SlideShare a Scribd company logo
1 of 12
Modyul sa Filipino 9
Unang Markahan
Aralin 1.5- Dula
Mga Kasanayang Pampagkatuto
 Nakabubuo ng paghuhusga sa karakterisasyon ng mga tauhan sa kasiningan ng akda
 Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita habang nababago ang estruktura nito
 Nasusuri ang pagiging makatotohanan ng ilang pangyayari sa isang dula
 Nagagamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan (sa totoo, talaga, tunay,
iba pa)
A. Panitikan: Tiyo Simon Dula – Pilipinas ni N.P.S. Toribio
B. Gramatika: Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan (sa totoo, talaga, tunay
at iba pa)
Ang dula, ayon kay Aristotle, ay isang masining at makaaghamna
panggagaya sa kalikasan ng buhay. Ito’y kinatha at itinatanghal upang magsilbing salamin
ng buhay – sa wika, sa kilos, at sa damdamin. Bilang sining, may layunin itong makaaliw,
makapagturo o makapagbigay ng mensahe o makaantig ng damdamin at makapukaw ng
isip.
Ang Aralin 1.5 ay tatalakay sa isang dulang Pilipino na “Tiyo Simon” na
akda ni N.P.S. Toribio. Bahagi rin ng aralin ang paglalakbay sa mga ekspresyong
nagpapahayag ng katotohanan na makatulong sa pagpapalalimng iyong pag-unawa sa
paksang nais ipabatid.
Bilang pangwakas na gawain sa aralin, inaasahang makagagawa ka ng
isang maikling sanaysay na pumapaksa sa isyu ngayon ng ating bansa, ang Corona Virus
Pandemic. Gagamit ka ng mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan sa iyong
pagsasalaysay. Tatayain ang iyong gagawing sanaysay sa sumusunod na pamantayan: a.)
kahusayan sa paglalahad ng detalye, b.) kaangkupan, at c.) nilalaman.
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang masasagot mo nang may pag-
unawa ang mga pokus na tanong na: Paano naiiba ang dulang melodrama sa iba pang uri
ng dula? Bakit mahalaga ang paggamit ng mga ekspresyon na nagpapahayag ng
katotohanan sa isang dula?
Ang sagot sa mga tanong na ito ay matutuklasan mo sa masusing pag-
unawa sa aralin sa modyul na ito. Handa ka na ba sa gagawin mong paglalakbay? Kung
handa ka na, simulan mo na ang pag-aaral
Aralin 1.5
Panimula
Iba pang Anyo ng
DulaMelodrama
A. Tuklasin
Alamin muna natin ang lawak ng iyong kaalaman kaugnay ng paksang ating
tatalakayin. Subukin mong sagutin ang gawain sa ibaba:
Gawain 1. #Aking Kaalaman, Hanggang Saan?
Paano naiiba ang melodrama sa iba pang anyo ng dula. Ipakita ito sa pamamagitan ng
comparison organizer. Gayahin ang kasunod na pormat.
Pagkakatulad
Gawain 2. #Amain Ko, Kilalanin Mo
Magbigay ng ilang katangian ng iyong amain/tiyuhin na labis mong hinahangaan.
Magsalaysay ng ilang patunay.
_______________ ________________
_______________ ________________
_______________ ________________
Yugto ng Pagkatuto
Gawain 3. #Bagong-Buhay
Magsalaysay ng sariling karanasan tungkol sa salitang nasa bilohaba. Ano ang iyong
dating karanasan? Ikuwento ang mga pangyayari o pagkakataon na nagtulak sa iyo upang
magbagong buhay. Gayahin ang pormat sa ibaba.
Bago mo basahin ang nilalaman ng dulang Tiyo Simon, alamin at pag-aralan ang isang uri ng dula,
na kinabibilangan ng akdang iyong babasahin.
B. Linangin
Lahat ng tao pwedeng magbago, kahit gaano pa kasama, o kasama ang
karanasan na nangyari, dahil kaya tayong baguhin ng ating pananampalataya sa Diyos. May mga
pananaw tayo at paniniwala sa buhay na akala natin di na mababago, ngunit may mga
pagkakataon o pangyayari na makakapagpabago nito. Alamin at tuklasin natin ang hiwaga sa
dulang “Tiyo Simon” kung paano nabago ang kanyang paniniwala. Halina’t basahin ng may pang-
unawa.
pagbabagong-buhay
Dating Sitwasyon
Pangyayari
Alam mo ba na…
Ang melodrama ay isang uri ng dula. Isang dulang nagtataglay ng malulungkot na pangyayari?
Maaaring ito’y makaantig ng damdamin subalit nagwawakas ito nang masaya at kasiya-siya sa
mabubuti at mababait na tauhan.
TIYO SIMON
Dula—ni N.P.S. Toribio Pilipinas
Mga Tauhan:
Tiyo Simon—isang taong nasa katanghalian ang gulang, may kapansanan ang isang paa at
may mga paniniwala na hindi maunawaan ng kanyang hipag na relihiyosa.
Ina—ina ni Boy
Boy—pamangkin ni Tiyo Simon. Pipituhing taong gulang.
Oras—umaga, halos hindi pa sumusikat ang araw.
Tagpo: Sa loob ng silid ni Boy. Makikita ang isang tokador na kinapapatungan ng mga langis
at pomada sa buhok, toniko, suklay, at iba pang gamit sa pag-aayos. Sa itaas ng tokador,
nakadikit sa dingding ang isang malaking larawan ng birheng nakalabas ang puso at may
tarak ng isang punyal. Sa tabi ng nakabukas na bintana sa gawing kanan ay ang katreng
higaan ng bata. Sa kabuuan, ang silid ay larawan ng kariwasaan.
Sa pagtaas ng tabing, maikikita si Boy na binibihisan ng kanyang ina. Nakabakas sa mukha
ng bata ang pagkainip samanatalang sinusuklay ang kanyang buhok. (Biglang uunat ang
babae, saglit na sisipatin ang ayos ng anak, saka ngingiti.)
INA: O, hayan, di nagmukha kang tao. Siya, diyan ka muna at ako naman ang magbibihis.
BOY: (Dadabog) sabi ko, ayaw kong magsimba, e!
INA: Ayaw mong magsimba! Hindi maa...pagagalitin mo na naman ako, e! At anong
gagawin mo rito sa bahay ngayong umagang ito na pangiling-araw?
BOY: Maiiwan po ako rito sa bahay, kasama ko si ...Tiyo Simon...
INA: (Mapapamulagat) A, ang ateistang iyon. Ang...patawarin ako ng Diyos.
BOY: Basta. Maiiwan po ako... (Ipapadyak ang paa) makikipagkuwentuhan na lamang ako
kay Tiyo Simon...
INA: (Sa malakas na tinig) makikipagkuwentuhan ka? At anong kuwento? Tungkol sa
kalapastanganan sa banal na pangalan ng Panginoon?
BOY: Hindi, Mama. Maganda ang ikinukuwento ni Tiyo Simon sa akin...
INA: A, husto ka na...husto na bago ako magalit nang totohanan at humarap sa Panginoon
ngayong araw na ito nang may dumi sa kalooban.
BOY: Pero...
INA: Husto na sabi , e!
(Matitigil sa pagsagot si Boy. Makaririnig sila ng mga yabag na hindi pantay, palapit sa
nakapinid na pinto sa silid, saglit na titigil ang yabag; pagkuwa’y makaririnig sila ng
mahinang pagkatok sa pinto.)
INA: (Paungol) uh... sino ‘yan?
TIYO SIMON: (Marahan ang tinig) Ako, hipag, naulinigan kong...
(Padabog na tutunguhin ng babae ang pinto at bubuksan iyon. Mahahantad ang kaanyuan
ni Tiyo Simon, nakangiti ito.)
TIYO SIMON: Maaari bang pumasok? Naulinigan kong tila may itinututol si Boy...
BOY: (Lalapit) Ayaw kong magsimba, Tiyo Simon. Maiiwan ako sa iyo rito. Hindi ako sasama
kay Mama.
INA: (Paismid) Iyan ang itinututol ng pamangkin mo, kuya. Hindi nga raw sasama sa
simbahan...
(Maiiling si Tiyo Simon, ngingiti at paika-ikang papasok sa loob, hahawakan ang balikat ni
Boy.)
TIYO SIMON: Kailangan ka nga namang sumama sa simbahan, Boy. Kung gusto mo...kung
gusto mong isama ako ay maghintay kayo at ako’y magbibihis...magsisimba tayo.
(Mapapatingin nang maluwat si Boy sa kanyang Tiyo Simon, ngunit hindi makakibo. Ang ina
ay namangha rin. Tatalikod
na si Tiyo Simon at lalabas. Maiiwang natitigilan ang dalawa, pagkuwa’y babaling ang ina
kay Boy.)
INA: Nakapagtataka! Ano kaya ang nakain ng amain mong iyon at naisipang sumama
ngayon sa atin? Ngayon ko lamang siya makikitang lalapit sa Diyos...
BOY: Kung sasama po si Tiyo Simon , sasama rin ako...
INA: Hayun! Kaya lamang sasama ay kung sasama ang iyong amain. At kung hindi ay hindi
ka rin sasama. Pero mabuti rin iyon...mabuti, sapagkat hindi lamang ikaw ang maaakay ko
sa wastong landas kundi ang kapatid na iyon ng iyong ama na isa ring...
(Mapapayuko ang babae, papahirin ang luhang sumungaw sa mga mata. Magmamalas
lamang siBoy.)
INA: (Mahina at waring sa sarili lamang). namatay siyang hindi lamang nakapagpa-Hesus.
Kasi’y matigas ang kalooban niya sa pagtalikod sa simbahan. Pareho silang magkapatid sila
ng iyong amain. Sana’y magbalik-loob siya sa Diyos upang makatulong siya sa pagliligtas sa
kaluluwa ng kanyang kapatid na sumakabilang buhay na...
(Mananatiling nagmamasid lamang si Boy. Pagkuwa’y nakarinig sila ng hindi pantay na
yabag, at ilang sandali pa ay sumungaw na ang mukha ni Tiyo Simon sa pinto. Biglang
papahirin ng babae ang kanyang mukha, pasasayahin ito, at saka tutunguhin ang pinto.)
INA: Siyanga pala. Magbibihis din ako. Nakalimutan ko, kasi’y...diyan muna kayo ni Boy,
kuya...
(Lalabas ang babae at si Tiyo Simon ay papasok sa loob ng silid. Agad tutunguhin ang isang
sopang naroroon, pabuntung-hiningang uupo. Agad, naman siyang lalapitan ni Boy at ang
bata ay titindig sa harapan niya.)
TIYO SIMON: (Maghihikab) iba na ang tumatandang talaga. Madaling mangawit, mahina
ang katawan at... (biglang matitigil nang mapansing ang tinitingnan ng bata ay ang kanyang
may kapansanang paa. Matatawa.)
BOY: Bakit napilay po kayo, Tiyo Simon? Totoo ba’ng sabi ni Mama na iya’y parusa ng
Diyos?...
TIYO SIMON: (Matatawa) sinabi ba ng Mama mo iyon?
BOY: Oo raw e, hindi kayo nagsisimba. Hindi raw kasi kayo naniniwala sa Diyos. Hindi raw
kasi...
TIYO SIMON: (Mapapabuntong-hininga) hindi totoo, Boy, na hindi ako naniniwala sa
Diyos...
BOY: Pero ‘yon ang sabi ni Mama, Tiyo Simon. Hindi raw kayo nangingilin kung araw ng
pangilin. Bakit hindi kayo nangingilin, Tiyo Simon?
TIYO SIMON: May mga bagay, Boy na hindi maipaliwanag. May mga bagay na hindi
maipaaalamsa iba sa pamamagitan ng salita. Ang mga bagay na ito ay malalaman lamang
sa sariling karanasan sa sariling pagkamulat...ngunit kung anuman itong mga bagay na ito,
Boy, ay isa ang tiyak: malaki ang pananalig ko kay Bathala.
BOY: Kaya ka sasama sa amin ngayon, Tiyo Simon?...
TIYO SIMON: Oo, Boy. Sa akin, ang simbahan ay hindi masamang bagay. Kaya huwag mong
tatanggihan ang pagsama sa iyo ng iyong Mama. Hindi makabubuti sa iyo ang pagtanggi,
ang pagkawala ng pananalig. Nangyari na sa akin iyon at hindi ako naging maligaya.
(Titigil si Tiyo Simon sa pagsasalita na waring biglang palulungkutin ng mga alaala. Buhat sa
malayo ay biglang aabot ang alingawngaw ng tinutugtog na kamapana. Magtatagal nang
ilang sandali pagkuwa’y titigil ang pagtugtog ng batingaw. Magbubuntung hininga si Tiyo
Simon, titingnan ang kanyang may kapansanang paa, tatawa nang mahina at saka titingin
kay Boy).
TIYO SIMON: Dahil sa kapansanang ito ng aking paa, Boy, natutuhan kong tumalikod, hindi
lamang sa simbahan, kundi sa Diyos. Nabasa ko ang The Human Bondage ni Maugham at
ako’y
nanalig sa pilosopiyang pinanaligan ng kanyang tauhan doon, ngunit hindi ako naging
maligaya, Boy, hindi ako nakaramdam ng kasiyahan.
BOY: Ano ang nangyari, Tiyo Simon?...
TIYO SIMON: Lalo akong naging bugnutin, magagalitin. Dahil doon, walang natuwang tao sa
akin, nawalan ako ng mga kaibigan, hanggang sa mapag-isa ako...hanggang isang araw ay
nangyari sa akin ang isang sakunang nagpamulat sa aking paningin.
BOY: Ano iyon, Tiyo Simon...?
(Uunat sa pagkakaupo si Tiyo Simon at dudukot sa kanyang lukbutan. Maglalabas ng isang
bagay na makikilala na isang sirang manikang maliit.)
TIYO SIMON: ito ay isang manika ng batang nasagasaan ng trak. Patawid siya noon at sa
kanyang pagtakbo ay nailaglag niya ito. Binalikan niya ito ngunit siyang pagdaan ng trak at
siya’y nasagasaaan...nasagasaan siya. Nadurog ang kanyang binti, namatay ang
bata...namatay nakita ko, ng dalawang mata, ako noo’y naglalakad sa malapit...at aking
nilapitan, ako ang unang lumapit kaya nakuha ko ang manikang ito at noo’y tangang
mahigpit ng namatay na bata, na waring ayaw bitiwan kahit sa kamatayan...
BOY: (Nakamulagat) Ano pa’ng nangyari Tiyo Simon?
TIYO SIMON: Kinuha ko nga ang manika, Boy. At noon naganap ang pagbabago sa aking
sarili...sapagkat nang yumuko ako upang damputin ang manika ay nakita ko ang isang
tahimik at nagtitiwalang ngiti sa bibig ng patay na bata sa kabila ng pagkadurog ng Kanyang
buto...ngiting tila ba nananalig na siya ay walang kamatayan...
(Magbubuntunghinga si Tiyo Simon samantalang patuloy na nakikinig lamang si Boy.
Muling maririnig ang batingaw sa malayo. Higit na malakas at madalas, mananatili nang
higit na mahabang sandali sa pagtunog, pagkuwa’y titigil. Muling magbubuntunghinga si
Tiyo Simon.)
TIYO SIMON: Mula noon, ako’y nag-isip na, Boy. Hindi ko na makalimutan ang pangyayaring
iyon. Inuwi ko ang manika at iningatan, hindi inihiwalay sa aking katawan, bilang
tagapagpaalalang lagisa akin ng matibay at mataos na pananalig ng isang batang hanggang
sa oras ng kamatayan ay nakangiti pa. At aking tinandaan sa isip: kailangan ng isang tao ang
pananalig kay Bathala, kung may panimbulanan siya sa mga sandali ng kalungkutan, ng
sakuna, ng mga kasawian...upang may makapitan siya kung siya’y iginugupo na ng mga
hinanakit sa buhay.
(Mahabang katahimikan ang maghahari. Pagkuwa’y maririnig ang matuling yabag na
papalapit. Sumungaw ang mukha ng ina ni Boy sa pinto.)
INA: Tayo na, baka wala na tayong datnang misa. Hinahanap ko pa kasi ang aking dasalan
kaya ako natagalan. Tayo na, Boy...Kuya
BOY: (Paluksu-luksong tutunguhin ang pinto) Tayo na Mama, kanina pa nga po tugtog nang
tugtog ang kampana, e. Tayo na, Tiyo Simon, baka tayo mahuli, tayo na!
(Muling maririnig ang tugtog ng kmapana sa malayo. Nagmamadaling lalabas si Boy sa
pinto. Lalong magiging madalas ang pagtugtog ng kampana lalong magiging malakas,
habang bumababa ang tabing).
Gawain 4. #Talasalitaan
Ibigay ang ibat ibang kahulugan ng mga salita batay sa estruktura ng salita at ipaliwanag ang bawat
isa.
Gawain 5. #Naunawaan mo ba?
Sagutin ang mga gabay na tanong mula sa binasang akda.
1. Anoang malakingimpluwensiyangpangunahingtauhankayBoy?Patunayan.
2. Bakitnaisipanni TiyoSimonna sumamasa mag-inasa simbahan?
3. Anongdamdaminangnamayani sa hipagni TiyoSimonsa pagbabalik-loobniyasaDiyos?
4. Bakitkailangangmagkaroonngmatibayna pananaligsaDiyosang isangtao?
Tiyo
Kahulugan
Paliwanag
Tiyuhin
Kahulugan
Paliwanag
Magtiyo
Kahulugan
Paliwanag
5. Dapat bang sisihinngtaoang Diyossa mga pagkakataongdumaranas siyang mga kabiguansa
buhay?Pangatuwiranan.
6. Kapani-paniwalabaangmga pangyayaringinilahadsadula? Patunayan.
7. Bakitmelodramaangiyongakdangbinasa?Ipaliwanag.
8. AnongkulturangPilipinoanginilarawansaakda?Ihambingitosa kulturangalinmansa mga
bansangAsyano.
9. Anoang iyongnadamang malamanmo ang akda?
10. Anoang binagong akda sa iyongpag-uugali?
Gawain 6. #Karakter Mo, Huhusgahan Ko
Ibigay ang mga magandang pag-uugali at di-magandang pag-uugali ng bawat
tauhan. Magbigay ng mga panghuhusga kung paano nila ito mababago.
Kaalamang may Saysay!!
Ano nga ba ang dula?
Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang tagpo sa
dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan. Ang mga taong dalubhasa sa
larangan ng pagsusulat ng mga dulang itinatanghal ay tinatawag na
mga mandudula, dramatista, o dramaturgo.
Tulad ng maikling kuwento, ang dula ay may tagpuan, tauhan at banghay. Ang mga tauhan ay
maaring suriin ayon sa dalawa: bilog o lapad.
1. Ang bilog na karakter ay ang pangunahing tauhan o kalimitang protagonist sa akdang
pampanitikan na nakararanas ng iba’t ibang suliranin na naging dahilan ng kanyang
makabuluhang pagbabago. Ang kanilang pagkato at buo lalo na ang katangiang pisikal,
mental at emosyunal, sapat upang sabihinh ang kanilang karakter ay makatotohanan.
2. Ang lapad na karakter naman ay itinuturing na pangalawang tauhan sa mga akdang
pamapnitikan. Kaiba sa bilog na karakter, ang lapad ay hindi dumaraan sa iba’t ibang
suliranin at makabuluhang pagbabago sa kabuuan ng kuwento. Kalimitang
matatapang, hindi nagabbago at iba pa.
Mga sangkap sa dula
1. Simula - mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin.
2. Gitna - matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan.
3. Wakas - matatagpuan naman dito ang kakalasan at ang kalutasan.
Mga Tauhan Magandang Pag-
uugali
Di-magandang Pag-
uugali
Paano ito
Babaguhin?
Tiyo Simon
Boy
Ina
Gawain 7. #SipatSuri
Suriin ang akdang binasa, tukuyin ang mga pangyayari na may katotohanan at ipaliwanag
kung bakit ito naging makatotohanan. Gawing gabay ang tsart sa ibaba.
Ngayon ay nalaman mo na ang katotohanan sa buhay ni Tiyo Simon. Totoong hindi
ganon kadali magsabi ng katotohanan, ngunit kailangan sapagkat sabi nga sa kasabihan, “ang
nagsasabi ng totoo, nagsasama ng maluwat”. Kaya, huwag tayong matakot o mangamba na
magsabi ng katotohanan sa ating kapwa, dahil kapag ginawa natin iyon, pagpapalain tayo ng Diyos
na lumikha.
Mga pangyayari na nagpapakita ng katotohanan
Pangyayari Pangyayari Pangyayari
Paliwanag
__________________
__________________
__________________
Paliwanag
__________________
__________________
__________________
Paliwanag
__________________
__________________
__________________
Kaalamang may Saysay!!
Ano ang Katotohanan?
 Nagsasaadng ideyaopangyayaringnapatunayanattanggap ng lahatna totoo, hindi
nagbabagoat maaaring mapatunayan.Sinusuportahanngpinagkunan.
 Ito ay ginagamitanngmga salitaopariralatulad ng:
1. pinatutunayanni 5. sa totoo
2. mulakay 6. talaga
3. inutukoysa/ni 7. tunay
4. mababasana 8. ayonsa
Halimbawa:
1. Batay sa tala ng Departmentof Education,unti-untingnababawasanangmga out-of school youth.
2. Mababasa sa nagingresultangpananaliksikngmgaekonomistanaunti-untingumuunladang
turismong atingbansa.
3. Ayonsa bibliya,masamaangpagsisinungaling.
4. Sa totoo lamang, ang isang taong walang Diyos ay tinatawag na ateista.
5. Tunay na mahirap maipaliwanag ang konsepto ng pananampalataya.
TANDAAN
May mga pangyayari samga akdangating binabasananaglalahadng makatotohananathindi
makatotohanangpangyayari.Angmahalagaaymarunongkang kumilatiskungalinsamgaitoang
kapani-paniwalaohindi kapani-paniwala.
Sa pagpapatuloy ng aralin, matutuklasan mo ang mga ekspresyong ginagamit sa
pagpapahayag ng katotohanan at paano ito gamitin sa pahayag.
Pagganyak na tanong:
1. Ano nga ba ang katotohanan?
2. Bakit mahalaga na magsabi ng katotohanan ang isang tao?
3. Ano kaya ang posibleng mangyari kapag hindi nagsasabi ng katotohanan?
4. Paano nga ba malalaman na totoo ang sinasabi ng kausap natin?
5. May mga batayan ba tayong sinusunod upang malaman ito?
Pagsasanay 1
Tukuyin sa mga sumusunod na pahayag. Dugtungan ang paghayag na makatotohanan at
ekis naman sa hindi.
1. Batay sa pag-aaral, totoong…
2. Mula sa mga datos na aking nakalap, totoong…
3. Ang mga patunay na aking nakalap ay tunay na…
4. Ayon sa mga dalubhasa, napatunayan na…
5. Marahil ang bagay na ito ay ……
Pagsasanay 2. #FACT O BLUFF
Panuto: Tukuyin kung ang pangugusap ay opinyon lamang o katotohanan. Lagyan ng FACT
kapag katotohanan, at BLUFF kapag opinyon.
___________1. Para sa akin, ang basurero ang pinakamahalagang katulong sa pamayanan.
___________2. Ayon kay Santiago et al., (2000), ang kahirapan ng Pilipinas ay bunga ng
katamaran ng mga Pilipino.
___________3. Sa palagay ko ay si Ana na ang mananalo sa patimpalak na ito.
___________4. Ang konsensiya ay nakakamatay.
___________5. Lahat ng tao ay mamamatay.
___________6. Para sa mga Pinoy, ang pagwawalis sa gabi ay malas.
___________7. Mas masayang kasama ang mga kaibigan kaysa mga magulang.
___________8. Ayon kay Padre Serrano, magkakaroon ng handaan mamayang gabi.
___________9. Sa pagkakaalamko, karamihan sa mga lalaki ay manloloko.
__________10. Lahat tayo ay ginawa ng Diyos na may sari-sariling talinto at kakayahan.
Pagsasanay 3. #Nagagamit Ko
Gamitin sa pangungusap ang mga ekspresyon sa pagpapahayag ng katotohanan.
1. Sa totoo
2. Tunay
3. Talaga
4. Mula kay
5. Tinutukoy sa
C. Pagnilayan at Unawain
Bumuo ng mahahalagang konseptong natutahan sa aralin sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga tanong na nakatala sa kasunod na talahanayan.
Tanong Sagot
Paano naiiba ang dulang melodrama
sa iba pang uri ng dula?
Naiiba ang dulang melodrama sa ibang uri ng
dula dahil ____________________________.
Paano nakatutulong ang paggamit ng
mga ekspresyon na nagpapahayag
ng katotohanan sa pagsulat ng dula?
Sa pagsulat o pagbuo ng dula, nakatutulong
ang paggamit ng ekpresyon na
nagpapahayag ng katotohanan sa
pamamagitan ng ______________________.
D. Ilipat
Performance 1. #SalaysayEkspres
Gumawa ng isang maikling sanaysay gamit ang mga salita o ekspresyon sa
pagpapahayag ng katotohanan batay sa tanong na;
Marami bang Asyano ang maraming katanungan tungkol sa kanilang
pananampalataya? Ipaliwanag.
Pamantayan sa Pagmamarka
Mga Kategorya 5-4 3-2 1
Kahusayan sa
paglalahad ng
detalye
Napakahusay na
pagkakalahad at
pagkaayos ng detalye
Mahusay na
pagkakalahad at
pagkaayos ng detalye
Hindi malinaw ang
pagkakalahad at
pagkakaayos sa mga
detalye
Kaangkupan Ang mga datos na
inilahad ay tunay at
makatotohanan.
May iilan sa inilahad
na mga datos na hindi
kinakitaan ng
katotohan dahil sa
kakulangan ng
impormasyon.
Lahat ng inilahad ay
hindi makatotohanan
Nilalaman Naunawaan nang
lubusan ang ginawang
paglalahad
Nauunawaan ang
karamihan sa inilhad
na mga impormasyon
Hindi gaanong
nauwaan ang
ginawang paglalahad.

More Related Content

What's hot

Pretest filipino grade 9
Pretest filipino grade 9Pretest filipino grade 9
Pretest filipino grade 9
Geneveve Templo
 
ARALIN 3.4 KILOS, GAWI AT KARAKTER.pptx
ARALIN 3.4 KILOS, GAWI AT KARAKTER.pptxARALIN 3.4 KILOS, GAWI AT KARAKTER.pptx
ARALIN 3.4 KILOS, GAWI AT KARAKTER.pptx
RenanteNuas1
 

What's hot (20)

Romeo at julieta pakitang turo
Romeo at julieta pakitang turoRomeo at julieta pakitang turo
Romeo at julieta pakitang turo
 
Pretest filipino grade 9
Pretest filipino grade 9Pretest filipino grade 9
Pretest filipino grade 9
 
Elehiya Grade 9 lesson in Filipino
Elehiya Grade 9 lesson in FilipinoElehiya Grade 9 lesson in Filipino
Elehiya Grade 9 lesson in Filipino
 
Kultura pamana-reaglo-buhay
Kultura pamana-reaglo-buhayKultura pamana-reaglo-buhay
Kultura pamana-reaglo-buhay
 
Klino
KlinoKlino
Klino
 
PASUSURI NG DOKYU-FILM-WK3-Q1.pptx
PASUSURI NG DOKYU-FILM-WK3-Q1.pptxPASUSURI NG DOKYU-FILM-WK3-Q1.pptx
PASUSURI NG DOKYU-FILM-WK3-Q1.pptx
 
Ponemang suprasegmental
Ponemang suprasegmentalPonemang suprasegmental
Ponemang suprasegmental
 
Filipino 9 Napatutunayan kung Makatotohanan o Di-Makatotohanan ang mga Pahayag
Filipino 9 Napatutunayan kung Makatotohanan o Di-Makatotohanan ang mga PahayagFilipino 9 Napatutunayan kung Makatotohanan o Di-Makatotohanan ang mga Pahayag
Filipino 9 Napatutunayan kung Makatotohanan o Di-Makatotohanan ang mga Pahayag
 
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)
 
Hindi ako magiging adik.pptx
Hindi ako magiging adik.pptxHindi ako magiging adik.pptx
Hindi ako magiging adik.pptx
 
Dula
DulaDula
Dula
 
Awiting bayan (waray)
Awiting bayan (waray)Awiting bayan (waray)
Awiting bayan (waray)
 
Suyuan sa Asotea detailed Lesson plan
Suyuan sa Asotea detailed Lesson planSuyuan sa Asotea detailed Lesson plan
Suyuan sa Asotea detailed Lesson plan
 
ARALIN 3.4 KILOS, GAWI AT KARAKTER.pptx
ARALIN 3.4 KILOS, GAWI AT KARAKTER.pptxARALIN 3.4 KILOS, GAWI AT KARAKTER.pptx
ARALIN 3.4 KILOS, GAWI AT KARAKTER.pptx
 
Anekdota
AnekdotaAnekdota
Anekdota
 
Kay Estella Zeerhandelar
Kay Estella Zeerhandelar  Kay Estella Zeerhandelar
Kay Estella Zeerhandelar
 
Epiko - Filipino 9
Epiko - Filipino 9Epiko - Filipino 9
Epiko - Filipino 9
 
Opinyon at pananaw.pptx
Opinyon at pananaw.pptxOpinyon at pananaw.pptx
Opinyon at pananaw.pptx
 
Panuring na ginagamit sa modipikasyon ng pangungusap
Panuring na ginagamit sa modipikasyon ng pangungusapPanuring na ginagamit sa modipikasyon ng pangungusap
Panuring na ginagamit sa modipikasyon ng pangungusap
 
EKSPRESYON SA PAGPAPAHAYAG NG KONSEPTO O PANANAW.pptx
EKSPRESYON SA PAGPAPAHAYAG NG KONSEPTO O PANANAW.pptxEKSPRESYON SA PAGPAPAHAYAG NG KONSEPTO O PANANAW.pptx
EKSPRESYON SA PAGPAPAHAYAG NG KONSEPTO O PANANAW.pptx
 

Similar to Filipino 9 modyul aralin 1.5

ESP Y2 ARALIN 3 MGA BIRO KO, INIINGATAN KO.pptx
ESP Y2 ARALIN 3 MGA BIRO KO, INIINGATAN KO.pptxESP Y2 ARALIN 3 MGA BIRO KO, INIINGATAN KO.pptx
ESP Y2 ARALIN 3 MGA BIRO KO, INIINGATAN KO.pptx
catherinegaspar
 
Learning package-baitang-7-ikatlong-markahan
Learning package-baitang-7-ikatlong-markahanLearning package-baitang-7-ikatlong-markahan
Learning package-baitang-7-ikatlong-markahan
Francis Kim Tanay
 
Learning package-baitang-7-ikatlong-markahan-140111175013-phpapp02
Learning package-baitang-7-ikatlong-markahan-140111175013-phpapp02Learning package-baitang-7-ikatlong-markahan-140111175013-phpapp02
Learning package-baitang-7-ikatlong-markahan-140111175013-phpapp02
Alessandra Bernese
 
Q1 M1 Pagsagot sa mga Tanong tungkol sa napakinggan.pptx
Q1 M1 Pagsagot sa mga Tanong tungkol sa napakinggan.pptxQ1 M1 Pagsagot sa mga Tanong tungkol sa napakinggan.pptx
Q1 M1 Pagsagot sa mga Tanong tungkol sa napakinggan.pptx
LorieleeMayPadilla2
 

Similar to Filipino 9 modyul aralin 1.5 (20)

Tiyo Simon
Tiyo SimonTiyo Simon
Tiyo Simon
 
Tiyo simon
Tiyo simonTiyo simon
Tiyo simon
 
Dula
DulaDula
Dula
 
Presentation1
Presentation1Presentation1
Presentation1
 
Banghay report
Banghay reportBanghay report
Banghay report
 
ESP Y2 ARALIN 3 MGA BIRO KO, INIINGATAN KO.pptx
ESP Y2 ARALIN 3 MGA BIRO KO, INIINGATAN KO.pptxESP Y2 ARALIN 3 MGA BIRO KO, INIINGATAN KO.pptx
ESP Y2 ARALIN 3 MGA BIRO KO, INIINGATAN KO.pptx
 
esp_y2_aralin_3_mga_biro_ko__iniingatan_ko.pptx
esp_y2_aralin_3_mga_biro_ko__iniingatan_ko.pptxesp_y2_aralin_3_mga_biro_ko__iniingatan_ko.pptx
esp_y2_aralin_3_mga_biro_ko__iniingatan_ko.pptx
 
Tiyo Simon.pdf
Tiyo Simon.pdfTiyo Simon.pdf
Tiyo Simon.pdf
 
Edukasyon sa pagkatao mga tula
Edukasyon sa pagkatao mga tulaEdukasyon sa pagkatao mga tula
Edukasyon sa pagkatao mga tula
 
Learning package-baitang-7-ikatlong-markahan
Learning package-baitang-7-ikatlong-markahanLearning package-baitang-7-ikatlong-markahan
Learning package-baitang-7-ikatlong-markahan
 
Learning package-baitang-7-ikatlong-markahan-140111175013-phpapp02
Learning package-baitang-7-ikatlong-markahan-140111175013-phpapp02Learning package-baitang-7-ikatlong-markahan-140111175013-phpapp02
Learning package-baitang-7-ikatlong-markahan-140111175013-phpapp02
 
Q1 M1 Pagsagot sa mga Tanong tungkol sa napakinggan.pptx
Q1 M1 Pagsagot sa mga Tanong tungkol sa napakinggan.pptxQ1 M1 Pagsagot sa mga Tanong tungkol sa napakinggan.pptx
Q1 M1 Pagsagot sa mga Tanong tungkol sa napakinggan.pptx
 
Q1 w5 d1 es p
Q1 w5 d1 es pQ1 w5 d1 es p
Q1 w5 d1 es p
 
FILIPINO.pptx
FILIPINO.pptxFILIPINO.pptx
FILIPINO.pptx
 
Filipino 8 Part5
Filipino 8 Part5Filipino 8 Part5
Filipino 8 Part5
 
reading booklet jovie kinder.docx
reading booklet jovie kinder.docxreading booklet jovie kinder.docx
reading booklet jovie kinder.docx
 
Anyo Ng Pakikipagtalastasan
Anyo Ng PakikipagtalastasanAnyo Ng Pakikipagtalastasan
Anyo Ng Pakikipagtalastasan
 
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ek
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ekModyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ek
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ek
 
Modyul 18
Modyul 18Modyul 18
Modyul 18
 
Modyul 4 pagsusuri ng akda batay sa pananaw sosyolohikal
Modyul 4 pagsusuri ng akda batay sa pananaw sosyolohikalModyul 4 pagsusuri ng akda batay sa pananaw sosyolohikal
Modyul 4 pagsusuri ng akda batay sa pananaw sosyolohikal
 

More from KennethSalvador4 (7)

Modyul 9-Nobela
Modyul 9-NobelaModyul 9-Nobela
Modyul 9-Nobela
 
Tula- Aralin 3-Unang Markahan
Tula- Aralin 3-Unang MarkahanTula- Aralin 3-Unang Markahan
Tula- Aralin 3-Unang Markahan
 
Maikling Kuwento- Unang Markahan
Maikling Kuwento- Unang MarkahanMaikling Kuwento- Unang Markahan
Maikling Kuwento- Unang Markahan
 
Ikalawang pangwakas na output filipino 9-modyul
Ikalawang pangwakas na output  filipino 9-modyulIkalawang pangwakas na output  filipino 9-modyul
Ikalawang pangwakas na output filipino 9-modyul
 
Pangwakas na output sa filipino 9 unang markahan
Pangwakas na output sa filipino 9 unang markahanPangwakas na output sa filipino 9 unang markahan
Pangwakas na output sa filipino 9 unang markahan
 
Worksheet tanka at haiku
Worksheet tanka at haikuWorksheet tanka at haiku
Worksheet tanka at haiku
 
Filipino 9 aralin 2- nobela
Filipino 9  aralin 2- nobelaFilipino 9  aralin 2- nobela
Filipino 9 aralin 2- nobela
 

Recently uploaded

ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
VillasoClarisse
 
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
diannesofocado8
 
FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................
VALERIEYDIZON
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
KathlyneJhayne
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
HannaLingatong
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
binuaangelica
 
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxFil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
MaamMeshil1
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
CindyManual1
 

Recently uploaded (20)

ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
 
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismDLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
 
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
 
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
 
FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
 
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docxReviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
 
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
 
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxFil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
 
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
 

Filipino 9 modyul aralin 1.5

  • 1. Modyul sa Filipino 9 Unang Markahan Aralin 1.5- Dula Mga Kasanayang Pampagkatuto  Nakabubuo ng paghuhusga sa karakterisasyon ng mga tauhan sa kasiningan ng akda  Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita habang nababago ang estruktura nito  Nasusuri ang pagiging makatotohanan ng ilang pangyayari sa isang dula  Nagagamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan (sa totoo, talaga, tunay, iba pa) A. Panitikan: Tiyo Simon Dula – Pilipinas ni N.P.S. Toribio B. Gramatika: Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan (sa totoo, talaga, tunay at iba pa) Ang dula, ayon kay Aristotle, ay isang masining at makaaghamna panggagaya sa kalikasan ng buhay. Ito’y kinatha at itinatanghal upang magsilbing salamin ng buhay – sa wika, sa kilos, at sa damdamin. Bilang sining, may layunin itong makaaliw, makapagturo o makapagbigay ng mensahe o makaantig ng damdamin at makapukaw ng isip. Ang Aralin 1.5 ay tatalakay sa isang dulang Pilipino na “Tiyo Simon” na akda ni N.P.S. Toribio. Bahagi rin ng aralin ang paglalakbay sa mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan na makatulong sa pagpapalalimng iyong pag-unawa sa paksang nais ipabatid. Bilang pangwakas na gawain sa aralin, inaasahang makagagawa ka ng isang maikling sanaysay na pumapaksa sa isyu ngayon ng ating bansa, ang Corona Virus Pandemic. Gagamit ka ng mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan sa iyong pagsasalaysay. Tatayain ang iyong gagawing sanaysay sa sumusunod na pamantayan: a.) kahusayan sa paglalahad ng detalye, b.) kaangkupan, at c.) nilalaman. Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang masasagot mo nang may pag- unawa ang mga pokus na tanong na: Paano naiiba ang dulang melodrama sa iba pang uri ng dula? Bakit mahalaga ang paggamit ng mga ekspresyon na nagpapahayag ng katotohanan sa isang dula? Ang sagot sa mga tanong na ito ay matutuklasan mo sa masusing pag- unawa sa aralin sa modyul na ito. Handa ka na ba sa gagawin mong paglalakbay? Kung handa ka na, simulan mo na ang pag-aaral Aralin 1.5 Panimula
  • 2. Iba pang Anyo ng DulaMelodrama A. Tuklasin Alamin muna natin ang lawak ng iyong kaalaman kaugnay ng paksang ating tatalakayin. Subukin mong sagutin ang gawain sa ibaba: Gawain 1. #Aking Kaalaman, Hanggang Saan? Paano naiiba ang melodrama sa iba pang anyo ng dula. Ipakita ito sa pamamagitan ng comparison organizer. Gayahin ang kasunod na pormat. Pagkakatulad Gawain 2. #Amain Ko, Kilalanin Mo Magbigay ng ilang katangian ng iyong amain/tiyuhin na labis mong hinahangaan. Magsalaysay ng ilang patunay. _______________ ________________ _______________ ________________ _______________ ________________ Yugto ng Pagkatuto
  • 3. Gawain 3. #Bagong-Buhay Magsalaysay ng sariling karanasan tungkol sa salitang nasa bilohaba. Ano ang iyong dating karanasan? Ikuwento ang mga pangyayari o pagkakataon na nagtulak sa iyo upang magbagong buhay. Gayahin ang pormat sa ibaba. Bago mo basahin ang nilalaman ng dulang Tiyo Simon, alamin at pag-aralan ang isang uri ng dula, na kinabibilangan ng akdang iyong babasahin. B. Linangin Lahat ng tao pwedeng magbago, kahit gaano pa kasama, o kasama ang karanasan na nangyari, dahil kaya tayong baguhin ng ating pananampalataya sa Diyos. May mga pananaw tayo at paniniwala sa buhay na akala natin di na mababago, ngunit may mga pagkakataon o pangyayari na makakapagpabago nito. Alamin at tuklasin natin ang hiwaga sa dulang “Tiyo Simon” kung paano nabago ang kanyang paniniwala. Halina’t basahin ng may pang- unawa. pagbabagong-buhay Dating Sitwasyon Pangyayari Alam mo ba na… Ang melodrama ay isang uri ng dula. Isang dulang nagtataglay ng malulungkot na pangyayari? Maaaring ito’y makaantig ng damdamin subalit nagwawakas ito nang masaya at kasiya-siya sa mabubuti at mababait na tauhan.
  • 4. TIYO SIMON Dula—ni N.P.S. Toribio Pilipinas Mga Tauhan: Tiyo Simon—isang taong nasa katanghalian ang gulang, may kapansanan ang isang paa at may mga paniniwala na hindi maunawaan ng kanyang hipag na relihiyosa. Ina—ina ni Boy Boy—pamangkin ni Tiyo Simon. Pipituhing taong gulang. Oras—umaga, halos hindi pa sumusikat ang araw. Tagpo: Sa loob ng silid ni Boy. Makikita ang isang tokador na kinapapatungan ng mga langis at pomada sa buhok, toniko, suklay, at iba pang gamit sa pag-aayos. Sa itaas ng tokador, nakadikit sa dingding ang isang malaking larawan ng birheng nakalabas ang puso at may tarak ng isang punyal. Sa tabi ng nakabukas na bintana sa gawing kanan ay ang katreng higaan ng bata. Sa kabuuan, ang silid ay larawan ng kariwasaan. Sa pagtaas ng tabing, maikikita si Boy na binibihisan ng kanyang ina. Nakabakas sa mukha ng bata ang pagkainip samanatalang sinusuklay ang kanyang buhok. (Biglang uunat ang babae, saglit na sisipatin ang ayos ng anak, saka ngingiti.) INA: O, hayan, di nagmukha kang tao. Siya, diyan ka muna at ako naman ang magbibihis. BOY: (Dadabog) sabi ko, ayaw kong magsimba, e! INA: Ayaw mong magsimba! Hindi maa...pagagalitin mo na naman ako, e! At anong gagawin mo rito sa bahay ngayong umagang ito na pangiling-araw? BOY: Maiiwan po ako rito sa bahay, kasama ko si ...Tiyo Simon... INA: (Mapapamulagat) A, ang ateistang iyon. Ang...patawarin ako ng Diyos. BOY: Basta. Maiiwan po ako... (Ipapadyak ang paa) makikipagkuwentuhan na lamang ako kay Tiyo Simon... INA: (Sa malakas na tinig) makikipagkuwentuhan ka? At anong kuwento? Tungkol sa kalapastanganan sa banal na pangalan ng Panginoon? BOY: Hindi, Mama. Maganda ang ikinukuwento ni Tiyo Simon sa akin... INA: A, husto ka na...husto na bago ako magalit nang totohanan at humarap sa Panginoon ngayong araw na ito nang may dumi sa kalooban. BOY: Pero... INA: Husto na sabi , e! (Matitigil sa pagsagot si Boy. Makaririnig sila ng mga yabag na hindi pantay, palapit sa nakapinid na pinto sa silid, saglit na titigil ang yabag; pagkuwa’y makaririnig sila ng mahinang pagkatok sa pinto.) INA: (Paungol) uh... sino ‘yan? TIYO SIMON: (Marahan ang tinig) Ako, hipag, naulinigan kong... (Padabog na tutunguhin ng babae ang pinto at bubuksan iyon. Mahahantad ang kaanyuan ni Tiyo Simon, nakangiti ito.) TIYO SIMON: Maaari bang pumasok? Naulinigan kong tila may itinututol si Boy...
  • 5. BOY: (Lalapit) Ayaw kong magsimba, Tiyo Simon. Maiiwan ako sa iyo rito. Hindi ako sasama kay Mama. INA: (Paismid) Iyan ang itinututol ng pamangkin mo, kuya. Hindi nga raw sasama sa simbahan... (Maiiling si Tiyo Simon, ngingiti at paika-ikang papasok sa loob, hahawakan ang balikat ni Boy.) TIYO SIMON: Kailangan ka nga namang sumama sa simbahan, Boy. Kung gusto mo...kung gusto mong isama ako ay maghintay kayo at ako’y magbibihis...magsisimba tayo. (Mapapatingin nang maluwat si Boy sa kanyang Tiyo Simon, ngunit hindi makakibo. Ang ina ay namangha rin. Tatalikod na si Tiyo Simon at lalabas. Maiiwang natitigilan ang dalawa, pagkuwa’y babaling ang ina kay Boy.) INA: Nakapagtataka! Ano kaya ang nakain ng amain mong iyon at naisipang sumama ngayon sa atin? Ngayon ko lamang siya makikitang lalapit sa Diyos... BOY: Kung sasama po si Tiyo Simon , sasama rin ako... INA: Hayun! Kaya lamang sasama ay kung sasama ang iyong amain. At kung hindi ay hindi ka rin sasama. Pero mabuti rin iyon...mabuti, sapagkat hindi lamang ikaw ang maaakay ko sa wastong landas kundi ang kapatid na iyon ng iyong ama na isa ring... (Mapapayuko ang babae, papahirin ang luhang sumungaw sa mga mata. Magmamalas lamang siBoy.) INA: (Mahina at waring sa sarili lamang). namatay siyang hindi lamang nakapagpa-Hesus. Kasi’y matigas ang kalooban niya sa pagtalikod sa simbahan. Pareho silang magkapatid sila ng iyong amain. Sana’y magbalik-loob siya sa Diyos upang makatulong siya sa pagliligtas sa kaluluwa ng kanyang kapatid na sumakabilang buhay na... (Mananatiling nagmamasid lamang si Boy. Pagkuwa’y nakarinig sila ng hindi pantay na yabag, at ilang sandali pa ay sumungaw na ang mukha ni Tiyo Simon sa pinto. Biglang papahirin ng babae ang kanyang mukha, pasasayahin ito, at saka tutunguhin ang pinto.) INA: Siyanga pala. Magbibihis din ako. Nakalimutan ko, kasi’y...diyan muna kayo ni Boy, kuya... (Lalabas ang babae at si Tiyo Simon ay papasok sa loob ng silid. Agad tutunguhin ang isang sopang naroroon, pabuntung-hiningang uupo. Agad, naman siyang lalapitan ni Boy at ang bata ay titindig sa harapan niya.) TIYO SIMON: (Maghihikab) iba na ang tumatandang talaga. Madaling mangawit, mahina ang katawan at... (biglang matitigil nang mapansing ang tinitingnan ng bata ay ang kanyang may kapansanang paa. Matatawa.) BOY: Bakit napilay po kayo, Tiyo Simon? Totoo ba’ng sabi ni Mama na iya’y parusa ng Diyos?... TIYO SIMON: (Matatawa) sinabi ba ng Mama mo iyon? BOY: Oo raw e, hindi kayo nagsisimba. Hindi raw kasi kayo naniniwala sa Diyos. Hindi raw kasi... TIYO SIMON: (Mapapabuntong-hininga) hindi totoo, Boy, na hindi ako naniniwala sa Diyos...
  • 6. BOY: Pero ‘yon ang sabi ni Mama, Tiyo Simon. Hindi raw kayo nangingilin kung araw ng pangilin. Bakit hindi kayo nangingilin, Tiyo Simon? TIYO SIMON: May mga bagay, Boy na hindi maipaliwanag. May mga bagay na hindi maipaaalamsa iba sa pamamagitan ng salita. Ang mga bagay na ito ay malalaman lamang sa sariling karanasan sa sariling pagkamulat...ngunit kung anuman itong mga bagay na ito, Boy, ay isa ang tiyak: malaki ang pananalig ko kay Bathala. BOY: Kaya ka sasama sa amin ngayon, Tiyo Simon?... TIYO SIMON: Oo, Boy. Sa akin, ang simbahan ay hindi masamang bagay. Kaya huwag mong tatanggihan ang pagsama sa iyo ng iyong Mama. Hindi makabubuti sa iyo ang pagtanggi, ang pagkawala ng pananalig. Nangyari na sa akin iyon at hindi ako naging maligaya. (Titigil si Tiyo Simon sa pagsasalita na waring biglang palulungkutin ng mga alaala. Buhat sa malayo ay biglang aabot ang alingawngaw ng tinutugtog na kamapana. Magtatagal nang ilang sandali pagkuwa’y titigil ang pagtugtog ng batingaw. Magbubuntung hininga si Tiyo Simon, titingnan ang kanyang may kapansanang paa, tatawa nang mahina at saka titingin kay Boy). TIYO SIMON: Dahil sa kapansanang ito ng aking paa, Boy, natutuhan kong tumalikod, hindi lamang sa simbahan, kundi sa Diyos. Nabasa ko ang The Human Bondage ni Maugham at ako’y nanalig sa pilosopiyang pinanaligan ng kanyang tauhan doon, ngunit hindi ako naging maligaya, Boy, hindi ako nakaramdam ng kasiyahan. BOY: Ano ang nangyari, Tiyo Simon?... TIYO SIMON: Lalo akong naging bugnutin, magagalitin. Dahil doon, walang natuwang tao sa akin, nawalan ako ng mga kaibigan, hanggang sa mapag-isa ako...hanggang isang araw ay nangyari sa akin ang isang sakunang nagpamulat sa aking paningin. BOY: Ano iyon, Tiyo Simon...? (Uunat sa pagkakaupo si Tiyo Simon at dudukot sa kanyang lukbutan. Maglalabas ng isang bagay na makikilala na isang sirang manikang maliit.) TIYO SIMON: ito ay isang manika ng batang nasagasaan ng trak. Patawid siya noon at sa kanyang pagtakbo ay nailaglag niya ito. Binalikan niya ito ngunit siyang pagdaan ng trak at siya’y nasagasaaan...nasagasaan siya. Nadurog ang kanyang binti, namatay ang bata...namatay nakita ko, ng dalawang mata, ako noo’y naglalakad sa malapit...at aking nilapitan, ako ang unang lumapit kaya nakuha ko ang manikang ito at noo’y tangang mahigpit ng namatay na bata, na waring ayaw bitiwan kahit sa kamatayan... BOY: (Nakamulagat) Ano pa’ng nangyari Tiyo Simon? TIYO SIMON: Kinuha ko nga ang manika, Boy. At noon naganap ang pagbabago sa aking sarili...sapagkat nang yumuko ako upang damputin ang manika ay nakita ko ang isang tahimik at nagtitiwalang ngiti sa bibig ng patay na bata sa kabila ng pagkadurog ng Kanyang buto...ngiting tila ba nananalig na siya ay walang kamatayan... (Magbubuntunghinga si Tiyo Simon samantalang patuloy na nakikinig lamang si Boy.
  • 7. Muling maririnig ang batingaw sa malayo. Higit na malakas at madalas, mananatili nang higit na mahabang sandali sa pagtunog, pagkuwa’y titigil. Muling magbubuntunghinga si Tiyo Simon.) TIYO SIMON: Mula noon, ako’y nag-isip na, Boy. Hindi ko na makalimutan ang pangyayaring iyon. Inuwi ko ang manika at iningatan, hindi inihiwalay sa aking katawan, bilang tagapagpaalalang lagisa akin ng matibay at mataos na pananalig ng isang batang hanggang sa oras ng kamatayan ay nakangiti pa. At aking tinandaan sa isip: kailangan ng isang tao ang pananalig kay Bathala, kung may panimbulanan siya sa mga sandali ng kalungkutan, ng sakuna, ng mga kasawian...upang may makapitan siya kung siya’y iginugupo na ng mga hinanakit sa buhay. (Mahabang katahimikan ang maghahari. Pagkuwa’y maririnig ang matuling yabag na papalapit. Sumungaw ang mukha ng ina ni Boy sa pinto.) INA: Tayo na, baka wala na tayong datnang misa. Hinahanap ko pa kasi ang aking dasalan kaya ako natagalan. Tayo na, Boy...Kuya BOY: (Paluksu-luksong tutunguhin ang pinto) Tayo na Mama, kanina pa nga po tugtog nang tugtog ang kampana, e. Tayo na, Tiyo Simon, baka tayo mahuli, tayo na! (Muling maririnig ang tugtog ng kmapana sa malayo. Nagmamadaling lalabas si Boy sa pinto. Lalong magiging madalas ang pagtugtog ng kampana lalong magiging malakas, habang bumababa ang tabing). Gawain 4. #Talasalitaan Ibigay ang ibat ibang kahulugan ng mga salita batay sa estruktura ng salita at ipaliwanag ang bawat isa. Gawain 5. #Naunawaan mo ba? Sagutin ang mga gabay na tanong mula sa binasang akda. 1. Anoang malakingimpluwensiyangpangunahingtauhankayBoy?Patunayan. 2. Bakitnaisipanni TiyoSimonna sumamasa mag-inasa simbahan? 3. Anongdamdaminangnamayani sa hipagni TiyoSimonsa pagbabalik-loobniyasaDiyos? 4. Bakitkailangangmagkaroonngmatibayna pananaligsaDiyosang isangtao? Tiyo Kahulugan Paliwanag Tiyuhin Kahulugan Paliwanag Magtiyo Kahulugan Paliwanag
  • 8. 5. Dapat bang sisihinngtaoang Diyossa mga pagkakataongdumaranas siyang mga kabiguansa buhay?Pangatuwiranan. 6. Kapani-paniwalabaangmga pangyayaringinilahadsadula? Patunayan. 7. Bakitmelodramaangiyongakdangbinasa?Ipaliwanag. 8. AnongkulturangPilipinoanginilarawansaakda?Ihambingitosa kulturangalinmansa mga bansangAsyano. 9. Anoang iyongnadamang malamanmo ang akda? 10. Anoang binagong akda sa iyongpag-uugali? Gawain 6. #Karakter Mo, Huhusgahan Ko Ibigay ang mga magandang pag-uugali at di-magandang pag-uugali ng bawat tauhan. Magbigay ng mga panghuhusga kung paano nila ito mababago. Kaalamang may Saysay!! Ano nga ba ang dula? Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan. Ang mga taong dalubhasa sa larangan ng pagsusulat ng mga dulang itinatanghal ay tinatawag na mga mandudula, dramatista, o dramaturgo. Tulad ng maikling kuwento, ang dula ay may tagpuan, tauhan at banghay. Ang mga tauhan ay maaring suriin ayon sa dalawa: bilog o lapad. 1. Ang bilog na karakter ay ang pangunahing tauhan o kalimitang protagonist sa akdang pampanitikan na nakararanas ng iba’t ibang suliranin na naging dahilan ng kanyang makabuluhang pagbabago. Ang kanilang pagkato at buo lalo na ang katangiang pisikal, mental at emosyunal, sapat upang sabihinh ang kanilang karakter ay makatotohanan. 2. Ang lapad na karakter naman ay itinuturing na pangalawang tauhan sa mga akdang pamapnitikan. Kaiba sa bilog na karakter, ang lapad ay hindi dumaraan sa iba’t ibang suliranin at makabuluhang pagbabago sa kabuuan ng kuwento. Kalimitang matatapang, hindi nagabbago at iba pa. Mga sangkap sa dula 1. Simula - mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin. 2. Gitna - matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan. 3. Wakas - matatagpuan naman dito ang kakalasan at ang kalutasan.
  • 9. Mga Tauhan Magandang Pag- uugali Di-magandang Pag- uugali Paano ito Babaguhin? Tiyo Simon Boy Ina Gawain 7. #SipatSuri Suriin ang akdang binasa, tukuyin ang mga pangyayari na may katotohanan at ipaliwanag kung bakit ito naging makatotohanan. Gawing gabay ang tsart sa ibaba. Ngayon ay nalaman mo na ang katotohanan sa buhay ni Tiyo Simon. Totoong hindi ganon kadali magsabi ng katotohanan, ngunit kailangan sapagkat sabi nga sa kasabihan, “ang nagsasabi ng totoo, nagsasama ng maluwat”. Kaya, huwag tayong matakot o mangamba na magsabi ng katotohanan sa ating kapwa, dahil kapag ginawa natin iyon, pagpapalain tayo ng Diyos na lumikha. Mga pangyayari na nagpapakita ng katotohanan Pangyayari Pangyayari Pangyayari Paliwanag __________________ __________________ __________________ Paliwanag __________________ __________________ __________________ Paliwanag __________________ __________________ __________________
  • 10. Kaalamang may Saysay!! Ano ang Katotohanan?  Nagsasaadng ideyaopangyayaringnapatunayanattanggap ng lahatna totoo, hindi nagbabagoat maaaring mapatunayan.Sinusuportahanngpinagkunan.  Ito ay ginagamitanngmga salitaopariralatulad ng: 1. pinatutunayanni 5. sa totoo 2. mulakay 6. talaga 3. inutukoysa/ni 7. tunay 4. mababasana 8. ayonsa Halimbawa: 1. Batay sa tala ng Departmentof Education,unti-untingnababawasanangmga out-of school youth. 2. Mababasa sa nagingresultangpananaliksikngmgaekonomistanaunti-untingumuunladang turismong atingbansa. 3. Ayonsa bibliya,masamaangpagsisinungaling. 4. Sa totoo lamang, ang isang taong walang Diyos ay tinatawag na ateista. 5. Tunay na mahirap maipaliwanag ang konsepto ng pananampalataya. TANDAAN May mga pangyayari samga akdangating binabasananaglalahadng makatotohananathindi makatotohanangpangyayari.Angmahalagaaymarunongkang kumilatiskungalinsamgaitoang kapani-paniwalaohindi kapani-paniwala. Sa pagpapatuloy ng aralin, matutuklasan mo ang mga ekspresyong ginagamit sa pagpapahayag ng katotohanan at paano ito gamitin sa pahayag. Pagganyak na tanong: 1. Ano nga ba ang katotohanan? 2. Bakit mahalaga na magsabi ng katotohanan ang isang tao? 3. Ano kaya ang posibleng mangyari kapag hindi nagsasabi ng katotohanan? 4. Paano nga ba malalaman na totoo ang sinasabi ng kausap natin? 5. May mga batayan ba tayong sinusunod upang malaman ito? Pagsasanay 1 Tukuyin sa mga sumusunod na pahayag. Dugtungan ang paghayag na makatotohanan at ekis naman sa hindi. 1. Batay sa pag-aaral, totoong… 2. Mula sa mga datos na aking nakalap, totoong… 3. Ang mga patunay na aking nakalap ay tunay na… 4. Ayon sa mga dalubhasa, napatunayan na… 5. Marahil ang bagay na ito ay ……
  • 11. Pagsasanay 2. #FACT O BLUFF Panuto: Tukuyin kung ang pangugusap ay opinyon lamang o katotohanan. Lagyan ng FACT kapag katotohanan, at BLUFF kapag opinyon. ___________1. Para sa akin, ang basurero ang pinakamahalagang katulong sa pamayanan. ___________2. Ayon kay Santiago et al., (2000), ang kahirapan ng Pilipinas ay bunga ng katamaran ng mga Pilipino. ___________3. Sa palagay ko ay si Ana na ang mananalo sa patimpalak na ito. ___________4. Ang konsensiya ay nakakamatay. ___________5. Lahat ng tao ay mamamatay. ___________6. Para sa mga Pinoy, ang pagwawalis sa gabi ay malas. ___________7. Mas masayang kasama ang mga kaibigan kaysa mga magulang. ___________8. Ayon kay Padre Serrano, magkakaroon ng handaan mamayang gabi. ___________9. Sa pagkakaalamko, karamihan sa mga lalaki ay manloloko. __________10. Lahat tayo ay ginawa ng Diyos na may sari-sariling talinto at kakayahan. Pagsasanay 3. #Nagagamit Ko Gamitin sa pangungusap ang mga ekspresyon sa pagpapahayag ng katotohanan. 1. Sa totoo 2. Tunay 3. Talaga 4. Mula kay 5. Tinutukoy sa C. Pagnilayan at Unawain Bumuo ng mahahalagang konseptong natutahan sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na nakatala sa kasunod na talahanayan. Tanong Sagot Paano naiiba ang dulang melodrama sa iba pang uri ng dula? Naiiba ang dulang melodrama sa ibang uri ng dula dahil ____________________________. Paano nakatutulong ang paggamit ng mga ekspresyon na nagpapahayag ng katotohanan sa pagsulat ng dula? Sa pagsulat o pagbuo ng dula, nakatutulong ang paggamit ng ekpresyon na nagpapahayag ng katotohanan sa pamamagitan ng ______________________.
  • 12. D. Ilipat Performance 1. #SalaysayEkspres Gumawa ng isang maikling sanaysay gamit ang mga salita o ekspresyon sa pagpapahayag ng katotohanan batay sa tanong na; Marami bang Asyano ang maraming katanungan tungkol sa kanilang pananampalataya? Ipaliwanag. Pamantayan sa Pagmamarka Mga Kategorya 5-4 3-2 1 Kahusayan sa paglalahad ng detalye Napakahusay na pagkakalahad at pagkaayos ng detalye Mahusay na pagkakalahad at pagkaayos ng detalye Hindi malinaw ang pagkakalahad at pagkakaayos sa mga detalye Kaangkupan Ang mga datos na inilahad ay tunay at makatotohanan. May iilan sa inilahad na mga datos na hindi kinakitaan ng katotohan dahil sa kakulangan ng impormasyon. Lahat ng inilahad ay hindi makatotohanan Nilalaman Naunawaan nang lubusan ang ginawang paglalahad Nauunawaan ang karamihan sa inilhad na mga impormasyon Hindi gaanong nauwaan ang ginawang paglalahad.