SlideShare a Scribd company logo
1 of 3
Genie Jasmine M. Juaban A-14
Rebyu sa Pelikulang Manoro ika-9 ng Pebrero, 2011
MANORO
Dahil sa patuloy na pagaangat ng antas ng lipunan na meron tayo, nakakalimutan na natin
ang iba pang mga mahahalagang bagay na maaari di nating makita sa lipunan na tinitirahan
natin. Yung mga bagay na tila sa mga bukiran at sa mga probinsya lamang makikita. Karamihan
sa atin ay nagrereklamo sa mga inihalal nating mga president sa eleksyon at ang mga balitang
lumalabas sa telebisyon at sa radio na karaniwa’y tungkol sa pulitika, pulitika at pulitika. Ngunit
ang ideolohiyang ito ay makasarili. Ipinapakita natin na tayo ay makasarili, reklamo tayo ng
reklamo sa mga president na mismo nating isinulat ang pangalan sa balota at inihalal, ngunit
hindi natin naiisip na may mga tao pa palang hindi nga marunong magsulat at magbasa. Paano
natin maririnig ang kanilang mga boses ukol sa isyung ito kung hindi sila makaboto? Oo, may
karapatan silang bumoto, ngunit ano ang gamit ng karapatang ito kung hindi naman magawan ng
paraan para mangyari?
Ang pelikulang Manoro ni Brillante Mendoza ay ipinapakita ang kaisipang ito. Ang
Manoro ay matagumpay na ipinakita ang pagiging sentimental ng mga tauhan na gumanap rito.
Noong si Jonalyn (Jonalyn Ablong) ay katatapos lamang grumadweyt ng elementarya, ang
kanyang misyon ay maturuan niya ang kanyang mga kapwa Aeta na magbasa at magsulat para
mabigyan sila ng oportunidad na makaboto sa paparating na eleksyon noong 2004. Sa kabila ng
simplisidad, ang Manoro ay nagpakita ng pag-iwas o hindi pagsangayon sa sistema ng pulitika
meron ang Pilipinas. Ngunit kahit papano man, sa kabuuan, ang pelikulang ito ay napakaganda.
Marami rin ipinakitang lumang tradisyon ng mga Pilipino.
Napakalalim ang tunay na intensyon ng pelikula. Hindi mo malalaman ang tunay na
intensyon nito kung hindi mo susuriin mabuti ang mga kaganapan sa pelikula. Naroon ang
napakahabang paglalakbay ni Jonalyn at ng ama niya sa paghahanap lamang sa kanyang lolo na
noo’y nangangaso. Sa paglalakbay na iyon, napapakita ang mga magagandang tanawin sa
bukirin ng Pampanga. Habang naglalakbay din ang mag-ama, pinaparinig din ni Mendoza ang
mga kanta ng mga Aeta.
Maayos naman ang pagkaganap ng mga tauhan sa pelikula. Napapakita nila ang isang
realidad na makikita sa lipunan ng mga Aetas – ang pagtutulungan ng mga tao, ang pagiging
maligaya, maliksi, at malakas ng mga tauhan dito sapagkat hindi sila masyadong
naiimpluwensyahan ng mga teknolohiya tulad ng mga tao sa siyudad at ibang tao sa probinsya.
Siguro nga ay kaya hindi masyadong nagustuhan ng ibang manunuod ang pelikulang ito
dahil ay kulang sa “technical effects” gaya ng makikita mo sa mga pinaghandaang at pinag-
gastusang mga pelikula sa sinehan. Siguro nga ay nasanay na ang karamihang mga tao makita
ang mga makabagong mga pelikula kaya hindi na nila nagugustuhan manuod ng mga
dokumentaryo o indie-film na tulad ng Manoro. Masyadong magalaw ang kamera, hindi
masyadong mabasa ang mga “subtitles” dahil “raw” ito ay puti, at madami pang ibang reklamo.
Pinapahalagahan din nito ang mga kabataan. Pinapakita nila na ang kabataan, anung edad
man, ay may karapatan ipaglaban ang nararapat. Meron silang karapatan na ipamahagi ang
anumang nalalaman nila para matuto din ang ibang tao. May kakayahan lahat ng kabataan,
ngunit ang tanong ay kaya ba ng lahat?
Siguro nga ang pinakamalungkot at nakakakuha ng damdamin ng mga manunuod na
bahagi ng pelikula ay noong hinihintay niya ang kanyang lolo dumating sapagkat ay hinahangad
niya na lahat sana sila makaboto para marinig naman ang boses ng mga Aeta. Maganda sana ito
kung ipapanood toh sa mga bata para magkaroon sila ng ideya kung ano makukuha nila kapag
ipamahagi nila ang kanilang mga natututunan.

More Related Content

What's hot

El Filibusterismo 1 at 2
El Filibusterismo 1 at 2El Filibusterismo 1 at 2
El Filibusterismo 1 at 2
SCPS
 
namanang kaugalian at tradisyon
namanang kaugalian at tradisyonnamanang kaugalian at tradisyon
namanang kaugalian at tradisyon
Mara Maiel Llorin
 

What's hot (20)

AP 6 Ang Edukasyon sa Panahon ng Hapones (1941-1945)
AP 6 Ang Edukasyon sa Panahon ng Hapones (1941-1945)AP 6 Ang Edukasyon sa Panahon ng Hapones (1941-1945)
AP 6 Ang Edukasyon sa Panahon ng Hapones (1941-1945)
 
Konsepto ng Gender at Sex
Konsepto ng Gender at SexKonsepto ng Gender at Sex
Konsepto ng Gender at Sex
 
Mga Uri ng Dula
Mga Uri ng Dula Mga Uri ng Dula
Mga Uri ng Dula
 
Epekto ng Pakikilahok ng Pilipinas sa Kalakalang Panlabas
Epekto ng Pakikilahok ng Pilipinas sa Kalakalang PanlabasEpekto ng Pakikilahok ng Pilipinas sa Kalakalang Panlabas
Epekto ng Pakikilahok ng Pilipinas sa Kalakalang Panlabas
 
Konseptong may kaugnayang lohikal
Konseptong may kaugnayang lohikalKonseptong may kaugnayang lohikal
Konseptong may kaugnayang lohikal
 
Pagsusuri sa tulang ang guryon
Pagsusuri sa tulang ang guryonPagsusuri sa tulang ang guryon
Pagsusuri sa tulang ang guryon
 
Filipino 9 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 9 Curriculum Guide rev.2016Filipino 9 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 9 Curriculum Guide rev.2016
 
Mga panloob at panlabas na tunggalian
Mga panloob at panlabas na tunggalianMga panloob at panlabas na tunggalian
Mga panloob at panlabas na tunggalian
 
Niyebeng itim
Niyebeng itimNiyebeng itim
Niyebeng itim
 
Paglalarawan
PaglalarawanPaglalarawan
Paglalarawan
 
Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 3 (Ang Hapunan)
Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 3 (Ang Hapunan)Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 3 (Ang Hapunan)
Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 3 (Ang Hapunan)
 
Pagpapalawak ng Pangungusap
Pagpapalawak ng PangungusapPagpapalawak ng Pangungusap
Pagpapalawak ng Pangungusap
 
Pagsusuri ng walang sugat
Pagsusuri ng walang sugatPagsusuri ng walang sugat
Pagsusuri ng walang sugat
 
El Filibusterismo 1 at 2
El Filibusterismo 1 at 2El Filibusterismo 1 at 2
El Filibusterismo 1 at 2
 
Maikling kuwento
Maikling kuwentoMaikling kuwento
Maikling kuwento
 
Ponemang suprasegmental
Ponemang suprasegmentalPonemang suprasegmental
Ponemang suprasegmental
 
namanang kaugalian at tradisyon
namanang kaugalian at tradisyonnamanang kaugalian at tradisyon
namanang kaugalian at tradisyon
 
Module 14 pornograpiya
Module 14 pornograpiyaModule 14 pornograpiya
Module 14 pornograpiya
 
Ang sampung utos ng diyos
Ang sampung utos ng diyosAng sampung utos ng diyos
Ang sampung utos ng diyos
 
Palaisipan
PalaisipanPalaisipan
Palaisipan
 

49931437 manoro

  • 1. Genie Jasmine M. Juaban A-14 Rebyu sa Pelikulang Manoro ika-9 ng Pebrero, 2011 MANORO Dahil sa patuloy na pagaangat ng antas ng lipunan na meron tayo, nakakalimutan na natin ang iba pang mga mahahalagang bagay na maaari di nating makita sa lipunan na tinitirahan natin. Yung mga bagay na tila sa mga bukiran at sa mga probinsya lamang makikita. Karamihan sa atin ay nagrereklamo sa mga inihalal nating mga president sa eleksyon at ang mga balitang lumalabas sa telebisyon at sa radio na karaniwa’y tungkol sa pulitika, pulitika at pulitika. Ngunit ang ideolohiyang ito ay makasarili. Ipinapakita natin na tayo ay makasarili, reklamo tayo ng reklamo sa mga president na mismo nating isinulat ang pangalan sa balota at inihalal, ngunit hindi natin naiisip na may mga tao pa palang hindi nga marunong magsulat at magbasa. Paano natin maririnig ang kanilang mga boses ukol sa isyung ito kung hindi sila makaboto? Oo, may karapatan silang bumoto, ngunit ano ang gamit ng karapatang ito kung hindi naman magawan ng paraan para mangyari? Ang pelikulang Manoro ni Brillante Mendoza ay ipinapakita ang kaisipang ito. Ang Manoro ay matagumpay na ipinakita ang pagiging sentimental ng mga tauhan na gumanap rito. Noong si Jonalyn (Jonalyn Ablong) ay katatapos lamang grumadweyt ng elementarya, ang kanyang misyon ay maturuan niya ang kanyang mga kapwa Aeta na magbasa at magsulat para mabigyan sila ng oportunidad na makaboto sa paparating na eleksyon noong 2004. Sa kabila ng
  • 2. simplisidad, ang Manoro ay nagpakita ng pag-iwas o hindi pagsangayon sa sistema ng pulitika meron ang Pilipinas. Ngunit kahit papano man, sa kabuuan, ang pelikulang ito ay napakaganda. Marami rin ipinakitang lumang tradisyon ng mga Pilipino. Napakalalim ang tunay na intensyon ng pelikula. Hindi mo malalaman ang tunay na intensyon nito kung hindi mo susuriin mabuti ang mga kaganapan sa pelikula. Naroon ang napakahabang paglalakbay ni Jonalyn at ng ama niya sa paghahanap lamang sa kanyang lolo na noo’y nangangaso. Sa paglalakbay na iyon, napapakita ang mga magagandang tanawin sa bukirin ng Pampanga. Habang naglalakbay din ang mag-ama, pinaparinig din ni Mendoza ang mga kanta ng mga Aeta. Maayos naman ang pagkaganap ng mga tauhan sa pelikula. Napapakita nila ang isang realidad na makikita sa lipunan ng mga Aetas – ang pagtutulungan ng mga tao, ang pagiging maligaya, maliksi, at malakas ng mga tauhan dito sapagkat hindi sila masyadong naiimpluwensyahan ng mga teknolohiya tulad ng mga tao sa siyudad at ibang tao sa probinsya. Siguro nga ay kaya hindi masyadong nagustuhan ng ibang manunuod ang pelikulang ito dahil ay kulang sa “technical effects” gaya ng makikita mo sa mga pinaghandaang at pinag- gastusang mga pelikula sa sinehan. Siguro nga ay nasanay na ang karamihang mga tao makita ang mga makabagong mga pelikula kaya hindi na nila nagugustuhan manuod ng mga dokumentaryo o indie-film na tulad ng Manoro. Masyadong magalaw ang kamera, hindi masyadong mabasa ang mga “subtitles” dahil “raw” ito ay puti, at madami pang ibang reklamo. Pinapahalagahan din nito ang mga kabataan. Pinapakita nila na ang kabataan, anung edad man, ay may karapatan ipaglaban ang nararapat. Meron silang karapatan na ipamahagi ang
  • 3. anumang nalalaman nila para matuto din ang ibang tao. May kakayahan lahat ng kabataan, ngunit ang tanong ay kaya ba ng lahat? Siguro nga ang pinakamalungkot at nakakakuha ng damdamin ng mga manunuod na bahagi ng pelikula ay noong hinihintay niya ang kanyang lolo dumating sapagkat ay hinahangad niya na lahat sana sila makaboto para marinig naman ang boses ng mga Aeta. Maganda sana ito kung ipapanood toh sa mga bata para magkaroon sila ng ideya kung ano makukuha nila kapag ipamahagi nila ang kanilang mga natututunan.