• Share
  • Email
  • Embed
  • Like
  • Save
  • Private Content
Florante at Laura
 

Florante at Laura

on

  • 8,522 views

 

Statistics

Views

Total Views
8,522
Views on SlideShare
8,519
Embed Views
3

Actions

Likes
2
Downloads
104
Comments
0

2 Embeds 3

https://twitter.com 2
http://www.facebook.com 1

Accessibility

Categories

Upload Details

Uploaded via as Microsoft PowerPoint

Usage Rights

© All Rights Reserved

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Processing…
Post Comment
Edit your comment

    Florante at Laura Florante at Laura Presentation Transcript

    • FLORANTE AT LAURA NI BALAGTAS
    • NASAAN KA LAURA (26-38)• "Kung siya Mong ibig na akoy magdusa, Langit na mataas, aking mababata; isagi Mo lamang sa puso ni Laura — akoy minsan-minsang mapag-alaala." "At dito sa laot ng dusat hinagpis, malawak na lubhang aking tinatawid; gunita ni Laura sa naabang ibig, siya ko na lamang ligaya sa dibdib."
    • • "Munting gunam-gunam ng sinta kot mutya nang dahil sa akiy dakila kong tuwa; higit sa malaking hirap at dalita, parusa ng taong lilot walang awa." "Sa pagkagapos koy guni-gunihin, malamig nang bangkay akong nahihimbing; at tinatangisan ng sula kot giliw, ang pagkabuhay koy walang hangga mandin."
    • • "Kung apuhapin ko sa sariling isip, ang suyuan naman ng pili kong ibig; ang pagluha niya kung akoy may hapis, nagiging ligaya yaring madlang sakit." "Nguni, sa aba ko sawing kapalaran! Ano pang halaga ng gayong suyuan ... ang sing-ibig koy katahimikan ay humihilig na sa ibang kandungan?"
    • • "Sa sinapupunan ng Konde Adolfo, aking natatanaw si Laurang sinta ko; kamatayat nahan ang dating bangis mo, nang di ko damdamin ang hirap na ito?" Dito hinimatay sa paghihinagpis, sumuko ang puso sa dahas ng sakit; uloy nalungayngay, luhay bumalisbis, kinagagapusang kahoy ay nadilig.
    • • Magmula sa yapak hanggang sa ulunan, nalimbag ang bangis ng kapighatian; at ang panibughoy gumamit ng asal ng lalong marahas, lilong kamatayan. Ang kahimat sinong hindi maramdamin, kung itoy makitay magmamahabagin matipid na luha ay paaagusin, ang nagparusa may pilit hahapisin.
    • • Sukat na ang tingnan ang lugaming anyo nitong sa dalitay hindi makakibo, aakayin biglang umiyak ang puso, kung wala nang luhang sa matay itulo. Gaano ang awang bubugso sa dibdib na may karamdamang maanyong tumitig, kung ang panambitat daing ay marinig nang mahimasmasan ang tipon ng sakit?
    • • Halos buong gubat ay nasasabugan ng dinaing-daing na lubhang malumbay, na inuulit pa at isinisigaw sagot sa malayo niyong alingawngaw.
    • • PALIWANAG SA BINASA• Kahit na anong pasakit ay matitiis ng binata kung paminsan minsan ay maalala siya ni Laura. Naguguniguni niya na siya’y isang malamig nang bangkay at tinatangisan ng kanyang mahal. Ginugunita rin niya ang kanilang suyuan ngunit ang lahat ng ito ay nanwawalang saysay sapagkat ang mga gunitain ay napaparam tuwing maaalala na si Laura ay umibig na kay Konde Adolfo.• Nawalan ng malay ang binata sa matinding hirap at sama ng loob. Ang sino mang makakita sa kanyang kaawa-kaawang kalagayan ay sapilitang mahahabag
    • • Dagdag kaalaman• Ang panibugho ay kakambal ng pagmamahal. Mahirap iwaglit sa isipan ang ganitong damdamin lubha pa’t ang iyong kasintahan ay ubod ng ganda. Karaniwan na kasing ang maganda ay nauunang kumalas sa sumpaan. Maraming manliligaw- mayaman, makisig din may pinag- aralan, samakatwid mamaring maghinala ang lalaking lumimot at magtaksil sa kanya.•
    • • Sa kabilang dako, kung pangit ang iyong kasintahan, malyang magtaksil ito. Baka iisa lamang ang manliligaw niya.• Kung hindi maiaalis ang mga aalalahaning nagpapahirap sa isang umiibig makakabuting gunitain na lamang ang nagdaang pagsusuyuan, humigit kumulang nakabawas ito sa paghihirap ng loob.
    • • Kaisipan ng binasa Nakapagpapatighaw ng damdamdamin ang pag- gunita sa mgagandang tagpo ng pag-iibigan.