Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
SIPI-ng-mga-Batas-Pangwika.docx
1. SIPI ng mga Batas Pangwika
I. MGA BATAS AT KAUTUSAN NA MAY KINALAMAN SA WIKANG PAMBANSA
Artikulo XIV, Pangkat 3 ng Saligang Batas ng 1935
“… ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa
na ibabatay sa isa sa mga umiiral na wikang katutubo.”
Batas ng Komonwelth Blg. 184 (136)
Opisyal na paglikha ng Surian ng Wikang Pambansa noong ika-13 ng Nobyembre 1936.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (1937)
Ipinahayag na ang Tagalog ay siyang magiging batayan ng wikang pambansa ng Pilipinas.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 (1940)
Nagbibigay pahintulot sa pagpapalimbag at paglalathala ng Talatinigang Tagalog-Ingles at
Balarila sa Wikang Pambansa at itinagubilin din ang pagpapaturo ng wikang pambansa sa mga
paaralan, pambayan man o pribado.
Batas Komonwelth Blg. 570 (1946)
Pinagtibay na ang Pambansang Wika ay magiging isa na sa mga wikang opisyal ng Pilipinas
simula sa Hulyo 4, 1946.
Proklamasyon Blg. 12 (1954)
Nilagdaan ng Pang. Ramon Magsaysay na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang
Pambansa ay magaganap mula sa ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril bilang pagbibigay-
kahalagahan sa kaarawan ni Balagtas (Abril 2).
Proklamasyon Blg. 186 (1955)
Nilagdaan ni Pang. Magsaysay nag-uutos sa paglilipat ng petsa ng Linggo ng Wika mula ika-13
hanggang 19 ng Agosto bilang pagbibigay ng kahalagahan sa kaarawan ni Pang. Quezon (Agosto
2. 19). Memorandum Sirkular 21 (1956)
Noong Pebrero, 1956, nilagdaan ni Gregorio Hernandez, Direktor ng Paaralang Bayan na nag-
uutos na ituro at awitin ang Pambansang Awit sa mga paaralan.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, s. 1959
Nilagdaan ni i Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ng noong Agosto 13, 1959
na nagsasaad na kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang Pilipino ang gagamitin.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 24, s. 1962
Nilagdaan ni Kalihim Alejandro Roces at nag-uutos na simula sa taong-aralan 1963-1964, ang
mga sertipiko at diploma ng pagtatapos ay ipalilimbag sa wikang Filipino.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60, s. 1963
Nilagdaan ng Pangulong Diosdado Macapagal na nag-uutos na awitin ang Pambansang Awit sa
titik nitong Filipino.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96, s. 1967
Nilagdaan ng Pangulong Ferdinand Marcos at nagtatadhana na nag lahat ng edipisyo, gusali at
tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Filipino.
Memorandum Sirkular Blg. 199 (1969)
Nilagdaan g Pangulong Marcos at nag-uutos sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba
pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Filipino hangga’t maaari sa Linggo ng Wikang
Pambansa.
Memorandum Sirkular Blg. 488 (1972)
Humihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng Linggo ng Wika
3. Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 s. 1974
Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel na nagtatakda ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng
patakarang edukasyong bilinggwal.
Kautusang Pangkagawaran Blg 22, s. 1987
Paggamit ng “Filipino” sa pagtukoy sa wikang pambansa ng Pilipinas.
Artikulo XV, Seksyon 2 at 3, Saligang Batas ng 1973
“Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na
paggamit ng pambansang wikang Pilipino at hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at
Pilipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas”
Kautusang Pangministri Blg. 22 (1978)
Nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at Kultura, Juan Manuel ang na nag-uutos na isama ang
Pilipino sa lahat ng kurikulum na pandalubhasang antas.
Artikulo XIV, Saligang Batas ng 1987
Sek. 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Pilipino.
Sek.7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas
ay Filipino at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.
Sek.8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga
pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Espanyol.
Sek.9.Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng Wikang pambansa na binubuo ng mga
kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at
magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang
pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.
4. Kautusang Blg. 52 (1987)
Pinalabas ng Kalihim Lourdes Quisumbing na nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang wikang
panturo sa lahat ng antas sa mga paaralan.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 21 (1990)
Nagtagubilin na gamitin ang Filipino sa pagbigkas ng panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas
at sa bayan natin.
CHED Memorandum Blg. 59 (1996)
Nagtatadhana ng siyam na yunit na pangangailangan sa Filipino sa pangkalahatang edukasyon at
nagbabago sa deskripsiyon at nilalaman ng mga kurso sa Filipino 1
1. Saligang Batas ng Biak na Bato ang wikang opisyal ng katipunan ay tagalog na naging midyum
sa mga paghatid-sulat at dokumento ng kilusan.
2. Saligang Batas ng 1935, Artikulo XIII, Seksyon ang Pambansang Asemblea ay dapat gumawa
ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang komong wikang na ba tay sa
isa sa mga umiiral na katutubong wika.
5. 3. Hanggat hindi ipinag-utos ng batas, mananatili ang Ingles at kastila bilang mga opisyal na wika.
Batas Komonwelt Blg. 184 , Naglalayong bumuo ng samahang pangwikang Surian ng Wikang
Pambansa o SWP
4. Nagpatibay sa pagkakaroon ng SWP
5. Matapos ang sampung buwang pag-aaral, ipinalabas ng SWP ang resolusyong nagsasabing
Tagalog ang lubos na nakatugon sa ginawa nilang pag-aaral, ang tagalog ay batayan ng wikang
pambansa.
6. Na buong ganap ni Lope K. Santos (ama ng Balarilang Tagalog) ang talatinigang may pamagat
na “ Tagalog- English Dictionary” at “ Ang Balarila ng Wikang Pambansa.”
7. Iniutos ng kalihim ng Pampublikong Instruksiyon Jorge Bocobo na ituro sa lahat ng paaralan ang
pambansang wika na base sa Tagalog, taong panuruan 1940-1941.
8. Ibinaba noong panahon ng pananakop ng Hapon, ginawang opisyal na mga wika ng Pilipinas
ang wikang Hapon at Tagalog.
9. Ang wikang pambansa ay tatawaging Wikang Pambansang Pilipino at maging wikang opisyal
ng Pilipinas.
10. Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang pagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng
Wika simula sa Marso 29 hanggang Abril 4, at Araw ni Balagtas tuwing Abril 12, na kanya ring
kaarawan, ayon sa mungkahi ng Surian ng Wikang Pambasa.
11. Nilagdaan ni Pangulong Magsaysay ang susog sa Proklama bilang 12 na inililipat ang panahon
ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taon-taon simula sa ika-13 hanggang ika-19 ng
Agosto bilang paggalang sa kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon, “Ama ng Wikang
Pambansa.”
12. Sa pamamahala ng Kalihim ng Edukasyon, Jose B. Romero, ipinatupad ang pagtawag sa
wikang pambansa na Pilipino bilang pamalit sa mahabang itinawag ng Batas Komonwlt Blg. 570.
13. Ang mga sertipiko at diploma ng pagtatapos simula sa taong-aralan 1963-1964 ay ipalilimbag
na o may salin sa wikang Pilipino.
14. Ang lahat ng edipisyo, gusali at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino. Ito ay
nilagdaan ni Pangulong Ferdinad Marcos
15. Ipinag-utos na ang mga letterhead ng mga tanggapan ng pamahalaan ay isulat sa Pilipino,
kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles.Ipinag-utos din na ang pormularyo sa panunumpa sa
tungkulin ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan ay sa Pilipino gagawin. Nilagdaan ito ni kalihim
Tagapagpaganap Rafael Salas.
16. Ang Pambansang Asemblea ay gagawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na
adapsyon ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging Filipino. Hanggat hindi
nagpapatibay ang batas ng naiiba, ang Ingles at Pilipino ang siyang wikang opisyal.
17. Itinakda ang mga panuntunan sa pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilingguwal sa
mga paaralan na nagsimula sa taong panuruan 1974-75. Ang patakarang ito ay nag-uutos ng
magkahiwalay na paggamit ng Pilipino at Ingles bilang midyum ng pagtuturo ng mga tiyak na
asignatura sa primarya, intermediya, at sekondarya.
6. 18. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito’y dapat payabungin
at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.
19. “Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino,
at hanggat walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong
sa mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong sa mga wikang panturo roon” 20.
Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing
wikang panrehiyon, Arabic at kastila.
21. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga
kinatawan ng iba’t ibang rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod
ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pagpapanatili sa Filipino at iba
pang mga wika.
22. Isinaad ang pagbabago sa Patakarang Edukasyong Billingguwal nang ganito..”Ang patakarang
Billinguwal ay naglalayong makapagtamo ng kahusayan sa Filipino at Ingles sa antas pambansa
sa pamamagitan ng pagtuturo ng dalawang wikang ito bilang mga midyum ng pagtuturo sa lahat
ng antas.
23. Nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino ang paglikha ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas
LWP bilang pamalit sa dating SWP at makatugon sa panibagong iniatas na gawain nitong patuloy
na pagsasaliksik at pagpapaunlad ng wikang pambansa.
24.Itinatag ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), bilang pagsunod sa itinatadhana ng Saligang
Batas ng 1987, Seksiyon 9. Ito rin ay pamalit sa dating SWP at LWP.
25. Ang pagtatalaga ng taonang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, Agosto 1-31.
Nilagdaan ito ni Pangulong Fidel Ramos
26. Isina-institusyon ang gamit ng Inang Wika sa Elementarya.
27. Ayon sa ipinalabas na Resolusyon Blg. 1-92 (Mayo 13, 1992) na sinusugan ng Resolusyon Blg.
1-96 (Agosto, 1996) ng Komisyon sa Wikang Filipino, ang depinisyon ng Filipino ay..”ang
katutubong wika na ginagamit s buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong
grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa
pamamagitan ng mga paghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga di- katutubong wika at sa
ebolusyon ng iba’t ibang salitang barayti ng wika para sa iba’t ibang sitwasyon, sa mga nagsasalita
nito na may iba’t ibang salitang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling
pagpapahayag.”
28. Sa panayam na ibinigay ni Komisyoner Ricardo Ma. Duran Nolasco (ng KWF, 2007) sa Mariano
Marcos State University, aniya ang kasalukuyang Filipino ay dating wika ng katagalugan na naging
wikang pambansa bunga ng kombinasyon ng mga pangyayari historikal, ekonomikal, at
sosyopolitikal, kayat naging pambansang lingua franca ng magkakaibang etnolingguwistikong
grupo sa bansa.
29. Nagpapatibay sa alpabeto at patnubay sa ispeling ng wikang Filipino, kasabay ng tuwirang
pagtukoy ng Konstitusyon ng 1987 sa wikang pambansa.
30. Ang pagbaybay ay patitik at bibigkasin ayon sa tawa-Ingles maliban sa n (enye) na tawag-
kastila (ey, bi, di, i, ef, eych, ay, key, el, em en, enye, endyi, o, pi, kyu, ar, es, ti ,yu, vi, dobol yu,
eks, way, zi. A, B,C,D,E, F, G,H, I, J, K, L, M, N, -N, NG, O,P, Q, R, S, T, U, V, W, X, Y, Z,
7. 31. May 28 letra pa rin sa 2001 alpabeto, walang idinagdag, walang ibinawas at gumaganap bilang
pagpapatuloy ng 1987 patnubay Ang binago ay mga tuntunin saa paggamit ng walong dagdag letra
na pinagmulan ng maraming kalituhan simula nang pormal na ipinasok sa alpabeto ng 1976.
32. Pansamantalang nagpapatigil sa implementasyon ng 2001 Rebisyon sa Alpabeto at Patnubay
sa ispeling ng wikang Filipino. Itinagubilin pa ang pansamantalang paggamit at pagsangguni sa
1987 alpabeto at Patnubay sa ispeling habang ang KWF ay nagsasagawa ng mga konsultasyon.
33. KAILANGAN ang MLE. Matagal na itong sinabi ni Najib Saleeby noong 1924 nang suportahan
niya ang ulat ng Monroe Commission na bigo ang paggamit ng monolingguwal na edukasyon sa
Ingles. Higit na mabilis na matututo ang batàng Filipino kung wika nila ang gagamitin sa pag-aaral.
Ito rin ang batayan ng 1935 Kumbensiyong Konstitusyonal sa pagpilì ng isang wika batay sa isang
katutubong wika bilang wikang pambansa sa halip na Ingles.
34. 14 Hulyo 2009, inilabas ang DepEd Order No. 74 na may pamagat na “Institutionalizing Mother
Tongue-Based Multilingual Education (MLE).” ang pagkilála sa Mother Tongue-Based
Multilingual Education bilang “fundamental educational policy and program” ng Kagawaran sa
buong panahon ng edukasyong pormal kasama ang pre-school at ang Alternative Learning System
(ALS).
35. Iniaatas sa unang tatlong taon ang implementasyon ng tinatawag na “MLE Bridging Plan,” isa ng
plano para sa pagbuo at produksiyon ng mga kagamitang panturo sa mga itinakdang wika ng
paaralan, dibisyon, at rehiyon, lalo na sa panimulang pagbabasá at panitikang pambatà, at ang
paggamit ng unang wika ng mga mag-aaral bilang pangunahing wikang panturo (MOI) mula pre-
school hanggang Grade 3.
36. Sa plano, ang Filipino, Ingles, at iba pang dagdag na wika ay ipakikilála bilang bukod na sabjek
sa isang maingat at sistematikong paraan at hindi dapat mangyari ito bago mag-Grade 2. Kung
handa na ang mag-aaral, unti-unting gagamitin bilang wikang panturo ang Filipino at Ingles mulang
Grade 3. Patuloy na gagamitin ang unang wika bilang wikang pantulong sa pagtuturo.
37. Sa antas sekundarya, bumalik sa Patakarang Bilingguwal dahil Filipino at Ingles ang magiging
pangunahing wikang panturo. Patuloy na gagamitin ang unang wika bilang auxiliary medium of
instruction.Resulta sa eksperimento ng DepEd, ng SIL, at ni Dr Nolasco.
38. Ipinakita diumano ng eksperimento na higit na mabilis natuto ang mga batà ginamit ang
kanilang unang wika sa pagtuturo. Napakagandang halimbawa! May mahigit 150 wika’t wikain sa
buong Filipinas. Sa ilalim ng simulaing unang wika, at upang ganap na maging epektibo ang MLE,
kailangang gamitin ang 150 wika’t wikaing ito sa mga paaralan ng bansa.
39. Kailangang maghanda ng mga kasangkapang panturo sa 150 wika’t wikain. Kailangang
magdeploy ng mga guro sa buong bansa na may kahandaan ang bawat isa sa isa sa 150 wika’t
wikain. Kailangan din pagkuwan na maghanda ng mga test sa 150 wika’t wikain.
40. Ngayon nga at sa ilalim ng Patakarang Bilingguwal ay hindi nasusunod ang produksiyon ng
isang aklat-bawat mag-aaral sa Grades 1-3. Bukod pa, maraming puna sa kalidad ng kasalukuyang
mga teksbuk. Hindi nakapagdedeploy ng kahit 90 % gurong mahusay at totoong may kahandaan
sa paggamit ng Filipino o Ingles.