutas ito. Ito ay naipakita nang iipunin ni Bubuy ang mga sangkap ng alikupoy.
Makikitaan dito na ang pagtitiwala sa sarili ay isa sa mga bagay na kailangan
panghawakan ng isang tao upang magtagumpay, ito ang makapagbibigay ng
tapang at determinasyon upang malutas ang suliranin na kinahaharap. Dagdag
pa sa mga aral na makukuha sa pelikula ay ang pagmamahal sa inang
kalikasan. Nakadipende ang mga tao sa kalikasan kung kaya't hindi marapat na
abusuhin at siraiin ito. Ang pinaka mitsa ng suliranin sa pelikula ay pagsunog sa
tabi ng puno ng balete at ang tuluyang pagkasunog ng balete. Sa kabila nito,
kakikitaan sa pelikula ang pagtama sa mga maling nagawa. Ang pagkakamaling
pagsunog sa balete ay itinama sa pagpupunla muli ng bagong halaman.
Masasalamin nito ang pagtama sa mga kamalian na nagagawa ng tao. Ang
pagiging responsable sa mga desisyon na ginagawa ay mahalagang aspekto sa
17. buhay na kailangan matutunan. Pag-isapan ng maiigi kung may kabutihang dulot
ba ang gagawing desisyon. Nasa huli lagi ang pagsisi, kung kaya't ang paggawa
ng tama ng desisyon ay paraan upang maiwasan ang isang malaking delubyo na
maaring kaharapin. Matutong makipagkapwa at huwag lamangan ang kihanaan
ng iba. Isa magandang regalo ng buhay ang mga kaibigan na masasandalan sa
hirap at ginhawa. Mga kaibigan na malalapitan sa pasakit ng buhay. Ito ay ang
repleksyon nina Anna at Narsi. Hindi magiging hadlang ang pagkakaiba upang
makahanap ng kaibigan. Iyan ang pinatunayn ng pelikulang ito. Sa paglalagom,
ang pagiging maingat at pagigiresponsable sa mga desisyon ay hindi
magdudulot ng delubyo gaya ng pagksarisa sa kaliksan. Ang pagmamahal sa
pamilya ay pagsugal sa lahat upang maligtas lamang sila na kinakalingan ng
pagtitiwala sa sarili na malalampasan ito, at sa tulong ng mga kaibigan na
handang ibigay ang lahat ay mapapadali ang lahat. Maniwalang makakamit ang
iyong pangarap kahit ito ay imposible. Maniwalang balang araw ikaw ay
makalilipad rin.
D. Kabuuang Pananaw
Ang pelikulang Dayo: Sa Mundo ng Elementalia at isang uri ng animated. Ang
pelikulang ito ay ginawa at natapos sa loob ng dalawang taon upang makapasok
sa Metro Manila Film Festival (MMFF) noong 2008. Batay sa mga eksperto ay
kulang ang nasabing panahon ng pagkakagawa ng pelikula. Sa kabila nito,
matagumpay ang naging resulta ng pelikula ang humakot pa na mga parangal.
18. Kung susuriin ang mga detalye ng pelikula, masasabing nabigyan ng hustisya ng
mga voice actor ang mga tauhan. Akmang-akma ang mga emosyon ng boses
batay sa mga pinapakita ekspresyon ng mga tauhan. Ngunit sa kabila nito, may
mga ilang parte na hindi sabay sa buka ng bibig sa boses na nilalapat dito. Iyan
ang isa mga kamalian ng pelikulang napansin ng mga tagasuri. Akma rin ang
titulo ng pelikula at nagbibigay ng kiliti sa mga manonood upang ito ay panoorin.
Makaiisip agad ng hinihuha ang mga manonood kung tungkol saan ba ang
pelikula batay sa pamagat nito. Ang pelikulang ito ay sinasakop ang lahat ng
edad at kasariaan. Nagbibigay ng tuwa sa mga tao at kapupulutan din ng aral.
Akma rin ang mga musikang ginamit sa pelikula. Napapakita ng mga musking
Lipad na kinanta ni Lea Salonga ang pagkamit sa pangarap ni Buboy na
makalipad balang araw. Ang mga background music ay saktong-sakto sa mga
eksena ng pelikula. Maging ang sinematogripaya nito ay kamangha-mangha.
Waring ang mga manonood ay naglakbay sa ibang mundo. Taliwas sa iniisip ng
mga tagasuri na ang nakatatakot ang magiging tema ng pelikulang ito, bagkus
mahikal ang naging tema at hindi ito nakakagimbal. Maayos rin ang daloy ng
kwento ng pelikula. Mayroong mga bahagi na makatotoohan at karamihan sa
mga ito ay hindi. Tuloy-tuloy lamang ang daloy ng pelikula at madali itong
maintindihan. Hindi rin ito nakaaantok sapagkat ito ay pinaghalong aksyon at
komedya. Kakikitaan din ang pelikulang ang mayaman na kultura na ng Pilipinas.
Hitik na hitik ito sa mga kultura mula sa transportasyon, paniniwala sa mga
enkanto, maging sa wikang ginagamit, at marami pang-iba. Sa kabila ng
pagiging isang animated film, maganda ang kinalabasan ng pelikula. Pasok na
19. pasok sa lasa at istandard ng mga pinoy. Malayo man kung ikukumpara sa mga
animated film ng Disney at Pixar, masasabi na ang pelikulang ito ay kayang
makipagsabayan sa ibang aspekto ng pelikula. Kamangha-mangha ang
pagkakagawa nito dahil iilan lamang ang mga kamaliaan napansin ng mga
tagasuri. Nalampasan nito ang ekspektasyon ng mga tagasuri. Inaasahan ng
mga tagasuri na hindi gaanong kagandahan ng pagkaka-animate ng pelikula
sapagkat hindi naman talaga ito ginagawa sa Pilipinas. Sa kabila nito, maganda
ang kinalabasan ng pelikula. Nabigyan ng hustisya ang pelikula. Naniniwala ang
mga tagasuri na ang Dayo: Sa Mundo ng Elementalia ay isang pelikulang
kamangha-mangha