Ang sarswela ay isang anyo ng dulang musikal na may kantahan at sayawan, isinasagawa sa mga tanghalan, na naglalarawan ng mga kwento tungkol sa pag-ibig at kontemporaryong isyu. Ito ay bumubuo ng isa hanggang limang kabanata at umunlad sa Espanya noong ika-17 siglo, ipinasok sa Pilipinas noong 1880. Ang mga pangunahing elemento ng sarswela ay iskrip, aktor, tanghalan, direktor, at manonood.