2. Baryasyon – Ang iba’t ibang manipestasyon ng wika.
KALAHIAN (Variation)
Hal. Ang Filipino at ang ibang wika sa Pilipinas.
Barayti – Set ng mga lingguwistik aytem na may
kaparehong distribusyon. Maliit na grupo ng
pormal o makabuluhang katangian na nauugnay
sa partikular na uri ng katangiang sosyo-
sitwasyunal.
DAGHAN (Variety)
Hal. Wikang ginagamit ng mga estudyante,
manggagawa, mga tamaby sa kanto, mga
tindera at anumang grupo.
3. Ang wika ay mas malaki kaysa sa
diyalekto.
Ang wika bilang isang baryasyon, ay
may maraming aytem lingguwistik
kaysa sa diyalekto.
4. Ang pinakamalaking boundary ng
Diyalekto ay ang heograpiya (Rehiyunal
na Diyalekto). Sa loob ng mga rehiyunal
na diyalekto ay mayroon pa ring
diyalektong natutukoy.
5. Tumutukoy sa Punto o paraan ng
pagbigkas. Maaaring malumanay,
mabilis at matigas.
Iba’t ibang katawagan sa mga salita sa isang rehiyon. Hal. Langka (Nangka), Sagwan
(Gaod), Alam (Batid), Damit (Baro), Mesa (Hapag)
Paraan kung paano sasabihin ang pahayag. Hal. Natulog ka na ba? Tumulog
ka na ba? Muadto ko diha. Muanha ko diha. Taga adlaw. Kada adlaw.
Tinatawag na “Social Class” o grupong kinabibilangan ng tao.
6. Ang REGISTER ay baryasyon batay sa gamit samantalang,
ang
DIYALEKTO ay baryasyon batay sa taong gumagamit.
Ang REGISTER ay tinatawag ding “estilo sa pagsasalita.”
Maaaring gumamit
ng iba’t ibang Register ang tao sa pagsasalita man o sa
pagsusulat upang maipahayag ang sarili.
7. D
I
Y
A
L
E
K
T
O– makikita kung sino at ano ang isang tao.
R
E
G
I
S
T
E
R
– batay sa kung ano ang ginagawa ng isang
tao.
Hal. Ibang register ang ginagamit ng isang ina kapag
kausap ang kanyang asawa, ibang register naman ang
kaniyang gagamitin kapag kausap ang mga anak at iba
naman kapag sa mga kaibigan.
8. Sitwasyon: Isang gurong taga Maynila ang inatasang magturo sa probinsiya.
Napagtanto niyang iba ang gamit ng wika ng
kanyang mga estudyante.
Itatama ba niya o ituturing niyang tama ang lahat
na naririnig mula sa mga estudyante?
Ipaliwanag sa kanila na ang ginagamit nila ay isang uri o may iba pang uri ngunit
hindi mali ang mga ito. BARYANT ang tawag dito.
Hal. Trisekel, Trisekol, Kaha, Kalaha, Kayo, Kalayo, atbp.
9. H
O
M
O
G
E
N
O
U
S–Paniniwalang ipinapahayag na may iisang
katangian ang wika tulad ng “language universal.” Ibig sabihin,
lahat ng wika ay may bahagi ng pananalitag pangalan at
pandiwa. Karaniwang isa lamang ang layunin at ang
gumagamit. Isa lamang ang gamit ng wika.
H
E
T
E
R
O
G
E
N
O
U
S
– Paniniwalang iba-iba ang gamit,
layunin at gumagamit ng wika. Iba-iba ang wika dahil
sa lokasyon, heograpiya, pandarayuhan, sosyo-
ekonomiko, politikal, at edukasyunal na katangian ng
isang partikular na lugar o komunidad na gumagamit
ng naturang wika.
10. VARAYTI NG FILIPINO: TUNGO SA PAGBABAGO
1. Magkaroon ng realisasyon na hindi talaga batay
sa iisang wika ang wikang Filipino.
2. Malaman ng mga mag-aaral na ang wikang Filipino
ng isang Maranao ay kapantay ng Filipino ng taga
Manila o kaya’y ng mga taga Cebu. Walang tama o
maling bigkas at gamit ng salita.
3. Ang pagyaman at pagpapalaganap ng Wikang
Filipino ay tungkulin ng lahat at hindi iisang grupo
lamang.
4. Ang pag-aaral sa barayti ay hindi maghahati bagkus
ay mag-iisa sa mga Pilipino.