5. Nakatutuwang Biro
Malakas ang tawanan sa loob ng silid-
aralan nina Caloy. Wala pa ang kanilang guro
kaya’t walang humpay na tuksuhan at biruan
ang ginagawa ng mga mag-aaral. Pinag-
uusapan nila ang mga katatawanang
napanood sa telebisyon. Sila rin ay nagbibigay
ng sarili nilang nakatatawang n
Biro.
“ Alam nyo, may pick up line ako,” sabi ni
Ronel
6. “Sige,sabihin mo,” sabay sabay na sagot ng
mga kaklase niya.
“crayola ka ba?”
“Bakit?”
“Nagbibigay ka kasi ng kulay sa mundo .”
Malakas na tawanan ang ibinigay ng mga
mag-aaral.
“Ako naman ang magbibigay ng pick up line,”
wika ni Ton-Ton sabay tingin sa isa nilang
kaklase.
“Ikeng, elepante ka ba?”
7. “Bakit?”
“Kasi ang laki ng tainga mo,” malakas na
tawanan ulit ang sumunod na narinig sa silid-
aralan subalit si Ikeng ay biglang tumahimik.
Biglanh pumasok si G. Ramos at narinig
niya ang hulng biro ng mag-aaral. Matapos
siyang batiin ng mga mag-aaral ay nagbigay
siya ng paalala sa mga ito tungkol sa tamang
pagbibiro.
“Natutuwa ako dahil masayahin kayo at
kaya ninyong aliwin ang inyong mga
8. Kamag-aral.Kaya lamang ay dapat ninyong
piliin ang mga sitwasyon at salitang gagamitin
sa pag bibiro,” paliwanag sa kanila ng guro.
“Bakit kaya hindi natuwa si Ikeng sa naging
biro sa kaniya?” tanong ng guro.
“Kasi po nasaktan siya sa pagkukumpara sa
laniya sa elepante,” sagot ni Carol.
“Tandaan ninyo na ang mga biro ay dapat
nakatutuwa at hindi nakasasakit sa
damdamin ng kapuwa,” dagdag pa ng guro.
9. Ipinaalam din sa kanila ng guro na ang
paggamit ng mga salitang nakasasakit sa
damdamin ng kapuwakahit na biro ay
maaaring ituring na pambu-bully.
Sagutan ang mga sumusunod:
1. Alin sa mga birong ginamit sa kuwento ang
nakapagpasaya ng damdamin?
2. Bakit hindi natuwa si Ikeng sa biro ng
kaniyang kaklase? Kung ikaw si Keng, ano
ang iyong mararamdaman?
10. 3. Naranasan mo na bang makapgpasaya ng
iyong kapuwa sa iyong mga biro?
4. Nakagamit ka na rin ba ng mga salitang
nakasasakit sa damdamin sa iyong pagbibiro?
5. Ipaliwanag kung bakit dapat ingatan ang
mga salitang ginagamit sa pagbibiro
11. Gumuhit ng mukha na
magpapakita ng inyong
damdamin kung kayo ang
nasa kalagayan ni
Ikeng?Bakit ito ang iyong
naramdaman?
15. Kiko ang taba mo naman,
para ka tuloy aparador
na naglalakad
…hahahaha
May kamukha kang artista,
kontrabida nga lang…hahahaha
Gawain 1
16. 1.Kung ikaw ang sinabihan
ng mga salitang ito sa
pagbibiro ng iyong
kapuwa, ano ang iyong
mararamdaman?
2. Balikan ang dayalogo nina
Miko at Roel. Paano mo
sasabihin ang kanilang mga
biro na hindi ka makakasakit
ng iyong kapuwa?
17. y
Gawain 2
Pangkat 1
Pangkat 2
Pangkat 3
Pangkat 4
Nagsabi
/pinanggalingan ng
biro
Mga salitang
ginamit sa
pagbibiro
Maaaring
maramdaman ng
taong binibiro
1
2
3
19. y
Ano ang nararapat gawin?
Napansin mong nagkakaingay
ang mga mag-aaral sa isang kanto
malapit sa paaralan. Nakita mo ang
isa mong kamag-aaral na biniro ng
iba pang mga bata. Masayang
nagtatawanan ang mga nagbibiro
subalit ang iyong kaklase ay tila
gusto nang umiyak. Nasasaktan na
siya sa mga biro ng ibang mag-aaral.
20. y
Isulat sa loob ng speech
balloon ang maaari mong
sabihin sa iyong kamag-
aaral na binibiro.
21. y
Isulat sa loob ng speech
balloon ang maaari mong
sabihin sa iyong kamag-aaral
na binibiro.
22. y
Isulat sa loob ng speech
balloon ang maaari mong
sabihin sa iyong kamag-aaral
na binibiro.
23. y
Ang pagiging mahinahon sa
damdamin ay naipapakita maging
sa mga alitang ginagamit sa
pagbibiro. May mga pagkakataong
sa kagustuhan nating
makapagpasaya ng ating kapuwa,
hindi na natin napipili nang
maayos ang mga salita at
nakasasakit tayo sa ating kapuwa.
24. y
Hindi masama ang pagbibiro
lalo na kung ang ating mga iro ay
nakatutulong upang magpasaya
sa iba at mapagaan ang kanilang
suliranin at alalahanin. Kilala ang
mga Pilipino sa pagiging
masayahin at magiliw.Subalit may
mga pagkakataong naaabuso at
nabubully ang kapuwa dahil sa
mga nakasasakit na salita.
25. y
Ang pambu-bully ay
mangangahulugan ng kahit anong
paraan ng panggigipit na
ginagawa ng isa o ng isang
pangkat sa isa pa- pisikal man,
berbal o mental. Isang uri ng
nakasasakit na biro ay ang
paggamit ng pisikal na anyo ng
isang tao, tulad ng pagiging payat
26. y
Mataba,maitim at iba pa. Kapag
nangyari ito, ang
emosyon,kaisipan at pisikal na
aspekto ng isang taong naabuso
ay apektado. Bumababa rin ang
pagpapahalaga sa kaniyang sarili
ng isang taong nabu-bully
hanggang sa tuluyan nang
mawalan ng tiwala sa kaniyang
sarili at kakayahan.
28. y
Maghanda ng mga biro jokesang
bawat pangkat . Ang mga biro ay
susukatin sa pamamagitan ng
sumusunod na pamantayan:
Biro o Joke
Hindi
nakasasakit
ng damdamin
(5 puntos)
Nababagay sa
mga
nakikinig/nan
onood (3
Puntos)
Nagustuhan
ng mga
nakikinig
/nanonood
(2 puntos)
30. y
Sa sagutang papel, lagyan ng tsek ang
pinaniniwalaang pahayag.
Mga pahayag Tama Mali
1. May mga irong nakasasakit ng damdamin kahit
hindi sinasadya ng nagbibiro
2. Nasasaktan ang taong binibiro sapagkat sila ay
pikon.
3.Dapat piliin ang mga salitang ginagamit sa biro
4. Lahat ng napapanood natin sa telebisyon at
naririnig na mga katatawanan sa radyo ay dapat
gayahin
5. Maaari tayong makapagpasaya ng ating
kapuwa sa pamamagitan ng mga salitang ating
ginagamit.
31. y
Ngayon ay alam mo na
kung paano ka magbibiro
nang hindi nakasasakit ng
damdamin ng iyong
kapuwa. Gumawa ka ng
isang pick-up line na may
temang pagmamahal sa
kapuwa.