INVITATION TEMPLATE.pptx for birthday, christeningMarkLouieFerrer1
This document is an invitation to the christening of Mark Louie B. Ferrer Jr. on January 4, 2022 at the Union Espiristista Christiana de Filipina Inc. The reception will follow at the Bannagao residence in Purok 3, Dummon, Quezon, Isabela. The invitation includes the name of the child being christened, the date, location of the ceremony and reception.
INVITATION TEMPLATE.pptx for birthday, christeningMarkLouieFerrer1
This document is an invitation to the christening of Mark Louie B. Ferrer Jr. on January 4, 2022 at the Union Espiristista Christiana de Filipina Inc. The reception will follow at the Bannagao residence in Purok 3, Dummon, Quezon, Isabela. The invitation includes the name of the child being christened, the date, location of the ceremony and reception.
This document provides an overview of the Microsoft Word application and its features:
- Microsoft Word is a commonly used word processing software developed by Microsoft in 1983 that allows users to create professional documents like letters, reports, and resumes.
- It has a ribbon interface with tabs for formatting options like Home, Insert, Design, Layout, References, Mailings, Review, and View.
- Each tab contains various formatting and layout options to style text, insert images and tables, add citations and footnotes, control document design and page setup, and more.
- Microsoft Word is important as it helps users create all types of documents and benefits teaching and learning with its text editing and formatting capabilities.
This certificate recognizes a student for her excellent academic performance during the first quarter of the 2022-2023 school year. It was awarded by San Jose Norte Elementary School in San Jose Norte 2 on December 1st, 2022 to commend her achievements over the past quarter term.
Edgardo I. Eugenio received a certificate of recognition for outstanding academic performance during the first quarter of the 2022-2023 school year from his class adviser, Marites B. Ancheta, at San Jose Norte Elementary School in San Jose Norte 2, Mallig, Isabela on November 28, 2022.
The document discusses the behavior of particles in solids, liquids, and gases. It notes that in solids, particles are very close together and have limited motion, while in liquids they slip and slide and can change shape, and in gases particles are very far apart and move quickly in random directions with no definite shape. Changes in temperature can cause changes in phases as it speeds up or slows down particle motion and the forces between them.
This document discusses different types of animal habitats. It explains that animals live in habitats including land, water, or both land and water. Some key animal groups discussed are:
- Land animals, also called terrestrial animals, which live on land in places like forests and deserts. This includes pets, farm animals, and wild animals.
- Aquatic animals, which live in water and may breathe air or extract oxygen from water.
- Animals that live in both land and water habitats.
- Aerial animals, which can naturally fly, glide, or soar in the air, such as birds, bats, and insects.
The document encourages reading more about external body parts animals use
This document discusses the five human senses - sight, hearing, smell, taste, and touch - and their corresponding sense organs. It provides details on each sense organ, including that eyes are for sight, ears are for hearing and have three parts, the tongue detects four basic tastes, the nose detects smells, and skin provides the sense of touch. It encourages reading more in textbooks to deepen understanding of these important sense organs and the senses they enable humans to experience.
3. ALAM MO BA?
Ang isang bayani ay hindi lang 'yong taong
nagbubuwis ng buhay para sa bayan o para sa
ibang tao. Ang pagiging bayani ay maaari ding
ipakita sa pamamagitan ng paggawa ng
simpleng bagay para sa iba tulad ng
pagtatanggol sa mga naaapi, mahihina, o
'yong mga hindi kayang ipagtanggol ang sarili.
4. Ang kabayanihan din ay ang paggawa ng
tama kahit pa ang karamihan ay
gumagawa ng mali. Ikaw, batà, kaya mo
bang maging bayani rin? Halina't
basahin ang isang kabayanihang nagawa
ng isang karaniwang babae sa isang
karaniwang pagkakataon.
6. Ang Matanda sa Dyip
Mahilig magkuwento ang nanay ko pero ang
pinakapaborito ko ay ang kuwento niyang
nangyari noong ipinagbubuntis pa lang niya
ako. Pauwi na raw siya noon galing sa
trabaho. Nakapila siya sa sakayan ng dyip.
Mahaba ang pila at dahil nga buntis ay
ramdam na niya ang pananakit ng kanyang
mga paa at binti.
7. Kakaunting dyip lang ang dumarating kaya
medyo matagal ang paghihintay sa pila ng
mga pasahero. Nagtiyaga lang si Nanay at
hindi nagtagal ay malapit na rin siya sa dulo
ng pila. Pero may napansin siya. Ang
pangalawa sa unahan niya ay sumakay pero
bumaba rin agad. Sumunod namang umakyat
ang kasunod niya pero tulad ng nauna'y
nagmamadali rin itong bumaba
8. Nanay ko na ang susunod. Kahit hindi
niya alam kung ano ang iniiwasan ng
mga naunang taong sumakay ay
umakyat pa rin siya sa dyip. Iisa na lang
pala ang natitirang lugar sa loob
at ito'y malapit sa dulo sa tabi ng isang
matandang babaeng maraming galis sa
katawan.
9. Nakatingin daw ang ibang tao sa
nanay ko at tila ba naghihintay na
tulad ng dalawang naunang
pasahero ay bumaba rin agad-agad.
Subalit hindi ang nanay ko. "Lola,
patabi po ha," ang sabi niya sa
matanda sabay upo sa tabi ng
matandang galisin
10. Nagkatinginan daw ang iba
pang pasahero. Hindi nila
akalaing tatabi ang nanay ko
sa matandang pinandirihan
ng mga pasaherong naunang
sumakay.
11. Naiyak ang matanda sa ginawa
ng nanay ko. "Salamat, Anak, at
hindi ka nandiri sa akin. Huwag kang
mag-alala, eczema ang sakit ko at
hindi ito nakahahawa," ang sabi niya
kay Nanay. Napangiti lang si Nanay.
12. "Nay, bakit po hindi kayo nandiri sa
matanda?" tanong ko kay Nanay
noong una kong marinig ang
kuwentong ito mula sa kanya. "Tao
rin siya, Anak. At hindi naman niya
gustong magkaroon ng ganoong uri
ng sakit, hindi ba?
13. Masakit at mahapdi ang mga sugat niya pero
mas masakit na pinandidirihan siya ng iba,"
paliwanag ni Nanay. Karaniwang tao lang si
Nanay pero bayani siya para sa akin. Paano ba
nama'y champion ang nanay ko ng mga
naaapi! Nag-uuwi siya ng mga kuting na
nawawalay sa ina, Sinasaway niya ang mga
batang nanunukso sa kapwa nila bata.
14. Pinagsasabihan niya ang mga taong
nang-aapi sa kapwa. Iyan ang nanay
ko! Lodi talaga! Inspirasyon ko ang
mga kabutihang ginagawa niya.
Ngayon hanggang sa paglaki ko, ang
magagandang kuwento ng kanyang
mumunting kabayaniha’y pipilitin ko
ring tularan.
20. Magalang na Pananalita sa Pagbati,
Pakikipag-usap, at paghingi ng
paumanhin
Mahalaga sa isang tao ang pagiging
magalang. Kinatutuwaan ng lahat ang
isang batang magalang, Masarap kasi
siyang kausap dahil naririnig mula sa
kanya ang magagalang na pananalita.
21. Isang mabuting asal na
pinahahalagahan nating mga
Pilipino ang pagiging magalang.
Maipakikita ang pagiging magalang
sa paggamit ng magagalang na
pananalita sa pagbati, pakikipag-
usap, at paghingi ng paumanhin
22. Magagalang na Pananalita sa Pagbati
at pakikipag-usap.
Naririto ang ilang halimbawa ng
magagalang na pananalita sa pagbati at
pakikipag-usap. Basahin at gamitin lagi
ang mga ito.
23. po at opo ginagamit para maipakita ang
paggalang kapag nakikipag-
usap sa nakatatanda o sa
taong may katungkulan o
posisyon
Kumusta o kumusta po kayo?
pagbating sinasabi kapag may nakita o
nasalubong na isang kakilala o kapag may
bagong ipinakikilala sa iyo
24. Magandang hapon pagbating ginagamit sa
hapon
Magandang tanghali pagbating ginagamit sa
tanghali
Magandang gabi pagbating ginagamit sa gabi
Paalam na po pagbating sinasabi kapag
aalis o namamaalam na
Tuloy po kayo pag-aanyaya sa isang bisita
na pumasok sa loob ng
tahanan
25. Salamat po salitang ginagamit upang
maipakita ang pagpapasalamat
sa bagay na naibigay o pabor
na nagawa para sa iyo ng ibang
tao
Walang anuman magalang na sagot sa isang
nagpapasalamat
26. Magagalang na Pananalita sa Paghingi
ng paumanhin
Minsan ay hindi maiwasang makasakit
tayo ng ibang tao sinadya man o hindi.
Kapag nangyari ito, sinasabi natin ang
sumusunod na magagalang na
pananalita sa paghingi ng paumanhin:
27. Pasensiya na o pasensiya na po sinasabi kapag humihingi
tayo ng paumanhin dahil
nakasakit tayo ng ibang
tao
Hindi ko po sinasadya maaari itong idugtong kapag
sinabi ang "pasensiya" o
"pasensiya na po" lalo na kung
hindi naman natin sinadyang
makasakit ng ibang tao
28. Panghalip Panao
Ang panghalip panao ay mga salitang
ipinapalit o inihahalili sa ngalan ng tao.
Mahalaga ang paggamit ng panghalip
panao para mabawasan ang paulit-ulit na
pagbanggit sa ngalan ng tao dahil hindi ito
magandang pakinggan at minsan ay
nagdudulot pa ng kalituhan.
29. Panauhan ng Panghalip Panao
Ang panghalip panao ay may tatlong panauhan: una,
ikalawa, at Ikatlo.
Unang Panauhan -tumutukoy sa taong nagsasalita
Halimbawa: ako, ko, tayo, kami
Ikalawang Panauhan -tumutukoy sa taong kinakausap
Halimbawa: ikaw, ka, kayo, mo
Ikatlong Panauhan - tumutukoy sa taong pinag-
uusapan
Halimbawa: siya, sila, niya
30. Panuto: Kilalanin ang panauhan
ng panghalip panaong
nakasalungguhit sa bawat
pangungusap sa ibaba. Kung ito
ba ay una, ikalawa, o ikatlo.
31. 1. Ang aking Nanay
ay isang bayani para
sa akin. Siya ay
mabuti sa Lahat.
32.
33. 2. . Ikaw man ay may
magagawa rin para
sa iba.