Tula
Pagpapahayag
katotohanan
na
pinatining at pinatingkad ng pananaw at
pandama ng makata
 Ang mga taludtod
ay hindi
pumpon lamang ng mga salita
kundi manapa’y
salamin ng pansariling daigdig ng mga
karanasan, mithiin, adhikain at kapalaran
ng tao sa kanyang paligid.
 Kay Alejandro G. Abadilla: ―ang tula
 ay
kamalayang nagpapasigasig.‖

 Kay Julian Cruz Balmaceda: ― Ang Tula
isang
kaisipang naglalarawan ng kagandahan
ng kariktan
ng kadakilaan —ang tatlong bagay na
magkakatipun-tipon sa isang kaisipan upang mag-
angkin ng karapatang matawag na tula.‖

 Kay Inigo Ed. Regalado: ― Ang tula
isang
kagandahan,
dula,
katas,
larawan, at
kabuuan ng tanag
kariktang nakikita sa
silong ng alin mang
langit.‖
 ANG SUKAT. Ito ay ang bilang ng pantig sa bawat
taludtod. Sa tulang tradisyunal, ang mga palasak at
gamiting sukat ay ang labindalawa, labing-anim at
labingwalo. Ang di-tradisyunal na tula ay walang
isinasaalang-alang na bilang ng pantig sa bawat
taludtud. Tinatwag itong malayang taludturan.
 Halimabawa ng mga sukat:
 a. kopla (couple) f. lalabing-animin
 b. aapatin(quatrain) g. lalabingwaluhin
 c. aanimin h. soneto (sonnet)
 d. pipituhin I. haiku (5-7-5)
 e. wawaluhin (octave) j. tanaga (7-7-7-7)
 Halimbawa ng may lalabindalawahing pantig:

 Batong tuntungan mo // sa pagkadakila
 Batong tuntungan ka // sa pamayapa
 Talagang ganito // sa lapad ng lupa
 ay bali-baliktad // lamang ang kawawa.
 J. C. de Jesus. Ang Bato
 Halimbawa ng may lalabingwaluhing pantig:

 Minsa’y nakitako / ang isang bulaklak / sa aking lagwerta
 Sa siwang ulap / ay mata ng Birheng / malamlam
tumingin;
 Ang aking ginawa / puso’y idinungaw / sa pinto ng dibdib
 Saka ang bituin / ay kinaulayaw / sa suyo ng halik
 At nang itinanong ko / sa kanya ang aking / mga panaginip
 Ay sinagot akong / ang panaginip ko’y / Pag-ibig! Pag-ibig!
 C.H. Panganiban, Hantungan ng Palad
 Sa mga tulang may sukat nna lalabindalawahin
ay may bahagyang pagtigil sa pagbabasa sa
bawat ikaanim na pantig ng taludtod; samantala
sa lalabingwaluhin ay sa ikasiyam na pantig. Ang
bahagyang tigil na ito ay tinatawag na sesura.
 TADAAN: Ang mga tradisyunal na tula ay may
sesura o ang bahagyang pagtigil sa pagbabasa ng
bawat taludtod. Sa mga tulang may sukat na
lalabingdalawahin, ang sesura ay bumabagsak sa
ika-6 na pantig, sa mga tulang lalabing-animin
ang sesura ay nasa ika-4 o ika-8 pantig, at para
sa tulang lalabingwaluhing pantig, ang sesura ay
nasa bawat 6 na pantig ng taludtod.
 ANG TUGMA. Ito ay pagkakatulad ng tunog ng huling salita
sa bawat taludtod. Mat tinatawag na tugmang ganap –
magkakasintunog ang huling salita sa bawat taludtod , at
magkakatulad pa ang bigkas o uri ng diin (stress) o uri ng
tuldik at tugmang karaniwan – ay pareho lamang ng tunog
ngunit hindi pareho ang diin sa mga dulong salita ng
taludtod.

 Halimbawa ng tugmang ganap:
 Wala na, ang gabi ay lambong na liksa,
 Panakip sa aking mumunting mukha
 Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga
 Ni ibon, ni tao’y hindi matuwa.
 J.C. de Jesus, Punungkahoy


 A. Tugmaang Ganap: ang huling pantig ng dulong
salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog
 at magkakatulad ng diin at tuldik.

 Halimbawa:
 Wala na, ang gabi ay lambong sa luksa
 Panakip sa aking namumutlang mukha,
 Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga,
 Ni ibon, ni tao’y hindi natuwa.

 ―Punongkahoy‖ Jose Corazon de Jesus
 . Tugmaang Karaniwan: ang huling pantig ng dulong
salita ng bawat taludtod at
 magkakatulad ng tunog
ngunit magkakaiba sa diin.

 Halimbawa:
 Kung siya mong ibig na ako’y magdusa
 Langit na mataas, aking mababata
 Ako’y minsan-minsang mapag-alaala
 Isagi mo lang sa puso ni Laura

 ―Florante at Laura‖
 Francisco Balagtas

 Unang pangkat na binubuo ng mga katinig na
B, K, D, G, P, S at T at magkakapareho ng tunog
ayon sa patinig na nasa kanilang unahan.

 Halimbawa:
 Ang salpok ng mga alo’y sa talampas nababasag
 At sa hangi’y sumasama sa rurok ng alapaap
 Parang diwa ng makata kung mayroong sinusulat
 Humahantong sa palasyong lundu-lundong mga
ulap.

 ―Ang Dagat‖
 Rafael Sabino
 Ikalawang pangkat ay binubuo ng mga katinig na
L, M, N, NG, R, W, at Y at magkakapareho ng tunog ayon
sa patinig na nasa kanilang unahan.

 Halimbawa:
 Tao: Kilala kang sa Sangkalupaan
 At tanang nlikha, ang Hari ay ikaw
 Ang pag-usap mo at dunong kung minsan
 Pati kay Bathala ay nagmamayabang
 At talastas ko ring ang kaligayanhan
 Ay siya mong mithi habang nabubuhay

 ―Nangungusap ang kasaysayan‖
 Lope K. Santos
 MAKABULUHANG DIWA. Ito ay pagkakaroon ng malalim na kaisipan o
makabuluhang diwa. Ito ang pinagkaiba ng tula sa isang karaniwang
tugma. Sa mga linya nito makikita ang matayog na kaisipan at nasa
makabuluhang diwa ang mensahe ng tula. Nakapaloob dito ang mga
talinghagang likha ng matalinong isipan, pagkukuro at guniguni ng
makata.
 Hindi makikita sa dami ng taludtod o haba kaya ng tula nasusukat ang
pagiging tula ng isang likha kundi sa nilalamang makabuluhang diwa at
mga talinghaga gaya ng tanaga.
 Halimbawa:
 Sising Alipin Iskwater

 Sinusuntok ko ang langit Balon ng kadiliman
 Nagalit ang bathala Tangi nilang luklukan
 Aking kinaing pilit Isdang nagpipiglasan
 Ang sarili kong dila. Nang makahinga lamang.
 A. Tiburcio O. Pagsanhan: Kulay B
 ANG KARIKITAN. Ito ay kagandahan at
larawan ng kabuuan ng karikitang nakikta ng
matalas na pananaw ng makata. Gumagamit
ng mga piling-piling salita na nakagigising sa
mayamang guniguni ng mambabasa.
Tumitingkad ang kahulugan ng mga salita at
nakabubuo ng buhay sa buhay na larawang-
diwa sa paggamit ng simbolo at talinghaga.
 Ang mga pangngalang ay maaaring tahas o
basal
Halimbawa:
papel butones suklay
pamaypay salamin alahas
1. palansak – tumutukoy sa iisang uri ng mga
tao o bagay.
Halimbawa:
buwig ng saging tangkal ng manok
kawan ng ibon pumpon ng bulaklak
2. di- palansak – tumutukoy sa mga bagay na
isinasaalang-alang nang isa-isa.
Halimbawa:
Kalabasa ampalaya aklat silya
 Ang mga pangngalang basal naman ay iyong
tumutukoy sa mga bagay na di-materyal. Ito ay
nagsasaad ng mga bagay na may kaugnayan sa
diwa o kaisipan. Tinatawag ito sa Ingles na
abstract.
Halimbawa:
ganda bait dunong sipag tapang
May ilang pananda ang mga pangngalan. Ito ay mga
salitang makatutulong sa atin upang maging
madali ang ating pagtukoy at pagkilala ng mga
pangngalan.
Halimbawa:
ang pamahalan ang mga panukala
 TUNOG. Sinasabing nakagaganda sa tula ang
pagkakapare-pareho ng tunog ng mga huling
pantig ng mga salita, bagama’t bukod diyan ang
tunog ay nagiging kasangkapan din ng makata
upang makapaghatid ng isang
madamdamin, sensuwal, at matalinong
karanasan.
 Halimbawa:
 Iyang kamay na sulak at nagpabulas sa bulto
 Iyang kamay na kumatam at kuminis sa
anggulo
 Iyang kamay na naglapat, nagpako at
nagmartilyo

 A. Aliterasyon: ito ay ang pag-uulit ng isang
tunog ng isang katinig na ginagamit sa
magkakalapit na salita o pantig.
 Halimbawa:
 Sa sinayaw-sayaw at hinalik-halik sa aking
paanan,
 Titik kong masigla ng lumang talindaw,

 ―Dalampasigan‖
 Teodoro Agoncillo

 B. Asonansya: ang pag-uulit ng tunog ng isang
pantig.
 Halimbawa:
 Ang buhay ng tao at sa taong palad
 Nasa ginagaya ang halaga’t bigat
 May mga mayaman na dapat umiyak
 At may dukha naming magalak ang dapat
 May mangmang na lagging ang mata ay dilat
 At mayroong marunong na lagi nang bulag.
 ― Ang Buhay ng Tao‖
 Jose Katindig
 C. Onomatopeya: Aang pagkakahawig ng tunog
ng salita at ang diwa nito.
 Halimbawa:
 Kumaluskos ang dahon
 Sumalpok ang alon
 Sa luhang dumaloy
 Lumagaslas ang talon
 Kulog ay dumagundong
 Lumalagablab ang apoy

 ―Harana ng Kalikasan‖
 TALINGHAGA. Higit na mabuti at mabisa kung ang
mga salitang ito ay ihahayag sa iba’t ibang uri ng
talinghaga. Sa panulaang Filipino, pinakagamitin
na ang pagtutulad (metaphor), pagsasatao
(personification) at eksaherasyon (hyperbole).
 Halimbawa:
 Pagtutulad
 Ang tula ay parang bulaklak; may bango!
 May bulaklak na walang bango, walng tula!
 Ang tula ay parang pintura, may kulay!
 May pinturang walang kulay; walang tula!
 Ang Tula, Jose Corazon de Jesus
 a. Pagtutulad (Simili): Ito’y paghahambing ng 2
bagay, tao, o pangyayari na magkaiba ng uri ng at
ginagamitan ng mga salita o pariralang
tulad,parang,gaya,wangis,animo’y,wari’y, anaki’y.
 Ang mga anak ni Juan ay tulad ng kawayan, yumuyuko pag
may unos.
 b. Pagwawangis (Metapora): Ito’y tahasang
paghahambing din ng dalawang bagay na hindi magkauri
ngunit hindi gumagamit ng mga salita o pariralang tulad
ng ginagamit sa simili. Inilalapat ang katangian ng isang
bagay sa bagay na inihahambing.
 Ang awitin niya ay punyal sa aking dibdib.
 c. Pagbibigay Katauhan (Personifikasyon): Sa
talinhagang ito, ikinakapit ang katngian ng tao sa mga
bagay na walang buhay.Itinuturing silang parang tunay na
tao, na may talino, kumikilos, may damdamin, nag-iisip
atb.
 Nagsayaw-sayaw ang dahon sa ihip ng hangin.
 d. Pagtawag (Apostropi): Ito’y panawagan o pakiusap sa
isang tao na inaaring taong hindi naman kaharap.
 O, tukso, layuan mo ako!
 e. Pagmamalabis (Hyperbole): Ito’y tumutukoy sa
pagpapahalaga ng lampas o kulang sa katotohanan o sa
normal na kalagayan sa hangaring mapaigting ang diwang
nais ipahayag ng makata.
 Nasaid ang pasensya niya sa tindi ng kakulitan ko.
 f. Pagtatanong: Ito’y tumutukoy naman sa pag-
aalinlangan o pagbibigay ng kahulugang iba sa
itinatanong. Ang sagot ay sang-ayon o depende sa iniisip
ng nagsasalita.
 G. Balintunay (Ironiya): Isang uri ng tayutay na
nagpapahiwatig ng panlilibak pangungutya, pagtudyo, o
pag-uyam sa tao, bagay o pangyayaring tinutukoy.
Ipinakikilala ang kahulugang ito sa tono at ekspresyon ng
mukha ng nagsasalita.
 Ang galing niyang magdala ng damit, ala Reyna Elena
 h. Pagpapalit-tawag (Metonomiya): Ito ay isang
tayutay na ang pangalan ng isang bagay na tinutukoy
ay pinapalitan ng ibang katawagan o ngalan. Ang
ipinalit ay may kaugnayan din sa pinalitan.
 Si Pnoy ay naupo sa silya bilang pangulo ng bansa.
 i.Pagpapalit-saklaw (Sinekdoke): Ito ay
pagbanggit sa bahagi ng isang bagay o kaisipan
bilang katapat ng kabuuan sa isang bahagi.
 May apat na paang naghahabulan.
 j. Pagtatambis (Oxymoron): Dalawang
magkasalungat na salita.
 mapait na tagumpay , nakabibingig katahimikan
 k. Pagsalungat (Epigram) – dalawang magkasalungat
na ideya na pinagsama.
 Naging mabuting ina si Daniel sa kanyang pamilya.
 L. EKSKLAMASYON
 -Pagpapahayag ng masidhing damdamin o
emosyon ng pagdaramdam tungkol sa isang
pangyayari.

 HALIMBAWA

 Hoy!
 Pinoy ako
 LARAWANG-DIWA. ―Imagery‖ tumutukoy sa mga
salitang kapag binabanggit sa tula ay nag-iiwan
ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng
mambabasa. Ang mga salitang ito ang
magpapmalas sa panlasa, pang-amoy, paningin at
iba pang persepsyon ng mambabasa.
 Halimbawa:
 May paambon-ambon, may tika-tikatik
 na sinasabayan ng kulog at lintik;
 May unos at bagyong nakatitigatig
 Sa lalong payapa’t matimping dibdin
 SIMBOLO. Ito ang salitang kapag binabanggit sa tula ay nag-iiwan
ng kahulugan sa isipan ng mambabasa; halimbawa, may
kahulugan ang bawat kulay: puti, tumutukoy sa kalinisan o
kawagasan, asul ay kapayapaan at pula ay kumakatawan sa
katapangan o kung minsan kaguluhan.
 Iba pang simbolismo

 Araw o liwanag = pag-asa
 Dilim o takipsilim = suliranin o kalungkutan
 Krus = relihiyon o pagtukoy sa Diyos
 Sungay o ahas = para sa demonyo
 Rizal = karunungan o kahinahunan
 Bonifacio – tapang o lakas
 Juan = Pilipino
 Emmanuel = malapit sa Diyos
 Hitler = kabangisan sa dogmaan
 Ang salita ay nagbibigayn ng iba pang
kahulugan.
 Halimbawa:
 Si Gemma ay pinaliligiran ng mga bubuyog
mula sa iba’t ibang kanayunan.
 Ang salita ay nagbibigay ng isang tiyak na
kahulugan. Ito ay pagbibigay ng kahulugan
batay sa diksyunaryo.
 Halimbawa:
Ang bubuyog ay dumapo sa rosas.
 Alita I. Tepace at Paquito B. Badayos Ph. D
Ati-atihan, Yaman ng Diwa. Vibal Publivation.
 p. 40

Sangkap at elemento ng tula

  • 2.
  • 3.
     Ang mgataludtod ay hindi pumpon lamang ng mga salita kundi manapa’y salamin ng pansariling daigdig ng mga karanasan, mithiin, adhikain at kapalaran ng tao sa kanyang paligid.
  • 4.
     Kay AlejandroG. Abadilla: ―ang tula  ay kamalayang nagpapasigasig.‖   Kay Julian Cruz Balmaceda: ― Ang Tula isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan ng kariktan ng kadakilaan —ang tatlong bagay na magkakatipun-tipon sa isang kaisipan upang mag- angkin ng karapatang matawag na tula.‖ 
  • 5.
     Kay InigoEd. Regalado: ― Ang tula isang kagandahan, dula, katas, larawan, at kabuuan ng tanag kariktang nakikita sa silong ng alin mang langit.‖
  • 6.
     ANG SUKAT.Ito ay ang bilang ng pantig sa bawat taludtod. Sa tulang tradisyunal, ang mga palasak at gamiting sukat ay ang labindalawa, labing-anim at labingwalo. Ang di-tradisyunal na tula ay walang isinasaalang-alang na bilang ng pantig sa bawat taludtud. Tinatwag itong malayang taludturan.  Halimabawa ng mga sukat:  a. kopla (couple) f. lalabing-animin  b. aapatin(quatrain) g. lalabingwaluhin  c. aanimin h. soneto (sonnet)  d. pipituhin I. haiku (5-7-5)  e. wawaluhin (octave) j. tanaga (7-7-7-7)
  • 7.
     Halimbawa ngmay lalabindalawahing pantig:   Batong tuntungan mo // sa pagkadakila  Batong tuntungan ka // sa pamayapa  Talagang ganito // sa lapad ng lupa  ay bali-baliktad // lamang ang kawawa.  J. C. de Jesus. Ang Bato  Halimbawa ng may lalabingwaluhing pantig:   Minsa’y nakitako / ang isang bulaklak / sa aking lagwerta  Sa siwang ulap / ay mata ng Birheng / malamlam tumingin;  Ang aking ginawa / puso’y idinungaw / sa pinto ng dibdib  Saka ang bituin / ay kinaulayaw / sa suyo ng halik  At nang itinanong ko / sa kanya ang aking / mga panaginip  Ay sinagot akong / ang panaginip ko’y / Pag-ibig! Pag-ibig!  C.H. Panganiban, Hantungan ng Palad
  • 8.
     Sa mgatulang may sukat nna lalabindalawahin ay may bahagyang pagtigil sa pagbabasa sa bawat ikaanim na pantig ng taludtod; samantala sa lalabingwaluhin ay sa ikasiyam na pantig. Ang bahagyang tigil na ito ay tinatawag na sesura.  TADAAN: Ang mga tradisyunal na tula ay may sesura o ang bahagyang pagtigil sa pagbabasa ng bawat taludtod. Sa mga tulang may sukat na lalabingdalawahin, ang sesura ay bumabagsak sa ika-6 na pantig, sa mga tulang lalabing-animin ang sesura ay nasa ika-4 o ika-8 pantig, at para sa tulang lalabingwaluhing pantig, ang sesura ay nasa bawat 6 na pantig ng taludtod.
  • 9.
     ANG TUGMA.Ito ay pagkakatulad ng tunog ng huling salita sa bawat taludtod. Mat tinatawag na tugmang ganap – magkakasintunog ang huling salita sa bawat taludtod , at magkakatulad pa ang bigkas o uri ng diin (stress) o uri ng tuldik at tugmang karaniwan – ay pareho lamang ng tunog ngunit hindi pareho ang diin sa mga dulong salita ng taludtod.   Halimbawa ng tugmang ganap:  Wala na, ang gabi ay lambong na liksa,  Panakip sa aking mumunting mukha  Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga  Ni ibon, ni tao’y hindi matuwa.  J.C. de Jesus, Punungkahoy 
  • 10.
      A. TugmaangGanap: ang huling pantig ng dulong salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog  at magkakatulad ng diin at tuldik.   Halimbawa:  Wala na, ang gabi ay lambong sa luksa  Panakip sa aking namumutlang mukha,  Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga,  Ni ibon, ni tao’y hindi natuwa.   ―Punongkahoy‖ Jose Corazon de Jesus
  • 11.
     . TugmaangKaraniwan: ang huling pantig ng dulong salita ng bawat taludtod at  magkakatulad ng tunog ngunit magkakaiba sa diin.   Halimbawa:  Kung siya mong ibig na ako’y magdusa  Langit na mataas, aking mababata  Ako’y minsan-minsang mapag-alaala  Isagi mo lang sa puso ni Laura   ―Florante at Laura‖  Francisco Balagtas 
  • 12.
     Unang pangkatna binubuo ng mga katinig na B, K, D, G, P, S at T at magkakapareho ng tunog ayon sa patinig na nasa kanilang unahan.   Halimbawa:  Ang salpok ng mga alo’y sa talampas nababasag  At sa hangi’y sumasama sa rurok ng alapaap  Parang diwa ng makata kung mayroong sinusulat  Humahantong sa palasyong lundu-lundong mga ulap.   ―Ang Dagat‖  Rafael Sabino
  • 13.
     Ikalawang pangkatay binubuo ng mga katinig na L, M, N, NG, R, W, at Y at magkakapareho ng tunog ayon sa patinig na nasa kanilang unahan.   Halimbawa:  Tao: Kilala kang sa Sangkalupaan  At tanang nlikha, ang Hari ay ikaw  Ang pag-usap mo at dunong kung minsan  Pati kay Bathala ay nagmamayabang  At talastas ko ring ang kaligayanhan  Ay siya mong mithi habang nabubuhay   ―Nangungusap ang kasaysayan‖  Lope K. Santos
  • 14.
     MAKABULUHANG DIWA.Ito ay pagkakaroon ng malalim na kaisipan o makabuluhang diwa. Ito ang pinagkaiba ng tula sa isang karaniwang tugma. Sa mga linya nito makikita ang matayog na kaisipan at nasa makabuluhang diwa ang mensahe ng tula. Nakapaloob dito ang mga talinghagang likha ng matalinong isipan, pagkukuro at guniguni ng makata.  Hindi makikita sa dami ng taludtod o haba kaya ng tula nasusukat ang pagiging tula ng isang likha kundi sa nilalamang makabuluhang diwa at mga talinghaga gaya ng tanaga.  Halimbawa:  Sising Alipin Iskwater   Sinusuntok ko ang langit Balon ng kadiliman  Nagalit ang bathala Tangi nilang luklukan  Aking kinaing pilit Isdang nagpipiglasan  Ang sarili kong dila. Nang makahinga lamang.  A. Tiburcio O. Pagsanhan: Kulay B
  • 15.
     ANG KARIKITAN.Ito ay kagandahan at larawan ng kabuuan ng karikitang nakikta ng matalas na pananaw ng makata. Gumagamit ng mga piling-piling salita na nakagigising sa mayamang guniguni ng mambabasa. Tumitingkad ang kahulugan ng mga salita at nakabubuo ng buhay sa buhay na larawang- diwa sa paggamit ng simbolo at talinghaga.
  • 16.
     Ang mgapangngalang ay maaaring tahas o basal Halimbawa: papel butones suklay pamaypay salamin alahas
  • 17.
    1. palansak –tumutukoy sa iisang uri ng mga tao o bagay. Halimbawa: buwig ng saging tangkal ng manok kawan ng ibon pumpon ng bulaklak 2. di- palansak – tumutukoy sa mga bagay na isinasaalang-alang nang isa-isa. Halimbawa: Kalabasa ampalaya aklat silya
  • 18.
     Ang mgapangngalang basal naman ay iyong tumutukoy sa mga bagay na di-materyal. Ito ay nagsasaad ng mga bagay na may kaugnayan sa diwa o kaisipan. Tinatawag ito sa Ingles na abstract. Halimbawa: ganda bait dunong sipag tapang May ilang pananda ang mga pangngalan. Ito ay mga salitang makatutulong sa atin upang maging madali ang ating pagtukoy at pagkilala ng mga pangngalan. Halimbawa: ang pamahalan ang mga panukala
  • 19.
     TUNOG. Sinasabingnakagaganda sa tula ang pagkakapare-pareho ng tunog ng mga huling pantig ng mga salita, bagama’t bukod diyan ang tunog ay nagiging kasangkapan din ng makata upang makapaghatid ng isang madamdamin, sensuwal, at matalinong karanasan.  Halimbawa:  Iyang kamay na sulak at nagpabulas sa bulto  Iyang kamay na kumatam at kuminis sa anggulo  Iyang kamay na naglapat, nagpako at nagmartilyo
  • 20.
      A. Aliterasyon:ito ay ang pag-uulit ng isang tunog ng isang katinig na ginagamit sa magkakalapit na salita o pantig.  Halimbawa:  Sa sinayaw-sayaw at hinalik-halik sa aking paanan,  Titik kong masigla ng lumang talindaw,   ―Dalampasigan‖  Teodoro Agoncillo 
  • 21.
     B. Asonansya:ang pag-uulit ng tunog ng isang pantig.  Halimbawa:  Ang buhay ng tao at sa taong palad  Nasa ginagaya ang halaga’t bigat  May mga mayaman na dapat umiyak  At may dukha naming magalak ang dapat  May mangmang na lagging ang mata ay dilat  At mayroong marunong na lagi nang bulag.  ― Ang Buhay ng Tao‖  Jose Katindig
  • 22.
     C. Onomatopeya:Aang pagkakahawig ng tunog ng salita at ang diwa nito.  Halimbawa:  Kumaluskos ang dahon  Sumalpok ang alon  Sa luhang dumaloy  Lumagaslas ang talon  Kulog ay dumagundong  Lumalagablab ang apoy   ―Harana ng Kalikasan‖
  • 23.
     TALINGHAGA. Higitna mabuti at mabisa kung ang mga salitang ito ay ihahayag sa iba’t ibang uri ng talinghaga. Sa panulaang Filipino, pinakagamitin na ang pagtutulad (metaphor), pagsasatao (personification) at eksaherasyon (hyperbole).  Halimbawa:  Pagtutulad  Ang tula ay parang bulaklak; may bango!  May bulaklak na walang bango, walng tula!  Ang tula ay parang pintura, may kulay!  May pinturang walang kulay; walang tula!  Ang Tula, Jose Corazon de Jesus
  • 24.
     a. Pagtutulad(Simili): Ito’y paghahambing ng 2 bagay, tao, o pangyayari na magkaiba ng uri ng at ginagamitan ng mga salita o pariralang tulad,parang,gaya,wangis,animo’y,wari’y, anaki’y.  Ang mga anak ni Juan ay tulad ng kawayan, yumuyuko pag may unos.  b. Pagwawangis (Metapora): Ito’y tahasang paghahambing din ng dalawang bagay na hindi magkauri ngunit hindi gumagamit ng mga salita o pariralang tulad ng ginagamit sa simili. Inilalapat ang katangian ng isang bagay sa bagay na inihahambing.  Ang awitin niya ay punyal sa aking dibdib.  c. Pagbibigay Katauhan (Personifikasyon): Sa talinhagang ito, ikinakapit ang katngian ng tao sa mga bagay na walang buhay.Itinuturing silang parang tunay na tao, na may talino, kumikilos, may damdamin, nag-iisip atb.  Nagsayaw-sayaw ang dahon sa ihip ng hangin.
  • 25.
     d. Pagtawag(Apostropi): Ito’y panawagan o pakiusap sa isang tao na inaaring taong hindi naman kaharap.  O, tukso, layuan mo ako!  e. Pagmamalabis (Hyperbole): Ito’y tumutukoy sa pagpapahalaga ng lampas o kulang sa katotohanan o sa normal na kalagayan sa hangaring mapaigting ang diwang nais ipahayag ng makata.  Nasaid ang pasensya niya sa tindi ng kakulitan ko.  f. Pagtatanong: Ito’y tumutukoy naman sa pag- aalinlangan o pagbibigay ng kahulugang iba sa itinatanong. Ang sagot ay sang-ayon o depende sa iniisip ng nagsasalita.  G. Balintunay (Ironiya): Isang uri ng tayutay na nagpapahiwatig ng panlilibak pangungutya, pagtudyo, o pag-uyam sa tao, bagay o pangyayaring tinutukoy. Ipinakikilala ang kahulugang ito sa tono at ekspresyon ng mukha ng nagsasalita.  Ang galing niyang magdala ng damit, ala Reyna Elena
  • 26.
     h. Pagpapalit-tawag(Metonomiya): Ito ay isang tayutay na ang pangalan ng isang bagay na tinutukoy ay pinapalitan ng ibang katawagan o ngalan. Ang ipinalit ay may kaugnayan din sa pinalitan.  Si Pnoy ay naupo sa silya bilang pangulo ng bansa.  i.Pagpapalit-saklaw (Sinekdoke): Ito ay pagbanggit sa bahagi ng isang bagay o kaisipan bilang katapat ng kabuuan sa isang bahagi.  May apat na paang naghahabulan.  j. Pagtatambis (Oxymoron): Dalawang magkasalungat na salita.  mapait na tagumpay , nakabibingig katahimikan
  • 27.
     k. Pagsalungat(Epigram) – dalawang magkasalungat na ideya na pinagsama.  Naging mabuting ina si Daniel sa kanyang pamilya.  L. EKSKLAMASYON  -Pagpapahayag ng masidhing damdamin o emosyon ng pagdaramdam tungkol sa isang pangyayari.   HALIMBAWA   Hoy!  Pinoy ako
  • 28.
     LARAWANG-DIWA. ―Imagery‖tumutukoy sa mga salitang kapag binabanggit sa tula ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa. Ang mga salitang ito ang magpapmalas sa panlasa, pang-amoy, paningin at iba pang persepsyon ng mambabasa.  Halimbawa:  May paambon-ambon, may tika-tikatik  na sinasabayan ng kulog at lintik;  May unos at bagyong nakatitigatig  Sa lalong payapa’t matimping dibdin
  • 29.
     SIMBOLO. Itoang salitang kapag binabanggit sa tula ay nag-iiwan ng kahulugan sa isipan ng mambabasa; halimbawa, may kahulugan ang bawat kulay: puti, tumutukoy sa kalinisan o kawagasan, asul ay kapayapaan at pula ay kumakatawan sa katapangan o kung minsan kaguluhan.  Iba pang simbolismo   Araw o liwanag = pag-asa  Dilim o takipsilim = suliranin o kalungkutan  Krus = relihiyon o pagtukoy sa Diyos  Sungay o ahas = para sa demonyo  Rizal = karunungan o kahinahunan  Bonifacio – tapang o lakas  Juan = Pilipino  Emmanuel = malapit sa Diyos  Hitler = kabangisan sa dogmaan
  • 30.
     Ang salitaay nagbibigayn ng iba pang kahulugan.  Halimbawa:  Si Gemma ay pinaliligiran ng mga bubuyog mula sa iba’t ibang kanayunan.
  • 31.
     Ang salitaay nagbibigay ng isang tiyak na kahulugan. Ito ay pagbibigay ng kahulugan batay sa diksyunaryo.  Halimbawa: Ang bubuyog ay dumapo sa rosas.
  • 32.
     Alita I.Tepace at Paquito B. Badayos Ph. D Ati-atihan, Yaman ng Diwa. Vibal Publivation.  p. 40