5. Ang Hawaii ay ang ika-50 at
pinakahuling estado ng
Amerika na naitatag
lamang noong Agosto
21, 1959.
6. Ito ay binubuo ng walong
malalaking islang tinitirhan
ng mga tao at 124 na mas
maliliit na islang walang
naninirahan.
7. Ito rin ay nahahati sa
limang lalawigan: Kalawao,
Maui, Kauai, Honolulu, at
Hawaii na tinatawag ding
the Big Island.
8. Ang Isla ng Hawaii ay
pinaniniwalaang nabuo dahil sa
pagsabog ng bulkang Mauna Loa
nang dahil sa pag-aaway ng
magkapatid na diyosang sina
Namaka at Pele, mga pangunahing
tauhan sa babasahin mong
mitolohiya.
9. Ang salitang mito kung saan
hinango ang salitang mitolohiya ay
mula sa salitang Griyegong
mythos na unang nangahulugang
"talumpati subalit sa katagalan ay
nangahulugang "pabula" o
"alamat."
10. Ang mitolohiya ay mga sinaunang
kuwentong may kaugnayan sa
paniniwala o pananampalataya at
nagtataglay ng tauhang
karaniwang diyos o diyosa na may
kapangyarihang hindi taglay ng
pangkaraniwang mortal.
11. Ang mitolohiya ay naglalayong
magbigay ng paliwanag sa
mga bagay na mahirap
ipaliwanag dahil sa ang mga ito
ay hindi pangkaraniwang
nangyayari sa mundo at sa
lipunan.
12. Sa mitolohiya, kitang-kita ang
pagiging likhang-isip lamang ng
mga kababalaghang taglay nito
subalit marami pa rin ang
naniniwalang tunay nga itong
nangyari lalo na sa lugar na
naging tagpuan ng nasabing mito.
15. Pokus ang tawag sa relasyong
pansemantika ng pandiwa o
salitang kilos sa simuno o
paksa ng pangungusap.
Naririto ang dalawa sa iba't
ibang pokus ng pandiwa:
16. Tagaganap o Aktor ang pokus
ng pandiwa kung ang paksa o
simuno ng pangungusap ang
tagaganap ng kilos ng
pandiwa.
Halimbawa: Si Namaka ay
nagalit nang labis kay Pele.
17. Layon o Gol ang pokus ng
pandiwa kung ang layon ay
siyang paksa o binibigyang-
diin sa pangungusap.
Halimbawa: Ang mitolohiya ay
pinag-usapan ng mga mag-
aaral.
18.
19.
20.
21. Ang mga Pinoy ay nag-
rally para sa kanilang
mga karapatan sa labas
ng Malacañang.
22. Libo- libong tao ang
pumunta sa simbahan
para magdasal sa
kaayusan ng
administrasyon ng bansa.
23. Ang mga karapatan ay
ipinaglaban at ipinrotesta
ng mga Pinoy sa labas ng
Malacañang.