SlideShare a Scribd company logo
1 of 16
AP7 Q4 LAS NO. 2.0 Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya (18-19 siglo)
NAME:______________________________________ SECTION: ___________________ DATE: ________ SCORE: ______
PAUNANG PAGSUSULIT Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ang Indochina ay binubuo ng mga bansang Cambodia, Vietnam, at ______.
A. Brunei B. Laos C. Myanmar D. Thailand
2. Ito ay isang halamang gamot na kapag inabuso ay nagdudulot ng masamang epekto sa kalusugan.
A. lagundi B. opyo C. oregano D. tawa tawa
3. Bansang nagkaroon ng sphere of influence ang mga Kanluranin.
A. China B. Japan C. Korea D. Vietnam
4. Bansang humiling ng Open Door Policy sa China.
A. Canada B. Germany C. Russia D. USA
5. Patakarang ipinatupad ng mga Dutch sa Indonesia.
A. resident system B.culture system C. reduccion D. polo y servicio
6. Tinagurian itong Buffer State, nasa pagitan ng mga bansang nasakop ng mga Kanluranin.
A. Brunei B. Korea C. Myanmar D. Thailand
7. Ang resident system ay patakarang ipinatupad ng mga British sa______.
A. Cambodia B. Malaysia C. Myanmar D. Singapore
8. Pinunong Hapones na tumanggap sa modernisasyon ng bansa.
A. Hirohito B.Mutsuhito C. Naruhito D. Taisho
9. Sa kasunduang ito, naisalin sa Amerika ang pamumuno nito sa Pilipinas.
A. Kasunduang Kanagawa C. Kasunduang Tordesillas
B. Kasunduan sa Paris D. Kasunduan sa Biak- na- Bato
10. Tinawag na melting pot ang bansang ito dahil nagtagpo ang iba’t ibang mga kultura at pangkat-etniko.
A. Cambodia B. Laos C. Malaysia D. Pilipinas
PAGSUSURI NG TEKSTO Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin (Ika-18 - 19 na siglo)
Nagpatuloy ang pananakop ng mga Kanluranin dahil na rin sa kumpetisyon sa pananakop ng mga lupain at pagkontrol sa
kalakalan. Kinailangan nila ng likas na yaman ng nasakop na bansa upang makagawa ng maraming produkto na sa
kalaunan ay ipagbibili din sa mga nasakop na bansa. Ano-ano ang mga bansang nasakop?
1. China
Pamprosesong Tanong:
1. Bakit hindi agad nakipagkalakalan/ nakipag – ugnayan ang China sa mga dayuhan?
2. Paano napasok ng England ang ekonomiya at kalakalan sa China?
AP7 Q4 LAS NO. 2 Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya (18-19 siglo)
NAME:______________________________________ SECTION: ___________________ DATE: ________ SCORE: ______
Pigura 2: Sanhi at Bunga ng mga Digmaang Opyo
Ano ang idinulot sa China ng kanyang pagkatalo sa Digmaang Opyo? ___________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
AP7 Q4 LAS NO. 2.1 Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya (18-19 siglo)
NAME:______________________________________ SECTION: ___________________ DATE: ________ SCORE: ______
Pigura 3: Mga Bansang may Sphere of Influence sa China
Ito ay tumutukoy sa mga rehiyon sa China kung saan nangingibabaw ang karapatan ng Kanluraning bansa na kontrolin
ang ekonomiya at pamumuhay ng mga tao dito. Ito ang idinulot ng pagkatalo ng China sa dalawang digmaang opyo.
AP7 Q4 LAS NO. 2.2 Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya (18-19 siglo)
NAME:______________________________________ SECTION: ___________________ DATE: ________ SCORE: ______
Iminungkahi ni John Hay(1838-1905) dating Secretary of State
ng USA na ipatupad ang Open Door Policy kung saan magiging
bukas ang China sa pakikipagkalakalan sa ibang bansa na walang
sphere of influence rito.
2. Japan Napaunlad ng Japan ang kanyang ekonomiya,
napatingkad ang kultura, at napatatag ang pamahalaan dahil sa
pagsasarara ng kanyang daungan. Isa ito sa mga bansang ninais
masakop ng mga Kanluranin.
Commodore Matthew Perry (1794-1858)
Millard Fillmore (1800-1874) Ika-13 Pangulo ng U.S.A.
Emperador Mutsuhito (1852-1912)
Bansa Bansa Bansang Sumakop/
Layunin sa Pananakop
Paraan ng
Pananakop/Dahilan
Patakarang Pinairal/ Epekto
3.PILIPINAS Amerika *Pagkontrol sa
kalakalan sa AsyaPasipiko
Pinairal ang pamahalaang
militar at pamahalaang
sibil Idineklara ang Araw
ng Kalayaan ng Pilipinas
noong Hunyo 12, 1898 sa
pangunguna ni Emilio
Aguinaldo – Unang
Pangulo ng Republika
1.Nagpatayo ng
pampublikong paaralan.
*Thomasites – unang gurong
Amerikano
2. Nagpagawa ng mga ospital,
kalsada at gusaling
pampamahalaan.
4.INDONESIA NETHERLANDS Iminungkahi ni Johannes
Van den Bosch ang culture
system (cultivation system)
Culture system – ang 1/5 ng
lupain ng mga magsasakang
Indones ay tataniman ng mga
produktong iniluluwas ng
mga Dutch. Hindi na
nakapagtanim para sa
kanilang pangangailangan.
5.MALAYSIA ENGLAND Dahil sa plantasyon ng
goma (rubber tree) at
reserba ng lata (tin)
Melting pot – lugar o rehiyon
kung saan nagtatagpo ang
iba’t ibang kultura at
pangkatetniko.
6.Singapore
(SingapuraLion City
ENGLAND Pinakamaganda at
pinakamaunlad na
daungan sa Timog Silangan
1.Pagtuturo ng salitang
English at kasaysayan ng
Britanya. 2. Pagtatalaga ng
Asya.kinontrol ng mga
British at kumita ng malaki
mula sa pakikipagkalakalan
sa mga karatig bansa at
mga bansang Kanluranin.
mga sundalong magbabantay
sa mga lugar na nasakop. 3.
Pagtatalaga ng himpilang
pang-kalakalan.
7.Myanmar (Burma) ENGLAND Sinakop upang mapigilan
ang magtatangkang
sumakop sa India.
Natalo ang mga Burmese sa
digmaang Anglo –Burmese at
nilagdaan ang Kasunduang
Yandabo noong ika 24 ng
Pebrero, 1826. Resident
system – patakaran na
ipinatupad ng mga British sa
Burma.Ang British resident
ang kinatawan ng British sa
Burma at may karapatang
makipag-usap,
makipagkasundo,makipagkala
n at magdesisyon sa mga
usaping panlabas ng Burma
na dating gawain ng hari.
8.French Indochina –
pinagsamang India at
China (Laos,Cambo
diaVietnam)
Naging protektorado ng
France.
Pagkontrol sa mayamang
kalikasan, at magandang
daungan
Ang mga French ang
humawak sa iba’t ibang
posisyon ng pamahalaan.Ang
tanim na palay ay ginamit ng
mga French sa
pakikipagkalakan kaya’t
lumaganap ang kagutuman sa
mga rehiyon.
Dagdag –Kaalaman Ang Thailand at Korea ay pawang malalayang bansa. Ang una ay tinaguriang “Buffer State” dahil sa
kanyang lokasyon, napapagitnaan ng dalawang bansang kolonya . Samantala, ang Korea ay tinawag na “ Hermit
Kingdom” dahil isinara nito ang bansa sa impluwensiya ng mga banyaga.
Panuto: Ang mga watawat sa kaliwa ay
representasyon ng mga bansang sumakop sa Asya.
Isulat sa loob ng kahon ang mga bansang nasakop
sa Silangan at Timog Silangang Asya.
Sagutin ang mga katanungan.
1. Batay sa Gawain B, ano’ng bansang Kanluranin
ang may pinaka maraming nasakop sa Asya?
2. Bakit madaling nasakop ang mga bansa sa Asya?
3. Maituturing mo bang maunlad ang mga
bansang nanakop? Magtala ng katibayan.
4. Paano napanatili ng Thailand at Korea ang
pagiging malayang bansa?
5. Ano ang mabuti at masamang epekto ng
pagsakop sa Silangan at Timog Silangang Asya?
1.Mataas ang pagtingin ng China sa sarili nitong kultura at bansa.
A. Isolationism B. Legalism C. Mercantilism D. Sinocentrism
2.Ito ay isang ritwal na nagpapakita ng paggalang sa emperador ng China.
A. bowing B. kowtow C. hand shake D. salute
3.Ang teritoryong ito ay napasailalim sa pamahalaang British bilang kabayaran ng China sa pagkatalo nito sa Unang
Digmaang Opyo.
A. Canton B. Hong Kong C. Macau D. Taiwan
4. Ang mga sumusunod na bansa ay kasama sa sphere of influence ng China maliban sa _______.
A. America B. France C. Germany D. Japan
5. Dating Pangulo ng America na humiling sa Japan na buksan ang daungan para sa kanilang mga barko.
A. A. Lincoln B. H. Truman C. M. Fillmore D. T. Roosevelt
6. Nagmungkahi ng culture system sa Indonesia.
A. Johannes van den Berg B. Johannes van den Bosch
C. Johannes Campheys D. Johannes Kepler
7. Ang bansang Malaysi ay sinakop ng mga British dahil sa plantasyon ng …
A. mahogany B. narra C. rubber tree D. teak
8. Ang bansang ito ay sinakop ng England upang mapigilan ang magtatangkang sumakop sa India.
A. Malaysia B. Myanmar C. Singapore D. Thailand
9. Bansang sinakop ng America upang makontrol ang kalakalan sa AsyaPasipiko.
A. Myanmar B. Pilipinas C. Singapore D. Thailand
10. Kasunduang nilagdaan ng mga Burmese pagkatapos nilang matalo sa labanan laban sa mga British.
A. Kanagawa B. Tordesillas C. Yandabo D. Zaragoza
TANDAAN: Dahil sa likas na yaman ng Asya, gumamit ng iba’t ibang paraan ang mga Kanluranin upang pamunuan at
maimpluwensiyahan ang kultura at pamumuhay ng mga katutubo. Nagkaroon ng paghahalo ng kulturang dayuhan at
katutubo.Ang mga sinakop na bansa ay nakapagdagdag sa kanila ng kayamanan at higit na kapangyarihan.Ang
pamumuno sa pamahalaan ay dulot na rin ng impluwensiyang Kanluranin.Makikita pa rin sa kasalukuyan ang mga
patunay ng kolonyalismo at imperyalismong naganap sa Asya.
GAWAIN #2 Panuto: Isaayos ang mga letra ayon sa kahulugan nito.
1. Ritwal ng paggalang sa emperador ng China.
W K O T W O
2. Pinakamaganda at pinakamaunlad na daungan sa Timog Silangang Asya.
G S N I E R P O A
3. Naging protektorado ng France ang tatlong bansang kabilang dito.
N O D N C I H A I
4. Unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas
O L I M I E D O A U I N A G L
5. Sinakop ng England upang mapigilan ang magtatangkang sumakop sa India
R M Y M A N A
GAWAIN PAGNINILAY: Ang Thailand at Korea ay nanatiling malayang bansa sa panahon ng kolonyalismo dahil sa
estratehiya ng pamahalaan na hindi masakop ng Kanluranin. Bilang mamamayan, sa ano’ng pangyayari mo nararanasan
ang kawalan ng kalayaan? Sumulat ka ng isang sanaysay tungkol dito na may pamagat na: “ Paano ang maging Malaya”
AP7 Q4 LAS NO. 2.3 Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya (18-19 siglo)
NAME:______________________________________ SECTION: ___________________ DATE: ________ SCORE: ______
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa iyong
kwaderno.
1. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng epekto ng kolonyalismo at imperyalismong
Kanluranin sa ekonomiya ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya noong ika16 hanggang ika-19 na siglo?
A. Nagpatayo ng mga simbahan upang maipalaganap ang relihiyong Kristiyanismo
B. Nagtalaga ng mga banyagang kinatawan upang pamunuan ang nasakop na bansa
C. Nagpagawa ng mga kalsada at riles ng tren upang mapabilis ang pakikipagkalakalan
D. Nagpalabas ng mga kautusan upang mapasunod ang mga katutubong Asyano
2. Alin sa mga bansang ito ang naghahangad na magkaroon ng kolonya sa Silangang Asya partikular sa bansang China?
A. Taiwan B. Portugal C. Macao D. France
3. Ito ay isang patakaran ng isang bansa na mamamahala ng mga sinakop upang magamit ang likas na yaman ng mga
sinakop para sa sariling interes.
A. Imperyalismo B. Nasyonalismo C. Kolonyalismo D. Patriyotismo
4. Maraming pagbabago ang dulot ng kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin sa Asya. Isa dito ay ang pagbabago sa
kultura na naging dahilan sa kawalan ng tunay na pagkakaisa ng mga mamamayang Asyano sa kani-kanilang bansa.
Makikita na may kaugnayan sa mga hamon na nararanasan ng mga Asyano sa kasalukuyan. Ano ang nararapat na gawin
upang maging bahagi sa paglutas ng nabanggit na suliranin?
A. Sisihin ang mga Kanluraning bansa na nanakop sa mga bansangAsyano
B. Tanggihan ang mga turista na mula sa mga bansa na nanakop noon sa Asya
C. Magsumikap sa pag-aaral upang hindi maging pabigat sa lipunan
D. Tanggapin ang mga pagbabagong naganap at gamitin para mapaunlad ang bansa
5. Ano ang mahihinuha mo sa kalagayan ng pamumuhay ng mga Asyano sa ilalim ng mga mananakop?
A. Ang pagsasaka ay kinontrol ng mga mananakop.
B. Mas napalago ng mga mananakop ang sektor ng agrikultura
C. May kalayaan ang mga bansang Asyano pa pamunuan ang sariling bansa.
D. Ang mga Asyano ay lubos na binabantayan sa kanilang pagtatrabaho.
6. Ano ang pangunahing dahilan ng mga Espanyol sa pagsakop ng Pilipinas?
A. Mayaman sa ginto B. May mahusay na daungan C. Mayaman sa yamang Likas D. Lahat na nabanggit
7. Anong relihiyon ang ipinalaganap ng mga Espanyol sa Pilipinas?
A. Aglipayan B. Protestante C. Budhismo D. Kristiyanismo
8. Kailan unang dumaong sa Isla ng Homonhon si Ferdinand Magellan? Upang sakupin ang Pilipinas?
A. Febrero 11, 1521 B. Abril 17, 1521 C. Marso 16, 1521 D. Mayo 18, 1521
9. Ito ay isang paraan ng pananakop na kung saan pinag-aaway-away ng mga mananakop ang mga lokal na pinuno o
naninirahan sa isang lugar.
A. Divide Policy B. Rule Policy C. Policy D. Divide and Rule Policy
10. Anu-ano ang mga nangungunang bansang Kanluranin na nagpapaligsahan sa pagsakop ng mga lupain sa Asya?
A. France at Netherlands B. Spain at Portugal C. England at France D. Spain at England
Sa nakaraang gawain, nabatid mo ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa Imperyalismong Kanluranin sa Asya. Sa
kasalukuyan, maraming dokumento ang naglalahad ng paghihirap na dinanas ng mga katutubong Asyano sa kamay ng
mga mananakop na Kanluranin. Ngunit, ano nga ba ang dahilan ng mga Kanluranin kung bakit sila nanakop ng
mga lupain? Bakit kaya para sa kanila ay tama ang kanilang ginawa, na ito ay isang misyon? Basahin at unawin mo ang
sumusunod na sanggunian.
Ang tula na The White Man’s Burden ay isinulat ni Rudyard Kipling noong 1899. Sa tula na ito ay biniyang-katuwiran ni
Kipling ang ginawang pananakop ng mga Kanluranin. Basahin at unawain ang nilalaman ng tula.
THE WHITE MAN'S BURDEN
Rudyard Kipling
Take up the White Man's burden -
Send forth the best ye breed -
Go bind your sons to exile
To serve your captives' need;
To wait in heavy harness
On fluttered folk and wild - Your new-caught sullen
peoples,
Half devil and half child.
Take up the White Man's burden -
In patience to abide
To veil the threat of terror
And check the show of pride;
By open speech and simple,
An hundred times made plain,
To seek another's profit,
And work another's gain.
Take up the White Man's burden -
The savage wars of peace -
Fill full the mouth of famine
And bid the sickness cease;
And when your goal is nearest
The end for others sought,
Watch Sloth and heathen Folly
Bring all your hopes to nought.
Take up the White Man's burden -
No tawdry rule of kings,
But toil of serf and sweeper -
The tale of common things.
The ports ye shall not enter,
The roads ye shall not tread,
Go make them with your living,
And mark them with your dead !
Take up the White Man's burden -
And reap his old reward,
The blame of those ye better,
The hate of those ye guard -
The cry of hosts ye humour
(Ah slowly !) towards the light:-
"Why brought ye us from bondage,
"Our loved Egyptian night ?"
Take up the White Man's burden -
Ye dare not stoop to less -
Nor call too loud on Freedom
To cloak your weariness;
By all ye cry or whisper,
By all ye leave or do,
The silent sullen peoples
Shall weigh your Gods and you.
Take up the White Man's burden -
Have done with childish days -
The lightly proffered laurel,
The easy, ungrudged praise.
Comes now, to search your manhood
Through all the thankless years,
Cold-edged with dear-bought wisdom,
The judgement of your pee
Pagbubuod Nagtagumpay ang mga Kanluranin na makapaglayag sa ibang lupain dahil mayroon silang angkop na
kagamitan tulad ng ________________________________. Ayon sa mga Kanluranin, tungkulin nila na tulungan ang
sangkatauhan lalo na ang mga bansa sa Africa at Asya dahil naniniwala sila na ____________________________
PAGSUSURI NG TEKSTO:
Sang-ayon ka ba sa dahilan ng mga Kanluranin sa pananakop ng mga lupain? Bakit?
KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA
KOLONYALISMO- ay tumutukoy sa pagtatamo ng mga lupain upang matugunan ang layuning pangkomersiyal at
panrelihiyon sa isang bansa. Ang kolonisasyon ng mga kanluranin mula ika14 na siglo hangganag ika18 na siglo ay
nagsimula sa pagnanais ng mga bansang Europeo na maipalaganap ang kanilang pananampalataya, matuklas ang iba
pang ruta patungo sa silangan upang simulan ang pagtatag ng mga kumpanyang pangkalakalan at kilalanin sila bilang
makapangyarhang bansa.
IMPERYALISMO- ay tumutukoy sa patakaran ng isang makapangyarihang bansa na palawakin ang kanilang kapang-
yariham sa pamamagitan ng pagsakop o pagkontrol sa pangakabuhayan at pampolitikong kaayusan ng isa o iba’t ibang
bansa.
Mga lupain at bansa sa Silangan at Timog Silangan Asya na sinakop ng mga Kanluranin noong Unang Yugto ng
Imperyalismo (ika-16 at ika-17 siglo).
Upang maisakatuparan ang kanilang mga layunin, nagtayo ng kolonya ang mga
Kanluranin sa Asya. Nagkaniya-kaniya ang mga Kanluranin sa pagsakop sa mga bansang Asyano. Ang rehiyon ng Silangan
at Timog-Silangang Asya ay mga rehiyon na lubusang naapektuhan ng pananakop.
Kadalasan, isang bansang Kanluranin ang nakakasakop sa isang bansang Asyano, subalit may mga pagkakataon
din na dalawa o higit pang bansa ang nakakasakop dito. Iba-iba ang pananaw ng mga Kanluranin sa pananakop ng lupain.
Habang ang iba ay sinakop ang buong bansa, ang iba naman ay sinakop lamang ang mga piling bahagi nito.
Sa yunit na ito ay malalaman mo ang mga kolonya na itinatag ng mga Kanluranin sa Silangan at Timog-Silangang
Asya. At ano ang mga epekto nito sa pamumuhay ng mga Asyano.
SILANGANG ASYA
Sa loob ng mahabang panahon ay mayroon nang ugnayan ang Silangang Asya sa mga bansang Kanluranin dahil sa mga
sinaunang rutang pangkalakalan. Bunga nito, nabatid ng mga Kanluranin ang karangyaan ng mga bansa sa Silangang Asya.
Bagamat maraming naghangad na ito ay masakop, hindi gaanong naapektuhan ang Silangang Asya ng Unang Yugto ng
Imperyalismong Kanluranin dahil na rin sa matatag na pamahalaan ng mga bansa dito.Isa ang bansang Portugal sa mga
Kanluraning bansa na naghangad na magkaroon ng kolonya sa Silangang Asya partikular sa China. Nakuha ng Portugal
ang mga daungan ng Macao sa China at Formosa (Taiwan). Hindi nagtagal ay nilisan din ng Portugal ang mga
nabanggit na himpilan. Sa Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin, maraming bansa ang nag-unahan na masakop
ang bansang China.
TIMOG SILANGANG ASYA
Kung ang Silangang Asya ay hindi gaanong naapektuhan, iba naman ang naging kapalaran ng mga bansa sa Timog
Silangang Asya noong Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin. Karamihan ng mga daungan sa sa rehiyong ito ay
napasakamay ng mga Kanluranin. Ang mataas na paghahangad na makontrol ang kalakalan ng mga pampalasa at
pagkuha ng ginto ang siyang nagtulak sa kanila na sakupin ang Timog- Silangang Asya. Nauna ang mga bansang Portugal
at Spain sa pananakop ng mga bansa. Nang lumaya ang Netherlands mula sa pananakop ng Spain, nagtayo rin ito ng mga
kolonya sa Timog Silangang Asya. Hindi nagtagal ay sumunod din ang mga bansa ng England at France
Ang sumusunod ay bansa sa Timog Silangang Asya na sinakop noong Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin.
Ferdinand Magellan:
Narating niya ang Silangan gamiit ang rutang pakanluran. Napatunayan sa kaniyang paglalakbay na bilog ang mundo.
Kristiyanismo:
Relihiyong ipinalaganap ng mga Español. Isa ito sa mga paraan na kanilang ginamit sa pananakop ng Pilipinas. Nakatulong
ang mga misyonero na mapalaganap ang kristiyanismo pagkatapos maisakatuparan ang patakarang reduccion (ito ay
naglalayon na mailipat ang mga katutubo na maninirahan sa malayong lugar upang matiyak ang kanilang kapangyarihan
sa kolonya, gayundin ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo) Nasakop ng relihiyon ang pag-iisip at damdamin ng mga
Pilipino kung kaya’t mas madali silang mapasunod ng mga Español.
Sumakop: España
Mga lugar na Sinakop: Halos kabuuan ng Luzon at Visayas at ilang bahagi ng Mindanao
Dahilan: Mayaman ang Pilipinas sa ginto. May mahusay na daungan tulad ng Maynila.
Paraan ng Pananakop: Unang dumaong sa Isla ng Homonhon si Ferdinand Magellan, Isang Portugues na naglalayag para
sa hari ng España noong Marso 15, 1521. Nabigo niyang masakop ang Pilipinas dahil napatay siya sa mga tauhan ni Lapu
Lapu sa labanan sa Mactan. Nagpadala ang hari ng España ng iba pang manlalakbay na ang layunin ay sakupin ang
Pilipinas. Ang paglalakbay ay pinamumunuan ni Miguel de Lopez de Legazpi, ang nagtagumpay na masakop ang bansa sa
pamamagitan ng pakikipagsanduguan sa mga lokal na pinuno at pagamit ng dahas. Itinayo ang unang pamayanan ng
Español sa Cebu noong Abril 27, 1565 mula dito ay sinakop din ang iba pang lupain tulad ng Maynila na itinuring na isa sa
pinakamagandang daungan at sentro ng kalakalan sa Asya. Nakatulong din sa pananakop ng Spain ang pagpapalaganap
ng relihiyong Kristiyanismo. Natuklasan din ng mga Español ang karangyaan ng Pilipinas sa ginto lalo na sa mga lugar ng
Ilocos, Camarines, Cebu, at Butuan sa Mindanao.
Mindanao:
Hindi tulad ng Luzon at Visayas. Ilang bahagi lamang ng Mindano ang nasakop ng mga Español dahil sa matagumpay na
pakikipaglaban ng mga Muslim.
Sanduguan:
Iba-Iba ang mga paraan ng mga Español sa pananakop. Isa rito ay ang pakikipagkaibigan ng mga lokal na pinuno na
pormal nilang ginagawa sa pamamagitan ng
Sanduguan. Iniinom ng lokal na pinuno at pinunong Español ang alak na hinaluan ng kanikanilang dugo. Sa ibang lugar
naman ay ginagamitan ng puwersa o dahas upang masakop ang lupain.
Mga Patakarang ipinatupad ng mga Español sa Pilipinas
Ang sumusunod ay patakaran na ipinatupad ng mga Español:
Pangkabuhayan:
Tributo - Sa patakarang ito pinagbabayad ng buwis ng mga Español ang mga katutubo. Ilan sa maaring ipambayad ay
ginto, mga produkto, at mga ari-arian. Dahil sa pag-aabuso sa pangongolekta maraming katutubo naghirap at nawalan ng
kabuhayan.
Polo y Servicio - Sa ilalim ng patakarang ito ay sapilitang pinagtrabaho ang mga kalalakihang edad 16 hanggang 60.
Pinapagawa sila ng tulay, kalsada, simbahan, gusaling pampamahalaan at marami pang iba. Marami sa kanila ang
nahiwalay sa pamilya at namatay sa hirap.
Monopolyo - Kinokontrol ng mga Español ang kalakalan. Hinawakan nila ang pagbebenta ng mga produktong nabibili sa
Europe tulad ng tabako. kumita rin sila ng Malaki sa kalakalang Galyon. Maraming pamilya ang nagutom dahil hindi na
sila nakapagtanim ng kanilang makakain. May ilang pamilyang Pilipino ang kumita sa Kalakalang Galyon. Sila ang mga
tinatawag na mga Ilustrado.
Pampulitika:
Sentralisadong Pamahalaan
Napasailalaim sa pamumuno ng mga Español ang halos kabuuan ng bansa. Itinalaga ng hari ng Espanyol bilang kaniyang
kinatawan sa Pilipinas ang Gobernador- Heneral. Siya ang pinakamataas na Pinunong Espanyol sa Pilipinas. nawala sa
kamay ng mga katutubo ang karapatang pamununuan ang kanilang sariling lupain. Pinayagan silang mag-lingkod sa
pamahalan subalit sa pinakababang posisyon.
Ang Simbahang Katoliko
Dahil sa impluwensya sa taong-bayan, naging makapangyarihan din ang mga Español na pari at Kura paroko noong
panahon ng pananakop ng mga Español.
Pangkultura:
Pagapapalaganap ng Kristiyanismo - Niyakap ng mga katutubo ang kristiyanismo. Ipinapatay ang mga pinuno ng mga
Katutubong relihiyon. Dahil dito maraming katutubo ang nagingkristiyano at mas madaling napasunod ng mga Español.
Wika at mga pagdiriwang - Natuto ang mga katutubo ng wikang Español. Idinaos din ang mga
taunang pagdiriwang tulad ng piyesta ng bayan, Santacruzan, Araw ng mga patay, Pasko.
Kadalasan, Ang mga pagdiriwang ay may kaugnayan sa kristiyanismo. Lalong nagpakulay sa kultura ng mga katutubo ang
nabanggit na pagdiriwang.
INDONESIA
Sumakop: Portugal, Netherlands at England
Mag Lugar na sinakop: Ternate sa Moluccas, inagaw ng Netherlands mula sa Portugal. Panandaliang nakuha ng England
subalit ibinalik din sa Netherlands. Batavia (Jakarta): Nasakop ng Netherlands.
Dahilan: Mayaman sa mga pampalasa, mga sentro ng kalakalan at maayos na daungan.
Paraan ng pananakop: Dahil sa paghahangad ng mga pampalasa, narating ng Portugal ang Ternate sa Moluccas
noong1511. Nagtayo sila ng himpilan ng kalakalan dito at nagsimulang palaganapin ang relihiyong kristiyanismo. Pinaalis
ng mga Dutch ang mga Portuges noong 1655 at sinakop ang mga isla ng Amboina at Tidore ng Moluccas gamit ang mas
malakas na puwersang panadirigma. Upang mapanatili ang kanilang kapangyarihan nakipag alyansa ang mga Dutch sa
mga lokal na pinuno ng Indonesia. Gumamit din sila ng Divide and Rule Policy upang mapasunod at masakop ang mga
nabanggit na Isla. Dahil dito nagkakaroon ng monopolysa kalakalan ng mga pampalasa ang mga Dutch. Lalo pang
napatatag ng Dutch ang monopolyo nang itinatag nito ang Dutch East India Company. Pansamantalang nakuha ng
England ang Moluccas dahil sa epekto ng Napoleonic wars subalit nabalik din ito sa mga Dutch matapos ang
digmaan.
Netherlands:
Dating sinakop ng mga Español ang Netherlands. Nang lumaya ito nagsimula siyang magpalakas ng kagamitan sa
paglalakbay sa dagat. Dutch ang mga tawag sa nanainirahan dito.
Moluccas:
Tinatawag ding Maluku. Kilala bilang Spice Island. Ito ang lupain na nais marating mg mga Kanluranin upang makontrol
nila ang kalakalan ng mga pampalasa. Sa kasalukuyan ito ay, bahagi ng bansang Indonesia.
Dutch East India Company
Itinatag ng pamahalaan ng Netherlands ang Dutch East India Company noong 1602 upang pagisahin ang mga kompanya
na nagpapadala ng paglalayag sa Asya.Pinahihintulutan ang Dutch East India Company na magkaroon ng sariling hukbo
na magtatanggol laban sa mga pirata, nagtayo ng mga daungan sa mga lupaing nasasakop, at makikipagsundo sa lokal ng
pinuno ng mga bansa sa Asya. Binigyan din ito ng pamahalaan ng Netherlands na manakop ng mga lupain. Nakontrol ng
Dutch East India Company Ang Spice Trade sa Timog-Silangang Asya sa nagpayaman sa bansa ng Netherlands.
Mga pampalasa
Mataas na paghahangad at pangangailangan ng mga kanluranin sa mga pampalasa ng makukuha sa Asya tulad ng cloves,
nutmeg, at mace. Halos kasing halaga ng gitno ang mga pampalasang ito sa pamilihan ng mga bansa sa Europe.
Divide and Rule Policy
Isang paraan ng pananakop kung saan pinag-away-away ng mananakop ang mga lokal na pinuno o mga naniniraham sa
isang lugar, Ginagamit ng mga mananakop ang isang tribu upang masakop ang ibang tribo.Hindi tulad ng mga Español,
sinakop lamang ng mga Dutch ang mga sentro ng kalakalan ng mga Indones noong 1511. Ito ang naging pangunahing
patakaran ng mga Dutch sa pamumuno ng Dutch East India Company sa pananakop dahil mas malaki ang kanilang
kikitain at naiiwasan pa nila ang pakikidigma sa mga katutubong pinuno. Subalit, kung kinakailangan, gumagamit din sila
ng puwersa o dahas upang masakop ang isang lupain. Bunga nito, pangunahing naapektuhan ang kabuhayan ng mga
katutubong Indones. Lumiit ang kanilang kita at marami ang naghirap dahil hindi na sila ang direktang nakikipagkalakalan
sa mga dayuhan. Sa kabila ng pagkontrol sa kabuhayan, hindi naman lubusang naimpluwensiyahan ng mga Dutch ang
kultura ng mga Indones.
Tulad ng Pilipinas, maraming bansa rin ang sumakop sa Malaysia. Ito ay ang Portugal, Netherlands at England.
Pangunahing layunin din ng mga nanakop na bansa ang pagkontrol sa mga sentrong kalakalan. Bukod sa kalakalan,
sinubukan din ng mga Portuges na palaganapin ang Kristiyanismo sa mga daungan na kanilang nasakop subalit hindi sila
nagtagumpay dahil sa malakas na impluwensiya ng Islam sa rehiyon.
Samantala, hindi gaanong naimpluwensiyahan ng mga bansang Netherlands at England ang kultura ng Malaysia.
Maraming katutubo ang naghirap dahil sa pagkontrol ng mga nabanggit na bansa sa mga sentro ng kalakalan sa Malaysia.
Pamprosesong Tanong:
Sagutin ang mga sumusunod na tanong at isulat sa iyong kwaderno.
1. Ano ang pangunahing dahilan ng mga Español sa pagsakop sa Pilipinas?
2. Paano sinakop ng mga Español ang Pilipinas? Ipaliwanag ang pamamaraang ginamit.
3. Sa iyong palagay, mabuti ba ang layunin ng Espanya sa pananakop sa Pilipinas?
GAWAIN B. PAGHAHAMBING: UNANG YUGTO
Suriin ang epekto,pagkakaiba at pagkakatulad ng mga karanasan ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na
sinakop ng mga Kanluranin. Punan ng tamang sagot ang chart. Isulat sa activity Notebook ang sagot
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang isinasaad ng pangungusap ay tama at MALI naman kong ang isinasaad ay mali.
Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.
1. Maraming bansang kanluranin ang naghahangad na masakop ang Moluccas. ___
2. Mahalaga para sa Netherlands ang Dutch East India Company. ____
3. Hindi agad nakapanakop ang bansang Netherlands. ___
4. Mahal ang presyo ng mga pampalasa sa pamilihan ng Europe. ____
5. Naging matagumpay ang Divide ang Rule Policy. ____
6. Tama ang ginawang pakikipagkaibigan ng mga lokal na pinuno sa mga Español. ____
7. Napasailalim sa pamumuno ng mga Español ang kabuuan ng Pilipinas sa panahon ng pananakop. ____
8. Walang kaugnayan ang Relihiyong Islam sa matagumpay na Labanan ng Taga Mindanao ng sakupin ito ng mga Español.
____
9. Ang bansang Portugal ang naghangad na magkaroon ng Kolonya sa Asya. ____
10. Ang Tributo ay isang patakaran na ipinatupad ng mga Dutch sa Pilipinas. ____

More Related Content

What's hot

Kaugnayan ng Iba't Ibang Ideolohiya sa pag-usbong ng Nasyonalismo at kilusang...
Kaugnayan ng Iba't Ibang Ideolohiya sa pag-usbong ng Nasyonalismo at kilusang...Kaugnayan ng Iba't Ibang Ideolohiya sa pag-usbong ng Nasyonalismo at kilusang...
Kaugnayan ng Iba't Ibang Ideolohiya sa pag-usbong ng Nasyonalismo at kilusang...RJBalladares
 
Balangkas ng Pamahalaan sa Timog at Kanlurang Asya COT-RPMS Aligned
Balangkas ng Pamahalaan sa Timog at Kanlurang Asya COT-RPMS AlignedBalangkas ng Pamahalaan sa Timog at Kanlurang Asya COT-RPMS Aligned
Balangkas ng Pamahalaan sa Timog at Kanlurang Asya COT-RPMS AlignedJuan III Ventenilla
 
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang KanluraninPaggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang KanluraninDwight Vizcarra
 
Mga Salik, Pangyayari at Kahalagahan ng Nasyonalismo sa Pagbuo ng mga Bansa s...
Mga Salik, Pangyayari at Kahalagahan ng Nasyonalismo sa Pagbuo ng mga Bansa s...Mga Salik, Pangyayari at Kahalagahan ng Nasyonalismo sa Pagbuo ng mga Bansa s...
Mga Salik, Pangyayari at Kahalagahan ng Nasyonalismo sa Pagbuo ng mga Bansa s...KristelleMaeAbarco3
 
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 7 10.docx
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 7 10.docxBanghay Aralin sa Araling Panlipunan 7 10.docx
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 7 10.docxThriciaSalvador
 
A.P 8 SIM 3rd Quarter Ikalawang Yugto ng Imperyalismo
A.P 8 SIM 3rd Quarter Ikalawang Yugto ng ImperyalismoA.P 8 SIM 3rd Quarter Ikalawang Yugto ng Imperyalismo
A.P 8 SIM 3rd Quarter Ikalawang Yugto ng ImperyalismoMejicano Quinsay,Jr.
 
Imperyalismo at kolonyalismo sa silangan at timog silangang asya
Imperyalismo at kolonyalismo sa silangan at timog silangang asyaImperyalismo at kolonyalismo sa silangan at timog silangang asya
Imperyalismo at kolonyalismo sa silangan at timog silangang asyaNovelyn Bualat
 
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang AsyaKolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asyaedmond84
 
Mga ruta ng kalakalan
Mga ruta ng kalakalanMga ruta ng kalakalan
Mga ruta ng kalakalanIan Pascual
 
Neokolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya.pptx
Neokolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya.pptxNeokolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya.pptx
Neokolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya.pptxedmond84
 
Kaugnayan ng Ibat Ibang Ideolohiya sa mga Malawakang Nasyonalista
Kaugnayan ng Ibat  Ibang Ideolohiya sa mga Malawakang NasyonalistaKaugnayan ng Ibat  Ibang Ideolohiya sa mga Malawakang Nasyonalista
Kaugnayan ng Ibat Ibang Ideolohiya sa mga Malawakang Nasyonalistaedmond84
 
Nasyonalismo sa Asya (Anyo at Manipestasyon)
Nasyonalismo sa Asya (Anyo at Manipestasyon)Nasyonalismo sa Asya (Anyo at Manipestasyon)
Nasyonalismo sa Asya (Anyo at Manipestasyon)Joy Ann Jusay
 
Ang Kinalaman ng Edukasyon sa Pamumuhay ng mga Asyano sa Timog at Kanlurang Asya
Ang Kinalaman ng Edukasyon sa Pamumuhay ng mga Asyano sa Timog at Kanlurang AsyaAng Kinalaman ng Edukasyon sa Pamumuhay ng mga Asyano sa Timog at Kanlurang Asya
Ang Kinalaman ng Edukasyon sa Pamumuhay ng mga Asyano sa Timog at Kanlurang Asyaedmond84
 
MGA SAMAHANG PANGKABABAIHAN AT MGA KALAGAYANG PANLIPUNAN.pptx
MGA SAMAHANG PANGKABABAIHAN AT MGA KALAGAYANG PANLIPUNAN.pptxMGA SAMAHANG PANGKABABAIHAN AT MGA KALAGAYANG PANLIPUNAN.pptx
MGA SAMAHANG PANGKABABAIHAN AT MGA KALAGAYANG PANLIPUNAN.pptxPatricioAonuevoTonga
 
AP7 - Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya (Q3...
AP7  - Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya (Q3...AP7  - Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya (Q3...
AP7 - Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya (Q3...JoAnnOleta
 
Araling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
Araling Asyano Learning Module - Fourth QuarterAraling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
Araling Asyano Learning Module - Fourth Quarter南 睿
 
Mga dahilan ng ikalawang yugto ng imperyalismo at
Mga dahilan ng ikalawang yugto ng imperyalismo atMga dahilan ng ikalawang yugto ng imperyalismo at
Mga dahilan ng ikalawang yugto ng imperyalismo atOlhen Rence Duque
 
Asya at ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Asya at ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig Asya at ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Asya at ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig LGH Marathon
 
What's hot (20)

Kaugnayan ng Iba't Ibang Ideolohiya sa pag-usbong ng Nasyonalismo at kilusang...
Kaugnayan ng Iba't Ibang Ideolohiya sa pag-usbong ng Nasyonalismo at kilusang...Kaugnayan ng Iba't Ibang Ideolohiya sa pag-usbong ng Nasyonalismo at kilusang...
Kaugnayan ng Iba't Ibang Ideolohiya sa pag-usbong ng Nasyonalismo at kilusang...
 
Balangkas ng Pamahalaan sa Timog at Kanlurang Asya COT-RPMS Aligned
Balangkas ng Pamahalaan sa Timog at Kanlurang Asya COT-RPMS AlignedBalangkas ng Pamahalaan sa Timog at Kanlurang Asya COT-RPMS Aligned
Balangkas ng Pamahalaan sa Timog at Kanlurang Asya COT-RPMS Aligned
 
Dll ap7 quarter-3
Dll ap7 quarter-3Dll ap7 quarter-3
Dll ap7 quarter-3
 
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang KanluraninPaggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin
 
Mga Salik, Pangyayari at Kahalagahan ng Nasyonalismo sa Pagbuo ng mga Bansa s...
Mga Salik, Pangyayari at Kahalagahan ng Nasyonalismo sa Pagbuo ng mga Bansa s...Mga Salik, Pangyayari at Kahalagahan ng Nasyonalismo sa Pagbuo ng mga Bansa s...
Mga Salik, Pangyayari at Kahalagahan ng Nasyonalismo sa Pagbuo ng mga Bansa s...
 
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 7 10.docx
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 7 10.docxBanghay Aralin sa Araling Panlipunan 7 10.docx
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 7 10.docx
 
A.P 8 SIM 3rd Quarter Ikalawang Yugto ng Imperyalismo
A.P 8 SIM 3rd Quarter Ikalawang Yugto ng ImperyalismoA.P 8 SIM 3rd Quarter Ikalawang Yugto ng Imperyalismo
A.P 8 SIM 3rd Quarter Ikalawang Yugto ng Imperyalismo
 
Imperyalismo at kolonyalismo sa silangan at timog silangang asya
Imperyalismo at kolonyalismo sa silangan at timog silangang asyaImperyalismo at kolonyalismo sa silangan at timog silangang asya
Imperyalismo at kolonyalismo sa silangan at timog silangang asya
 
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang AsyaKolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
 
Mga ruta ng kalakalan
Mga ruta ng kalakalanMga ruta ng kalakalan
Mga ruta ng kalakalan
 
Neokolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya.pptx
Neokolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya.pptxNeokolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya.pptx
Neokolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya.pptx
 
Yunit iii
Yunit iiiYunit iii
Yunit iii
 
Kaugnayan ng Ibat Ibang Ideolohiya sa mga Malawakang Nasyonalista
Kaugnayan ng Ibat  Ibang Ideolohiya sa mga Malawakang NasyonalistaKaugnayan ng Ibat  Ibang Ideolohiya sa mga Malawakang Nasyonalista
Kaugnayan ng Ibat Ibang Ideolohiya sa mga Malawakang Nasyonalista
 
Nasyonalismo sa Asya (Anyo at Manipestasyon)
Nasyonalismo sa Asya (Anyo at Manipestasyon)Nasyonalismo sa Asya (Anyo at Manipestasyon)
Nasyonalismo sa Asya (Anyo at Manipestasyon)
 
Ang Kinalaman ng Edukasyon sa Pamumuhay ng mga Asyano sa Timog at Kanlurang Asya
Ang Kinalaman ng Edukasyon sa Pamumuhay ng mga Asyano sa Timog at Kanlurang AsyaAng Kinalaman ng Edukasyon sa Pamumuhay ng mga Asyano sa Timog at Kanlurang Asya
Ang Kinalaman ng Edukasyon sa Pamumuhay ng mga Asyano sa Timog at Kanlurang Asya
 
MGA SAMAHANG PANGKABABAIHAN AT MGA KALAGAYANG PANLIPUNAN.pptx
MGA SAMAHANG PANGKABABAIHAN AT MGA KALAGAYANG PANLIPUNAN.pptxMGA SAMAHANG PANGKABABAIHAN AT MGA KALAGAYANG PANLIPUNAN.pptx
MGA SAMAHANG PANGKABABAIHAN AT MGA KALAGAYANG PANLIPUNAN.pptx
 
AP7 - Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya (Q3...
AP7  - Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya (Q3...AP7  - Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya (Q3...
AP7 - Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya (Q3...
 
Araling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
Araling Asyano Learning Module - Fourth QuarterAraling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
Araling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
 
Mga dahilan ng ikalawang yugto ng imperyalismo at
Mga dahilan ng ikalawang yugto ng imperyalismo atMga dahilan ng ikalawang yugto ng imperyalismo at
Mga dahilan ng ikalawang yugto ng imperyalismo at
 
Asya at ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Asya at ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig Asya at ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Asya at ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
 
Similar to AP7 Q4 LAS NO. 2 Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya (18-19 siglo).docx

lasangsphereofinfluencesachina-190215220801(1).docx
lasangsphereofinfluencesachina-190215220801(1).docxlasangsphereofinfluencesachina-190215220801(1).docx
lasangsphereofinfluencesachina-190215220801(1).docxJackeline Abinales
 
Strategic Intervention Materials in Araling Asyano by JUAN R.VENTENILLA III
Strategic Intervention Materials in Araling Asyano by JUAN R.VENTENILLA IIIStrategic Intervention Materials in Araling Asyano by JUAN R.VENTENILLA III
Strategic Intervention Materials in Araling Asyano by JUAN R.VENTENILLA IIIJuan III Ventenilla
 
AP7 Q4 W1-Kolonyalismo at Imperyalismo.pptx
AP7 Q4 W1-Kolonyalismo at Imperyalismo.pptxAP7 Q4 W1-Kolonyalismo at Imperyalismo.pptx
AP7 Q4 W1-Kolonyalismo at Imperyalismo.pptxREYNOLDBORREO2
 
PRE-TEST_ARALING PANLIPUNAN 6.docx
PRE-TEST_ARALING PANLIPUNAN 6.docxPRE-TEST_ARALING PANLIPUNAN 6.docx
PRE-TEST_ARALING PANLIPUNAN 6.docxcarlo658387
 
LEARNING ACTIVITY SHEET Ang Sphere of Influence sa China.docx
LEARNING ACTIVITY SHEET     Ang Sphere of Influence sa China.docxLEARNING ACTIVITY SHEET     Ang Sphere of Influence sa China.docx
LEARNING ACTIVITY SHEET Ang Sphere of Influence sa China.docxJackeline Abinales
 
AP 7 4th Quarter Epekto at Papel ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Silang...
AP 7 4th Quarter  Epekto  at Papel ng Imperyalismo  at Kolonyalismo sa Silang...AP 7 4th Quarter  Epekto  at Papel ng Imperyalismo  at Kolonyalismo sa Silang...
AP 7 4th Quarter Epekto at Papel ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Silang...LuzvimindaAdammeAgwa
 
Modyul 8 ang pagsibol at pagsilang ng nasyonalismo sa asya
Modyul 8   ang pagsibol at pagsilang ng nasyonalismo sa asyaModyul 8   ang pagsibol at pagsilang ng nasyonalismo sa asya
Modyul 8 ang pagsibol at pagsilang ng nasyonalismo sa asya南 睿
 
Morga-LP_AP8-Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin.docx
Morga-LP_AP8-Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin.docxMorga-LP_AP8-Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin.docx
Morga-LP_AP8-Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin.docxLeslieMorga
 
Modyul 17 labanan ng mga bansa sa daigdig
Modyul 17   labanan ng mga bansa sa daigdigModyul 17   labanan ng mga bansa sa daigdig
Modyul 17 labanan ng mga bansa sa daigdig南 睿
 
FRENCH INDO.pptx
FRENCH INDO.pptxFRENCH INDO.pptx
FRENCH INDO.pptxGlydell1
 
Modyul 16 ang pag-unlad ng nasyonalismo
Modyul 16   ang pag-unlad ng nasyonalismoModyul 16   ang pag-unlad ng nasyonalismo
Modyul 16 ang pag-unlad ng nasyonalismo南 睿
 
Exam gp3 2011_reviewer
Exam gp3 2011_reviewerExam gp3 2011_reviewer
Exam gp3 2011_reviewervardeleon
 
Leyte National High School- Mahabang Pagsusulit sa WW1 at WW2
Leyte National High School- Mahabang Pagsusulit sa WW1 at WW2Leyte National High School- Mahabang Pagsusulit sa WW1 at WW2
Leyte National High School- Mahabang Pagsusulit sa WW1 at WW2Rejane Cayobit
 
Modyul 11 ang labanan sa pagitan ng espanya at estados unidos
Modyul 11  ang labanan sa pagitan ng espanya at estados unidosModyul 11  ang labanan sa pagitan ng espanya at estados unidos
Modyul 11 ang labanan sa pagitan ng espanya at estados unidos南 睿
 
AP 6 Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas
AP 6 Ang Pananakop ng mga Hapones sa PilipinasAP 6 Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas
AP 6 Ang Pananakop ng mga Hapones sa PilipinasJuan Miguel Palero
 
Modyul 6 kolonyalismo...tunay na motibo sa pagpunta ng mga
Modyul 6   kolonyalismo...tunay na motibo sa pagpunta ng mgaModyul 6   kolonyalismo...tunay na motibo sa pagpunta ng mga
Modyul 6 kolonyalismo...tunay na motibo sa pagpunta ng mga南 睿
 
Panahon ng Ikatlong Republika ng Pilipinas_quiz.pptx
Panahon ng Ikatlong Republika ng Pilipinas_quiz.pptxPanahon ng Ikatlong Republika ng Pilipinas_quiz.pptx
Panahon ng Ikatlong Republika ng Pilipinas_quiz.pptxeldredlastima
 
Similar to AP7 Q4 LAS NO. 2 Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya (18-19 siglo).docx (20)

lasangsphereofinfluencesachina-190215220801(1).docx
lasangsphereofinfluencesachina-190215220801(1).docxlasangsphereofinfluencesachina-190215220801(1).docx
lasangsphereofinfluencesachina-190215220801(1).docx
 
My demo
My demoMy demo
My demo
 
Strategic Intervention Materials in Araling Asyano by JUAN R.VENTENILLA III
Strategic Intervention Materials in Araling Asyano by JUAN R.VENTENILLA IIIStrategic Intervention Materials in Araling Asyano by JUAN R.VENTENILLA III
Strategic Intervention Materials in Araling Asyano by JUAN R.VENTENILLA III
 
AP7 Q4 W1-Kolonyalismo at Imperyalismo.pptx
AP7 Q4 W1-Kolonyalismo at Imperyalismo.pptxAP7 Q4 W1-Kolonyalismo at Imperyalismo.pptx
AP7 Q4 W1-Kolonyalismo at Imperyalismo.pptx
 
PRE-TEST_ARALING PANLIPUNAN 6.docx
PRE-TEST_ARALING PANLIPUNAN 6.docxPRE-TEST_ARALING PANLIPUNAN 6.docx
PRE-TEST_ARALING PANLIPUNAN 6.docx
 
LEARNING ACTIVITY SHEET Ang Sphere of Influence sa China.docx
LEARNING ACTIVITY SHEET     Ang Sphere of Influence sa China.docxLEARNING ACTIVITY SHEET     Ang Sphere of Influence sa China.docx
LEARNING ACTIVITY SHEET Ang Sphere of Influence sa China.docx
 
AP 7 4th Quarter Epekto at Papel ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Silang...
AP 7 4th Quarter  Epekto  at Papel ng Imperyalismo  at Kolonyalismo sa Silang...AP 7 4th Quarter  Epekto  at Papel ng Imperyalismo  at Kolonyalismo sa Silang...
AP 7 4th Quarter Epekto at Papel ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Silang...
 
Modyul 8 ang pagsibol at pagsilang ng nasyonalismo sa asya
Modyul 8   ang pagsibol at pagsilang ng nasyonalismo sa asyaModyul 8   ang pagsibol at pagsilang ng nasyonalismo sa asya
Modyul 8 ang pagsibol at pagsilang ng nasyonalismo sa asya
 
Morga-LP_AP8-Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin.docx
Morga-LP_AP8-Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin.docxMorga-LP_AP8-Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin.docx
Morga-LP_AP8-Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin.docx
 
Modyul 17 labanan ng mga bansa sa daigdig
Modyul 17   labanan ng mga bansa sa daigdigModyul 17   labanan ng mga bansa sa daigdig
Modyul 17 labanan ng mga bansa sa daigdig
 
FRENCH INDO.pptx
FRENCH INDO.pptxFRENCH INDO.pptx
FRENCH INDO.pptx
 
Modyul 16 ang pag-unlad ng nasyonalismo
Modyul 16   ang pag-unlad ng nasyonalismoModyul 16   ang pag-unlad ng nasyonalismo
Modyul 16 ang pag-unlad ng nasyonalismo
 
Summ 1 and 2 AP 7 Q3.docx
Summ 1 and 2 AP 7 Q3.docxSumm 1 and 2 AP 7 Q3.docx
Summ 1 and 2 AP 7 Q3.docx
 
Exam gp3 2011_reviewer
Exam gp3 2011_reviewerExam gp3 2011_reviewer
Exam gp3 2011_reviewer
 
Leyte National High School- Mahabang Pagsusulit sa WW1 at WW2
Leyte National High School- Mahabang Pagsusulit sa WW1 at WW2Leyte National High School- Mahabang Pagsusulit sa WW1 at WW2
Leyte National High School- Mahabang Pagsusulit sa WW1 at WW2
 
Modyul 11 ang labanan sa pagitan ng espanya at estados unidos
Modyul 11  ang labanan sa pagitan ng espanya at estados unidosModyul 11  ang labanan sa pagitan ng espanya at estados unidos
Modyul 11 ang labanan sa pagitan ng espanya at estados unidos
 
AP 6 Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas
AP 6 Ang Pananakop ng mga Hapones sa PilipinasAP 6 Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas
AP 6 Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas
 
Modyul 6 kolonyalismo...tunay na motibo sa pagpunta ng mga
Modyul 6   kolonyalismo...tunay na motibo sa pagpunta ng mgaModyul 6   kolonyalismo...tunay na motibo sa pagpunta ng mga
Modyul 6 kolonyalismo...tunay na motibo sa pagpunta ng mga
 
TOS&TQ.2ndQuarter.docx
TOS&TQ.2ndQuarter.docxTOS&TQ.2ndQuarter.docx
TOS&TQ.2ndQuarter.docx
 
Panahon ng Ikatlong Republika ng Pilipinas_quiz.pptx
Panahon ng Ikatlong Republika ng Pilipinas_quiz.pptxPanahon ng Ikatlong Republika ng Pilipinas_quiz.pptx
Panahon ng Ikatlong Republika ng Pilipinas_quiz.pptx
 
More from Jackeline Abinales

Q3 LAS6 Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan.docx
Q3 LAS6 Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan.docxQ3 LAS6 Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan.docx
Q3 LAS6 Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan.docxJackeline Abinales
 
ang asya at ang dalawang digmaang pandaigdig
ang asya at ang dalawang digmaang pandaigdigang asya at ang dalawang digmaang pandaigdig
ang asya at ang dalawang digmaang pandaigdigJackeline Abinales
 
Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...
Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...
Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...Jackeline Abinales
 
LAS RELIHIYON AT PILOSOPIYA.docx
LAS RELIHIYON AT PILOSOPIYA.docxLAS RELIHIYON AT PILOSOPIYA.docx
LAS RELIHIYON AT PILOSOPIYA.docxJackeline Abinales
 
Q3 LAS1 Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asy.docx
Q3 LAS1 Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa  Timog at Kanlurang Asy.docxQ3 LAS1 Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa  Timog at Kanlurang Asy.docx
Q3 LAS1 Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asy.docxJackeline Abinales
 
Q3 LAS2 EPEKTO NG KOLONYALISMO.docx
Q3 LAS2 EPEKTO NG KOLONYALISMO.docxQ3 LAS2 EPEKTO NG KOLONYALISMO.docx
Q3 LAS2 EPEKTO NG KOLONYALISMO.docxJackeline Abinales
 
LAS kabihasnag indus at shang.docx
LAS kabihasnag indus at shang.docxLAS kabihasnag indus at shang.docx
LAS kabihasnag indus at shang.docxJackeline Abinales
 
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin.docx
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin.docxPaggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin.docx
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin.docxJackeline Abinales
 
Rutang Kalakalan at Salik ng Unang Yugto ng Imperyalismo.docx
Rutang Kalakalan at Salik ng Unang Yugto ng Imperyalismo.docxRutang Kalakalan at Salik ng Unang Yugto ng Imperyalismo.docx
Rutang Kalakalan at Salik ng Unang Yugto ng Imperyalismo.docxJackeline Abinales
 
Mga lupain at bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na sinakop ng mga Kan...
Mga lupain at bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na sinakop ng mga Kan...Mga lupain at bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na sinakop ng mga Kan...
Mga lupain at bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na sinakop ng mga Kan...Jackeline Abinales
 
Pananakop ng England sa Malaysia.docx
Pananakop ng England sa Malaysia.docxPananakop ng England sa Malaysia.docx
Pananakop ng England sa Malaysia.docxJackeline Abinales
 
Pananakop ng Espanya sa Pilipinas.docx
Pananakop ng Espanya sa Pilipinas.docxPananakop ng Espanya sa Pilipinas.docx
Pananakop ng Espanya sa Pilipinas.docxJackeline Abinales
 
Pananakop ng Dutch sa Indonesia.docx
Pananakop ng Dutch sa Indonesia.docxPananakop ng Dutch sa Indonesia.docx
Pananakop ng Dutch sa Indonesia.docxJackeline Abinales
 
Pambansang awit ng China at Pilipinas.docx
Pambansang awit ng China at Pilipinas.docxPambansang awit ng China at Pilipinas.docx
Pambansang awit ng China at Pilipinas.docxJackeline Abinales
 
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin Unang Yugto ng Imperyalismo...
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin Unang Yugto ng Imperyalismo...Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin Unang Yugto ng Imperyalismo...
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin Unang Yugto ng Imperyalismo...Jackeline Abinales
 
Ang China sa gitna ng dalawang magkatunggaling ideolohiya.docx
Ang China sa gitna ng dalawang magkatunggaling ideolohiya.docxAng China sa gitna ng dalawang magkatunggaling ideolohiya.docx
Ang China sa gitna ng dalawang magkatunggaling ideolohiya.docxJackeline Abinales
 
laspilipinas-190215220655(1).docx
laspilipinas-190215220655(1).docxlaspilipinas-190215220655(1).docx
laspilipinas-190215220655(1).docxJackeline Abinales
 
More from Jackeline Abinales (20)

Q3 LAS6 Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan.docx
Q3 LAS6 Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan.docxQ3 LAS6 Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan.docx
Q3 LAS6 Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan.docx
 
ang asya at ang dalawang digmaang pandaigdig
ang asya at ang dalawang digmaang pandaigdigang asya at ang dalawang digmaang pandaigdig
ang asya at ang dalawang digmaang pandaigdig
 
Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...
Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...
Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...
 
Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...
Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...
Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...
 
LAS RELIHIYON AT PILOSOPIYA.docx
LAS RELIHIYON AT PILOSOPIYA.docxLAS RELIHIYON AT PILOSOPIYA.docx
LAS RELIHIYON AT PILOSOPIYA.docx
 
Q3 LAS1 Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asy.docx
Q3 LAS1 Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa  Timog at Kanlurang Asy.docxQ3 LAS1 Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa  Timog at Kanlurang Asy.docx
Q3 LAS1 Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asy.docx
 
Q3 LAS2 EPEKTO NG KOLONYALISMO.docx
Q3 LAS2 EPEKTO NG KOLONYALISMO.docxQ3 LAS2 EPEKTO NG KOLONYALISMO.docx
Q3 LAS2 EPEKTO NG KOLONYALISMO.docx
 
LAS kabihasnag indus at shang.docx
LAS kabihasnag indus at shang.docxLAS kabihasnag indus at shang.docx
LAS kabihasnag indus at shang.docx
 
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin.docx
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin.docxPaggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin.docx
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin.docx
 
Rutang Kalakalan at Salik ng Unang Yugto ng Imperyalismo.docx
Rutang Kalakalan at Salik ng Unang Yugto ng Imperyalismo.docxRutang Kalakalan at Salik ng Unang Yugto ng Imperyalismo.docx
Rutang Kalakalan at Salik ng Unang Yugto ng Imperyalismo.docx
 
Mga lupain at bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na sinakop ng mga Kan...
Mga lupain at bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na sinakop ng mga Kan...Mga lupain at bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na sinakop ng mga Kan...
Mga lupain at bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na sinakop ng mga Kan...
 
Pananakop ng England sa Malaysia.docx
Pananakop ng England sa Malaysia.docxPananakop ng England sa Malaysia.docx
Pananakop ng England sa Malaysia.docx
 
Pananakop ng Espanya sa Pilipinas.docx
Pananakop ng Espanya sa Pilipinas.docxPananakop ng Espanya sa Pilipinas.docx
Pananakop ng Espanya sa Pilipinas.docx
 
Pananakop ng Dutch sa Indonesia.docx
Pananakop ng Dutch sa Indonesia.docxPananakop ng Dutch sa Indonesia.docx
Pananakop ng Dutch sa Indonesia.docx
 
ra 8491.pptx
ra 8491.pptxra 8491.pptx
ra 8491.pptx
 
Pambansang awit ng China at Pilipinas.docx
Pambansang awit ng China at Pilipinas.docxPambansang awit ng China at Pilipinas.docx
Pambansang awit ng China at Pilipinas.docx
 
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin Unang Yugto ng Imperyalismo...
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin Unang Yugto ng Imperyalismo...Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin Unang Yugto ng Imperyalismo...
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin Unang Yugto ng Imperyalismo...
 
Ang China sa gitna ng dalawang magkatunggaling ideolohiya.docx
Ang China sa gitna ng dalawang magkatunggaling ideolohiya.docxAng China sa gitna ng dalawang magkatunggaling ideolohiya.docx
Ang China sa gitna ng dalawang magkatunggaling ideolohiya.docx
 
laspilipinas-190215220655(1).docx
laspilipinas-190215220655(1).docxlaspilipinas-190215220655(1).docx
laspilipinas-190215220655(1).docx
 
LaSolidaridad.docx
LaSolidaridad.docxLaSolidaridad.docx
LaSolidaridad.docx
 
Recently uploaded

kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxSundieGraceBataan
 
ap10_q1_mod5_mga hakbang sa pagbuo ng community-based disaster risk reduction...
ap10_q1_mod5_mga hakbang sa pagbuo ng community-based disaster risk reduction...ap10_q1_mod5_mga hakbang sa pagbuo ng community-based disaster risk reduction...
ap10_q1_mod5_mga hakbang sa pagbuo ng community-based disaster risk reduction...MerryChristJoely
 
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALHerlynJanMarieJuelo2
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxmtmedel20in0037
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationkimdavidmerana03
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYARonalynGatelaCajudo
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxjobellejulianosalang
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxfedelgado4
 
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...KeanuJulian
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxCristyJoySalarda
 
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaAralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaChristineJaneWaquizM
 
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxMga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxNaennylMTanuban
 
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoPang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoChristineJaneWaquizM
 
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxDLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxMaryGraceSepida1
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxMaestroSonnyTV
 
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoUri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoChristineJaneWaquizM
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...erickacalugcugan001
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfYollySamontezaCargad
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxKristineMolina10
 
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptxBatas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptxDanicaAndoyoDuhali
 
Recently uploaded (20)

kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
 
ap10_q1_mod5_mga hakbang sa pagbuo ng community-based disaster risk reduction...
ap10_q1_mod5_mga hakbang sa pagbuo ng community-based disaster risk reduction...ap10_q1_mod5_mga hakbang sa pagbuo ng community-based disaster risk reduction...
ap10_q1_mod5_mga hakbang sa pagbuo ng community-based disaster risk reduction...
 
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
 
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaAralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
 
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxMga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
 
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoPang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
 
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxDLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
 
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoUri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
 
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptxBatas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
 
AP7 Q4 LAS NO. 2 Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya (18-19 siglo).docx

  • 1. AP7 Q4 LAS NO. 2.0 Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya (18-19 siglo) NAME:______________________________________ SECTION: ___________________ DATE: ________ SCORE: ______ PAUNANG PAGSUSULIT Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Ang Indochina ay binubuo ng mga bansang Cambodia, Vietnam, at ______. A. Brunei B. Laos C. Myanmar D. Thailand 2. Ito ay isang halamang gamot na kapag inabuso ay nagdudulot ng masamang epekto sa kalusugan. A. lagundi B. opyo C. oregano D. tawa tawa 3. Bansang nagkaroon ng sphere of influence ang mga Kanluranin. A. China B. Japan C. Korea D. Vietnam 4. Bansang humiling ng Open Door Policy sa China. A. Canada B. Germany C. Russia D. USA 5. Patakarang ipinatupad ng mga Dutch sa Indonesia. A. resident system B.culture system C. reduccion D. polo y servicio 6. Tinagurian itong Buffer State, nasa pagitan ng mga bansang nasakop ng mga Kanluranin. A. Brunei B. Korea C. Myanmar D. Thailand 7. Ang resident system ay patakarang ipinatupad ng mga British sa______. A. Cambodia B. Malaysia C. Myanmar D. Singapore 8. Pinunong Hapones na tumanggap sa modernisasyon ng bansa. A. Hirohito B.Mutsuhito C. Naruhito D. Taisho 9. Sa kasunduang ito, naisalin sa Amerika ang pamumuno nito sa Pilipinas. A. Kasunduang Kanagawa C. Kasunduang Tordesillas B. Kasunduan sa Paris D. Kasunduan sa Biak- na- Bato 10. Tinawag na melting pot ang bansang ito dahil nagtagpo ang iba’t ibang mga kultura at pangkat-etniko. A. Cambodia B. Laos C. Malaysia D. Pilipinas PAGSUSURI NG TEKSTO Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin (Ika-18 - 19 na siglo) Nagpatuloy ang pananakop ng mga Kanluranin dahil na rin sa kumpetisyon sa pananakop ng mga lupain at pagkontrol sa kalakalan. Kinailangan nila ng likas na yaman ng nasakop na bansa upang makagawa ng maraming produkto na sa kalaunan ay ipagbibili din sa mga nasakop na bansa. Ano-ano ang mga bansang nasakop? 1. China Pamprosesong Tanong: 1. Bakit hindi agad nakipagkalakalan/ nakipag – ugnayan ang China sa mga dayuhan? 2. Paano napasok ng England ang ekonomiya at kalakalan sa China?
  • 2. AP7 Q4 LAS NO. 2 Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya (18-19 siglo) NAME:______________________________________ SECTION: ___________________ DATE: ________ SCORE: ______ Pigura 2: Sanhi at Bunga ng mga Digmaang Opyo Ano ang idinulot sa China ng kanyang pagkatalo sa Digmaang Opyo? ___________________________________ ___________________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________________
  • 3.
  • 4. AP7 Q4 LAS NO. 2.1 Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya (18-19 siglo) NAME:______________________________________ SECTION: ___________________ DATE: ________ SCORE: ______ Pigura 3: Mga Bansang may Sphere of Influence sa China Ito ay tumutukoy sa mga rehiyon sa China kung saan nangingibabaw ang karapatan ng Kanluraning bansa na kontrolin ang ekonomiya at pamumuhay ng mga tao dito. Ito ang idinulot ng pagkatalo ng China sa dalawang digmaang opyo.
  • 5. AP7 Q4 LAS NO. 2.2 Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya (18-19 siglo) NAME:______________________________________ SECTION: ___________________ DATE: ________ SCORE: ______ Iminungkahi ni John Hay(1838-1905) dating Secretary of State ng USA na ipatupad ang Open Door Policy kung saan magiging bukas ang China sa pakikipagkalakalan sa ibang bansa na walang sphere of influence rito. 2. Japan Napaunlad ng Japan ang kanyang ekonomiya, napatingkad ang kultura, at napatatag ang pamahalaan dahil sa pagsasarara ng kanyang daungan. Isa ito sa mga bansang ninais masakop ng mga Kanluranin. Commodore Matthew Perry (1794-1858) Millard Fillmore (1800-1874) Ika-13 Pangulo ng U.S.A. Emperador Mutsuhito (1852-1912)
  • 6. Bansa Bansa Bansang Sumakop/ Layunin sa Pananakop Paraan ng Pananakop/Dahilan Patakarang Pinairal/ Epekto 3.PILIPINAS Amerika *Pagkontrol sa kalakalan sa AsyaPasipiko Pinairal ang pamahalaang militar at pamahalaang sibil Idineklara ang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898 sa pangunguna ni Emilio Aguinaldo – Unang Pangulo ng Republika 1.Nagpatayo ng pampublikong paaralan. *Thomasites – unang gurong Amerikano 2. Nagpagawa ng mga ospital, kalsada at gusaling pampamahalaan. 4.INDONESIA NETHERLANDS Iminungkahi ni Johannes Van den Bosch ang culture system (cultivation system) Culture system – ang 1/5 ng lupain ng mga magsasakang Indones ay tataniman ng mga produktong iniluluwas ng mga Dutch. Hindi na nakapagtanim para sa kanilang pangangailangan. 5.MALAYSIA ENGLAND Dahil sa plantasyon ng goma (rubber tree) at reserba ng lata (tin) Melting pot – lugar o rehiyon kung saan nagtatagpo ang iba’t ibang kultura at pangkatetniko. 6.Singapore (SingapuraLion City ENGLAND Pinakamaganda at pinakamaunlad na daungan sa Timog Silangan 1.Pagtuturo ng salitang English at kasaysayan ng Britanya. 2. Pagtatalaga ng
  • 7. Asya.kinontrol ng mga British at kumita ng malaki mula sa pakikipagkalakalan sa mga karatig bansa at mga bansang Kanluranin. mga sundalong magbabantay sa mga lugar na nasakop. 3. Pagtatalaga ng himpilang pang-kalakalan. 7.Myanmar (Burma) ENGLAND Sinakop upang mapigilan ang magtatangkang sumakop sa India. Natalo ang mga Burmese sa digmaang Anglo –Burmese at nilagdaan ang Kasunduang Yandabo noong ika 24 ng Pebrero, 1826. Resident system – patakaran na ipinatupad ng mga British sa Burma.Ang British resident ang kinatawan ng British sa Burma at may karapatang makipag-usap, makipagkasundo,makipagkala n at magdesisyon sa mga usaping panlabas ng Burma na dating gawain ng hari. 8.French Indochina – pinagsamang India at China (Laos,Cambo diaVietnam) Naging protektorado ng France. Pagkontrol sa mayamang kalikasan, at magandang daungan Ang mga French ang humawak sa iba’t ibang posisyon ng pamahalaan.Ang tanim na palay ay ginamit ng mga French sa pakikipagkalakan kaya’t lumaganap ang kagutuman sa mga rehiyon. Dagdag –Kaalaman Ang Thailand at Korea ay pawang malalayang bansa. Ang una ay tinaguriang “Buffer State” dahil sa kanyang lokasyon, napapagitnaan ng dalawang bansang kolonya . Samantala, ang Korea ay tinawag na “ Hermit Kingdom” dahil isinara nito ang bansa sa impluwensiya ng mga banyaga.
  • 8. Panuto: Ang mga watawat sa kaliwa ay representasyon ng mga bansang sumakop sa Asya. Isulat sa loob ng kahon ang mga bansang nasakop sa Silangan at Timog Silangang Asya. Sagutin ang mga katanungan. 1. Batay sa Gawain B, ano’ng bansang Kanluranin ang may pinaka maraming nasakop sa Asya? 2. Bakit madaling nasakop ang mga bansa sa Asya? 3. Maituturing mo bang maunlad ang mga bansang nanakop? Magtala ng katibayan. 4. Paano napanatili ng Thailand at Korea ang pagiging malayang bansa? 5. Ano ang mabuti at masamang epekto ng pagsakop sa Silangan at Timog Silangang Asya? 1.Mataas ang pagtingin ng China sa sarili nitong kultura at bansa. A. Isolationism B. Legalism C. Mercantilism D. Sinocentrism 2.Ito ay isang ritwal na nagpapakita ng paggalang sa emperador ng China. A. bowing B. kowtow C. hand shake D. salute 3.Ang teritoryong ito ay napasailalim sa pamahalaang British bilang kabayaran ng China sa pagkatalo nito sa Unang Digmaang Opyo. A. Canton B. Hong Kong C. Macau D. Taiwan 4. Ang mga sumusunod na bansa ay kasama sa sphere of influence ng China maliban sa _______. A. America B. France C. Germany D. Japan 5. Dating Pangulo ng America na humiling sa Japan na buksan ang daungan para sa kanilang mga barko. A. A. Lincoln B. H. Truman C. M. Fillmore D. T. Roosevelt 6. Nagmungkahi ng culture system sa Indonesia. A. Johannes van den Berg B. Johannes van den Bosch C. Johannes Campheys D. Johannes Kepler 7. Ang bansang Malaysi ay sinakop ng mga British dahil sa plantasyon ng … A. mahogany B. narra C. rubber tree D. teak 8. Ang bansang ito ay sinakop ng England upang mapigilan ang magtatangkang sumakop sa India. A. Malaysia B. Myanmar C. Singapore D. Thailand 9. Bansang sinakop ng America upang makontrol ang kalakalan sa AsyaPasipiko. A. Myanmar B. Pilipinas C. Singapore D. Thailand 10. Kasunduang nilagdaan ng mga Burmese pagkatapos nilang matalo sa labanan laban sa mga British. A. Kanagawa B. Tordesillas C. Yandabo D. Zaragoza TANDAAN: Dahil sa likas na yaman ng Asya, gumamit ng iba’t ibang paraan ang mga Kanluranin upang pamunuan at maimpluwensiyahan ang kultura at pamumuhay ng mga katutubo. Nagkaroon ng paghahalo ng kulturang dayuhan at katutubo.Ang mga sinakop na bansa ay nakapagdagdag sa kanila ng kayamanan at higit na kapangyarihan.Ang pamumuno sa pamahalaan ay dulot na rin ng impluwensiyang Kanluranin.Makikita pa rin sa kasalukuyan ang mga patunay ng kolonyalismo at imperyalismong naganap sa Asya. GAWAIN #2 Panuto: Isaayos ang mga letra ayon sa kahulugan nito. 1. Ritwal ng paggalang sa emperador ng China. W K O T W O
  • 9. 2. Pinakamaganda at pinakamaunlad na daungan sa Timog Silangang Asya. G S N I E R P O A 3. Naging protektorado ng France ang tatlong bansang kabilang dito. N O D N C I H A I 4. Unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas O L I M I E D O A U I N A G L 5. Sinakop ng England upang mapigilan ang magtatangkang sumakop sa India R M Y M A N A GAWAIN PAGNINILAY: Ang Thailand at Korea ay nanatiling malayang bansa sa panahon ng kolonyalismo dahil sa estratehiya ng pamahalaan na hindi masakop ng Kanluranin. Bilang mamamayan, sa ano’ng pangyayari mo nararanasan ang kawalan ng kalayaan? Sumulat ka ng isang sanaysay tungkol dito na may pamagat na: “ Paano ang maging Malaya” AP7 Q4 LAS NO. 2.3 Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya (18-19 siglo) NAME:______________________________________ SECTION: ___________________ DATE: ________ SCORE: ______
  • 10. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa iyong kwaderno. 1. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng epekto ng kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin sa ekonomiya ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya noong ika16 hanggang ika-19 na siglo? A. Nagpatayo ng mga simbahan upang maipalaganap ang relihiyong Kristiyanismo B. Nagtalaga ng mga banyagang kinatawan upang pamunuan ang nasakop na bansa C. Nagpagawa ng mga kalsada at riles ng tren upang mapabilis ang pakikipagkalakalan D. Nagpalabas ng mga kautusan upang mapasunod ang mga katutubong Asyano 2. Alin sa mga bansang ito ang naghahangad na magkaroon ng kolonya sa Silangang Asya partikular sa bansang China? A. Taiwan B. Portugal C. Macao D. France 3. Ito ay isang patakaran ng isang bansa na mamamahala ng mga sinakop upang magamit ang likas na yaman ng mga sinakop para sa sariling interes. A. Imperyalismo B. Nasyonalismo C. Kolonyalismo D. Patriyotismo 4. Maraming pagbabago ang dulot ng kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin sa Asya. Isa dito ay ang pagbabago sa kultura na naging dahilan sa kawalan ng tunay na pagkakaisa ng mga mamamayang Asyano sa kani-kanilang bansa. Makikita na may kaugnayan sa mga hamon na nararanasan ng mga Asyano sa kasalukuyan. Ano ang nararapat na gawin upang maging bahagi sa paglutas ng nabanggit na suliranin? A. Sisihin ang mga Kanluraning bansa na nanakop sa mga bansangAsyano B. Tanggihan ang mga turista na mula sa mga bansa na nanakop noon sa Asya C. Magsumikap sa pag-aaral upang hindi maging pabigat sa lipunan D. Tanggapin ang mga pagbabagong naganap at gamitin para mapaunlad ang bansa 5. Ano ang mahihinuha mo sa kalagayan ng pamumuhay ng mga Asyano sa ilalim ng mga mananakop? A. Ang pagsasaka ay kinontrol ng mga mananakop. B. Mas napalago ng mga mananakop ang sektor ng agrikultura C. May kalayaan ang mga bansang Asyano pa pamunuan ang sariling bansa. D. Ang mga Asyano ay lubos na binabantayan sa kanilang pagtatrabaho. 6. Ano ang pangunahing dahilan ng mga Espanyol sa pagsakop ng Pilipinas? A. Mayaman sa ginto B. May mahusay na daungan C. Mayaman sa yamang Likas D. Lahat na nabanggit 7. Anong relihiyon ang ipinalaganap ng mga Espanyol sa Pilipinas? A. Aglipayan B. Protestante C. Budhismo D. Kristiyanismo 8. Kailan unang dumaong sa Isla ng Homonhon si Ferdinand Magellan? Upang sakupin ang Pilipinas? A. Febrero 11, 1521 B. Abril 17, 1521 C. Marso 16, 1521 D. Mayo 18, 1521 9. Ito ay isang paraan ng pananakop na kung saan pinag-aaway-away ng mga mananakop ang mga lokal na pinuno o naninirahan sa isang lugar. A. Divide Policy B. Rule Policy C. Policy D. Divide and Rule Policy 10. Anu-ano ang mga nangungunang bansang Kanluranin na nagpapaligsahan sa pagsakop ng mga lupain sa Asya? A. France at Netherlands B. Spain at Portugal C. England at France D. Spain at England Sa nakaraang gawain, nabatid mo ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa Imperyalismong Kanluranin sa Asya. Sa kasalukuyan, maraming dokumento ang naglalahad ng paghihirap na dinanas ng mga katutubong Asyano sa kamay ng mga mananakop na Kanluranin. Ngunit, ano nga ba ang dahilan ng mga Kanluranin kung bakit sila nanakop ng mga lupain? Bakit kaya para sa kanila ay tama ang kanilang ginawa, na ito ay isang misyon? Basahin at unawin mo ang sumusunod na sanggunian. Ang tula na The White Man’s Burden ay isinulat ni Rudyard Kipling noong 1899. Sa tula na ito ay biniyang-katuwiran ni Kipling ang ginawang pananakop ng mga Kanluranin. Basahin at unawain ang nilalaman ng tula. THE WHITE MAN'S BURDEN Rudyard Kipling
  • 11. Take up the White Man's burden - Send forth the best ye breed - Go bind your sons to exile To serve your captives' need; To wait in heavy harness On fluttered folk and wild - Your new-caught sullen peoples, Half devil and half child. Take up the White Man's burden - In patience to abide To veil the threat of terror And check the show of pride; By open speech and simple, An hundred times made plain, To seek another's profit, And work another's gain. Take up the White Man's burden - The savage wars of peace - Fill full the mouth of famine And bid the sickness cease; And when your goal is nearest The end for others sought, Watch Sloth and heathen Folly Bring all your hopes to nought. Take up the White Man's burden - No tawdry rule of kings, But toil of serf and sweeper - The tale of common things. The ports ye shall not enter, The roads ye shall not tread, Go make them with your living, And mark them with your dead ! Take up the White Man's burden - And reap his old reward, The blame of those ye better, The hate of those ye guard - The cry of hosts ye humour (Ah slowly !) towards the light:- "Why brought ye us from bondage, "Our loved Egyptian night ?" Take up the White Man's burden - Ye dare not stoop to less - Nor call too loud on Freedom To cloak your weariness; By all ye cry or whisper, By all ye leave or do, The silent sullen peoples Shall weigh your Gods and you. Take up the White Man's burden - Have done with childish days - The lightly proffered laurel, The easy, ungrudged praise. Comes now, to search your manhood Through all the thankless years, Cold-edged with dear-bought wisdom, The judgement of your pee
  • 12. Pagbubuod Nagtagumpay ang mga Kanluranin na makapaglayag sa ibang lupain dahil mayroon silang angkop na kagamitan tulad ng ________________________________. Ayon sa mga Kanluranin, tungkulin nila na tulungan ang sangkatauhan lalo na ang mga bansa sa Africa at Asya dahil naniniwala sila na ____________________________ PAGSUSURI NG TEKSTO: Sang-ayon ka ba sa dahilan ng mga Kanluranin sa pananakop ng mga lupain? Bakit? KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA KOLONYALISMO- ay tumutukoy sa pagtatamo ng mga lupain upang matugunan ang layuning pangkomersiyal at panrelihiyon sa isang bansa. Ang kolonisasyon ng mga kanluranin mula ika14 na siglo hangganag ika18 na siglo ay nagsimula sa pagnanais ng mga bansang Europeo na maipalaganap ang kanilang pananampalataya, matuklas ang iba pang ruta patungo sa silangan upang simulan ang pagtatag ng mga kumpanyang pangkalakalan at kilalanin sila bilang makapangyarhang bansa. IMPERYALISMO- ay tumutukoy sa patakaran ng isang makapangyarihang bansa na palawakin ang kanilang kapang- yariham sa pamamagitan ng pagsakop o pagkontrol sa pangakabuhayan at pampolitikong kaayusan ng isa o iba’t ibang bansa. Mga lupain at bansa sa Silangan at Timog Silangan Asya na sinakop ng mga Kanluranin noong Unang Yugto ng Imperyalismo (ika-16 at ika-17 siglo). Upang maisakatuparan ang kanilang mga layunin, nagtayo ng kolonya ang mga Kanluranin sa Asya. Nagkaniya-kaniya ang mga Kanluranin sa pagsakop sa mga bansang Asyano. Ang rehiyon ng Silangan at Timog-Silangang Asya ay mga rehiyon na lubusang naapektuhan ng pananakop. Kadalasan, isang bansang Kanluranin ang nakakasakop sa isang bansang Asyano, subalit may mga pagkakataon din na dalawa o higit pang bansa ang nakakasakop dito. Iba-iba ang pananaw ng mga Kanluranin sa pananakop ng lupain. Habang ang iba ay sinakop ang buong bansa, ang iba naman ay sinakop lamang ang mga piling bahagi nito. Sa yunit na ito ay malalaman mo ang mga kolonya na itinatag ng mga Kanluranin sa Silangan at Timog-Silangang Asya. At ano ang mga epekto nito sa pamumuhay ng mga Asyano. SILANGANG ASYA Sa loob ng mahabang panahon ay mayroon nang ugnayan ang Silangang Asya sa mga bansang Kanluranin dahil sa mga sinaunang rutang pangkalakalan. Bunga nito, nabatid ng mga Kanluranin ang karangyaan ng mga bansa sa Silangang Asya. Bagamat maraming naghangad na ito ay masakop, hindi gaanong naapektuhan ang Silangang Asya ng Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin dahil na rin sa matatag na pamahalaan ng mga bansa dito.Isa ang bansang Portugal sa mga Kanluraning bansa na naghangad na magkaroon ng kolonya sa Silangang Asya partikular sa China. Nakuha ng Portugal ang mga daungan ng Macao sa China at Formosa (Taiwan). Hindi nagtagal ay nilisan din ng Portugal ang mga nabanggit na himpilan. Sa Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin, maraming bansa ang nag-unahan na masakop ang bansang China.
  • 13. TIMOG SILANGANG ASYA Kung ang Silangang Asya ay hindi gaanong naapektuhan, iba naman ang naging kapalaran ng mga bansa sa Timog Silangang Asya noong Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin. Karamihan ng mga daungan sa sa rehiyong ito ay napasakamay ng mga Kanluranin. Ang mataas na paghahangad na makontrol ang kalakalan ng mga pampalasa at pagkuha ng ginto ang siyang nagtulak sa kanila na sakupin ang Timog- Silangang Asya. Nauna ang mga bansang Portugal at Spain sa pananakop ng mga bansa. Nang lumaya ang Netherlands mula sa pananakop ng Spain, nagtayo rin ito ng mga kolonya sa Timog Silangang Asya. Hindi nagtagal ay sumunod din ang mga bansa ng England at France Ang sumusunod ay bansa sa Timog Silangang Asya na sinakop noong Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin. Ferdinand Magellan: Narating niya ang Silangan gamiit ang rutang pakanluran. Napatunayan sa kaniyang paglalakbay na bilog ang mundo. Kristiyanismo: Relihiyong ipinalaganap ng mga Español. Isa ito sa mga paraan na kanilang ginamit sa pananakop ng Pilipinas. Nakatulong ang mga misyonero na mapalaganap ang kristiyanismo pagkatapos maisakatuparan ang patakarang reduccion (ito ay naglalayon na mailipat ang mga katutubo na maninirahan sa malayong lugar upang matiyak ang kanilang kapangyarihan sa kolonya, gayundin ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo) Nasakop ng relihiyon ang pag-iisip at damdamin ng mga Pilipino kung kaya’t mas madali silang mapasunod ng mga Español. Sumakop: España Mga lugar na Sinakop: Halos kabuuan ng Luzon at Visayas at ilang bahagi ng Mindanao Dahilan: Mayaman ang Pilipinas sa ginto. May mahusay na daungan tulad ng Maynila. Paraan ng Pananakop: Unang dumaong sa Isla ng Homonhon si Ferdinand Magellan, Isang Portugues na naglalayag para sa hari ng España noong Marso 15, 1521. Nabigo niyang masakop ang Pilipinas dahil napatay siya sa mga tauhan ni Lapu Lapu sa labanan sa Mactan. Nagpadala ang hari ng España ng iba pang manlalakbay na ang layunin ay sakupin ang Pilipinas. Ang paglalakbay ay pinamumunuan ni Miguel de Lopez de Legazpi, ang nagtagumpay na masakop ang bansa sa pamamagitan ng pakikipagsanduguan sa mga lokal na pinuno at pagamit ng dahas. Itinayo ang unang pamayanan ng Español sa Cebu noong Abril 27, 1565 mula dito ay sinakop din ang iba pang lupain tulad ng Maynila na itinuring na isa sa pinakamagandang daungan at sentro ng kalakalan sa Asya. Nakatulong din sa pananakop ng Spain ang pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo. Natuklasan din ng mga Español ang karangyaan ng Pilipinas sa ginto lalo na sa mga lugar ng Ilocos, Camarines, Cebu, at Butuan sa Mindanao. Mindanao: Hindi tulad ng Luzon at Visayas. Ilang bahagi lamang ng Mindano ang nasakop ng mga Español dahil sa matagumpay na pakikipaglaban ng mga Muslim. Sanduguan: Iba-Iba ang mga paraan ng mga Español sa pananakop. Isa rito ay ang pakikipagkaibigan ng mga lokal na pinuno na pormal nilang ginagawa sa pamamagitan ng Sanduguan. Iniinom ng lokal na pinuno at pinunong Español ang alak na hinaluan ng kanikanilang dugo. Sa ibang lugar naman ay ginagamitan ng puwersa o dahas upang masakop ang lupain. Mga Patakarang ipinatupad ng mga Español sa Pilipinas Ang sumusunod ay patakaran na ipinatupad ng mga Español: Pangkabuhayan: Tributo - Sa patakarang ito pinagbabayad ng buwis ng mga Español ang mga katutubo. Ilan sa maaring ipambayad ay ginto, mga produkto, at mga ari-arian. Dahil sa pag-aabuso sa pangongolekta maraming katutubo naghirap at nawalan ng kabuhayan. Polo y Servicio - Sa ilalim ng patakarang ito ay sapilitang pinagtrabaho ang mga kalalakihang edad 16 hanggang 60. Pinapagawa sila ng tulay, kalsada, simbahan, gusaling pampamahalaan at marami pang iba. Marami sa kanila ang nahiwalay sa pamilya at namatay sa hirap. Monopolyo - Kinokontrol ng mga Español ang kalakalan. Hinawakan nila ang pagbebenta ng mga produktong nabibili sa Europe tulad ng tabako. kumita rin sila ng Malaki sa kalakalang Galyon. Maraming pamilya ang nagutom dahil hindi na sila nakapagtanim ng kanilang makakain. May ilang pamilyang Pilipino ang kumita sa Kalakalang Galyon. Sila ang mga tinatawag na mga Ilustrado.
  • 14. Pampulitika: Sentralisadong Pamahalaan Napasailalaim sa pamumuno ng mga Español ang halos kabuuan ng bansa. Itinalaga ng hari ng Espanyol bilang kaniyang kinatawan sa Pilipinas ang Gobernador- Heneral. Siya ang pinakamataas na Pinunong Espanyol sa Pilipinas. nawala sa kamay ng mga katutubo ang karapatang pamununuan ang kanilang sariling lupain. Pinayagan silang mag-lingkod sa pamahalan subalit sa pinakababang posisyon. Ang Simbahang Katoliko Dahil sa impluwensya sa taong-bayan, naging makapangyarihan din ang mga Español na pari at Kura paroko noong panahon ng pananakop ng mga Español. Pangkultura: Pagapapalaganap ng Kristiyanismo - Niyakap ng mga katutubo ang kristiyanismo. Ipinapatay ang mga pinuno ng mga Katutubong relihiyon. Dahil dito maraming katutubo ang nagingkristiyano at mas madaling napasunod ng mga Español. Wika at mga pagdiriwang - Natuto ang mga katutubo ng wikang Español. Idinaos din ang mga taunang pagdiriwang tulad ng piyesta ng bayan, Santacruzan, Araw ng mga patay, Pasko. Kadalasan, Ang mga pagdiriwang ay may kaugnayan sa kristiyanismo. Lalong nagpakulay sa kultura ng mga katutubo ang nabanggit na pagdiriwang. INDONESIA Sumakop: Portugal, Netherlands at England Mag Lugar na sinakop: Ternate sa Moluccas, inagaw ng Netherlands mula sa Portugal. Panandaliang nakuha ng England subalit ibinalik din sa Netherlands. Batavia (Jakarta): Nasakop ng Netherlands. Dahilan: Mayaman sa mga pampalasa, mga sentro ng kalakalan at maayos na daungan. Paraan ng pananakop: Dahil sa paghahangad ng mga pampalasa, narating ng Portugal ang Ternate sa Moluccas noong1511. Nagtayo sila ng himpilan ng kalakalan dito at nagsimulang palaganapin ang relihiyong kristiyanismo. Pinaalis ng mga Dutch ang mga Portuges noong 1655 at sinakop ang mga isla ng Amboina at Tidore ng Moluccas gamit ang mas malakas na puwersang panadirigma. Upang mapanatili ang kanilang kapangyarihan nakipag alyansa ang mga Dutch sa mga lokal na pinuno ng Indonesia. Gumamit din sila ng Divide and Rule Policy upang mapasunod at masakop ang mga nabanggit na Isla. Dahil dito nagkakaroon ng monopolysa kalakalan ng mga pampalasa ang mga Dutch. Lalo pang napatatag ng Dutch ang monopolyo nang itinatag nito ang Dutch East India Company. Pansamantalang nakuha ng England ang Moluccas dahil sa epekto ng Napoleonic wars subalit nabalik din ito sa mga Dutch matapos ang digmaan. Netherlands: Dating sinakop ng mga Español ang Netherlands. Nang lumaya ito nagsimula siyang magpalakas ng kagamitan sa paglalakbay sa dagat. Dutch ang mga tawag sa nanainirahan dito. Moluccas:
  • 15. Tinatawag ding Maluku. Kilala bilang Spice Island. Ito ang lupain na nais marating mg mga Kanluranin upang makontrol nila ang kalakalan ng mga pampalasa. Sa kasalukuyan ito ay, bahagi ng bansang Indonesia. Dutch East India Company Itinatag ng pamahalaan ng Netherlands ang Dutch East India Company noong 1602 upang pagisahin ang mga kompanya na nagpapadala ng paglalayag sa Asya.Pinahihintulutan ang Dutch East India Company na magkaroon ng sariling hukbo na magtatanggol laban sa mga pirata, nagtayo ng mga daungan sa mga lupaing nasasakop, at makikipagsundo sa lokal ng pinuno ng mga bansa sa Asya. Binigyan din ito ng pamahalaan ng Netherlands na manakop ng mga lupain. Nakontrol ng Dutch East India Company Ang Spice Trade sa Timog-Silangang Asya sa nagpayaman sa bansa ng Netherlands. Mga pampalasa Mataas na paghahangad at pangangailangan ng mga kanluranin sa mga pampalasa ng makukuha sa Asya tulad ng cloves, nutmeg, at mace. Halos kasing halaga ng gitno ang mga pampalasang ito sa pamilihan ng mga bansa sa Europe. Divide and Rule Policy Isang paraan ng pananakop kung saan pinag-away-away ng mananakop ang mga lokal na pinuno o mga naniniraham sa isang lugar, Ginagamit ng mga mananakop ang isang tribu upang masakop ang ibang tribo.Hindi tulad ng mga Español, sinakop lamang ng mga Dutch ang mga sentro ng kalakalan ng mga Indones noong 1511. Ito ang naging pangunahing patakaran ng mga Dutch sa pamumuno ng Dutch East India Company sa pananakop dahil mas malaki ang kanilang kikitain at naiiwasan pa nila ang pakikidigma sa mga katutubong pinuno. Subalit, kung kinakailangan, gumagamit din sila ng puwersa o dahas upang masakop ang isang lupain. Bunga nito, pangunahing naapektuhan ang kabuhayan ng mga katutubong Indones. Lumiit ang kanilang kita at marami ang naghirap dahil hindi na sila ang direktang nakikipagkalakalan sa mga dayuhan. Sa kabila ng pagkontrol sa kabuhayan, hindi naman lubusang naimpluwensiyahan ng mga Dutch ang kultura ng mga Indones. Tulad ng Pilipinas, maraming bansa rin ang sumakop sa Malaysia. Ito ay ang Portugal, Netherlands at England. Pangunahing layunin din ng mga nanakop na bansa ang pagkontrol sa mga sentrong kalakalan. Bukod sa kalakalan, sinubukan din ng mga Portuges na palaganapin ang Kristiyanismo sa mga daungan na kanilang nasakop subalit hindi sila nagtagumpay dahil sa malakas na impluwensiya ng Islam sa rehiyon. Samantala, hindi gaanong naimpluwensiyahan ng mga bansang Netherlands at England ang kultura ng Malaysia. Maraming katutubo ang naghirap dahil sa pagkontrol ng mga nabanggit na bansa sa mga sentro ng kalakalan sa Malaysia. Pamprosesong Tanong: Sagutin ang mga sumusunod na tanong at isulat sa iyong kwaderno. 1. Ano ang pangunahing dahilan ng mga Español sa pagsakop sa Pilipinas? 2. Paano sinakop ng mga Español ang Pilipinas? Ipaliwanag ang pamamaraang ginamit. 3. Sa iyong palagay, mabuti ba ang layunin ng Espanya sa pananakop sa Pilipinas? GAWAIN B. PAGHAHAMBING: UNANG YUGTO Suriin ang epekto,pagkakaiba at pagkakatulad ng mga karanasan ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na sinakop ng mga Kanluranin. Punan ng tamang sagot ang chart. Isulat sa activity Notebook ang sagot
  • 16. Panuto: Isulat ang TAMA kung ang isinasaad ng pangungusap ay tama at MALI naman kong ang isinasaad ay mali. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno. 1. Maraming bansang kanluranin ang naghahangad na masakop ang Moluccas. ___ 2. Mahalaga para sa Netherlands ang Dutch East India Company. ____ 3. Hindi agad nakapanakop ang bansang Netherlands. ___ 4. Mahal ang presyo ng mga pampalasa sa pamilihan ng Europe. ____ 5. Naging matagumpay ang Divide ang Rule Policy. ____ 6. Tama ang ginawang pakikipagkaibigan ng mga lokal na pinuno sa mga Español. ____ 7. Napasailalim sa pamumuno ng mga Español ang kabuuan ng Pilipinas sa panahon ng pananakop. ____ 8. Walang kaugnayan ang Relihiyong Islam sa matagumpay na Labanan ng Taga Mindanao ng sakupin ito ng mga Español. ____ 9. Ang bansang Portugal ang naghangad na magkaroon ng Kolonya sa Asya. ____ 10. Ang Tributo ay isang patakaran na ipinatupad ng mga Dutch sa Pilipinas. ____