Ayon kay Arrogante (1991), ang dula ay isang anyo ng pampanitikan na nagsasadula ng buhay ng tao na naglalaman ng iba't ibang emosyon at karanasan. Sa panahon ng mga katutubo at Espanyol, iba't ibang uri ng dula ang isinagawa, mula sa mga seremonya ng pananampalataya hanggang sa mga dramang nakasentro sa buhay ni Hesus. Kabilang sa mga ito ang senakulo, tibag, at moro-moro, na may mga tiyak na dahilan at isinasagawa sa mga partikular na panahon at lugar.