Maayong hapon mga
junakis! Before tayo
maggogo sa ating lesson,
want kong malaman ninyo
ang layunin this day.
Narito ang mga layunin natin sa Aralin 1:
1.Nalalaman ang kahulugan ng antas ng
wika batay sa pormalidad;
2.Nakapagbibigay ng halimbawa ng antas ng
wika batay sa pormalidad at
3.Nasusuri ang antas ng wika batay sa
pormalidad (balbal, kolokyal, lalawiganin,
pormal).(F7WG-IIa-b-7)
Nakikita ba ang
presentasyon? Itech oh yung
nasa screen. Chaka ba yung
font ng letters? O keri lang?
parang ako lang . Charing!!
Antas ng
Wika Batay sa
Pormalidad
Antas ng Wika Batay sa Pormalidad
Kung magiging mapanuri at mag-
oobserba ka sa usapan ng mga tao,
mapapansin mong nagkakaroon ng
pagkakaiba sa uri ng salitang
ginagamit depende sa lugar,
okasyon, panahon, gayundin sa
taong kausap.
Halimbawa, kapag may mga nasalubong
ka sa umaga ay maaaring magkaroon ng
pagkakaiba-iba ang paraan o pormalidad
sa pagbati mo depende kung sino ang
babatiin mo. Halimbawa, kung ang
prinsipal ninyo ang nasalubong mo ay
tiyak na pormal na “Magandang umaga
po." ang sasabihin mo.
Magbabago ito kung kaibigang matalik
o BFF mo na ang makasasalubong mo.
Maaaring maging "Kumusta, 'Tol!" o
kaya'y "Uy, Pre!" na may kasamang
pagtapik sa kamay o balikat ang
gagawin mo. Halika, higit mo pang
kilalanin ang mga antas ng wika batay
sa pormalidad.
Mga Salitang Impormal o Di
Pormal-mga salitang
karaniwang ginagamit sa
pakikipag-usap sa mga kakilala
o kaibigan. Ito ay nauuri sa
tatlo:
Balbal (Slang) ang tawag sa
mga salitang karaniwang
ginagamit sa mga kalye kaya't
madalas na tinatawag ding
salitang kanto o salitang
kalye.
Nabibilang ang mga
salitang ito sa di pormal na
uri ng salita kaya't
karaniwang hindi ginagamit
sa mga pormal na
pagtitipon o pagsulat.
Ang salitang balbal ay nabubuo sa
pamamagitan ng iba't ibang paraan
tulad ng sumusunod:
Pagkuha sa dalawang huling pantig
ng salita tulad ng sa salitang
Amerikano na naging “Kano"
Pagbaliktad sa mga titik ng isang salita
tulad ng tigas na naging "astig"
paggamit ng salitang Ingles at
pagbibigay rito ng ibang kahulugan tulad
ng toxic na binigyan ng kahulugang
"hindi maayos ang kalagayan o hindi
maayos na tao" tulad ng "toxic na
schedule" o "toxic na kasamahan."
Pagbibigay kahulugan mula sa
katunog na pangalan tulad ng
Carmi Martin na ang kahulugan ay
"karma."
Iba pang halimbawa:
Bagets-kabataan lespu -pulis
charing-biro nenok -nakaw
Kolokyal (Colloquial)
Ito'y isa pang uri ng mga salitang di pormal na
ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-
usap. Madalas na ginagamitan ng pagpapaikli o
pagkakaltas ng ilang titik sa salita upang
mapaikli ang salita o kaya'y mapagsama ang
dalawang salita.
Halimbawa:
kelan mula sa kailan pa'no mula sa paano
Bahagi pa rin nito ang pagsasama ng
dalawang wika tulad ng Tagalog at Ingles
o "Tag-lish" o Tagalog-Espanyol.
Halimbawa:
A-attend ka ba sa birthday ni Lina? (Tag-
lish)
Hindi, may gagawin kami sa eskuwelahan.
(Tag-Espanyol)
Lalawiganin (Provincialism)
Mga salitang karaniwang ginagamit sa mga lalawigan o probinsiya o
kaya'y partikular na pook kung saan nagmula o kilala ang wika.
Kapansin-pansing ang mga lalawiganing salita ay may taglay na
kakaibang tono o bigkas na maaaring magbigay ng ibang kahulugan
dito.
Halimbawa:
tanan mula sa salitang Bisaya na ibig sabihin ay "lahat"
ambot mula sa salitang Bisaya na ibig sabihin ay "ewan"
manong at manang mula sa salitang Ilocano na ibig sabihin ay
"kuya" at "ate"
ngarud mula sa salitang Ilocano na katumbas ng katagang "nga"
Mga Salitang Pormal - mga salitang istandard
dahil ang mga ito ay ginagamit ng karamihan ng
mga nakapag-aral sa wika. Ito ang mga salitang
ginagamit sa paaralan, sa mga panayam, seminar,
gayundin sa mga aklat, ulat, at sa iba pang usapan
o sulating pang-intelektuwal.
Halimbawa:
Maybahay sa halip na waswit
Ama at ina sa halip na erpat at ermat
Salapi o yaman sa halip na datung
Kabilang din sa uring ito ang masisining na salitang
tulad ng mga tayutay, kasabihan, at kawikaang lalong
nagpaparikit sa pagkakagamit ng wika.
Halimbawa:
"Ang kinis ng kanyang batok ay nakikipag-agawan sa
nágmamaniba lang na mangga."
"Ang bilugang pisngi'y may biloy na sa kaniyang
pagngiti'y binubukalan mandin ng pag-ibig.
Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.
Habang maikli pa ang kumot, magtiis mamaluktot.
Panuto: Suriin ang antas ng
wikang ginamit ng bawat tauhan
sa usapang nangyari sa isang
family reunion. Kilalanin at isulat
sa linya kung ang nakadiin ay
balbal, kolokyal, lalawiganin, o
pormal.
Lola: Ang pagdating ng buong
angkan ay tila sinag ng
bulalakaw na nagdulot sa
akin ng kaligayahan.
(Maluha-luha habang
nagsasalita)
PORMAL
Jean: Uy, si Lola,
emote na emote...
KOLOKYAL
Lito: Hayaan mo nga
siya, Jean, moment
niya ito eh.
KOLOKYAL
Tita Lee: O sige, kakain na
tayo. Pakitawag si Manang
para tumulong sa paghahanda
ng mesa.
LALAWIGANIN
Ding: Wow! Ito ang
chibog!!! Ang
daming putahe...
BALBAL
Kris: Oh, so dami.
Sira na naman my
diet here.
KOLOKYAL
Nanay: Sige, sige, kain
ngarud para masulit ang
pagod namin sa
paghahanda.
LALAWIGANIN
Lyn: Ipinakikilala ko ang
syota kong Kano.
Dumating siya para
makilala kayong lahat.
BALBAL
Tito Mando: Naku,
nag-aamoy bawang
na. Kelan ba naman
ang pagiisang dibdib?
PORMAL
Lolo: Basta laging tatandaan
mga apo, ang pag- aasawa'y
hindi parang kaning isusubo
na maaaring iluwa kapag
napaso.
PORMAL
Sa palagay mo, ano ang
maaaring mangyari kung
ang lahat wikang
bibigkasin ay halos di
pormal?
Ano ang kahalagahan
ng pag-aaral ng antas
ng wika batay sa
pormalidad?
Takdang aralin:
Basahin at unawain ang
tungkol sa mga awiting-
bayan?
FILIPINO 7 - for observation.pptx

FILIPINO 7 - for observation.pptx

  • 2.
    Maayong hapon mga junakis!Before tayo maggogo sa ating lesson, want kong malaman ninyo ang layunin this day.
  • 4.
    Narito ang mgalayunin natin sa Aralin 1: 1.Nalalaman ang kahulugan ng antas ng wika batay sa pormalidad; 2.Nakapagbibigay ng halimbawa ng antas ng wika batay sa pormalidad at 3.Nasusuri ang antas ng wika batay sa pormalidad (balbal, kolokyal, lalawiganin, pormal).(F7WG-IIa-b-7)
  • 5.
    Nakikita ba ang presentasyon?Itech oh yung nasa screen. Chaka ba yung font ng letters? O keri lang? parang ako lang . Charing!!
  • 7.
    Antas ng Wika Bataysa Pormalidad
  • 8.
    Antas ng WikaBatay sa Pormalidad Kung magiging mapanuri at mag- oobserba ka sa usapan ng mga tao, mapapansin mong nagkakaroon ng pagkakaiba sa uri ng salitang ginagamit depende sa lugar, okasyon, panahon, gayundin sa taong kausap.
  • 9.
    Halimbawa, kapag maymga nasalubong ka sa umaga ay maaaring magkaroon ng pagkakaiba-iba ang paraan o pormalidad sa pagbati mo depende kung sino ang babatiin mo. Halimbawa, kung ang prinsipal ninyo ang nasalubong mo ay tiyak na pormal na “Magandang umaga po." ang sasabihin mo.
  • 10.
    Magbabago ito kungkaibigang matalik o BFF mo na ang makasasalubong mo. Maaaring maging "Kumusta, 'Tol!" o kaya'y "Uy, Pre!" na may kasamang pagtapik sa kamay o balikat ang gagawin mo. Halika, higit mo pang kilalanin ang mga antas ng wika batay sa pormalidad.
  • 11.
    Mga Salitang Impormalo Di Pormal-mga salitang karaniwang ginagamit sa pakikipag-usap sa mga kakilala o kaibigan. Ito ay nauuri sa tatlo:
  • 12.
    Balbal (Slang) angtawag sa mga salitang karaniwang ginagamit sa mga kalye kaya't madalas na tinatawag ding salitang kanto o salitang kalye.
  • 13.
    Nabibilang ang mga salitangito sa di pormal na uri ng salita kaya't karaniwang hindi ginagamit sa mga pormal na pagtitipon o pagsulat.
  • 14.
    Ang salitang balbalay nabubuo sa pamamagitan ng iba't ibang paraan tulad ng sumusunod: Pagkuha sa dalawang huling pantig ng salita tulad ng sa salitang Amerikano na naging “Kano"
  • 15.
    Pagbaliktad sa mgatitik ng isang salita tulad ng tigas na naging "astig" paggamit ng salitang Ingles at pagbibigay rito ng ibang kahulugan tulad ng toxic na binigyan ng kahulugang "hindi maayos ang kalagayan o hindi maayos na tao" tulad ng "toxic na schedule" o "toxic na kasamahan."
  • 16.
    Pagbibigay kahulugan mulasa katunog na pangalan tulad ng Carmi Martin na ang kahulugan ay "karma." Iba pang halimbawa: Bagets-kabataan lespu -pulis charing-biro nenok -nakaw
  • 17.
    Kolokyal (Colloquial) Ito'y isapang uri ng mga salitang di pormal na ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag- usap. Madalas na ginagamitan ng pagpapaikli o pagkakaltas ng ilang titik sa salita upang mapaikli ang salita o kaya'y mapagsama ang dalawang salita. Halimbawa: kelan mula sa kailan pa'no mula sa paano
  • 18.
    Bahagi pa rinnito ang pagsasama ng dalawang wika tulad ng Tagalog at Ingles o "Tag-lish" o Tagalog-Espanyol. Halimbawa: A-attend ka ba sa birthday ni Lina? (Tag- lish) Hindi, may gagawin kami sa eskuwelahan. (Tag-Espanyol)
  • 19.
    Lalawiganin (Provincialism) Mga salitangkaraniwang ginagamit sa mga lalawigan o probinsiya o kaya'y partikular na pook kung saan nagmula o kilala ang wika. Kapansin-pansing ang mga lalawiganing salita ay may taglay na kakaibang tono o bigkas na maaaring magbigay ng ibang kahulugan dito. Halimbawa: tanan mula sa salitang Bisaya na ibig sabihin ay "lahat" ambot mula sa salitang Bisaya na ibig sabihin ay "ewan" manong at manang mula sa salitang Ilocano na ibig sabihin ay "kuya" at "ate" ngarud mula sa salitang Ilocano na katumbas ng katagang "nga"
  • 20.
    Mga Salitang Pormal- mga salitang istandard dahil ang mga ito ay ginagamit ng karamihan ng mga nakapag-aral sa wika. Ito ang mga salitang ginagamit sa paaralan, sa mga panayam, seminar, gayundin sa mga aklat, ulat, at sa iba pang usapan o sulating pang-intelektuwal. Halimbawa: Maybahay sa halip na waswit Ama at ina sa halip na erpat at ermat Salapi o yaman sa halip na datung
  • 21.
    Kabilang din sauring ito ang masisining na salitang tulad ng mga tayutay, kasabihan, at kawikaang lalong nagpaparikit sa pagkakagamit ng wika. Halimbawa: "Ang kinis ng kanyang batok ay nakikipag-agawan sa nágmamaniba lang na mangga." "Ang bilugang pisngi'y may biloy na sa kaniyang pagngiti'y binubukalan mandin ng pag-ibig. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo. Habang maikli pa ang kumot, magtiis mamaluktot.
  • 22.
    Panuto: Suriin angantas ng wikang ginamit ng bawat tauhan sa usapang nangyari sa isang family reunion. Kilalanin at isulat sa linya kung ang nakadiin ay balbal, kolokyal, lalawiganin, o pormal.
  • 23.
    Lola: Ang pagdatingng buong angkan ay tila sinag ng bulalakaw na nagdulot sa akin ng kaligayahan. (Maluha-luha habang nagsasalita)
  • 24.
  • 25.
    Jean: Uy, siLola, emote na emote...
  • 26.
  • 27.
    Lito: Hayaan monga siya, Jean, moment niya ito eh.
  • 28.
  • 29.
    Tita Lee: Osige, kakain na tayo. Pakitawag si Manang para tumulong sa paghahanda ng mesa.
  • 30.
  • 31.
    Ding: Wow! Itoang chibog!!! Ang daming putahe...
  • 32.
  • 33.
    Kris: Oh, sodami. Sira na naman my diet here.
  • 34.
  • 35.
    Nanay: Sige, sige,kain ngarud para masulit ang pagod namin sa paghahanda.
  • 36.
  • 37.
    Lyn: Ipinakikilala koang syota kong Kano. Dumating siya para makilala kayong lahat.
  • 38.
  • 39.
    Tito Mando: Naku, nag-aamoybawang na. Kelan ba naman ang pagiisang dibdib?
  • 40.
  • 41.
    Lolo: Basta lagingtatandaan mga apo, ang pag- aasawa'y hindi parang kaning isusubo na maaaring iluwa kapag napaso.
  • 42.
  • 43.
    Sa palagay mo,ano ang maaaring mangyari kung ang lahat wikang bibigkasin ay halos di pormal?
  • 44.
    Ano ang kahalagahan ngpag-aaral ng antas ng wika batay sa pormalidad?
  • 45.
    Takdang aralin: Basahin atunawain ang tungkol sa mga awiting- bayan?