SlideShare a Scribd company logo
1 of 7
Filipino 9
Aralin 6- Dula
Mga Kasanayang Pampagkatuto
 Nakabubuo ng paghuhusga sa karakterisasyon ng mga tauhan sa kasiningan ng akda
 Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita habang nababago ang estruktura nito
 Nasusuri ang pagiging makatotohanan ng ilang pangyayari sa isang dula
 Nagagamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan (sa totoo, talaga, tunay, iba pa)
TIYO SIMON
Dula—ni N.P.S. Toribio Pilipinas
Mga Tauhan:
Tiyo Simon—isang taong nasa katanghalian ang gulang, may kapansanan ang isang paa at may mga
paniniwala na hindi maunawaan ng kanyang hipag na relihiyosa.
Ina—ina ni Boy
Boy—pamangkin ni Tiyo Simon. Pipituhing taong gulang.
Oras—umaga, halos hindi pa sumusikat ang araw.
Tagpo: Sa loob ng silid ni Boy. Makikita ang isang tokador na kinapapatungan ng mga langis at pomada sa
buhok, toniko, suklay, at iba pang gamit sa pag-aayos. Sa itaas ng tokador, nakadikit sa dingding ang isang
malaking larawan ng birheng nakalabas ang puso at may tarak ng isang punyal. Sa tabi ng nakabukas na
bintana sa gawing kanan ay ang katreng higaan ng bata. Sa kabuuan, ang silid ay larawan ng kariwasaan.
Sa pagtaas ng tabing, maikikita si Boy na binibihisan ng kanyang ina. Nakabakas sa mukha ng bata ang
pagkainip samanatalang sinusuklay ang kanyang buhok. (Biglang uunat ang babae, saglit na sisipatin ang
ayos ng anak, saka ngingiti.)
INA: O, hayan, di nagmukha kang tao. Siya, diyan ka muna at ako naman ang magbibihis.
BOY: (Dadabog) sabi ko, ayaw kong magsimba, e!
INA: Ayaw mong magsimba! Hindi maa...pagagalitin mo na naman ako, e! At anong gagawin mo rito sa
bahay ngayong umagang ito na pangiling-araw?
BOY: Maiiwan po ako rito sa bahay, kasama ko si ...Tiyo Simon...
INA: (Mapapamulagat) A, ang ateistang iyon. Ang...patawarin ako ng Diyos.
BOY: Basta. Maiiwan po ako... (Ipapadyak ang paa) makikipagkuwentuhan na lamang ako kay Tiyo Simon...
INA: (Sa malakas na tinig) makikipagkuwentuhan ka? At anong kuwento? Tungkol sa kalapastanganan sa
banal na pangalan ng Panginoon?
BOY: Hindi, Mama. Maganda ang ikinukuwento ni Tiyo Simon sa akin...
INA: A, husto ka na...husto na bago ako magalit nang totohanan at humarap sa Panginoon ngayong araw
na ito nang may dumi sa kalooban.
BOY: Pero...
INA: Husto na sabi , e!
(Matitigil sa pagsagot si Boy. Makaririnig sila ng mga yabag na hindi pantay, palapit sa nakapinid na pinto sa
silid, saglit na titigil ang yabag; pagkuwa’y makaririnig sila ng mahinang pagkatok sa pinto.)
INA: (Paungol) uh... sino ‘yan?
TIYO SIMON: (Marahan ang tinig) Ako, hipag, naulinigan kong...
(Padabog na tutunguhin ng babae ang pinto at bubuksan iyon. Mahahantad ang kaanyuan ni Tiyo Simon,
nakangiti ito.)
TIYO SIMON: Maaari bang pumasok? Naulinigan kong tila may itinututol si Boy...
BOY: (Lalapit) Ayaw kong magsimba, Tiyo Simon. Maiiwan ako sa iyo rito. Hindi ako sasama kay Mama.
INA: (Paismid) Iyan ang itinututol ng pamangkin mo, kuya. Hindi nga raw sasama sa simbahan...
(Maiiling si Tiyo Simon, ngingiti at paika-ikang papasok sa loob, hahawakan ang balikat ni Boy.)
TIYO SIMON: Kailangan ka nga namang sumama sa simbahan, Boy. Kung gusto mo...kung gusto mong
isama ako ay maghintay kayo at ako’y magbibihis...magsisimba tayo.
(Mapapatingin nang maluwat si Boy sa kanyang Tiyo Simon, ngunit hindi makakibo. Ang ina ay namangha
rin. Tatalikod
na si Tiyo Simon at lalabas. Maiiwang natitigilan ang dalawa, pagkuwa’y babaling ang ina kay Boy.)
INA: Nakapagtataka! Ano kaya ang nakain ng amain mong iyon at naisipang sumama ngayon sa atin?
Ngayon ko lamang siya makikitang lalapit sa Diyos...
BOY: Kung sasama po si Tiyo Simon , sasama rin ako...
INA: Hayun! Kaya lamang sasama ay kung sasama ang iyong amain. At kung hindi ay hindi ka rin sasama.
Pero mabuti rin iyon...mabuti, sapagkat hindi lamang ikaw ang maaakay ko sa wastong landas kundi ang
kapatid na iyon ng iyong ama na isa ring...
(Mapapayuko ang babae, papahirin ang luhang sumungaw sa mga mata. Magmamalas lamang siBoy.)
INA: (Mahina at waring sa sarili lamang). namatay siyang hindi lamang nakapagpa-Hesus. Kasi’y matigas
ang kalooban niya sa pagtalikod sa simbahan. Pareho silang magkapatid sila ng iyong amain. Sana’y
magbalik-loob siya sa Diyos upang makatulong siya sa pagliligtas sa kaluluwa ng kanyang kapatid na
sumakabilang buhay na...
(Mananatiling nagmamasid lamang si Boy. Pagkuwa’y nakarinig sila ng hindi pantay na yabag, at ilang
sandali pa ay sumungaw na ang mukha ni Tiyo Simon sa pinto. Biglang papahirin ng babae ang kanyang
mukha, pasasayahin ito, at saka tutunguhin ang pinto.)
INA: Siyanga pala. Magbibihis din ako. Nakalimutan ko, kasi’y...diyan muna kayo ni Boy, kuya...
(Lalabas ang babae at si Tiyo Simon ay papasok sa loob ng silid. Agad tutunguhin ang isang sopang
naroroon, pabuntung-hiningang uupo. Agad, naman siyang lalapitan ni Boy at ang bata ay titindig sa
harapan niya.)
TIYO SIMON: (Maghihikab) iba na ang tumatandang talaga. Madaling mangawit, mahina ang katawan
at...(biglang matitigil nang mapansing ang tinitingnan ng bata ay ang kanyang may kapansanang paa.
Matatawa.)
BOY: Bakit napilay po kayo, Tiyo Simon? Totoo ba’ng sabi ni Mama na iya’y parusa ng Diyos?...
TIYO SIMON: (Matatawa) sinabi ba ng Mama mo iyon?
BOY: Oo raw e, hindi kayo nagsisimba. Hindi raw kasi kayo naniniwala sa Diyos. Hindi raw kasi...
TIYO SIMON: (Mapapabuntong-hininga) hindi totoo, Boy, na hindi ako naniniwala sa Diyos...
BOY: Pero ‘yon ang sabi ni Mama, Tiyo Simon. Hindi raw kayo nangingilin kung araw ng pangilin. Bakit hindi
kayo nangingilin, Tiyo Simon?
TIYO SIMON: May mga bagay, Boy na hindi maipaliwanag. May mga bagay na hindi maipaaalam sa iba sa
pamamagitan ng salita. Ang mga bagay na ito ay malalaman lamang sa sariling karanasan sa sariling
pagkamulat...ngunit kung anuman itong mga bagay na ito, Boy, ay isa ang tiyak: malaki ang pananalig ko
kay Bathala.
BOY: Kaya ka sasama sa amin ngayon, Tiyo Simon?...
TIYO SIMON: Oo, Boy. Sa akin, ang simbahan ay hindi masamang bagay. Kaya huwag mong tatanggihan ang
pagsama sa iyo ng iyong Mama. Hindi makabubuti sa iyo ang pagtanggi, ang pagkawala ng pananalig.
Nangyari na sa akin iyon at hindi ako naging maligaya.
(Titigil si Tiyo Simon sa pagsasalita na waring biglang palulungkutin ng mga alaala. Buhat sa malayo ay
biglang aabot ang alingawngaw ng tinutugtog na kamapana. Magtatagal nang ilang sandali pagkuwa’y titigil
ang pagtugtog ng batingaw. Magbubuntung hininga si Tiyo Simon, titingnan ang kanyang may kapansanang
paa, tatawa nang mahina at saka titingin kay Boy).
TIYO SIMON: Dahil sa kapansanang ito ng aking paa, Boy, natutuhan kong tumalikod, hindi lamang sa
simbahan, kundi sa Diyos. Nabasa ko ang The Human Bondage ni Maugham at ako’y nanalig sa
pilosopiyang pinanaligan ng kanyang tauhan doon, ngunit hindi ako naging maligaya, Boy, hindi ako
nakaramdam ng kasiyahan.
BOY: Ano ang nangyari, Tiyo Simon?...
TIYO SIMON: Lalo akong naging bugnutin, magagalitin. Dahil doon, walang natuwang tao sa akin, nawalan
ako ng mga kaibigan, hanggang sa mapag-isa ako...hanggang isang araw ay nangyari sa akin ang isang
sakunang nagpamulat sa aking paningin.
BOY: Ano iyon, Tiyo Simon...?
(Uunat sa pagkakaupo si Tiyo Simon at dudukot sa kanyang lukbutan. Maglalabas ng isang bagay na
makikilala na isang sirang manikang maliit.)
TIYO SIMON: ito ay isang manika ng batang nasagasaan ng trak. Patawid siya noon at sa kanyang pagtakbo
ay nailaglag niya ito. Binalikan niya ito ngunit siyang pagdaan ng trak at siya’y nasagasaaan...nasagasaan
siya. Nadurog ang kanyang binti, namatay ang bata...namatay nakita ko, ng dalawang mata, ako noo’y
naglalakad sa malapit...at aking nilapitan, ako ang unang lumapit kaya nakuha ko ang manikang ito at noo’y
tangang mahigpit ng namatay na bata, na waring ayaw bitiwan kahit sa kamatayan...
BOY: (Nakamulagat) Ano pa’ng nangyari Tiyo Simon?
TIYO SIMON: Kinuha ko nga ang manika, Boy. At noon naganap ang pagbabago sa aking sarili...sapagkat
nang yumuko ako upang damputin ang manika ay nakita ko ang isang tahimik at nagtitiwalang ngiti sa bibig
ng patay na bata sa kabila ng pagkadurog ng Kanyang buto...ngiting tila ba nananalig na siya ay walang
kamatayan...
(Magbubuntunghinga si Tiyo Simon samantalang patuloy na nakikinig lamang si Boy. Muling maririnig ang
batingaw sa malayo. Higit na malakas at madalas, mananatili nang higit na mahabang sandali sa pagtunog,
pagkuwa’y titigil. Muling magbubuntunghinga si Tiyo Simon.)
TIYO SIMON: Mula noon, ako’y nag-isip na, Boy. Hindi ko na makalimutan ang pangyayaring iyon. Inuwi ko
ang manika at iningatan, hindi inihiwalay sa aking katawan, bilang tagapagpaalalang lagi sa akin ng matibay
at mataos na pananalig ng isang batang hanggang sa oras ng kamatayan ay nakangiti pa. At aking
tinandaan sa isip: kailangan ng isang tao ang pananalig kay Bathala, kung may panimbulanan siya sa mga
sandali ng kalungkutan, ng sakuna, ng mga kasawian...upang may makapitan siya kung siya’y iginugupo na
ng mga hinanakit sa buhay.
(Mahabang katahimikan ang maghahari. Pagkuwa’y maririnig ang matuling yabag na papalapit. Sumungaw
ang mukha ng ina ni Boy sa pinto.)
INA: Tayo na, baka wala na tayong datnang misa. Hinahanap ko pa kasi ang aking dasalan kaya ako
natagalan. Tayo na, Boy...Kuya
BOY: (Paluksu-luksong tutunguhin ang pinto) Tayo na Mama, kanina pa nga po tugtog nang tugtog ang
kampana, e. Tayo na, Tiyo Simon, baka tayo mahuli, tayo na!
(Muling maririnig ang tugtog ng kmapana sa malayo. Nagmamadaling lalabas si Boy sa pinto. Lalong
magiging madalas ang pagtugtog ng kampana lalong magiging malakas, habang bumababa ang tabing).
Pag-unawa sa akdang binasa
Sagutin ang mga gabay na tanong.
1. Ano ang malaking impluwensiya ng pangunahing tauhan kay Boy? Patunayan.
2. Bakit naisipan ni Tiyo Simon na sumama sa mag-ina sa simbahan?
3. Anong damdamin ang namayani sa hipag ni Tiyo Simon sa pagbabalik-loob niya sa Diyos?
4. Bakit kailangang magkaroon ng matibay na pananalig sa Diyos ang isang tao?
Kaalamang may Saysay!!
Ano nga ba ang dula?
Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang tagpo sa dula
ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan. Ang mga taong dalubhasa sa larangan ng
pagsusulat ng mga dulang itinatanghal ay tinatawag na mga mandudula, dramatista,
o dramaturgo.
Tulad ng maikling kuwento, ang dula ay may tagpuan, tauhan at banghay. Ang mga tauhan ay
maaring suriin ayon sa dalawa: bilog o lapad.
1. Ang bilog na karakter ay ang pangunahing tauhan o kalimitang protagonist sa akdang
pampanitikan na nakararanas ng iba’t ibang suliranin na naging dahilan ng kanyang
makabuluhang pagbabago. Ang kanilang pagkato at buo lalo na ang katangiang pisikal,
mental at emosyunal, sapat upang sabihinh ang kanilang karakter ay makatotohanan.
2. Ang lapad na karakter naman ay itinuturing na pangalawang tauhan sa mga akdang
pamapnitikan. Kaiba sa bilog na karakter, ang lapad ay hindi dumaraan sa iba’t ibang
suliranin at makabuluhang pagbabago sa kabuuan ng kuwento. Kalimitang matatapang,
hindi nagabbago at iba pa.
Mga sangkap sa dula
1. Simula - mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin.
2. Gitna - matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan.
3. Wakas - matatagpuan naman dito ang kakalasan at ang kalutasan.
Gawain 1. #Karakter Mo, Huhusgahan Ko
Ibigay ang mga magandang pag-uugali at di-magandang pag-uugali ng bawat tauhan. Magbigay ng
mga panghuhusga kung paano nila ito mababago.
Mga Tauhan Magandang Pag-uugali Di-magandang Pag-
uugali
Paano ito Babaguhin?
Tiyo Simon
Boy
Ina
Basahin: https://www.slideshare.net/RitaMaeOdrada/yunit-3-istruktura-ng-wika-72156864
Gawain 2. #Talasalitaan
Ibigay ang ibat ibang kahulugan ng mga salita batay sa estruktura ng salita at ipaliwanag ang bawat isa.
Tiyo
Kahulugan
Paliwanag
Tiyuhin
Kahulugan
Paliwanag
Magtiyo
Kahulugan
Paliwanag
Gawain 3. #PagigingTotoo
Suriin ang akdang binasa, tukuyin ang mga pangyayari na may katotohanan at ipaliwanag kung bakit
ito naging makatotohanan. Gawing gabay ang tsart sa ibaba.
Mga pangyayari na nagpapakita ng katotohanan
Pangyayari Pangyayari Pangyayari
Paliwanag
__________________
__________________
__________________
Paliwanag
__________________
__________________
__________________
Paliwanag
__________________
__________________
__________________
Kaalamang may Saysay!!
Ano ang Katotohanan?
 Nagsasaad ng ideya o pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat na totoo,hindi
nagbabago at maaaring mapatunayan. Sinusuportahan ng pinagkunan.
 Ito ay ginagamitan ng mga salita o parirala tulad ng:
1. pinatutunayan ni,
2. mula kay
3. tinutukoy sa/ni
4. mababasa na
5. sa totoo
6. talaga
7. tunay
8. ayon sa
Halimbawa:
1. Batay sa tala ng Department of Education, unti-unti ng nababawasan ang mga out-of
school youth.
2. Mababasa sa naging resulta ng pananaliksik ng mga ekonomista na unti-unting umuunlad
ang turismo ng ating bansa.
3. Ayon sa bibliya, masama ang pagsisinungaling.
4. Sa totoo lamang, ang isang taong walang Diyos ay tinatawag na ateista.
5. Tunay na mahirap maipaliwanag ang konsepto ng pananampalataya.
Gawain 4. #SipatSuri
Mula sa binasang akda, tukuyin ang mga pangyayari na nagpapahayag ng katotohanan.
Salungguhitan ang mga ginamit na salita/ekspresyon sa pagpapahayag ng katotohanan.
Gawain 5. #Gamitin
Gamitin sa pangungusap ang mga ekspresyon sa pagpapahayag ng katotohanan.
1. Sa totoo
2. Tunay
3. Talaga
4. Mula kay
5. Tinutukoy sa
Performance 1. #SalaysayEkspres
Gumawa ng isang maikling sanaysay gamit ang mga salita o ekspresyon sa pagpapahayag ng katotohanan
batay sa tanong na;
Marami bang Asyano ang maraming katanungan tungkol sa kanilang pananampalataya? Ipaliwanag.
Pamantayan sa Pagmamarka
Mga Kategorya 5-4 3-2 1
Kahusayan sa
paglalahad ng detalye
Napakahusay na
pagkakalahad at
pagkaayos ng detalye
Mahusay na
pagkakalahad at
pagkaayos ng detalye
Hindi malinaw ang
pagkakalahad at
pagkakaayos sa mga
detalye
Kaangkupan Ang mga datos na
inilahad ay tunay at
makatotohanan.
May iilan sa inilahad na
mga datos na hindi
kinakitaan ng katotohan
dahil sa kakulangan ng
impormasyon.
Lahat ng inilahad ay
hindi makatotohanan
Nilalaman Naunawaan nang
lubusan ang ginawang
paglalahad
Nauunawaan ang
karamihan sa inilhad na
mga impormasyon
Hindi gaanong nauwaan
ang ginawang
paglalahad.

More Related Content

What's hot

Filipino 9 Gramatika: Pandiwang nasa Panaganong Paturol
Filipino 9 Gramatika: Pandiwang nasa Panaganong PaturolFilipino 9 Gramatika: Pandiwang nasa Panaganong Paturol
Filipino 9 Gramatika: Pandiwang nasa Panaganong Paturoljohneric26
 
Elehiya Grade 9 lesson in Filipino
Elehiya Grade 9 lesson in FilipinoElehiya Grade 9 lesson in Filipino
Elehiya Grade 9 lesson in Filipinoanalyncutie
 
Kaligirang pangkasaysayan ng pabula sa korea
Kaligirang pangkasaysayan ng pabula sa koreaKaligirang pangkasaysayan ng pabula sa korea
Kaligirang pangkasaysayan ng pabula sa koreaPRINTDESK by Dan
 
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2Jenita Guinoo
 
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...Juan Miguel Palero
 
PAGPAPAKAHULUGANG METAPORIKAL.pptx
PAGPAPAKAHULUGANG METAPORIKAL.pptxPAGPAPAKAHULUGANG METAPORIKAL.pptx
PAGPAPAKAHULUGANG METAPORIKAL.pptxrosemariepabillo
 
Pagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdaminPagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdaminJeremiah Castro
 
Epiko at Ilang Halimbawa Nitong Tanyag sa Buong Mundo.pptx
Epiko at Ilang Halimbawa Nitong Tanyag sa Buong Mundo.pptxEpiko at Ilang Halimbawa Nitong Tanyag sa Buong Mundo.pptx
Epiko at Ilang Halimbawa Nitong Tanyag sa Buong Mundo.pptxwennie9
 
Filipino 9 Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan at Opinyon
Filipino 9 Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan at OpinyonFilipino 9 Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan at Opinyon
Filipino 9 Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan at OpinyonJuan Miguel Palero
 
EKSPRESYON SA PAGPAPAHAYAG NG KONSEPTO O PANANAW.pptx
EKSPRESYON SA PAGPAPAHAYAG NG KONSEPTO O PANANAW.pptxEKSPRESYON SA PAGPAPAHAYAG NG KONSEPTO O PANANAW.pptx
EKSPRESYON SA PAGPAPAHAYAG NG KONSEPTO O PANANAW.pptxMarlonJeremyToledo
 
Mga-Pahayag-Sa-Pagbibigay-Ng-Sariling-Pananaw.pptx
Mga-Pahayag-Sa-Pagbibigay-Ng-Sariling-Pananaw.pptxMga-Pahayag-Sa-Pagbibigay-Ng-Sariling-Pananaw.pptx
Mga-Pahayag-Sa-Pagbibigay-Ng-Sariling-Pananaw.pptxKlarisReyes1
 

What's hot (20)

Filipino 9 Gramatika: Pandiwang nasa Panaganong Paturol
Filipino 9 Gramatika: Pandiwang nasa Panaganong PaturolFilipino 9 Gramatika: Pandiwang nasa Panaganong Paturol
Filipino 9 Gramatika: Pandiwang nasa Panaganong Paturol
 
Tiyo Simon
Tiyo SimonTiyo Simon
Tiyo Simon
 
Filipino 9 Parabula
Filipino 9 ParabulaFilipino 9 Parabula
Filipino 9 Parabula
 
Elehiya Grade 9 lesson in Filipino
Elehiya Grade 9 lesson in FilipinoElehiya Grade 9 lesson in Filipino
Elehiya Grade 9 lesson in Filipino
 
Kaligirang pangkasaysayan ng pabula sa korea
Kaligirang pangkasaysayan ng pabula sa koreaKaligirang pangkasaysayan ng pabula sa korea
Kaligirang pangkasaysayan ng pabula sa korea
 
Epiko
EpikoEpiko
Epiko
 
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
 
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...
 
PAGPAPAKAHULUGANG METAPORIKAL.pptx
PAGPAPAKAHULUGANG METAPORIKAL.pptxPAGPAPAKAHULUGANG METAPORIKAL.pptx
PAGPAPAKAHULUGANG METAPORIKAL.pptx
 
Pagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdaminPagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdamin
 
Filipino 9 Sanaysay
Filipino 9 SanaysayFilipino 9 Sanaysay
Filipino 9 Sanaysay
 
Tunggalian
TunggalianTunggalian
Tunggalian
 
Filipino 8 Elemento ng Alamat
Filipino 8 Elemento ng AlamatFilipino 8 Elemento ng Alamat
Filipino 8 Elemento ng Alamat
 
Epiko at Ilang Halimbawa Nitong Tanyag sa Buong Mundo.pptx
Epiko at Ilang Halimbawa Nitong Tanyag sa Buong Mundo.pptxEpiko at Ilang Halimbawa Nitong Tanyag sa Buong Mundo.pptx
Epiko at Ilang Halimbawa Nitong Tanyag sa Buong Mundo.pptx
 
Filipino 9 Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan at Opinyon
Filipino 9 Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan at OpinyonFilipino 9 Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan at Opinyon
Filipino 9 Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan at Opinyon
 
AKASYA O KALABASA.pptx
AKASYA O KALABASA.pptxAKASYA O KALABASA.pptx
AKASYA O KALABASA.pptx
 
EKSPRESYON SA PAGPAPAHAYAG NG KONSEPTO O PANANAW.pptx
EKSPRESYON SA PAGPAPAHAYAG NG KONSEPTO O PANANAW.pptxEKSPRESYON SA PAGPAPAHAYAG NG KONSEPTO O PANANAW.pptx
EKSPRESYON SA PAGPAPAHAYAG NG KONSEPTO O PANANAW.pptx
 
Aralin 4.1-ilipat
Aralin 4.1-ilipatAralin 4.1-ilipat
Aralin 4.1-ilipat
 
Mga-Pahayag-Sa-Pagbibigay-Ng-Sariling-Pananaw.pptx
Mga-Pahayag-Sa-Pagbibigay-Ng-Sariling-Pananaw.pptxMga-Pahayag-Sa-Pagbibigay-Ng-Sariling-Pananaw.pptx
Mga-Pahayag-Sa-Pagbibigay-Ng-Sariling-Pananaw.pptx
 
Talumpati ni Dilma Rousseff
Talumpati ni Dilma RousseffTalumpati ni Dilma Rousseff
Talumpati ni Dilma Rousseff
 

Similar to Filipino 9 aralin 6- dula (8)

Tiyo simon
Tiyo simonTiyo simon
Tiyo simon
 
Filipino 9 modyul aralin 1.5
Filipino 9 modyul aralin 1.5Filipino 9 modyul aralin 1.5
Filipino 9 modyul aralin 1.5
 
Dula
DulaDula
Dula
 
Presentation1
Presentation1Presentation1
Presentation1
 
Dio
DioDio
Dio
 
Dionosio S. Salazar
Dionosio S. SalazarDionosio S. Salazar
Dionosio S. Salazar
 
Dionisio S. Salazar
Dionisio S. SalazarDionisio S. Salazar
Dionisio S. Salazar
 
Lira ...
Lira ...Lira ...
Lira ...
 

More from KennethSalvador4

Tula- Aralin 3-Unang Markahan
Tula- Aralin 3-Unang MarkahanTula- Aralin 3-Unang Markahan
Tula- Aralin 3-Unang MarkahanKennethSalvador4
 
Maikling Kuwento- Unang Markahan
Maikling Kuwento- Unang MarkahanMaikling Kuwento- Unang Markahan
Maikling Kuwento- Unang MarkahanKennethSalvador4
 
Ikalawang pangwakas na output filipino 9-modyul
Ikalawang pangwakas na output  filipino 9-modyulIkalawang pangwakas na output  filipino 9-modyul
Ikalawang pangwakas na output filipino 9-modyulKennethSalvador4
 
Pangwakas na output sa filipino 9 unang markahan
Pangwakas na output sa filipino 9 unang markahanPangwakas na output sa filipino 9 unang markahan
Pangwakas na output sa filipino 9 unang markahanKennethSalvador4
 
Filipino 9 aralin 2- nobela
Filipino 9  aralin 2- nobelaFilipino 9  aralin 2- nobela
Filipino 9 aralin 2- nobelaKennethSalvador4
 

More from KennethSalvador4 (7)

Modyul 9-Nobela
Modyul 9-NobelaModyul 9-Nobela
Modyul 9-Nobela
 
Tula- Aralin 3-Unang Markahan
Tula- Aralin 3-Unang MarkahanTula- Aralin 3-Unang Markahan
Tula- Aralin 3-Unang Markahan
 
Maikling Kuwento- Unang Markahan
Maikling Kuwento- Unang MarkahanMaikling Kuwento- Unang Markahan
Maikling Kuwento- Unang Markahan
 
Ikalawang pangwakas na output filipino 9-modyul
Ikalawang pangwakas na output  filipino 9-modyulIkalawang pangwakas na output  filipino 9-modyul
Ikalawang pangwakas na output filipino 9-modyul
 
Pangwakas na output sa filipino 9 unang markahan
Pangwakas na output sa filipino 9 unang markahanPangwakas na output sa filipino 9 unang markahan
Pangwakas na output sa filipino 9 unang markahan
 
Worksheet tanka at haiku
Worksheet tanka at haikuWorksheet tanka at haiku
Worksheet tanka at haiku
 
Filipino 9 aralin 2- nobela
Filipino 9  aralin 2- nobelaFilipino 9  aralin 2- nobela
Filipino 9 aralin 2- nobela
 

Recently uploaded

Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxarleenrodelas1
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxmtmedel20in0037
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxLucy Datuin
 
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptxBUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptxRochAsuncion
 
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYON
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYONGRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYON
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYONSaadaGrijaldo1
 
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptxGrade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptxmesibasan
 
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptx
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptxBahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptx
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptxjennygomez299283
 
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxSaint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxMartin M Flynn
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdfreboy_arroyo
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxCarljeemilJomuad
 
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdfNonieAnnGalang
 
Mapeh-Aralin-4.1-Healthpptx (1).pp for cottx
Mapeh-Aralin-4.1-Healthpptx (1).pp for cottxMapeh-Aralin-4.1-Healthpptx (1).pp for cottx
Mapeh-Aralin-4.1-Healthpptx (1).pp for cottxOlinadLobatonAiMula
 
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptxQuarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptxcherrypastoral
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterssuser181c5c
 
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)RonalynGatelaCajudo
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxdiannesofocado8
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxJustinArquero
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiMiaBumagat1
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxjessysilvaLynsy
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...mtmedel20in0037
 

Recently uploaded (20)

Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
 
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptxBUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
 
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYON
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYONGRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYON
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYON
 
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptxGrade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptx
 
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptx
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptxBahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptx
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptx
 
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxSaint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
 
Mapeh-Aralin-4.1-Healthpptx (1).pp for cottx
Mapeh-Aralin-4.1-Healthpptx (1).pp for cottxMapeh-Aralin-4.1-Healthpptx (1).pp for cottx
Mapeh-Aralin-4.1-Healthpptx (1).pp for cottx
 
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptxQuarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
 
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
 

Filipino 9 aralin 6- dula

  • 1. Filipino 9 Aralin 6- Dula Mga Kasanayang Pampagkatuto  Nakabubuo ng paghuhusga sa karakterisasyon ng mga tauhan sa kasiningan ng akda  Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita habang nababago ang estruktura nito  Nasusuri ang pagiging makatotohanan ng ilang pangyayari sa isang dula  Nagagamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan (sa totoo, talaga, tunay, iba pa) TIYO SIMON Dula—ni N.P.S. Toribio Pilipinas Mga Tauhan: Tiyo Simon—isang taong nasa katanghalian ang gulang, may kapansanan ang isang paa at may mga paniniwala na hindi maunawaan ng kanyang hipag na relihiyosa. Ina—ina ni Boy Boy—pamangkin ni Tiyo Simon. Pipituhing taong gulang. Oras—umaga, halos hindi pa sumusikat ang araw. Tagpo: Sa loob ng silid ni Boy. Makikita ang isang tokador na kinapapatungan ng mga langis at pomada sa buhok, toniko, suklay, at iba pang gamit sa pag-aayos. Sa itaas ng tokador, nakadikit sa dingding ang isang malaking larawan ng birheng nakalabas ang puso at may tarak ng isang punyal. Sa tabi ng nakabukas na bintana sa gawing kanan ay ang katreng higaan ng bata. Sa kabuuan, ang silid ay larawan ng kariwasaan. Sa pagtaas ng tabing, maikikita si Boy na binibihisan ng kanyang ina. Nakabakas sa mukha ng bata ang pagkainip samanatalang sinusuklay ang kanyang buhok. (Biglang uunat ang babae, saglit na sisipatin ang ayos ng anak, saka ngingiti.) INA: O, hayan, di nagmukha kang tao. Siya, diyan ka muna at ako naman ang magbibihis. BOY: (Dadabog) sabi ko, ayaw kong magsimba, e! INA: Ayaw mong magsimba! Hindi maa...pagagalitin mo na naman ako, e! At anong gagawin mo rito sa bahay ngayong umagang ito na pangiling-araw? BOY: Maiiwan po ako rito sa bahay, kasama ko si ...Tiyo Simon... INA: (Mapapamulagat) A, ang ateistang iyon. Ang...patawarin ako ng Diyos. BOY: Basta. Maiiwan po ako... (Ipapadyak ang paa) makikipagkuwentuhan na lamang ako kay Tiyo Simon... INA: (Sa malakas na tinig) makikipagkuwentuhan ka? At anong kuwento? Tungkol sa kalapastanganan sa banal na pangalan ng Panginoon? BOY: Hindi, Mama. Maganda ang ikinukuwento ni Tiyo Simon sa akin... INA: A, husto ka na...husto na bago ako magalit nang totohanan at humarap sa Panginoon ngayong araw na ito nang may dumi sa kalooban. BOY: Pero... INA: Husto na sabi , e! (Matitigil sa pagsagot si Boy. Makaririnig sila ng mga yabag na hindi pantay, palapit sa nakapinid na pinto sa silid, saglit na titigil ang yabag; pagkuwa’y makaririnig sila ng mahinang pagkatok sa pinto.) INA: (Paungol) uh... sino ‘yan?
  • 2. TIYO SIMON: (Marahan ang tinig) Ako, hipag, naulinigan kong... (Padabog na tutunguhin ng babae ang pinto at bubuksan iyon. Mahahantad ang kaanyuan ni Tiyo Simon, nakangiti ito.) TIYO SIMON: Maaari bang pumasok? Naulinigan kong tila may itinututol si Boy... BOY: (Lalapit) Ayaw kong magsimba, Tiyo Simon. Maiiwan ako sa iyo rito. Hindi ako sasama kay Mama. INA: (Paismid) Iyan ang itinututol ng pamangkin mo, kuya. Hindi nga raw sasama sa simbahan... (Maiiling si Tiyo Simon, ngingiti at paika-ikang papasok sa loob, hahawakan ang balikat ni Boy.) TIYO SIMON: Kailangan ka nga namang sumama sa simbahan, Boy. Kung gusto mo...kung gusto mong isama ako ay maghintay kayo at ako’y magbibihis...magsisimba tayo. (Mapapatingin nang maluwat si Boy sa kanyang Tiyo Simon, ngunit hindi makakibo. Ang ina ay namangha rin. Tatalikod na si Tiyo Simon at lalabas. Maiiwang natitigilan ang dalawa, pagkuwa’y babaling ang ina kay Boy.) INA: Nakapagtataka! Ano kaya ang nakain ng amain mong iyon at naisipang sumama ngayon sa atin? Ngayon ko lamang siya makikitang lalapit sa Diyos... BOY: Kung sasama po si Tiyo Simon , sasama rin ako... INA: Hayun! Kaya lamang sasama ay kung sasama ang iyong amain. At kung hindi ay hindi ka rin sasama. Pero mabuti rin iyon...mabuti, sapagkat hindi lamang ikaw ang maaakay ko sa wastong landas kundi ang kapatid na iyon ng iyong ama na isa ring... (Mapapayuko ang babae, papahirin ang luhang sumungaw sa mga mata. Magmamalas lamang siBoy.) INA: (Mahina at waring sa sarili lamang). namatay siyang hindi lamang nakapagpa-Hesus. Kasi’y matigas ang kalooban niya sa pagtalikod sa simbahan. Pareho silang magkapatid sila ng iyong amain. Sana’y magbalik-loob siya sa Diyos upang makatulong siya sa pagliligtas sa kaluluwa ng kanyang kapatid na sumakabilang buhay na... (Mananatiling nagmamasid lamang si Boy. Pagkuwa’y nakarinig sila ng hindi pantay na yabag, at ilang sandali pa ay sumungaw na ang mukha ni Tiyo Simon sa pinto. Biglang papahirin ng babae ang kanyang mukha, pasasayahin ito, at saka tutunguhin ang pinto.) INA: Siyanga pala. Magbibihis din ako. Nakalimutan ko, kasi’y...diyan muna kayo ni Boy, kuya... (Lalabas ang babae at si Tiyo Simon ay papasok sa loob ng silid. Agad tutunguhin ang isang sopang naroroon, pabuntung-hiningang uupo. Agad, naman siyang lalapitan ni Boy at ang bata ay titindig sa harapan niya.) TIYO SIMON: (Maghihikab) iba na ang tumatandang talaga. Madaling mangawit, mahina ang katawan at...(biglang matitigil nang mapansing ang tinitingnan ng bata ay ang kanyang may kapansanang paa. Matatawa.) BOY: Bakit napilay po kayo, Tiyo Simon? Totoo ba’ng sabi ni Mama na iya’y parusa ng Diyos?... TIYO SIMON: (Matatawa) sinabi ba ng Mama mo iyon? BOY: Oo raw e, hindi kayo nagsisimba. Hindi raw kasi kayo naniniwala sa Diyos. Hindi raw kasi... TIYO SIMON: (Mapapabuntong-hininga) hindi totoo, Boy, na hindi ako naniniwala sa Diyos... BOY: Pero ‘yon ang sabi ni Mama, Tiyo Simon. Hindi raw kayo nangingilin kung araw ng pangilin. Bakit hindi kayo nangingilin, Tiyo Simon? TIYO SIMON: May mga bagay, Boy na hindi maipaliwanag. May mga bagay na hindi maipaaalam sa iba sa pamamagitan ng salita. Ang mga bagay na ito ay malalaman lamang sa sariling karanasan sa sariling pagkamulat...ngunit kung anuman itong mga bagay na ito, Boy, ay isa ang tiyak: malaki ang pananalig ko
  • 3. kay Bathala. BOY: Kaya ka sasama sa amin ngayon, Tiyo Simon?... TIYO SIMON: Oo, Boy. Sa akin, ang simbahan ay hindi masamang bagay. Kaya huwag mong tatanggihan ang pagsama sa iyo ng iyong Mama. Hindi makabubuti sa iyo ang pagtanggi, ang pagkawala ng pananalig. Nangyari na sa akin iyon at hindi ako naging maligaya. (Titigil si Tiyo Simon sa pagsasalita na waring biglang palulungkutin ng mga alaala. Buhat sa malayo ay biglang aabot ang alingawngaw ng tinutugtog na kamapana. Magtatagal nang ilang sandali pagkuwa’y titigil ang pagtugtog ng batingaw. Magbubuntung hininga si Tiyo Simon, titingnan ang kanyang may kapansanang paa, tatawa nang mahina at saka titingin kay Boy). TIYO SIMON: Dahil sa kapansanang ito ng aking paa, Boy, natutuhan kong tumalikod, hindi lamang sa simbahan, kundi sa Diyos. Nabasa ko ang The Human Bondage ni Maugham at ako’y nanalig sa pilosopiyang pinanaligan ng kanyang tauhan doon, ngunit hindi ako naging maligaya, Boy, hindi ako nakaramdam ng kasiyahan. BOY: Ano ang nangyari, Tiyo Simon?... TIYO SIMON: Lalo akong naging bugnutin, magagalitin. Dahil doon, walang natuwang tao sa akin, nawalan ako ng mga kaibigan, hanggang sa mapag-isa ako...hanggang isang araw ay nangyari sa akin ang isang sakunang nagpamulat sa aking paningin. BOY: Ano iyon, Tiyo Simon...? (Uunat sa pagkakaupo si Tiyo Simon at dudukot sa kanyang lukbutan. Maglalabas ng isang bagay na makikilala na isang sirang manikang maliit.) TIYO SIMON: ito ay isang manika ng batang nasagasaan ng trak. Patawid siya noon at sa kanyang pagtakbo ay nailaglag niya ito. Binalikan niya ito ngunit siyang pagdaan ng trak at siya’y nasagasaaan...nasagasaan siya. Nadurog ang kanyang binti, namatay ang bata...namatay nakita ko, ng dalawang mata, ako noo’y naglalakad sa malapit...at aking nilapitan, ako ang unang lumapit kaya nakuha ko ang manikang ito at noo’y tangang mahigpit ng namatay na bata, na waring ayaw bitiwan kahit sa kamatayan... BOY: (Nakamulagat) Ano pa’ng nangyari Tiyo Simon? TIYO SIMON: Kinuha ko nga ang manika, Boy. At noon naganap ang pagbabago sa aking sarili...sapagkat nang yumuko ako upang damputin ang manika ay nakita ko ang isang tahimik at nagtitiwalang ngiti sa bibig ng patay na bata sa kabila ng pagkadurog ng Kanyang buto...ngiting tila ba nananalig na siya ay walang kamatayan... (Magbubuntunghinga si Tiyo Simon samantalang patuloy na nakikinig lamang si Boy. Muling maririnig ang batingaw sa malayo. Higit na malakas at madalas, mananatili nang higit na mahabang sandali sa pagtunog, pagkuwa’y titigil. Muling magbubuntunghinga si Tiyo Simon.) TIYO SIMON: Mula noon, ako’y nag-isip na, Boy. Hindi ko na makalimutan ang pangyayaring iyon. Inuwi ko ang manika at iningatan, hindi inihiwalay sa aking katawan, bilang tagapagpaalalang lagi sa akin ng matibay at mataos na pananalig ng isang batang hanggang sa oras ng kamatayan ay nakangiti pa. At aking tinandaan sa isip: kailangan ng isang tao ang pananalig kay Bathala, kung may panimbulanan siya sa mga sandali ng kalungkutan, ng sakuna, ng mga kasawian...upang may makapitan siya kung siya’y iginugupo na ng mga hinanakit sa buhay. (Mahabang katahimikan ang maghahari. Pagkuwa’y maririnig ang matuling yabag na papalapit. Sumungaw ang mukha ng ina ni Boy sa pinto.) INA: Tayo na, baka wala na tayong datnang misa. Hinahanap ko pa kasi ang aking dasalan kaya ako
  • 4. natagalan. Tayo na, Boy...Kuya BOY: (Paluksu-luksong tutunguhin ang pinto) Tayo na Mama, kanina pa nga po tugtog nang tugtog ang kampana, e. Tayo na, Tiyo Simon, baka tayo mahuli, tayo na! (Muling maririnig ang tugtog ng kmapana sa malayo. Nagmamadaling lalabas si Boy sa pinto. Lalong magiging madalas ang pagtugtog ng kampana lalong magiging malakas, habang bumababa ang tabing). Pag-unawa sa akdang binasa Sagutin ang mga gabay na tanong. 1. Ano ang malaking impluwensiya ng pangunahing tauhan kay Boy? Patunayan. 2. Bakit naisipan ni Tiyo Simon na sumama sa mag-ina sa simbahan? 3. Anong damdamin ang namayani sa hipag ni Tiyo Simon sa pagbabalik-loob niya sa Diyos? 4. Bakit kailangang magkaroon ng matibay na pananalig sa Diyos ang isang tao? Kaalamang may Saysay!! Ano nga ba ang dula? Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan. Ang mga taong dalubhasa sa larangan ng pagsusulat ng mga dulang itinatanghal ay tinatawag na mga mandudula, dramatista, o dramaturgo. Tulad ng maikling kuwento, ang dula ay may tagpuan, tauhan at banghay. Ang mga tauhan ay maaring suriin ayon sa dalawa: bilog o lapad. 1. Ang bilog na karakter ay ang pangunahing tauhan o kalimitang protagonist sa akdang pampanitikan na nakararanas ng iba’t ibang suliranin na naging dahilan ng kanyang makabuluhang pagbabago. Ang kanilang pagkato at buo lalo na ang katangiang pisikal, mental at emosyunal, sapat upang sabihinh ang kanilang karakter ay makatotohanan. 2. Ang lapad na karakter naman ay itinuturing na pangalawang tauhan sa mga akdang pamapnitikan. Kaiba sa bilog na karakter, ang lapad ay hindi dumaraan sa iba’t ibang suliranin at makabuluhang pagbabago sa kabuuan ng kuwento. Kalimitang matatapang, hindi nagabbago at iba pa. Mga sangkap sa dula 1. Simula - mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin. 2. Gitna - matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan. 3. Wakas - matatagpuan naman dito ang kakalasan at ang kalutasan.
  • 5. Gawain 1. #Karakter Mo, Huhusgahan Ko Ibigay ang mga magandang pag-uugali at di-magandang pag-uugali ng bawat tauhan. Magbigay ng mga panghuhusga kung paano nila ito mababago. Mga Tauhan Magandang Pag-uugali Di-magandang Pag- uugali Paano ito Babaguhin? Tiyo Simon Boy Ina Basahin: https://www.slideshare.net/RitaMaeOdrada/yunit-3-istruktura-ng-wika-72156864 Gawain 2. #Talasalitaan Ibigay ang ibat ibang kahulugan ng mga salita batay sa estruktura ng salita at ipaliwanag ang bawat isa. Tiyo Kahulugan Paliwanag Tiyuhin Kahulugan Paliwanag Magtiyo Kahulugan Paliwanag
  • 6. Gawain 3. #PagigingTotoo Suriin ang akdang binasa, tukuyin ang mga pangyayari na may katotohanan at ipaliwanag kung bakit ito naging makatotohanan. Gawing gabay ang tsart sa ibaba. Mga pangyayari na nagpapakita ng katotohanan Pangyayari Pangyayari Pangyayari Paliwanag __________________ __________________ __________________ Paliwanag __________________ __________________ __________________ Paliwanag __________________ __________________ __________________ Kaalamang may Saysay!! Ano ang Katotohanan?  Nagsasaad ng ideya o pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat na totoo,hindi nagbabago at maaaring mapatunayan. Sinusuportahan ng pinagkunan.  Ito ay ginagamitan ng mga salita o parirala tulad ng: 1. pinatutunayan ni, 2. mula kay 3. tinutukoy sa/ni 4. mababasa na 5. sa totoo 6. talaga 7. tunay 8. ayon sa Halimbawa: 1. Batay sa tala ng Department of Education, unti-unti ng nababawasan ang mga out-of school youth. 2. Mababasa sa naging resulta ng pananaliksik ng mga ekonomista na unti-unting umuunlad ang turismo ng ating bansa. 3. Ayon sa bibliya, masama ang pagsisinungaling. 4. Sa totoo lamang, ang isang taong walang Diyos ay tinatawag na ateista. 5. Tunay na mahirap maipaliwanag ang konsepto ng pananampalataya.
  • 7. Gawain 4. #SipatSuri Mula sa binasang akda, tukuyin ang mga pangyayari na nagpapahayag ng katotohanan. Salungguhitan ang mga ginamit na salita/ekspresyon sa pagpapahayag ng katotohanan. Gawain 5. #Gamitin Gamitin sa pangungusap ang mga ekspresyon sa pagpapahayag ng katotohanan. 1. Sa totoo 2. Tunay 3. Talaga 4. Mula kay 5. Tinutukoy sa Performance 1. #SalaysayEkspres Gumawa ng isang maikling sanaysay gamit ang mga salita o ekspresyon sa pagpapahayag ng katotohanan batay sa tanong na; Marami bang Asyano ang maraming katanungan tungkol sa kanilang pananampalataya? Ipaliwanag. Pamantayan sa Pagmamarka Mga Kategorya 5-4 3-2 1 Kahusayan sa paglalahad ng detalye Napakahusay na pagkakalahad at pagkaayos ng detalye Mahusay na pagkakalahad at pagkaayos ng detalye Hindi malinaw ang pagkakalahad at pagkakaayos sa mga detalye Kaangkupan Ang mga datos na inilahad ay tunay at makatotohanan. May iilan sa inilahad na mga datos na hindi kinakitaan ng katotohan dahil sa kakulangan ng impormasyon. Lahat ng inilahad ay hindi makatotohanan Nilalaman Naunawaan nang lubusan ang ginawang paglalahad Nauunawaan ang karamihan sa inilhad na mga impormasyon Hindi gaanong nauwaan ang ginawang paglalahad.