2. KONSTITUSYON NG 1935, ART. XIV,
S.3
-ang Pambansang Asamblea ay gagawa ng
mga hakbang tungo sa paglinang at
pagpapatibay ng isang panlahat na Wikang
Pambansa na nasasalig sa isa sa mga wikang
katutubo. Hangga’t walang ibang itinatadhana
ang batas, ang Ingles at Kastila ay
magpapatuloy na mga wikang opisyal.
3. PANGULONG MANUEL L.
QUEZON
-nanguna sa pagkakaroon ng isang
wikang pambansa.
isinulong ang pagkakaroon ng
isang tanggapan para sa ganitong
layunin
4. NOBYEMBRE 13, 1936
-pinagtibay ng Pambansang
Asemblea ang Batas
Komonwelt Blg. 184.
-“isang batas na nagtatakda
ng Surian ng Wikang Pambansa
at nagtatakda ng mga
5. -magsasagawa ng pag-aaral sa mga
diyalekto ng Pilipinas upang
malinang at mapagtibay ang isang
wikang pambansa batay sa mga wika
ng bansa ginamit na saligan sa
pagpili ay ang wikang maunlad sa
kayarian, mekanismo at literatura at
ginagamit ng nakararaming Pilipino.
6. ENERO 12, 1937
pinasinayaan ni Pang. Quezon ang Surian ng
Wikang Pambansa.
Jaime C. de Veyra–Tagapangulo (Samar-
Leyte)
Cecilio Lopez– Kalihim at Pinunong
Tagapagpaganap (Tagalog
Felix B. Salas–Kagawad (Hiligaynon)
Santiago A. Fonacier–Kagawad (Ilokano)
8. Mga Bagong Itinalagang Kagawad:
Lope K. Santos (Tagalog)
Jose I. Zulueta (Pangasinan)
Zoilo Hilario (Kapampangan)
Isidro Abad (Visayang Cebu)
9. -tumutugon sa halos lahat ng mga hinihingi ng Batas
Komonwelt Blg. 184.
-ang konklusyon ay kumakatawan hindi lamang sa
paniniwala ng mga Kagawad ng Surian kundi pati na
rin sa mga opinyon ng mga iskolar at makabayang
Pilipino na magkakaiba ang pinanggalingan,
edukasyon at mga hilig na buong pagkakaisang
umaayon sa pagpili sa Tagalog dahil sa nakita nito
na ginagamit at tinatanggap ng pinakamaraming mga
Pilipino, bukod sa tahasang pahayag ng mga lokal na
mga pahayagan, mga publikasyon at indibidwal na
mga manunulat.
10. DISYEMBRE 30, 1937
-kasabay ng anibersaryo ng kamatayan ni
Rizal nilagdaan ni Pangulong Quezon ang
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na
nagtatakda sa Tagalog bilang sanligan ng
Wikang Pambansa.
-opisyal na ipinahayag ni Pangulong Quezon
sa kanyang talumpati sa radyo na binigkas
niya sa Tagalog ang pagkakabisa ng
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134.
11. ABRIL 1, 1940
sa bisa ng Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 263,
pinahintulutan ng Pangulo ng
Pilipinas ang pagpapalimbag ng A
Tagalog English Vocabulary at Ang
Balarila ng Wikang Pambansa.
12. HUNYO 19, 1940
-sinimulang ituro sa mga paaralang publiko at
pribado ang wikang pambansa.
HULYO 4, 1946
-ipinahayag ang pagiging isa sa mga wikang
opisyal ng wikang pambansa sa pamamagitan ng
Batas Komonwelt Blg. 570.
sinimulan ding ituro mula unang baitang ng
elementarya hanggang ikaapat na taon sa
sekundarya.
13. AGOSTO 13, 1959
-nagpalabas ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, si
Kalihim Jose E. Romero (Kagawaran ng Edukasyon) na
nag-aatas na tawaging Pilipino ang wikang pambansa.
1963–1969
-isang kaso sibil ang iniharap ni Kongresista Inocencio V.
Ferrer sa Hukumang Unang Dulugan dahil sa maling
paggamit ng pondo ng pamahalaan sa pagpapalaganap ng
“puristang Tagalog” sa halip na isang wikang binubuo ng
lahat ng wika sa Pilipinas.
14. 1973 KONSTITUSYON
-ang Pambansang Asamblea ay
gagawa ng hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pormal na
pagpapatibay ng panlahat na wikang
pambansa na tatawaging FILIPINO.
-hanggang walang ibang ipinapasya
ang batas, ang Ingles at Pilipino ay
magpapatuloy na wikang opisyal.
15. -ang FILIPINO na batay sa Pilipino na
batay naman sa Tagalog ang napili ng
mga delegado ng Kumbensiyong
Konstitusyunal. Patuloy na ginamit ang
Filipino bilang wikang pambansa kahit
na walang probisyon na nagtatakda ng
paglinang at pagpapaunlad dito.
-nanatiling wikang pambansa at
opisyal na wika ang Pilipino hanggang
sa pagtibayin ang Konstitusyon ng
1987 (Art. 14, sek. 6).
16. 1987 KONSTITUSYON (Art. 14, Sek. 6)
-ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa sa salig sa umiiral na mga wika sa
Pilipinas at sa iba pang mga wika.
-kinilala ng mga delegado ang Pilipino na nukleo ng
Filipino. Kinilala nila ito na may mayamang bokabularyo
at literatura at sinasalita ng nakararaming mamamayang
Pilipino. Upang lalong mapaunlad at magamit ang wikang
Filipino, nilagdaan ni Pangulong Corazon C. Aquino ang
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335.
17. KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 335
-o nag-aatas sa lahat ng kagawaran/
kawanihan/ tanggapan/ ahensiya/
instrumentaliti ng pamahalaan na magsagawa
ng mga hakbang para sa layuning magamit ang
wikang Filipino sa mga opisyal na transaksyon,
komunikasyon at korespondensiya. Ang noo’y
Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (na dating
Surian ng Wikang Pambansa) ang nagpatupad
ng kautusang ito.
18. PANGULONG CORAZON C. AQUINO
-nilikha ang Batas Republika Blg. 7104.
nalikha ang Komisyon sa Wikang Filipino
noong Agosto 14, 1991.
-ito ay may tungkuling magsagawa, mag-ugnay
at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa
pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon
ng Filipino at ng iba pang mga wika sa Pilipinas.
20. Disyembre 30, 1937 - iprinoklamang
wikang Tagalog ang magiging batayan
ng Wikang Pambansa. Magkakabisa
ang proklamasyong ito dalawang taon
matapos itong mapagtibay.
1940 - ipinag-utos ang pagtuturo ng
Wikang Pambansa sa ikaapat na taon
sa lahat ng pampubliko at pribadong
paaralan at sa mga pribadong
institusyong pasanayang pangguro sa
21. Hunyo 4, 1946 - nagkabisa ang Batas
Komonwelt Blg. 570 na pinagtibay ng
pambansang Asamblea noong Hunyo 7, 1940
na nagproklama na ang Wikang Pambansa na
tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay isa
nang wikang opisyal.
1959 - ibinaba ng Kalihim Jose B. Romero ng
Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg.
7 na nagsasaad na ang wikang Pambansa ay
tatawaging Pilipino upang mailagan ang
mahabang katawagang “Wikang Pambansang
Pilipino” o “Wikang Pambansa Batay sa
22. 1987 - Filipino na ang ngalan
ng wikang pambansa,
alinsunod sa Konstitusyon na
nagtatadhanang ang wikang
pambansa ng Pilipinas ay
Filipino.>> Ito ay hindi
pinaghalo-halong sangkap
mula sa iba’t ibang katutubong
wika; bagkus, ito’y may
24. Saligang-Batas ng Biyak-na-bato (1896)
Ang Wikang Tagalog ang magiging opisyal
na wika ng Pilipinas.
Saligang-Batas ng 1935
Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang
tung sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng
isang wikang pambansa na batay sa isa sa
mga umiiral na katutubong wika.
Hanggang hindi nagtatadhana ng iba ang
batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy na
25. Saligang-Batas 1973
Ang Batasang pambansa as
dapat gumawa ng mga
hakbang tungo sa paglinang
at pormal na adopsyon ng
isang panlahat na wikang
pambansa na tatawaging
26. Saligang-Batas 1987
Seksyon 6. Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas
ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay
dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa
umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba
pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng
batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring
ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng
mga hakbangin ang pamahalaan upang
ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit
ng Filipino bilang midyum ng opisyal na
27. •Seksyon 7.Ukol sa mga layunin ng
komunikasyon at pagtuturo, ang mga
wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino
at hangga’t walang itinatadhana ang
batas, Ingles. Ang mga wika ng
rehiyon ay pantulong na mga wikang
opisyal sa mga rehiyon at
magsisilbing opisyal na pantulong na
midyum ng pagtuturo. Dapat
28. Seksyon 8. Ang Konstitusyong ito ay
dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at
dapat isalin sa mga pangunahing wikang
panrehiyon, Arabic, at Kastila.
Seksyon 9. Dapat magtatag ang Kongreso
ng isang komisyon ng wikang pambansa
na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t
ibang mga rehiyon at mga disiplina na
magsasagawa, mag-uugnay at
magtataguyod ng mga pananaliksik para
sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at
pagpapanatili sa Filipino at iba pang mga