3. Bago ang Pre-Historikong Panahon
Ang pagsibol ng mga HOMO SAPIENS (isang milyong
taon na ang nakararaan) ay tanda ng pagbabago sa proseso ng
ebolusyon na hindi ayon sa pagbabagong anyo ng tao kundi sa
pagbabago ng mga pamamaraan upang tumugon sa kaniyang
kapaligiran gamit ang kanyang talino.
Ang pagsisimula ng tao sa QUARTENARY PERIOD o
PLEISTOCENE EPOCH ang naghatid sa pangunahing
kontribusyon nito sa ebolusyon ng buhay – ang KULTURA.
Ang kultura ay tumutukoy sa mga bagay na natutunan ng tao
mula sa kanyang mga karanasan habang nasa proseso ng
pag-unlad.
Ang dalawang panahon sa kultural na pag-unlad o ang
pagkakasunud-sunod ng mga pangunahing pagbabago sa
kultura sa panahong di pa naisusulat ang kasaysayan ay ang :
KULTURANG PALEOLITIKO at NEOLITIKO.
4. Ang Kulturang Paleolitiko
(250,000-10,000 BCE)
Ang mga sinaunang tao sa Pilipinas ay
nabuhay sa pamamagitan ng pangongolekta
ng mga mahalagang bagay mula sa kanyang
kapaligiran; ang tawag dito ay
COLLECTING ECONOMY.
Gumamit sila ng mga kagamitang bato
bilang pangkayod, pangputol ng mga puno,
at upang patalasin ang iba pang kagamitang
bato.
Gumagamit na rin sila ng mga
kagamitang yari sa kahoy. Ang panahong ito
ay may 2 kulturang napaunlad, ang (1) lithic
o bato at ang (2) lignic o kahoy.
5. Ang Kulturang Paleolitiko
(250,000-10,000 BCE)
Ang populasyon ay maliit lamang.
Isang pangkat nukleyar na mayroong 30
miyembro, na madaling natutugunan ang
pangangailangan sa pagkain. Isa sa mga
halimbawa ng kulturang ito ay ang mga
TASADAY ng COTABATO.
Ayon sa mga antropologo, ang
pangangalap ng pagkain para sa ganito
kalaking grupo sa panahon ng Lumang
Bato ay kaya na ng apat na oras at di na
kailangang mag-imbak ng pagkain liban
na lang kung dumami sila.
6. Ang Kulturang Paleolitiko
(250,000-10,000 BCE)
Ang sinaunang yunit ng lipunan
ay ang pamilyang nukleyar. Kabilang
ang ibang kaanak na pamilya. Ito ay
nakakabuti sa kanilang pang-
ekonomikong pangangailangan at sa
kanilang seguridad o proteksiyon.
Ang kanilang pang-ekonomiyang
kaayusan ay tinatawag na
PRIMITIVE COMMUNALISM.
Isang uri ng sistema kung saan ang
pagkakaroon ng pribadong pag-aari
7. Ang Kulturang Paleolitiko
(250,000-10,000 BCE)
Isa sa importanteng pagpapahalaga
na napaunlad ng mga sinaunang tao sa
Pilipinas ay ang pagkakaroon ng malalim
na pakikipag-ugnayan sa kanyang
kapaligiran. Napakahalaga ng likas na
yaman sa kanyang buhay kaya’t labis din
ang kanilang paggalang sa mga ito.
Isa pa sa mga pagpapahalagang
napaunlad nila ay ang pangangalaga at
pakikiisa sa kanilang mga kaanak. Kung
saan ang pagmamahal na ito sa kanilang
pamilya ay naging isang panlipunang
8. Ang Kulturang Paleolitiko
(250,000-10,000 BCE)
Samakatuwid, ang mga sinaunang tao sa
Pilipinas, tulad din ng mga sinaunang tao sa
ibang bahagi ng mundo na may kulturang
paleolitiko, ay may iniwang sarili niyang
pamana. Sa tulong ng mga arkeolohikong
katibayan, pinamana nila ang isang
teknolohiya na tumugon sa kanilang mga
pangangailangan, isang ekonomiyang
malaya sa pagmamanipula ng iba, at isang
kaayusang panlipunang batay sa
pagmamahalan at pagkakapantay-pantay, at
isang sistema ng pagpapahalaga na pinag-isa
ang mga miyembro ng lipunan.
9. Ang Kulturang Neolitiko (10,000-500
BCE)
Simula ng pag-aalaga ng mga hayop
at mga halaman sa kabahayan upang
matugunan ang pangangailangan sa
pagkain at sa iba pang bagay.
Ang mga kagamitang bato, panghiwa at
pang-aning kagamitan ay matatagpuan sa
mga Tasaday ng Cotabato.
Ang mga kagamitan sa pangangaso ay
mas napabuti.
Ang mga pag-unlad na ito ay
nakatulong para sa pagkakaroon ng
10. Ang Kulturang Neolitiko (10,000-500
BCE)
Ang pangangailangan para sa pag-
iimbak ng pagkain ay nagbigay daan para sa
pagbabago sa mga kagamitang baskets at
lalagyan na karaniwang gawa sa dahon at
sanga ay napalitan ng balat ng hayop, kahoy
at clay.
Sa mga pagbabagong ito, ang pangangalap
ng pagkain at pagtatanim ay iniatang sa mga
kalalakihan. Samantalang ang pag-aalaga sa
mga bata at sa tahanan ay naiatang sa mga
kababaihan.
Ang pamamahala sa mga surplus na
pagkain at ang pamamahagi ng mga ito ay
11. Ang Kulturang Neolitiko (10,000-500
BCE)
3,000 to 5,000 BCE ang pag-aalaga
ng baboy, aso, at manok ay lumaganap sa
Timog Silangang Asya kasama ang
Pilipinas.
Ang mga lipunan ay nagsimulang
gumamit ng mga palamuti dulot ng
pagpapalitan ng produkto at kultura. Ang
ilan sa mga palamuting ito ay natagpuan
sa Manunggul Cave sa Palawan at Lallo
sa Cagayan.
Nagsimulang gumawa ng mga banga
na unang ginamit sa mga ritwal. Ngunit
12. Ang Kulturang Neolitiko (10,000-500
BCE)
Ang ilang mga banga ay ginagamit sa
paglilibing, tulad ng mga Manunggul jars sa
Tabon Cave na ginamit noong 890 BCE.
Ang pinakamatandang mga banga ay
natagpuan sa Sulu at Dimolit, Isabela.
Ang mga banga sa Sulu ay ginamit noong
4,500 BCE at ang sa Dimolit ay noong 3,000
BCE.
Ilang kagamitan sa paghahabi ang
natagpuan sa Cagayan Valley – ang Arku
Cave at Lanna Site.
Si Otley Beyer, ay maraming natagpuang
mga kagamitan sa paghahabi sa Lallo,
13. Ang Kulturang Neolitiko (10,000-
500 BCE)
Marami pang mga natagpuang
artifacts na may kaugnayan sa
panahong ito sa iba’t ibang lugar sa
bansa. Sa paghahanap ni Robert Fox
sa mga kuweba ng Palawan at Lipuon
Point ay marami siyang natagpuan.
Gayundin sa Pilanduk Cave (3500-
4500 BCE), Nigpet Cave (1000-1500
BCE), Manunggul Cave (710-890
14. Ang Panahong Metal (500 BCE-900
CE)
Ang pag-unlad at rebolusyong
teknolohiya sa mga neolitikong
pamayanan ay binigyang-daan sa
paggamit ng metal. Sa India ito ay
nagsimula noong 2300 BCE sa Harappa.
Sa China noong 1500 BCE sa panahon ng
Dinastiyang Shang. Sa North Vietnam ay
sa panahon ng Dongson 800 BCE. Saigon,
2000 BCE. Sa Non Nok Ta sa Thailand
15. Ang Panahong Metal (500 BCE-900
CE)
Sa Pilipinas, batay sa pag-aaral ni
Robert Fox sa Palawan, ang panahong
metal ay nagsimula noong 600-500 BCE
at nahahati sa dalawa: ang “Early Metal
Age” panahon ng paggamit ng bronse at
salamin; at ang “Developed Metal Age”
ang paggamit ng bronse, salamin at bakal.
Ang ilan sa mga pruwebang
arkeolohikal sa panahong ito ay ang mga
kagamitang bronse at bakal na natagpuan
16. Ang Panahong Metal (500 BCE-900 CE)
Ang mga kuwintas na yari sa bakal, bato at
salamin at mga bakal na bracelets mula sa
Manunggul Cave (190 BCE); mga kuwintas
na bakal at salamin mula sa Kalatagbak area
(400-600 CE); mga bakal na natagpuan sa
Bato Cave sa Bacon, Sorsogon (500 BC); at
ang mga karayom na gawa sa brass mula sa
Musang Cave sa Cagayan (2 160 BC). *first
brass in SEA
Gintong Panahon ng Paggawa ng
Palayok/Banga sa Pilipinas
17. Ang Panahong Metal (500 BCE-900 CE)
Ang mga kagamitang yari sa jade ay
natagpuan din sa panahong ito na
nagpapakita ng impluwensiya ng Vietnam sa
bansa; at magpapatunay sa pakikipag-
ugnayan natin sa mga kalapit na bansa sa
TSA.
Isa sa mga produkto ng ugnayang ito ay
ang pagkakaroon ng mataas na antas ng
teknolohiyang pandagat at kalakalan, lalo na
sa paggawa ng barko. Ang mga bangkang
nahukay sa Butuan noong 1978 (320 BC) ay