1. Ang katagang bago ang kasaysayan o prehistorya ay ang
kasaysayan o historya ng sangkatauhan bago natutong
makapagsulat ang mga tao ng kasaysayan. Nilalarawan ng
parirala o pamagat na ito ang kapanahunan bago ang nakatalang
kasaysayan. Natutuklasan lamang ito sa pamamagitan ng
larangan ng arkeolohiya. Orihinal na nilikha ni Paul Tournal ang
katagang Pranses na pré-historique upang ilarawan ang mga
natagpuan niya sa loob ng mga kuweba ng katimugang Pransya.
Naging gamitin ito sa Pransya noong dekada ng 1830 upang
ilarawan ang panahon bago ang pagsusulat, at ang salitang
prehistoric o prehistoriko ay ipinakilala ni Daniel Wilson sa
Ingles noong 1851.
Maaaring gamitin ang katawagang “prehistorya” o “bago ang
kasaysayan” upang tukuyin ang lahat ng mga panahon magmula
ang simula ng sanlibutan, bagaman mas madalas itong
ginagamit para tukuyin ang saklaw ng panahon magmula noong
lumitaw ang mga nilalang na wangis-tao. Sa paghahati ng
prehistoryang pangtao, karaniwang ginagamit ng mga
prehistoryano (mga arkeologo) ang sistema ng tatlong
kapanahunan, habang ginagamit naman ng mga dalubhasa ng
mga kapanahunan bago magkaroon ng mga tao ang talagang
matukoy o tunay na malarawang (kronostratigrapiya) tala ng
bato at ang pandaigdigang nailarawang kalipunan ng istratum na
nasa loob ng heolohikong sukatan ng panahon o era. Ang
sistema ng tatlong panahon ay ang peryodisasyon o
2. pagpapanahon-panahon ng prehistorya ng tao sa tatlong
magkakasunod na mga saklaw ng panahon, na pinangalanan
para sa kani-kanilang nangingibabaw na mga teknolohiya sa
paggawa ng mga kagamitan o mga kasangkapan: ang Panahon ng
Bato, ang Panahon ng Tanso (Panahon ng Tansong Kobre at
Panahon ng Bronse), at ang Panahon ng Bakal.
Ang pagkakaroon ng nasusulat na mga materyal (na simula ng
katutubong “mga panahong pangkasaysayan” o “mga panahong
historiko”) ay pangkalahatang nagkakaiba-iba sa mga
kalinangang ikinakategorya sa loob ng maaaring hulihan ng
Panahon ng Tanso o sa loob ng Panahon ng Bakal. Lumalalong
hindi nililimita ng mga manunulat ng kasaysayan o mga
historyano ang kanilang mga sarili sa mga katibayang mula sa
mga nasusulat na mga tala at nagsisimulang sumandig sa mga
ebidensiyang buhat sa likas at panlipunang mga aghan, kaya’t
lumalabo ang pagkakaiba sa pagitan ng mga salitang
“kasaysayan” (hitorya) at “bago ang kasaysayan” (prehistorya).
Ang ganitong pananaw ay ipinahayag na mga tagapagtangkilik ng
malalim na kasaysayan.
1 Paglalarawan
2 Guhit ng panahon ng Daigdig
3 Guhit ng panahon ng mga tao
4 Tingnan din
5 Mga sanggunian
Panahong paleolitiko
Ang Panahong Paleolitiko (500,000-10,500 BK) ay ang panahon
kung saan karamihan sa kasangkapan ng mga tao ay gawa sa
kahoy at madaling masira. Ito ang panahon kung saan ginagamit
ang bato bilang kasangkapan ng mga australopithecine. dito ay
3. laganap ang pangangaso at pangongolekta ng mga halaman sa
gubat.
Ang Panahon ng Bato o Stone Age] ay isang malawak na
kapanahunang prehestoriko (bago sumapit ang nasusulat na
kasaysayan) kung kailan at saan gumagamit ang mga tao ng mga
bato para sa paggawa ng mga kagamitan o kasangkapan.
Karamihan sa mga dalubhasa sa paksang ito ang naghahati sa
Panahon ng Bato sa tatlong peryodo: Matandang Panahong Bato
(Paleolitiko), Panggitna o Gitnang Panahon ng Bato (Mesolitiko),
at Bagong Panahon ng Bato (Neolitiko). Nagmula ang lithic o
litiko mula sa salitang Griyego na nangangahulugang “ng bato”
at tumutukoy sa mga materyales na ginagamit sa paggawa ng
mga kasangkapan at pagbubuo ng mga sandata. Kahit
magpahanggang-ngayon mayroon pa ring mga mamamayang
namumuhay sa loob ng kanilang kultura na may antas
masasabing pagkakaroon pa rin ng “panahon ng bato”. Ilan sa
mga halimbawa ang mga aborihines (aborigene) ng Australya at
ang mga Taong-Palumpong (Bushmen, mga “tao ng palumpong”)
ng Timog Aprika
Paleolitiko. Nanggaling ang mga pangalang ito sa Paleos
(matanda), at Lithos (bato). Samakatuwid, ang Paleolitiko ay ang
Lumang Bato (Old Stoneage). Ang Paleolitiko ay ang panahon
kung saan ang pagbabagong-anyo ng tao ay nakita. Isa sa mga
pinakamahalagang pangyayari dito ay ang pagdiskubre ng apoy.
Ang mga tao sa Paleolitiko ay mga nomadiko, o walang
permanenteng tirahan. Hinahati ang panahong Paleolitiko sa
tatlong bahagi: Lower, Middle at Upper. Ang Lower Paleolithic
Period ay sinasabing period ng pagbabago ng anyo ng tao. Dito
nakita ang isa sa mga pinakamahalagang stage ng tao na tawag
ay Australopithecine. Sinasabi ang nahukay na si Lucy ay isang
Australopithecine. Ang Middle Paleolithic Period ay sinasabing
4. period ng pagkontrol ng mga Hominid sa kanilang kapaligiran.
Sa panahon ring ito nagsimula mag-express ang mga tao ng
artistikong mga abilidad. Gumuguhit sila sa mga bato at
pinipinta nila ang kanilang mga katawan. Ang Upper Paleolithic
Period ay sinasabing period ng pagbuo ng kultura ng mga tao. Sa
panahon ring ito umusbong ang mga Cro-Magnon. Sa panahong
ito nagbago ang mga gawi, asal at pamumuhay ng mga tao.
Panahong Neolitiko
Ito ay ang bahagdan ng ebolusyong kultural kung saan ang mga naiwan ng
taong prehistoriko ay yaong mga kasangkapang bato na kininis bago
sumapit ang panahong metal.Tatlong pamantayan ang kasama sa
kahulugang ito-mga kininis na batong kasangkapan,palayok at agrikultura
at domestikasyon ng nga hayop.
Mga Katangian:
5. Nagsimulang magtanim at magsaka ang mga tao.Bunga nito,naging
permanente ang paninirahan ng mga tao.
Nagsimula ang pagpapalayok. Natutuhan ang paggawa ng mga bagay na
gawa sa putik tulad ng bricks na ginagamit sa paggawa ng bahay.
Natutuhang pakinisin ang mga magagaspang na bato at ginawang iba’t
ibang hugis at laki ayon sa kanilang gamit.
Natutuhang gamitin ang mga inaalagaang hayop tulad ng kabayo,baka
at asno bilang sasakyan o tagahila ng parago o karuwahe.
Nag-iimbak ng maraming bagay hindi lamang para sa sariling gamit
kundi upang makipagpalitan ng produkto. Dito nag simula ang
sistemang Barter o ang pagpapalitan ng produkto ng mga pangkat ng
tao.
Nagsimula ang konsepto ng palengke kung saan higit na maayos ang
sistema ng palitan ng mga produkto ng mga tao.
Ginamit ng Mesopotamia ang buto ng cacao bilang pambayad o
pamalit sa mga palengke.