Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
pagsusulit grade 10.pptx
1.
2. Panuto: Mula Sa Napakinggang Talata, Ibigay Ang Hinihinging Kasagutan Sa
Bawat Katanungan. Isulat Sa Patlang Ang Titik Ng Tamang Sagot.
______1. Sino Si Padre Florentino?
a. Anak Ng Tanyag Na Tao c. Ang Nagtapon Ng Kayaman Ni Simoun
b. Pumasok Sa Seminaryo d. Ang Pinagkatiwalaan Ni Simoun Ng Kaniyang Lihim
______2. Bakit Kailangang Mag- Aral Ayon Kay Padre Florentino?
a. Upang Makapagtrabaho Sa Hinaharap
b. Para Magkaroon Ng Disiplina Sa Sarili
c. Para Maging Matalino At Makagawa Ng Kabutihan
d. Upang Makamit Ang Inaasam Na Kalayaan
______3. Ilarawan Si Padre Florentino.
a. Mahinahon At Matapat Sa Kapwa c. May Malamig Na Kalooban At Magalang
b. Masunurin Sa Magulang d. Lahat Ng Mga Nabanggit
3. ______4. Sino ang nasunod sa kursong pagpapari ni Padre Florentino?
a. ang kaniyang tiyuhin c. ang kaniyang pinsan
b. ang kaniyang ama d. ang kaniyang ina
______5. Bakit itinapon ni Padre Florentino ang kayamanan at mga labi
ni Simoun sa dagat?
a. upang wala ng makaalam
b. upang manatiling lihim ang pagkatao ni Simoun
c. upang hindi na muling pag- ugatan ng kasamaan
d. upang masolo niya ang kayamanan
4. Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng matalinghagang pahayag sa
bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot.
______6. “Isa po kayong tao na bahagi ng buhay ko. Inakala ng marami na patay na
ngunit batid kong babalik kayo upang panagutin ang nagbigay kasiphayuan sa
buhay ninyo.” – Basilio
a. Wala nang pakialam sa nakaraan
b. Babalik upang ipakitang may pakialam siya sa nakaraan
c. Di na babalik at kalilimutan na ang lahat ng nangyari sa nakaraan
d. Magbabalik upang maghiganti sa mga taong nagdulot ng kabiguan sa kanya
______7. “Kailangang-kailangan ng bansang ito ang mga kabataang nangangarap
ng kalayaan, katiwasayan, at kaunlaran.” – Simoun
a. Kabataan ang pag-asa ng bayan b. Ang kabataan ang siyang sisira sa bayan
c. Ang kabataan ang saksi sa pagbangon ng bayan
d. Kailangan ang mga kabataang may matayog na pangarap para sa bayan
5. ______8. “Humimlay ka sa kapayapaan at sa iyong libingan. Hindi ka na makaririnig
ng mga daing sa karimlan.” – Basilio
a. Malaya na sa mga suliranin ng bayan b. Makararanas pa ng kapighatian
c. Labis na pagmamahal sa pamilya d. Wala nang pakiaalam sa bayan
______9. “Huli na po tayo, pumanaw na siya.” –Basilio
a. Nagkita sa huling sandal b. Nagtagpo sa huling hantungan
c. Hindi na maibabalik ang kahapon d. Hindi nakaabot sa huling sandali
ng kanyang buhay
_______10. Nakaiinip ang takbo ng mabagal na orasan.” -Basilio
a. Pagdaan ng araw b. Nais tumigil ang araw
c. Nayayamot sa paghihintay d. Nagmamadaling maisagawa ang gawain
6. Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kasingkahulugan ng mga salitang hiram sa
wikang Espanyol na nasa Hanay A. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
HANAY A HANAY B
_____11. Kutsero a. Kalaban ng pamahalaan
_____12. Prayle b. Pera
_____13. Pilibustero c. Drayber
_____14. Kuwarta d. Simbahan
_____15. Subersibo e. Mapaghimagsik
f. Pari
7. Panuto: Suriin ang kaisipang lutang sa akda. Piliin sa kahon ang tamang sagot.
Isulat ang iyong sagot sa patlang.
A. Diyos B. Bayan C. Kapwa D. Magulang
_______16. Walang makatitiis na magulang sa kanyang mga anak, mabigyan
lamang ng mabuting kinabukasan.
_______17. Hindi dapat hamakin ang bawat isa anuman ang estado niya sa buhay
malakas man o mangmang, mahirap man o mayaman
_______18. Di-dapat kumitil ng buhay na may buhay at diyos lamang ang may
karapatan tanging siya lang ang nakakaalam.
_______19. Bilang isang mamamayan kinakailangan sumunod sa mga alintuntunin
ng pamahalaan at igalang ang mga pinatutupad na batas may katungkulan ka man
o wala.
_______20. Pagtulong sa mga nangangailngan, sa panahon ng kagipitan lalo na
ngayong pandemya.
8.
9. Panuto: Tukuyin ang damdaming namamayani sa mga sumusunod na pahayag.
_______1. “Sinabi ko na nga sa kanya, sinabi ko na nga ba”, pahayag
ng Hukom-Pamayapa nang mabalita ang nangyari kay Basilio.
a.Pagkatuwa b. paninisi c. pagwawalang-bahala d. pagkayamot
_______2. “Sadyang iyan ang naghihintay sa mga taong pati agua
bendita ay pinandidirihan”, ani Hermana Penchang.
a.Pagkagalit b. pagkatuwa c. panghihinayang d. naiinis
_______3. Wala kang dapat ikatakot, ako’y kasama mo naman sa
pagpunta sa kumbento”, ang sabi ni Hermana Bali.
a. nagpapalakas ng looobb. nag-uudyok c. naiinis d. nagagalit
10. _______4. “Ang tao ay sadyang mabuti, subalit kapag iyong inaapi at niyurakan ang
dangal, ito‟y matutong lumaban, maipagtanggol lamang ang kanyan”
a.Katanyagan b.Karapatan c.Kayamanan d.Karangyaan
_______5. “Gobernador Isusuko ko lang ang lupaing iyan kong didiligin nila ito ng
dugo ng kanilang asawa at anak “
a.Kaligayahan b.Kamatayan c.Katarungan d.Kasawian
_______6. “Magagawa niya ang ibig gawin; ako‟y mangmang at walang
maipangahas na lakas.”
a.Kalungkutan b.Karalitaan c.Kahinaan d.Kamalasan
_______7. “Sa maliit na batong bughaw ay maaaring ipatapon ng isang tao ang
kanyang kaaway at maaaring makauwi ang isang tao sa kanyang tahanan”
a.Kagitingan b.Katapangan c.Kapayapaan d.Kakisigan
11. _______8. “Nagsisilbi ako at nagsisilbi ako ng maraming taon sa hari sa
pamamagitan ng aking salapi at pagod.”
a.Katapatan b.Katarungan c.Kagalakan d.Kaayusan
_______9. “Katulad ng butong galing sa aking asawa ang bawat tubong tumutubo
roon.”
a.Kalungkutan b. Katunayan c. Kaugnayan d.Katarungan
_______10. “ Hindi ka na mananagot dito. Itatago unti- unti ang mga baril sa bawat
bahay.”Ano ang damdaming ipinahahayag?
a. Naninigurado b. nagsusumamo c.Nagpapaalala d. nakikiusap
12. Nakilala sa kapuluan si Donya Victorina sa kaniyang mga
kasagwaan at walang pakundangan sa anumang maibigan.
Pinagpapaumanhinan lamang siya sa malimit niyang pagdalo-
dalo sa lipunan kung kasama niya si Paulita, ang kaniyang
pamangking napakaganda at napakayaman na ulila nang lubos at
si Donya Victorina ang nangangasiwa sa kaniya. Matanda na ang
Donya nang mapangasawa niya ang sawimpalad na si Tiburcio de
Espadania. Labinlimang taon na siyang may asawa at sa
pagnanais niyang maging Europeo ay gumagamit siya ng huwad
na damit- Europeo. -Mula sa El Filibusterismo
13. _______11. Bakit hinahanap ni Donya Victorina ang kaniyang asawa?
a. nawawala b. nagtatago c. lumayas d. dinukot
_______12. Ang pangunahing tauhan ay may ugaling pabor sa __________.
a. Kastila b. Pilipino c. lahat ng nabanggit d. Intsik
_______13. Ang kadahilanan sa pagpapaumanhin kay Donya Victorina ay_____.
a. may kasamang magandang pamangkin
b. may kasamang magandang kamag- anak
c. may kasamang magandang anak
d. may kasamang magandang dalaga
14. Sa pagnanais na makalaya si basilio ay
naisip niyang lumapit kay padre camorra.
Ngunit nag-aalangan ito dahil sa maaaring
gawin sa kaniya. Ayaw man niya ay nagtungo si
juli kay padre camorra bilang nag-iisa niyang
pag-asa para sa nobyo. Nagtungo si juli sa
kumbento. At tulad ng naiisip ni juli, hinalay siya
ng pari. Dahil hindi kinaya ang kahihiyang
ginawa, tumalon si juli sa bintana ng kumbento.
-Mula sa buod ng el filibusterismo
15. ______14. May masamang kutob na si Juli subalit nagpatuloy pa rin siya sa
pagpunta sa kumbento sapagkat ____________________.
a. nais niyang makalaya si Basilio b. nagtiwala siya kay Hermana Bali.
c. natatakot siya kay Padre Camorra d. naniniwala siya na makikinig ang pari.
______15. Kung ikaw si Juli, gagawin mo ba ang pagpapatiwakal dahil sa nangyari
sa iyong masama?
a. Hindi, dahil ito ay masama.
b. Oo, dahil wala ng halaga ang buhay ko.
c. Oo, dahil ito na ang desisyon ko
d. Oo, dahil hindi na ako mahal ni Basilio.
16. Panuto: buuin ang kaisipang nakapaloob sa pahayag na binigkas ni simoun sa
filibusterismo. Piliin sa kahon ang angkop na salita.
“Isang malaking(16) _____________.” Pagtutol ni Simoun.
“Kaydali ninyong malinlang ng (17) _________ na pangako na
hindi niyo man lang pinag-aaralan ang magiging bunga.
Kailanman ay hindi magiging Wikang(18) ______________ ang
wikang (19)_________ sapagkat iyan ay hindi kayang salitain
ng mga tao. Hindi magiging tugon ang wikang iyan sa kaisipan
at (20)___________ ng mga Indiyo.”
a. Kamalian b. Pambansa c. Matatamis d. Bunga e. Damdamin f. Kastila
17. Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan
ng El Filibusterismo. Isulat ang letrang ABCDE sa mga patlang.
_____21. Marami ang kasawiang dinanas ng pamilya ni Dr. Jose Rizal dahil sa
pagkakasulat niya ng Noli Me Tangere.
_____22. Inihandog ni Dr. Jose Rizal ang nobelang El Fili sa alaala ng mga paring
martir.
_____23. Sa El Filibusterismo, ipinakilala ni Rizal ang isang pagbabanyuhay niya
bilang nobelista.
_____24. Nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888 dahil sa pangamba
niyang manganib ang kanyang pamilya.
_____25. Nailimbag ang El Filibusterismo noong Setyembre 18, 1891 sa Ghent,
Belgium.
18. Panuto: Sumulat ng isang pangungusap na maglalarawan sa mga tauhan sa
bawat bilang.
26. ______________________________________________
27. ______________________________________________