SlideShare a Scribd company logo
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
Sa pagbabasa ng akdang pampanitikan kailangan mong alamin
ang kasaysayan sa likod ng pagkakalikha ng isang akda. Mas
nauunawaan natin kung paano at bakit nalikha ang isang akda.
Gaya ng obrang “Ibong Adarna” na lumaganap noong panahon ng
Kastila na isang yaman ng panitikang Pilipino na dapat nating
basahin at pag-aralan.
Ang Kaligirang Kasaysayan ng Koridong Ibong Adarna
Ang Ibong Adarna ay isang pasalaysay na tula na ang buong
pamagat ay Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng
Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana
sa Cahariang Berbania. Walang tiyak na petsa ang tula, at
nananatiling lihim ang awtor nito, bagaman may ilang naniniwala na
ang nasabing tula ay isinulat ni Huseng Sisiw na palayaw ni Jose
de la Cruz ngunit wala pa ring katibayan. Si Huseng Sisiw, ayon
kay Julian Cruz Balmaseda, ang nagturo umano kay Francisco
Balagtas kung paano sumulat ng tula.
Umiinog ang tula sa magkakapatid na sina Don Juan, Don
Diego, at Don Pedro na pawang nagsikap makuha ang mahiwagang
Ibong Adarna na dumarapo sa puno ng Piedras Platas doon sa
Bundok Tabor. Kailangang makuha ng kahit sino man sa kanila ang
ibon upang mapagaling si Haring Fernando na noon ay dinapuan ng
kung anong sakit na hindi kayang gamutin ng karaniwang mediko.
Ang mahiwagang huni ng nasabing ibon ang makapagpapagaling
lamang umano sa sakit ng hari. Ang magkakapatid ang nakahanay na
magiging tagapagmana ng korona't setro ng hari.Sumapit na sila
sa takdang gulang at dumaan sa mga pagsasanay sa pananandata,
gaya ng inaasahan sa sinumang prinsipe. Ngunit hindi sapat iyon
sa haharapin nilang pagsubok. Kapuwa nabigo sina Don Diego at
Don Pedro na mahuli ang ibon, at naghunos bato sila nang
mapahimbing sa matarling na awit ng Adarna at maiputan nito.
Ngunit naiiba si Don Juan, na nabatid ang lihim ng Ibong Adarna
nang tulungan ng nasabing prinsipe ang isang matandang
nasalubong sa daan. Binigyan din ng mahihiwagang gamit ng
matanda si Don Juan, upang mabihag ang ibon at mapanumbalik ang
buhay ng kaniyang dalawang kapatid. Ngunit nagtaksil sina Don
Pedro at Don Diego kay Don Juan. Inagaw nila ang Adarna na hawak
ng bunsong kapatid. Muntik na nilang mapatay si Don Juan, nang
iwan sa isang malalim na balon. Ngunit muling nakaligtas si Don
Juan sa tulong ni Donya Maria, at ipinagpatuloy ang
pakikipagsapalaran sa lupain ng Reino de los Cristal. Napaibig
din si Don Juan sa dalawa pang kapatid ni Maria, na sina Donya
Leonora at Donya Juana. Kahit ibig pakasalan ng binata ang
sinuman sa mga dalaga'y kailangang muling dumaan siya sa mga
pagsubok na mula kay Haring Salermo.
Nagtagumpay muli si Don Juan, nagpakasal kay Donya Maria,
at namuhay nang maligaya sa kahariang nakamit niya.Samantala,
ang Ibong Adarna ay mistulang tagapagbunyag ng lihim na naganap
sa pagtataksil kay Don Juan. Waring ginamit lamang itong
instrumento upang itampok ang mga kagila-gilalas na
pakikipagsapalaran ng mga prinsipe sa iba't ibang pook.
Ang anyo ng tula korido ay isang anyo ng tulang Espanyol na
gumagamit ng sukat na wawaluhin at karaniwang may isahang tugma.
Ayon sa pag-aaral ni Damiana L. Eugenio, karaniwang pinapaksa ng
korido ang buhay o pakikipagsapalaran nina Charlemagne (Carlo
Magno) at Haring Arthur (Arturo), at ang kaligiran ng Troya,
Gresya, at Roma. Kasama sa mga elemento ng tula ang matimyas na
pag-iibigan, ang relihiyosong paniniwala, at ang kagila-gilalas
o pantastikong pangyayari. Mula sa banyagang padron ang korido,
ngunit pagsapit sa Filipinas ay kinasangkapan ng mga katutubong
Pilipino upang itanghal ang kanilang naiibang kaligiran. Ang
paggamit ng terminong "korido" sa Filipinas ay waring
pagtatangkang tabunan ang katutubong tulang dalít na ang sukat
ay wawaluhin din at may isahang tugma, ani Virgilio S. Almario,
na nag-aral nang malalim hinggil sa katutubong uri ng tulang
Tagalog.
Ang salitang korido ay galing sa salitang Mehikanong
“corridor” na nangangahulugang “kasalukuyang pangyayari”, ang
Mehikanong salitang “corridor” ay mula naman sa Kastilang
“occurido”. Ito’y isang anyo ng tulang romansa na naglalarawan ng
pakikipagsapalaran sa buhay ng mga kababalaghan at pantasya,
nagpapamalas ng kagitingan, kabayanihan at pagkamaginoo.
Kinilalang isang mataas na uri ng libangan ang korido nang ito’y
lumaganap sa Europa. Sinasabing ang korido ay batay sa mga alamat
at kuwentong bayan sa Europa gaya ng Espanya, Gresya, Italya,
Germany, Denmark, Pransiya, Austria at maging sa Tsina at Malay o
Polenesia.
Samantala, ang koridong Ibong Adarna ay binubuo ng 1,056
saknong, at umabot sa 48 pahina. Maraming alusyon ang ginamit na
hindi lamang mula sa Europa, bagkus maging sa Gitnang Silangan.
Bagaman sa unang basa'y mahihinuhang may bahid ng Kristiyanismo
ang talakay ng tula, nalalahukan din yaon ng mga konseptong gaya
ng sa Budismo at Islam, ayon na rin sa pag-aaral ni Roberto T.
Añonuevo.
Ang dalumat ng Ibong Adarna ay hindi nalalayo sa mga
epikong bayan sa Pilipinas. Maraming ibon sa Pilipinas, at gaya
sa epikong Kudaman at Manobo ay marunong ding magsalita at may
kapangyarihang manggamot, lumipad nang mataas, at tumulong sa
sinumang makapagpapaamo rito. Ipinaliwanag ito nang malalim ni
Añonuevo sa kaniyang akda hinggil sa dalumat ng ibon.
Sa pananakop ng mga Kastila, ang Ibong Adarna ay nakarating
sa Mexico at di nagkalaon ay nakaabot sa Pilipinas. Nakarating
ang korido sa Pilipinas nang dalhin ito ng mga Kastila mula sa
Europa na ang layunin ay mapalaganap ang relihiyong
Kristiyanismo sa bansa. Mula sa banyagang padron ang korido
ngunit pagdating sa Pilipinas ay sinangkapan ito ng mga
katutubong kaugalian upang maitanghal ang natatangi at naiibang
kaligiran nito.
Kinagawiang basahin ng mga katutubo ang korido dala na rin ng
kawalan ng ibang anyo ng panitikang mababasa noong panahong iyon
sanhi na rin ng kahigpitan ng mga paring Kastila sa pagpapahintulot
ng pagkalat ng iba’t ibang uri ng akdang maaaring basahin ng mga
tao. Ang buhay ng mga maharlikang angkan at kaharian na taliwas sa
pamumuhay sa ating bansa kaya tinangkilik ng mga katutubo ang
panitikang ito. Ang kahigpitan ng mga prayle sa pagpapalaganap ng
babasahin ay nararapat lamang nagtataglay ng magandang pagtingin
at panrelihiyong katangian upang pahintulutan maipalimbag.
Kung titingnan, ang Ibong Adarna ay maituturing na kwentong
bayan sapagkat hindi tiyak kung sino talaga ang totoong umakda
nito. Ipingpalagay nang isalin sa wikang Tagalog ang Ibong
Adarna, ipinagpapalagay na ang pangalan ng orihinal ay nangmula
sa ibang bansa sa Europa at hindi na naisama ang pangalan ng
may-akda; ginamit ang pangalan ng tagapagsalin ngunit hindi
isinama sa pagpapalathala; ang kauna-unang salin nito ay nasa
anyong sulat-kamay at nang maglaon ay hindi na kinopya ng mga
sumunod pang nagsalin ang pangalan nang nauna sa kanila; at
dahil hindi tiyak kung sino ang tunay na may-akda nito, pinili
na lamang ng nakararaming tagapagsalin na huwag nang isama ang
kanilang pangalan sa pagpapalimbag. Nagsimulang maging popular
ang Ibong Adarna sa Pilipinas nang ito'y isalin sa katutubong
wika. Ang bawat kopya ng akdang ito ay ipinagbibili sa mga perya
na karaniwang nagpapalipat-lipat sa mga bayang nagdiriwang ng
pista. Ngunit marami noon ang di marunong bumasa kaya't iilan
lamang ang mga kopyang napalimbag. Sa kabutihang-palad, di
nagtagal ay itinanghal na ito sa mga entablado tulad ng komedya
o moro-moro. Ang karaniwang kaanyuan ng nasabing korido na siya
ngayong pinag-aaralan sa mga paaralan ay ang isinaayos na salin
ni Marcelo P. Garcia noong 1949.
Hinalaw ang Ibong Adarna, at isinapelikula, isinalin sa
dulang panradyo, teatro, sayaw, at sa kung ano-ano pang
pagtatanghal. Pinakialaman din ng kung sino-sinong editor ang
nasabing korido pagsapit sa teksbuk, at ang orihinal na anyo
nito ay binago ang pagbaybay at isinunod ayon sa panlasa o
paniniwala ng editor at publikasyon. Sa kasalukuyan, ang Ibong
Adarna ang isa sa mahahalagang akda na pinag-aaralan ngayon sa
mataas na paaralan, alinsunod sa kurikulum na itinakda ng
Kagawaran ng Edukasyon.
Bagaman ang Ibong Adarna ay isa na ngayon sa mga kinikilalang
bahagi ng Panitikang Pilipino, ang akdang ito ay hindi orihinal na
nagmula sa Pilipinas. Ito'y tulad din ng Bernardo Carpio na nagmula
sa alinmang bansa sa Europa. Bagama’t ang Ibong Adarna ay
itinuturing na hindi katutubo, nagtataglay naman ito ng mga
halagang pangkatauhan at kaugaliang taglay rin ng mga Pilipino
gaya ng pananampalataya sa Panginoon, pagmamahalan sa pamilya,
pagpapahalaga sa edukasyon, pagpapatawad sa kapwa, pagtulong sa
nangangailangan, pagdiriwang, pagtanaw ng utang na loob at marami
pang iba.
Kaya naman hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na pinag-
aaralan ito bilang bahagi ng kurikulum sa unang taon upang
mapalaganap hanggang sa susunod pang henerasyon ang kalinangan ng
Kulturang Pilipino na taglay ng koridong Ibong Adarna.
http://tl.answers.com/
http://www.wika.club/
http://documents.tips/
https://filipinotek.wordpress.com/
PAGHAHAMBING NG AWIT AT KORIDO
Ang AWIT at KORIDO ay dala ng mga Kastila buhat sa Europa.
Ayon sa isang kritiko, ang kasaysayan ng “Ibong Adarna” ay
maaaring hango sa mga kuwentong bayan ng iba’t ibang bansa tulad
ng Germany, Denmark, Romania, Austria, Finlad, at Indonesia.
Mayroon ang “Ibong Adarnang” motif at cycle na matatagpuan sa
mga kwentong bayan: may sakit ang inang reyna o amang hari.
Kailangan nang isang mahiwagang bagay upang gumaling tulad ng
ibong umaawit, tubig ng buhay, at halaman.
May pagkakahawig ang “Ibong Adarna” sa kasaysayan. Ilan
dito ay:
1. Mula ito sa Kwentong “Scala Celi”. Kinalap ng isang paring
Dominiko, na sinasabing katha noong pang 1300.
-May isang haring may sakit na nangangailangan ng tubig ng buhay
upang gumaling. Naglakbay-dagat ang kanyang tatlong anak ngunit
ang bunso na mabait at magalang ang nakakuha ng lunas sa loob ng
isang palasyo sapagkat tinulungan ito ng isang matanda.
Iba pang kahawig na kuwento. . .
2. Mula sa Denmark(1696).
-Nagkasakit si Haring Eduardo ng England at ang lunas ay ang
ibong Phoenix na pag-aari ng reyna ng Arabia. Sa huli,
napangasawa ng bunsong prinsipe ang reynang ito.
3. Mula sa Malayo-Polinesia,sinulat ni Renward Branstetter.
-May mga bahagi ito na kahawig ng Ibong Adarna, tulad ng tungkol
sa “Halaman ng buhay” na pinaghahanap ng marami. Ang pangunahing
tauhan, si Djajalankara ay may dalawang kapatid na naglilo upang
siraan siya sa amang maysakit.
4. Mula sa Hessen, Alemanya (1812) - "The Golden Bird" ay isang
Brothers Grimm fairy tale, bilang 57, nailathala noong 1812
tungkol sa paghahanap ng isang ginintuang ibon ng tatlong anak
ng hari dahil sa pagnanakaw nito ng gintong mansanan sa kanilang
bakuran at itinalaga ang mga anak na hulihin ang ginintuang
ibon. Nakausap nila ang isang lobo at pinayuhan sila kung paano
nila mahuhuli ang ibon ngunit binaliwala ng dalang prinsipe at
ang bunso lamang ang nakinig at gumawa ng payo ng lobo. Nang
mahuli ang ibon ay ikinulong to sa hawlang yari sa kahoy.
5. Mula sa Paderborn, Alemanya – isang ibong ginto ang lagging
nagnanakaw ng isang bungang ginnto sa punong mansanas ng
hari. Isa=isang nagbantay ang tatlong anak ng hari ngunit
ang bunso lamang ang nakakita sa ibon at nakahuli nito. Sa
kasamaang palad, ang prinsipe ay nahuli ng haring may-ari
ng ibon, na nangakong ibibigay rito ang ibong ginto kung
mahuhui ng prinsipe ang kabayong ginnto. Sa tulong ng isang
zorra, nalampasan ng prinsipe ang mga pagsubok at naiuwi
niya ang ibong ginto at nailigtas pa ang mga kapatid.
6. Mula sa Vaderbon, isinulat ni Gretchen Wild ang “Ang
Maputing Kalapati” (1808) – May isang hari na may punong
peras. Lagging nawawalan ang bunga nito kaya’t pinabantayan
ng hari ang puno sa kanyang tatlong anak na lalaki.
Nakatulog ang dalawang nakatatanda at ang ikatlo ang
nakakita sa isang kalapating puti na nagnanakaw ng bunga.
Sa tulong ng isang matanda, nasundan niya ang ibon at
nakita itong ballot ng sapot ng gagamba. Nnag pakawalan ito
ng prinsipe ay nagbago ang anyo ng kalapati at nagging
isang prinsesa, na napangasawa ng prinsipe.
7. Mula sa “Isang Libo’t Isang Gabi” – may isang kuwenyong
pinamagatang “Tatlong Prinsipe sa China.” Nagkasakit ang
ina at ang lunas ay ang tubig ng buhay. Ang bunsong anak
ang nakakuha nito matapos ang maramig pakikipagsapalaran,
at sa huli, ang bunso ang naging isang sultan.
8. Mula sa Malische- Marchen na tinipon ni Paul Ambruch Ang
mga kuwentong-bayan na ito ay may pagkakahawig ngunit may
pagkakaiba dahil sa kulturang pinagmulan ng bansa. May
dalawang anak ang hari. Nabulag at nabingi ang hari at ang
tanging lunas ay isang ibon na ipinahanap sa dalawang anak.
Nagtungo sa isang masayang lugar ang nakatatanda, samantala
ang nakababata ay nakarating sa isang lugar na kinatagpuan
niya ng isang patay na walang maglibing. Inilibing niya ang
bangkay at ang kaluluwa nito ay nag-anyong uwak na tumulong
s akanya sa paghahanap sa ibon. Nahuli niya ang ibon at
napangasawa ang isang babaeng may pakpak. Ngunit nang
magkita ang magkapatid, inihulog nito ang nakababatang
kapatid sa balon at iniuwi ang ibon at ang babae.
Samantala, ang nakababatang prinsipe ay muling tinulungan
ng uwak at inihaon siya sa balon. Nakauwi ang prinsipe at
pinarusahan ang nakatatandang kapatid. Umawit ang ibon at
muling nakakita at nakarinig ang hari. Ngunit bahagi nito
ay nakalimutan ng prinsipe ang uwak gaya ng paglimot ni Don
Juan kay Maria.
Ano naman ang ibig sabihin ng Tulang Romansa?
TULANG ROMANSA
– ay tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran at
kabayanihan.
-Ang mga tauhan ay pawang napapabilang sa kaharian
tulad ng prinsipe, prinsesa,hari, reyna at ilang dugong bughaw.
-Naging palasak sa Europa, at maaring nakarating sa Pilipinas
mula sa Mexico noon pang 1610.
-Ang palasak na halimbawa ng tulang romansa ay ang Koridong
Ibong Adarna at Awit na Florante at Laura ni Francisco Baltazar.
Ang Tulang Romansa sa Europa at sa Pilipinas sa Europa
Ang Ibong Adarna ay isang tulang romansa (metrical
romance). Ito ay kathang-isip na tulang pasalaysay tungkol sa
pakikipagsapalaran o abentura ng mga bayani na karaniwang
dugong bughaw tulad ng prinsipe at prinsesa. Naiiba ito sa epiko
na tungkol din sa kabayanihan at abentura ng pangunahing
tauhan. Ang salaysay sa tulang romansa ay may halong kulay at
damdamin ng romansa.
Bago pa dumating ang Edad Media (Middle Age), naging
paborito na ng madla sa kontinente ng Europa ang mga salaysay ng
abentura at kabayanihan. Lalo pa nang ihawig ito sa kasaysayan o
sa malalaking pangyayari noon. Sa mga panahong iyon, malawak na
ang interes ng kababaihan sa panitikan at likas na ang
pagkagusto nilang makabasa ng mga akda tungkol sa pag-ibig. Ang
tulang romansa na dati’y nasa wikang Pranses lamang
o sa ibang diyalekto ng Latin ay nakarating din sa Inglatera.
Balada (ballad) ang ugat ng tulang romansa. Ang balada ay isang
maikling tulang pasalaysay na karaniwang nakaugnay sa alamat o
kwentong-bayan. Kasabay ng pag-usbong ng pananalig sa
Kristiyanismo sa buong Europa, lalo na ng debosyon kay Birheng
Maria, sumikat ang tulang romansa. Sa tulang ito, ang debosyon
ay patungkol naman sa isang babae, dugong bughaw, maaaring asawa
ng hari o panginoon. Idinaraan ito sa isang ritwal
sa korte ng kaharian, tulad ng ginawa ng mga Trubador sa
Provence, isang lalawigan sa Pransya. Bumibigkas ng mga tulang
liriko ang isang kabalyero (knight). Sinasabi sa tula
na walang pasubali ang pagsunod ng kabalyero sa ipinag-uutos ng
kanyang reyna o dama bilang patunay ng kanyang katapatan dito.
Mula roon, kumalat na ang ganitong pagbigkas hanggang sa
makarating din sa Inglatera. Dahil ang orihinal ng mga tulang
lirikong ito ay nasa wikang Pranses, nagkaroon ito ng bersyon sa
mga wikang Ingles, Espanyol, at iba pang wika ng karaniwang
mamamayan.
Sumikat naman ang tulang romansa sa Espanya sa panahon ng
mga haring Katoliko. Naluklok sa trono sina Haring Fernando at
Reyna Isabel ng Espanya noong 1479 hanggang sa paghalili ng anak
nilang si Haring Carlos noong 1519. Ito ang panahong naitaboy na
ng mag-asawa sa probinsya ng Granada ang mga Moro. Noon ay hindi
na tanyag ang mga anyo ng tulang villancicos, juglares, at
cantares de gesta. Ang panitikan ay hindi na
lamang pandugong bughaw kundi pangmadla na rin. Ang tulang
romansa ay lumaganap sa karaniwang mamamayan.
Sa Pilipinas
Naging dalawa ang anyo ng tulang romansa nang maging popular ito
sa Pilipinas— ang awit at ang korido. Hanggang ngayon ay wala
pang pag-aaral na nakasisiguro kung kailan at paano ito
nakarating sa kapuluan, gayundin kung paano ito nagkaroon ng
pagkakaiba. May nagsasabing galing ito sa Mehiko na gumamit ng
salitang korido na balbal ng ocurrido (nangyari) na salitang
Espanyol. Sa totoo, may dumarating noon sa Pilipinas na buletin
o opisyal na pabalita ng pamahalaan ng Mehiko, ang corridos.
Ngunit sa tradisyon ng panitikang Pilipino, lahat ng mahahabang
tulang pasalaysay ay itinatanghal o binibigkas nang pakanta.
Dahil ang ugat naman ng tulang romansa ay balada na nilikha para
kantahin, nawala na ang pagkakaiba ng dalawang anyo ng tulang
romansa. Ang awit ay itinuturing na korido at ang korido ay
tinatawag na awit. Totoo ito sa mga awit at korido ng
Pangasinan, Ilocos, at Iloilo. Sa Katagalugan lamang pinag-iiba
ang awit at ang korido.
Nagkakatulad ang awit at ang korido sa dalawang bagay.
Parehong pakanta ang bigkas o basa ng mga ito; parehong aapating
linya (quatrain) ang berso sa bawat saknong. Gayunman, ang mga
historyador ng panitikan ng Pilipinas ay gumawa ng mga
batayan ng pagkakaiba ng dalawang anyong ito ng tulang romansa.
Ang Pagkakaiba ng Awit at ng Korido
Narito ang katangian ng isang korido:
1. Ang sukat ng bawat linya sa isang saknong ay wawaluhing
pantig
2. Mabilis ang pag-awit o pagbigkas nito tulad sa mabilis na
pagsasalaysay
3. Ang paksa ay alamat at pantasya, may kapangyarihang
supernatural ang tauhan kung minsan
4. May malalim na damdaming relihiyoso
Ang awit naman ay may ganitong katangian:
1. Ang sukat ng bawat saknong ay lalabindalawahing pantig
2. Mabagal ang pagbigkas o pag-awit nito kaya madamdamin
3. Higit itong makatotohanan dahil ang paksa ay malapit sa
kasaysayan
4. Higit na buhay at masigla ang damdamin nito
Mga Halimbawa ng Tulang Romansa sa Pilipinas
Katulad ng nabanggit, maliban sa mga Tagalog ay magkakatulad ang
mga paksa, estilo, at kilos ng awit at korido sa iba’t ibang
rehiyon sa Pilipinas. Ngunit sa pangkalahatan, mapapangkat sa
tatlo ang saklaw ng mga paksa ng tulang romansa:
1. Mga salaysay tungkol kay Carlo Magno (Charlemagne) at mga
tauhan nito
2. Mga salaysay hinggil sa Tabla Redonda (Round Table) ni Haring
Arthur
3. Mga salaysay tungkol sa pagbagsak ng Troy mula sa kasaysayan
ng Gresya at ng Roma
Bukod pa rito, maraming awit at korido ang hinango naman sa
mga alamat, kwentong-bayan, buhay ng mga santo, at salaysay mula
sa Bibliya. Ayon kay Dr. Damiana Eugenio, isang iskolar ng
folklore, ang halimbawa ng awit ay ang Doce Pares, Rodrigo de
Villa, at Tanyag na Kasaysayan ni Bernardo Carpio (ni Jose
de la Cruz o Huseng Sisiw); Florante at Laura (ni Francisco
Balagtas); Dama Ines at Prinsipe Florinio (ni Ananias Zorilla);
Tablante de Ricamonte (panahon ni Haring Arthur);
at Prinsipe Paris (panahon ng Troy). Idinagdag pa ni Eugenio ang
Prinsesa Florentina bilang halimbawa ng korido bukod sa Ibong
Adarna.
Ang Ibong Adarna sa Iba’t Ibang Bahagi ng Mundo
Walang bansang matutukoy na pinagmulan ng tulang romansang
ito. Sinasabi lamang na may mga pagkakahawig ang mga tauhan at
pangyayari sa mga salaysay nito. Lumitaw ang anyong ito ng
panitikan sa mga bansa ng Europa, Gitnang Silangan, at
maging sa Asya. Ang pagkakatulad naman nito sa mga pinagmulang
bansa ay ang mga sumusunod:
1. Pare-parehong may sakit ang hari at kailangan nito ng lunas o
gamot (Denmark at Alemanya)
2. Ang lunas ay maaaring tubig, halaman ng buhay, o awit ng
isang ibon (Alemanya at Gitnang Silangan)
3. Karaniwang ang naghahanap ng lunas ay magkakapatid na
prinsipe at ang bunso ang laging sinuswerte (Alemanya at
Indonesia)
4. Laging nakapag-aasawa ng prinsesa ang nagtatagumpay sa
paghanap ng lunas (Denmark at Alemanya)
PAGHAHAMBING SA AWIT AT KORIDO
AWIT
(sadyang para
awitin)
Korido
(sadyang para
basahin)
SUKAT
Tig-12 pantig ang
bawat taludto
Tig-8 pantig ang
bawat taludtod
HIMIG
Mabagal, banayad,
o andante Mabilis o allegro
PAGKAMAKATOTOHANAN
Ang
pakikipagsapalaran
ng mga tauhan ay
maaaring maganap
sa tunay na buhay.
Ang
pakikipagsapalaran
ng mga tauhan ay
maaaring sa tunay
na buhay.
Mga Sanggunian:
http://www.wika.club/ibong-adarna/aralin-1-ang-kaligirang-
kasaysayan-ng-koridong-ibong-adarna
http://documents.tips/documents/kasaysayan-ng-ibong-adarna.html
https://filipinotek.wordpress.com/2013/03/29/kaligirang-pangkasaysayan-ng-koridong-ibong-
adarna-tulang-romansa/
https://en.wikipedia.org/wiki/The_Golden_Bird
https"<<=lipinotek.wordpress.!om<5- -
http"<<www.wika.!lub<ibong(adarna<aralin(+(ang(kaligiran
g(kasaysayan(ng(koridong(ibong(adarnahttps"<<=lipinotek.wordpress.!om<5- -
koridong(ibong(adarna(tulang(romansa<
http://www.docfoc.com/kaligirang-kasaysayan-ng-ibong-adarna-1
http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_kaligirang_pangkasaysayan_ng_Ibong_Adarna

More Related Content

What's hot

Awiting bayan at bulong ng kabisayaan
Awiting bayan at bulong ng kabisayaanAwiting bayan at bulong ng kabisayaan
Awiting bayan at bulong ng kabisayaan
Jenita Guinoo
 
Dalawang Anyo ng Tulang Romansa
Dalawang Anyo ng Tulang RomansaDalawang Anyo ng Tulang Romansa
Dalawang Anyo ng Tulang Romansa
Ladylhyn Emuhzihzah
 
Balagtasan
BalagtasanBalagtasan
Balagtasan
Melanie Azor
 
Kaligirang Pangkasaysayan ng Korido at Ibong Adarna
Kaligirang Pangkasaysayan ng Korido at Ibong AdarnaKaligirang Pangkasaysayan ng Korido at Ibong Adarna
Kaligirang Pangkasaysayan ng Korido at Ibong AdarnaRonn Rodriguez
 
Dalawang uri ng paghahambing
Dalawang  uri ng paghahambingDalawang  uri ng paghahambing
Dalawang uri ng paghahambing
PRINTDESK by Dan
 
Paghahambing
PaghahambingPaghahambing
Paghahambing
Donessa Cordero
 
Pagsang ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyon
Pagsang ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyonPagsang ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyon
Pagsang ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyon
MARIA KATRINA MACAPAZ
 
Francisco Balagtas at Florante at Laura
Francisco Balagtas at Florante at LauraFrancisco Balagtas at Florante at Laura
Francisco Balagtas at Florante at Laura
janaicapagal
 
Kwentong bayan
Kwentong bayanKwentong bayan
Kwentong bayan
Jocelle
 
Apat na himagsik ni Francisco Balagtas
Apat na himagsik ni Francisco BalagtasApat na himagsik ni Francisco Balagtas
Apat na himagsik ni Francisco BalagtasLove Bordamonte
 
Grade 8 Filipino Module
Grade 8 Filipino ModuleGrade 8 Filipino Module
Grade 8 Filipino Module
Earl Estoque
 
Tulang romansa
Tulang romansaTulang romansa
Tulang romansa
Ladylhyn Emuhzihzah
 
Kahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nioKahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nio
Mdaby
 
Filipino 8 Uri ng Pangatnig
Filipino 8 Uri ng PangatnigFilipino 8 Uri ng Pangatnig
Filipino 8 Uri ng Pangatnig
Juan Miguel Palero
 
Ibong adarna summary
Ibong adarna summaryIbong adarna summary
Ibong adarna summary
Wendy Lopez
 
Una at-ikalawang-digmaang-opyo
Una at-ikalawang-digmaang-opyoUna at-ikalawang-digmaang-opyo
Una at-ikalawang-digmaang-opyo
Kelsey De Ocampo
 
Elemento ng balagtasan
Elemento ng balagtasan Elemento ng balagtasan
Elemento ng balagtasan
Rochelle Nato
 
KAALAMANG BAYAN
KAALAMANG BAYAN KAALAMANG BAYAN
KAALAMANG BAYAN
Clarice Sidon
 

What's hot (20)

Ibong adarna
Ibong adarnaIbong adarna
Ibong adarna
 
Awiting bayan at bulong ng kabisayaan
Awiting bayan at bulong ng kabisayaanAwiting bayan at bulong ng kabisayaan
Awiting bayan at bulong ng kabisayaan
 
Dalawang Anyo ng Tulang Romansa
Dalawang Anyo ng Tulang RomansaDalawang Anyo ng Tulang Romansa
Dalawang Anyo ng Tulang Romansa
 
Balagtasan
BalagtasanBalagtasan
Balagtasan
 
Kaligirang Pangkasaysayan ng Korido at Ibong Adarna
Kaligirang Pangkasaysayan ng Korido at Ibong AdarnaKaligirang Pangkasaysayan ng Korido at Ibong Adarna
Kaligirang Pangkasaysayan ng Korido at Ibong Adarna
 
Dalawang uri ng paghahambing
Dalawang  uri ng paghahambingDalawang  uri ng paghahambing
Dalawang uri ng paghahambing
 
Paghahambing
PaghahambingPaghahambing
Paghahambing
 
Pagsang ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyon
Pagsang ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyonPagsang ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyon
Pagsang ayon at pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyon
 
Francisco Balagtas at Florante at Laura
Francisco Balagtas at Florante at LauraFrancisco Balagtas at Florante at Laura
Francisco Balagtas at Florante at Laura
 
Kwentong bayan
Kwentong bayanKwentong bayan
Kwentong bayan
 
Apat na himagsik ni Francisco Balagtas
Apat na himagsik ni Francisco BalagtasApat na himagsik ni Francisco Balagtas
Apat na himagsik ni Francisco Balagtas
 
Grade 8 Filipino Module
Grade 8 Filipino ModuleGrade 8 Filipino Module
Grade 8 Filipino Module
 
Tulang romansa
Tulang romansaTulang romansa
Tulang romansa
 
Kahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nioKahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nio
 
Filipino 8 Uri ng Pangatnig
Filipino 8 Uri ng PangatnigFilipino 8 Uri ng Pangatnig
Filipino 8 Uri ng Pangatnig
 
Ibong adarna summary
Ibong adarna summaryIbong adarna summary
Ibong adarna summary
 
Una at-ikalawang-digmaang-opyo
Una at-ikalawang-digmaang-opyoUna at-ikalawang-digmaang-opyo
Una at-ikalawang-digmaang-opyo
 
Elemento ng balagtasan
Elemento ng balagtasan Elemento ng balagtasan
Elemento ng balagtasan
 
Ibong adarna ppt
Ibong adarna pptIbong adarna ppt
Ibong adarna ppt
 
KAALAMANG BAYAN
KAALAMANG BAYAN KAALAMANG BAYAN
KAALAMANG BAYAN
 

Similar to Kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna 2

Ang Kasaysayan ng Ibong Adarna ni G. Alexis D. Trinidad
Ang Kasaysayan ng Ibong Adarna ni G. Alexis D. TrinidadAng Kasaysayan ng Ibong Adarna ni G. Alexis D. Trinidad
Ang Kasaysayan ng Ibong Adarna ni G. Alexis D. Trinidad
Alexis Trinidad
 
kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna.docx
kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna.docxkaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna.docx
kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna.docx
JelyTaburnalBermundo
 
Filipino 7 4
Filipino 7 4Filipino 7 4
Filipino 7 4
Rhea Bingcang
 
Tulangromansa 160125083805
Tulangromansa 160125083805Tulangromansa 160125083805
Tulangromansa 160125083805
Rowie Lhyn
 
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN.docx
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN.docxKALIGIRANG PANGKASAYSAYAN.docx
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN.docx
JelyTaburnalBermundo
 
_RAPIZA-ANG MGA AKDA NI BALAGTAS.pptx
_RAPIZA-ANG MGA AKDA NI BALAGTAS.pptx_RAPIZA-ANG MGA AKDA NI BALAGTAS.pptx
_RAPIZA-ANG MGA AKDA NI BALAGTAS.pptx
MarkAnthonyRapiza
 
Kasaysayan ng panitikan
Kasaysayan ng panitikanKasaysayan ng panitikan
Kasaysayan ng panitikanSCPS
 
Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...
Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...
Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...
Alexis Trinidad
 
Pananakop ng kastila
Pananakop ng kastilaPananakop ng kastila
Pananakop ng kastilaMatthew Abad
 
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna .pptx
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna .pptxKaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna .pptx
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna .pptx
TalisayNhs1
 
panitikan
panitikanpanitikan
panitikanPotreKo
 
Panitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastilaPanitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastilaNikko Mamalateo
 
Maikling Kasaysayan ng Panitikang Pilipino
Maikling Kasaysayan ng Panitikang PilipinoMaikling Kasaysayan ng Panitikang Pilipino
Maikling Kasaysayan ng Panitikang Pilipino
Marlene Panaglima
 
Final ibong adarna history
Final ibong adarna historyFinal ibong adarna history
Final ibong adarna history
Lemuel Estrada
 
Panahon kastila
Panahon kastilaPanahon kastila
Panahon kastila
montezabryan
 
Tulang Romansa.pptx
Tulang Romansa.pptxTulang Romansa.pptx
Tulang Romansa.pptx
JhoyVasquez
 
Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura.pptx
Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura.pptxAng Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura.pptx
Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura.pptx
kaiseroabel
 
Aralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptx
Aralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptxAralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptx
Aralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptx
MarkAnthonyAurellano
 

Similar to Kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna 2 (20)

Ang Kasaysayan ng Ibong Adarna ni G. Alexis D. Trinidad
Ang Kasaysayan ng Ibong Adarna ni G. Alexis D. TrinidadAng Kasaysayan ng Ibong Adarna ni G. Alexis D. Trinidad
Ang Kasaysayan ng Ibong Adarna ni G. Alexis D. Trinidad
 
kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna.docx
kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna.docxkaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna.docx
kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna.docx
 
Filipino 7 4
Filipino 7 4Filipino 7 4
Filipino 7 4
 
Tulangromansa 160125083805
Tulangromansa 160125083805Tulangromansa 160125083805
Tulangromansa 160125083805
 
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN.docx
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN.docxKALIGIRANG PANGKASAYSAYAN.docx
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN.docx
 
Filipino takdang aralin
Filipino takdang aralinFilipino takdang aralin
Filipino takdang aralin
 
_RAPIZA-ANG MGA AKDA NI BALAGTAS.pptx
_RAPIZA-ANG MGA AKDA NI BALAGTAS.pptx_RAPIZA-ANG MGA AKDA NI BALAGTAS.pptx
_RAPIZA-ANG MGA AKDA NI BALAGTAS.pptx
 
Kasaysayan ng panitikan
Kasaysayan ng panitikanKasaysayan ng panitikan
Kasaysayan ng panitikan
 
Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...
Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...
Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...
 
Pananakop ng kastila
Pananakop ng kastilaPananakop ng kastila
Pananakop ng kastila
 
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna .pptx
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna .pptxKaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna .pptx
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna .pptx
 
DULA_GROUP 1.pdf
DULA_GROUP 1.pdfDULA_GROUP 1.pdf
DULA_GROUP 1.pdf
 
panitikan
panitikanpanitikan
panitikan
 
Panitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastilaPanitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastila
 
Maikling Kasaysayan ng Panitikang Pilipino
Maikling Kasaysayan ng Panitikang PilipinoMaikling Kasaysayan ng Panitikang Pilipino
Maikling Kasaysayan ng Panitikang Pilipino
 
Final ibong adarna history
Final ibong adarna historyFinal ibong adarna history
Final ibong adarna history
 
Panahon kastila
Panahon kastilaPanahon kastila
Panahon kastila
 
Tulang Romansa.pptx
Tulang Romansa.pptxTulang Romansa.pptx
Tulang Romansa.pptx
 
Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura.pptx
Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura.pptxAng Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura.pptx
Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura.pptx
 
Aralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptx
Aralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptxAralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptx
Aralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptx
 

More from Allan Ortiz

Pagsasaling wika new
Pagsasaling wika newPagsasaling wika new
Pagsasaling wika new
Allan Ortiz
 
Followership understanding the basic of teamwork
Followership understanding the basic of teamworkFollowership understanding the basic of teamwork
Followership understanding the basic of teamwork
Allan Ortiz
 
10 commandments boogie
10 commandments boogie10 commandments boogie
10 commandments boogie
Allan Ortiz
 
Pagsulat ng sanaysay
Pagsulat ng sanaysayPagsulat ng sanaysay
Pagsulat ng sanaysay
Allan Ortiz
 
Pananda sa pagwawasto ng Sulatin
Pananda sa pagwawasto ng SulatinPananda sa pagwawasto ng Sulatin
Pananda sa pagwawasto ng Sulatin
Allan Ortiz
 
Suring pelikula format
Suring pelikula formatSuring pelikula format
Suring pelikula format
Allan Ortiz
 
Radio broadcast 2
Radio broadcast 2Radio broadcast 2
Radio broadcast 2
Allan Ortiz
 
Antas ng wika 2
Antas ng  wika 2Antas ng  wika 2
Antas ng wika 2
Allan Ortiz
 
Antas ng Wika ppt
Antas ng Wika pptAntas ng Wika ppt
Antas ng Wika ppt
Allan Ortiz
 
Tula Handout
Tula HandoutTula Handout
Tula Handout
Allan Ortiz
 
Filipino wika ng karunungan
Filipino   wika ng karununganFilipino   wika ng karunungan
Filipino wika ng karunungan
Allan Ortiz
 
Sino ang dapat iboto sa halalan?
Sino ang dapat iboto sa halalan?Sino ang dapat iboto sa halalan?
Sino ang dapat iboto sa halalan?
Allan Ortiz
 
Pananaliksik unang hakbang Updated File
Pananaliksik unang hakbang Updated FilePananaliksik unang hakbang Updated File
Pananaliksik unang hakbang Updated File
Allan Ortiz
 
Sulating pananaliksik1
Sulating pananaliksik1Sulating pananaliksik1
Sulating pananaliksik1
Allan Ortiz
 
Tula updated Handout
Tula updated HandoutTula updated Handout
Tula updated Handout
Allan Ortiz
 
Pagsasalaysay o Naratibo
Pagsasalaysay o NaratiboPagsasalaysay o Naratibo
Pagsasalaysay o Naratibo
Allan Ortiz
 
Maikling kuwento Handout
Maikling kuwento HandoutMaikling kuwento Handout
Maikling kuwento Handout
Allan Ortiz
 
Gabay sa Pag uulat
Gabay sa Pag uulat  Gabay sa Pag uulat
Gabay sa Pag uulat
Allan Ortiz
 
Modyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismo
Modyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismoModyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismo
Modyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismo
Allan Ortiz
 
Liham pangangalakal
Liham pangangalakalLiham pangangalakal
Liham pangangalakalAllan Ortiz
 

More from Allan Ortiz (20)

Pagsasaling wika new
Pagsasaling wika newPagsasaling wika new
Pagsasaling wika new
 
Followership understanding the basic of teamwork
Followership understanding the basic of teamworkFollowership understanding the basic of teamwork
Followership understanding the basic of teamwork
 
10 commandments boogie
10 commandments boogie10 commandments boogie
10 commandments boogie
 
Pagsulat ng sanaysay
Pagsulat ng sanaysayPagsulat ng sanaysay
Pagsulat ng sanaysay
 
Pananda sa pagwawasto ng Sulatin
Pananda sa pagwawasto ng SulatinPananda sa pagwawasto ng Sulatin
Pananda sa pagwawasto ng Sulatin
 
Suring pelikula format
Suring pelikula formatSuring pelikula format
Suring pelikula format
 
Radio broadcast 2
Radio broadcast 2Radio broadcast 2
Radio broadcast 2
 
Antas ng wika 2
Antas ng  wika 2Antas ng  wika 2
Antas ng wika 2
 
Antas ng Wika ppt
Antas ng Wika pptAntas ng Wika ppt
Antas ng Wika ppt
 
Tula Handout
Tula HandoutTula Handout
Tula Handout
 
Filipino wika ng karunungan
Filipino   wika ng karununganFilipino   wika ng karunungan
Filipino wika ng karunungan
 
Sino ang dapat iboto sa halalan?
Sino ang dapat iboto sa halalan?Sino ang dapat iboto sa halalan?
Sino ang dapat iboto sa halalan?
 
Pananaliksik unang hakbang Updated File
Pananaliksik unang hakbang Updated FilePananaliksik unang hakbang Updated File
Pananaliksik unang hakbang Updated File
 
Sulating pananaliksik1
Sulating pananaliksik1Sulating pananaliksik1
Sulating pananaliksik1
 
Tula updated Handout
Tula updated HandoutTula updated Handout
Tula updated Handout
 
Pagsasalaysay o Naratibo
Pagsasalaysay o NaratiboPagsasalaysay o Naratibo
Pagsasalaysay o Naratibo
 
Maikling kuwento Handout
Maikling kuwento HandoutMaikling kuwento Handout
Maikling kuwento Handout
 
Gabay sa Pag uulat
Gabay sa Pag uulat  Gabay sa Pag uulat
Gabay sa Pag uulat
 
Modyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismo
Modyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismoModyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismo
Modyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismo
 
Liham pangangalakal
Liham pangangalakalLiham pangangalakal
Liham pangangalakal
 

Kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna 2

  • 1. Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna Sa pagbabasa ng akdang pampanitikan kailangan mong alamin ang kasaysayan sa likod ng pagkakalikha ng isang akda. Mas nauunawaan natin kung paano at bakit nalikha ang isang akda. Gaya ng obrang “Ibong Adarna” na lumaganap noong panahon ng Kastila na isang yaman ng panitikang Pilipino na dapat nating basahin at pag-aralan. Ang Kaligirang Kasaysayan ng Koridong Ibong Adarna Ang Ibong Adarna ay isang pasalaysay na tula na ang buong pamagat ay Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania. Walang tiyak na petsa ang tula, at nananatiling lihim ang awtor nito, bagaman may ilang naniniwala na ang nasabing tula ay isinulat ni Huseng Sisiw na palayaw ni Jose de la Cruz ngunit wala pa ring katibayan. Si Huseng Sisiw, ayon kay Julian Cruz Balmaseda, ang nagturo umano kay Francisco Balagtas kung paano sumulat ng tula. Umiinog ang tula sa magkakapatid na sina Don Juan, Don Diego, at Don Pedro na pawang nagsikap makuha ang mahiwagang Ibong Adarna na dumarapo sa puno ng Piedras Platas doon sa Bundok Tabor. Kailangang makuha ng kahit sino man sa kanila ang
  • 2. ibon upang mapagaling si Haring Fernando na noon ay dinapuan ng kung anong sakit na hindi kayang gamutin ng karaniwang mediko. Ang mahiwagang huni ng nasabing ibon ang makapagpapagaling lamang umano sa sakit ng hari. Ang magkakapatid ang nakahanay na magiging tagapagmana ng korona't setro ng hari.Sumapit na sila sa takdang gulang at dumaan sa mga pagsasanay sa pananandata, gaya ng inaasahan sa sinumang prinsipe. Ngunit hindi sapat iyon sa haharapin nilang pagsubok. Kapuwa nabigo sina Don Diego at Don Pedro na mahuli ang ibon, at naghunos bato sila nang mapahimbing sa matarling na awit ng Adarna at maiputan nito. Ngunit naiiba si Don Juan, na nabatid ang lihim ng Ibong Adarna nang tulungan ng nasabing prinsipe ang isang matandang nasalubong sa daan. Binigyan din ng mahihiwagang gamit ng matanda si Don Juan, upang mabihag ang ibon at mapanumbalik ang buhay ng kaniyang dalawang kapatid. Ngunit nagtaksil sina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan. Inagaw nila ang Adarna na hawak ng bunsong kapatid. Muntik na nilang mapatay si Don Juan, nang iwan sa isang malalim na balon. Ngunit muling nakaligtas si Don Juan sa tulong ni Donya Maria, at ipinagpatuloy ang pakikipagsapalaran sa lupain ng Reino de los Cristal. Napaibig din si Don Juan sa dalawa pang kapatid ni Maria, na sina Donya Leonora at Donya Juana. Kahit ibig pakasalan ng binata ang sinuman sa mga dalaga'y kailangang muling dumaan siya sa mga pagsubok na mula kay Haring Salermo.
  • 3. Nagtagumpay muli si Don Juan, nagpakasal kay Donya Maria, at namuhay nang maligaya sa kahariang nakamit niya.Samantala, ang Ibong Adarna ay mistulang tagapagbunyag ng lihim na naganap sa pagtataksil kay Don Juan. Waring ginamit lamang itong instrumento upang itampok ang mga kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ng mga prinsipe sa iba't ibang pook. Ang anyo ng tula korido ay isang anyo ng tulang Espanyol na gumagamit ng sukat na wawaluhin at karaniwang may isahang tugma. Ayon sa pag-aaral ni Damiana L. Eugenio, karaniwang pinapaksa ng korido ang buhay o pakikipagsapalaran nina Charlemagne (Carlo Magno) at Haring Arthur (Arturo), at ang kaligiran ng Troya, Gresya, at Roma. Kasama sa mga elemento ng tula ang matimyas na pag-iibigan, ang relihiyosong paniniwala, at ang kagila-gilalas o pantastikong pangyayari. Mula sa banyagang padron ang korido, ngunit pagsapit sa Filipinas ay kinasangkapan ng mga katutubong Pilipino upang itanghal ang kanilang naiibang kaligiran. Ang paggamit ng terminong "korido" sa Filipinas ay waring pagtatangkang tabunan ang katutubong tulang dalít na ang sukat ay wawaluhin din at may isahang tugma, ani Virgilio S. Almario, na nag-aral nang malalim hinggil sa katutubong uri ng tulang Tagalog. Ang salitang korido ay galing sa salitang Mehikanong “corridor” na nangangahulugang “kasalukuyang pangyayari”, ang Mehikanong salitang “corridor” ay mula naman sa Kastilang
  • 4. “occurido”. Ito’y isang anyo ng tulang romansa na naglalarawan ng pakikipagsapalaran sa buhay ng mga kababalaghan at pantasya, nagpapamalas ng kagitingan, kabayanihan at pagkamaginoo. Kinilalang isang mataas na uri ng libangan ang korido nang ito’y lumaganap sa Europa. Sinasabing ang korido ay batay sa mga alamat at kuwentong bayan sa Europa gaya ng Espanya, Gresya, Italya, Germany, Denmark, Pransiya, Austria at maging sa Tsina at Malay o Polenesia. Samantala, ang koridong Ibong Adarna ay binubuo ng 1,056 saknong, at umabot sa 48 pahina. Maraming alusyon ang ginamit na hindi lamang mula sa Europa, bagkus maging sa Gitnang Silangan. Bagaman sa unang basa'y mahihinuhang may bahid ng Kristiyanismo ang talakay ng tula, nalalahukan din yaon ng mga konseptong gaya ng sa Budismo at Islam, ayon na rin sa pag-aaral ni Roberto T. Añonuevo. Ang dalumat ng Ibong Adarna ay hindi nalalayo sa mga epikong bayan sa Pilipinas. Maraming ibon sa Pilipinas, at gaya sa epikong Kudaman at Manobo ay marunong ding magsalita at may kapangyarihang manggamot, lumipad nang mataas, at tumulong sa sinumang makapagpapaamo rito. Ipinaliwanag ito nang malalim ni Añonuevo sa kaniyang akda hinggil sa dalumat ng ibon. Sa pananakop ng mga Kastila, ang Ibong Adarna ay nakarating sa Mexico at di nagkalaon ay nakaabot sa Pilipinas. Nakarating ang korido sa Pilipinas nang dalhin ito ng mga Kastila mula sa
  • 5. Europa na ang layunin ay mapalaganap ang relihiyong Kristiyanismo sa bansa. Mula sa banyagang padron ang korido ngunit pagdating sa Pilipinas ay sinangkapan ito ng mga katutubong kaugalian upang maitanghal ang natatangi at naiibang kaligiran nito. Kinagawiang basahin ng mga katutubo ang korido dala na rin ng kawalan ng ibang anyo ng panitikang mababasa noong panahong iyon sanhi na rin ng kahigpitan ng mga paring Kastila sa pagpapahintulot ng pagkalat ng iba’t ibang uri ng akdang maaaring basahin ng mga tao. Ang buhay ng mga maharlikang angkan at kaharian na taliwas sa pamumuhay sa ating bansa kaya tinangkilik ng mga katutubo ang panitikang ito. Ang kahigpitan ng mga prayle sa pagpapalaganap ng babasahin ay nararapat lamang nagtataglay ng magandang pagtingin at panrelihiyong katangian upang pahintulutan maipalimbag. Kung titingnan, ang Ibong Adarna ay maituturing na kwentong bayan sapagkat hindi tiyak kung sino talaga ang totoong umakda nito. Ipingpalagay nang isalin sa wikang Tagalog ang Ibong Adarna, ipinagpapalagay na ang pangalan ng orihinal ay nangmula sa ibang bansa sa Europa at hindi na naisama ang pangalan ng may-akda; ginamit ang pangalan ng tagapagsalin ngunit hindi isinama sa pagpapalathala; ang kauna-unang salin nito ay nasa anyong sulat-kamay at nang maglaon ay hindi na kinopya ng mga sumunod pang nagsalin ang pangalan nang nauna sa kanila; at
  • 6. dahil hindi tiyak kung sino ang tunay na may-akda nito, pinili na lamang ng nakararaming tagapagsalin na huwag nang isama ang kanilang pangalan sa pagpapalimbag. Nagsimulang maging popular ang Ibong Adarna sa Pilipinas nang ito'y isalin sa katutubong wika. Ang bawat kopya ng akdang ito ay ipinagbibili sa mga perya na karaniwang nagpapalipat-lipat sa mga bayang nagdiriwang ng pista. Ngunit marami noon ang di marunong bumasa kaya't iilan lamang ang mga kopyang napalimbag. Sa kabutihang-palad, di nagtagal ay itinanghal na ito sa mga entablado tulad ng komedya o moro-moro. Ang karaniwang kaanyuan ng nasabing korido na siya ngayong pinag-aaralan sa mga paaralan ay ang isinaayos na salin ni Marcelo P. Garcia noong 1949. Hinalaw ang Ibong Adarna, at isinapelikula, isinalin sa dulang panradyo, teatro, sayaw, at sa kung ano-ano pang pagtatanghal. Pinakialaman din ng kung sino-sinong editor ang nasabing korido pagsapit sa teksbuk, at ang orihinal na anyo nito ay binago ang pagbaybay at isinunod ayon sa panlasa o paniniwala ng editor at publikasyon. Sa kasalukuyan, ang Ibong Adarna ang isa sa mahahalagang akda na pinag-aaralan ngayon sa mataas na paaralan, alinsunod sa kurikulum na itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon. Bagaman ang Ibong Adarna ay isa na ngayon sa mga kinikilalang bahagi ng Panitikang Pilipino, ang akdang ito ay hindi orihinal na nagmula sa Pilipinas. Ito'y tulad din ng Bernardo Carpio na nagmula
  • 7. sa alinmang bansa sa Europa. Bagama’t ang Ibong Adarna ay itinuturing na hindi katutubo, nagtataglay naman ito ng mga halagang pangkatauhan at kaugaliang taglay rin ng mga Pilipino gaya ng pananampalataya sa Panginoon, pagmamahalan sa pamilya, pagpapahalaga sa edukasyon, pagpapatawad sa kapwa, pagtulong sa nangangailangan, pagdiriwang, pagtanaw ng utang na loob at marami pang iba. Kaya naman hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na pinag- aaralan ito bilang bahagi ng kurikulum sa unang taon upang mapalaganap hanggang sa susunod pang henerasyon ang kalinangan ng Kulturang Pilipino na taglay ng koridong Ibong Adarna. http://tl.answers.com/ http://www.wika.club/ http://documents.tips/ https://filipinotek.wordpress.com/ PAGHAHAMBING NG AWIT AT KORIDO Ang AWIT at KORIDO ay dala ng mga Kastila buhat sa Europa. Ayon sa isang kritiko, ang kasaysayan ng “Ibong Adarna” ay maaaring hango sa mga kuwentong bayan ng iba’t ibang bansa tulad ng Germany, Denmark, Romania, Austria, Finlad, at Indonesia. Mayroon ang “Ibong Adarnang” motif at cycle na matatagpuan sa mga kwentong bayan: may sakit ang inang reyna o amang hari.
  • 8. Kailangan nang isang mahiwagang bagay upang gumaling tulad ng ibong umaawit, tubig ng buhay, at halaman. May pagkakahawig ang “Ibong Adarna” sa kasaysayan. Ilan dito ay: 1. Mula ito sa Kwentong “Scala Celi”. Kinalap ng isang paring Dominiko, na sinasabing katha noong pang 1300. -May isang haring may sakit na nangangailangan ng tubig ng buhay upang gumaling. Naglakbay-dagat ang kanyang tatlong anak ngunit ang bunso na mabait at magalang ang nakakuha ng lunas sa loob ng isang palasyo sapagkat tinulungan ito ng isang matanda. Iba pang kahawig na kuwento. . . 2. Mula sa Denmark(1696). -Nagkasakit si Haring Eduardo ng England at ang lunas ay ang ibong Phoenix na pag-aari ng reyna ng Arabia. Sa huli, napangasawa ng bunsong prinsipe ang reynang ito. 3. Mula sa Malayo-Polinesia,sinulat ni Renward Branstetter. -May mga bahagi ito na kahawig ng Ibong Adarna, tulad ng tungkol sa “Halaman ng buhay” na pinaghahanap ng marami. Ang pangunahing tauhan, si Djajalankara ay may dalawang kapatid na naglilo upang siraan siya sa amang maysakit. 4. Mula sa Hessen, Alemanya (1812) - "The Golden Bird" ay isang Brothers Grimm fairy tale, bilang 57, nailathala noong 1812 tungkol sa paghahanap ng isang ginintuang ibon ng tatlong anak ng hari dahil sa pagnanakaw nito ng gintong mansanan sa kanilang
  • 9. bakuran at itinalaga ang mga anak na hulihin ang ginintuang ibon. Nakausap nila ang isang lobo at pinayuhan sila kung paano nila mahuhuli ang ibon ngunit binaliwala ng dalang prinsipe at ang bunso lamang ang nakinig at gumawa ng payo ng lobo. Nang mahuli ang ibon ay ikinulong to sa hawlang yari sa kahoy. 5. Mula sa Paderborn, Alemanya – isang ibong ginto ang lagging nagnanakaw ng isang bungang ginnto sa punong mansanas ng hari. Isa=isang nagbantay ang tatlong anak ng hari ngunit ang bunso lamang ang nakakita sa ibon at nakahuli nito. Sa kasamaang palad, ang prinsipe ay nahuli ng haring may-ari ng ibon, na nangakong ibibigay rito ang ibong ginto kung mahuhui ng prinsipe ang kabayong ginnto. Sa tulong ng isang zorra, nalampasan ng prinsipe ang mga pagsubok at naiuwi niya ang ibong ginto at nailigtas pa ang mga kapatid. 6. Mula sa Vaderbon, isinulat ni Gretchen Wild ang “Ang Maputing Kalapati” (1808) – May isang hari na may punong peras. Lagging nawawalan ang bunga nito kaya’t pinabantayan ng hari ang puno sa kanyang tatlong anak na lalaki. Nakatulog ang dalawang nakatatanda at ang ikatlo ang nakakita sa isang kalapating puti na nagnanakaw ng bunga. Sa tulong ng isang matanda, nasundan niya ang ibon at nakita itong ballot ng sapot ng gagamba. Nnag pakawalan ito
  • 10. ng prinsipe ay nagbago ang anyo ng kalapati at nagging isang prinsesa, na napangasawa ng prinsipe. 7. Mula sa “Isang Libo’t Isang Gabi” – may isang kuwenyong pinamagatang “Tatlong Prinsipe sa China.” Nagkasakit ang ina at ang lunas ay ang tubig ng buhay. Ang bunsong anak ang nakakuha nito matapos ang maramig pakikipagsapalaran, at sa huli, ang bunso ang naging isang sultan. 8. Mula sa Malische- Marchen na tinipon ni Paul Ambruch Ang mga kuwentong-bayan na ito ay may pagkakahawig ngunit may pagkakaiba dahil sa kulturang pinagmulan ng bansa. May dalawang anak ang hari. Nabulag at nabingi ang hari at ang tanging lunas ay isang ibon na ipinahanap sa dalawang anak. Nagtungo sa isang masayang lugar ang nakatatanda, samantala ang nakababata ay nakarating sa isang lugar na kinatagpuan niya ng isang patay na walang maglibing. Inilibing niya ang bangkay at ang kaluluwa nito ay nag-anyong uwak na tumulong s akanya sa paghahanap sa ibon. Nahuli niya ang ibon at napangasawa ang isang babaeng may pakpak. Ngunit nang magkita ang magkapatid, inihulog nito ang nakababatang kapatid sa balon at iniuwi ang ibon at ang babae. Samantala, ang nakababatang prinsipe ay muling tinulungan ng uwak at inihaon siya sa balon. Nakauwi ang prinsipe at
  • 11. pinarusahan ang nakatatandang kapatid. Umawit ang ibon at muling nakakita at nakarinig ang hari. Ngunit bahagi nito ay nakalimutan ng prinsipe ang uwak gaya ng paglimot ni Don Juan kay Maria. Ano naman ang ibig sabihin ng Tulang Romansa? TULANG ROMANSA – ay tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan. -Ang mga tauhan ay pawang napapabilang sa kaharian tulad ng prinsipe, prinsesa,hari, reyna at ilang dugong bughaw. -Naging palasak sa Europa, at maaring nakarating sa Pilipinas mula sa Mexico noon pang 1610. -Ang palasak na halimbawa ng tulang romansa ay ang Koridong Ibong Adarna at Awit na Florante at Laura ni Francisco Baltazar. Ang Tulang Romansa sa Europa at sa Pilipinas sa Europa Ang Ibong Adarna ay isang tulang romansa (metrical romance). Ito ay kathang-isip na tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran o abentura ng mga bayani na karaniwang dugong bughaw tulad ng prinsipe at prinsesa. Naiiba ito sa epiko na tungkol din sa kabayanihan at abentura ng pangunahing
  • 12. tauhan. Ang salaysay sa tulang romansa ay may halong kulay at damdamin ng romansa. Bago pa dumating ang Edad Media (Middle Age), naging paborito na ng madla sa kontinente ng Europa ang mga salaysay ng abentura at kabayanihan. Lalo pa nang ihawig ito sa kasaysayan o sa malalaking pangyayari noon. Sa mga panahong iyon, malawak na ang interes ng kababaihan sa panitikan at likas na ang pagkagusto nilang makabasa ng mga akda tungkol sa pag-ibig. Ang tulang romansa na dati’y nasa wikang Pranses lamang o sa ibang diyalekto ng Latin ay nakarating din sa Inglatera. Balada (ballad) ang ugat ng tulang romansa. Ang balada ay isang maikling tulang pasalaysay na karaniwang nakaugnay sa alamat o kwentong-bayan. Kasabay ng pag-usbong ng pananalig sa Kristiyanismo sa buong Europa, lalo na ng debosyon kay Birheng Maria, sumikat ang tulang romansa. Sa tulang ito, ang debosyon ay patungkol naman sa isang babae, dugong bughaw, maaaring asawa ng hari o panginoon. Idinaraan ito sa isang ritwal sa korte ng kaharian, tulad ng ginawa ng mga Trubador sa Provence, isang lalawigan sa Pransya. Bumibigkas ng mga tulang liriko ang isang kabalyero (knight). Sinasabi sa tula na walang pasubali ang pagsunod ng kabalyero sa ipinag-uutos ng kanyang reyna o dama bilang patunay ng kanyang katapatan dito. Mula roon, kumalat na ang ganitong pagbigkas hanggang sa
  • 13. makarating din sa Inglatera. Dahil ang orihinal ng mga tulang lirikong ito ay nasa wikang Pranses, nagkaroon ito ng bersyon sa mga wikang Ingles, Espanyol, at iba pang wika ng karaniwang mamamayan. Sumikat naman ang tulang romansa sa Espanya sa panahon ng mga haring Katoliko. Naluklok sa trono sina Haring Fernando at Reyna Isabel ng Espanya noong 1479 hanggang sa paghalili ng anak nilang si Haring Carlos noong 1519. Ito ang panahong naitaboy na ng mag-asawa sa probinsya ng Granada ang mga Moro. Noon ay hindi na tanyag ang mga anyo ng tulang villancicos, juglares, at cantares de gesta. Ang panitikan ay hindi na lamang pandugong bughaw kundi pangmadla na rin. Ang tulang romansa ay lumaganap sa karaniwang mamamayan. Sa Pilipinas Naging dalawa ang anyo ng tulang romansa nang maging popular ito sa Pilipinas— ang awit at ang korido. Hanggang ngayon ay wala pang pag-aaral na nakasisiguro kung kailan at paano ito nakarating sa kapuluan, gayundin kung paano ito nagkaroon ng pagkakaiba. May nagsasabing galing ito sa Mehiko na gumamit ng salitang korido na balbal ng ocurrido (nangyari) na salitang Espanyol. Sa totoo, may dumarating noon sa Pilipinas na buletin o opisyal na pabalita ng pamahalaan ng Mehiko, ang corridos.
  • 14. Ngunit sa tradisyon ng panitikang Pilipino, lahat ng mahahabang tulang pasalaysay ay itinatanghal o binibigkas nang pakanta. Dahil ang ugat naman ng tulang romansa ay balada na nilikha para kantahin, nawala na ang pagkakaiba ng dalawang anyo ng tulang romansa. Ang awit ay itinuturing na korido at ang korido ay tinatawag na awit. Totoo ito sa mga awit at korido ng Pangasinan, Ilocos, at Iloilo. Sa Katagalugan lamang pinag-iiba ang awit at ang korido. Nagkakatulad ang awit at ang korido sa dalawang bagay. Parehong pakanta ang bigkas o basa ng mga ito; parehong aapating linya (quatrain) ang berso sa bawat saknong. Gayunman, ang mga historyador ng panitikan ng Pilipinas ay gumawa ng mga batayan ng pagkakaiba ng dalawang anyong ito ng tulang romansa. Ang Pagkakaiba ng Awit at ng Korido Narito ang katangian ng isang korido: 1. Ang sukat ng bawat linya sa isang saknong ay wawaluhing pantig 2. Mabilis ang pag-awit o pagbigkas nito tulad sa mabilis na pagsasalaysay 3. Ang paksa ay alamat at pantasya, may kapangyarihang supernatural ang tauhan kung minsan 4. May malalim na damdaming relihiyoso
  • 15. Ang awit naman ay may ganitong katangian: 1. Ang sukat ng bawat saknong ay lalabindalawahing pantig 2. Mabagal ang pagbigkas o pag-awit nito kaya madamdamin 3. Higit itong makatotohanan dahil ang paksa ay malapit sa kasaysayan 4. Higit na buhay at masigla ang damdamin nito Mga Halimbawa ng Tulang Romansa sa Pilipinas Katulad ng nabanggit, maliban sa mga Tagalog ay magkakatulad ang mga paksa, estilo, at kilos ng awit at korido sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas. Ngunit sa pangkalahatan, mapapangkat sa tatlo ang saklaw ng mga paksa ng tulang romansa: 1. Mga salaysay tungkol kay Carlo Magno (Charlemagne) at mga tauhan nito 2. Mga salaysay hinggil sa Tabla Redonda (Round Table) ni Haring Arthur 3. Mga salaysay tungkol sa pagbagsak ng Troy mula sa kasaysayan ng Gresya at ng Roma Bukod pa rito, maraming awit at korido ang hinango naman sa mga alamat, kwentong-bayan, buhay ng mga santo, at salaysay mula sa Bibliya. Ayon kay Dr. Damiana Eugenio, isang iskolar ng folklore, ang halimbawa ng awit ay ang Doce Pares, Rodrigo de Villa, at Tanyag na Kasaysayan ni Bernardo Carpio (ni Jose de la Cruz o Huseng Sisiw); Florante at Laura (ni Francisco
  • 16. Balagtas); Dama Ines at Prinsipe Florinio (ni Ananias Zorilla); Tablante de Ricamonte (panahon ni Haring Arthur); at Prinsipe Paris (panahon ng Troy). Idinagdag pa ni Eugenio ang Prinsesa Florentina bilang halimbawa ng korido bukod sa Ibong Adarna. Ang Ibong Adarna sa Iba’t Ibang Bahagi ng Mundo Walang bansang matutukoy na pinagmulan ng tulang romansang ito. Sinasabi lamang na may mga pagkakahawig ang mga tauhan at pangyayari sa mga salaysay nito. Lumitaw ang anyong ito ng panitikan sa mga bansa ng Europa, Gitnang Silangan, at maging sa Asya. Ang pagkakatulad naman nito sa mga pinagmulang bansa ay ang mga sumusunod: 1. Pare-parehong may sakit ang hari at kailangan nito ng lunas o gamot (Denmark at Alemanya) 2. Ang lunas ay maaaring tubig, halaman ng buhay, o awit ng isang ibon (Alemanya at Gitnang Silangan) 3. Karaniwang ang naghahanap ng lunas ay magkakapatid na prinsipe at ang bunso ang laging sinuswerte (Alemanya at Indonesia) 4. Laging nakapag-aasawa ng prinsesa ang nagtatagumpay sa paghanap ng lunas (Denmark at Alemanya) PAGHAHAMBING SA AWIT AT KORIDO
  • 17. AWIT (sadyang para awitin) Korido (sadyang para basahin) SUKAT Tig-12 pantig ang bawat taludto Tig-8 pantig ang bawat taludtod HIMIG Mabagal, banayad, o andante Mabilis o allegro PAGKAMAKATOTOHANAN Ang pakikipagsapalaran ng mga tauhan ay maaaring maganap sa tunay na buhay. Ang pakikipagsapalaran ng mga tauhan ay maaaring sa tunay na buhay. Mga Sanggunian: http://www.wika.club/ibong-adarna/aralin-1-ang-kaligirang- kasaysayan-ng-koridong-ibong-adarna http://documents.tips/documents/kasaysayan-ng-ibong-adarna.html https://filipinotek.wordpress.com/2013/03/29/kaligirang-pangkasaysayan-ng-koridong-ibong- adarna-tulang-romansa/ https://en.wikipedia.org/wiki/The_Golden_Bird https"<<=lipinotek.wordpress.!om<5- - http"<<www.wika.!lub<ibong(adarna<aralin(+(ang(kaligiran g(kasaysayan(ng(koridong(ibong(adarnahttps"<<=lipinotek.wordpress.!om<5- - koridong(ibong(adarna(tulang(romansa< http://www.docfoc.com/kaligirang-kasaysayan-ng-ibong-adarna-1 http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_kaligirang_pangkasaysayan_ng_Ibong_Adarna