2. . Ang sex ay tumutukoy sa
kasarian – kung lalaki o babae.
Ito rin ay maaaring tumukoy sa
gawain ng babae at lalaki na
ang layunin ay reproduksiyon
ng tao.
3. ang gender - naman ay
tumutukoy sa mga
panlipunang gampanin,
kilos, at gawain na
itinatakda ng lipunan para
sa mga babae at lalaki.
5. ang sexuality (sekswalidad) - ay
tumutukoy sa sekswal na
oryentasyon ng isang tao o sa
kaniyang sekswal sa atraksiyon sa
iba at sa kaniyang kapasidad na
tumugon dito. Ang ilan sa mga salik
sa pagkakaroon ng isang uri ng
sekswalidad ay ang kultura ,
pagpapalaki, imluwensya ng mga
kaibigan at media.
6. Ang paksang gender at
sekswalidad ay may
kaugnayan din sa iba pang
kontemporaryong isyu gaya
ng Reproductive Health Law,
same sex marriage,
prostitusyon at pang aabuso
7. MGA PANGUNAHING URI NG
SEXUALITY
1.Atraksyon sa isang uri ng kasarian
Heterosexual – mga taong
nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng
kabilang kasarian, mga lalaki na ang
gustong makatalik ay babae at mga
babaeng gusto naman ay lalaki
8. Homosexual – mga nagkakaroon
ng seksuwal na pagnanasa sa mga
taong nabibilang sa katulad na
kasarian, mga lalaking mas gustong
lalaki ang makakatalik (gay o
bakla) at mga babaeng mas gusto
ang babae bilang sekswal na
kapareha ( tomboy o lesbian).
9. 2. Atraksyon sa iba’t-ibang uri ng
kasarian
Dito nauuri ang tinatawag na
bisexuality o ang atraksyong
sekswal sa kaparehong kasarian at
sa miyembro ng opposite sex(hindi
kabaro). Ang bisexual ay
tumutukoy sa naaakit sa babae o
lalaki, o sumasali sa heterosexual
at homosexual na gawain.
10. Ang pansexuality o
omnisexuality naman ay yaong
atraksyong sekswal sa ano mang
kasarian.Itinuturing ng mga
nagpapakilalang pansexual na
sila ay gender-blind at hindi raw
mahalaga ang gender at kasarian
sa atraksyong sekswal.
11. Mas malawak ang
pansexuality kaysa sa
sentidong ang mga
pansexual ay bukas sa
pakikipagrelasyon sa mga
hindi tuwid(straight) na
lalaki o babae.
12. 3. Walang sexual na atraksyon
sa kanino man
May tinatawag ding
asexuality o ang kawalan ng
atraksyong sekswal kanino
man. Ang mga asexual ay hindi
aktibo sa gawaing sekswal (
sexually inactive) o walang
sekswal na pagnanasa.