I made this simpler so that next time I can use this in my schools, and I can also help other children that needs my summarized description about figure of speech (HIHI English po yan)
I made this simpler so that next time I can use this in my schools, and I can also help other children that needs my summarized description about figure of speech (HIHI English po yan)
Ang PPT na ito ay ang tungkol sa kaligiran ng Panitikan ng Pilipinas. Nakapaloob dito ang mga uri at ang iba't iba pang mga bagay na may kaugnayan sa panitikan.
Ang PPT na ito ay ang tungkol sa kaligiran ng Panitikan ng Pilipinas. Nakapaloob dito ang mga uri at ang iba't iba pang mga bagay na may kaugnayan sa panitikan.
Paglalarawan- kompleto detalye, mga uri at pamamaraan-- jovelyn valdez
malalaman sa presentasyong ito ang layunin, Kahulugan, dalawang uri ng paglalarawan, mga halimbawa mga tatlong paraan ng paglalarawanmga kahingian sa epektibong paglalarwan, mga katangian ng mabisang paglalarawan, mga salik at elemento ng paglalarawan, mga katangian ng isang mabisang paglalarawan...
Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapayahag na gumagamit ng talinghaga o di-karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyan diin ang kanyang saloobin.
SA Oktubre 30, 2023 na ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at marami nang kandidato ang nagpaparamdam. Marami nang nagsusulputang tarpaulin ng kandidato na bumabati ng “Happy Father’s Day” at iba pang mensahe. Nakasabit ang tarpaulin sa lugar na madaling makita ng residente.
Pero hindi lamang ito ang nararamdaman sa papalapit na election. Nadarama na rin ang karahasan. May mga napaulat nang pagpatay sa barangay officials sa probinsiya. Ang mga napapatay ay tatakbo sa pagka-barangay chairman.
Sa Norzagaray, Bulacan, isang barangay chairman ang pinagbabaril at napatay noong nakaraang linggo. Ayon sa report ng pulisya, nasa kanyang sasakyan ang biktimang si Marcelino Punzal, 63, barangay chairman ng Bgy. Bangkal, Norzagaray nang pagbabarilin habang nasa kahabaan ng Edenville Road, Bgy. Partida, Norzagaray, Bulacan. Agad namatay ang biktima at mabilis namang tumakas ang gunman. Wala pang naaaresto ang mga pulis. Ayon sa mga kaanak ng biktima, wala silang nalalaman na kagalit nito.
Sa report ng Philippine National Police (PNP), 30,068 elected officials ang may valid firearms at maaring kabilang dito ang barangay officials. Ang nakapangangamba, 8, 313 dito ay expired na ang mga lisensiya. Kaya hinihikayat ng PNP ang elected officials na mag-renew na ng kani-kanilang mga lisensiya para hindi magkaroon ng problema. Kamakailan, naaresto ng pulisya ang mayor sa Mabini, Batangas dahil sa pag-iingat ng mga baril na walang lisensiya.
Ang pagsiklab ng karahasan sa nalalapit na BSKE ang naging dahilan para hilingin sa Commission on Elections ng siyam na mayors ng mga bayan at lungsod ng Negros Oriental na suspendihin ito. Malalang karahasan umano ang bumabalot sa probinsya kaya dapat munang isuspende ang election.
Sinabi ng PNP kamakailan na handa sila sa pagdaraos ng barangay elections sa Oktubre. Hindi dapat maging kampante ang PNP at siguruhing nasamsam na ang loose firearms upang walang karahasan. May mga barangay chairmen na may mga bodyguard at private armies. Sawatain ito ng PNP habang maaga at nang hindi makapaghasik ng kaguluhan. Huwag hayaang makaalagwa ang loose firearms.
2. Pagtatayutay o paggamit ng matalinghagang
pagpapahayag ay nagmula sa isang inspiradong
imahinasyon na tulong ng malawak na karanasan sa
buhay, mayamang vokabularyo, at mauland na
kasanayan sa pagsasalita, kahit di na isipin pa, kusa
itong pumipilantik sa dila.
PAGTATAYUTAY
3. May dalawampu’t-isang (21) uri ng tayutay ang
ibinilang, ang mga ito ay ang sumusunod:
Simile o Pagtutulad
Metafora o Pagwawangis
Personipikasyon o Pagbibigay-Katauhan
Pagtatanong
Pag-uulit
Eksiherasyon o Pagmamalabis o Iperbole
Paghihimig o Onomatopeya
Pag-uyam o Ironya
URI NG TAYUTAY
4. Pagsusukdol o Klaymaks
Antiklaymaks
Pagtatambis o Oksimoron
Pagsalungat o Antitesis o Epigram
Pagpapalit-saklaw o Sinekdoke
Pagpapalit-tawag o Metonimiya
Paglilipat-wika o Transferred Epithets
Pagtanggi o Parelepsis o Litotes
Pagsasalaysay o Prosopapoeia o Vision
Pagbibigay-aral (Parabola, Fabula o Alegorya)
Paglumanay o Eufemismo
5. Pinakamadaling uri ito dahil kagyat na nakikilala sa
mga salita o pararilang ginagamit tulad ng parang,
wangis, animo’y, gaya ng, tila, mistula, atbp. Ito’y
paghahambing ng dalawang magkaiba o di
magkauring bagay, tao, kaisipan, pangyayari atbp.
Sa hayagang pamamaraan.
Halimbawa:
Balahibuhin parang labong ang mga braso niya’t
binti.
SIMILE O PAGTUTULAD
6. Paghahambing din ito gaya ng pagtutulad,
nagkakaiba lamang sa hindi na nito paggamit ng
mga salita o pararilang pantulad sapagkat direkta
nang ipinaaangkin ang katangian ng tinutularan. Isa
rin ito sa mga pinakamagamiting uri.
Halimbawa:
Tinik ng lalamunan ko ang katahimikan mo.
METAFORA O PAGWAWANGIS
7. Ginagamit ito para bigyang-buhay, pagtaglayin ng
katangiang pantao-talino, gawi, kilos, ang mga bagay
na likas na walang buhay. Ito’y naisasakatuparan sa
pamamagitan ng mag pananalitang nagsasaad ng
kilos tulad ng pandiwa, pandiwari at pangngalang
diwa.
Halimbawa:
Sa paglalakad ng buwan magbabago nang lahat
ang takbo ng panahon.
PERSONIPIKASYON O PAGBIBIGAY-
KATAUHAN
8. Sa pamamagitan ng pagtatanong nailalahad ang
katangungan at kapamilyang kasagutan kung
matatanggap o hindi ang isang bagay.
Halimbawa:
Itinulad kita sa santa dinambana, sinamba…
ano’t bumaba ka sa altar ng aking tiwala?
PAGTATANONG
9. Dagliang makikita ito saanmang bahagi ng mga
taludtod o pangungusap kapag ang unang titik o
unang pantig ng bawat salita o kung ang isang salita
ay makailang beses na ginamit. May limang (5) uri
nito.
Aliterasyon
Anapora
Anadiplosis
Epipora
Empanodos
PAG-UULIT
10. Kung ang unang titik o pnatig ng mga salita ay pare-
pareho.
Halimbawa:
Gumising ka giliw sa gitna ng gabi gupili’y
gustuhi’t garapampot ‘tang gintong gunita’y gunamin.
ALITERASYON
11. “Pag-uulit ng isang salitang nasa unahan ng isang
sugnay” ayon kay Rufino Alejandro.
Halimbawa:
Hayaang humagulgol ang aso sa tumana.
Hayaang sa duluha’y may lampong na pusa.
Hayaang sa punso’y may katyaw na tumutuka.
-Bahay-bahayan
Rogelio G. Mangahas
ANAPORA
12. Ayon kay Rufino Alejandro, ang parehong salita ay
ginagamit sa sa unahan at sa hulihan ng
magkasunod na sugnay.
Halimbawa:
Sa kaluwagan mo sa ‘king kagipitan , kagipitang
minsan ay pinagpulasan…
ANADIPLOSIS
13. Pag-uulit naman ito ng isang salita sa hulihan ng
sunod-sunod na taludtod, Ayon kay Rufino Alejandro.
Halimbawa:
Huwag nating tulutang maibagsak ng kaaway
ang pamahalaan ng bayan, tatag ng bayan at ukol sa
bayan.
EPIPORA
14. Pabalik ng pag-uulit ang tawag din sa Empanodos.
Bagama’t ito’y hindi isinama ni R. Alejandro, dito’y
isinasama na dahil ito’y sadyang pag-uulit din, nga
lamang, binabaliktad ang ayos ng pahayag.
Halimbawa:
Ang langit ay lupa’t ang lupa ay langit.
EMPANODOS
15. Ito’y isang lagpas-lagpasang pagpapasidhing
kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay,
pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang
katagian, kalagayan o katayuan.
Halimbawa:
Muntik na akong matupok sa taas ng lagnat ko.
EKSIHERASYON O
PAGMAMALABIS O IPERBOLE
16. Ito ang paggamit ng mga salitang kung sino ang
tunog ay siyang kahulugan.
Halimbawa:
Nagngingiyaw kariring din ang kabilang kawad
bago tio sagutin.
PAGHIHIMIG O ONOMATOPEYA
17. Sa tila namumuring pananalita pinaloob o
pinahihiwatig ang paglibak, pagtudyo o pagkutya.
Nararamdaman ang tunay na kahulugan nito sa diin
ng pagsasalitaat ekspresyon ng mukha ng
nagsasabi.
Halimbawa:
Bilibako sa tibay ng panlasa mo. Ang hindi ko
masikmura nalunok mo.
PAG-UYAM O IRONYA
18. Dito’y pataas nna pinagsusunod-sunod ang
kahalagaaan ng mga salita o kaisipan mula sa
pinakamababang antas hanggang pinkamataas.
Halimbawa:
O… nakapanindig-balahibo ang tengang kaliglig!
O… nakapambubuntunghininga ang saglit na kulog!
O… nakapamimikit-mata ang bingit ng bangin!
PAGSUSUKDOL O KLAYMAKS
19. Kabaligtaran ito ng nauna. Sa halip na pataas, dito
naman ay pababa ang pagkasunod-sunod ng
kaisipan, mula sa panlahat hanggang ispesifik.
Halimbawa:
Ikaw’y sisilang. Sapagkat alam mo – nadarama
mo, nasasala mo…
(Hango sa Pagsilang: Pag-iisa ni B. S. Medina)
ANTIKLAYMAKS
20. Nagsasaad ito ng matinding damdamin: pagsisisi,
panghihinayang, pagkalungkot, pagkapoot, kawalan,
kabiguan, panaghoy, atbp. Hindi iniiwasan dito ang
tandang padamdam (!) o ekslamasyon.
Halimbawa:
Hay…! Handog na walang kasintarik! Lugod ng
dilang nakalawit!
PAGDARAMDAM
21. Pinagsasama o pinag-uugnay rito ang dalawang
bagay na magkasalungat nang mangibabaw lalo ang
katangiang ipinahahayag.
Halimbawa:
Paroo’t parito , papanhik-panaog, lalakad-
hihinto, tatayo-uupo, Ang pagkainip ay walang
kasimbalintino.
PAGTATAMBIS O OKSIMORON
22. Gaya ng pagtatambis, pinagsasama rito ang
magkasalungat na salita o kaisipan, nagkakaiba
lamang sa paglalaban ng magkasalungat sa halip na
pinag-uugnay.
Halimbawa:
“Layo ay lapit ng budhi’t isip.” –Jose M. Buhain
PAGSALUNGAT O ANTITESIS O
EPIGRAM
23. May dalawang paraan ng pagbuo ng tayutay na ito:
A.) Pabahagi – bahagi lamang ang binabanggit ay
mababatid na ang isinasaad ng kabuuan.
Halimbawa:
Ayoko nang makita ang mukha mo sa
pamamahay na ito.
PAGPAPALIT-SAKLAW O
SINEKDOKE
24. B.) Patukoy – kinatawan lamang ang tinutukoy
upang mabatid ang kabuuan.
Halimbawa:
Wala nang ibang magkakanulo pa sa bayan
kundi isang makabebe lamang.
25. Sa paraang ito ang pangalan ng isang bagay na
tinutukoy ay hinahalinhinan o pinapalitan ng ibang
katawagan, pero ang pinapalit ay may kaugnayan sa
pinalitan.
Halimbawa:
Nagiging pulahan na ang iba nating kababayan.
PAGPAPALIT-TAWAG O
METONIMIYA
26. Tulad sa pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang
mga katangiang pantao, ngunit sa halip na pandiwa
ang ginagamit ay mga pang-uri, mga pang-uring
tanging sa tao lamang ginagamit.
Halimbawa:
Kay hinhin ng tubig sa batis.
PAGLILIPAT-WIKA O
TRANSFERRED EPITHETS
27. Hindi ang pangunahing hudyat nitong salita na sa
akda ay isang pagsalungat, pagpipigil o di-pagsang-
ayon, ngunit ito’y pakunwari lamang, isang
kabaliktaran, sapagkat ang paghindi ay sadyang
nagpapahiwatig ng patulot.
Halimbawa:
Hindi sa pinangungunahan kita, pero malaki ka
na, sana naman ay tigilan mo na ang pagbabarkada.
PAGTANGGI O PARELEPSIS O
LITOTES
28. Ito’y isang nasa pangkasalukuyang (nagyon lamang
akalang ngaganap habang isinasalaysay)
pagkukuwento ng mga nagdaan na o hindi pa man
dumarating na mga pangyayari.
Halimbawa:
Bukas ay biyernes na pala. Nakikinita ko na si
Kikay sa kanyang asul na bestida. Nag-aabang.
Lumilinga-linga sa kinatatayuan. Pinakapipihong may
susundo sa kanya.
PAGSASALAYSAY O
PROSOPAPOEIA O VISION
29. Isang makalumang anyo ito ng patalinghaga. Isang
uri ng paglalahad na hanggang ngayon ay mabisa pa
rin naman. Di tuwiran itong nangangaral, masa-
matatanda, o masa-kabataan.
Halimbawa:
a. Parabola – Ang Manghahasik at Ang Sampung
Birhen
b. Fabula – Ang Unggoy at Ang Matsing
c. Alegorya – Noli Me Tangere at El Filibusterismo
PAGBIBIGAY-ARAL (PARABOLA,
FABULA O ALEGORYA)
30. Paraan itong pawang mga piling-pili, mabubuti at
magagaang pananalita ang ginagamity sa
mahinahong pagsasabi, sa gayon, maaya at bukal sa
kalooban itong matanggap ng pagsasabihan. Tuloy,
ang makasakit ng damdamin ay maiiwasan;
anumang reklamo o pagtutol, walang bigat sa
katawan o sakit ng loob.
Halimbawa:
Masarap ang patis. Tamang-tama sa nilaga mo,
Pacing (pangalan ng katulong). Sa palagay ko mas
masarap ito kung ang patis ay malapit dito.
PAGLUMANAY O EUFEMISMO