2. KASANAYANG LINGGWISTIK O
GRAMATIKAL
• Ayon kina Canale at Swain ang kasanayang
gramatikal ay pag-unawa at paggamit sa kasanayan
sa ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika,
gayundin ang mga tuntuning pang-ortograpiya. Ang
component na ito ay magbibigay kakayahan sa taong
nagsasalita upang magamit ang kaalaman at
kasanayan sa pag-unawa at pagpapahayag sa literal
na kahulugan ng mga salita.
3. Mungkahing Komponent ng Kasanayang Linggwistik o
Kasanayang Gramatikal
(Celce-Murcia, Dornyei, at Thurell (1995)
Sintaks (pagsasama ng mga salita upang makabuo ng
pangungusap na may kahulugan)
o Istruktura ng pangungusap
o Tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita
o Uri ng pangungusap ayon sa gamit (pasalaysay, patanong,
pautos, padamdam)
o Uri ng pangungusap ayon sa kayarian (payak, tambalan,
hugnayan, langkapan)
o Pagpapalawak ng pangungusap
4. Morpolohiya (mahahalagang bahagi ng salita tulad ng iba’t ibang
bahagi ng pananalita
o Iba’t ibang bahagi ng pananalita
o Prosesong derivational at infleksyunal
o Pagbubuo ng salita
Leksikon (mga salitta o bokabularyo)
o Pagkilala sa mga
Content words (pangalan, pandiwa, pang-uri)
Function words (panghalip, mga pang-abay tulad ng pangatnig, pang-
ukol at pang-angkop
o Konotasyon at denotasyon
o Kolokasyon (pagtatambal ng salita at isa pang subordinate na salita
5. Ponolohiya at Palatanungan
o Segmental
o Katinig, patinig, tunog
o Suprasegmental
o Diin, intoasyon, hinto
Ortograpiya
o Mga grafema
Titik at di titik
o Pantig at palapantigan
o Tuntunin sa pagbaybay
o Mga bantas
6.
7. Ayon kay Dell Hymes, magiging mabisa
lamang ang komunikasyon kung ito ay
isasaayos, at sa pagsasaayos ng
komunikasyon, may mga bagay na dapat
isaalang-alang. Ginamit ni Dell Hymes ang
SPEAKING bilang acronym upang isa-isahin
ang mga dapat isaalang-alang upang
magkaroon ng mabisang pakikipagtalastasan.
Binuo niya ang modelo upang makatulong sa
pagsusuri ng diskurso.
8. S – Setting
P – Participant
E – Ends
A – ActSequence
K – Keys
I – Instrumentalities
N – Norms
G – genre
9. S – Setting – ang lugar o pook kung
saan nag-uusap o nakikipagtalastasan
ang mga tao. Mahalagang isaalang-
alang ang lugar kung saan nag-uusap
ang mga tao. Kinukonsidera natin ang
lugar na pinangyayarihan ng
pakikipagtalastasan upang maiangkop
ang paraan ng ating pananalita.
10. P – Participant – Ang mga taong
nakikipagtalastasan. Isinasaalang-alang din
natin ang ating kausap upang pumili ng paraan
kung paano siya kausapin.
E – Ends – Ang mga layunin o pakay ng
pakikipagtalastasan. Dapat bigyan ng
konsiderasyon ang pakay o layunin sa
pakikipag-usap. Nararapat isaalang-alaang ang
layunin natin upang maiangkop natin ang
paraan ng ating pakikipagtalastasan
11. A – Act Sequence – Ang takbo ng usapan.
Binigyang-pansin din ang takbo ng
usapan. Minsan ay nag-uumpisa tayo sa
mainit na usapan at kapag mahusay ang
nakikipag-usap madalas ay humahantong
ito sa mapayapang pagtatapos. Kung
minsan naman ay biruan na nagbubunga
ng pagkapikon at alitan. Ang isang
mahusay na communicator ay nararapat
lamang na maging sensitibo sa takbo ng
usapan.
12. K – Keys – ang tono ng pakikipag-
usap. Katulad ng setting o pook,
nararapat ding isaalang-alang ang
sitwasyon ng usapan, kung ito ba
ay pormal o di-pormal. Wala
sigurong makagugusto kung mga
salitang balbal ang gagamitin natin
sa ating pormal na okasyon.
13. I – Instrumentalities – tsanel o
midyum na ginamit, pasalita o pasulat.
Dapat isaisip ang midyum ng
pakikipagtalastasan. Iniaangkop natin
ang tsanel na gagamitin sa kung ano ba
ang sasabihin natin at kung saan natin
ito sasabihin.
14. N – Norms – paksa ng usapan. Mahalagang
alamin kung tungkol saan ang usapan. May
mga sensitibong bagay na kung minsan ay
limitado lamang ang ating kaalaman. Sa mga
ganitong sitwasyon, suriin muna natin kung
ang ilalahad natin ay tama o hindi. O di
kaya naman ay may mga paksang
eksklusibo, kagaya ng sinasabi ng mga
nakatatanda, mayroong mga “usapang
pangmatanda”, “usapang pambabae
lamang”, at “usapang panlalake lamang.”
15. G – genre – diskursong ginagamit, kung
nagsasalaysay, nakikipagtalo, o
nangangatwiran. Dapat iangkop ang uri
ng diskursong gagamitin sa
pakikipagtalastasan. Minsan dahil sa
miskomunikasyon sa genre ay hindi
nagkakaunawaan ang magkausap.
Editor's Notes
Halimbawa, kapag tayo ay nanonood ng isang pormal na palatuntunan, hindi tayo nakikipag-usap sa iba na parang tayo ay nasa kalsada lamang o nasa isang kasayahan.