1. GRADES 1 to 12
DAILY LESSON PLAN
School: PALANI INTEGRATEDB SCHOOL Grade Level: 11
Teacher: IRISH JOHN D. GULMATICO Learning Area: Komunikasyon
Teaching Dates and
Time:
JANUARY
3:00-4:00 am Quarter: 2nd QUARTER
I OBJECTIVES
A. Content Standard Nauunawaan nang may masusing pagsasaalang - alang ang mga lingguwistiko at kultural na katangian at pagkakaiba -iba sa lipunang Pilipino at mga
sitwasyon ng paggamit ng wika dito
B. Performance Standard Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa
C. Learning Competency/s: A. nababatid ang kasaysayan, sangkap, aspetong teknikal, at genre ng pelikula;
B. nabibigyang lebel ang bahagi ng pelikula at nakikilala ang pelikulang Pilipino; at
C. nakalilikha ng sariling synopsis na may layuning ipakilala ang kultura at wikang Pilipino.
II CONTENT Pelikula
III. LEARNING RESOURCES
A. References
1. Teacher’s Guide Pages
2. Learner’s Materials pages
3. Text book pages
4. Additional Materials from
Learning Resources
Internet, SLM
B. Other Learning Resources Laptop, TV
IV. PROCEDURES
A. Reviewing previous lesson or
presenting the new lesson
Preliminary activities
Prayer
Checking of attendance
Pagbabalik aral:
2. B. Establishing a purpose for the
lesson
• Paano ba ginagawa ang isang obra maistrang pilikula na ating pinapanood sa ating mga telebisyon?
• Mag bigay ng isang titolado ng pelikula na nag pa iyak sayo ang nag bigay ng aral sa iyo?
C. Presenting
Examples/instances of new
lesson
3. D. Discussing new concepts and
practicing new skills #1
E. Presenting the Lesson Tungkol sa salitang pelikula
• Isa sa mga nauna sa pelikula, ang Rotating Peeping Picture, ito ay naimbento noong 1830s sa United Kingdom, at ibinebenta sa Europa at
Amerika bilang isang laruang pang-agham noong 1960s. Kapag pinaikot ang silindro, ang larawan ay lilitaw upang ilipat. Mula rito, ang
salitang "gumagalaw na larawan", na nangangahulugang "larawan ng paggalaw" at itinuturing na dito nagmula ang salitang
nangangahulugang pelikula.
• Sa Estados Unidos, ang pagdadaglat ng pelikula ng ay naging pangkaraniwan noong 1910s, noon ay mayroong isang fan magazine na
nagngangalang , at ang kumpanya ng pelikula na Fox ay nakarehistro ng isang pangalang pangkalakal na , ngayon ang salitang ay nakaligtas
bilang isang salita para sa isang gawa sa BALIK-ARAL ARALIN pelikula sa halip ito ay ginagamit nang kasingkahulugan sa tahimik na pelikula
bilang tahimik na larawan.
4. F. Developing mastery
(Leads to Formative
Assessment)
Sangkap ng Pelikula
Kuwento – Tumatalakay sa istorya, pangyayari, karanasan, makatotohanang pananaw at kalagayan ng mga Pilipino na makahulugan sa
higit na nakararaming manonood.
Tema – Ito ang paksa, diwa, kaisipan, at pinaka puso ng pelikula.
Pamagat – Naghahatid ng pinakamensahe at nagsisilbing panghatak sa manonood.
Tauhan – Gumaganap na karakter upang bigyang-buhay ang kuwento ng pelikula, kadalasang binubuo ng protagonist (bida) at antagonist
(kontrabida)
Pananaliksik o Riserts – Isang mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng dokumentaryo dahil sa pamamagitan nito ay naihaharap
nang mahusay at makatotohanan ang mga detalye ng palabas.
Diyalogo o Sequence Iskrip – Isinasaalang-alang sa bahaging ito ang uri ng lengguwaheng gagamitin ng tauhan sa kuwento, ito ay ang
linayang binabanggit ng mga tauhan. Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento sa pelikula. Ipinamamalas nito ang tunay
na layunin ng kuwento.
Sinematograpiya – Matapat na paglalawaran sa buhay ng pelikula sa tulong ng pag-iilaw, komposiyon, galaw, at ibang kaugnay na teknik
ng kamera upang matagumpay na maisalarawan ang nilalaman.
Iba pang Aspektong Teknikal
Tunog – Malikhaing paraan ng paglalapat ng musika, dayalogo, tunog na kinakailangan sa isang partikular na eksena.
Musika – Nagpapakita sa damdamin ng isang tagpo, nagpapatingkad sa atmospera at inaayunan ang ritmo at daloy ng pelikula.
Direksyon – Pagsasanib ng iba’t ibang elemento ng pelikula upang ipabatid ang pagkakaunawa sa materyal sa pamamagitan ng direktor
upang mabigyang-buhay ang dulang pampelikula.
Editing – Malikhaing pagpapakitid o pagpapalawak sa Oras, Kalawakan, at Galaw.
Disenyong Pamproduksyon – Pagsasakatuparan ng malikhaing paraan sa pook, tagpuan, make-up, kasuotan, at kagamitan.
Genre ng Pelikula
Pagkakaiba-iba ng tipo o uri ng naratibo base sa sentral na kuwento o emosyong ipinadarama.
Aksyon – Mga pelikulang nakapokus sa mga bakbakang pisikal, maaaring hango sa tunay na buhay o pangyayari o kaya naman kathang-
isip lamang. Hal. Buy bust na pinagbibidahan ni Anne Curtis
Animasyon – Pelikulang gumagamit ng mga larawan o pagguhit upang magmukang buhay ang mga bagay na walang buhay. Hal. Adarna,
The Mythical Bird na pinagbibidahan ng boses ni Regine Velasquez
Bomba – Nagpapalabas ang uri ng pelikulang ito ng mga hubad na katawan at gawaing sekswal. Hal. Sin City na pinagbibidahan ni Natalie
Hart at Xian Lim
Drama- Nakapokus sa mga personal na suliranin o tunggalian, nagtutulak ito sa damdamin at ginawa upang paiyakin ang manonood. Hal.
Three Words to Forever na pinagbibidahan nina Sharon Cuneta, Riichard Gomez at Kathryn Bernardo
5. Epiko – Nagbibigay-diin sa dramang pantao sa mas malawak na anggulo na karaniwang tumatalakay sa mga kaganapang maalamat,
mahiwaga, at makasaysayan. Hal. Ang Panday na pinagbibidahan ni Coco Martin
Historikal – Pelikulang base sa mga tunay na kaganapan sa kasaysayan. Hal. Heneral Luna na pinagbibidahan ni John Arcilla
Katatakutan – Humihikayat sa negatibong reaksyong emosyonal mula sa mga manonood sa pamamagitan ng pag-antig sa takot nito. Hal.
Kuwaresma na pinagbibidahan ni Sharon Cuneta
Komedya – Ang mga nagsisiganap ay nagsasaad ng kasiyahan o totoong pagpapatawa sa bawat salitang namumutawi sa kanyang bibig.
Hal. Pinoy Sunday na pinagbibidahan nina Epi Quizon at Bayani Agbayani
Musikal – Komedyang may temang pangromansa, puno ito ng musika at kantahan. Hal. Emir na pinagbibidahan ni Franchesca Farr
Pantasya – Nagdadala sa manonood ng isang mundong gawa ng imahinasyon, tulad ng mundo ng mga prinsepe/ prinsesa, kwentong
bayan o mga istoryang hango sa mga natuklasan ng siyensya. Hal. Gandarapido: The Revengers Squad na pinagbibidahan ni Vica Ganda
Pag-ibig/Romansa – Umiikot ang kwento sa pag-iibigan ng mga tauhan sa pelikula. Hal. Through Night and Day na pinagbibidahan nina
Alessandra De Rossi at Paolo Contis
Period – Pelikula kung saan komprehensibong tumatalakay sa tunay na buhay ng isang tao na may diin sa pinakamakasaysayang
kabanata ng kanilang buhay. Hal. Heneral Rizal na pinagbibidahan ni Nanding Josef
Science Fiction – Pelikulang base sa mga pangyayaring karaniwan ay hindi tanggap ng agham gaya ng daigdig ng mga aliens, mga
kakaibang nagagawa ng tao at paglipad sa ibang panahon. Hal. Ani na pinagbibidahan ni Zyrene Dela Cruz
6. G. Finding Practical applications
of concepts and skills
Kung ikaw ay papalarin sa buhay at maging isang direktor at mabigyan ng pagkakataon na gumawa ng pilikula, anong klasing pelikula ang gagawin mon a hindi
makakalimutan, magbibigay ng aral at maisasa buhay ito?
H. Making Generalizations and
abstractions about the lesson
Ibigay ang mga sangkap at mga aspeto ng isang pelikula.
I. Evaluating Learning
7. J. Additional activities for
application or remediation
V. REMARKS
VI. REFLECTION
A. No. of learners who earned
80% on the formative
assessment
B. No. of Learners who require
additional activities for
remediation
C. Did the remedial lessons
work? No. of learners who have
caught up with the lesson.
D. No. of learners who continue
to require remediation
E. Which of my teaching
strategies worked well? Why did
these work?
F. What difficulties did I
encounter which my principal or
supervisor can help me solve?
G. What innovation or localized
materials did I use/discover
which I wish to share with other
teachers?
PREPARED BY: CHECKED AND NOTED BY:
IRISH JOHN D. GULMATICO MERLA A. DONATO
T-II SCHOOL HEAD/HT-III