1. Magandang araw sainyong lahat, nais kong hingiin ang atensyon nyo sa pamamagitan ng
pakikinig sa aking paksang itatalakay ngayong araw. Ako si Eunice Dimple Caliwag na mag uulat
ng ika-12 module na pinamagatang TUNGO SA PORMALISASYON AT PROPESYONALISASYON.
Ano ng aba ang layunin ng paksang aking itatalakay?
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
Maipaliwanag at maintindihan ang tungo sa pormalisasyon at propesyonalisasyon.
Bago tayo magsimula ako ay may inihandang palaro sainyo upang maehersisyo at magising ang
ating mga utak bago ako magreport. Ang pinakamaraming puntos na makukuha ay siyang
magwawagi sa palarong ito. Maaari lamang pong gamitin an gating chatbox dito sag meet sa
mga nais magsagot, kung sino ang mauunang magchat ng tumpakna sagot ay siyang makakuha
ng isang puntos.
Okay magsimula na tayo, handa na ba kayo?
Para sa unang bilang. Basahin ang pangungusap na makikita sa ating screen.
Nag-file ng isang civil case ang Sulpicio laban sa BMI para sa mga pinsalang naidulot nito
diumano sa korporasyon.
TANONG: Sa pangungusap na ito, ano ang maaaring ipalit o isalin sa wikang Filipino sa salitang
“Nag-file”?
SAGOT: “nagsumite” o ng mas Tinagalog na “naghain,” “nagdulog,” “nagpasok.”
Ikalawang bilang. Isalin ang sumusunod sa wikang Filipino. Ang pinakamalapit na sagot ay
siyang tatanggapin ko.
RUNNY NOSE
Tamang sagot: sinisipon o barado ang ilong
Dito natin malalaman ang mga magagaling sa pagsasalin!
Para sa ikatlong bilang, Isalin sa wikang Ingles ang pangungusap na ito.
“Balang araw, maghihiganti ako”
Tamang sagot: someday i'll take revenge
2. PARA SA IKAAPAT NG BILANG
ano ang tagalog ng kasabihang ito?
BETTER LATE
THAN NEVER
Ttamang sagot ay : Maige/(mabuti) nga at dumating pa.
Susunod na katangungan: ang mga katanungan na ito ay bibilangan ko ng limang Segundo
upang kayo ay makasagot.
Ano sa Filipino ang SUNFLOWER?
Tamang sagot: Mirasol
Ano sa Filipino ang MATHEMATICS?
tamang sagot: SIPNAYAN
Ayan magagaling naman pala sa pagsasalin tong mga kaklase ko eh. Maraming salamat sa
pakikipagpartepisasyon sa aking palaro at ngayon naman ay dumako tayo sa aking paguulat.
Ano ng aba ang kahulugan ng propesyonalisasyon?
Ang terminong propesyonalisasyon ay tumutukoy sa pamamaraang iyon , pagkilos, kung
saan ang isang indibidwal na hanggang sa sandaling iyon ay nagtrabaho sa isang aktibidad sa
isang amateur o amateur na paraan ay naging isang propesyonal sa lahat ng mga titik, iyon ay,
ipinapalagay ng kanyang gawain ang lahat ng kaukulang pormal na katangian at pati na rin ang
kanilang mga kakayahan at kasanayan ay pinabuting mula sa kasanayan kung saan sila
napailalimsa prosesong iyon .
ang propesyonalisasyon ng pagsasalin ay Nangangahulugan pagsasanay sa isang
hukbo ng mga tagasalin sa buong bansa, ng pagbibigay ng kaukulang lisensiya sa karapat-
dapat, at ng pagkilála sa pagsasalin bílang isang kagálang-gálang at kapaki-pakinabang
na propesyon. Ngayon pa lámang ay dapat buksan ang mga palihan para sa mga
batayang kasanayan sa pagsasalin. Kung ipatutupad ito sa paaralan, maaaring ibigay ito
bílang isang asignatura sa antas sekundarya kaugnay ng pagsasanay sa pagsulat.
Kailangang himukin din ang mga unibersidad na lumahok sa gawain at magbukás ng
kursong batsilyer at gradwado sa pagsasalin, o kahit paano’y gawing bahagi ito ng
pagsasanay sa mga magiging guro
3. ang pagiging propesyonal ay gumaganap ng isang pangunahing papel sa komunidad, dahil
nagtataguyod ito ng pangako sa edukasyon at kaunlaran. Ang propesyon ay tumutukoy sa
hanapbuhay o pagkakakitaan atmadalas na nangangailangan ng pagsasanay at/o mga pormal
nakwalipikasyon. Propesyonal ang tawag sa taong nagpapraktis ng isang propesyon.
Ano ang pormalisasyon mula sa isang pang agham na pananaw sa pangkalahatang
kahulugan?
Pindutin natin ang aspetong pang-agham. Magsisimula tayo mula sa katotohanang ang salitang
pormalisasyon ay nagmula sa salitang “pormalidad” iyon ay, ito ay may kondisyon, at kung
minsan kahit isang abstract na konsepto na nagpapahintulot sa amin na ipaliwanag ang likas na
katangian ng isang hindi umiiral na bagay o hindi pangkaraniwang bagay at hulaan ang mga
katangian nito sa isang tiyak na kapaligiran sa ilalimng naibigay na mga paunangkundisyon.
Ang lingguwistika ng anumang modernong wika na ganap na hindi tumutugma sa
pagpapahayag ng mga lohikal na porma o likas na katangian ng pag-iisip. Samakatuwid, ang
lohika mismo ay pinilit na gumamit ng ilang mga abstract na konsepto upang ilarawan ito o ang
hindi pangkaraniwang bagay. Ganito lumilitaw ang kamag-anak na konsepto ng pormalidad ng
nangyayari.
Madalas ang mga talastasang sa radyo na nag-uulat ng balita ay gumagamit ng pormal na salita
kagaya ng aking narinig sa kursong Komunikasyon at Pananaliksik. Ang interbyuwer, sapagkat
gumamit ng pormal na salita, ay nagmumukhang mapapagkatiwalaan, respetado, at
responsable. Ang balitang kanyang inulat, nang aking narinig, ay nagkaroon ng propesyonal na
aura at inisip kong kailangan seryosohin ang kanyang mga sinasabi. Dito ko napagtanto na
mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman sa pag-gamit ng pormal na wika lalo na sa totoong
buhay sapagkat ito’y nakakapagdikta ng antas ng edukasyon o nalalaman ng isang tao, higit pa
sa mga taong marunong mag-ingles lamang.
TUNGO SA PORMALISASYON AT PROPESYONALISASYON
Sapagkat hindi natutugunan ang tinatawag ni Savory na “layuning utilitaryo” patuloy na kulang
sa organisadong malasakit ang larangan ng pagsasalin hanggang makaraan ang lkalawang
Digmaang Pandaigdig. Bihira ang lumilinang sa kakayahan at talinong magsalin sapagkat
mahirap asahang hanapbuhay. Malimit na ang mga tagasalin ay naitutulak lámang ng likás na
hilig o kaya’y mga manunulat at guro sa wika na nagbabakasakali ng dagdag na kita.
Sa ganitong pangyayari, mahirap asahan ang isang malinaw na programa upang maisalin man
lámang halimbawa ang mga piling panitikan ng iba’t ibang katutubong wika tungo sa Filipino o
sa Ingles. Wala ding paraan para masuri ang mga salin at matulungan ang mga mahilig magsalin
tungo sa pagpapahusay ng kanilang talino.
4. May dibisyon sa pagsasalin ang Surian ng Wikang Pambansa ngunit sa matagal na panahon ay
wala itong malinaw na estratehikong target upang masagot ang napakalaki at ibat ibang
pangangailangan sa pagsasalin. Malimit na maukol lámang ang panahon ng mga empleyado ng
dibisyon sa mga ipinasasalin ng iba’t ibang opisina ng pamahalaan.
Gayunman,naglabas ang SWP ng Patnubay sa Korespondensiya Opisyal (1977 nirebisa noong
1984, at muli, nitông 2013), at ilang tomo ng mga salin ng katawagan. Isang makabuluhang
hakbang tungo sa institusyonalisasyon ng pagsasalin ang pagbuo ng isang Kawanihan sa
Pagsasalin sa loob ng Partido Komunista ng Pilipinas nitong bungad ng dekada 70.
Kinilála ng partido ang malaking papel ng pagsasalin sa edukasyong pangmasa bukod sa
malawakang gamit ng wikang Filipino sa lahat ng gawaing pangkomunikasyon. Bunga nito, lahat
ng importanteng dokumento sa propaganda at pagtuturo ay mabilisang ipinasalin mulang Ingles
tungo sa Flipino. Kabilang dito ang Lipunan at Rebolusyong Pillpino, Mga Siniping Pangungusap
ni Mao Tsetung Limang Gintong Silahis, at mga tomo ng sinulat ni Mao Tsetung.
Bago ideklara ang Batas Militar, may mga kadre nang sinanay sa pagsasalin at nakatalaga sa
iba’t ibang pangkating legal at ilegal ng partido at halos lahat ng mga babasahing lathala, mula
sa Ang Bayan hanggang Ang Paksa, ay may salin sa Filipino kapag Ingles ang unang edisyon. May
mga organisasyong pangkultura na nagsalin ng mga akdang politikal mula sa ibang bansa, gaya
ng Kamao na isang koleksiyon ng mga isinaling tulang nakikibaka mula sa iba’t ibang dako ng
mundo.
Paglipas ng panahon, nagkaroon din ng mga pagsasanay sa pagsasalin tungo sa ibang wika ng
Flipinas at may mga lumabas na salin ng awit, tula, o iskit mula sa Metro Manila para magamit
sa pagkilos sa ibang rehiyon ng bansa. Sa ilalimng Batas Militar, pinagpatuloy ng mga aktibista
sa Unibersidad ng Piipinas (UP) ang naturang gawain.
Noong Pebrero 4, 1975, isang tanging bilang ng Philippine Collegian ang lumabas na may mga
salin ng panitikan ng Ikatlong Daigdig. Sinundan ito ng isang workshop, ang Panday- Salin, sa
loob ng dalawang araw noong 5-6 Abril 1975 para talakayin ang mga problema ng pagsasalin at
hasain ang mga kalahok sa pagsasalin ng panitikan sa mga wikang katutubo. Ang Panday-Salin
ang unang pambansang workshop sa pagsasalin at nagbunga ito ng isang tanging bilang ng
Philippine Collegian noong 14 Agosto 1975 na naglalaman ng mga akda sa Filipino mula sa
orihinal na ilokano, Bikol, Kapampangan, Sebwano, Hiligaynon, at Español. Sa panahong ito ay
may mga pormal nang kurso sa pagsasalin sa UP. Pinahintulutang buksan ang isang sabjek sa
pagsasalin noong 1970 na nang lumaon ay yumabong tungo sa BA medyor sa Pagsasalin.
Pagsapit ng 1988 ay may kursong doktorado na sa pagsasalin ang UP. Nagbukás naman ng BA sa
pagsasalin noong 1978 hanggang 1985 ang Unibersidad ng Santo Tomas (UST). Sa ngayon, may
sabjek din sa pagsasalin saPhilippine Normal University (PNU) samantalang ibinubukás ito
bilang kursong elective para sa di- gradwado at gradwado sa De La Salle University (DLSU).
Noong 15 Abril 1983 ay nabuo ang Pambansang Samahan ng Pagsasaling- wika mula sa isang
workshop pangwika na ginanap sa Batac, locos Norte. Ang samahan ang nagdaos ng unang
5. pambansang kumperensiya sa pagsasalin noong Oktubre 1983 sa Hiyas Comvention Center,
Malolos, Bulacan. Ang samahan din ang nangasiwa sa proyekto ng LEDCO-PNC Consortium para
magsalin ng mga akdang bernakular tungo sa Filipino.
Anupat may mahahalatang pagtindi ng kamulatan hinggil sa halaga ng pagsasalin kaugnay ng
mga nabanggit na pormal na pagsasanay at kapisanan. Sa kabilāng dako, dahil sa unti-unting
pananaig ng wikang Filipino sa iba’t ibang larangan at gawain ay higit na lumawak ang paksa at
nilalaman ng mga salin. Malinaw din ngayon ang pagpapahalaga sa pagsasalin ng mga panitikan
sa iba’t ibang wika ng Pilipinas tungo sa pagbuo at pagpapalakas ng pambansang kamulatan.
Para naman sa slide na ito ay aking inihandang kasabihan ukol sa aking pag uulat.
“Payabungin at gamitin
ang sariling wika natin,
Ito ay magbibigay sa bansa
ng pagkakakilanlan
Kung ano at sino ang ating pinagmulan.”
“Wika mo, gamitin mo.
Mas lamang ang iyong kaalaman kung wikang Filipino ang bibigkasin mo,
dahil hindi sukatan ang Ingles sa pagiging matalino ng isang Pilipino.”
Bago matapos ang aking pag uulat may mga kaunting dagdag kaalaman akong inihanda sainyo,
alamnyo ba?
6. Idinaraos sa Unibersidad ng Santo Tomasm (UST)
tuwing Agosto ang “Kongreso ng mga Tagasalin” na
tatalakay sa pagbuo ng isang resolusyon hinggil sa
“professionalizing translation in Filipino,” upang higit
pang maisulong ang propesyonalisasyon ng pagsasalin sa
bansa.
At dito po nagtatapos ang aking ulat, sana ay nadagdagan ang inyong kaalaman at nawa’y
naintindihan ng lahat. Maraming salamat sa pakikinig! Mag iingat po tayong lahat!