3. bago ang kasaysayan o prehistorya
ay ang kasaysayan o historya ng sangkatauhan bago natutong
makapagsulat ang mga tao ng kasaysayan.
Nilalarawanito ang kapanahunan bago ang nakatala
sakasaysayan . Natutuklasan lamang ito sa pamamagitan ng
larangan ng arkeolohiya. upang ilarawan ang mga natagpuan niya
sa loob ng mga kuweba ng katimugang Pransiya.
Maaaring gamitin ang katawagang "prehistorya" o "bago ang
kasaysayan" upang tukuyin ang lahat ng mga panahon magmula
ang simula ng sanlibutan, bagaman mas madalas itong ginagamit
para tukuyin ang saklaw ng panahon magmula noong lumitaw
ang mga nilalang na wangis-tao. Sa paghahati ng prehistoryang
pangtao, karaniwang ginagamit ng
mga prehistoryano (mga arkeologo) ang sistema ng tatlong
kapanahunan.
4. bago ang kasaysayan o prehistorya
Ang sistema ng tatlong panahon ay
ang peryodisasyon o pagpapanahon-panahon ng
prehistorya ng tao sa tatlong magkakasunod na
mga saklaw ng panahon, na pinangalanan para sa
kani-kanilang nangingibabaw na mga teknolohiya sa
paggawa ng mga kagamitan o mga kasangkapan:
1. ang Panahon ng Bato,
2.ang Panahon ngTanso (Panahon ngTansong
Kobre at Panahon ng Bronse),
3. at ang Panahon ng Bakal.
5. MGA siyensya o pag – aaral
tungkol sa pre-history
Bago natin talakayin ang Pre-history, mainam
lang na alamin natin ang mga salik ng siyensiya
at mga nag – aaral dito. Upang maintindihan
natin ang pag-aara ng Pre-History.
Ang siyensiya at kasayssayan ay magkatulong sa
pag-aaral at pag diskubre sa mga pangyayari
bago paman ang mga tala sa kasaysayan upang
maintindihan natin ang ating kasalukuyang
pamumuhay.
Ano-an ang mga salik ng siyensiya at kasaysayan
ang siyang nag-aaral dito:
7. ARCHAEOLOGY(ARKEOLOHIYA) - ARCHAEOLOGIST
Ang arkeolohiya ay ang pag-aaral sa mga kalinangán ng
tao sa pamamagitan ng pagbawi, pagdukumento at
pagsusuri ng mga materyal na labi, kabilang
ang arkitektura, mga artifact, mga biofact, labi ng mga
tao, at mga tanawin. Ang pagbibigay linaw sa kasaysayan,
bago pa ang kasaysayan, pag-aasal at ebolusyong
kultural ng tao ang layunin ng arkeolohiya.
Ito lamang ang disiplina na nagtataglay ng kaparaanan at
teoriya para sa pagtipon at pagpapaliwanag ng
impormasyon tungkol sa nakaraan ng tao bago pa na may
nasusulat na kasaysayan, at maari din gumawa ng isang
kritikal na alay sa ating pagka unawa sa mga na
dukumentong lipunan.
8. ARCHAEOLOGY(ARKEOLOHIYA) - ARCHAEOLOGIST
Napupunan ng ibang larangan sa antropolohiya ang mga
natuklasan ng arkeolohiya, lalo na ang:
1. Antropolohiyang kultural (na pinag-aaralan ang
kaugalian, masimblo, at mga materyal na kasukatan ng
kultura) at
2. Antropolohiyang pisikal (na kabilang ang pag-aaral ng
ebolusyon ng tao).
3. Pinupunan din ng ibang disiplina ang arkeolohiya,
katulad ng paleontolohiya (ang pag-aaral ng buhay bago
pa ang kasaysayan), kabilang ang
paleosoolohiyaat paleobotanika, heograpiya, heolohiya, ka
saysayan, kasaysayan ng sining, at klasiko.
10. Palaeontology(PALEONTOLOHIYA) - PALAEONTOLOGIST
Ang pinakapayak na kahulugan ng paleontolohiya ay ang "pag-
aaral ng sinaunang buhay". Naghahanap ang paleontolohiya ng
impormasyon o kabatiran hinggil sa ilang mga aspeto ng mga
nakalipas na mga organismo:
1. ang kanilang katauhan at pinagmulan,
2. ang kanilang kapaligiran at ebolusyon,
3. at kung ano ang masasabi nila tungkol sa organiko at inorganikong
nakaraan ng Mundo.
Sa isang banda, masasabi rin na ang paleontolohiya ay ang pag-aaral
ukol sa mga kusilba o mga posil (FOSSIL), ang mga natabunang labi
o bakas ng sinaunang mga hayop at mga halaman, kung saan
nakikita ang mga anyo ng mga nabubuhay na bagay noong kauna-
unahang mga kapanahunan.
12. Palaeontology(PALEONTOLOHIYA) - PALAEONTOLOGIST
Ang heolohiya ay isang agham pangmundo na sumasaklaw sa pagaaral ng mundo,
ng mga bato kung saan gawa ito, at ang mga proseso ng kanilang pagbabago.
Ang heolohiyang pang-ekonomiya ay isang importanteng sanga ng
heolohiya na tumutukoy sa iba't ibang aspeto ng mga mineral pang
ekonomiya na ginagamit ng tao para sa kanyang mga kailangan.
Ang mga mineral na pang-ekonomiya ay ang puwedeng makuha para
maibenta. Ang mga heolohistang pang-ekonomiya ay tumutulong maghanap
at mag-asikaso sa mga natural na kayamanan ng ating mundo katulad ng
petrolyo at karbo pati na ang mga kayamanang mineral tulad ng bakal, tanso
at uranium.
Ang heolohistang pam-petrolyo ay nag-aaral ng mga lokasyong sa ibabaw
ng mundo na maaaring pagkuhanan ng hydrocarbons, lalo na ang petrolyo at
natural na gasolina.
14. Palaeontology(PALEONTOLOHIYA) - PALAEONTOLOGIST
ng kasaysayan o historya ay ginagamit bilang isang pangkalahatang
katawagan para sa impormasyon tungkol sa nakaraan, katulad ng
"heolohikang kasaysayan ng daigdig". Kapag ginagamit bilang pangalan ng
isang pinagaaralang larangan, tinutukoy ng kasaysayan ang pag-aaral at
pagpapaliwanag ng mga nakatalang lipunan ng tao, mga panayam (binigkas
na kasaysayan), at arkeolohiya.
Maaaring mga ibang paraan ang karaniwang ginagawa sa ilang panahon kaysa
sa iba, at may mga uso ang pag-aaral sa kasaysayan .
Tinatawag na bago ang kasaysayan ang mga pangyayaring bago Kadalasang
sinasabi na nababalutan ng kaalaman sa kasaysayan ang parehong kaalaman
sa nakaraang pangyayari at maka-kasaysayang pag-iisip na kasanayan, dahil:
1. Nakatutulong sa paghahanda para sa hinaharap.
2. Nakatutulong upang malinang ating kasanayan at kaasalan.
3. Nakatutulong upang malutas o lutasin ang kasalukuyang suliranin.
4. Nalilinang ang pakikipagkapwa.
17. SINING (ART) - ARTIST
Ang sining, kataga para sa anumang naibunga ng pagiging malikhain, na tumubo
mula sa lahat ng iba pang larangan ng tao katulad ng agham sa pamamagitan
ng alkimiya, at relihiyon sa pamamagitan ng shamanismo.
Ang salitang sining ay ginagamit upang ilarawan ang ilang mga gawain o mga
paglikhang gawa ng mga tao na may kahalagahan sa isipan ng tao, na patungkol sa
isang pagkaakit sa mga pandama ng tao.
Kung kaya, ang isang sining ay nagagawa kapag ang isang tao ay nagpapadama
ng kanyang sarili. Ilan sa mga sining ay magagamit sa isang diwang praktikal,
katulad ng mangkok na putik na ineskultura o inukit na mapaglalagyan ng mga
bagay-bagay.
Maraming mga tao ang hindi sumasang-ayon sa kung paano bibigyan ng
kahulugan ang sining. Maraming mga tao ang nagsasabi na ang tao ay sumusulong
na makalikha ng sining dahil sa kanilang panloob na pagkamalikhain. Kabilang sa
sining ang pagguhit, pagpipinta, paglililok, potograpiya, sining-
pagganap, sayaw, musika, panulaan, prosa, at teatro
18. KULTURANG PALEOLITIKO
(400,000 BP – 8,500 BP)
Tanda ng isang matalinong tao
ang kakayahang gumawa ng
mga gamit na mula sa BATO.
Ang tinutukoy na matalinong tao
ay ang mga ninuno nating
HOMO SAPIENS
Sila ang bumuo sa kulturang
PALEOLITIKO.
19. KULTURANG PALEOLITIKO
(400,000 BP – 8,500 BP)
Ang terminong PALEOLITIKO ay
hango sa sdalawang salitang
GREEK na:
1. PALAIOS (PALEOS) – na ang
ibig sabihin ay LUMA/OLD
2. LITHIC – na ang ibig sabihin
naman sabihin ay BATO.
Kung kayat kung ipagsasama ang
dalawang salita ito ay
PALEOLITHIC o PANAHON NG
LUMANG BATO o OLD STONE
AGE.
20. KULTURANG PALEOLITIKO
(400,000 BP – 8,500 BP)
Sa panahong ito ang mga
taong paleolitiko ay umasa
ng malaki sa kanyang
kapaligiran.
Madalas na ang mga lalaki
ay nangangaso samantalang
ang mga babae ay nangalap
ng mga pagkain sa
kapaligiran
21. KULTURANG PALEOLITIKO
(400,000 BP – 8,500 BP)
Ang mga babae din ang
tagabantay ng apoy na
ginagamit sa pagluluto,
pagbibigay init at bilang
proteksyon sa mga
mababangis na hayop.
Kayat masasabing isang
mahalagang tuklas ang apoy
sa panahong ito
22. KULTURANG PALEOLITIKO
(400,000 BP – 8,500 BP)
Ipinakita ng taong
paleolitiko ang kanyang
talino sa larangang ispiritwal
at sining.
Ang natagpuang mga
larawang ipininta sa mga
kweba sa ALTAMIRA SPAIN
at LASCAUX, FRANCE ay
patunay na ang kanyang
mataas na antas ng pag iisip
at ispiritwalidad.
23. KULTURANG PALEOLITIKO
(400,000 BP – 8,500 BP)
Nakaguhit sa dingding ng
mga kweba ang iba’t ibang
hayop gaya ng bison,
reindeer, stegodon, at iba
pang mga hayop na wala na
ngayon.
Ang ilan sa mga hayop ay
may tama ng pana na animy
kanilang nahuli.
24. KULTURANG PALEOLITIKO
(400,000 BP – 8,500 BP)
Ipinakita din ng taong paleolitiko
ang kanyang paniniwala sa
kabilang buhay.
Mababaw ang pagkakalibing ng
mga bangkay sa paniniwalang
ang init ng lupa ay makapag-iinit
sa malamig na bangkay.
Pinabaunan din ang mga gamit
ang yumao.Tanda ito ng kanilang
paniniwalang ang buhay ay
nagpapatuloy sa kabilang buhay.
25. KULTURANG PALEOLITIKO
(400,000 BP – 8,500 BP)
Sa asya ang mga nahukay na
TAONG JAVA atTAONG
PEKING ay may:
1. tiyak na kaalaman na sa
paggamit ng APOY,
2. PANGANGASO ng
malalaking hayop at,
3.Pagtira sa kweba
Kung kaya ang mga ito ay
kabilang sa HOMO HABILIS o
ABLE MAN
JAVA MAN
PEKING MAN
26. KULTURANG PALEOLITIKO
(400,000 BP – 8,500 BP)
Sa pagka buo ng HOMO
ERECTUS, o tuwid ang
paglalakad, sa pagtatapos ng
panahong ito, dalawang
tradisyon ng paggawa ng
kagamitang bato
Ang 1. core tool at ang 2. flake
tool.
Ito ay nabuo sa india, china at
ilang bahagi ng timog
silangang asya.
HOMO ERECTUS
CORETOOL
FLAKETOOL
27.
28. KULTURANG MESOLITIKO
(10,000 BP – 4,500 BP)
Sa pagka tunaw ng GLACIER o
mlaking tipak ng yelo.
Nagsimula ang pag-usbong o
paglago ng mga gubat.
Nanirahan sa mga pampang ng
ilog at dagat ang taong
mesolitiko.
Dadagdagan ang uri ng
kanyang pagkain ng mga
lamang dagat at lamang ilog.
ICE AGE
MESOLITHIC AGE
29. KULTURANG MESOLITIKO
(10,000 BP – 4,500 BP)
Naging katulong niya sa
pangangaso ang napaamong
mga ASO, tanda na humihirap
ang pagkakalap ng pagkain sa
kapaligiran.
Nagsilbing isang transisyon na
panahon ang kulturang
mesolitiko sa kulturang
Neolitiko.
30.
31. KULTURANG NEOLITIKO
(7,000 – 3,000 BP)
Hango sa wikang Greek na
1. NAOIS(NEO) na
nangangahulugang BAGo
2. LITHIC – na
nangangahulugang BATO
Kung kayat pag pinagsama
ay Panahon ng Bagong Bato
o NEW STONEAGE sa Ingles
32. KULTURANG NEOLITIKO
(7,000 – 3,000 BP)
Sa panahong ito, liban sa paggawa ng mas higit na
pulidong kagamitang bato, nadiskubre rin ng mga
tao ang:
1.PAGSASAKA ng mga halaman
at 2. PAGPAPAAMO ng mga hayop
33. KULTURANG NEOLITIKO
(7,000 – 3,000 BP)
Ang malawakang pagsasaka ay isang dramatikong
pagbabago na tinatawag na NEOLITHIC REVULOTION
34. KULTURANG NEOLITIKO(7,000 – 3,000 BP)
Ang pagsasaka at pagpapa amo ng mga hayop ay
naging tanda na ang tao ay hindi maaaring lubusang
umasa sa kapaligiran at kailangan siya mgaing
katuwang ng kapaligiran.
35. MGA UNANG MAGSASAKA
Nagsimula ring magsaka ang mga tao sa lambak ng
Indus River saTimog Asya. Karaniwan nilang
itinatanim ay mga CERAL tulad ngWHEAT AT
BARLEY. Napaamo rin nila ang mga hayop tulad ng
BAKA, BABOY at KALABAW.
36. MGA UNANG MAGSASAKA
Nagsimula na rin silang magtanim ng BULAK o
COTTON na ngayon ay isang pangunahing
produktong pangalakal ngTIMOG ASYA.
37. MGA UNANG MAGSASAKA
Dito din sa kabihasnang indus ang naunang tala ng
pagtatanim ng palay. Dahil ang kabihasnang indus ay
madalas na bahain, kung saan mainam na tumubo ang
mga palay, ito ay malapit sa bandang china sa
YANGTZE noong 7000 BC
38. MGA UNANG MAGSASAKA
Samantala sinaka naman sa hilagang china ang mga
cereal tulad ng MILLET at SORGHUM.
39. MGA UNANG MAGSASAKA
Sinaka din nila ang mga puno ng MULBERRY kung
saan ang dahon nito ay siyang ginagawang pagkain ng
SILKWORM. Ang pagtatanim ng MULBERRY ay ang
simula ng indusriya ng SEDA o SILK.
40. MGA UNANG MAGSASAKA
Sa pamamagitan ng pagsaka at pagpa amo sa mga
hayop, hinarao ng mga sinauang tao sa tulong ng
kanilang talino ang hamon ng nagbabagong
kapaligiran.
41. MGA UNANG MAGSASAKA
Dahil nagkaroon ng higit sa kanyang pangangailangan
na pagkain (SURPLUS) ang taong neolitiko ay
kinakailangang lumikha ng paraang pag-iimbak ng
pagkain. Dito nagsimula ang paggawa ng mga
BASKET at palayok na kapwa sinisidlan ng pagkain
42. MGA UNANG MAGSASAKA
Ang kasiguraduhan sa pagkain ang siyang nagbigay-
daan sa paglaki ng populasyon.
Sa tulong ng kaniang talino, ang sinaunang tao ay
nagtagumpay sa paglikha ng mga gamit na higit na
matibay kaysa bato.
43.
44. PANAHONG METAL (COPPER, BRONZE & IRON
Ang unang natutuhang gamitin na metal ng sinaunang
tao ay angTANSO o COPPER. Sa pamamagitan ng
pag-iinit ng copper ore gamit ang uling, naka proseso
ang mga unang tao ng metal na tanso
45. PANAHONG METAL (COPPERAGE)
Dahil hindi pa laganap ang pag proseso ng copper ore,
madalas nilang gawin ay ang mga mamahaling bagay
tulad ng alahas at kagamitang pandigma. Una nilang
natutunan ang pagproseso ng copper ore sa Kanlurang
Asya.
46. PANAHONG METAL (BRONZE AGE)
Sa pamamagitan ng pag – eeksperimento, pinaghalo
ang metal na tanso at tin at nabuong metal ay tinawag
na BRONZE, metal. Na mas higit na matibay kaysa sa
tanso. Sa panahong Bronze nakalikha sila ng
kagamitang pansaka at mga kagamitang panlaban o
mga armas na may matalim na bahagi.
47. PANAHONG METAL (BRONZE AGE)
Sa CHINA, gumaga sila ng mga gamit na pang-alay sa
mga diyos mula bronze, gayundin ng mga bariles na
gawa rin sa bronze.
48. PANAHONG METAL (IRON AGE)
Higit na matibay na metal sa bronze at tanso ang IRON o
BAKAL
Nadiskubre ng mga HITTITE sa kanlurang asya sa
MESOPOTAMIA ang pag proseso ng paggawa ng metal na ito ,
mapalad ang mga HITTITE dahil meron silang mga Minahan ng
bakal. Dahil sa pagkakatuklas ng bakal nakagawa sila ng higit
na matitibay na kagamitang pansaka at panlaban sa
mababangis na hayop.
50. MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA ASYA
Nagbago ang pamumuhay ng mga tao sa panahong
Neolitiko. Nagsimula ang malawakang pagtatanim o
Agrikultura at pag-aalaga ng hayop, depende sa
kanilang kapaligiran
51. MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA ASYA
Nang lumaon, may apat na batayang
kapaligiran sa Asya na hinarap ng tao.
1. ito ang kapuluan(ARCHIPELAGO) natuto
ang mga tao sa kapuluan na
A. magtanim ng halamang ugat at palay
B. Naging bihasa din sila sa paglalayag at
pangingisda.
52. MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA ASYA
2. habang ang mga pamayanan sa LAMBAK-
ILOG (VALLEY) ay:
A. natutung magtanim ngTRIGO, BARLEY at
PALAY.
B. May nag – aalaga ng hayop tulad ng
KAMBING,TUPA AT BAKA
53. MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA ASYA
3. sa kabilang banda pag-aalaga naman ng
A. KABAYO,TUPA, CAMEL at OX
B. Meron din kaunting pagtatanim tulad ng
DATES sa mga OASIS sa DISYERTO.
54. MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA ASYA
Tatalakayin natin sa araling ito ang nabuong
agrikultural na pamumuhay sa mga lambak-
ilog. May tatlong kabihasnang lambak-ilog sa
asya:
A.TIGRIS-EUPHRATES – sa kanlurang Asya
B. INDUS – saTimog Asya
C. At HUANG HO sa Silangang Asya
55. MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA ASYA
Ilalarawan ng araling ito ang mga kabihasnan
ng:
1. SUMER – (TIGRIS-EUPHRATES)
2. INDUS – (LAMBAK INDUS)
3. SHANG – HUANG HO
56. MGA BATAYANG SALIK SA PAGBUBUO NG KABIHASNAN
Ano ba ang nararapat na katawagan
KABIHASNAN o SIBILISASYON?
A. SIBILISASYON – ay mula sa salitang ugat na
CIVITAS, sa isang salitang LATIN. Ibig sabihin
ng civitas y lungsod.
Kung gayon ang SIBILISASYON ay masalimuot
na pamumuhay sa LUNGSOD.
57. MGA BATAYANG SALIK SA PAGBUBUO NG KABIHASNAN
Ano ba ang nararapat na katawagan
KABIHASNAN o SIBILISASYON?
B. Sa kabilang banda ang salitang KABIHASNAN
na kadalasang ginagamit bilang kasingkahulugan
ng sibilisasyon ay katutubo na salita sa PILIPINAS.
Mula ito sa salitnag-ugat na BIHASA – ibig sabihin
ay eksperto o magaling.
Kung gayon, ang kabihasnan ay pamumuhay na
nakagawian at pinino ng maraming pangkat ng
tao. Maliban sa pamumuhay , kasama rito ang
WIKA, KAUGALIAN, PANINIWALA at SINING.
58. MGA BATAYANG SALIK SA PAGBUBUO NG KABIHASNAN
Ano ba ang nararapat na katawagan
KABIHASNAN o SIBILISASYON?
Mas malawak ang saklaw ng KABIHASNAN kaysa
sa SIBILISASYON. Dahil maaring tawaging
kabihasnan ang pamumuhay sa lungsod at maging
ang hindi batay sa lungsod.
Kabihasnan ang pamumuhay ng mga
nomadikong-pastoral sa damuhan ng Gitnang
Asya at sa Disyerto ng Arabia.
Kabihasnan din ang pamumuhay ng mga
mamngingisda saTimog-Silangang Asya
59. MGA BATAYANG SALIK SA PAGBUBUO NG KABIHASNAN
Samantala, makitid ang saklaw ng salitang
SIBILISASYON, akma lamang ito sa pamumuhay ng
SUMER, INDUS a SHANG.
Subalit ang paninirahan sa lungsod at maging sa hindi
lungsod ay kapwa kabihasnan.
Mas mataas ba ang KABIHASNAN sa SIBILISASYON?
(HINDI)
Mas mataas ba ang pamumuhay sa ungsod kaysa sa
mamuhay na NOMADIKO-PASTORAL? (HINDI)
Sapagkat ang parehong pamumuhay at tumutugon
lamang sa hamon na hinaharap ng kapaligiran.
60. MGA BATAYANG SALIK SA PAGBUBUO NG KABIHASNAN
May mga batayang salik sa pagkakaroon ng
kabihasnang. Kabilang dito ang:
1. pagkakaroon ng organisado at sentralisadong
pamahalaan,
2. masalimuot na relihiyon,
3. espesyalisasyon sa gawaing pang-ekonomiya at uri
ng lipunan
4. mataas na antas na kaalaman sa teknolohiya, sinign
at arkitektura at sistema ng pagsulat.
Ang SUMER, INDUS at SHANG ay may mga
lungsod, samakatuwid sibilisasyon din sila.
61. MGA BATAYANG SALIK SA PAGBUBUO NG KABIHASNAN
Kadalasan, ang LUNGSOD noong sinaunang panahon
ay may:
1. mataas na populasyon na hindi bababa sa LIMANG
LIBO at napapalibutan ng pader.
2. agrikultura ang pangunahing gawaing pang
ekonomiya nito malapit sa matabang lambak-ilog
3. dahil sa paggawa ng IRIGASYON, kontrolado ang
pag-apaw ng ilog.
4. umaani ito ng pagkain na kayang suportahan ang
malaking populasyon.
62. MGA BATAYANG SALIK SA PAGBUBUO NG KABIHASNAN
Noong simula, ang namuno sa mga lungsod ay
matataas na pari.
Nagmula ang kapangyarihan ng pari sa kanilang
kaalaman at kakayahan na kausapin ang mga diyos at
diyosa.
Nang lumaon, napalitan sila ng pinunong MILITAR
bilang hari ng lungsod.
Gayunpaman, nanatiling makapangyarihan ang pari sa
larangang ispiritwal.
POLITIESMO o PANINIWALA SA MARAMING DIYOS
ang karaniwang relihiyon.
63. MGA BATAYANG SALIK SA PAGBUBUO NG KABIHASNAN
Ang mga diyos ay simbolo sa mga puwersa ng kalikasan.
Ilan sa mga naulat na diyos ay:
1. Diyos o Diyosa ng Araw.
2. Diyos o Diyosa ng Pag Aani
3. at Diyos ng FERTILITY
4. Diyos o diyosa ng Ilog.
Nagsasagawa ng ibat ibang seremonya, dasal, ritwal ang
mga pari para sa mga diyos.
Ang mga templo at dambana ng diyos and sentral at
pinakamalaking gusali sa lungsod.
64. MGA BATAYANG SALIK SA PAGBUBUO NG KABIHASNAN
Maliban sa mga magsasaka, nagkaroon ng ibang
espesyalisasyon sa trabaho ang mamayan. May
pinunong PULITIKAL-MILITAR (ang HARI)
At pinunong panrelihiyon (ANG PARI)
Bukod dito may mga artisano, mangangalakal, at
sundalo.
Ang uri ng gawain o trabaho ang batayan sa
pagbubuo ng uri ng lipunan
Nasa taas ng lipunan ang hari at pari na namumuno.
Kasunod ang ibang mga opisyal ng palasyo at templo,
mangangalakal, sundalo, artisano at magsasaka,
Pinaka mababang uring panlipunan ang mga Alipins
65. MGA BATAYANG SALIK SA PAGBUBUO NG KABIHASNAN
Makikita ang antas ng teknolohiya sa paggawa ng mas
maraming uri ng kagamitan sa pagsasaka at iba pang
gawain.
Matuutklasan ang paggamit ng iba’t-ibang uri ng
metal.
Maaiimbento ang gulong at iba’t – ibang sasaykayng
pandagat at panlupa para sa kalakalan
Sa sining at arkitektura, gagawa ang mga artisano ng
ibat ibang palamuti sa katawan at magtatayo ng
malaking monumento bilang teplo.
66. MGA BATAYANG SALIK SA PAGBUBUO NG KABIHASNAN
Dahil sa pangangailangan na itala ang imbakan ng
templo, naimbento ng mga pari ang ilang simbolo na
siyang batayan ng sistema ng pagsulat
68. Mga Pamayanang Neolitiko Bago ang Sumer
Bago lumitaw ang mga CITY-STATES (LUNGSOD-ESTADO) ng
kabihasnangSUMER sa MESOPOTAMIA, may ilang pamayanang
NEOLITIKO na lumitaw sa rehion sa labas ng MESOPOTAMIA ang mga
ito ay:
1. JERICHO sa ISRAEL
2. CATAL HUYUK sa ANATOLIA oTURKEY
3. HACILAR na mula din saTURKEY
4. at ilang pamayanan sa KABUNDUKAN ng ZAGROS
Ang ZARGOS ay nasa hangganan ng MESOPOTAMIA – PERSIA
(kasalukuyang IRAQ-IRAN)
Fertile crescent
JERICHO CATAL HUYUK & HACILAR ZAGROS MOUNTAINS
70. Mga Pamayanang Neolitiko Bago ang Sumer
Sa kasalukuyang panahon, ang JERICHO ay matatagpuan saWEST
BANK na kontrolado ng ISRAEL.
Bandang 7,000 B.C.E nang magsimulang lumitaw ang mga pamayanan
dito. Ang ekonomiya ng JERICHO ay nakasalalay sa malawakang
pagtatanim ng trigo at barley.
May katibayan din ng pangangaso at pakikipagkalakalan sa mga
kalapit-lugar.
Isa sa mga pangunahing pangalakal ng JERICHO ay SULFUR at ASIN na
nililinang mula sa DEAD SEA.
Fertile crescent
CATAL HUYUK & HACILAR
71. Mga Pamayanang Neolitiko Bago ang Sumer
Isang lider ang mapipili upang mamahala sa mga
pampublikong proyekto ng DIKE, KANAL, IRIGASYON
at IMBAKAN ng tubig.
Ito ang simula ng pag-usbong ng organisadong
pamahalaan.
Fertile crescent
SUMER
DEAD SEA
73. Mga Pamayanang Neolitiko Bago ang Sumer
Tinatayang noong 6,000 BCE naman nang unang lumitaw ang
mga pamayanang agrikultural sa CATAL HUYUK sa katimugang
bahagi ng ANATOLIA o ang kasalukuyang bansa ngTURKEY.
Ito ay masiglang sentrong pangkalakalan na ang pangunahing
produkto aya ang OBSIDIAN, isangVOLCANIC GLASS na
maaring gamitin bilang salamin, kutsilyo, at iba pang
kagamitang matalas.
CATAL HUYUK
TURKEY
75. Mga Pamayanang Neolitiko Bago ang Sumer
Ang HACILAR ay matatagpuan sa talampas ng ANATOLIA.
Pinaniniwalaang lumitaw bandang 5700 BCE .
Sadyang katngi-tangi ang mga pottery o palayok na natagpuan
sa lugar.
Nagtatanim ang mga tao rito ngTRIGO, BARLEY,GISANTES,
MAIS at HACKBERRIES.
Pinaniniwalaan ding natutunan nilang mag alaga ng hayop sa
panahong iyon.
CATAL HUYUK
TURKEY
77. Mga Pamayanang Neolitiko Bago ang Sumer
Nawala rin ang mga nabanggit na pamayanan sa kanlurang Asya
nang lumaon.
Hindi sapat ang kapaligiran nito upang suportahan ang pag-
usbong at pag-unlad ng kabihasnan.
Matutugunan ito ng panibagong lugar sa matabang lupa sa
mesopotamia o ilog-lambak ngTigris Euprates. Dito umusbong
ang kabihasnang sumer.
Fertile crescent
JERICHO CATAL HUYUK & HACILAR ZAGROS MOUNTAINS
79. KABIHASNANG SUMER
May isang arko ng mababang lupa sa Kanlurang
Asya. Mula Persian Gulf hanggang sa dalampasigan
ng Mediterranean Sea. Kilala ang lugar na ito bilang
FERTILE CRESCENT dahil sa hugis nito.
Fertile crescent
80. KABIHASNANG SUMER
Nasa silangang bahagi ng lambak-ilog ng TIGRIS at
EUPHRATES.
Ang Dalawang ilog na ito ay nagmumula sa kabundukan ng
TURKEY at dumadaloy tungo sa PERSIAN GULF ang lambak-
ilog ng TIGRIS-EUPHRATES ay kilala naman sa pangalang
MESOPOTAMIA.
Fertile crescent
SUMER
81. KABIHASNANG SUMER
Ang salitang MESOPOTAMIA ay mula sa wikang GREEK na
nangangahulugang “LUPAIN NG DALAWANG ILOG”.
ang mesopotamia ay naging tagpuan ng iba’t-ibang grupo ng
tao na naghahanap ng matabang lupa.
Fertile crescent
SUMER
82. KABIHASNANG SUMER
Sa mga pamayanang agrikultural na nabuo, may mga hamon ang kalikasan ng
mesopotamia.
1. Hindi regular ang panahon ng pag –apaw ng ilog at pagbagsak ng ulan .
A.Upang paghandaan ang pagbaha, kailangang gumawa ng mga DIKE at
KANAL.
B. Para naman sa panahon ng tagtuyot kinailangan ng irigasyon at imbakan
ng tubig
Fertile crescent
SUMER
83. KABIHASNANG SUMER
Isang lider ang mapipili upang mamahala sa mga
pampublikong proyekto ng DIKE, KANAL, IRIGASYON
at IMBAKAN ng tubig.
Ito ang simula ng pag-usbong ng organisadong
pamahalaan.
Fertile crescent
SUMER
85. KABIHASNANG SUMER
Ang sumer ang itinuturing na pinakamatanda at pinaka
unang kabihasnan sa buong daigdig.
Matatagpuan ito sa MESOPOTAMIA o LAMBAK-ILOG
TIGRIS-EUPHRATES.noong 3500-3000 BCE.Umusbong
ang mga lungsod sa sumer
Fertile crescent
SUMER
86. KABIHASNANG SUMER
Ilan lamang sa mga pinakamahalagang lungsod na
lumitaw sa SUMER ay ang:
1. UR 4. LAGASH
2. URUK 5. NIPPUR
3. ERIDU 6. KISH
Fertile crescent
SUMER
87. KABIHASNANG SUMER
Katangian ng lungsod ng sumer
1. Karaniwang hugis parihaba(square) ang mga lungsod
ng sumer
2. at may malalapad na kalsada.
3. pinalilibutan ng matataas at malalapad na pader
Fertile crescent
SUMER
88. KABIHASNANG SUMER
Ang pinaka malaking gusali sa SUMER ay ang templo na
tinatawag na ZIGGURAT. Nasa tuktok nito and DAMBANA o
(ALTAR) ng DIYOS o DIYOSA ng lungsod.
Nasa gitna ng lungsod ang ZIGGURAT at mula rito naka plano
ang pagkakalatag ng iba pang gusali.
malapit sa templo ang imbakan mga butil, palasyo na may
malawak na bakuran, at bahay ng iba pang opisyal ng lungsod
ZIGGURAT
DAMBANA
89. KABIHASNANG SUMER
May mga lugar din para sa mga BAZAAR at pagawaan ng
mga ARTISANO o mga kasanayan tulad ng maghahabi at
karpintero.
Papalayo sa sentro ng buhay ng karaniwang mamamayan
ang sentro ng sumer, dahil nagsasarili ang mga lungsod at
ang sentro ng lipunan ng SUMER ay nakatuon sarelihiyon,
karaniwang tinatawag din naTEMPLONG-ESTADO ang
mga LUNGSOD-ESTADO ng SUMER.
ZIGGURAT
DAMBANA
90. KABIHASNANG SUMER
Mahalaga ang ginagampanang papel ng mga paring-
hari(PREIST-KING) sa mgaTemplong-Estado.
May mga tungkulin siya na dapat tuparin-bilang isang
tagapamahalang Ispirituwal at bilang isang pulitikal na
lider
ZIGGURAT
PRIEST -KING
91. KABIHASNANG SUMER
Bilang pari inaasahan mula sa kanya na maging
tagapamagitan sa diyos at mamamayan
PRIEST -KING
92. KABIHASNANG SUMER
Bilang HARI, , siya ang taga patupad ng batas upang
manatili ang kapayapaan at kaayusan sa lipunan.
Siya din ang namamahala sa systema ng irrigasyon
PRIEST -KING
93. KABIHASNANG SUMER
Sa kalaunan, ang mga templong-estado y maglalaban para sa
pag kontrol sa limitadong lupa at tubig sa MESOPOTAMIA.
PRIEST -KING
94. KABIHASNANG SUMER
Magiging madalas ang digmaan na nangangailangan ng
pinunong militar.
Ang mga pinunong militar ang papalit sa mga PARING-
HARI bilang Pinuno ngTemplong-estado.
PRIEST -KING
97. Sumerian King and QUEEN
Magiging madalas ang digmaan na nangangailangan ng
pinunong militar.
Ang mga pinunong militar ang papalit sa mga PARING-
HARI bilang Pinuno ngTemplong-estado.
PRIEST -KING
Tagapamahalang Politikal ng isang Emperyo
98. PRIESTS
Magiging madalas ang digmaan na nangangailangan ng
pinunong militar.
Ang mga pinunong militar ang papalit sa mga PARING-
HARI bilang Pinuno ngTemplong-estado.
PRIEST -KING
Taga parating ng mga hinaing ng mga tao sa Diyos
99. mangangalakal
Magiging madalas ang digmaan na nangangailangan ng
pinunong militar.
Ang mga pinunong militar ang papalit sa mga PARING-
HARI bilang Pinuno ngTemplong-estado.
PRIEST -KING
MANGANGALAKAL
ALIPIN
nagdadala ng ibat-ibang produkto mula ibang lugar at
Nagbebenta ng produkto ng sumer sa ibang lugar
100. SCRIBES
Magiging madalas ang digmaan na nangangailangan ng
pinunong militar.
Ang mga pinunong militar ang papalit sa mga PARING-
HARI bilang Pinuno ngTemplong-estado.
PRIEST -KING
Taga sulat ng mga pangyayari o kasaysayan ng
emperyo
101. ARTISANO
Magiging madalas ang digmaan na nangangailangan ng
pinunong militar.
Ang mga pinunong militar ang papalit sa mga PARING-
HARI bilang Pinuno ngTemplong-estado.
PRIEST -KING
Taga gawa ng anumang produktong yari sa metal
Tulad ng COPPER, BRONZE, IRON, PILAK & GINTO
102. magsasaka
Magiging madalas ang digmaan na nangangailangan ng
pinunong militar.
Ang mga pinunong militar ang papalit sa mga PARING-
HARI bilang Pinuno ngTemplong-estado.
PRIEST -KING
Taga tanim ng mga halamang pinagkukunan ng
pagkain pati na rin ang pag aalaga ng hayop
103. alipin
Magiging madalas ang digmaan na nangangailangan ng
pinunong militar.
Ang mga pinunong militar ang papalit sa mga PARING-
HARI bilang Pinuno ngTemplong-estado.
PRIEST -KING
MANGANGALAKAL
ALIPIN
Taga silbi sa ibang nakakataas na uri ng lipunan
106. Contribusyon ng SUMER
Ang mga SUMER ay maraming kontribusyon sa
kabihasnang pandaigdig.
1. Isa sa mga pinaka mahalagang ambag nito ang
systema ng pagsulat na tinatawag na CUNIEFORM
Ang mga SCRIBE o tagasulat ay umuukit sa isang
basang CLAYTABLET upang makapagtala, halimbawa
ng bilang ng produkto o anupamang importanteng
detalye.
107. Contribusyon ng SUMER
Pagkatapos ng pagtatala o pagsusulat, pinapatuyo
ang luwad sa araw o kaya ay niluluto.
Napakahalagang tala ng kasaysayan ng mga
SUMERIAN ang mga naiwan sa clay tablet sapagkat
ito ay kadalasang nagtataglay ng kumpletong petsa
at lungsod kung saan ito nagmula.
108. Contribusyon ng SUMER
Dahil sa systemang CUNIEFORM ay naitala na nila
ang batas, epiko, dasal at kontrata ng negosyo.
Ang pinaka unang epiko sa daigdig ay SUMERIAN.
Ang EPIKO NI GILGAMESH
110. Contribusyon ng SUMER
Sa larangan ng kaalaman sa teknolohiya gumamit
sila ng:
1. ARARO
2. kariton de-gulong
3. pagpapalayok na gamit ang gulong
POTTERYWHEEL
117. Contribusyon ng SUMER
Ang pinaka unang nakasulat na batas ay ipinatupad
ni UR NAMMU sa panahon ng kanyang
panunungkulan bandang 2100 BCE
118. PAGBAGSAK NG SUMER
Binagabag ang sumer ng mga internal na sigalot dahil sa
pag-aagawan sa karapatan sa lupa at tubig.
Wala ring natural na depensa sa paligid ngmga templong-
lungsod kung kaya’t madali silang nasakop ng ibang mga
grupo na nainggit sa kanilang natamong kaunlaran.
119. ANG KABIHASNAN NG INDUS
Aralin 10 - Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya
121. HeograpiyaatMapangKabihasnangIndus
May ilang daan o landas sa mga kabundukang ito
tulad ng KHYBER PASS na nagsisilbing lagusan ng
mga mandarayuhan at mananakop mula sa
kanlurang Asya at Gitnang Asya
122. LambakIndusatIndusRiver
Ang kabihasnan sa india ay nagsimula at umusbong sa
paligid ng ilog indus ang tuktok ng kabundukang
himalaya ay nababalot ng yelong makakapal.
Mula sa yelong natutunaw rito ay nagmumula ang tubig
ng indus river
123. LambakIndusatIndusRiver
Ang Indus River ay isang pangunahing ilog sa Asya na dumadaloy sa
pamamagitan ng Pakistan. Ito ay may habang 2,900 km na bumabagas sa
kashmir patungong kapatagan ng pakistan. Mayroon din itong mga kurso sa
pamamagitan ng westernTibet at Northern Indya
Tulad ng kabihasnang mesopotamia, ang pagkakaroon ng matabang lupa ay
naging mahalaga sa pagsisimula ng mga lipunan at estado sa sinaunang
india.
Sa pagitan ng hunyo at sityembre bawat taon, ang pag-apaw ng ilog ay
nagdudulot ng pataba sa lupa at nagbibigay-daan upang malinang ang
lupain.
125. LambakIndusatIndusRiver
Tinatayang noong 3500 BCE lumitaw ang mga
Neolitikong pamayanan sa Baluchistan (nasa
PAKISTAN NGAYON) na nasa bandang
kanluran ng Ilog Indus. Isa sa mga pamayanang
ito ay ang MERGARH.
126. LambakIndusatIndusRiver
Batay sa mga nahukay na labi sa BALUCHISTAN, agrikultural at
Sedentaryo ang pamumuhay ng mga tao rito.
May Ebidensya rin ng pag-aalaga ng tupa, kambing at Ox
Nagsimula din sa panahong Neolitiko ang paggawa ng palayok
na may pintura at paghurno ng tinapay gawa sa cereal
Samantala ang kanilang mga bahay ay gawa sa ladrilyo mula sa
mga luwad tulad ng sa SUMER
128. LambakIndusatIndusRiver
Ang kabihasnan ngTimog Asya ay umusbong sa lambak-ilog ng indus.
Noong 1922 lamang natuklasan ng mga arkeologo ang mga labi ng
sinaunang kabihasnan dito. Nakahukay ng mga labi ng lungsod at bahay
gawa sa ladrilyo at mga luwad. Ngunit marami paring mysterio ang hindi
nasasagot.
Hindi parin naiintindihan ng mga eksperto ang kahulugan ng mga simbolo
sa pagsusulat ng Indus.Walang tala ukol sa mga pangalan ng kanilang mga
hari o reyna.Wala ring tala ng pagbubuwis at kahit isang literatura.
129. HarappaatMohenjo-Daro
Ang nalalaman lamang ay nabuo ang ilang lungsod sa Indus noong bandang
2700 BCE. Sa limang lungsod na nahukay, dalawa ang pinaka importante:
1. Ang HARAPPA
2. MOHENHO-DARO
131. HarappaatMohenjo-Daro
Tulad ng Sumer, kulang sa mga likas na yaman ang Indus:
walang metal, kahoy, at mga Semi-Precious Stone sa
kapaligiran nito.
Pagsasaka ang pangunahing gawain sa Harappa at
Mohenjo-Daro.
134. SYSTEMANG PAMPULITIKA AT EKONOMIYA
May mga ARTISANO
(ARTISANS) na
gumagawa ng mga
palayok at alahas na gawa
sa ginto at kabibe.
may ibang gumagawa ng
mga kagamitang gawa sa
BRONZE ,TANSO at
PILAK.
135. SYSTEMANG PAMPULITIKA AT EKONOMIYA
Nakipagkalakalan din ang mga Dravidian tungo sa
mga baybayin ng ARABIAN SEA at PERSIAN GULF.
Hanggang sa mga lungsod ng sumer. Lulan ng mga
Barkong Dravidian ang samu’t-saring produkto tulad
ng perlas, tanso, tela, ivory comb, at mga butil.
136. SYSTEMANG PAMPULITIKA AT EKONOMIYA
Ang Harappa at Mohenjo-Daro ay mga planado at organisadong lungsod.
May dalawang bahag ito:
1. CITADEL o mataas na moog at mababang bayan. Karaniwan sa mga
bandang kanluran ng lungsod ang moog. Nakapaong ito sa plataporma na
gawa sa ladrilyo na may taas na 12 metro na napapalibutan ng pader.
Nasa loob nito ang mga imbakan ng mga butil, malalalaking bulwagan at
pampublikong paliguan.
137. SYSTEMANG PAMPULITIKA AT EKONOMIYA
Maayos na nakalaag sa ibaba ng moog ang lansangang naka disenyong
kuwadrado (GRID PATTERN) at pare parehong sukat ng bloke ng kabahayan.
.
138. SYSTEMANG PAMPULITIKA AT EKONOMIYA
Ang mga bahay ay gawa sa ladrilyo na pinapatuyo sa pugon. Karaniwang
nakatalikod sa pangunahing kalsada .
May ilang bahay na umaabot sa tatlong palapag at may balkonahe na gawa sa
kahoy.
Ang bawat bahay ay may Banyo o Palikuran na naka konekta sa sentralisadong
sistema ng tubo at imburnal sa ilalim ng lupa.
Patunay ito na may sentralisadong pamahalaan ang mga DRAVIDIAN na
namamahala ng paggawa ng mga pampublikong proyekto tulad ng irigasyon
at imburnal.
139. SYSTEMANG PAMPULITIKA AT EKONOMIYA
MaramingARTIFACT na laruan ang nahukay sa lungsod ng HARAPPA at
MOHENJO-DARO.
Samantala, wala namangARTIFAT ng anumang armas o sandata.
Marahil, ang mga Dravidian ay mahilig maglibang at maglaro.
Ngunit ang kawalan ng sandata ay nagpapakita ng kawalan ng digmaan at
pag-aaway.
141. SYSTEMANG PANRELIHIYON NG KABIHASNANG INDUS
Ang mga DRAVIDIAN ay maraming Diyos na sumisimbolo sa mga puwersa ng
kalikasan.
Walang malalaking templo o dambana na nahukay sa Harappa at Mohenjo-
Daro, ngunit nakakita rito ng mga estatwa na hugis hayop at tao.
Maaring sinasamba nila ang mga Diyos ng tubig, puno, at hayop.
143. SYSTEMANG PANRELIHIYON NG KABIHASNANG INDUS
Ang pinaka tinatanging Diyos ay isang Babae na pinagmumulan ng lahat ng
bagay na tumutubo.
Sa mga nasulat walang tiyak na pangalan ang inang Diyosa na ito.
145. SYSTEMANG PANRELIHIYON NG KABIHASNANG INDUS
Batay sa ebidensiya ng organisadong lungsod, masasabing may HIRARKIYA
(HEIRARCHY) ng uring panlipunan ang Kabihasnang Indus.
Ang mga nakatira sa mataas na moog ay ang mga naghaharing uri.
Tulad ng :
1. PARING-HARI (PRIEST-KING)
Mga opisyal ng lungsod
At mga EKSPERTO
146. SYSTEMANG PANRELIHIYON NG KABIHASNANG INDUS
2. nasa ilalim ng mga paring-hari, opisyal at eksperto ang:
Mangangalakal,
artisano at
Magsasaka
147. SYSTEMANG PANRELIHIYON NG KABIHASNANG INDUS
Magsasaka – ang mga magsasaka ang gumagawa ng mga dike, canal para sa
irigasyon ng pananim
148. SYSTEMANG PANRELIHIYON NG KABIHASNANG INDUS
Ang mga artisano ay abala paggawa ng Samu’t saring produkto mula sa mga
materyal na BRONZE,TANSO, GINTO, PILAK, BULAK at KABIBE
150. SYSTEMA NG PAGSULAT NG KABIHASNANG INDUS
Pinaniniwalaan ng mga eksperto na ang mangangalakal ang unang gumamit
ng sistema ng pagsulat ng Indus.
Ang mga ebidensiya ng pagsulat na ito ay mga selyo na may PICTOGRAM
upang kilalanin ang mga paninda.
Ilan sa mga Selyo ng Indus ay natuklasan sa Mesopotamia, kaya sinasabi ng
mga arkeologo na may kalakalan sa pagitan ng Sumer at Indus simula noong
2300 BCE.
151. SYSTEMA NG PAGSULAT NG KABIHASNANG INDUS
Sa kasamaang palad , wala pang eksperto ang nakakapagbasa ng kahulugan
ng mga simbolo ng PICTOGRAM o Simbolo ng Indus hanggang sa kasalukuyan
Dahil sa suliraning ito , kulang ang kaalaman sa kabihasnang Indus.
152. SYSTEMA NG PAGSULAT NG KABIHASNANG INDUS
Bukod dito may issang sistema ng pagsukat at pagtimbang na ginagamit ang
mga mangangalakal at inhinyero na Dravidian.
Makikita ito sa pare parehong sukat ng bloke ng kabahayan at kaayusang
kuwadrado na kalsada.
Patunay na ito ay may mataas na antas ng kaalaman sa matematika at
SURVEYING o agrimesura ang mga Dravidian.
154. PAGLAHO NG KABIHASNANG INDUS
Matapos ang may isang libong taong pamamayagpag ay unti-unting gumuho
ang kabihasnang Indus.
Simula 1750 BCE may iba’t ibang paliwanag ang mga iskolar ukol sa
pagtatapos ng kabihasnang indus.
Kabilang sa mga teorya nila ay ang ekolohikal na problema dahil sa
pagkaubos ng puno, labis na pagbaha, at biglang pagbabago sa klima.
May mga ebidensya ng maraming putik ang mga kalsada ng
MOHENJO_DARO. At marahas na pagkamatay ng mga mamamayan nito.
Kaya sinasabi na maaring nagka lindol o pagsabog ng bulkan
155. PAGLAHO NG KABIHASNANG INDUS
Sinasabi rin na maaaring may bagong grupo ng tao na dumating sa Indus kaya
napalitan ang dating istilo ng pamumuhay.
May iba’t-ibang ebidensya na may iba pang mga pangkat nomadiko-pastoral
mula sa gitnang asya ang nakarating sa Indus noong 1500 BCE
Kabilang dito ang mgaARYAN na tumawid sa mga lagusan sa kabundukan ng
HINDU KUSH bago makarating sa Lambak Indus .
156. PAGLAHO NG KABIHASNANG INDUS
Kung ang mga Aryan nga ang sumagupa sa mga Dravidian at kumitil sa
kabihasnang Indus, hindi ito malinaw.
Ngunit simula noong 1500 BCE ang mga lungsod ng HARAPPA at MOHENJO-
DARO a nilisan at unti-unting natabunan ng putik
Natabunan din ito sa alaala ng mga tao rito hanggang sa matuklasan muli ng
mga arkeologo sa ika-20 siglo.