Kahulugan ng Sanaysay,Dalawang Uri ng Sanaysay,Layunin ng sanaysay,Mga Katangiang Dapat Taglayin Ng Isang Mananaysay,Sangkap ng Sanaysay at Bahagi ng Sanaysay.
Kahulugan ng Sanaysay,Dalawang Uri ng Sanaysay,Layunin ng sanaysay,Mga Katangiang Dapat Taglayin Ng Isang Mananaysay,Sangkap ng Sanaysay at Bahagi ng Sanaysay.
Ang akdang "Ang Tinig ng Ligaw na Gansa" ay isang tula mula sa Egypt. Ang powerpoint presentation na ito ay naglalaman ng kompletong aralin sa Modyul 1, Aralin 1.6 ng Gr.10-Filipino. Maaari ninyo itong i-download upang magamit sa pagtuturo.
Ang PPT na ito ay ang tungkol sa kaligiran ng Panitikan ng Pilipinas. Nakapaloob dito ang mga uri at ang iba't iba pang mga bagay na may kaugnayan sa panitikan.
Ang mitolohiyang ito na mula sa Hawaii ay isa sa mga akdang pampanitikan na tinatalakay sa Grade 10 o Ikasampung Baitang, Ikalawang Markahan, sa tulong ng Batayang Aklat na Pinagyamang PLUMA 10 ng Phoenix Publishing House, Inc.
Ang paksang ito ay tinatalakay sa Grade 10 o Ikasampung Baitang, Ikalawang Markahan, sa tulong ng Batayang Aklat na Pinagyamang PLUMA 10 ng Phoenix Publishing House, Inc.
Ang dulang ito na mula sa Scotland ay isa sa mga akdang pampanitikan na tinatalakay sa Grade 10 o Ikasampung Baitang, Ikalawang Markahan, sa tulong ng Batayang Aklat na Pinagyamang PLUMA 10 ng Phoenix Publishing House, Inc.
Ang maikling kuwentong ito na mula sa Amerika ay isa sa mga akdang pampanitikan na tinatalakay sa Grade 10 o Ikasampung Baitang, Ikalawang Markahan, sa tulong ng Batayang Aklat na Pinagyamang PLUMA 10 ng Phoenix Publishing House, Inc.
Ito ay kwento ng magkambal na may magkaibang pag-uugali. Tinalakay din sa alamat na ito kung paano unang nagkaroon ng water lily sa lawa ng laguna na siyang nagiging sanhi ng pagbaha sa ilog Pasig kapag inaanod ng tubig dahil sa lakas ng ulan.
Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)Bryan Ben Orcenado
Ang Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralan ng Madrid Surigao del Sur Division
Tomo 1 Bilang 1 │ Agosto 2023 - Mayo 2024. Ang pampaaralang pahayagang ito ay kuwalipikado para sa National Schools Press Conference 2024 na gaganapin sa Carcar City, Cebu ngayong Hulyo.
2. KATUTURAN NG TULA
Ang tula ay isang kaisipang
naglalarawan ng kagandahan,
ng kariktan, ng kadakilaan at
mga karapatan. Ito ay isang
katas, larawan at kabuuan ng
tanang kariktang nakikita sa
silong ng alinmang langit.
3. Ang tula ay panggagagad ng mga
tinig at kamalayang
nagpapasigasig. Ang diwa o tema
nito ay batay sa mga karanasan
sa buhay, sa mga pambansang isyu
at mga pangyayari sa lipunang
kinagagalawan ng tao, atbp.
5. SUKAT – ito ay tumutukoy sa bilang
ng pantig sa bawat taludtod ng tula.
Hal. Wawaluhing pantig
“ noong mga unang araw,
na ayon sa kasaysayan,
ang Berbanyang kaharian,
ay may Haring hinangaan.”
6. TUGMA- ito ay tumutukoy sa
pagkakasintunugan na huling salita ng
mga taludtod.
Hal.
“kung siya mong ibig na ako’y magdusa,
Langit na mataas, aking mababata.
Ako’y minsan-minsang mapag-alaala
Isagi mo lang sa puso ni Laura.”
7. MAKABULUHANG DIWA
- tinutukoy nito ang pangkalahatang diwa
o kaisipan ng tula na nais iparating sa mga
mambabasa. Sa pamamagitan ng diwa ng
tula, pinupukaw ng makata ang damdamin ng
mga mambabasa, pinapaganda niya ang mga
pangit na bagay sa paningin ng mga tao;
binibigyan niya ng kabuluhan ang mga
karanasang sa palagay natin ay walang
halaga.
8. ANG KAGANDAHAN o
KARIKTAN
- tinutukoy ng sangkap na ito ang
paggamit ng mga piling salita sa tula
upang ito’y maging maganda. Ang mga
salitang ginagamit ng makata ay
tumutulong sa pagpapatingkad ng diwa
ng tula, pumupukaw sa mayamang
guni-guni ng mambabasa, at bumubuo
ng mga buhay na larawang-diwa sa
tula.
13. 1. TULANG PANDULAAN
- naglalarawan ng mga pangyayaring
naihahalintulad sa tunay na buhay.
Ito’y isinusulat upang itanghal.
2. TULANG PANDAMDAM
- nagsasaad ng masisidhing damdamin ng
makata, gaya ng kaligayahan,
kasawian, kalungkutan, kabiguan,
poot, tagumpay, galak, atbp.
14. 3. TULANG PASALAYSAY o BUHAY
- naglalahad ng isang kasaysayan o
mga tagpo o pangyayari. Kabilang
sa ganitong uri ng tula ang epiko,
awit, kurido, atbp.
4. TULANG SAGUTAN
- naglalarawan ng pagtatagisan ng
talino at pangangatwiran ng
dalawang mambibigkas.