This presentation was created for a conference and was a bilingual (Filipino and English) in nature, you will learn the basics, elements, figures, as well as importance of Editorial Cartoon here.
3. What is Cartoon?
Cartoon is derived from the words: Caricature and
Lampoon.
Caricature is an exaggerated description generally by
sketching.
Lampoon is a piece of malicious writing, a written
personal satire that attacks and ridicules. It is sketched,
rather than written.
5. The differences between a
poster and an editorial cartoon
1. A poster is colorful. While an editorial is mainly black
& white and gray shadings.
2. A poster has a message. An editorial cartoon has a
message presented humorously.
3. A poster contains symbolic elements. An editorial
cartoon has both symbolic and realistic elements.
4. A poster shows poses. An editorial cartoon shows
actions/emotions.
6. Ang Editorial Cartoon ay…
-Nakikita sa mga pahayagan at magazine. Ito ay
kilala sa pagtalakay ng mga pulitikal na aspeto ng
ating lipunan.
-May layunin ding tuligsain, suportahan o magbigay
ng suhestiyon sa mga napapanahong isyu na
nakakaapekto sa ating pang-araw-araw na
pamumuhay. Ito rin ay nagbibigay impormasyon sa
mga mambabasa.
7. Ang Editorial Cartoon ay…
-May layuning impluwensiyahan o hikayatin ang mga
mababasa upang makaramdam ng simpatiya, sa
isang paksa o isyung tinatalakay.
-Ayon sa isang akda ni GELLY E. ALKUINO Isang
Batikang Manunulat, ito ay editoryal na nakaguhit.
Layunin nitong ilarawan sa pamamagitan ng
impormal na guhit ang panig ng patnugutan tungkol
sa isang isyu.
8. Kung ang EDITORIYAL ang utak
ng pahayagan, ang EDITORIYAL
CARTOON naman ang puso ng
pahayagan…bakit?
Dahil sa kakayahan nitong pumukaw ng damdamin
sa mga nakakakita nito.
9. Ang Editorial Cartoonist
Editorial Cartoonist – mamahayag at alagad ng sining.
Isang ALAGAD NG SINING dahil sa kanyang angking kagalingan
sa pagguhit, na mula sa mga simpleng linya at hugis ay nakabubuo siya
ng isang dibuho na sumasalamin sa mga kaganpan sa ating bansa.
Isang MAMAHAYAG dahil sa kritikal siya kung mag-isip, di siya
nakukuntento sa nakikita lang ng mga mata inuungkat niya ang mga
isyu hanggang malaman niya ang ugat nito. Malawak ang kanyang
kaalaman at karanasan, alam niya ang kanyang karapatan ganun din
ang kanyang pananagutan. Bagamat may panuntunan siyang sinusunod
malaya niyang ipinahahayag ang kanyang saloobin gamit ang kanyang
cartoon.
10. Mga Katangian ng isang
magaling na Editorial Cartoonist
1. Kailangang may nalalaman sa napapanahong mga balita
at pangyayari.
2. Kailangang malikhain.
3. Kailangang may pundasyon sa pamamahayag o
Journalism.
11. Mga Elemento ng Editorial
Cartooning
Simbolismo/Pagwawangis. Ito ay ginagamit sa editorial
cartooning upang ipakita ang pagkakapareho ng bawat isa. Ang
isang hayop o bagay ay nagiging simbolo ng tagumpay,
katapangan, kasakiman, karahasan, kamatayan at iba pa.
At dahil nga ang isang Editorial Cartoon ay isang box lamang di
gaya ng komiks na binubuo ng mga serye ng drawings at mga
dialogues, nakatutulong ng malaki ang simbolismo at
pagwawangis upang ang iyong cartoon ay maging STRAIGHT TO
THE POINT at madaling maintindihan.
12. Mga Elemento ng Editorial
Cartooning
Balintunay/Irony. Ang Balintunay ay ginagamit sa Editorial Cartooning upang
baliktarin ang ideya o paksa na madalas lumalabas na katawa-tawa .
Facial Expressions/Emotions. Ang Editorial Cartoon ay nagpapadama ng Emosyon
upang maghatid ng opinyon sa paraang maiintindihan ng lahat.
May kakayahan ang Editorial Cartoon na magpakita ng Emosyon na di kayang gawin
ng nakasulat na balita.
Sa mata, sa bibig at sa muestra ng katawan nang iginuhit na karakter, matagumpay
na maipapakita ng cartoonist ang nais niyang ipahiwatig kahit walang tulong ng mga
salita.
13. Mga Elemento ng Editorial
Cartooning
Karikatura/Distorsiyon. Ang mga aspetong pisikal ng isang
kilalang tao na laman ng balita ay ine-exaggerate o
dinidistort gaya ng ilong, mata, baba o anumang parte ng
katawan. Ito ay upang lalong magpakilala sa personalidad ng
iyong iginuguhit at lalong magdiin sa iyong punto.
14. Mga Elemento ng Editorial
Cartooning
Teksto/Labels
Bagamat hindi recommended na may mga nakasulat na mahahabang salita o
pangungusap sa isang editorial cartoon dahil dapat ang cartoon mismo ang magsalita.
Paminsan- minsa’y kailangan paring lagyan ng labels..
Bakit kailangan ng Teksto/Labels?
Upang ipakilala ang personalidad sa isang editorial cartoon.
Ang gawing makatawag- pansin at mabigyan ng diin ang gustong ipahiwatig ng
cartoon na lubos na makatutulong upang maging mas lalong epektibo ang layunin ng
cartoon.
15. Mga dapat tandaan sa pagguhit
ng Kartung Editoryal
1. Limitahan ang paggamit ng mga salita at label.
2. Gumamit ng mga pangkalahatang simbolo.
3. Magkaoon ng sariling istilo at huwag mangopya.
4. Ilarawan nang husto ang ekspresyon ng mukha ng taong iguguhit,
pati na ang pagkakakilanlan nito.
5. Ituon ang pagguhit sa iisang paksa lamang.
6. Limitahan sa tatlo hanggang sa limang bagay ang iguguhit na
tutulong upang mailarawan ang kaisipang nais ipabatid sa mga
mambabasa.
16. Mga dapat tandaan sa pagguhit
ng Kartung Editoryal
7. Alamin ang pangunahing isyu na nais iguhit na kartun.
8. Alamin ang panig ng patnugutan tungkol sa isyu.
9. Gumuhit sa tulong ng pinakamabisang simbolo na aakma sa
pangkalahatang opinyon ng patnugutan tungkol sa isyu.
17. Mga karaniwang simbolo sa
pagguhit ng Kartung Editoriyal
Lapis, pluma, pahayagan - pamahayagan, karapatan sa
pamamahayag
Kalapati - kalayaan, kapayapaan,
demokrasya
Salakot - Juan Dela Cruz, karaniwang
mamamayang Pilipino
Kadena paninikil sa kalayaan, pang-aapi o
pang-aalipin
Kamatayan at karit - panganib, kapahamakan
Heringgilya - parusang kamatayan, adiksyon
sa droga, lunas
Buwaya - abusado, mapagsamantala
18. Mga karaniwang simbolo sa
pagguhit ng Kartung Editoriyal
Buto't balat na bata - kahirapan, gutom
Malyete - husgado, batas
Babaeng may piring at may
dalang timbangan
- katarungan
Mga alon - mga hadlang, pagsubok
Malaking bato sa daan - balakid sa anumang mithiin
Bungo at dalawang nagkrus na
buto
- kamatayan, kapahamakan
Sumisikat na araw - pag-asa
19. Mga Tips sa Editorial Cartooning
1. Pag-aralan ang mga kartun ng mga batikan na sa pagguhit ng editorial cartoon
bago gumawa ng sarili mong kartun. Paalala pag-aralan ito at wag mong kopyahin.
2. Pumili ng isang isyu o paksa na gusto mo at alam mo (yung interesado ka). Subalit
sa aktwal na contest, ito ay depende sa paksang ibibigay ng judge o proctor. Kaya’t
dapat lagi kang handa, nararapat lamang na alam mo ang mga napapanahong isyu ng
bansa. Sa panahon ng paghahanda mabuting mag-clip ng mga editoryal cartoon mula
sa mga pahayagan, sa pamamagitan nito nagkakaroon ka ng ideya ng sari-saring
istilo o pamamaraan ng iba’t-ibang cartoonist. (kunan lamang ng ideya at huwag
kopyahin)
3. Kung nakapili ka na ng paksa, isipin mo ngayon kung aayon ka o tututol sa paksang
tinatalakay (huwag maging balimbing). Huwag mong punuin ng ibat-ibang tema o
ideya ang iyong kartun. Mag- concentrate lamang sa isa.
20. Mga Tips sa Editorial Cartooning
4. Bumuo ng konsepto at gamitin ang mga elementong natalakay.
5. Gumamit lamang ng lapis, at puting papel. Gawing maayos ang mga linya at hugis.
6. Huwag gumuhit mga ng bagay na di naman kailangan at makakagulo lamang.
7. Huwag gumamit ng mga paraang hindi ka naman bihasa gaya ng “shading”
malimit na nakarurumi lamang ito sa iyong drawing.
8. Gumamit lamang ng mga salita kung kinakailangan.
9. Dapat maging orihinal at malinaw ang ideya ng kartun at hindi nanggagaya.
10. Praktisin ng paulit-ulit ang iyong pagguhit hanggang sa magkaroon ka ng sariling
istilo na kapag nakita ng iba ang iyong kartun ay alam na nilang ikaw ang gumuhit.
Mag-eksperimento sa iba’t-ibang karakter, galaw, emosyon at eksaherasyon. Maging
malikhain.