1. Banghay-Aralin sa Filipino 8
Paksa: Ang Sanaysay
Bilang ng Araw: 3
I.Mga Layunin
Sa pamamagitan ng larawan, ang mga mag-aaral sa ikatlong taon ay inaasahang:
a. Nakapagbibigay-kahulugan sa mga mahihirap na salita;
b. Nakapagtutukoy ng teoryang panliteratura na ginamit sa akda;
c. Nakapagpapahayag ng mga sariling paraan ng mga sariling paraan ng pagpapadama ng
pag-ibig; at
d. Nakapagsisipi ng mga pahayag mula sa sanaysay.
II. Paksang-Aralin
Paksa : “Ang Pag-ibig” ni Emilio Jacinto
Sanggunian : Badayos, Paquito B. Yaman ng Pamana III. Pp. 162-
169
Kagamitan : larawan, hugis pusong cartolina, graphic organizer
(positive-negative chart)
Pagpapahalagang Moral : Paggalang sa damdamin ng iba
Kasanayan : pagsang-ayon at pagsalungat
III. Pamamaraan
A. Pangganyak
Sa araw-araw nating pamumuhay, hangad natin ay kapayapaan at katahimikan.
Ngunit hindi talaga maiiwasan ang mga masasamang pangyayari, pag-uugali at kilos.
Magpapaskil ng dalawang larawan ang guro sa pisara.
Pansinin ang dalawang larawang pinaskil ko sa pisara.
· Ano ang makikita sa unang larawan? Sa ikalawang larawan?
· Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng larawan?
B. Paglalahad
Ang kapayapaan ay nakakamit dahil sa pagmamahal na namamayani sa bawat isa.
Kung nagmamahal ka, igagalang mo ang iyong mga magulang, tutulungan ang iyong
kapwa at lilinisin ang iyong kapaligiran. Kasamaan naman ang dulot ng kawalan ng
pagmamahal. Naiinggit ka sa iyong kapwa, sinusuway ang mga magulang at kaligayahan
mo ang kapahamakan ng sangkatauhan. Nagkakaiba an gating palagay sa kahulugan ng
tunay na pagmamahal. Tunghayan natin ang pagpapakahulugan at pagpapahalaga ni
Emilio Jacinto sa pagmamahal sa kanyang sanaysay na pinamagatang “Ang Pag-ibig.”
C. Pagbibigay ng Pangganyak na Tanong
Alam kong may ideya na kayo tungkol sa sanaysay pero sa kabilang banda may
mga katanungan din kayong gusting mabigyang-linaw.
Ilalahad ng mga mag-aaral ang kanilang mga tanong ukol sa sanaysay na “Ang
Pag-ibig”.
· Bakit pinamagatang “Ang Pag-ibig” ang sanaysay ni Emilio Jacinto?
2. · Paano inilarawan ng may-akda ang pag-ibig?
· Ano ang magagandang dulot ng pag-ibig?
· Ano ang maaring mamayani kung walang pag-ibig?
D. Pag-alis ng Sagabal
Bibigyan ko ang bawat isa ng mga papel na hugis puso. Nakasulat sa mga puso
ang mga mahihirap na salitang kailangan niyong itapat sa mga kahulugang ipapaskil sa
pisara.
NANGANGATAL panginginig ng katawan o tinig kapag nagagalit natatakot
o nagiginaw
NALIPOS ganap na natakpan
PITA ibig; matinding pag-asam
ABA dukha
MANAMBITAN pagsusumamo; pagmamakaawa
E. Pagtatalakay
Sa mga hugis pusong ibinigay ng guro kanina, ipapangkat ang klase sa tatlo. Ang
nakakuha ng malalaking puso ang kabilang sa unang pangkat. Ang may maliliit na puso
ang kabilang sa unang pangkat. Ang may maliit na puso ang ikalawang pangkat. Ang
nakakuha naman ng mga pusong may hugis tao sa loob ay ang ikatlong pangkat.
Unang Pangkat
Sumipi ng mga pahayag na naglalarawan o kakikitaan ng mga positibong dulot ng
pag-ibig. Isulat sa cartolina.
· Bakit napili ninyo ang mga pahayag na ito?
· Anu-ano ang magagandang dulot ng pag-ibig?
· Sumasang-ayon ba kayo sa magagandang dulot ng pag-ibig ayon kay Emilio Jacinto?
Bakit?
Pangalawang Pangkat
Sumipi ng mga pahayag na naglalarawan ng mga negatibong pangyayari dahil sa
kawalan ng pag-ibig. Isulat sa cartolina.
· Bakit napili ninyo ang mga pahayag na ito?
· Anu-ano ang magagandang dulot ng pag-ibig?
· Sumasang-ayon ba kayo sa magagandang dulot ng pag-ibig ayon kay Emilio Jacinto?
Bakit?
Pangatlong Pangkat
Sumipi ng mga pahayag na nasasangkot ng mga taong may magagandang dulot o
may masasamang dulot ng kawalan ng pag-ibig. Pangalanan ang bawat isa. Isulat ang
pahayag at ang mga tao sa cartolina.
· Ano ang maaaring mangyari sa kanila kapag namayani ang pag-ibig?
· Ano ang maaaring mangyari sa kanila kapag walang pag-ibig?
Bibigyan lamang ng 10 minuto ang mga mag-aaral upang magawa ang mga iniatas sa
kanila. Magbabahaginan ang bawat grupo sa harap ng klase.
F. Pagsagot sa Pangganyak na Tanong
Mula sa binahagi ng bawat pangkat sa klase, ilahad muli ang inyong tanong
kanina at sagutin ninyo pagkatapos.
Ilalahad ng mga mag-aaral ang kanilang mga tanong at sagot.
3. G. Pagpapalawak
Mananatili ang mga mag-aaral sa kanilang mga pangkat. Bawat pangkat ay pipili
ng angkop na awit na naglalarawan sa pag-ibig ng Poong Maykapal (Pangkat 1), pag-ibig
sa Magulang (Pangkat 2), at pag-ibig sa kapwa at bayan (Pangkat 3). Aawitin ito ng
bawat pangkat sa harap ng klase. Bawat sa ay kailangang maglahad ng mga paraan paano
ipapadama ang pag-ibig sa Poong Maykapal, magulang, kapwa at bayan.
H. Paglalapat
Pansinin ang pahayag na ito.
“Kung ang magulang ay walang pag-ibig sa anak, sino ang magbabatang mag-iiwi sa
mga sanggol? At mabubuhay naman kaya ang mga anak sa sarili lamang nila? Kung ang
anak kaya naman ay walang pag-ibig sa magulang, sino ang maging alalay at tungkod sa
katandaan? Ang kamatayan ay lalo pangn matamis kaysa buhay para sa matandang
nangangatal ang tuhod at nanlalabo ang pagod na mga mata ay wala nang malingapang
mag-aakayat at makaaaliw sa kanyang kahinaan.”
· Sinu-sino ang pinag-uusapan sa pahayag na ito mula sa sanaysay?
· Paano umikot sa mga taong ito ang Pag-ibig?
Ang mga taong ito na binanggit sa sanaysay ang sentro ng pag-ibig. Samakatuwid
nakatuon ang pag-ibig sa mga taong binanggit. Kung gayon anong teoryang
pampanitikan ang ginamit sa sanaysay na ito?
Teoryang Humanismo
Ano ang teoryang Humanismo?
Ang tao ang sentro ng pagsusuri sa akda.
I. Paglagom ng Seleksyon
Ang mga siniping pahayag ng bawat pangkat ay ilalagay sa loob ng graphic
organizer (positive-negative chart) na ipapaskil sa pisara.
NEGATIBO Ang Pag-ibig ni Emilio Jacinto POSITIBO
MGA PANGALAN
Anu-ano ang mga magagandang dulot ng pag-ibig?
Ano-ano ang maaring ibunga ng kawalan ngn pag-ibig?
Sinu-sino ang nakadama ng pag-ibig?
J.Ebalwasyon
Sa isang kalahating papel sagutin ang mga sumusunod na tanong:
Ibahagi ang iyong karanasan sa pag-ibig.
Paano mo ito pananatilihin?
Ibahagi ang iyong karanasan sa mga bunga ng kawalan ng pag-ibig.
Paano mo ito maiiwasan?
IV. Takdang-Aralin
Sumulat ng isang sanaysay na may kaugnayan sa pag-ibig. Ang sanaysay na
gagawin ay dapat sumunod sa mga pamantayan.
4. May 3 talata (simula, katawan, wakas
May 5 pangungusap bawat talata
May organisado at malikhaing ideya/kaisipan
Dapat malinis at maganda ang sulat kamay
Isulat sa short bond paper
Banghay Aralin sa Filipio 8
5. Paksa: Maikling kwento
Bilang ng araw: 3
. LAYUNIN:
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang limang mahahalagang elemento ng maikling kwento.
b. Naiuugnay ang ilang pangyayari sa kwento sa tunay na buhay.
c. Naisasagawa ang pagsasadulang may kinalaman sa kabutihan ng isang guro.
II. PAKSANG ARALIN:
Paksa: ‘Kwento ni Mabuti” ni Genoveva Edroza Matute
Sanggunian: Daloy ng Mithi III (pahina 21-25)
Kagamitan: Yeso, libro, scotch tape, pentel pain
III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtala ng mga lumiban
d. Pagbabalik-aral
B. Panlinang na Gawain
a. Pagganyak
- Para sa mga lalaki, bubunot sila ng isang tinupi-tuping papel na naglalaman ng salitang
“Gwapo ako” at “Macho ako”. Ang sinumang makabubunot ng “Macho ako” ay maaari
nang maupo, samantalang ang makabunot ng “Gwapo ako” ay pupunta sa harapan at
magbibigay ng ideya tungkol sa salitang “mabuti”.
b. Pag-alis ng Sagabal
- Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng mga letra at kanila itong aayusin upang mabuo ang
kasingkahulugan ng mga sumusunod na salita:
1. Karakter - hautan -
2. Paksa - amte -
3. Labanan - tngglnuaia -
4. Burador - aabnghy -
5. Tipanan - tgaupan -
c. Pagbasa sa Kwento
- Tatawag ng isang mag-aaral na siyang babasa ng kwento sa harapan.
d. Pagtatalakay sa Nilalaman ng Kwento
- Dito tatalakayin ang gabay na mga katanungan.
- Tatalakayin ang kaisipang ipinahihiwatig ng kwento.
e. Pagtatalakay sa Kwento bilang Akdang Pampanitikan
- Ano nga ba ang kwento?
6. - Anu-ano ang limang mahahalagang elemento ng maikling kwento?
- Ano ang kaugnayan ng kwento sa totoong buhay?
f. Pagpapahalaga
- May naging guro ka na ba na laging nagpapayo sa klase? Ano ang mga payo niyang
kinalulugdan mo?
- May naidulot ba ito sa iyong buhay-estudyante?
g. Malikhaing Gawain
- Papangkatin sa tatlong pangkat ang klase. Mula sa grupong kanilang kinabibilangan,
sasagutin nila ang mga katanungang hininihingi sa pamamagitan ng pagsasadula:
Unang Pangkat - Ikaw ay naging isang guro sa isang paaralang malayo sa kabihasnan.
Walang sapat na mapagkukunan ng panibagong kaalaman, walang maayos na palikuran
at kulang ang mga kagamitang pampagtuturo. Nasanay ka na sa mga marurusing at
maiingay na mga estudyante sa paaralang iyon. Isang araw ay inalok ka ng isang kilala at
pampribadong institusyon sa bayan. Tatanggapin mo ba ang magandang oportunidad o
mananatili sa piling ng mga batang nangangailangan sa iyo bilang isang pangalawang
ina?
Pangalawang Pangkat - Narinig mong nag-uusap ang mga kaklase mo tungkol sa isa
niyong guro. Nalaman mong usap-usapan na sa bayan ang pagpapakasal niya sa nobyo
niyang German. Balak daw nilang manirahan na sa ibang bansa. Ang gurong iyon pa
naman ang pinakamalapit sa iyong puso. Marami kayong mga bagay na pinagkakaisahan
at natutunan sa isa’t isa. Ano ang gagawin mo kung totoo nga ang mga narinig mo?
Pangatlong Pangkat - Magreretiro na sa serbisyo ang inyong guro. Ilang beses ka na
niyang pinagalitan sa klase. Magdaraos ang buong klase ng isang malaking salu-salo.
Linapitan ka niya bago ang araw ng pagdiriwang ng naturang okasyon. Kinausap ka niya
na pumunta ngunit may lakad sana ang buong pamilya sa araw na iyon, ang unang
pagkakataong mamamasyal ang pamliya niyo. Alam mong magagalit sa iyo ang iyong
guro sapagkat minsan lamang siya kung mang-imbita ngunit nakatakda rin ang
pamamasyal ng inyong pamilya. Saan ka dadalo? Sa salu-salo o sa pamamasyal?
IV. PAGTATAYA:
- Kumuha isa’t kalahating papel.
Tama o Mali. Sagutin kung tama ba o mali ang isinasaad ng sumusunod na mga
pangungusap.
1. Siya’y tinatawag naming lahat na Mabuti kung siya’y nakatalikod.
2. Ang ama ng batang may kaarawan ay konduktor.
3. Tagpuan ang tawag sa pangunahing ideya o paniniwala ng kwento.
4. Si Mabuti ay balo.
5. Ang may akda ng kwento ay si Jose Corazon de Jesus.
6. Anim na taong gulang na ang anak ni Mabuti.
7. “Iyon lamang nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ang maaaring makakilala ng
mga lihim na kaligayahan” ay pangungusap ni Mabuti.
8. Ang tagpuan ay sa kusina kung saan siya nakita ni Mautiing kumakain.
7. 9. Ibig nilang maging manggagamot ang anak ng kanilang guro.
10. Ang salitang mabuti ay palaging binabanggit ng guro.
V. TAKDANG ARALIN:
- Gumawa o gumuhit ng isang larawan ng gurong nagpapakita ng katangiang gusting-
gusto mo sa isang guro. Idikit o iguhit ito sa isang malinis na puting papel (bond paper).
Tukuyin ang katangian at ipaliwanag kung bakit iyon ang katangiang gusto mo sa isang
guro
8. Banghay-Aralin sa Filipino 8
Paksa: Walang sugat ni Severino Reyes
Bilang ng Araw: 4
Proseso nag Pagkatuto
A. Panimulang Gawain Isangguni sa Banghay-aralin 4, pahina 70
B . P a g l a l a h a d Pangkatang Pag-uugnay
1. Paglalarawan sa uri ng pamahalaan o mga namumuno noong panahon
ngkastila
.2.Paglalahad kung papaano ang pakikitungo ng mga kastila sa Pilipino.
3.Pagtukoy sa mga minanang kaugaliang kanais-nais/dikanais-nais ngmga Pilipino sa mga
kastila.
4.Pagpapahalaga sa mga bayaning Pilipino at nagging tanyag sa panahon
ngkastila.. Isulat ang mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa ating kalayaan.. Isalaysay
kung paano sila nakikipagtunggali sa mga kastila.
5.Pagbibigay hinuha sa pamagat ng akdang babasahin “Walang
Sugat”.C.Pagpapabasa sa unang bahagi ng dula.
Ebalwasyon
Pagpapabuod sa unang tagpo ng dula at kaisipang napapaloob.
Takdang-aralinPaghahandaparasaisangmalikhaingpagbasa
IkalawangArawI- Paksa/ Kasanayan/ Kagamitan
Paksa : PagbasA/Pagsususri sa Akdang Rhiyunal sa Teoryang sosyolohikal Susuriing
Genre : Dula
Halimbawang Akda : “Walang Sugat “ni Severino Reyes
Mga Kagamitan : larawan, tsart . editorial cartoon, tv, VCD player
Kasanayang Pampanitikan : Pagpapahalaga sa akda
batay sa tiyak na kamalayangPanlipunan
Kasanayang Pangkaisipan: Pagsusuri
II- Mga Inaasahang Bunga
A.Mga Layu ning Pampatalakay
A.1 Pagsusuring Panglingwistika Nasusuri ang pagkakabuo ng mga pangungusap na
ginamit sa dula.
A.2 Pagsusuring pangnilalaman Naipapaliwanag ang bisa ng akda sa lipunang
ginagalawan.
A.3 Pagsususring pampanitikan Napapahalagahan ang akda sa tiyak na kamalayang
panlipunan.
III- Proseso nag Pagkatuto
9. A. Panimulang Gawain Isangguni sa Banghay-aralin 4, pahina
70D . P a g l a l a h a d Pangkatang Pag-uugnay
1. Paglalarawan sa uri ng pamahalaan o mga namumuno noong panahon ng
kastila
.2.Paglalahad kung papaano ang pakikitungo ng mga kastila sa Pilipino.
3.Pagtukoy sa mga minanang kaugaliang kanais-nais/dikanais-nais ng mga Pilipino sa mga
kastila.
4.Pagpapahalaga sa mga bayaning Pilipino at nagging tanyag sa panahon
ngkastila.. Isulat ang mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa ating kalayaan.. Isalaysay
kung paano sila nakikipagtunggali sa mga kastila.
5.Pagbibigay hinuha sa pamagat ng akdang babasahin “Walang
Sugat”.E.Pagpapabasa sa unang bahagi ng dula.
IV-Ebalwasyon
Pagpapabuod sa unang tagpo ng dula at kaisipang napapaloob.
V-Takdang-aralinPaghahandaparasaisangmalikhaing pagsulat
IkatlongArawI- Paksa/ Kasanayan/ Kagamitan
Paksa : PagbasA/Pagsususri sa Akdang Rhiyunal sa Teoryang sosyolohikal Susuriing
Genre : Dula
Halimbawang Akda : “Walang Sugat “ni Severino Reyes
Mga Kagamitan : larawan, tsart . editorial cartoon, tv, VCD player
Kasanayang Pampanitikan : Pagpapahalaga sa akda
batay sa tiyak na kamalayangPanlipunan
Kasanayang Pangkaisipan: Pagsusuri
II- Mga Inaasahang Bunga
Naipapaliwanag ang mga tiyak na kaisipan, ideya, opinion, at paniniwalanginilahad sa
akda.
III- Proseso nag Pagkatuto
A. Panimulang Gawain Isangguni sa Banghay-aralin 4, pahina
94B.PaglalahadPangkatang Pag-uugnayIsangguni sa pahina 95-96C.Pagbabagahinan ng
napag-usapan.D.Pagkuha ng feedback F.
IV-Ebalwasyon
Pagbubuo ng sintesis ng napag-usapang paksa.
V-Takdang-aralinPagsaliksikngeditorialcartoonnatumutuligsasapamahalaan
10. Banghay Aralin sa Filipno IV
IKALAWANG ARAW:
I. Layunin
- Nakapaglalagom ng mga mahahalagang pangyayari sa
binasang akda.
- Nakapagtitimbang-timbang ng karapatan ng mga babae at
lalaki sa lipunan.
- Nakapaghahanda sa mga gawaing nakaatas matapos basahin
ang akda.
II. Paksa
Si Kesa at si Morito: Pagsusuri
III. Pamamaraan
A.) Gawain sa araw-araw
B.) Pagbabalik-aral
C.) Pangkatang gawain
1. Pagsusuri ng Akda
2. Katanggap-tanggap ba ang pagpapakamatay dahil sa
kahihiyaan?
3. Subukang hanapin sa akda ang mga pahayag na
nagbibigay suporta sa mga opinyon ng tao.
4. Gamit ang Venn Diagram, itala ang pagkakaiba at
pagkakatulad ng mga babae at lalaki sa lipunan.
5. Saan ninyo maiuugnay sina Kesa? Morito? Gawin ito
sa paraang pagsasatao
IV. Kasunduan
- Maghanda para sa pagpapakita ng mga nagawang output
11. IKATLONG ARAW:
I. Layunin
- Nakatatalakay nang may katalinuhan sa mga gawaing
nakatakda na may kaugnayan sa binasang akda.
- Nakapagbibigay galang sa karapatan at katayuan ng mga
kasarian sa lipunan.
- Nakabubuo ng mga kaugnayan ng akda sa kasalukuyang
panahon at sa sarili.
II. Paksa
Si Kesa at Si Morito: Pakikisangkot at Paghahambing
III. Pamamaraan
A.) Gawain sa araw-araw
B.) Pagpapakita ng output ang bawat pangkat
C.) Karagdagang puna ng guro
D.) Pakikisangkot
1. Dapat bang magkaroon ng pantay na karapatan ang mga
babae at lalaki? Paano mo ito maipapakita bilang tao?
2. Paano mapapataas ang katayuan ng mga kababaihan sa
Filipinas?
E.) Paghahambing
Umisip ng akda/pelikulang nabasa/napanood na hawig sa
akdang binasa.
F.) Pagtataya
Ibigay ang mga natutuhan mula sa binasang akda sa
pamamaraang 3,2,1...
IV. KASUNDUAN
Maghanda ng mga kagamitang pansining.
12. IKA-APAT NA ARAW
I. Layunin
- Nakikipagpalitan ng kuro-kuro hinggil sa isyung pangkasarian sa
bansa.
- Nakapagbibigay galang sa katayuan ng kasarian ng bawat tao sa
Filipinas.
- Nakapaghahanda ng sariling organisasyon/batas/samahang tutugon at
tutulong sa mga isyung pangkasarian sa Filipinas sa pamamagitan ng
paglikha ng output.
II. Paksa
Si Kesa at si Morito: Paglikha
III. Pamamaraan
A.) Gawain sa araw-araw
B.) Panimulang tanong
1. Anu-ano ang mga isyung pangkasarian ang talamak sa
mga Pilipino ngayon? Paano mo maipapakita ang respeto
mo sa mga taong may iba’t ibang kasarian?
C.) Paghahanda para sa paglikha
1. Pagpapaliwanag ng mga pamantayan
2. Bumuo ng sariling batas/samahan/organisasyong tutugon
at tutulong sa mga isyung pangkasarian sa Filipinas.
D.) Paglikha
IV. Kasunduan
Hanapin sa internet/libro at basahin ang “Aanhin Ninyo Iyan”