SlideShare a Scribd company logo
1 of 28
89
PANITIKAN SA PANAHON NG KASARINLAN
Mga Aralin
Dula: Sinag sa Karimlan ni Dionisio Salazar
Mga Aspekto ng Pandiwa
Mga Pahayag ng Pagsang-ayon at Pagsalungat
Tulad ng sa iba pang panahon, malaki ang papel na ginampanan ng panitikan
sa buhay ng mga Pilipino sa Panahon ng Kasarinlan. Tumutukoy ang
panahong ito sa mga taon pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at
sa pagtatatag ng Ikatlong Republika ng Pilipinas. Naranasan ng mga
Pilipinong manunulat na maipahayag ang sariling damdamin at saloobin sa
pamamagitan ng mga pasalita at pasulat na akda na nagbukas sa isang
diwang makabansa.
Upang maunawaan ang konteksto ng panahong ito, magbabalik-tanaw tayo
sa mga manunulat at akdang pampanitikan na umusbong sa Panahon ng
Pananakop ng Amerikano, Komonwelt hanggang sa Panahon ng Kasarinlan
sa tulong ng isang timeline. Tingnan ang mga larawan ng manunulat sa p.
139. Kilalanin mo at piliin sa hanay A ang mga manunulat at hanay B naman
ang kanilang akda na isinulat at ilagay ito sa angkop na panahon na hinihingi
sa timeline. Gawin sa sagutang papel.
Panahon ng Panahon ng Panahon ng
Amerikano Komonwelt Kasarinlan
90
Dula: “Sinag sa Karimlan” ni Dionisio Salazar
Isa sa mga akdang pampanitikang nakilala sa panahong ito ay ang dulang
“Sinag sa Karimlan” ni Dionisio Salazar. Upang mabigyan tayo ng sapat na
kaalaman tungkol sa akda, kilalanin muna natin ang anyo ng dula at si
Dionisio Salazar. Gawin din ang sumusunod:
1. Ilarawan ang mga kailangan, katangian, at hakbang ng isang dula-dulaan
(role play) o larong akting-aktingan. Ayusin ang inyong mga sagot sa
pamamagitan ng dayagram sa ibaba. Magbigay din ng isang halimbawa ng
ginawa o linahukang dula-dulaan o akting-aktingan sa loob o labas man ng
paaralan.
91
2. Sa tulong ng Venn Diagram, ipakita at ilahad ang pagkakaiba at
pagkakatulad ng maikling kuwento at dula. Maaaring gamitin bilang batayan
ang ginawa sa panimulang pagtataya sa araling ito. Gawin ito sa sagutang
papel.
Ang Dula
Isang tuluyan ang dula na kababakasan ng kulturang Pilipino. Ipinakikita rito
ang paraan ng pamumuhay noon hanggang sa pag-unlad nito sa
kasalukuyan, na naging pagkakakilanlan ng ating lahi. Sa Panahon ng
Kasarinlan, naipagpatuloy ng mga manunulat ang paggamit ng dula bilang
isang mabisang kasangkapan sa pagbibigay ng kamalayang panlipunan, sa
paggising ng damdamin, at sa pagpapakilos ng sambayanan.
Maliban sa sarsuwela na isa sa mga uri ng dulang pantanghalan na ipinakilala
sa iyo sa naunang aralin (Panahon ng Amerikano), may iba pang mga uri ang
dula. Ang dula ay isang akdang itinatanghal sa pamamagitan ng kilos at
galaw sa tanghalan. Ito ay naglalarawan ng isang kawil ng mga pangyayaring
naghahayag ng kapana-panabik na bahagi ng buhay ng tao. Gaya ng ibang
katha, ang dula ay naglilibang, pumupukaw ng damdamin, at humihingi ng
pagbabago. Higit na nakapagpapakilos ang dula kaysa ibang akda sapagkat
bukod sa naririnig ang mga salita, nakikita pa ang kilos at galaw sa tanghalan.
92
Ang anumang uri ng dula ay binubuo ng sumusunod na sangkap:
a) tanghalan – kung saan nagaganap ang mga pangyayari sa isang
pagtatanghal
b) iskrip – itinuturing na pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng
pangyayaring isinasaalang-alang o nagaganap sa isang
pagtatanghal ay naaayon sa iskrip
c) aktor – gumaganap at nagbibigay-buhay sa dula; sila ang
nagpapahayag ng mga diyalogo, nagsasagawa ng mga aksiyon at
nagpapakita ng mga emosyon sa mga manonood
d) direktor – nagbibigay ng interpretasyon at nagpapakahulugan sa
isang iskrip
e) manonood – mga saksi o nakapanood ng isang pagtatanghal
f) eksena – ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan
samantalang ang tagpo ang nagpapalit ng mga pangyayari sa
dula.
Nakatulong nang malaki ang dula sa pagpapasigla at pagpapaunlad ng
panitikan sa Panahon ng Kasarinlan. Naging daan ito upang malinaw na
mailarawan nang buo ang kulturang Pilipino at kanilang pangkasalukuyang
kalagayang panlipunan. Naipakilala nila ang dula na isang mabisang
kasangkapan sa pagbibigay ng kamalayang panlipunan, sa paggising ng
damdamin at sa pagpapakilos.
Si Dionisio Salazar
Tubong-Nueva Ecija na ipinanganak noong Pebrero 8, 1919 si Dionisio
Santiago Salazar. Nagtapos ng kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas (kursong
AB) at Unibersidad ng Sto. Tomas (para sa kaniyang MA). Hindi matatawaran
ang kaniyang husay at galing, patunay na rito ang siyam (9) na nobelang
kaniyang isinulat at nailathala. Nagtamo siya ng iba’t ibang parangal gaya ng
Carlos Palanca Award, National Balagtas Award, Dangal ng Lahi sa Dula,
Manila Cultural Heritage Award, at TOFIL Awardee for Drama and Literature.
“Sinag sa Karimlan”
Bago basahin ang dulang “Sinag sa Karimlan,” gawin ang sumusunod:
1. Isulat ang iyong hinuha o palagay kung ano ang ibig sabihin ng pamagat
ng akda.
93
94
SINAG SA KARIMLAN
Dionisio S. Salazar
MGA TAUHAN :
Tony, binatang bilanggo
Luis, ang ama ni Tony
Erman, Doming, at Bok, mga kapuwa bilanggo ni Tony
Padre Abena, pari ng Bilibid
Miss Reyes, nars
Isang Tanod
PANAHON: Kasalukuyan
TAGPUAN: Isang panig ng pagamutan ng Pambansang Bilangguan sa
Muntinlupa.
ORAS: Umaga
PROLOGO:
Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa: Wakas at Simula … Moog ng
katarungan … Sagisag ng Demokrasya … Salaming pambudhi … Palihan ng
puso’t diwa … waterloo ng kasamaan … Hamon sa pagbabagong buhay …
May mga maikling gayong dapat hubdan ng maskara at sa sinapupunan nito
kailangang iwasto ay hayu’t talinghagang mamamayagpag at umiiring sa
batas. Sa isang dako’y may mga walang malay na dahil sa kasamaang-palad,
kahinaan, o likas na mapagsapalaran ay dito humahantong; dito rin
sinisikatan o nilulubugan ng Katotohanan at Katarungan … Marami nang
lubha ang mga pumasok at lumabas dito. Walang makapagsasabi kung
gaano pa karami ang tatanggap ng kanyang tatak … May sala o wala, ang
bawat pumasok dito ay kabuuan ng isang marikit at makulay na kasaysayan
Doming : (Bibiling sa higaan, iangat ang ulo, at tatanungin si Bok)
Tipaningmayap, lakas namang mag-ilik ni Bok.
Ernan : (Mangingiti) Pasensiya ka na Doming.
Doming : Kelan pa kaya lalabas dito ‘yan, a Mang Ernan? Traga
malas hang. BABAYING. Ba, sino ‘yan? … (Ingunguso si
Tony.)
Ernan : Ewan, hatinggabi kagabi nang ipasok ‘yan dito. Kawawa
naman. Dugu-duguan siya.
Doming : OXO seguro ‘yan. O kaya Sigue-Sigue. Nagbakbakan
naman seguro. (Mamasdang mabuti si Tony.) Mukhang
bata pa.
Ernan : At may hitsura, ang sabihin mo. (Mapapalakas ang hilik ni
Bok.)
Doming : Tipaning – parang kombo! (Matatawa si Mang Ernan.)
Bok : (Biglang mag-aalis ng kulubong; pasigaw) Saylens!
Magapatulog man kayo! Yawa …
Ernan : Si Bok naman. Konting lamig, ‘bigan.
Doming : Hisi lang, Tsokaran.
95
Bok : Tuluyan nang babangon: (matapos mag-inat at
maghikab ay susulyapan ang katabi) Nagapuyat ako
kagab-i. Galaking sugat n’ya. (Titingnan si Tony.) (Kikilos
sa pagkakahiga at mapapahalinghing si Tony.)
Doming : Kilala mo siya, Bok?
Bok : (Sabay iling) De-hin. Kung ibig n’yo gigisingin ko …
Doming : Ba, ‘wag! (Makikitang kikilos si Tony.) O, ayan, gising na.
Tony : (Matapos huminga ng paimpit na waring ayaw ipahalata
ang nararamdamang sakit) M-ma—gandang umaga senyo
…
Ernan : Gayundin sa ‘yo. Este, ano nga’ng - ?
Tony : (Mauupo; mahahalatang nagpipigil pa rin sa sakit) Tony
ho’ng pangalan ko. Tekayo! Kayo si Ginoong Ernani Alba,
di ho ba?
Ernan : Ako nga.
Tony : Nababasa ko’ng inyong mga akda. Hanga ako senyo!
Ernan : Salamat, Tony.
Bok : (May pagmamalaki) ako gid, de-hin mo kilala? Di wan en
only Bok –alyas Thompson Junior. Big bos ng Batsi Gang.
Marai padrino. Yeba! … (Mangingiting makahulugan ang
lahat.)
Tony : (Haharapin si Doming; malumanay) Kayo?
Doming : Doming hang palayaw ko. Walang h-alyas .
Bok : (Kay Tony) OXO? … Sigue – Sigue? … Bahala na? …
(Pawang iling ang itutugon ni Tony.) Beri-gud Ginsama ka
a ‘ming Batsi Gang, ha?
Tony : Salamat, Bok. Pero sawa na ‘ko sa mga gang, sa mga
barkada. Dahil sa barkada’y – heto, magdadalawang taon
na ‘ko dito sa Big House.
Ernan : Mukhang makulay ang … Puwede ba Toning kahit
pahapyaw ay ibida mo sa ‘min ang iyong buhay?
Bok : (Bago makapangusap si Tony) Holdi’t, Tony boy! … Ba’t
nagalaslas ang imong tiyan, ber? At … teribol yang blakay
mo. Yawa.
Doming : (Mapapansin ang pangangasim ng mukha ni Tony)
Makakaya mo ba,Tony?
Tony : (Tatango muna bago umayos ng upo) Pumuga sina Silver
Boy kagabi. Nang hindi ako sumama’y sinuntok ako.
Mabuti kanyo’t nailagan ko’ng saksak dito (sabay turo sa
kaliwang dibdib), kundi’y … nasirang Tony na ‘ko ngayon.
Pero ang di nailaga’y yung sakyod ni Pingas … Nagpatay-
patayan lang ako kaya … Aruy!
Ernan : Sa narinig kong usapan ng nars at tanod kagabi ay tatlo
ang napatay. Tila lima ang patawirin. Ang iba’y nahuli. (Sa
sarili A, kalayaan, sa ngalan mo’y kay raming humahamak
sa kamatayan! (Kay Tony) mabuti’t tumanggi ka, Tony,
kundi’y … ‘tay kung masakit ‘yan ay saka na.
96
Tony : Huwag kayong mag-alala, kaya ko ito … (Hihinga muna
nang mahaba.) Mula nang madala ko rito, e nag-iba na’ng
takbong … Naisip kong walang ibubungang mabuti ang
kasamaan … Malaki’ng utang na loob ko ke Padre Abena
…sa aking pagbabago … Totoo nga naman, walang utang
na hindi pinagbabayaran … Me parusa sa bawat kasalanan!
Ernan : (May paghanga) May sinasabi ka, Tony!
Bo : (Ngingiti-ngiti habang nakikinig sa pahayag ni Tony; sa
himig nagmamagaling) No dais, Tony, kun sila malalaki
naganakaw milyun-milyun, ba. Sigi lang, ‘adre. Basta mi
lagay. Basta mi padrino!
Tony : Me relihiyon ka ba, Bok?
Bok : (Tatawa habang sumasagot; pauyam) Reliyun? Wala
kwenta ‘yan. Hm, dami, dami nagasimba, pero ginluluko sa
kapwa. Dami gadasal, pero gin-nakaw, gin-ismagel, yawa.
Doming : Mabuti pay ‘way na tayo maghusap tungkol sa relihiyon.
Ernan : May katwiran si Doming. Ang paksang relihiyon ay
masyadong kontrobersiyal. Paris ng iba’t ibang ismo, kaya
… di dapat pagtalunan.
Tony : Pero, Mang Ernan, ba’t tayo matatakot magtalo? Kung
walang pagtatalo, walang pagkakaunawaan. Kung walang
pagkakaunawaan, walang pagkakaisa. Ang mga taong di
nagkakaisa’y pirming nag- aaway.
Ernan : Tama ‘yan. Ngunit ang pagtatalo’y dapat lamang sa taong
malaki ang puso; hindi sa mga maliit ang pinagkukunan.
Pero … pinahahanga mo ako, Tony! Nag-aaral ka ba ng
batas? Ba, may kakaibang tilamsik ang iyong diwa.
Tony : Elementarya lamang ho ang natapos ko.
Doming : Kasi nga naman hasa mo habugado ka kung magsalita.
Bok : Ber, ber, mga pare! ‘Yung istorya ni Tony!
Tony : Iimbitahin kita, Bok, isang araw, sa klase namin nila Padre
Abena. Marami kang mapupulot doon. At pakikinabangan.
Tiyak.
Bok : No ken du! Kun naytklab pa, olditaym!
Tony : (Matapos makitang handa na ang lahat sa pakikinig sa
kanya) Buweno … Ako’y buhay sa ‘sang karaniwang
pamilya sa Tundo. Empleyado si Tatay. Guwapo siya. Pero
malakas uminom ng tuba. At mahilig sa karera. Napakabait
ng Nanay ko. Kahit kulang ang iniintregang sahod ni Tatay e
di siya nagagalit, paris ng iba. ‘Sang araw e nadiskubre ni
Nanay ang lihim ng Tatay ko; meron siyang kerida. Natural,
nag-away sila … Umalis si Tatay. Iniwan kami. Awa naman
ng Diyos e natapos ko rin ang elementarya. Balediktoryan
ako …
97
98
99
100
101
102
103
104
105
106
107
108
109
Upang maging mayaman ang pag-unawa sa akdang binasa, gawin ang
sumusunod:
1. Sagutin ang sumusunod na tanong ayon sa akdang binasa.
- May katuwiran ba si Tony na itakwil ang kaniyang ama? Ipaliwanag.
- Sa iyong palagay, bakit maraming tao ang napipilitang gumawa ng
mga bagay na labag sa batas?
- Kung ikaw si Tony, paano mo haharapin ang iyong ama sa likod ng
kaniyang mga pagkukulang sa inyong pamilya?
- Anong kalagayang panlipunan ang masasalamin sa dula? May
pagkakatulad o pagkakaiba ba ito sa ngayon?
- Makatuwiran ba o di-makatuwiran na isisi ng isang tao sa kaniyang
kapuwa ang masaklap na nangyari sa kaniyang buhay? Bakit?
- Sa iyong palagay, naging mabisang kasangkapan ba ng mga
manunulat sa panahong ito ang dula sa paghahayag ng kanilang
damdamin, saloobin, opinyon, at karanasan?
2. Ilarawan mo ang pagkilos, pananalita, saloobin, at paniniwala ng mga
tauhan sa dulang iyong binasa. Gawing batayan ang kasunod na tsart.
110
3. Isa-isahin ang mga bahagi ng dulang Sinag sa Karimlan na nagpapakita
sa katangian ng isang dula.
Mga Aspekto ng Pandiwa
Balikan natin ang pinakahuling bahagi ng dula. Tingnan ang mga
nakasalungguhit na salita.
P. Abena : (Makahulugan) Anak, tamo si Miss Reyes, nakapagpapatawad
… (Hindi tutugon si Tony. Mapapatango siya. Ganap na
katahimikan . Walang kakurap-kurap, at halos hindi humihinga
sina Mang Ernan sa pagmamasid sa nangyayaring dula sa silid
na yaon. Sa pagtaas ng mukha ni Tony ay makikitang may luha
sa kanyang pisngi. Mabubuhayan ng loob si Mang Luis. Dahan-
dahan siyang lalapit sa bunsong ngayo’y nakayupyop sa bisig ni
Padre Abena. Magaling sa sikolohiya, marahang iaangat ng
butihing pari ang ulo ni Tony at siya’y unti-unting uurong upang
mabigyan ng ganap na kalayaan ang mag-ama. Ngayo’y may
kakaiba ng sinag sa mukha ni Tony.
111
May kakaiba ring ngiting dumurungaw sa kanyang mapuputlang
labi. At sa isang kisap-mata’y mayayapos siya ng kanyang ama.
Masuyo, madamdamin, mahaba ang kanilang pagyayakap.
Katulad ng dalawa, mapapaluha rin ang lahat . Maging ang may
bakal na pusong si Bok ay mapapakagat-labi’t mapapatungo
nang marahan. Pagdaraupin naman ni Padre Abena ang mag-
ama, titingala ng bahagya at pangiting bubulong.)
Ang mga nakasalungguhit na salita ay mga pandiwa. Ang mga pandiwa ay
nagsasabi ng kilos. Mahalaga ang pagsasaad ng kilos sa dula dahil ito ang
nagtutulak ng pag-usad ng salaysay.
May mga aspekto ang mga pandiwa na nagsasaad kung naganap na o hindi
pa nagaganap ang kilos, at kung nasimulan na at kung natapos nang ganapin
o ipinagpapatuloy pa ang pagganap. May apat na aspekto ang pandiwa:
aspektong perpektibo kung ito ay nagsasaad o nagpapahayag na ang kilos
na nasimulan na at natapos na; aspektong imperpektibo kung
nagpapahayag ng kilos na nasimulan na ngunit di pa natatapos at
kasalukuyan pang ipinagpapatuloy; aspektong kontemplatibo ay
naglalarawan ng kilos na hindi pa nasisimulan; at aspektong perpektibong
katatapos kung nagsasaad ito ng kilos na katatapos lamang bago nagsimula
o naganap ang kilos.
Upang pagyamanin ang kaalaman sa mga aspekto ng pandiwa, gawin ang
sumusunod.
1. Balikan ang dula at ihanay ang mga pandiwang nakapaloob dito ayon sa
mga aspekto nila.
2. Magsalaysay ng ilang pangyayari sa iyong buhay noon na sa iyong palagay
ay nangyayari pa rin sa ngayon. Isaalang-alang ang simula, gitna at wakas ng
pagsasalaysay. Gamitin at salungguhitan ang mga aspekto ng pandiwa sa
gagawing pagsasalaysay.
3. Sinasabi na kung walang guro, walang iba pang propesyon tulad ng doktor,
abogado, at inhinyero. Kaya naman dapat lamang kilalanin ang
mahahalagang papel ng kaguruan sa paghubog ng lipunan. Kaugnay ng
paksang ito, gumawa ng isang maikling dula na nagpapakita sa halaga ng
mga guro. Tiyakin na ito’y a) malikhain; b) nagkakaugnay-ugnay ang mga
eksena o pangyayari; at c) may wastong gamit ng aspekto ng pandiwa.
112
Mga Pahayag ng Pagsang-ayon at Pagsalungat
Mahalagang aspekto ng dula ang mga manonood. Dahil itinatanghal ito,
nalalaman ng mga nagtatanghal (at mga taong nasa likod nito) ang reaksiyon
ng mga nanonood. May mga dula pa ngang interaktibong nakikibahagi ang
mga manonood sa pagtatanghal. Kahalintulad sa dula, nakapagbibigay din sa
ibang anyong pampanitikan ang mga tao ng kanilang naranasan, nakita,
napanood, narinig, at nabasa ngunit hindi nga lamang ito direktang nakikita
ng mga manlilikha. Ang mga reaksiyon naman ay kadalasang pagsang-ayon
o pagsalungat.
Isang paraan ang pagsang-ayon o pagsalungat upang maging
kapakipakinabang ang pakikilahok sa anumang usapan o pagbibigay ng mga
palapalagay, opinyon, ideya o kaisipan. Sa paraang ito, mahalagang
malaman natin ang mga pananalitang dapat gamitin sa pagpapahayag ng
pagsangayon at pagsalungat. Sa pagpapahayag ng pagsang-ayon at
pagsalungat ay makabubuting pag-aralan o pag-isipan munang mabuti at
magkaroon ng malawak na kaalaman tungkol sa isyu. Iwasang gumawa ng
desisyong hindi pinag-iisipan at maaaring dala ng desisyong itinutulak ng
nakararami.
Mga Halimbawa:
* Pahayag na karaniwang nagsasaad ng pagsang-ayon
Sang-ayon ako.
Tama.
Iyan ang nararapat.
Pareho tayo ng iniisip.
Ganyan din ang palagay ko.
* Pahayag na nagsasaad ng pagsalungat
Hindi ako sang-ayon.
Mabuti sana ngunit…
Ikinalulungkot ko ngunit…
Nauunawaan kita subalit.
Ayaw.
113
Upang pagyamanin ang kaalaman sa mga pahayag ng pagsang-ayon at
pagsalungat, gawin ang sumusunod:
1. Isulat ang reaksiyon ng mga tauhan sa pangyayari mula sa dula.
a. Pananaw ni Mang Ernan sa buhay
b. Pagbabago ng kaisipan ni Tony sa kaniyang ama
c. Hindi naibigan ni Bok ang ginawang pagsampal ng ama ni Tony
d. Naging tugon ni Padre Abena sa ginawa nina Tony at Mang Luis
2. Pumili ng isa sa sumusunod na paksa at ilahad ang opinyon mo hinggil
dito.
- Dapat basahin at pag-aralan sa klase ang maikling kuwento at
dula.
- Dapat magkaroon ng tamang batas para sa mga inosenteng
indibidwal na nakukulong.
- Dapat magkaroon ng pantay na karapatan ang babae at lalaki.
3. Suriing mabuti ang mga pahayag. Sumasang-ayon o sumasalungat ka ba
sa mga ito? Lagyan ng tsek () ang bilog katapat ng iyong sagot at saka
ipahayag ang iyong pangangatwiran sa patlang.
114
115
116
3. Bilang presidente ng Samahan ng Mandudula sa inyong paaralan, ikaw ay
naimbitahang dumalo sa gaganaping seminar-workshop tungkol sa “Dula at
Dulang Tagalog sa Modernong Panahon.” Isa sa bahagi ng naturang seminar
ang pagpapanood ng isang video clip tungkol sa buhay ng isang artistang
nagwagi bilang pinakamahusay na aktres o artistang babae sa larangan ng
indie film. Batay sa napanood, gagawa ka ng orihinal na iskrip na
naglalarawan ng ilang pangyayari sa buhay ng naturang aktres at pagkatapos
itatanghal ito sa gitna ng mga manonood bilang awput. Tatayain ito batay sa
sumusunod na pamantayan: a) kaangkupan, b) makatotohanan, c) masining,
d) orihinal, e) kaakmaan ng tunog/props/costume, f) taglay ang mga bahagi
ng dula, g) kahusayan sa pag-arte, at h) nagagamit ang pahayag ng pagsang-
ayon at pagsalungat.
4. Ang layunin sa bahaging ito ay ilipat at isabuhay ang iyong natutuhan sa
pamamagitan ng pakikibahagi sa pagbuo at pagtatanghal ng isang video
presentation na nagpapakita ng kulturang Pilipino na nananatili pa sa
kasalukuyan, nagbago at nawala na. Unawain mong mabuti ang sitwasyon
upang maisagawa mo nang buong husay ang gawain.
Isa sa nakatutulong upang mapasigla ang ekonomiya ng bansa ay ang
pagpasok ng dolyar sa pamamagitan ng turismo. Marami ang nabibigyan ng
trabaho. Kaya naman patuloy sa pagbuo ng iba’t ibang programa ang
Departamento ng Turismo upang higit na maipagmalaki ang kulturang Pilipino
sa buong mundo. Naglalayon na hikayatin ang mga turista na balik-balikan
ang Pilipinas dahil sa kagandahang taglay nito. Bilang tagapangulo ng
departamento ng lokal na turismo sa iyong probinsiya, layunin mo na
hikayatin ang mga turista na balik-balikan ang Pilipinas dahil sa ating
pamanang kultural. Kaya ikaw ay naatasan na bumuo at itanghal ang isang
video presentation na nagpapakita ng kulturang Pilipinas na nagpapatunay na
“It’s More Fun in the Philippines.” Sa nasabing presentasyon ay makikita ang
kulturang Pilipinas na nananatili, nabago at nawala na sa inyong probinsiya.
Ang presentasyon ay batay sa sumusunod na pamantayan: a) batay sa
pananaliksik; b) makatotohanan; c)orihinal; d)malikhain; e) may kaugnayan sa
paksa; f) napapanahon; g) taglay ang elemento ng pagbuo ng isang video
presentation.

More Related Content

What's hot

Pamahayan/ Pahayagan
Pamahayan/ PahayaganPamahayan/ Pahayagan
Pamahayan/ PahayaganEleizel Gaso
 
Malikhaing Pagsulat: Tula
Malikhaing Pagsulat: TulaMalikhaing Pagsulat: Tula
Malikhaing Pagsulat: TulaAndrea Tiangco
 
Ang panitikan sa panahon ng liberasyon
Ang panitikan sa panahon ng liberasyonAng panitikan sa panahon ng liberasyon
Ang panitikan sa panahon ng liberasyonMarlene Forteza
 
Kasaysayan ng maikling kwento
Kasaysayan ng maikling kwentoKasaysayan ng maikling kwento
Kasaysayan ng maikling kwentochrisbasques
 
Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas
Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa PilipinasKompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas
Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa PilipinasAvigail Gabaleo Maximo
 
Tatlong Uri ng Talumpati at Layunin nito
Tatlong Uri ng Talumpati at Layunin nitoTatlong Uri ng Talumpati at Layunin nito
Tatlong Uri ng Talumpati at Layunin nitoSarah Jane Reyes
 
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdf
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdfPRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdf
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdfJosephRRafananGPC
 
ANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKANANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKANMARYJEANBONGCATO
 
Pamaraan, Dulog, Teknik ng Pagtuturo ng Wikang Filipino
Pamaraan, Dulog, Teknik ng Pagtuturo ng Wikang FilipinoPamaraan, Dulog, Teknik ng Pagtuturo ng Wikang Filipino
Pamaraan, Dulog, Teknik ng Pagtuturo ng Wikang FilipinoMARIA KATRINA MACAPAZ
 
Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento
Ang Kasaysayan ng Maikling KuwentoAng Kasaysayan ng Maikling Kuwento
Ang Kasaysayan ng Maikling KuwentoSandy Suante
 
Pormal na sanaysay final
Pormal na sanaysay finalPormal na sanaysay final
Pormal na sanaysay finaleijrem
 
Bahagi ng pamahayagan
Bahagi ng pamahayaganBahagi ng pamahayagan
Bahagi ng pamahayaganTine Bernadez
 
Elementongtula 090311172947-phpapp02
Elementongtula 090311172947-phpapp02Elementongtula 090311172947-phpapp02
Elementongtula 090311172947-phpapp02Mica Lois Velasco
 

What's hot (20)

Pamahayan/ Pahayagan
Pamahayan/ PahayaganPamahayan/ Pahayagan
Pamahayan/ Pahayagan
 
Malikhaing Pagsulat: Tula
Malikhaing Pagsulat: TulaMalikhaing Pagsulat: Tula
Malikhaing Pagsulat: Tula
 
Ang panitikan sa panahon ng liberasyon
Ang panitikan sa panahon ng liberasyonAng panitikan sa panahon ng liberasyon
Ang panitikan sa panahon ng liberasyon
 
Dula ppt
Dula pptDula ppt
Dula ppt
 
Kasaysayan ng maikling kwento
Kasaysayan ng maikling kwentoKasaysayan ng maikling kwento
Kasaysayan ng maikling kwento
 
Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas
Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa PilipinasKompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas
Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas
 
Tatlong Uri ng Talumpati at Layunin nito
Tatlong Uri ng Talumpati at Layunin nitoTatlong Uri ng Talumpati at Layunin nito
Tatlong Uri ng Talumpati at Layunin nito
 
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdf
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdfPRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdf
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdf
 
Mga kritikong pilipino at dayuhan
Mga kritikong pilipino at dayuhanMga kritikong pilipino at dayuhan
Mga kritikong pilipino at dayuhan
 
ANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKANANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKAN
 
Haiku sa panahon ng hapon
Haiku sa panahon ng haponHaiku sa panahon ng hapon
Haiku sa panahon ng hapon
 
Diskurso sa Filipino
Diskurso sa FilipinoDiskurso sa Filipino
Diskurso sa Filipino
 
Pamaraan, Dulog, Teknik ng Pagtuturo ng Wikang Filipino
Pamaraan, Dulog, Teknik ng Pagtuturo ng Wikang FilipinoPamaraan, Dulog, Teknik ng Pagtuturo ng Wikang Filipino
Pamaraan, Dulog, Teknik ng Pagtuturo ng Wikang Filipino
 
Panitikan sa-panahon-ng-aktibismo
Panitikan sa-panahon-ng-aktibismoPanitikan sa-panahon-ng-aktibismo
Panitikan sa-panahon-ng-aktibismo
 
Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento
Ang Kasaysayan ng Maikling KuwentoAng Kasaysayan ng Maikling Kuwento
Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento
 
Pormal na sanaysay final
Pormal na sanaysay finalPormal na sanaysay final
Pormal na sanaysay final
 
Dula Ppt(Lesson Plan)
Dula  Ppt(Lesson Plan)Dula  Ppt(Lesson Plan)
Dula Ppt(Lesson Plan)
 
Bahagi ng pamahayagan
Bahagi ng pamahayaganBahagi ng pamahayagan
Bahagi ng pamahayagan
 
Panitikan sa panahon ng hapon
Panitikan sa panahon ng haponPanitikan sa panahon ng hapon
Panitikan sa panahon ng hapon
 
Elementongtula 090311172947-phpapp02
Elementongtula 090311172947-phpapp02Elementongtula 090311172947-phpapp02
Elementongtula 090311172947-phpapp02
 

Viewers also liked

Kaantasan ng pang uri
Kaantasan ng pang uriKaantasan ng pang uri
Kaantasan ng pang uriElvin Junior
 
Filipino Teachers Guide_1
Filipino Teachers Guide_1Filipino Teachers Guide_1
Filipino Teachers Guide_1Mher Walked
 
K to 12 - Filipino Learners Module
K to 12 - Filipino Learners ModuleK to 12 - Filipino Learners Module
K to 12 - Filipino Learners ModuleNico Granada
 
Mga Uri at mga Aspekto ng Pandiwa
Mga Uri at mga Aspekto ng PandiwaMga Uri at mga Aspekto ng Pandiwa
Mga Uri at mga Aspekto ng PandiwaMckoi M
 
Filipino 8 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng Mga Pangyayari
Filipino 8 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng Mga PangyayariFilipino 8 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng Mga Pangyayari
Filipino 8 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng Mga PangyayariJuan Miguel Palero
 
Iba t ibang uri ng pagpapahayag(no effects)
Iba t ibang uri ng pagpapahayag(no effects)Iba t ibang uri ng pagpapahayag(no effects)
Iba t ibang uri ng pagpapahayag(no effects)berdeventecinco
 
Walang Sugat (summary) ni Severino Reyes
Walang Sugat (summary) ni Severino ReyesWalang Sugat (summary) ni Severino Reyes
Walang Sugat (summary) ni Severino ReyesAnsabi
 
Pagkilala sa mga opinyon o katotohanan
Pagkilala sa mga opinyon o katotohananPagkilala sa mga opinyon o katotohanan
Pagkilala sa mga opinyon o katotohananDivina Bumacas
 
Hulyo 4, 1954 A.D.
Hulyo 4, 1954 A.D.Hulyo 4, 1954 A.D.
Hulyo 4, 1954 A.D.Hanna Elise
 
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoPagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoDenni Domingo
 
Konseptong may kaugnayang lohikal
Konseptong may kaugnayang lohikalKonseptong may kaugnayang lohikal
Konseptong may kaugnayang lohikalmaricar francia
 
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3PRINTDESK by Dan
 
Module 6.2 filipino
Module 6.2 filipinoModule 6.2 filipino
Module 6.2 filipinoNoel Tan
 
HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA asa net
 

Viewers also liked (20)

Kaantasan ng pang uri
Kaantasan ng pang uriKaantasan ng pang uri
Kaantasan ng pang uri
 
Dio
DioDio
Dio
 
Filipino Teachers Guide_1
Filipino Teachers Guide_1Filipino Teachers Guide_1
Filipino Teachers Guide_1
 
K to 12 - Filipino Learners Module
K to 12 - Filipino Learners ModuleK to 12 - Filipino Learners Module
K to 12 - Filipino Learners Module
 
Kayarian ng pang uri
Kayarian ng pang uriKayarian ng pang uri
Kayarian ng pang uri
 
Mga Uri at mga Aspekto ng Pandiwa
Mga Uri at mga Aspekto ng PandiwaMga Uri at mga Aspekto ng Pandiwa
Mga Uri at mga Aspekto ng Pandiwa
 
Dionisio S. Salazar
Dionisio S. SalazarDionisio S. Salazar
Dionisio S. Salazar
 
Filipino 8 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng Mga Pangyayari
Filipino 8 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng Mga PangyayariFilipino 8 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng Mga Pangyayari
Filipino 8 Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng Mga Pangyayari
 
Iba t ibang uri ng pagpapahayag(no effects)
Iba t ibang uri ng pagpapahayag(no effects)Iba t ibang uri ng pagpapahayag(no effects)
Iba t ibang uri ng pagpapahayag(no effects)
 
Walang Sugat (summary) ni Severino Reyes
Walang Sugat (summary) ni Severino ReyesWalang Sugat (summary) ni Severino Reyes
Walang Sugat (summary) ni Severino Reyes
 
Pagkilala sa mga opinyon o katotohanan
Pagkilala sa mga opinyon o katotohananPagkilala sa mga opinyon o katotohanan
Pagkilala sa mga opinyon o katotohanan
 
Hulyo 4, 1954 A.D.
Hulyo 4, 1954 A.D.Hulyo 4, 1954 A.D.
Hulyo 4, 1954 A.D.
 
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoPagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
 
Konseptong may kaugnayang lohikal
Konseptong may kaugnayang lohikalKonseptong may kaugnayang lohikal
Konseptong may kaugnayang lohikal
 
Dula
DulaDula
Dula
 
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3
 
Module 6.2 filipino
Module 6.2 filipinoModule 6.2 filipino
Module 6.2 filipino
 
HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA
 
Dll filipino 2
Dll filipino 2Dll filipino 2
Dll filipino 2
 
Ampalya
AmpalyaAmpalya
Ampalya
 

Similar to Filipino 8 Part5

Panitikan ni dhang
Panitikan ni dhangPanitikan ni dhang
Panitikan ni dhangLily Salgado
 
(Ikalawang bahagi)dulang pantanghalan
(Ikalawang bahagi)dulang pantanghalan(Ikalawang bahagi)dulang pantanghalan
(Ikalawang bahagi)dulang pantanghalanJenita Guinoo
 
Panahon ng Isinauling kalayaan
Panahon ng Isinauling kalayaanPanahon ng Isinauling kalayaan
Panahon ng Isinauling kalayaanHanna Elise
 
Angkasaysayanngpanitikan 130731050149-phpapp02
Angkasaysayanngpanitikan 130731050149-phpapp02Angkasaysayanngpanitikan 130731050149-phpapp02
Angkasaysayanngpanitikan 130731050149-phpapp02Charisse Marie Verallo
 
tilamsik-ng-Sining-1.pptx...................................
tilamsik-ng-Sining-1.pptx...................................tilamsik-ng-Sining-1.pptx...................................
tilamsik-ng-Sining-1.pptx...................................PrinceAirolSolmayor
 
BALAGTASAN GRP.1 FILIPINO_20231114_230307_0000.pptx
BALAGTASAN GRP.1 FILIPINO_20231114_230307_0000.pptxBALAGTASAN GRP.1 FILIPINO_20231114_230307_0000.pptx
BALAGTASAN GRP.1 FILIPINO_20231114_230307_0000.pptxiiiomgbaconii0
 
BALAGTASAN-FILIPINO_20231115_063448_0000.pptx
BALAGTASAN-FILIPINO_20231115_063448_0000.pptxBALAGTASAN-FILIPINO_20231115_063448_0000.pptx
BALAGTASAN-FILIPINO_20231115_063448_0000.pptxyaeldsolis2
 
Kaligirang pangkasaysayan ng tanka at haiku
Kaligirang pangkasaysayan ng tanka at haikuKaligirang pangkasaysayan ng tanka at haiku
Kaligirang pangkasaysayan ng tanka at haikuJonnabelle Tribajo
 
ANG Panitikan ng ilocano sa ilocos norte region
ANG Panitikan ng ilocano sa ilocos norte regionANG Panitikan ng ilocano sa ilocos norte region
ANG Panitikan ng ilocano sa ilocos norte regiontagudjameslervyctecp
 
LS 1 Panitikang Pilipino
LS 1 Panitikang PilipinoLS 1 Panitikang Pilipino
LS 1 Panitikang PilipinoMichael Gelacio
 
MANUYAG, ELDRIAN LOUIE B. Pagsusuri sa Kabayanihan.docx
MANUYAG, ELDRIAN LOUIE B. Pagsusuri sa Kabayanihan.docxMANUYAG, ELDRIAN LOUIE B. Pagsusuri sa Kabayanihan.docx
MANUYAG, ELDRIAN LOUIE B. Pagsusuri sa Kabayanihan.docxEldrian Louie Manuyag
 
MGA IBA'T IBANG TEORYA TEORYANG-DEKONSTRUKSYON.pptx
MGA IBA'T IBANG TEORYA TEORYANG-DEKONSTRUKSYON.pptxMGA IBA'T IBANG TEORYA TEORYANG-DEKONSTRUKSYON.pptx
MGA IBA'T IBANG TEORYA TEORYANG-DEKONSTRUKSYON.pptxMarydelTrilles
 
Ang Ating Panitikang Filipino
Ang Ating Panitikang FilipinoAng Ating Panitikang Filipino
Ang Ating Panitikang FilipinoMark Arce
 
Region 3 tulang tagalog
Region 3 tulang tagalogRegion 3 tulang tagalog
Region 3 tulang tagalogMaria438137
 
8 fil lm m3 (1)
8 fil lm m3 (1)8 fil lm m3 (1)
8 fil lm m3 (1)Conan1412
 
Panitikangpilipino 120422063900-phpapp01
Panitikangpilipino 120422063900-phpapp01Panitikangpilipino 120422063900-phpapp01
Panitikangpilipino 120422063900-phpapp01Gladz Ko
 

Similar to Filipino 8 Part5 (20)

Dionosio S. Salazar
Dionosio S. SalazarDionosio S. Salazar
Dionosio S. Salazar
 
Panitikan ni dhang
Panitikan ni dhangPanitikan ni dhang
Panitikan ni dhang
 
(Ikalawang bahagi)dulang pantanghalan
(Ikalawang bahagi)dulang pantanghalan(Ikalawang bahagi)dulang pantanghalan
(Ikalawang bahagi)dulang pantanghalan
 
Panahon ng Isinauling kalayaan
Panahon ng Isinauling kalayaanPanahon ng Isinauling kalayaan
Panahon ng Isinauling kalayaan
 
Angkasaysayanngpanitikan 130731050149-phpapp02
Angkasaysayanngpanitikan 130731050149-phpapp02Angkasaysayanngpanitikan 130731050149-phpapp02
Angkasaysayanngpanitikan 130731050149-phpapp02
 
tilamsik-ng-Sining-1.pptx...................................
tilamsik-ng-Sining-1.pptx...................................tilamsik-ng-Sining-1.pptx...................................
tilamsik-ng-Sining-1.pptx...................................
 
BALAGTASAN GRP.1 FILIPINO_20231114_230307_0000.pptx
BALAGTASAN GRP.1 FILIPINO_20231114_230307_0000.pptxBALAGTASAN GRP.1 FILIPINO_20231114_230307_0000.pptx
BALAGTASAN GRP.1 FILIPINO_20231114_230307_0000.pptx
 
BALAGTASAN-FILIPINO_20231115_063448_0000.pptx
BALAGTASAN-FILIPINO_20231115_063448_0000.pptxBALAGTASAN-FILIPINO_20231115_063448_0000.pptx
BALAGTASAN-FILIPINO_20231115_063448_0000.pptx
 
Panitikan lit1-report
Panitikan lit1-reportPanitikan lit1-report
Panitikan lit1-report
 
Kaligirang pangkasaysayan ng tanka at haiku
Kaligirang pangkasaysayan ng tanka at haikuKaligirang pangkasaysayan ng tanka at haiku
Kaligirang pangkasaysayan ng tanka at haiku
 
ANG Panitikan ng ilocano sa ilocos norte region
ANG Panitikan ng ilocano sa ilocos norte regionANG Panitikan ng ilocano sa ilocos norte region
ANG Panitikan ng ilocano sa ilocos norte region
 
LS 1 Panitikang Pilipino
LS 1 Panitikang PilipinoLS 1 Panitikang Pilipino
LS 1 Panitikang Pilipino
 
MANUYAG, ELDRIAN LOUIE B. Pagsusuri sa Kabayanihan.docx
MANUYAG, ELDRIAN LOUIE B. Pagsusuri sa Kabayanihan.docxMANUYAG, ELDRIAN LOUIE B. Pagsusuri sa Kabayanihan.docx
MANUYAG, ELDRIAN LOUIE B. Pagsusuri sa Kabayanihan.docx
 
Pa nahon ng aktibismo
Pa nahon ng aktibismoPa nahon ng aktibismo
Pa nahon ng aktibismo
 
MGA IBA'T IBANG TEORYA TEORYANG-DEKONSTRUKSYON.pptx
MGA IBA'T IBANG TEORYA TEORYANG-DEKONSTRUKSYON.pptxMGA IBA'T IBANG TEORYA TEORYANG-DEKONSTRUKSYON.pptx
MGA IBA'T IBANG TEORYA TEORYANG-DEKONSTRUKSYON.pptx
 
Ang Ating Panitikang Filipino
Ang Ating Panitikang FilipinoAng Ating Panitikang Filipino
Ang Ating Panitikang Filipino
 
Ang Panitikang Filipino
Ang Panitikang FilipinoAng Panitikang Filipino
Ang Panitikang Filipino
 
Region 3 tulang tagalog
Region 3 tulang tagalogRegion 3 tulang tagalog
Region 3 tulang tagalog
 
8 fil lm m3 (1)
8 fil lm m3 (1)8 fil lm m3 (1)
8 fil lm m3 (1)
 
Panitikangpilipino 120422063900-phpapp01
Panitikangpilipino 120422063900-phpapp01Panitikangpilipino 120422063900-phpapp01
Panitikangpilipino 120422063900-phpapp01
 

Recently uploaded

Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoUri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoChristineJaneWaquizM
 
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONPPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONFarahDeGuzman
 
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxKABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxRoseAnneOcampo1
 
NASYONALISMO-SA-EUROPE-AT-IBANG-PANIG-NG-DAIGDIG-PPT.pptx
NASYONALISMO-SA-EUROPE-AT-IBANG-PANIG-NG-DAIGDIG-PPT.pptxNASYONALISMO-SA-EUROPE-AT-IBANG-PANIG-NG-DAIGDIG-PPT.pptx
NASYONALISMO-SA-EUROPE-AT-IBANG-PANIG-NG-DAIGDIG-PPT.pptxLoudimsMojica
 
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptxPanunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptxJohnMarkAlarconPunta
 
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...KeanuJulian
 
karapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
karapatang-pantao-2.pptttttttttttttttttttttttttttttkarapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
karapatang-pantao-2.pptttttttttttttttttttttttttttttJuliaFaithMConcha
 
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptxPaggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptxLeahArizala1
 
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNANFOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNANJullianeOrtiz
 
1Q_ESP5_LESSON_5_(PAGIGING MATAPAT).pptx
1Q_ESP5_LESSON_5_(PAGIGING MATAPAT).pptx1Q_ESP5_LESSON_5_(PAGIGING MATAPAT).pptx
1Q_ESP5_LESSON_5_(PAGIGING MATAPAT).pptxChristineJaneWaquizM
 
EsP9-M13-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
EsP9-M13-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxEsP9-M13-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
EsP9-M13-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxPaulineHipolito
 
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhhAP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhhcharlyn050618
 
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINASSektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINASJamaerahArtemiz
 
Timog-Silangang Asya PILIPINAS .pptx
Timog-Silangang Asya PILIPINAS     .pptxTimog-Silangang Asya PILIPINAS     .pptx
Timog-Silangang Asya PILIPINAS .pptxjemarabermudeztaniza
 
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahan
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahanSimuno at Panaguri kahulugan at kahalagahan
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahanChristineJaneWaquizM
 
PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)
PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)
PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)JEANELLEBRUZA
 
Kabanata-----11--------------------.pptx
Kabanata-----11--------------------.pptxKabanata-----11--------------------.pptx
Kabanata-----11--------------------.pptxcompwatch556
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilajohnrohannebasale
 
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power pointPANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power pointYollySamontezaCargad
 
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptx
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptxEpekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptx
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptxJoyceAgrao
 

Recently uploaded (20)

Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoUri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
 
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONPPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
 
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxKABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
 
NASYONALISMO-SA-EUROPE-AT-IBANG-PANIG-NG-DAIGDIG-PPT.pptx
NASYONALISMO-SA-EUROPE-AT-IBANG-PANIG-NG-DAIGDIG-PPT.pptxNASYONALISMO-SA-EUROPE-AT-IBANG-PANIG-NG-DAIGDIG-PPT.pptx
NASYONALISMO-SA-EUROPE-AT-IBANG-PANIG-NG-DAIGDIG-PPT.pptx
 
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptxPanunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
 
karapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
karapatang-pantao-2.pptttttttttttttttttttttttttttttkarapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
karapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
 
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptxPaggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
 
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNANFOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
 
1Q_ESP5_LESSON_5_(PAGIGING MATAPAT).pptx
1Q_ESP5_LESSON_5_(PAGIGING MATAPAT).pptx1Q_ESP5_LESSON_5_(PAGIGING MATAPAT).pptx
1Q_ESP5_LESSON_5_(PAGIGING MATAPAT).pptx
 
EsP9-M13-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
EsP9-M13-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxEsP9-M13-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
EsP9-M13-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
 
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhhAP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
 
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINASSektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
 
Timog-Silangang Asya PILIPINAS .pptx
Timog-Silangang Asya PILIPINAS     .pptxTimog-Silangang Asya PILIPINAS     .pptx
Timog-Silangang Asya PILIPINAS .pptx
 
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahan
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahanSimuno at Panaguri kahulugan at kahalagahan
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahan
 
PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)
PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)
PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)
 
Kabanata-----11--------------------.pptx
Kabanata-----11--------------------.pptxKabanata-----11--------------------.pptx
Kabanata-----11--------------------.pptx
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
 
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power pointPANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
 
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptx
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptxEpekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptx
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptx
 

Filipino 8 Part5

  • 1. 89 PANITIKAN SA PANAHON NG KASARINLAN Mga Aralin Dula: Sinag sa Karimlan ni Dionisio Salazar Mga Aspekto ng Pandiwa Mga Pahayag ng Pagsang-ayon at Pagsalungat Tulad ng sa iba pang panahon, malaki ang papel na ginampanan ng panitikan sa buhay ng mga Pilipino sa Panahon ng Kasarinlan. Tumutukoy ang panahong ito sa mga taon pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at sa pagtatatag ng Ikatlong Republika ng Pilipinas. Naranasan ng mga Pilipinong manunulat na maipahayag ang sariling damdamin at saloobin sa pamamagitan ng mga pasalita at pasulat na akda na nagbukas sa isang diwang makabansa. Upang maunawaan ang konteksto ng panahong ito, magbabalik-tanaw tayo sa mga manunulat at akdang pampanitikan na umusbong sa Panahon ng Pananakop ng Amerikano, Komonwelt hanggang sa Panahon ng Kasarinlan sa tulong ng isang timeline. Tingnan ang mga larawan ng manunulat sa p. 139. Kilalanin mo at piliin sa hanay A ang mga manunulat at hanay B naman ang kanilang akda na isinulat at ilagay ito sa angkop na panahon na hinihingi sa timeline. Gawin sa sagutang papel. Panahon ng Panahon ng Panahon ng Amerikano Komonwelt Kasarinlan
  • 2. 90 Dula: “Sinag sa Karimlan” ni Dionisio Salazar Isa sa mga akdang pampanitikang nakilala sa panahong ito ay ang dulang “Sinag sa Karimlan” ni Dionisio Salazar. Upang mabigyan tayo ng sapat na kaalaman tungkol sa akda, kilalanin muna natin ang anyo ng dula at si Dionisio Salazar. Gawin din ang sumusunod: 1. Ilarawan ang mga kailangan, katangian, at hakbang ng isang dula-dulaan (role play) o larong akting-aktingan. Ayusin ang inyong mga sagot sa pamamagitan ng dayagram sa ibaba. Magbigay din ng isang halimbawa ng ginawa o linahukang dula-dulaan o akting-aktingan sa loob o labas man ng paaralan.
  • 3. 91 2. Sa tulong ng Venn Diagram, ipakita at ilahad ang pagkakaiba at pagkakatulad ng maikling kuwento at dula. Maaaring gamitin bilang batayan ang ginawa sa panimulang pagtataya sa araling ito. Gawin ito sa sagutang papel. Ang Dula Isang tuluyan ang dula na kababakasan ng kulturang Pilipino. Ipinakikita rito ang paraan ng pamumuhay noon hanggang sa pag-unlad nito sa kasalukuyan, na naging pagkakakilanlan ng ating lahi. Sa Panahon ng Kasarinlan, naipagpatuloy ng mga manunulat ang paggamit ng dula bilang isang mabisang kasangkapan sa pagbibigay ng kamalayang panlipunan, sa paggising ng damdamin, at sa pagpapakilos ng sambayanan. Maliban sa sarsuwela na isa sa mga uri ng dulang pantanghalan na ipinakilala sa iyo sa naunang aralin (Panahon ng Amerikano), may iba pang mga uri ang dula. Ang dula ay isang akdang itinatanghal sa pamamagitan ng kilos at galaw sa tanghalan. Ito ay naglalarawan ng isang kawil ng mga pangyayaring naghahayag ng kapana-panabik na bahagi ng buhay ng tao. Gaya ng ibang katha, ang dula ay naglilibang, pumupukaw ng damdamin, at humihingi ng pagbabago. Higit na nakapagpapakilos ang dula kaysa ibang akda sapagkat bukod sa naririnig ang mga salita, nakikita pa ang kilos at galaw sa tanghalan.
  • 4. 92 Ang anumang uri ng dula ay binubuo ng sumusunod na sangkap: a) tanghalan – kung saan nagaganap ang mga pangyayari sa isang pagtatanghal b) iskrip – itinuturing na pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng pangyayaring isinasaalang-alang o nagaganap sa isang pagtatanghal ay naaayon sa iskrip c) aktor – gumaganap at nagbibigay-buhay sa dula; sila ang nagpapahayag ng mga diyalogo, nagsasagawa ng mga aksiyon at nagpapakita ng mga emosyon sa mga manonood d) direktor – nagbibigay ng interpretasyon at nagpapakahulugan sa isang iskrip e) manonood – mga saksi o nakapanood ng isang pagtatanghal f) eksena – ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang ang tagpo ang nagpapalit ng mga pangyayari sa dula. Nakatulong nang malaki ang dula sa pagpapasigla at pagpapaunlad ng panitikan sa Panahon ng Kasarinlan. Naging daan ito upang malinaw na mailarawan nang buo ang kulturang Pilipino at kanilang pangkasalukuyang kalagayang panlipunan. Naipakilala nila ang dula na isang mabisang kasangkapan sa pagbibigay ng kamalayang panlipunan, sa paggising ng damdamin at sa pagpapakilos. Si Dionisio Salazar Tubong-Nueva Ecija na ipinanganak noong Pebrero 8, 1919 si Dionisio Santiago Salazar. Nagtapos ng kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas (kursong AB) at Unibersidad ng Sto. Tomas (para sa kaniyang MA). Hindi matatawaran ang kaniyang husay at galing, patunay na rito ang siyam (9) na nobelang kaniyang isinulat at nailathala. Nagtamo siya ng iba’t ibang parangal gaya ng Carlos Palanca Award, National Balagtas Award, Dangal ng Lahi sa Dula, Manila Cultural Heritage Award, at TOFIL Awardee for Drama and Literature. “Sinag sa Karimlan” Bago basahin ang dulang “Sinag sa Karimlan,” gawin ang sumusunod: 1. Isulat ang iyong hinuha o palagay kung ano ang ibig sabihin ng pamagat ng akda.
  • 5. 93
  • 6. 94 SINAG SA KARIMLAN Dionisio S. Salazar MGA TAUHAN : Tony, binatang bilanggo Luis, ang ama ni Tony Erman, Doming, at Bok, mga kapuwa bilanggo ni Tony Padre Abena, pari ng Bilibid Miss Reyes, nars Isang Tanod PANAHON: Kasalukuyan TAGPUAN: Isang panig ng pagamutan ng Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa. ORAS: Umaga PROLOGO: Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa: Wakas at Simula … Moog ng katarungan … Sagisag ng Demokrasya … Salaming pambudhi … Palihan ng puso’t diwa … waterloo ng kasamaan … Hamon sa pagbabagong buhay … May mga maikling gayong dapat hubdan ng maskara at sa sinapupunan nito kailangang iwasto ay hayu’t talinghagang mamamayagpag at umiiring sa batas. Sa isang dako’y may mga walang malay na dahil sa kasamaang-palad, kahinaan, o likas na mapagsapalaran ay dito humahantong; dito rin sinisikatan o nilulubugan ng Katotohanan at Katarungan … Marami nang lubha ang mga pumasok at lumabas dito. Walang makapagsasabi kung gaano pa karami ang tatanggap ng kanyang tatak … May sala o wala, ang bawat pumasok dito ay kabuuan ng isang marikit at makulay na kasaysayan Doming : (Bibiling sa higaan, iangat ang ulo, at tatanungin si Bok) Tipaningmayap, lakas namang mag-ilik ni Bok. Ernan : (Mangingiti) Pasensiya ka na Doming. Doming : Kelan pa kaya lalabas dito ‘yan, a Mang Ernan? Traga malas hang. BABAYING. Ba, sino ‘yan? … (Ingunguso si Tony.) Ernan : Ewan, hatinggabi kagabi nang ipasok ‘yan dito. Kawawa naman. Dugu-duguan siya. Doming : OXO seguro ‘yan. O kaya Sigue-Sigue. Nagbakbakan naman seguro. (Mamasdang mabuti si Tony.) Mukhang bata pa. Ernan : At may hitsura, ang sabihin mo. (Mapapalakas ang hilik ni Bok.) Doming : Tipaning – parang kombo! (Matatawa si Mang Ernan.) Bok : (Biglang mag-aalis ng kulubong; pasigaw) Saylens! Magapatulog man kayo! Yawa … Ernan : Si Bok naman. Konting lamig, ‘bigan. Doming : Hisi lang, Tsokaran.
  • 7. 95 Bok : Tuluyan nang babangon: (matapos mag-inat at maghikab ay susulyapan ang katabi) Nagapuyat ako kagab-i. Galaking sugat n’ya. (Titingnan si Tony.) (Kikilos sa pagkakahiga at mapapahalinghing si Tony.) Doming : Kilala mo siya, Bok? Bok : (Sabay iling) De-hin. Kung ibig n’yo gigisingin ko … Doming : Ba, ‘wag! (Makikitang kikilos si Tony.) O, ayan, gising na. Tony : (Matapos huminga ng paimpit na waring ayaw ipahalata ang nararamdamang sakit) M-ma—gandang umaga senyo … Ernan : Gayundin sa ‘yo. Este, ano nga’ng - ? Tony : (Mauupo; mahahalatang nagpipigil pa rin sa sakit) Tony ho’ng pangalan ko. Tekayo! Kayo si Ginoong Ernani Alba, di ho ba? Ernan : Ako nga. Tony : Nababasa ko’ng inyong mga akda. Hanga ako senyo! Ernan : Salamat, Tony. Bok : (May pagmamalaki) ako gid, de-hin mo kilala? Di wan en only Bok –alyas Thompson Junior. Big bos ng Batsi Gang. Marai padrino. Yeba! … (Mangingiting makahulugan ang lahat.) Tony : (Haharapin si Doming; malumanay) Kayo? Doming : Doming hang palayaw ko. Walang h-alyas . Bok : (Kay Tony) OXO? … Sigue – Sigue? … Bahala na? … (Pawang iling ang itutugon ni Tony.) Beri-gud Ginsama ka a ‘ming Batsi Gang, ha? Tony : Salamat, Bok. Pero sawa na ‘ko sa mga gang, sa mga barkada. Dahil sa barkada’y – heto, magdadalawang taon na ‘ko dito sa Big House. Ernan : Mukhang makulay ang … Puwede ba Toning kahit pahapyaw ay ibida mo sa ‘min ang iyong buhay? Bok : (Bago makapangusap si Tony) Holdi’t, Tony boy! … Ba’t nagalaslas ang imong tiyan, ber? At … teribol yang blakay mo. Yawa. Doming : (Mapapansin ang pangangasim ng mukha ni Tony) Makakaya mo ba,Tony? Tony : (Tatango muna bago umayos ng upo) Pumuga sina Silver Boy kagabi. Nang hindi ako sumama’y sinuntok ako. Mabuti kanyo’t nailagan ko’ng saksak dito (sabay turo sa kaliwang dibdib), kundi’y … nasirang Tony na ‘ko ngayon. Pero ang di nailaga’y yung sakyod ni Pingas … Nagpatay- patayan lang ako kaya … Aruy! Ernan : Sa narinig kong usapan ng nars at tanod kagabi ay tatlo ang napatay. Tila lima ang patawirin. Ang iba’y nahuli. (Sa sarili A, kalayaan, sa ngalan mo’y kay raming humahamak sa kamatayan! (Kay Tony) mabuti’t tumanggi ka, Tony, kundi’y … ‘tay kung masakit ‘yan ay saka na.
  • 8. 96 Tony : Huwag kayong mag-alala, kaya ko ito … (Hihinga muna nang mahaba.) Mula nang madala ko rito, e nag-iba na’ng takbong … Naisip kong walang ibubungang mabuti ang kasamaan … Malaki’ng utang na loob ko ke Padre Abena …sa aking pagbabago … Totoo nga naman, walang utang na hindi pinagbabayaran … Me parusa sa bawat kasalanan! Ernan : (May paghanga) May sinasabi ka, Tony! Bo : (Ngingiti-ngiti habang nakikinig sa pahayag ni Tony; sa himig nagmamagaling) No dais, Tony, kun sila malalaki naganakaw milyun-milyun, ba. Sigi lang, ‘adre. Basta mi lagay. Basta mi padrino! Tony : Me relihiyon ka ba, Bok? Bok : (Tatawa habang sumasagot; pauyam) Reliyun? Wala kwenta ‘yan. Hm, dami, dami nagasimba, pero ginluluko sa kapwa. Dami gadasal, pero gin-nakaw, gin-ismagel, yawa. Doming : Mabuti pay ‘way na tayo maghusap tungkol sa relihiyon. Ernan : May katwiran si Doming. Ang paksang relihiyon ay masyadong kontrobersiyal. Paris ng iba’t ibang ismo, kaya … di dapat pagtalunan. Tony : Pero, Mang Ernan, ba’t tayo matatakot magtalo? Kung walang pagtatalo, walang pagkakaunawaan. Kung walang pagkakaunawaan, walang pagkakaisa. Ang mga taong di nagkakaisa’y pirming nag- aaway. Ernan : Tama ‘yan. Ngunit ang pagtatalo’y dapat lamang sa taong malaki ang puso; hindi sa mga maliit ang pinagkukunan. Pero … pinahahanga mo ako, Tony! Nag-aaral ka ba ng batas? Ba, may kakaibang tilamsik ang iyong diwa. Tony : Elementarya lamang ho ang natapos ko. Doming : Kasi nga naman hasa mo habugado ka kung magsalita. Bok : Ber, ber, mga pare! ‘Yung istorya ni Tony! Tony : Iimbitahin kita, Bok, isang araw, sa klase namin nila Padre Abena. Marami kang mapupulot doon. At pakikinabangan. Tiyak. Bok : No ken du! Kun naytklab pa, olditaym! Tony : (Matapos makitang handa na ang lahat sa pakikinig sa kanya) Buweno … Ako’y buhay sa ‘sang karaniwang pamilya sa Tundo. Empleyado si Tatay. Guwapo siya. Pero malakas uminom ng tuba. At mahilig sa karera. Napakabait ng Nanay ko. Kahit kulang ang iniintregang sahod ni Tatay e di siya nagagalit, paris ng iba. ‘Sang araw e nadiskubre ni Nanay ang lihim ng Tatay ko; meron siyang kerida. Natural, nag-away sila … Umalis si Tatay. Iniwan kami. Awa naman ng Diyos e natapos ko rin ang elementarya. Balediktoryan ako …
  • 9. 97
  • 10. 98
  • 11. 99
  • 12. 100
  • 13. 101
  • 14. 102
  • 15. 103
  • 16. 104
  • 17. 105
  • 18. 106
  • 19. 107
  • 20. 108
  • 21. 109 Upang maging mayaman ang pag-unawa sa akdang binasa, gawin ang sumusunod: 1. Sagutin ang sumusunod na tanong ayon sa akdang binasa. - May katuwiran ba si Tony na itakwil ang kaniyang ama? Ipaliwanag. - Sa iyong palagay, bakit maraming tao ang napipilitang gumawa ng mga bagay na labag sa batas? - Kung ikaw si Tony, paano mo haharapin ang iyong ama sa likod ng kaniyang mga pagkukulang sa inyong pamilya? - Anong kalagayang panlipunan ang masasalamin sa dula? May pagkakatulad o pagkakaiba ba ito sa ngayon? - Makatuwiran ba o di-makatuwiran na isisi ng isang tao sa kaniyang kapuwa ang masaklap na nangyari sa kaniyang buhay? Bakit? - Sa iyong palagay, naging mabisang kasangkapan ba ng mga manunulat sa panahong ito ang dula sa paghahayag ng kanilang damdamin, saloobin, opinyon, at karanasan? 2. Ilarawan mo ang pagkilos, pananalita, saloobin, at paniniwala ng mga tauhan sa dulang iyong binasa. Gawing batayan ang kasunod na tsart.
  • 22. 110 3. Isa-isahin ang mga bahagi ng dulang Sinag sa Karimlan na nagpapakita sa katangian ng isang dula. Mga Aspekto ng Pandiwa Balikan natin ang pinakahuling bahagi ng dula. Tingnan ang mga nakasalungguhit na salita. P. Abena : (Makahulugan) Anak, tamo si Miss Reyes, nakapagpapatawad … (Hindi tutugon si Tony. Mapapatango siya. Ganap na katahimikan . Walang kakurap-kurap, at halos hindi humihinga sina Mang Ernan sa pagmamasid sa nangyayaring dula sa silid na yaon. Sa pagtaas ng mukha ni Tony ay makikitang may luha sa kanyang pisngi. Mabubuhayan ng loob si Mang Luis. Dahan- dahan siyang lalapit sa bunsong ngayo’y nakayupyop sa bisig ni Padre Abena. Magaling sa sikolohiya, marahang iaangat ng butihing pari ang ulo ni Tony at siya’y unti-unting uurong upang mabigyan ng ganap na kalayaan ang mag-ama. Ngayo’y may kakaiba ng sinag sa mukha ni Tony.
  • 23. 111 May kakaiba ring ngiting dumurungaw sa kanyang mapuputlang labi. At sa isang kisap-mata’y mayayapos siya ng kanyang ama. Masuyo, madamdamin, mahaba ang kanilang pagyayakap. Katulad ng dalawa, mapapaluha rin ang lahat . Maging ang may bakal na pusong si Bok ay mapapakagat-labi’t mapapatungo nang marahan. Pagdaraupin naman ni Padre Abena ang mag- ama, titingala ng bahagya at pangiting bubulong.) Ang mga nakasalungguhit na salita ay mga pandiwa. Ang mga pandiwa ay nagsasabi ng kilos. Mahalaga ang pagsasaad ng kilos sa dula dahil ito ang nagtutulak ng pag-usad ng salaysay. May mga aspekto ang mga pandiwa na nagsasaad kung naganap na o hindi pa nagaganap ang kilos, at kung nasimulan na at kung natapos nang ganapin o ipinagpapatuloy pa ang pagganap. May apat na aspekto ang pandiwa: aspektong perpektibo kung ito ay nagsasaad o nagpapahayag na ang kilos na nasimulan na at natapos na; aspektong imperpektibo kung nagpapahayag ng kilos na nasimulan na ngunit di pa natatapos at kasalukuyan pang ipinagpapatuloy; aspektong kontemplatibo ay naglalarawan ng kilos na hindi pa nasisimulan; at aspektong perpektibong katatapos kung nagsasaad ito ng kilos na katatapos lamang bago nagsimula o naganap ang kilos. Upang pagyamanin ang kaalaman sa mga aspekto ng pandiwa, gawin ang sumusunod. 1. Balikan ang dula at ihanay ang mga pandiwang nakapaloob dito ayon sa mga aspekto nila. 2. Magsalaysay ng ilang pangyayari sa iyong buhay noon na sa iyong palagay ay nangyayari pa rin sa ngayon. Isaalang-alang ang simula, gitna at wakas ng pagsasalaysay. Gamitin at salungguhitan ang mga aspekto ng pandiwa sa gagawing pagsasalaysay. 3. Sinasabi na kung walang guro, walang iba pang propesyon tulad ng doktor, abogado, at inhinyero. Kaya naman dapat lamang kilalanin ang mahahalagang papel ng kaguruan sa paghubog ng lipunan. Kaugnay ng paksang ito, gumawa ng isang maikling dula na nagpapakita sa halaga ng mga guro. Tiyakin na ito’y a) malikhain; b) nagkakaugnay-ugnay ang mga eksena o pangyayari; at c) may wastong gamit ng aspekto ng pandiwa.
  • 24. 112 Mga Pahayag ng Pagsang-ayon at Pagsalungat Mahalagang aspekto ng dula ang mga manonood. Dahil itinatanghal ito, nalalaman ng mga nagtatanghal (at mga taong nasa likod nito) ang reaksiyon ng mga nanonood. May mga dula pa ngang interaktibong nakikibahagi ang mga manonood sa pagtatanghal. Kahalintulad sa dula, nakapagbibigay din sa ibang anyong pampanitikan ang mga tao ng kanilang naranasan, nakita, napanood, narinig, at nabasa ngunit hindi nga lamang ito direktang nakikita ng mga manlilikha. Ang mga reaksiyon naman ay kadalasang pagsang-ayon o pagsalungat. Isang paraan ang pagsang-ayon o pagsalungat upang maging kapakipakinabang ang pakikilahok sa anumang usapan o pagbibigay ng mga palapalagay, opinyon, ideya o kaisipan. Sa paraang ito, mahalagang malaman natin ang mga pananalitang dapat gamitin sa pagpapahayag ng pagsangayon at pagsalungat. Sa pagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat ay makabubuting pag-aralan o pag-isipan munang mabuti at magkaroon ng malawak na kaalaman tungkol sa isyu. Iwasang gumawa ng desisyong hindi pinag-iisipan at maaaring dala ng desisyong itinutulak ng nakararami. Mga Halimbawa: * Pahayag na karaniwang nagsasaad ng pagsang-ayon Sang-ayon ako. Tama. Iyan ang nararapat. Pareho tayo ng iniisip. Ganyan din ang palagay ko. * Pahayag na nagsasaad ng pagsalungat Hindi ako sang-ayon. Mabuti sana ngunit… Ikinalulungkot ko ngunit… Nauunawaan kita subalit. Ayaw.
  • 25. 113 Upang pagyamanin ang kaalaman sa mga pahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat, gawin ang sumusunod: 1. Isulat ang reaksiyon ng mga tauhan sa pangyayari mula sa dula. a. Pananaw ni Mang Ernan sa buhay b. Pagbabago ng kaisipan ni Tony sa kaniyang ama c. Hindi naibigan ni Bok ang ginawang pagsampal ng ama ni Tony d. Naging tugon ni Padre Abena sa ginawa nina Tony at Mang Luis 2. Pumili ng isa sa sumusunod na paksa at ilahad ang opinyon mo hinggil dito. - Dapat basahin at pag-aralan sa klase ang maikling kuwento at dula. - Dapat magkaroon ng tamang batas para sa mga inosenteng indibidwal na nakukulong. - Dapat magkaroon ng pantay na karapatan ang babae at lalaki. 3. Suriing mabuti ang mga pahayag. Sumasang-ayon o sumasalungat ka ba sa mga ito? Lagyan ng tsek () ang bilog katapat ng iyong sagot at saka ipahayag ang iyong pangangatwiran sa patlang.
  • 26. 114
  • 27. 115
  • 28. 116 3. Bilang presidente ng Samahan ng Mandudula sa inyong paaralan, ikaw ay naimbitahang dumalo sa gaganaping seminar-workshop tungkol sa “Dula at Dulang Tagalog sa Modernong Panahon.” Isa sa bahagi ng naturang seminar ang pagpapanood ng isang video clip tungkol sa buhay ng isang artistang nagwagi bilang pinakamahusay na aktres o artistang babae sa larangan ng indie film. Batay sa napanood, gagawa ka ng orihinal na iskrip na naglalarawan ng ilang pangyayari sa buhay ng naturang aktres at pagkatapos itatanghal ito sa gitna ng mga manonood bilang awput. Tatayain ito batay sa sumusunod na pamantayan: a) kaangkupan, b) makatotohanan, c) masining, d) orihinal, e) kaakmaan ng tunog/props/costume, f) taglay ang mga bahagi ng dula, g) kahusayan sa pag-arte, at h) nagagamit ang pahayag ng pagsang- ayon at pagsalungat. 4. Ang layunin sa bahaging ito ay ilipat at isabuhay ang iyong natutuhan sa pamamagitan ng pakikibahagi sa pagbuo at pagtatanghal ng isang video presentation na nagpapakita ng kulturang Pilipino na nananatili pa sa kasalukuyan, nagbago at nawala na. Unawain mong mabuti ang sitwasyon upang maisagawa mo nang buong husay ang gawain. Isa sa nakatutulong upang mapasigla ang ekonomiya ng bansa ay ang pagpasok ng dolyar sa pamamagitan ng turismo. Marami ang nabibigyan ng trabaho. Kaya naman patuloy sa pagbuo ng iba’t ibang programa ang Departamento ng Turismo upang higit na maipagmalaki ang kulturang Pilipino sa buong mundo. Naglalayon na hikayatin ang mga turista na balik-balikan ang Pilipinas dahil sa kagandahang taglay nito. Bilang tagapangulo ng departamento ng lokal na turismo sa iyong probinsiya, layunin mo na hikayatin ang mga turista na balik-balikan ang Pilipinas dahil sa ating pamanang kultural. Kaya ikaw ay naatasan na bumuo at itanghal ang isang video presentation na nagpapakita ng kulturang Pilipinas na nagpapatunay na “It’s More Fun in the Philippines.” Sa nasabing presentasyon ay makikita ang kulturang Pilipinas na nananatili, nabago at nawala na sa inyong probinsiya. Ang presentasyon ay batay sa sumusunod na pamantayan: a) batay sa pananaliksik; b) makatotohanan; c)orihinal; d)malikhain; e) may kaugnayan sa paksa; f) napapanahon; g) taglay ang elemento ng pagbuo ng isang video presentation.