1. Aldous James C. Acosta
Mary Joyce H. Bueno
Hazel Ann S. Negranza
2. Nagsisinungaling Ako; Ligo na U,Lapit na Me(Cinemalaya Film Festival in 2011)
Peksman (Mamatay Ka Man) Nagsisinungaling Ako
It’s Not That Complicated: Bakit Hindi pa Sasakupin ng mga Alien ang Daigdig
sa 2012
Wag Lang Di Makaraos: 100 Dagli
Tatlong Gabi, Tatlong Araw
Ang Ikatlong Anti-Kristo
Siya ay isa sa mga popular na manunulat sa
Pilipinas. Ang mga aklat niya ay nakikipagsabayan
sa popularidad ni Bob Ong pagdating sa mga
pahayag na maloko man ngunit may “laman.”
3. Akdang
Pampanitikan
Pamagat Taon Parangal
Tula Mariing Tusok ng Kalawanging
Karayom sa Nagngangalit na
Ugat
1995 Unang Gantimpala sa
Pambansang Patimpalak sa
Pagsulat ng
Tula
Tula Maglaba ay Di Biro 2004 Ikalawang Gantimpala sa
Komisyon sa Wikang Filipino
at
Talaang Ginto
Sanaysay Ang Politika ng Wikang
Pambansa: Mula sa Iba’t Ibang
Pagsipat at Paglapat (Paghima
y, Pagbistay at Pagtugaygay sa
Suliranin ng Pilipinas sa Wika).
2004 Ikatlong Gantimpala para sa
Gawad Collantes
4. Akdang
Pampanitikan
Taon Parangal
Maikling
Kuwento
Si Intoy Syokoy ng Kalye
Marino
2006 Don Carlos Palanca Memorial
Awards for Literature
Nobela Tatlong Gabi, Tatlong Araw 2013 Unang Gantimpala sa Carlos
Palanca Memorial Awards for
Literature
Nobela Ang Ikatlong Anti-Kristo 2017 Unang Gantimpala sa Carlos
Palanca Memorial Awards for
Literature
Maikling
Kuwento
Si Intoy Syokoy ng Kalye
Marino
2006 Don Carlos Palanca Memorial
Awards for Literature
5. Siya ang
pangunahing tauhan.
Dahil nakatatagal
sa ilalim ng dagat.
Pisikal na kaanyuan.
Ginawang Base Militar ng mga Amerikano
ang dulo ng kanilang lugar na pinangalanang
Sangley point Naval Base. Kaya’t sa
kanilang kalye dumadaan ang mga
sundalong Amerikano (marines o marino)
para maglabas masok sa base.
Maraming dumayo para makipagsapalaran.
6. Ang kwentong ito na gawa
ni Eros S. Atalia ay isa nang
pelikula at isang kalahok sa New Br
eed Full Length Feature Category
2012 Cinemalaya Independent Film
Festival and Competition. Ang
pelikula ay pinagbibidahan ni JM De
Guzman kasama na sina LJ Reyes
at Joross Gamboa. Ito ay mula sa
direksyon ni Lemuel C. Lorca.
7. Paglalarawan Pagpapahalaga sa Tauhan
• Pangunahing tauhan
• Pinakamagaling na lumangoy at
maninisid kaya naman siya ang
pinakabihasang magtatahong sa Kalye
Marino
• Sunog ang balat, kulay kalawang
ang buhok, mapula ang mga mata.
Mahahaba ang mga paa na tila buntot
ng isda at bato-bato ang katawan.
Siya’y 16 ngunit mukhang 25.
• Totoo ang pagmamahal kay Doray.
• Imahe ng isang binatang puno
ng pangarap, handang harapin ang
anumang hirap at may malasakit sa
kapwa. Ang kanyang pisikal na
kaanyuan ay sumasalamin lamang
sa matitinding hirap na naranasan
niya sa pagtatrabaho sa Kalye
Marino.
8. Paglalarawan Pagpapahalaga sa Tauhan
• Lumaki sa iskwater na walang
pinag-aralan. Iniwan ng mga
magulang at siya ang tumayo bilang
ina ng kanyang mga kapatid.
• Tinawag na Doray Langaw dahil
laging nakadapo sa tumpukan ng tao
upang ipabili ang kanyang “tilapiya.”
• Ang nakikinig sa mga kuwento at
pantasya ni Intoy.
• Ayon sa mga mambabasnig siya
ay “pakangkang.”
• Babaeng representasyon ilan sa
kababaihan sa Pilipinas na handang
ikalakal ang dangal at puri para
malamnan ang kumakalam na
sikmura upang may maipangtustos sa
pamilya.
• Larawan ng mga taong may
kakaibang pananawa ukol sa moralida
d at pagkababae.
9. Paglalarawan Pagpapahalaga sa Tauhan
• Amo ni Intoy. Siya ay may
malaking tahungan.
• Sunog sa araw at tubig-alat ang
katawan at nag-aagaw ang itim at
uban na buhok.
• Siya’y anak dagat,
• Representasyon ng ordinaryong
mamamayang Pilipino na kumakayod
para sa pang-araw-araw ngunit tila
hindi umaasenso sa buhay.
10. Paglalarawan Pagpapahalaga sa Tauhan
• Siya ay tinatawag ding Berto Baka
dahil sa atungal-baka kapag pinapalo
ng nanay nang siya ay bata pa.
• Kaibigan at kasama sa bahay ni
Intoy.
• Punggok at malaki ang katawan.
• Washer ng mga buss.
• Magaspang ang pananalita at pag
-uugali dahil sa kawalan niya ng
pinag-aralan.
• Sumasalamin sa mga kalalakihan
tinitingnan lang ang kababaihan
bilang parausan.
11. 1 .Magmamadaling araw ay humingi ng tulong si Mang Amor kay Intoy upang
sagipin ang kanyang tahungan mula sa mga alig.
2. Sa unang puwesto Mang Amor naalig ang kanyang tahungan.
3. Sa pagpunta nila sa ikalawang puwesto ni Mang Amor ay kanyang
munang iniwan si Intoy at maghintay na muna. Sinamantala iyon ni Intoy ang
pagpunta sa kanyang puwesto.
4. Naalig ang tahungan ni Intoy. Nagbalik-tanaw siya sa kanyang kabataan
at ang kanilang pagkakaibigan ni Doray. Siya’y nag-aalala siya sa usapan na
pagpunta ni Doray sa kanila.
5. Nagbalik tanaw si Intoy sa pag-uusap ni Bertong Baka at ni Intoy tungkol sa
lihim na pagtingin niya kay Doray.
12. 6. Inilahad ang paglalako ng tilapya ni Doray sa mga mambabasnig. Kung
hindi nalalako ni Doray ang kanyang mga isda ay binibili ito ni Intoy.
7. Kagabihan, sa pamamagitan ng paunang bayad ni Mang Amor kay Intoy
ay nakapaghanda siya ng pandesal, mantikilya, kape at asukal katabi ng
kainin at ulam. May mainit na tubig sa termos. Hindi rin niya nagawang
malabhan ang mga kumot at maibilad ang mga
unan dahil sa maghapon siya sa paglilinis ng tahungan. Hindi pa rin siya
naliligo at amoy tubig-alat pa rin siya. Nakaupo siya sa pintuan habang
pinagmamasdan ang mga sugat sa kamay.
8. Dumating si Doray , sinuri at hinalikan ang mga kamay ni Intoy. Inakalay
paloob ng bahay at ipininiid ang pinto,
13. • Gayunpaman, ang mga salitang ito gaya ng mga direktang pagmumura at
mga terminong sensitibo ay isa sa naging daan para maipahayag at
maipakita sa mga mambabasa ang mundong iniikutan ng istorya.
• Gumamit ang manunulat ng ilang salitang impormal gaya nang palkups ,
row por, totkans, totoy, at iba pa.
• Masasabing naging mapangahasang istoryang ito sa paggamit ng mga
salitang hindi angkop at katanggap-tanggap para sa ibang tao lalo na
kung isasapubliko.
• Inilarawan rin ng manunulat ng maayos ang mga pisikal na anyo ng
paligid ng bawat eksena sa kwento. Naktulong rin para sa komprehensyon
ng mga mambabasa ang detalyadong paglalarawan niya sa mga tauhan.
14. Kulay kalawang ang buhok. (Metaphor o Pagwawangis)
Si Intoy ay parang isang buhay na posteng kongkreto. (Simili o Pagtutulad)
Kitang kita na animo’y natapong hugas-bigas sa dagat. (Simili o Pagtutulad)
Si Doray Langaw ay laging nakadapo sa tumpukan ng mga tao. (Patalinhaga)
15. • Ang Kalye Marino ay sinisimbolo ang ating bansa na dumadaan sa
matinding kahirapan. Kahirapan na patuloy na lumalala magpasahanggang
ngayon.
• Dahil nga sa hirap ng buhay na nararanasan ng karamihan sa ating bansa
likas na sa atin ang pagiging masipag at pagiging matiyaga.
• Mula sa tahong na pinangpapakain lamang sa isda hanggang sa nagin
solusyon ito sa paghihirap ng mgatao. Ang tahong ang nagsilbing pag-asa
ng mga taong wala na talagang makain sa maghapon. Ang tahong ang
nagsilbing pag-asa ng mga taong wala na talagang makain sa maghapon.
16. • Sumisimbolo sa mga oligarkiya na prinoprotektahan ng gobyerno. Tayo ay
kayang-kayang biktimahin ng mga alig. Sa ibang pagsasalita, ang kaunting
pag-asa ng mga taong mahihirap ay patuloy na sisirain ng mga alig sa
lipunan.
17. *Sa gulang na lima natuto na siyang lumangoy nang itulak siya ni
Bertong Baka palabas ng pantalan.
*Baka nalulunod na si Intoy. -Doray
*Simula noon, palihim na nag-aaral lumangoy si Intoy.
Makikita mula rito na ang pagkakaroon ng lakas ng loob ni Intoy na
subukin at aralin ang paglalangoy ay bunsod ng pagiging biktima nito sa
panunukso ng kaniyang kalaro. Tila ito ay isang pagwiwika na sinumang
makaranas ng pagiging biktima ng katatawanan ay makakaranas ng
pagbabagong-anyo sa kaniyang sikolohikal na aspekto ng pamumuhay.
18. *** Hindi rin alam ni Mang Amor na mayroon syang sariling baklad. Baka
isipin na ninanakaw niya ang binhi, kawayan, straw, plehe at boya nito at
inilalagay sa kaniyang puwesto.
Ang pagiging kulang ng perang masasahod mula kay Mang Amor ang
nagtulak kay Intoy upang magkaroon ng sariling baklad. Mula sa kawalan,
napilitan si Intoy na mag-isip ng pamamaraan upang magkaroon ng dagdag
mapagkikitaan. Ito ay isang mukhang inilalatag ni Atalia na pakikipagtunggali
ng isang taong walang-wala para makuha ang ninanais kung hindi man
makaakyat sa strata sa lipunan.
19. ***Halos hindi makatulog si Intoy sa nang gabing iyon. At
napagpasyahan nya na kailangan nya ng pera. Kung sakaling humingi ng
kabayaran si Doray, hindi siya mapapahiya. At ang nasa isip niya nga ay
hanguin ang lahat ng tahong niya at ipapakyaw sa mga natgitinda sa kanilang
kanto.
Ito ay isa sa dahilan kung bakit todo kayod si Intoy dahil gusto niya rin
na may maibibigay at maipagmamalaki kay Doray. Ngunit, ito ay lubos na
nagbibigay sa kaniya ng pagkabalisa at pagkakaroon ng pansariling
tunggalian. Kung may pera lang sana si Intoy, hindi niya ito poproblemahin.
Hindi naman tamad si Intoy, kayang-kaya niyang maghanap-buhay ngunit ang
oportunidad at pagkakaroon ng alig sa kaniyang lipunan ang lubos na
nagpapahirap sa kaniya para makamtan ang kaniyang hangarin na makuha si
Doray.
20. ***Ano ba ang kadalasang kwento ng lumaki sa iskwater na
walang pinag-aralan, na iniwan ng mga magulang at tumayong ina’t ama sa
dalawang nakababatang kapatid, na may itsura naman kahit papapaano basta’t
maliligo lang at magsisipilyo, magpulbos ng kaunti at lipstick? E, di puta.
Ito ay isang malagim na katotohanang inilalarawan sa lipunan na
bagsakan ng babaeng walang magulang at walang pinag-aralan – ang
maging puta.
Boyet. Mula sa pangungupit sa tindahan hanggang itakwil ng lipunan (ginulpi
ng taong bayan) hanggang sa pagkakakulong nito sa Maynila.
Yeyeng Tikol. Matalino ngunit napariwara simula nang mamatay ang kaniyan
g pamilya. Natutong mag-shabu hanggang naging tambay sa kanto na nagpa
pakita ng burat.
Doray Langaw. Isang dalagang pakangkang (pokpok) sa mga mambabasnig.
21. Ang argumento sa kritikal na pagsusuring ito ay ang paglalatag ni
Atalia ng iba’t ibang mukha ng na nililikha ng sistema, kalakaran, at tunggali
an ng lipunan. Lumabas dito ang bagsakan ng mga taong hindi inaruga ng
lipunan- naging magnanakaw, naging puta, at taong walang matatag na
pundasyon sa konteksto ng emosyonal na aspekto. Kung mayroon mang
positibong idinulot ng sistema ng lipunan, sinisira naman ito ng mga alig
na patuloy na pumapatay sa pag-asa ng mga mahihirap. Gayunpaman,
naiwika ang halaga ng pagkakaroon ng isang pamilya na susubaybay at
mag-aaruga sa mga batang magiging kinabukasan ng lipunan.
22. Pinaghugutan mismo mula sa karanasan ng manunulat na si Eros Atalia
ang kwento dahil siya mismo ay nagmula sa Kalye Marino.Hinubog ng
Kalye Marino ang pagtingin ko sa buhay. Tinulungan siya ng Kalye
Marino na makita ang kagandahan ng buhay sa gitna ng karukhaan. Ito
ay nabuo mula sa nakasalamuha niyang ilang kagalang-galang na mga
indibidwal. Na bagamat salat sa buhay, puno ng kaalaman.
23. Masasabing nasa teoryang sosyolohikal ang akdang ito dahil halos
lahat ng pangyayari ay sumasalamin sa kung anong klase ang lipunang
ginagalawan ng tauhan. Ang mga kinikilos at paraan ng pananalita ng m
ga tauhan ay dahilan at resulta lamang ng lugar na kinikilusan nila.
Editor's Notes
Caviteño
Ang Ligo na U, Lapit na Me ay ang kauna-unahang nobelang itinanghal bilang pelikula sa 7thCinemalaya.
Sa “Ang Ikatlong Anti-Kristo,” umiinog ang kuwento sa konteksto ng mga napapanahong isyung panlipunan tulad ng suliranin ng mga magsasaka, extrajudicial killings, takbo ng politika sa bansa, hatian sa kita ng mga kontratista, paglaganap ng sugal at droga, at tungkulin ng media sa pagbabalita.
Malaki ang epekto ng kinalakhang paligid sa pagkatao ng isang indibidwal.kinalakihan niyang lugar, tila katanggap-tanggap na propesyona ng pagbebenta ng laman. At isa pa, lumaki si Doray na walang magulang kaya’t hindi rin kataka-takang ito ang kanyang sinapit na trabaho.
Binulabog niya ito mula sa kanyang tirahan na barong-barong. Magkahalong tuwa at lungkot ang saya ang nararamdaman ni Intoy. Dahil tiyak na maraming magtpapalinis sa kanya at kikita siya ng malaki. Lungkot dahil bukas o sa mga susunod na araw pa siya kikita at ngayon niya kailangan ng pera. ----- May usapan sila ni Doray na pupunta si Doray sa kanilang bahay. Dagdag pa rito eh, ngayon na sana niya aanihin ang kanyang lihim at maliit na tahungan na ayaw niyang ipaalam sa kanyang amo dahil baka sabihin na ninakaw niya ang mga ginamit para rito. Hindi rin niya muna maisasagip ang tahungan dahil sa uunahin muna niya ang tahungan ng kaniyang amo.
3. dahil baka mangalay sila sa kakasagwan at hindi na masagip ang maaari pang masagip.
4. Ang dating katawagan sa kanyang ay Intoy Kuting dahil ang bansag sa kanyang ama ay Landong Pusa na mahilig mamulutan ng pusa. Saktong-sakto rin dahil hindi pa siya marunong lumangoy noon. Siya ay tumulan ng tukso, Siya’y palihim na nag-aaral nag-aaral lumangoy hanggang sa siyaay naging pinaka magaling sa paglangoy at pagsisid.
5. “Kung talagang kursunada mo ang tilapya ni Doray dapat bayaran mo rin yun kahit pa magkakaibigan tayo. Bisnis in bisnis”. Inilahad ni BertongBaka ang kanyang natotkans. “Apat na ang natotkans ko. Si Jenny Kikay, nilibre ko lang ng Mcdo at ibinili ng t-shirt sa ukay-ukay, nakalaykay ko na ang kiki ni Kikay. Kaya lang amoy ukay-ukay din ang pudy ni Kikay. Maluwag na rin.”----
6. Mambabasnig ay mga mangingisda na pumapalaot sa namamalagi sa karagatan na nakakuha ng malalaking isa.
KALYE MARINO-
Binihisan ni Atalia ng lugar bilang isang progresibong sulok na biglang sumikat at biglang naging mahirap. Ang pagiging sentro nito ng kalakaran ay nagbunsod ng pagdami ng populasyon, pagkawala ng hanap-buhay, at paghihirap ng mga tao.
TAHONG
Dahil sa pagiging mahirap ng mga taga kalye marino lumabas ang pagiging madiskarte ng mga tao na maghanap-buhay pa rin.
ALIG***Sabi ng beteranong magtatahong, kelan lang daw nagkaroon ng alig. Nagsimula lang daw ito nitong huling dekada. Ang paniniwala, dahil sa labis na dumi ng ng dagat. Ang paniniwala ng iba, ang alig daw ay ang dumi. Kemikal at lasong naimbak sa mga pusali… P8
Hindi man tuwirang binanggit ni Atalia ang pinagmumulan ng alig, makikita naman ang kemikal at lason. Saan ba nagmumula ang kemikal at lason? Sino ba ang major contributor nito? Malamang sa malamang ay malalaking gusali. Sino ba ang namumuno sa malalaking gusali? Kung minsan ang mga oligarkiya na kung minsan pinoprotektahan ng gobyerno.
Ang lipunang nilikha sa imahinasyon ni Atalia ay sumasalin sa iba’t ibang mukha na idinidikta rin ng lipunan. Tila ba isang sentensya na kaagad para sa mga taong ito ang ganoong kalagayan simula pa lang ng pagkakaroon nila ng muwang sa Kalye Marino.
. Siya ay lumaki sa Lungsod ng Cavite kung saan nasaksihan niya ang mabilis na pagkawala ng kabuhayan ng mga mamamayan nito bunsod ng pagsasara ng base ng mga Amerikano sa Sangley Point.