SlideShare a Scribd company logo
1 Lagonera
Buo sa simula; buo muna at saka masusugatan.
Umalingawngaw sa akin itong paglalarawan ni Edgar Samar na makikita sa kanyang Tesis1
sapagkat tunay nga na ang lahat ng sugat ay minsan, buo. Nahihiwagaan lamang ako na nagsimula
ang sarsuwelang Walang Sugat ni Severino Reyes nang maligaya at mapayapa (batang Julia at
Tenyong), nang buo, ngunit bakit wala pa ring sugat gayong ito ay kuwento ng rebolusyon, ng
sakripisyo?
Bago ito ay sumasalamin sa rebolusyon, ang Walang Sugat ay kuwento ng pag-iibigan nina
Tenyong at Julia. Simula pa lang, pilit nang ikinakalas ang pag-ibig ng dalawa, sa ‘di-pagsang-ayon ni
Aling Juana at sa presensya ng maimpluwensyang si Miguel. Sa pagsapit ng rebolusyon, tuluyang
napaghiwalay ang magkasintahan. Ngunit sa pagtatapos, mismong ang rebolusyon ang naging
instrumento upang maipakasal sila. Ayon pa kay Samar, masusugatan, maghihilom...kahit pa nga minsan,
ang pagsusugat na iyon ay intensyon ng mismong may-katawan. Samakatuwid, balewala ang sakripisyo, ang
mga sugat sa giyera, kung sa huli, ito ang magbabalik sa dalawa. Hindi nasugatan ang pag-iibigan ng
dalawa.
Bukod riyon, ang sarsuwela ay higit na isang pagsasalamin sa mga karanasan ng Filipinas sa
kolonisasyon ng mga Kastila. Ang kuwento ay natakda sa huling dekada ng ika-19 siglo, sa isang
maliit na bayan. Ang panahong ito ang pagtatapos ng paghahari ng mga Kastila. Samakatuwid, ang
lahat ng mga sugat mula sa paghihirap at sakripisyo ay nagtapos sa pagtatagumpay ng mga Filipino sa
rebolusyon. Wala na ang mga sugat na dulot ng mga Kastila nang mamatay si Kapitan Inggo dahil sa
pagpapahirap ng mga kura paroko, nang ikulong ang mga kalalakihan dahil sa pagrerebelde, nang
ibuwis ang mga buhay ng mga Katipunero. Mahalaga na itakda ito sa isang maliit na bayan sapagkat
kumakatawan ito sa nararamdaman ng bawat bayang may kontribusyon sa pagpapalaya mula sa mga
Kastila, sa pagpapakita sa sugat na hindi na kailangang danasin ng bawat Filipino sapagkat nagtapos
na ang paghihirap sa loob mga Kastila.
2 Lagonera
Ayon pa nga sa isang salawikain, kailangang masaktan upang muling maging buo. Muli,
masusugatan, maghihilom...kahit pa nga minsan, ang pagsusugat na iyon ay intensyon ng mismong may-katawan.
Bapakaraming pagsasakripisyo at sugat na pinagdaanan, ngunit kailangan ito upang sa huli, maging
buo muli.
Ngunit bakit, matapos ang giyera, walang mga sugat si Tenyong? Mahiwaga (ideyal?) Sa aking
tingin, itong literal na kawalan ng sugat ang makapagbibigay-sagot sa isa pang palaisipan ng Walang
Sugat.Sapagkat ang dula ay puno ng sugat, pagpaslang, sakripisyo, samakatuwid sa tingin ko ay
nangangailangang isaalang-alang ang isa pang kasaysayan.
Sa kontekstong maimpluwensya ang Kristiyanismo (panahon ng Kastila), ang sugat ay
nagpapaalala sa mga sugat ng paghahandog ni Kristo. Ito ay simbolo ng pag-ibig, at sa kuwento, pag-
ibig sa bayan. Hindi natin maitatanggi na may pag-ibig sa bayan, na may sugat, ang mga tauhan tulad
nina Tenyong, ang tatay nito, si Julia, mga bilanggo, at ang mga Katipunerong nag-alay ng buhay sa
giyera. Ngunit kung tatandaan, ang dulang ito ay unang inilabas nuong 1902, ang pagtatapos ng
rebolusyon laban sa Amerika, at muling pagkatalo at pagkasakop ng mga Filipino. Kung ang isang
tao ay manunuod ng dula tungkol sa pagsasakripisyo sa rebolusyon, sa isang panahon na may bagong
mananakop, ano ang mararamdaman nito?
Sa kabila ng mga sakripisyo, balewala ang mga sugat, ang mga pagsasakripisyo, sapagkat sa
huli, sa mga Amerikano rin naman sila mapupunta. Wala ring nangyari. Samakatuwid, ang dula ay
nagpapaalala sa manunuod sa mga nabalewalang sugat nuong panahon ng mga Kastila bagaman
nagsakripisyo ang mga Filipino nang lubos.
Ayon kay Samar, ang mga sugat ay paggising, paghiwa sa sarili ang pagsisikap ng ilan na maging
gising at malay sa paligid. Kailangan na magising upang maipakita ang pag-ibig sa bayan. Ang
sarsuwela, bagaman nga nakatutuwa, ay isang dulang may nakaungkit na mensahe sa anumang
panahon. Ang naglalakad ng matulin, Kung matinik ay matulin. Taglay raw natin ang sugat ng paglimot,
3 Lagonera
laging nagmamadali papalayo. Mabilis nating nalilimutan ang mga sakripisyo ng nakaraan, ang mga
nag-alay ng buhay. Ang sarsuwela ay nagpapaalala sa isang mensahe sa tulad ng nangyari sa panahon
ng Kastila, sa tulad ng nabalewalang sugat sa pagsakop ng mga Amerikano, ang paggising tungo sa
tunay na kasarinlan. Samakatuwid, mahalagang magtapos ang Walang Sugat sa sigaw ng walang sugat
bilang hamon sa manunuod na alalahanin ang pag-aalay para sa bayan nuong rebolusyon mula sa
mga Kastila.
Buo sa simula; buo muna at saka masusugatan.
Tunay, nagsimula ang Walang Sugat nang maligaya at payapa, nang buo. Hindi maitatanggi sa
sarsuwela, may mga sugat, may pag-ibig sa bayan, may paggising. Ngunit sa pagsusugat na ito
naganap ang pagihihilom. Ang mga sugat na ito ang naging daan upang magkabalikan sina Julia at
Tenyong. Ang mga sugat ring ito ay mahalaga upang makamit ang kasarinlang mula sa mga Kastila at
tuluyang maitanggal ang mga sugat na ito mula sa lipunan. Minsan, ang pagsusugat din ay
nababalewala. Pumapasok ang Walang Sugat sa tila walang naibungang rebolusyon, sasakupin din
naman ng mga Amerikano, muli rin namang mabubulag na mga Filipino. Masusugatan, ngunit lilipas
ay makalilimutan ang dahilan sa mga sugat na ito. Ipinapaalala tayo ng mga pangyayari sa rebolusyon,
upang magising muli, sa panibagong hamon ng mga Amerikano, at ng pakikibaka sa kasalukuyan
tungo sa tunay na kasarinlan, na sa pagkamit lamang ng tunay na kasarinlan maipapakita ang tunay
na sugat, sugat na may bunga, sugat na naaalala, sugat na nararamdaman.
1
Tayong Lumalakad Nang Matulin: Talambuhay at Kalipunan ng Tula, Edgar Samar, 2004, Pagtahak
sa Talinghaga ng Sugat, pp. 104 - 132.

More Related Content

What's hot

Tunggalian
TunggalianTunggalian
Tunggalian
michael saudan
 
Mga uri ng dula
Mga uri ng dulaMga uri ng dula
Mga uri ng dulajaylyn584
 
Aralin_3.7.ppt paglisan.pptx
Aralin_3.7.ppt paglisan.pptxAralin_3.7.ppt paglisan.pptx
Aralin_3.7.ppt paglisan.pptx
PrincejoyManzano1
 
Filiipino 9 detailed lesson plan
Filiipino 9 detailed lesson planFiliipino 9 detailed lesson plan
Filiipino 9 detailed lesson plan
Krystal Pearl Dela Cruz
 
Maikling kuwento Handout
Maikling kuwento HandoutMaikling kuwento Handout
Maikling kuwento Handout
Allan Ortiz
 
Mga simulain, tungkulin, alituntunin at batas ng Pamahayagan
Mga simulain, tungkulin, alituntunin at batas ng PamahayaganMga simulain, tungkulin, alituntunin at batas ng Pamahayagan
Mga simulain, tungkulin, alituntunin at batas ng PamahayaganCindy Rose Vortex
 
Tuwiran at di tuwirang pahayag
Tuwiran at di tuwirang pahayagTuwiran at di tuwirang pahayag
Tuwiran at di tuwirang pahayag
LABNIG NATIONAL HIGH SCHOOL
 
Alamat
AlamatAlamat
Pagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdaminPagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdamin
Jeremiah Castro
 
Monologo
MonologoMonologo
BISANG PAMPANITIKAN.pptx
BISANG PAMPANITIKAN.pptxBISANG PAMPANITIKAN.pptx
BISANG PAMPANITIKAN.pptx
ariesmadarang
 
Pagsusuri ng akdang pampanitikan
Pagsusuri ng akdang pampanitikanPagsusuri ng akdang pampanitikan
Pagsusuri ng akdang pampanitikan
kim desabelle
 
Nelson mandela modyul 3 filipino 10
Nelson mandela modyul 3 filipino 10Nelson mandela modyul 3 filipino 10
Nelson mandela modyul 3 filipino 10
jessacada
 
Sundiata
Sundiata Sundiata
Sundiata
Alexia San Jose
 
Pagsusulit: Kabanata 1- 11 ng Noli Me Tangere
Pagsusulit: Kabanata 1- 11 ng Noli Me Tangere Pagsusulit: Kabanata 1- 11 ng Noli Me Tangere
Pagsusulit: Kabanata 1- 11 ng Noli Me Tangere
Jeremiah Castro
 
Demo ni dhang
Demo ni dhangDemo ni dhang
Demo ni dhang
Lily Salgado
 
Mullah Nassreddin.pptx
Mullah Nassreddin.pptxMullah Nassreddin.pptx
Mullah Nassreddin.pptx
Emmalyn Bagsit
 
Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...
Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...
Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...
Lily Salgado
 
Pagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdaminPagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdamin
LABNIG NATIONAL HIGH SCHOOL
 

What's hot (20)

Tunggalian
TunggalianTunggalian
Tunggalian
 
Mga uri ng dula
Mga uri ng dulaMga uri ng dula
Mga uri ng dula
 
Aralin_3.7.ppt paglisan.pptx
Aralin_3.7.ppt paglisan.pptxAralin_3.7.ppt paglisan.pptx
Aralin_3.7.ppt paglisan.pptx
 
Filiipino 9 detailed lesson plan
Filiipino 9 detailed lesson planFiliipino 9 detailed lesson plan
Filiipino 9 detailed lesson plan
 
Maikling kuwento Handout
Maikling kuwento HandoutMaikling kuwento Handout
Maikling kuwento Handout
 
Mga simulain, tungkulin, alituntunin at batas ng Pamahayagan
Mga simulain, tungkulin, alituntunin at batas ng PamahayaganMga simulain, tungkulin, alituntunin at batas ng Pamahayagan
Mga simulain, tungkulin, alituntunin at batas ng Pamahayagan
 
Tuwiran at di tuwirang pahayag
Tuwiran at di tuwirang pahayagTuwiran at di tuwirang pahayag
Tuwiran at di tuwirang pahayag
 
Alamat
AlamatAlamat
Alamat
 
Pagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdaminPagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdamin
 
Monologo
MonologoMonologo
Monologo
 
BISANG PAMPANITIKAN.pptx
BISANG PAMPANITIKAN.pptxBISANG PAMPANITIKAN.pptx
BISANG PAMPANITIKAN.pptx
 
Pagsusuri ng akdang pampanitikan
Pagsusuri ng akdang pampanitikanPagsusuri ng akdang pampanitikan
Pagsusuri ng akdang pampanitikan
 
Nelson mandela modyul 3 filipino 10
Nelson mandela modyul 3 filipino 10Nelson mandela modyul 3 filipino 10
Nelson mandela modyul 3 filipino 10
 
Lathalain
LathalainLathalain
Lathalain
 
Sundiata
Sundiata Sundiata
Sundiata
 
Pagsusulit: Kabanata 1- 11 ng Noli Me Tangere
Pagsusulit: Kabanata 1- 11 ng Noli Me Tangere Pagsusulit: Kabanata 1- 11 ng Noli Me Tangere
Pagsusulit: Kabanata 1- 11 ng Noli Me Tangere
 
Demo ni dhang
Demo ni dhangDemo ni dhang
Demo ni dhang
 
Mullah Nassreddin.pptx
Mullah Nassreddin.pptxMullah Nassreddin.pptx
Mullah Nassreddin.pptx
 
Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...
Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...
Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...
 
Pagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdaminPagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdamin
 

More from maria myrma reyes

Panitikan at karunungang bayan
Panitikan at karunungang bayanPanitikan at karunungang bayan
Panitikan at karunungang bayan
maria myrma reyes
 
Kopya ng huling paalam
Kopya ng huling paalamKopya ng huling paalam
Kopya ng huling paalam
maria myrma reyes
 
Ang huling paalam
Ang huling paalamAng huling paalam
Ang huling paalam
maria myrma reyes
 
Bago mo ako ipalaot
Bago mo ako ipalaotBago mo ako ipalaot
Bago mo ako ipalaot
maria myrma reyes
 
Learning papers
Learning papersLearning papers
Learning papers
maria myrma reyes
 
L.p. # 1 early childhood
L.p. # 1 early childhoodL.p. # 1 early childhood
L.p. # 1 early childhood
maria myrma reyes
 
Karagatan ng sulo ng inang wika
Karagatan ng sulo ng inang wikaKaragatan ng sulo ng inang wika
Karagatan ng sulo ng inang wika
maria myrma reyes
 

More from maria myrma reyes (7)

Panitikan at karunungang bayan
Panitikan at karunungang bayanPanitikan at karunungang bayan
Panitikan at karunungang bayan
 
Kopya ng huling paalam
Kopya ng huling paalamKopya ng huling paalam
Kopya ng huling paalam
 
Ang huling paalam
Ang huling paalamAng huling paalam
Ang huling paalam
 
Bago mo ako ipalaot
Bago mo ako ipalaotBago mo ako ipalaot
Bago mo ako ipalaot
 
Learning papers
Learning papersLearning papers
Learning papers
 
L.p. # 1 early childhood
L.p. # 1 early childhoodL.p. # 1 early childhood
L.p. # 1 early childhood
 
Karagatan ng sulo ng inang wika
Karagatan ng sulo ng inang wikaKaragatan ng sulo ng inang wika
Karagatan ng sulo ng inang wika
 

Pagsusuri ng walang sugat

  • 1. 1 Lagonera Buo sa simula; buo muna at saka masusugatan. Umalingawngaw sa akin itong paglalarawan ni Edgar Samar na makikita sa kanyang Tesis1 sapagkat tunay nga na ang lahat ng sugat ay minsan, buo. Nahihiwagaan lamang ako na nagsimula ang sarsuwelang Walang Sugat ni Severino Reyes nang maligaya at mapayapa (batang Julia at Tenyong), nang buo, ngunit bakit wala pa ring sugat gayong ito ay kuwento ng rebolusyon, ng sakripisyo? Bago ito ay sumasalamin sa rebolusyon, ang Walang Sugat ay kuwento ng pag-iibigan nina Tenyong at Julia. Simula pa lang, pilit nang ikinakalas ang pag-ibig ng dalawa, sa ‘di-pagsang-ayon ni Aling Juana at sa presensya ng maimpluwensyang si Miguel. Sa pagsapit ng rebolusyon, tuluyang napaghiwalay ang magkasintahan. Ngunit sa pagtatapos, mismong ang rebolusyon ang naging instrumento upang maipakasal sila. Ayon pa kay Samar, masusugatan, maghihilom...kahit pa nga minsan, ang pagsusugat na iyon ay intensyon ng mismong may-katawan. Samakatuwid, balewala ang sakripisyo, ang mga sugat sa giyera, kung sa huli, ito ang magbabalik sa dalawa. Hindi nasugatan ang pag-iibigan ng dalawa. Bukod riyon, ang sarsuwela ay higit na isang pagsasalamin sa mga karanasan ng Filipinas sa kolonisasyon ng mga Kastila. Ang kuwento ay natakda sa huling dekada ng ika-19 siglo, sa isang maliit na bayan. Ang panahong ito ang pagtatapos ng paghahari ng mga Kastila. Samakatuwid, ang lahat ng mga sugat mula sa paghihirap at sakripisyo ay nagtapos sa pagtatagumpay ng mga Filipino sa rebolusyon. Wala na ang mga sugat na dulot ng mga Kastila nang mamatay si Kapitan Inggo dahil sa pagpapahirap ng mga kura paroko, nang ikulong ang mga kalalakihan dahil sa pagrerebelde, nang ibuwis ang mga buhay ng mga Katipunero. Mahalaga na itakda ito sa isang maliit na bayan sapagkat kumakatawan ito sa nararamdaman ng bawat bayang may kontribusyon sa pagpapalaya mula sa mga Kastila, sa pagpapakita sa sugat na hindi na kailangang danasin ng bawat Filipino sapagkat nagtapos na ang paghihirap sa loob mga Kastila.
  • 2. 2 Lagonera Ayon pa nga sa isang salawikain, kailangang masaktan upang muling maging buo. Muli, masusugatan, maghihilom...kahit pa nga minsan, ang pagsusugat na iyon ay intensyon ng mismong may-katawan. Bapakaraming pagsasakripisyo at sugat na pinagdaanan, ngunit kailangan ito upang sa huli, maging buo muli. Ngunit bakit, matapos ang giyera, walang mga sugat si Tenyong? Mahiwaga (ideyal?) Sa aking tingin, itong literal na kawalan ng sugat ang makapagbibigay-sagot sa isa pang palaisipan ng Walang Sugat.Sapagkat ang dula ay puno ng sugat, pagpaslang, sakripisyo, samakatuwid sa tingin ko ay nangangailangang isaalang-alang ang isa pang kasaysayan. Sa kontekstong maimpluwensya ang Kristiyanismo (panahon ng Kastila), ang sugat ay nagpapaalala sa mga sugat ng paghahandog ni Kristo. Ito ay simbolo ng pag-ibig, at sa kuwento, pag- ibig sa bayan. Hindi natin maitatanggi na may pag-ibig sa bayan, na may sugat, ang mga tauhan tulad nina Tenyong, ang tatay nito, si Julia, mga bilanggo, at ang mga Katipunerong nag-alay ng buhay sa giyera. Ngunit kung tatandaan, ang dulang ito ay unang inilabas nuong 1902, ang pagtatapos ng rebolusyon laban sa Amerika, at muling pagkatalo at pagkasakop ng mga Filipino. Kung ang isang tao ay manunuod ng dula tungkol sa pagsasakripisyo sa rebolusyon, sa isang panahon na may bagong mananakop, ano ang mararamdaman nito? Sa kabila ng mga sakripisyo, balewala ang mga sugat, ang mga pagsasakripisyo, sapagkat sa huli, sa mga Amerikano rin naman sila mapupunta. Wala ring nangyari. Samakatuwid, ang dula ay nagpapaalala sa manunuod sa mga nabalewalang sugat nuong panahon ng mga Kastila bagaman nagsakripisyo ang mga Filipino nang lubos. Ayon kay Samar, ang mga sugat ay paggising, paghiwa sa sarili ang pagsisikap ng ilan na maging gising at malay sa paligid. Kailangan na magising upang maipakita ang pag-ibig sa bayan. Ang sarsuwela, bagaman nga nakatutuwa, ay isang dulang may nakaungkit na mensahe sa anumang panahon. Ang naglalakad ng matulin, Kung matinik ay matulin. Taglay raw natin ang sugat ng paglimot,
  • 3. 3 Lagonera laging nagmamadali papalayo. Mabilis nating nalilimutan ang mga sakripisyo ng nakaraan, ang mga nag-alay ng buhay. Ang sarsuwela ay nagpapaalala sa isang mensahe sa tulad ng nangyari sa panahon ng Kastila, sa tulad ng nabalewalang sugat sa pagsakop ng mga Amerikano, ang paggising tungo sa tunay na kasarinlan. Samakatuwid, mahalagang magtapos ang Walang Sugat sa sigaw ng walang sugat bilang hamon sa manunuod na alalahanin ang pag-aalay para sa bayan nuong rebolusyon mula sa mga Kastila. Buo sa simula; buo muna at saka masusugatan. Tunay, nagsimula ang Walang Sugat nang maligaya at payapa, nang buo. Hindi maitatanggi sa sarsuwela, may mga sugat, may pag-ibig sa bayan, may paggising. Ngunit sa pagsusugat na ito naganap ang pagihihilom. Ang mga sugat na ito ang naging daan upang magkabalikan sina Julia at Tenyong. Ang mga sugat ring ito ay mahalaga upang makamit ang kasarinlang mula sa mga Kastila at tuluyang maitanggal ang mga sugat na ito mula sa lipunan. Minsan, ang pagsusugat din ay nababalewala. Pumapasok ang Walang Sugat sa tila walang naibungang rebolusyon, sasakupin din naman ng mga Amerikano, muli rin namang mabubulag na mga Filipino. Masusugatan, ngunit lilipas ay makalilimutan ang dahilan sa mga sugat na ito. Ipinapaalala tayo ng mga pangyayari sa rebolusyon, upang magising muli, sa panibagong hamon ng mga Amerikano, at ng pakikibaka sa kasalukuyan tungo sa tunay na kasarinlan, na sa pagkamit lamang ng tunay na kasarinlan maipapakita ang tunay na sugat, sugat na may bunga, sugat na naaalala, sugat na nararamdaman. 1 Tayong Lumalakad Nang Matulin: Talambuhay at Kalipunan ng Tula, Edgar Samar, 2004, Pagtahak sa Talinghaga ng Sugat, pp. 104 - 132.