SlideShare a Scribd company logo
1 of 195
MGA URI NG
PAMATNUBAY
INTRODUKSON SA PAMAMAYAG
AS11 FIL 113
Bb. SURJEDO, DIANA D.
1. KUMBENSYUNAL NA PAMATNUBAY
• Tinatawag ding buod ng pamatnubay, karaniwan ang
balita ay gumagamit ng ganitong paraan na tumatalakay sa
naturang at tuwirang paraan.
• Pinaka karaniwang uri na sumasagot sa mga tanong na:
Sino? Ano? Saan?
Kailan? Bakit? Paano?
KATANUNGANG PAMATNUBAY
• Ang uring ito ng pamatnubay ay ang
pinakamatanda sa lahat ng uri na ginagamit ng
mamahayag tulad ng Sino, Ano, Bakit, Paano,
Kailan at Saan (5 W’s at H).
A. Pamatnubay na Sino(Who Lead)
•Ang pangalan ng kasangkot na may kinalaman
sa pangyayari sa balita.
B. Pamatnubay na Ano (What Lead)
•Pinakamatuwid na pamatnubay na naghahayag
ukol sa balita.
C. Pamatnubay na Bakit (Why Lead)
•Nagsasaad hinggil sa pinagmulan o sanhi ng
itinampok na pangyayari.
D.Pamatnubay na Paano (How)
•Karaniwang ginagamit sa hindi inaasahang mg
pangyayari at mga aksyon. Itinatampok ditto
ang pamamaraan ng mga kaganapan.
E. Pamatnubay na Kailan (When Lead)
•Nagsasaad hinggil kung kalian naganap ang
pangyayari.
F. Pamatnubay na Saan (Where Lead)
•Nagsasaad ng lugar kung saan naganap.
2. Di-kumbensyunal o Di-pangkaraniwan na
Pamatnubay
•Ang balitang lathalain ay gumagamit ng
pamatnubay na ito. Inilalahad dito ang
intension ng pagpupunyagi ng manunulat sa
papapakilala ng kanyang balita sa paraang
naiiba.
Mga Uri ng
Makabagong
Pamatnubay
• 1. Panggulat (Startler or Astonisher Lead)
• -ginagamit ito kung ang tala ay lubhang mahalaga,
nakakagulat, nakakagulantang o nakakasindak.
• 2. Pinangyarihan o Sanligan (Background
Lead)
• -ito'y karaniwang ginagamit sa mga salaysay tungkol
sa karnabal, sayawan, eksibisyon, pistahan, atbp.
• 3. Tahasang Sabi (Direct Ooutation)
• -ginagamit ito kung ang sinabi o sinipi ay higit na nakakatawag ng
pansin o mas mahalaga kaysa taong nagsabi. Karaniwang ginagamit
ito sa mga balitang tungkol sa talumpati (speech story)
• 4. Tanong (Question Lead)
• -ito'y ginagamit kung ang tanong ay may malaking
• bahagi sa salaysay at kung ang tanong ay wala pang kasagutan.
• 5. Paglalarawan (Descriptive o Picture Lead)
• -ginagamit kung sa pamamagitan ng ilang salita ay
• makakabuo ng malinaw na larawan sa isipan ng bumabasa.
•6. Pagkakaiba (Contrast Lead)
•-ginagamit ito upang maipakita o maipalitaw
ang pagkakaiba ng dalawang bagay sa unang
pangungusap ng balita.
•7. Parodya (Parody Lead)
•-binubuo ito ng mga palasak na kasabihan,
kanta, tula, aklat o pamagat ng pelikula.
•8. Isang salita
•-sinisimulan ang lathalain sa isang
makatawag pansing salita.
•9. Pamatnubay na kakatwa
•- ginagamitan ito ng tipograpikang epekto
upang mapalakas ang hatak sa kawilihan ng
mambabasa.
• 10.Hiwa-hiwalay na salita o parirala
• - binubuo ng sere ng mga salita o parirala na
binabantasan ng mga tuldok, kuwit o gatlang.
• 11. Pasalaysay
• - inilalapit ang mambabasa sa istorya sa
pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng
pagkakataong iugnay ang sarili sa tauhan nito.
• 12. Panukso
• - ginagamit ito upang dayain sa pamamagitan ng
pabirong pamamaraan ang mambabasa at mapukaw
ang kanyang kurusidad na basahin ang istorya.
• 13. Pontse
• -ito ay isang maikli at makatawag-pansing pamatnubay
MGA HALIMBAWA
• 1. Panggulat (Startler or Astonisher Lead)
• -Kampeon na naman!
• 2. Pinangyarihan o Sanligan (Background Lead)
• Nagmistulang pook ng mga ninuno ang Freedom Park ng
Lungs (BSED FIL. 3 ng Heneral Santos nang lahat ng mga
estudyante at mga gurong lumahok sa kasukdulang
pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay nakaganyak ng mga
lumang kausotang Pilipino.
• 3. Tahasang Sabi (Direct Qoutation)
• "You stole the presidency, not only once but twice!"
• Ang sigaw ni Susan Roces, biyuda ni Fernando Poe Jr. na kumandidato sa
pagkapangulo, sa sang pagtitipon ng mga nasa oposisyon, bilang pagtuligsa sa
umano'y pandaraya ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa eleksyon noong
2004.
• 4. Tanong (Question Lead)
• -Paano mo malalamang tunay o peke ang iyong pera?
• 5. Paglalarawan (Descriptive o Picture Lead)
• Kalong ang maglitimang buwang sanggot, hindi napigitan ni Gng.
• Norma Alcantana ang kanyang mga luha nang marinig niyang ang kanyang
asawang si kpaitan Romeo Alcantara ay hinatulan ng kamatavan.
• 6. Pagkakaiba (Contrast Lead)
• -Noong mga 1960's ang sampung sentimong barya
ay isa nang malaking kayamanan, ngayon ingapak-
apakan na lamang ito sa daan.
• 7. Parodya (Parody Lead)
• "Minsan ka lang mabuhay, ngunit kung isabuhay mo
ito nang tama, ang minsan ay sapat na."
• 8. Isang salita
• "Khorosho!"
• 9. Pamatnubay na kakatwa
• -Ipinagbibili: isang kidney
• 10. Hiwa-hiwalay na salita o parirala
• -Kidnapping. Terorismo. Kalamidad. At tiwaling
pamamalakad ng mga nasa ginintuang upuan ng ating
pamahalaan. Ang pagsasama-sama ng mga ito sa
kasalukuyang panahon ang nagpapalublob sa ekonomiya ng
ating bansa.
• 11. Pasalaysay
• -Noong unang panahon sa kasaysayan ng Olimpyada, ayon sa
mga 5 mananalaysay, ang mga sinaunang atleta ay hubad na
nagpapaligsaha PED 11 sa mga laro. Dahil ang mga palan ay
ginagawa tuwing tag-araw, ang CBSED FIL 3.
• pagsusuot ng damit ay itinuturing na sagabal at
nakapagpapahina ng bilis ng mananakbo. Sa kabutihang palad,
ipinagbabawal sa mga baba anq manood nito.
• 12. Panukso
• -Saan ba nagpapatubo ang baba ng pinakakulot na
buhok? Sympre sa Africa. Ngunit doon ba talaga?
• 13. Pontse
• -Tatlong ulit na siyang nagtangkang magpakamatay sa
pamamagitan ng pamamagitan ng pagbibigti hanggang sa
mamatay siya sa bangungot.
•Mga Dahilan Ng Paggamit Ng
•Makabagong Pamatnubay
• 1. Mapabuti ang kalidad ng pagiging basahin ng akda
• 2. Mapukaw ang kawilihan ng mambabasa
• 3. Maragdagan ang kalakasan at kulay ng akda
• 4. Mahamon ang kakayahan ng manunulat
• Kailan Ginagamit Ang Makabagong
• Pamatnubay?
• 1. Kung mayroong ma datos na hindi pantuwirang balita
• sa kabuuan.
• 2. Kung may mga datos na mas higit na kawili-wili kung
• gagamitan ng kakaibang paraan sa paglalahad nito.
• 3. Kung ang paggamit ng makabagong pamatnubay ay tila
• natural lamang, angkop at Malaya.
• 4. Kung ang layunin ng pamatnubay ay pukawin ang
• kawilihan ng mambabasa.
Panimulang
Pambalarilang
Pamatnubay
••Sugnay- Ang Sugnay ay bahagi ng
pangungusap na may paksa o simuno at
panaguri ngunit hindi buo ang diwa.
•Hal:
•Kinikilala ang talino at galing ng mga Pilipino
sa ibang
•bansa kaya sila'y hinahangaan.
• Dalawang Uri ng Sugnay
• Sugnay na makapag-iisa - ito ay maaaring tumayo bilang
• payak na pangungusap.
• Hal:
• Nagtapos siya ng pag-aaral para gumaan ang kanilang buhay.
• Sugnay na di makapag-iisa - mayroon itong paksa at panaguri
• ngunit hindi buo ang diwa ng ipnahahayag. Kailangan nito ng
• sugnay na makapag-iisa upang mabuo ang diwa.
• Parirala- ang Parirala ay bahagi ng pangungusap na walang buong
diwa.
• Hal: sa ibang bansa Mga Pilipinong manggagawa
• • Pang-uri- ang Pang-uri ay ang bahagi ng pananalitang nagbibigay-
turing sa pangngalan at panghalip.
• Pang-uring panlarawan-
• Halimbawa: matayog a pangarap, malapalasyong bahay
• 2. Pang-uring pamilang-Halimbawa:
• di-tiyak: mga, marami, kaunti tiyak: dalawa, isa, sampu, etc... tig-apat
• Sugnay na Pananhi (Causal Clause)
• Binubuo ng isang sugnay na di makapag-isa na
nagsisimula sa alin mang pangatnig na pananhi tulad ng
dahil sa, dahil kay, gaya ng, palibhasa, paano, mangyari,
kasi, kundangan , alang-alang sa atbp.
• Ex. Dahil sa maraming reklamo tungkol sa mga
nawawalang aklat, ipinasara ng punungguro ang pintuan
ng silid-aklatan kahapon.
• •Sugnay na Pasubali (Conditional Clause) Binubuo
ng isang sugnay na di makapag-lisa na nagsisimula sa alin
man sa mga pangatnig na panubali tulad ng: kung,
kapag, kundi, pagka, disin, sakali, sana, atbp
• Ex. Kung hindi papayag ang pangulo ng
• PTA na bumili ng bagong komputer para sa patnugutan,
mapipilitang magdaos ang mga mag-aaral ng isang
pambenepisyong sayawan.
• Sugnay na Paninsay (Concessive Clause)
• binubuo ng isang sugnay na di-makapag-lisa
• na nagsisimula sa pangatnig na paninsay
• tulad ng: kahit na , bagaman, gayong atbp.
• Ex. Bagaman lalabing-anim na taon lamang si
• Rosa David ng Paaralang Sekundarya g
• Lungsod Quezon, siyay napili na lalahok sa
• paligsahang Binibining Pilipinas sa darating na
• Biyernes.
• Sugnay na Patakda (Temporal Clause)
nagsasaad ng takdang panahon; binubuo ng sughay
na di-makapag-iisa na nagsisimula sa salitang: nang,
habang, bago, simula nang, at samantala.
• Ex. Samantalang pinaghahandaan pa lamang ng
mga mag-aaral ang nakatakdang pagtatanghal,
binayaran na sila kaagad ng kanilang
tagapangasiwa.
• • Sugnay na Pangngalan ( Noun Clause)
binubuo ng sugnay na di-makapag-isa na
ginagamit na simuno o tuwirang layon;
•Ex. -- Na dinagsaan ng mga manunuod ang
pagtatanghal ng "Malakas at Maganda" sa PNC
Auditorium ay pinatunayan ng maraming araw
na pagpapalabas nito.
• • Pariralang Pawatas (Infinitive Clause)
• nagsisimula sa pawatas ( nasa anyong pangngalang diwa ngunit
walang panahunan) na banghay sa um o mag.
• Ex. Ang tumulong sa mga batang mamamahayag ang
pangunahing layunin ni
• G. Teodoro Valencia, isang tanyag na mamamahayag at
kolumnista,kayat ang Teodoro Valencia Foundation ay
nagbibigay ng iskolarship sa mga nagwawagi sa pambansang
paligsahan sa pamamahayag.
• Pariralang Pang-ukol ( Prepositional Phrase)
• Nagsisimula sa pang-ukol tulad ng sa, ukol
sa, hinggil sa , tungkol sa, para sa, atbp.
•Ex. Para sa kapakanan ng mamamayang Pilipino,
sinikap ng pangulo ng kapisanan na mapaunlad
ang kalagayang pangkabuhaya ng pamayanan.
• Pariralang Pangngalang Pandiwa (Gerundial
Phrase)
•Nagsisimula sa pangngalang diwa ( pandiwang may
unlaping pag)
•Ex. Ang pagpapalinis at pagpapaganda ng purok ay
ang tanging layunin ng Punong Guro na si Bb.
•Mabini A. Gonzales.
Maraming Salamat
Layunin;
A. Natutukoy ang mga katangian ng balita;
B. Nauunawaan ang katuturan ng balita;
C. Nagpapakita ng kawilihan sa pagbabasa at pagsusulat
ng balita.
Katuturan ng Balita
Ang balita ay napapanahon at
makatotohanang ulat ng mga
pangyayaring naganap na, nagaganap
at magaganap pa lamang.
Ito ay maaaring maibahagi sa
pamamaraang pasalita, pasulat at
pampaningin. Pasalita ito, kung ang
ginawang midyum ay ang radio at
telebisyon; pasulat naman kung ito
ay ipinalimbag sa pahayagan at
iba pang uri ng babasahin; at
pampaningin kung ang
midyum ay ang
telebisyon at sine.
Mga Katangian ng Balita
Kawastuhan -ang mga datos ay inilahad
nang walang labis, walang kulang
Katimbangan – inilahad ang mga datos na
walang kinikilingan sa alinmang
panig na sangkot.
Makatotohanan– ang mga impormasyon ay
tunay at aktuwal at hindi gawa-gawa
lamang.
Kaiklian- ang mga datos ay inilahad nang
diretsahan , hindi maligoy.
Mga sangkap ng Balita
Ang isang balita ay nagiging balita
lamang kung ito ay nakakapukaw ng
interes ng mga tagapakinig o
mambabasa. Kaya maaaring sabihing
ang anumang kaganapan na balita para
sa isa ay hindi balita
para sa iba.
Narito ang mga sangkap ng balita na maaaring
makapagbigay ng interes sa mga tagapakinig
at mambabasa.
Kapanahunan - Ito ay bago pa lamang
nangyari o maaaring matagal nang
ngunit ngayon lamang natuklasan.
Kalapitan - Mas interesado ang mga
tagapakinig o mambabasa na malaman
ang nagyayari sa kanilang paligid o
pamayanan kaysa sa malalayong lugar.
♦Kabantugan –Tumutukoy
sa pagiging prominente o
kilala ng taong sangkot
sa pangyayari.
Kakatwahan o Kaibahan
Mga pangyayaring di karaniwan
tulad halimbawa ng isang tao
na nangagat ng aso o
ng isang hayop na
dalawa ang ulo.
♦ Tunggalian
Ito ay tumutukoy hindi lamang sa laban
ng tao laban sa kapwa tao, maaari
rin itong pakikibaka ng tao
laban sa kalikasan o ng
tao laban sa
kaniyang
sarili.
M a k a t a o n g
K a w i l i h a n
Ito ay tumutukoy sa
m g a p a n g y a y a r i n g
nakapupukaw sa
iba’t-ibang uri ng
emosyon ng tao:
pag-ibig, poot ,
simpatiya, inggit at
iba pa.
Romansa at Pakikipagsapalaran
Tinatalakay dito hindi lamang ang
buhay pag-ibig ng isang tao katulad ng
mga artista kundi ang pakikipagsapa-
laran din ng mga ordinaryong tao
tulad ng pagliligtas ng batang si
Rona Mahilum sa sa kaniyang mga
kapatid sa nasusunog nilang bahay.
Pagbabago at Kaunlaran
Anumang pagbabago at kaunlarang
nangyayari sa pamayanan ay
maaaring paksain ng balita
tulad ng pagpapatayo ng
mga bagong gusali,
kalsada, pamilihang
bayan at iba pa.
Bilang o Estadistika - Halimbawa
nito ay ang mga ulat ukol sa
pananalapi, resulta ng eleksyon at
iba pa.
Pangalan - Tumutukoy sa mga
pangalang nasasangkot sa balita
tulad ng mga nakapasa sa mga
board examinations.
Hayop
Halimbawa nito ay ang mga bagong inakay
ng Philippine Eagle mula sa itlog na nabuo
sa pamamagitan
ng artipisyal inseminasyon.
Kalamidad
Kapag nagkaroon ng malakas
na bagyo, lindol, pag- putok ng
bulkan at iba pa, karaniwang
pinapaksa ng balita ang mga
pinsalang dulot nito.
Mga Uri ng Balita
A. Ayon sa istilo ng pagkalahad ng datos
1. Tuwirang Balita
Diretsahan ang pagkahanay ng mga
datos at ginagamitan ng
kombenkombensyonal o kabuurang
pamatnubay.
2. Pabalitang Lathalain
Hindi diretsahan ang paglalahad ng datos
at ginagamitan ng makabagong
pamatnubay.
B. Ayon sa lugar na pinangyarihan
1.Lokal na Balita
Kung ang kinasasaklawan ng
pangyayari ay sa pamayanang
kinabibilangan o tinitirhan ng taga-
pakinig o mambabasa.
a. pambarangay d. panlalawigan
b. pambayan e. panrehiyon
c. panlunsod f. pambansa
2. Balitang Pang-ibang Bansa
C. Ayon sa nilalaman
♦ Pang-agham at teknolohiya
♦ Pangkaunlarang komunikasyon
♦ Pang-isports o pampalakasan
D. Ayon sa pinagbabatayan o pinag-
kukunan
1. Batay sa aksyon
Ang manunulat / mambabalita
ay naroon mismo sa lugar na
pinangyarihan ng aksyon o
pangyayari.
2. Batay sa Tala
Kung ang
pinagbabatayan
ng balita ay mga
talang nakalap
mula sa talaan ng
pulisya, ospital at
iba pang ahensya.
3. Batay sa Talumpati
Kung ang pinagkukunan ng datos ay
ang talumpati ng mga kilalang tao.
4. Batay sa pakikipanayam
Kung ang mga datos
ay nalikom sa pamamagitan
ng pakikipanayam sa mga
taong sangkot o may alam
sa pangyayari.
E. Ayon sa pagkakaayos o pagkakaanyo
sa pahina
1.Balitang may iisang tala
Tumatalakay sa iisang
pangyayari lamang
2. May maraming talang itinampok
Naglalahad ng higit sa isang
pangyayari na naganap sa iisang
araw at halos magkaparehong oras.
3. Balitang Kinipil
Balitang pinaikli na
lamang dahil sa kawalan
ng espasyo.
4. Dagliang Balita
Pahabol na balita na dahil sa kawalan ng
ispasyo ay nilagyan na lamang ng
salitang flash at kasunod nito ang
isang linya o talatang nilalaman.
5. Balitang pangkatnig
Maikling balita na isinulat ng hiwalay
ngunit kaagaapay sa kaugnay na
pangunahing balita.
6. Bulitin
Habol at karagdagan sa
mahalagang balita at
inilagay sa pangmukhang
pahina na nakakahon
at nasa tipong mariin.
F. Ayon sa pagkakalahad ng
nilalaman
1. Balitang pamukaw-kawilihan
Karaniwang maiikling balita tungkol
sa tao, bagay, hayop na umaantig
sa damdamin ng
mambabasa.
2. Balitang
nagpapakahulugan
Nagpapaunawa sa
mambabasa
tungkol sa dahilan,
saligan, katauhan
ng mga pangunahing
sangkot at
kahalagahan ng isang
pangyayari.
Ang Pamatnubay
Pamatnubay ang tawag sa una at
pangalawang talata ng balita.
Nagsisilbi itong pang-akit sa mga
mambabasa dahil ito ang pinaka-
buod ng balita. Sa akdang
lathalain o pabalitang lathalain, ito
ay maaaring isang salita, parirala,
pangungusap o isang talata.
Mga Uri ng Pamatnubay
1. Kombensyonal o Kabuuurang
Pamatnubay
Sinasagot nito ang mga tanong na
Ano?, Sino?, Saan?, Kailan?, Bakit?
at Paano?
Ang balita ay inilalahad sa baligtad na
piramide kung saan ang mga
Mahahalagang datos
ay nasa una at
pangalawang
talata. Karaniwang
ginagamit
sa tuwirang balita.
2. Makabagong Pamatnubay
Ginagamitan ng pangganyak na
panimula ang akda upang akitin
ang mambabasang basahin
ang kabuuuan nito.
Karaniwang
ginagamit ito
sa pagsulat
ng Pabalitang Lathalain.
Mga Uri ng Kombensyonal na
Pamatnubay
1. Pamatnubay na Ano
Kung ang pinakatampok
sa balita ay ang
pangyayari.
Halimbawa:
Isang lindol ang yumanig sa lalawigan ng
Sorsogon at Masbate na ikinamatay ng
tatlong tao at ikinasira ng mga bahay at
gusali kahapon ng madaling araw.
2. Pamatnubay na Sino
Kung higit na pinakatampok
ang tao o organisasyong
kasangkot sa pangyayari.
Halimbawa:
Binawi ni Nueva Vizcaya Rep. Rodolfo
Agbayani, kasapi ng LDP ang kaniyang
pirma sa impeachment complaint na
inihain ng oposisyon, kahapon, matapos
itong katayin sa komite.
3. Pamatnubay na Saan
Kung higit na mahalaga
ang lugar na pinangyarihan
kaysa sa gawain o tao
na kasangkot dito.
Halimbawa:
Sa Naga City ginanap ang 2009 National
Schools Press Conference na dinaluhan
ng mga batang manunulat sa buong
bansa.
4. Pamatnubay na Kailan
Hindi gaanong gamiting pamatnubay
dahil ginagamit lamang ito
kung higit na mahalaga ang
petsa kaysa sa iba pang
aspeto ng mga pangyayari.
Halimbawa:
Hanggang sa Abril 18 na lamang ang
palugit na ibinigay ng BIR para sa
pagababayad ng buwis sa taunang kita.
5. Pamatnubay na Bakit
Kung ang dahilan o
sanhi ng pangyayari
ang pinakamahalaga.
Halimbawa:
Upang mapalawak at madaling
maipaabot sa mga mamamayan ang
mga serbisyo ng pamahalaan,
inilunsad ng Sangguniang Panlunsod ng
Quezon sa pamumuno ni Mayor Sonny
Belmonte ang “City Hall sa Barangay”
6. Pamatnubay na Paano
Kung ang kaparaanan ng
pangyayari ang pinakamabisang
anggulo na dapat itampok.
Halimbawa:
Nagkunwaring naghahanap ng
mapapasukan, isang babae ang
tumangay ng malaking halaga ng salapi at
mga alahas ng isang ginang sa Lunsod ng
Baguio, pagkatapos itong tanggapin bilang
katulong.
Sa pagpapasya kung aling uri ng
kombensyonal na pamatnubay
ang itatampok,dapat munang alamin
ng manunulat kung aling anggulo
ng balita ang higit na mahalaga.
Kapag parehong matimbang ang
Ano at Sino, unang itatampok ang
Sino dahil higit na mahalaga ang
tao kaysa sa mga bagay at
pangyayari.
Pamatnubay na nakagugulat
• Maari ito ay isang salita o maikling angungusap.
• Hal. Katarungan!
Ito ang sigaw ng mga Overseas Contract Workers na siyang
tinaguriang makabagong bayani ng bansa sa ginanap na
Press Conference sa National Press Club dahil sa
pagkamatay nina Delia Maga at Flor Contemplacion.
Naglalarawang Pamatnubay
• Naglalarawan ng mga pangyayaring
mahalaga na may kaugnayan sa isang
natatanging okasyon o pangyayaring may
kaugnayan sa napakahalagang pangyayari.
Pamatnubay na naghahambing
ng dalawang pangyayari
(Contrast Lead)
• Binuhay ng Edsa 1986 ang natutulog na
damdaminng makabayan ng mga Pilipino,
pinukaw naman ng pagdiriwang ang 10th
World Youth Day ang nanghihinang
pananalampalataya ng buong sambahayan.
Pamatnubay na Patanong
• Patanong ang simula ng pamatnubay.
• Hal.
Maunlad na kaya ang Pilipinas sa taong
2008?
Pamatnubay na Masidhi ang
paglalarawan
• Halos kauri ito ng descriptive lead, ang
natatanging pagkakaiba nito sa huli higit na
nakakaakit ito dahil sa emosyon, sa
panahong nagsusulat ang reporter ay
sumasanib sa kaniya ang lungkot ng
damdamin at emosyon ng kaniyang paksa.
Siniping pamatnubay
• Maaring ito ay mula sa kasabihang Pilipino,
sa mga salawikain na inuugnay sa isang
pangyayari. Kalimitan ang mga balitang
galing sa interview, talumpati, forum,
seminar ay ginagamitan ng siniping
pangungusap.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
mabisang Pamatnubay:
1. Gumamit ng payak na pangungusap
2. Huwag isulat ang lahat ng kasagutan sa
mga tanong na Ano, Sino, Saan, Kailan,
Paano at Bakit sa isang pangungusap
lamang, kung ito ay makasisira sa
kaisipan ng talata at makalilito sa
mambabasa.
Alalahaning ang pangalawang
talata ay pangalawang
pamatnubay rin.
3. Huwag uliting gamitin ang mahalaga o
di-karaniwang salita sa isang
pangungusap.
4. Iwasan ang pag-uulit ng
mga sugnay, parirala at
mga iba pang katulad
nitong gramatikong
kayarian.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Balita
1. Isulat kaagad ang balita matapos makalap.
2. Itala ang mga datos ayon sa pababang
kahalagahan.
3. Unahing itampok ang pinakamahalagang
datos bilang pamatnubay.
4. Ibigay ang buong pangalan ng
taong awtoridad o pinagkunan ng
datos at kaniyang katungkulan. Sa
muling pagbanggit sa kanya ay
gamitin na lamang ang G. at
apelyido ng lalaki at Bb. o Gng. at
apelyido ng babae o anumang titulo
na angkop sa kanya.
5. Iwasang magbigay ng opinyon sa balita.
6. Maging tumpak sa paglalahad ng datos.
7. Gawing maikli ang talata.
8. Gumamit ng mga payak
na salita.
9. Gawing maiikli ang
pangungusap at
pag-ibaibahin
ang haba nito
10. Gamitin ang pangungusap na tukuyan
kaysa sa balintiyak.
11. Isulat ang tuwiran at di tuwirang sabi sa
magkahiwalay na talata.
12. Ilahad ang dalawang panig ng mga
taong sangkot sa balita.
13. Gawing pasalita ang bilang 1 hanggang
9 at gawing tambilang ang 10 pataas.
Kaayusan ng Balita
Ang kaayusan ng paglalahad ng mga datos
sa balita ay sumusunod sa baligtad na
piramide tulad ng nasa ibaba:
Ang kaayusang baligtad na piramide
ay nakatutulong sa mga sumusunod
na dahilan:
1.Napapadali ang pagbabasa. Karaniwan sa
mga mambabasa ay abala, kung kaya
ang paglagay ng mga mahahalagang
datos sa unahan ng balita, ay
nakapagpapatipid sa kanila sa panahon,
dahil sa pamatnubay pa lang ay
nakukuha na nila ang buod
ng istorya.
2. Napapadali ang pag-aayos ng ispasyo,
dahil kung kulang ang ispasyo, maaari
nang putulin ang huling bahagi ng balita
na hindi nawawala ang mahalagang
datos nito.
3. Napapadali ang pagsulat ng ulo ng balita
dahil sa unang dalawang talata na
naglalaman ng mahahalagang datos ay
maaari nang mapagkunan
ng itatampok sa ulo
ng balita.
Mga Tuntunin sa Pagtatalata ng
Balita
1. Ang talata ay hindi sumusobra sa
75 na salita.
2. Ilagay ang mahahalagang datos sa
unahan ng talata.
3. Iwasan ang paggamit ng mga
magkatulad na mga salita o mga
sugnay sa simula ng magkasunod
na talata.
4. Huwag ilagay ang tahasang sabi at
buod nito sa isang talata.
5. Ang isang pangungusap na talata
ang pinakagamitin sa balita ngunit
kung hindi maiiwasan ang paggamit
ng mahigit sa isang pangungusap,
hindi ito dapat na sumobra
sa 3 pangungusap.
6. Isaayos ang mga talata ayon sa
pababang kahalagahan upang kung
kukulangin sa ispasyo ay maaaring
putulin ang mga huling talata na
hindi naaapektuhan ang nilalaman
nito.
Mga Katangian ng Isang Manunulat
ng Balita
1. Matalas ang pang-amoy sa balita.
-Alam kung saan makapangalap ng datos.
-Marunong kumilatis kung alin ang anggulo
sa pangyayari na itatampok sa balita.
-Madaling makakilala ng mga
kaganapang karapat-dapat ibalita.
2. Mapagtanong
3. Matiyaga
4. Makatarungan at walang kinikilingan
5. Totoong interesado sa tao.
6. Laging mapaghanap
ng buong
katotohanan
7. Mapamaraan
8. Malawak ang kaalaman sa
talasalitaan at gramatika
9. Alam ang sariling
kalakasan
10. Mapagbasa
GABAY SA PAGTSEK
NG BALITA
1. Sumasagot sa 5W’s at 1H.
2. May maaksyong ulo ng balita.
3. May malinaw na pamatnubay.
4. Maaksyon ang nilalaman.
5. Sumusunod sa Inverted Pyramid o
Decreasing Importance.
6. Buo ang mga detalye.
7. Walang paliguy- ligoy.
8. Walang opinyon.
9. May 3 bahagi hanggat maaari:
Pamatnubay, Katawan at Pawakas.
10. Derecho at walang pinapanigan.
11. Nakapokus sa mga isyung pampaaralan.
Gawain :
•Ibigay ang Ano, Sino, Saan, Kailan, Bakit at
Paano sa kasunod na mga balita.
167 katao, patay sa leptospirosis
• Umaabot na sa 167 katao ang namatay sa sakit na leptospirosis na karamihan sa
mga biktima ay residente ng binahang mga lugar sa mga Lunsod ng Pasig at
Marikina.
• Ayon pa kay Dra. Yolanda Oliveros ng Department of Health- National Center for
Disease Prevention, tumaas na sa mahigit 2,000 ang naitalang kaso ng may sakit na
leptospirosis na nag-umpisa ilang araw matapos hagupitin ang Metro Manila at ilang
karatig lalawigan ng bagyong Ondoy.
• Ang leptospirosis ay isang uri ng sakit na nakukuha mula sa ihi ng daga na
karaniwan nang sumasama sa tubig-baha.
• Magugunita na ang mga lunsod ng Marikina, Pasig sa Metro Manila at ang bayan ng
Cainta, Rizal ang pinakagrabeng tinamaan ng flush flood, kaya dito rin nagkaroon ng
paglaganap ng sakit na leptospirosis.
• Sinabi ni Dra. Oliveros na ang sintomas ng leptospirosis ay ang pamamanhid ng
katawan, paninilaw ng balat, sakit sa ulo, tiyan, pagtatae, pamumula ng puti ng mata,
EDITORYAL
Taga-ulat:
Aguilar, Jona
Buaya, Guendolyn
Jumawan, Judy
Laquio, Keinth
Mancenero, Jam
Medez, Charmae
Olila, Erlyn
Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
Editoryal
1.Tiyaking nauunawang mabuti ang
sitwasyon o isyu .
2.Tiyakin ang paksa ay kawili-wili
sa mga mambabasa. Piliin ang
pinakabago at kontrabersyal na
isyu.
3.Limitahan ang akda sa isang aspeto
lamang ng piniling paksa.
4.Magkaroon ng tiyak na layunin sa
pagsulat ng akda.
5.Mangalap ng sapat na datos.
6.Magkaroon ng pinapanigan
sa isang kontrobersyal na isyu.
7.Gumamit ng matibay at
makatarungang pangangatwiran.
8.Gawing maikli lamang ang akda.
Hangga't maaari, limang talata
lamang.
9.Gawing makatawag pansin at kawili-
wili ang panimula na binubuo ng
batayang balita at reaksyon.
10.Magbigay ng mahahalaga at
makabuluhang detalye upang maging
kapani-paniwala ang iyong opinyon.
11.Gawing pormal ang pananalita at
paglalahad ng opinyon.
12.Kung magbigay ng argumento, sumulat
sa pinakamahalaga.
13. Maging maawtoridad, ngunit huwag
mangaral o manermon.
14.Huwag sulatin sa unang panauhang "ako" sa
halip ay kami" maliban kung gumamit ng
tuwirang sabi.
15.Gumamit ng iba't ibang pamamaraan upang
pukawin at panatilihin ang kawilihan ng
mambabasa.
16.Tulad ng ibang akdang pampahayagan,
kailangang taglay ng editoryal ang tuntunin ng
kaisahan, kalinawan, kaugnayan at kariinan sa
pagsulat ng akda.
MGA BAHAGI NG EDITORYAL
1. Pamagat
- May kinalaman sa paksa
- Hindi hihigit sa limang
talata
Halimbawa:
* Nakakabinging babala
* Bakuna na nakakalunas
2. Panimula
- Straight news at ang
reaksyon
- Balitang
pinagtutungkulan
- One word phrase
introduction
3. Katawan
- detalye ng
opinyon
- katibayan
4. Katapusan
- Solusyon
- Konklusyon
- Suhestiyon
Mga Ilang Halimbawa
ng Editoryal
Editoryal na Nanghihikayat
Editoryal na Nagpapabatid
Editoryal na Nagpaparangal
Editoryal na Nakikipagtalo
EDITORYAL
Ang editoryal ay isang akdang nagbibigay ng kuru-
kuro o opinyon ng patnugutan ukol sa napapanahong
isyu. Layunin nitong ipabatid ang mga patakaran at
prinsipyo ng pahayagan. Maaari itong magpabatid,
magpakahulugan, bumatikos, tumuligsa, o humikayat
sa mambabasa upang pumanig sa prinsipyo nito.
MGA KATANGIAN NG EDITORYAL
1.Kawili-wili
2.Malinaw at mabisa ang pangangatwiran at may
kapangyarihang umimpluwensya ng opinyon ng mambabasa.
3.Makatotohanan at naglalaman ng mga impormasyon bilang
suporta sa ipinaglalabang panig.
4.Maikli lamang
MGA URI NG EDITORYAL
1. Editoryal na nagpapabatid
2. Editoryal na nagpapakahulugan
3. Editoryal na nakikipagtalo
4. Editoryal na namumuna
5. Editoryal na nanghihikayat
6. Editoryal na nagpaparangal
7. Editoryal na nagpapahalaga ng natatanging
araw
1. Editoryal na
nagpapabatid
2. Editoryal na
nagpapakahulugan
Nagbibigay lamang ng
impormasyon tungkol sa
isyung pinag-uusapan at
wala ng iba.
•Nagbibigay rin ito ng
mga impormasyon tungkol
sa isyu,ang
pinakalayunin nito ay
ang magpakahulugan sa
pangyayari, sitwasyon o
isyu.
Mga Uri ng Editoryal
3. Editoryal na
nakikipagtalo
Maaari rin itong magbigay
ng impormasyon tungkol sa
isyu at magpakahulugan,
ngunit ang namamayani
nito ay ang layuning
hikayatin ang mambabasang
paniganang ipinaglalabang
paniniwala o ideya ng
patnugutan.
Mga Uri ng Editoryal
4. Editoryal na
namumuna
May pagkakatulad ito sa
editoryal na nakikipagtalo.
Ang kaibahan lamang nito ay
inilalahad ng manunulat ang
kabutihan at di-kabutihan ng
pangyayari o isyu, bagamat isa
rito ang pinapanigan ng
patnugutan.
5.Editoryal na
nanghihikayat
6.Editoryal na
nagpaparangal
Mga Uri ng Editoryal
Layunin nitong hikayatin ang mga
mambabasa na sumuporta sa programa
o planong aksyon sa pamamagitan ng
pag-iisa-isa sa mga kabutihan na
maaaring idudulot nito. Naglalaman
din ito ng panawagan na pagkilos.
Nagbibigay-puri sa mabubuting
nagawa ng tao o institusyon.
7.Editoryal na nagpapahalaga
ng natatanging araw
Tumatalakay sa kahalagahan ng
mga tanging okasyon tulad ng
Araw ng Kalayaan, Araw ng mga
Patay, Pasko at iba pa.
Ang kartung editoryal ay isang palagiang
bahagi ng pahinang editoryal. Ito ay
editoryal na nakaguhit. Layunin nitong
ilarawan sa pamamagitan ng impormal na guhit
ang panig ng patnugutan tungkol sa isang
isyu. Maliban dito, nagsisilbi rin itong
pang-aliw o pampagaan ng loob sa gitna ng
mga seryosong paglalahad ng mga opinyon
tungkol sa iba’t ibang isyu.
Mga Dapat Tandaan sa Pagguhit ng Kartung Editoryal
1. Limitahan ang paggamit ng mga salita at label.
2. Gumamit ng sariling istilo at huwag mangopya.
3. Magkakaroon ng sariling istilo at huwag mangopya.
4. Ituon ang pagguhit sa iisang paksa lamang.
5. Limitahan sa tatlo hanggang sa limang bagay ang iguguhit na tutulong upang mailarawan
ang kaisipang nais ipabatid sa mga mambabasa.
6. Ilarawan nang husto ang ekspresyon ng mukha ng taong iguguhit, pati na ang
pagkakakilanlan nito tulad ng buhok at nunal ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo,
kilay ni dating Speaker Jose De Venecia at iba pa.
7. Maaaring gumamit ng alusyon upang higit na mapatindi ang dati ng kartung editoryal sa
mambabasa tulad ng paggamit ng mga sanligang kalbaryo, paggamit ng mga superhero at
iba pa.
Mga Hakbang sa Pagguhit ng Kartung Editoryal
1.Alamin ang pangunahing isyu na nais iguhit ng karton.
2.Alamin ang panig ng patnugutan tungkol sa isyu.
3.Gumuhit sa tulong ng pinakamabisang simbolo na aakma sa pangkalahatang
opinyon ng patnugutan tungkol sa isyu.
Mga Karaniwang Simbolo sa Pagguhit ng Kartung Editoryal
1.lapis, pluma, pahayagan- pamahayagan, karapatan sa pamamahayag
2.kalapati- kalayaan, kapayapaan, demokrasya
3. salakot- Juan dela Cruz, karaniwang
mamamayang Pilipino
4. kadena- paniniil sa kalayaan, pang-
aapi o pag-aalipin
5. kamatayan at karit- panganib,
kapahamakan
6. heringgilya- parusang kamatayan,
adiksyon sa droga
7. buwaya- abusado, mapagsamantala
8. buto’t balat na bata- kahirapan
9. malyete- husgado, batas
10. babaeng may piring at may dalang
timbangan- katarungan
11. mga alon- mga hadlang, pagsubok
12. maskara- mapagkunwari, pagpapanggap
13. agila- katapangan
14. bareta na ginto- kayamanan,
karangyaan
15. mataas na gusali- kaunlaran
16. susi- daan tungo sa tagumpay o
kaunlaran
17. malaking bato sa daan- balakid sa
anumang mithiin
18. bungo at dalawang nagkrus na buto-
kamatayan, kapahamakan
19. sumisikat na araw- pag-asa
20. taong may maraming tatu- kriminal,
masamang tao, dating bilanggo
Kartung Editoryal sa Iba’t Ibang Anyo
Ang isang isyu ay maaaring iguhit ng kartung editoryal hindi
lamang sa iba’t ibang simbolo, kundi sa iba’t ibang panig at uri
ng editoryal. Sa paligsahan sa pagguhit ng kartung editoryal,
mahalagang pag-isipan munang mabuti kung sasang-ayon o tutol ka ba
sa napapanahong isyu o gusto mo bang magpakahulugan, magbigay ng
puna tungkol sa pampublikong usapin o magbigay ng parangal sa
isang tao o organisasyong nakagawa ng kabayanihan at magpapahalaga
sa isang natatanging araw.
HALIMBAWA:
Pagsulat ng Kolum
KOLUM
Naglalaman ng kuru-kuro,
ideya, opinion at
paninindigan ng
manunudling o kolumnista
tungkol sa isa o higit
pang paksa.
LAYUNIN NG KOLUM
1. Magbigay ng Opinyon: Ang isang
pangunahing layunin ng kolum ay
magbigay ng personal na opinyon o
pananaw ng kolumnista sa isang
partikular na isyu o paksa.
2. Magbigay ng Pagsusuri
-Ang mga kolum na may layuning magbigay ng pagsusuri ay
sumasalamin sa kritikal na pagtingin ng kolumnista sa mga
pangyayari, polisiya, o mga kaganapan.
3. Magpabatid ng Impormasyon
-Ang ibang mga kolum ay may layuning maghatid ng impormasyon
tungkol sa mga bagay na nauugnay sa paksa ng kolum.
4. Mang-akit ng Interes
- Ang mga kolum na may layuning mang-akit ng interes ay
naglalayong magbigay ng mga pambihirang istorya, mga puna, o mga
karanasan upang humikayat at magpukaw ng interes ng mga
mambabasa.
137
5. Mangatwiran o Makumbinsi
Sa ilang mga kolum, ang layunin ay mangatwiran o
makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang partikular
na posisyon, paniniwala, o pagkilos.
6. Maglahad ng mga Solusyon o Alternatibo:
Sa ibang mga kolum, ang layunin ay maglahad ng mga
solusyon o alternatibong pagtingin sa isang problema o
isyu.
Mga uri ng kolum
1.Opinyon/Kasaysayan ng Kolum
- Ito ang tradisyunal na uri ng kolum na
naglalaman ng personal na opinyon, mga pananaw, at
mga pagsusuri ng manunulat tungkol sa iba't ibang
isyung panlipunan, politika, ekonomiya, at iba pa.
2. Talakayan/Kaantasan –
Ito ay isang uri ng kolum na nagsasangkot ng
pagtalakay at pagsusuri sa isang partikular na isyu o
usapin.
3. Pamumuna/Satire –
Ang uri ng kolum na ito ay may layuning magpatawa,
magpamalas ng kamalian, o magbigay ng mga matalas na
puna tungkol sa mga pangyayari, personalidad, o
kaganapan sa lipunan.
140
4. Pang-ekonomiya
Ito ay isang uri ng kolum na naglalayong pag-
aralan at maipaliwanag ang mga konsepto at usapin
na nauugnay sa ekonomiya.
5. Pang-sports
Ito ay mga kolum na nakatuon sa mga pagsusuri,
mga balita, at mga kwento na may kaugnayan sa mga
isyu at pangyayari sa mundo ng palakasan at
isport.
6. Pang-showbiz
Mga kolum na naglalaman ng mga balita, mga ulat, at mga
pagsusuri sa mundo ng showbiz at mga personalidad sa
industriya ng pelikula, telebisyon, at musika.
7. Pang-lifestyle
Ito ay mga kolum na tumatalakay sa mga aspekto ng
buhay-araw-araw tulad ng pagkain, moda, kalusugan,
paglalakbay, at iba pang interes ng mga mambabasa sa
larangan ng lifestyle.
BUMUO AT IPAHAYAG ANG IYONG MGA PANANAW
1. MAGHANAP NG SARILI MONG TONO
• Magkaroon ng isang malinaw na kahulugan at sariling tono,
maaaring nakakatawa o madilim.
• Maaari kang magbasa ng mga artikulo sa pahayagan na
nagbibigay lamang ng mga katotohanan at pagkatapos ay
malayang sumulat ng sagot sa kanila.
• Maaari kang gumamit ng sarkastikong tono, o palagi kang
optimistiko.
• Maari ka ring humingi ng tulong sa iyong editor-in-chief na
mahanap ang iyong tono.
• Ang isang mahusay na paraan upang subukan ang iyong
opinyon ay tanungin ang sarili. “ May magpapakita ba ng
malakas na reaksyon sa aking artikulo?”
• Tiyaking i-back up ang iyong opinyon gamit ang
sinaliksik na ebidensya.
• Makapagpakumbinsi sa mga mambabasa na sundin ang iyong
opinyon.
2. MAGKAROON NG OPINYON
• Upang bumuo ng iyong sariling tono at saloobin,
ito ay kapaki-pakinabang upang gumuhit sa iyong
mga personal na karanasan. Sumulat tungkol sa
mga anekdota sa iyong buhay. Sa ganitong paraan,
hindi lamang nakakakuha ng koneksyon sa iyo ang
iyong mambabasa, nagiging mas kapani-paniwala ka
rin.
3. MAGBAHAGI NG MGA PERSONAL NA KARANASAN.
4. ISULAT SA UNANG TAO
Dahil ang isang column ay batay sa iyong opinyon, gawing malinaw
ang iyong boses gamit ang isang "I". Sa ganitong paraan,
nairehistro ng mambabasa ang iyong patuloy na presensya at
nilinaw mo kung anong opinyon ang iyong kinukuha.
• Sa halip na isulat:
"Ang tirahan ng mga kabayong puro lahi ay kadalasang hindi
nakakatugon sa mga pamantayan.",
• Ginagawang mas kaakit-akit ang pahayag mula sa unang tao:
"Ang tirahan ng mga kabayong puro lahi, na nakita ko bilang
isang tagapagsanay, ay hindi regular na nakakatugon sa mga
pangangailangan ng mga hayop. At ito ay nakakaapekto sa
kanilang pagganap at kagalingan."
HALIMBAWA NG KOLUM
Mga Dapat Tandaan
para Maakit ang
Mambabasa
1. Pumili ng isang kaakit-
akit na pamagat
•Ang tamang pamagat ay
pumupukaw sa mga inaasahan
at interes ng mambabasa.
•Ang mga mapang-akit na pamagat
ay kadalasang naglalaman ng mga
numero,nakakatawang adjectives,
at isang pangako sa mambabasa.
Halimbawa
:
1. "Alisin ang mga
mantsa sa carpet"
2. "Tatlong Hindi
Karaniwang Pag-aalis ng
mga Mantsa ng RedWine"
2. Magsimula sa isang
"hook" na pumupukaw sa
interes ng mambabasa
•Ang unang pangungusap
ay dapat maakit ang
mambabasa sa artikulo
gamit ang iyong mga
salita at iniisip.
" Isang buwan na ang
nakalipas, natakot ako nang
malaman kong mali ang
pagkakatali ko sa aking mga
sintas ng sapatos sa buong
buhay ko
Halimbawa :
3. Sabihin sa iyong mambabasa
kung bakit mahalaga sa kanila
ang iyong artikulo.
•Ipaliwanag kung bakit
may kaugnayan ang iyong
paksa sa mambabasa at
kung paano ito may
positibo o negatibong
epekto sa kanya.
Kung ikaw laban sa
isang bagong batas sa
buwis
Halimbawa :
•Sabihin sa iyong mambabasa na
ang bagong patakarang ito ay
magpapabayad sa kanila ng mas
maraming buwis
4. Sumulat sa kumbensyon
•sumulat sa mas maikling mga
pangungusap, o gumamit ng mga
mas malinaw na salita upang
magsulat ng mas kumbensyonal.
Gawing mas malinaw ang iyong
pananaw
Halimbawa :
"Ipinapalagay ng konseho
ng lungsod na niligaw ng
alkade ang mga residente
Naniniwala ang konseho
ng lungsod na niligaw ng
alkalde ang mga
residente
Katangian ng isang Mabisang
kulomnista
1. Palabasa
2. Malawak ang kaalaman sa ibat-
ibang paksa o isyu
3. Matalas ang pang-unawa sa
kahalagahan ng pangyayari
4.May Sapat na kaalaman sa pinaksa
5.Mahusay sa diplomasya
6.Malawak ang talasalitaan
7.Makatarungan sa pagpapasya
8.May sariling istilo sa pagsulat at
may orihinalidad
PAGSUSULAT NG
LATHALAIN
(Feature Writing)
PAGSUSULAT NG
LATHALAIN
(Feature
Writing)
Balitang may puso ang
lathalain. Kung sa
pagsusulat ng balita ay
may kalansay na
sinusundan, sa pagsulat
ng lathalain kasali pati
ang laman at dugo na
maaaring magpatawa,
magpaiyak, magpalungkot,
manakot o ano pa mang
emosyon na nais iparating
ng manunulat.
Kahalagahan
Ito ay isang espesyal na balita
na nakalathalang din sa malaking
bahagi ng bawat pahayagan.
Kaiba ito sa tuwirang balita na
mga kaganapan lamang ng
pangyayari ang
tinatalakay. Binibigyang
pagkakataon ang daloy ng
kaisipan at opinyon, pati na ang
panunuri at mga interpretasyon
ng mga pangyayari.
MGA KATANGIAN
1. Walang tiyak na haba
2. Pinakamalaya sa lahat ng uri ng pamahayagang artikulo
3. May Kawilihan (Interest)
4. Gumagamit ng makabagong pamatnubay
5. Nasusulat sa paraang pataas ang kawilihan
6. May panimula, katawan at wakas
7. Timeless
8. May kaisahan (Unity)
9. Kaugnayan (Coherence)
Isang uri ng pag-uulat
ng makatotohanang bagay o
pangyayari batay sa pag-
aaral , pananaliksik o
pakikipanayam at isulat sa
paraang kawili-wili.
MGA KATANGIAN NG MGA TAONG
NAIS SUMULAT NG LATHALAIN
1. Malikhain
3. Mahilig Magbasa
2. May Interes
4. Mahilig Magtanong
1. Magpabatid
2. Magturo
3. Magpayo
4. Manlibang
1. Title Page
2. Introduction o
Panimula
3. Body o Katawan
4.Conclusion o Wakas
Uri ng Pamagat
1. Katanungan
2. Isang Kataga o Salita
3. Isang Parirala
4. Descripsyon
PROSESO SA
PAGSULAT NG
LATHALAIN
 Kailangang batid ng
manunulat kung ano ang
kanyang isusulat.
Kailangang may malawak
na kaisipan at ang
paksa ay malapit sa
puso ng mga mambabasa.
Presentation title
Paghahanda
 Ang pagpili ng paksa
ay bahagi rin ng
paghahanda sa
pagsulat. Ito ang
nagbibigay ng
disenyo sa balangkas
ng mga pangyayari na
nais buhayin.
Presentation title 191
Paghahanda
 Sa pahayagang
pampaaralan,
karaniwang
itinatampok ang mga
isyung nasyonal na
may kinalaman sa mga
mag-aaral.
Presentation title 192
Paghahanda
Pananaliksik at Pangangalap ng Datos
• Kinakailangang humanap ng mga kasagutan sa mga
katanungan ang isang manunulat ng lathalain.
• Kailangan niyang manaliksik hinggil sa mga paksa
at damhin ang damdamin ng mga mamamayan at hanapin
ang landas upang matagpuan ang tunay na mundo.
Presentation title
193
• Isang mahalagang pagmumulan ng katotohanan
ay ang mga sariwang impormasyon, bago
magsagawa ng interbyu, kailangang
magsakatuparan ng pananaliksik hinggil sa
taong kakapanayamin upang hindi magkamali
o makaligtaaan ang mga pangyayari na may
kinalaman sa paksa.
Presentation title
194
• Mahalagang sangkap ang pananaliksik
sapagkat dito nakasalalay ang
kakayahan ng manunulat na kumuha ng
mga patunay. Kailangang siya may
masistema sa pananaliksik sapagkat
mahalaga ang mga tala upang madali
ang pagsasaayos ng mga iyon. Ito ay
makatutulong nang malaki sa pagbuo
ng pahayag .
Presentation title
195

More Related Content

What's hot

TULA NG PILIPINAS_Elehiya Para kay Ram [Autosaved].pptx
TULA NG PILIPINAS_Elehiya Para kay Ram [Autosaved].pptxTULA NG PILIPINAS_Elehiya Para kay Ram [Autosaved].pptx
TULA NG PILIPINAS_Elehiya Para kay Ram [Autosaved].pptxMayumi64
 
MGa halimbawang ebalwasyon at pagtataya sa filipino ppt
MGa halimbawang ebalwasyon at pagtataya sa filipino pptMGa halimbawang ebalwasyon at pagtataya sa filipino ppt
MGa halimbawang ebalwasyon at pagtataya sa filipino pptMARIA KATRINA MACAPAZ
 
Naiambag ni Clodualdo del Mundo at Alejandro Abadilla
 Naiambag ni Clodualdo del Mundo at Alejandro Abadilla Naiambag ni Clodualdo del Mundo at Alejandro Abadilla
Naiambag ni Clodualdo del Mundo at Alejandro AbadillaJhade Quiambao
 
Pagsasanay sa tayutay
Pagsasanay sa tayutayPagsasanay sa tayutay
Pagsasanay sa tayutayCamille Tan
 
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong AdarnaKaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong AdarnaCherry An Gale
 
Editoryal: Pagsusuri at Paglilimi
Editoryal: Pagsusuri at PaglilimiEditoryal: Pagsusuri at Paglilimi
Editoryal: Pagsusuri at Paglilimirich dodong Dodong
 
Paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang pilipino
Paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang pilipinoPaghahanda at ebalwasyon ng kagamitang pilipino
Paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang pilipinoChristine Baga-an
 
El Filibusterismo: Si Basilio
El Filibusterismo: Si BasilioEl Filibusterismo: Si Basilio
El Filibusterismo: Si BasilioEleizel Gaso
 
112282282 masusing-banghay-aralin-sa-filipino-iii
112282282 masusing-banghay-aralin-sa-filipino-iii112282282 masusing-banghay-aralin-sa-filipino-iii
112282282 masusing-banghay-aralin-sa-filipino-iiijace050117
 
Pampaaralang pamamahayag
Pampaaralang pamamahayagPampaaralang pamamahayag
Pampaaralang pamamahayagKing Ayapana
 
DULOG AT ISTRATEHIYA SA PAGLINANG NG KOMPREHENSYON
DULOG AT ISTRATEHIYA SA PAGLINANG NG KOMPREHENSYONDULOG AT ISTRATEHIYA SA PAGLINANG NG KOMPREHENSYON
DULOG AT ISTRATEHIYA SA PAGLINANG NG KOMPREHENSYONEmma Sarah
 
PRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdf
PRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdfPRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdf
PRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdfJosephRRafananGPC
 

What's hot (20)

HELE NG ISANG INA.pptx
HELE NG ISANG INA.pptxHELE NG ISANG INA.pptx
HELE NG ISANG INA.pptx
 
TULA NG PILIPINAS_Elehiya Para kay Ram [Autosaved].pptx
TULA NG PILIPINAS_Elehiya Para kay Ram [Autosaved].pptxTULA NG PILIPINAS_Elehiya Para kay Ram [Autosaved].pptx
TULA NG PILIPINAS_Elehiya Para kay Ram [Autosaved].pptx
 
MGa halimbawang ebalwasyon at pagtataya sa filipino ppt
MGa halimbawang ebalwasyon at pagtataya sa filipino pptMGa halimbawang ebalwasyon at pagtataya sa filipino ppt
MGa halimbawang ebalwasyon at pagtataya sa filipino ppt
 
Naiambag ni Clodualdo del Mundo at Alejandro Abadilla
 Naiambag ni Clodualdo del Mundo at Alejandro Abadilla Naiambag ni Clodualdo del Mundo at Alejandro Abadilla
Naiambag ni Clodualdo del Mundo at Alejandro Abadilla
 
Pagsasanay sa tayutay
Pagsasanay sa tayutayPagsasanay sa tayutay
Pagsasanay sa tayutay
 
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong AdarnaKaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
 
Editoryal: Pagsusuri at Paglilimi
Editoryal: Pagsusuri at PaglilimiEditoryal: Pagsusuri at Paglilimi
Editoryal: Pagsusuri at Paglilimi
 
Paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang pilipino
Paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang pilipinoPaghahanda at ebalwasyon ng kagamitang pilipino
Paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang pilipino
 
Tula
TulaTula
Tula
 
Demo ni dhang
Demo ni dhangDemo ni dhang
Demo ni dhang
 
El Filibusterismo: Si Basilio
El Filibusterismo: Si BasilioEl Filibusterismo: Si Basilio
El Filibusterismo: Si Basilio
 
Q3 IPT.pptx
Q3 IPT.pptxQ3 IPT.pptx
Q3 IPT.pptx
 
Ang moro
Ang moroAng moro
Ang moro
 
112282282 masusing-banghay-aralin-sa-filipino-iii
112282282 masusing-banghay-aralin-sa-filipino-iii112282282 masusing-banghay-aralin-sa-filipino-iii
112282282 masusing-banghay-aralin-sa-filipino-iii
 
Suyuan sa Asotea detailed Lesson plan
Suyuan sa Asotea detailed Lesson planSuyuan sa Asotea detailed Lesson plan
Suyuan sa Asotea detailed Lesson plan
 
Pampaaralang pamamahayag
Pampaaralang pamamahayagPampaaralang pamamahayag
Pampaaralang pamamahayag
 
DULOG AT ISTRATEHIYA SA PAGLINANG NG KOMPREHENSYON
DULOG AT ISTRATEHIYA SA PAGLINANG NG KOMPREHENSYONDULOG AT ISTRATEHIYA SA PAGLINANG NG KOMPREHENSYON
DULOG AT ISTRATEHIYA SA PAGLINANG NG KOMPREHENSYON
 
Panulaang Pilipino
Panulaang PilipinoPanulaang Pilipino
Panulaang Pilipino
 
Pagsulat ng balita
Pagsulat ng balitaPagsulat ng balita
Pagsulat ng balita
 
PRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdf
PRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdfPRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdf
PRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdf
 

Similar to PAMAMAHAYAG, EDITORYAL, PAMATNUBAY, BALITA.pptx

hudyat-ng-pagkasunod-sunod (1).pptx
hudyat-ng-pagkasunod-sunod (1).pptxhudyat-ng-pagkasunod-sunod (1).pptx
hudyat-ng-pagkasunod-sunod (1).pptxAndreaEstebanDomingo
 
hudyat-ng-pagkasunod-sunod1g7 l 1.pptx
hudyat-ng-pagkasunod-sunod1g7 l  1.pptxhudyat-ng-pagkasunod-sunod1g7 l  1.pptx
hudyat-ng-pagkasunod-sunod1g7 l 1.pptxferdinandsanbuenaven
 
Kahalagahan ng Pagsasalita
Kahalagahan ng PagsasalitaKahalagahan ng Pagsasalita
Kahalagahan ng PagsasalitaMejirushi Kanji
 
Mga Bahagi ng Teksto at mga Paraan.pptx
Mga Bahagi ng Teksto at mga Paraan.pptxMga Bahagi ng Teksto at mga Paraan.pptx
Mga Bahagi ng Teksto at mga Paraan.pptxLorenzJoyImperial2
 
422695891-Bahagi-Ng-Pananalita.pptx
422695891-Bahagi-Ng-Pananalita.pptx422695891-Bahagi-Ng-Pananalita.pptx
422695891-Bahagi-Ng-Pananalita.pptxConradJames8
 
Review Pagpapalawak ng pangungusap sa Filipino 10.pptx
Review Pagpapalawak ng pangungusap sa Filipino 10.pptxReview Pagpapalawak ng pangungusap sa Filipino 10.pptx
Review Pagpapalawak ng pangungusap sa Filipino 10.pptxcatherineCerteza
 
Pang_abay_powerpoint_presentation.pptxqwesd
Pang_abay_powerpoint_presentation.pptxqwesdPang_abay_powerpoint_presentation.pptxqwesd
Pang_abay_powerpoint_presentation.pptxqwesdMarivicBulao1
 
ibatibangmgamatalinghagangpahayag-230823213305-fb0b2ed1.pptx
ibatibangmgamatalinghagangpahayag-230823213305-fb0b2ed1.pptxibatibangmgamatalinghagangpahayag-230823213305-fb0b2ed1.pptx
ibatibangmgamatalinghagangpahayag-230823213305-fb0b2ed1.pptxCharmaineCanono1
 
Maikling Kuwento Ang Alaga.pptx
Maikling Kuwento Ang Alaga.pptxMaikling Kuwento Ang Alaga.pptx
Maikling Kuwento Ang Alaga.pptxAnaMarieZHeyrana
 
Gamit ng wika sa lipunan.
Gamit ng wika sa lipunan.Gamit ng wika sa lipunan.
Gamit ng wika sa lipunan.Erica Zinampan
 
orca_share_media1620815720280_6798193858836480663.pptx
orca_share_media1620815720280_6798193858836480663.pptxorca_share_media1620815720280_6798193858836480663.pptx
orca_share_media1620815720280_6798193858836480663.pptxNorizaBaarBocabo
 
Mga diskursong-ekspositori-at-argyumentatibo
Mga diskursong-ekspositori-at-argyumentatiboMga diskursong-ekspositori-at-argyumentatibo
Mga diskursong-ekspositori-at-argyumentatiboMai Nicole Olaguer
 
SINTAKSIS- report fil.213.pptx, MAT FILIPINO
SINTAKSIS- report fil.213.pptx, MAT FILIPINOSINTAKSIS- report fil.213.pptx, MAT FILIPINO
SINTAKSIS- report fil.213.pptx, MAT FILIPINOMarissaMalobagoPasca
 
Grade 8 Karunungang Bayan.ppt
Grade 8 Karunungang Bayan.pptGrade 8 Karunungang Bayan.ppt
Grade 8 Karunungang Bayan.pptmarryrosegardose
 
Q1-M3-Pagsulat ng Sariling Bugtong, Salawikain.pptx
Q1-M3-Pagsulat ng Sariling Bugtong, Salawikain.pptxQ1-M3-Pagsulat ng Sariling Bugtong, Salawikain.pptx
Q1-M3-Pagsulat ng Sariling Bugtong, Salawikain.pptxDinalynCapistrano2
 

Similar to PAMAMAHAYAG, EDITORYAL, PAMATNUBAY, BALITA.pptx (20)

hudyat-ng-pagkasunod-sunod (1).pptx
hudyat-ng-pagkasunod-sunod (1).pptxhudyat-ng-pagkasunod-sunod (1).pptx
hudyat-ng-pagkasunod-sunod (1).pptx
 
hudyat-ng-pagkasunod-sunod1g7 l 1.pptx
hudyat-ng-pagkasunod-sunod1g7 l  1.pptxhudyat-ng-pagkasunod-sunod1g7 l  1.pptx
hudyat-ng-pagkasunod-sunod1g7 l 1.pptx
 
Kahalagahan ng Pagsasalita
Kahalagahan ng PagsasalitaKahalagahan ng Pagsasalita
Kahalagahan ng Pagsasalita
 
Mga Bahagi ng Teksto at mga Paraan.pptx
Mga Bahagi ng Teksto at mga Paraan.pptxMga Bahagi ng Teksto at mga Paraan.pptx
Mga Bahagi ng Teksto at mga Paraan.pptx
 
422695891-Bahagi-Ng-Pananalita.pptx
422695891-Bahagi-Ng-Pananalita.pptx422695891-Bahagi-Ng-Pananalita.pptx
422695891-Bahagi-Ng-Pananalita.pptx
 
Pagsasalita
PagsasalitaPagsasalita
Pagsasalita
 
Review Pagpapalawak ng pangungusap sa Filipino 10.pptx
Review Pagpapalawak ng pangungusap sa Filipino 10.pptxReview Pagpapalawak ng pangungusap sa Filipino 10.pptx
Review Pagpapalawak ng pangungusap sa Filipino 10.pptx
 
Pang_abay_powerpoint_presentation.pptxqwesd
Pang_abay_powerpoint_presentation.pptxqwesdPang_abay_powerpoint_presentation.pptxqwesd
Pang_abay_powerpoint_presentation.pptxqwesd
 
ibatibangmgamatalinghagangpahayag-230823213305-fb0b2ed1.pptx
ibatibangmgamatalinghagangpahayag-230823213305-fb0b2ed1.pptxibatibangmgamatalinghagangpahayag-230823213305-fb0b2ed1.pptx
ibatibangmgamatalinghagangpahayag-230823213305-fb0b2ed1.pptx
 
Maikling Kuwento Ang Alaga.pptx
Maikling Kuwento Ang Alaga.pptxMaikling Kuwento Ang Alaga.pptx
Maikling Kuwento Ang Alaga.pptx
 
Anyo ng Pagpapahag
Anyo ng PagpapahagAnyo ng Pagpapahag
Anyo ng Pagpapahag
 
Gamit ng wika sa lipunan.
Gamit ng wika sa lipunan.Gamit ng wika sa lipunan.
Gamit ng wika sa lipunan.
 
orca_share_media1620815720280_6798193858836480663.pptx
orca_share_media1620815720280_6798193858836480663.pptxorca_share_media1620815720280_6798193858836480663.pptx
orca_share_media1620815720280_6798193858836480663.pptx
 
Mga diskursong-ekspositori-at-argyumentatibo
Mga diskursong-ekspositori-at-argyumentatiboMga diskursong-ekspositori-at-argyumentatibo
Mga diskursong-ekspositori-at-argyumentatibo
 
BALAGTASAN.pptx
BALAGTASAN.pptxBALAGTASAN.pptx
BALAGTASAN.pptx
 
talumpaticoruelabellana.pptx
talumpaticoruelabellana.pptxtalumpaticoruelabellana.pptx
talumpaticoruelabellana.pptx
 
SINTAKSIS- report fil.213.pptx, MAT FILIPINO
SINTAKSIS- report fil.213.pptx, MAT FILIPINOSINTAKSIS- report fil.213.pptx, MAT FILIPINO
SINTAKSIS- report fil.213.pptx, MAT FILIPINO
 
Grade 8 Karunungang Bayan.ppt
Grade 8 Karunungang Bayan.pptGrade 8 Karunungang Bayan.ppt
Grade 8 Karunungang Bayan.ppt
 
Q1-M3-Pagsulat ng Sariling Bugtong, Salawikain.pptx
Q1-M3-Pagsulat ng Sariling Bugtong, Salawikain.pptxQ1-M3-Pagsulat ng Sariling Bugtong, Salawikain.pptx
Q1-M3-Pagsulat ng Sariling Bugtong, Salawikain.pptx
 
Talumpati final
Talumpati finalTalumpati final
Talumpati final
 

Recently uploaded

LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxjessysilvaLynsy
 
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in FilipinoFILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipinodandemetrio26
 
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxPANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxJieMartinez1
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterssuser181c5c
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxPaulineHipolito
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaDaisyCabuagPalaruan
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedRICXIE1
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxarleenrodelas1
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxCarljeemilJomuad
 
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...FairyLouMejia1
 
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptxBUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptxRochAsuncion
 
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjFilipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjAhKi3
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptxAlyszaAbecillaPinion
 
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumDLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumVALERIEYDIZON
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxArielTupaz
 
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxSaint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxMartin M Flynn
 
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointLesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointRuvyAnnClaus
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxMarwinElleLimbaga
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxMarcChristianNicolas
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADlykamaevargas77
 

Recently uploaded (20)

LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
 
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in FilipinoFILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
 
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxPANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
 
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptxBUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
 
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjFilipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
 
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumDLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
 
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxSaint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
 
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointLesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
 

PAMAMAHAYAG, EDITORYAL, PAMATNUBAY, BALITA.pptx

  • 1. MGA URI NG PAMATNUBAY INTRODUKSON SA PAMAMAYAG AS11 FIL 113 Bb. SURJEDO, DIANA D.
  • 2. 1. KUMBENSYUNAL NA PAMATNUBAY • Tinatawag ding buod ng pamatnubay, karaniwan ang balita ay gumagamit ng ganitong paraan na tumatalakay sa naturang at tuwirang paraan. • Pinaka karaniwang uri na sumasagot sa mga tanong na: Sino? Ano? Saan? Kailan? Bakit? Paano?
  • 3. KATANUNGANG PAMATNUBAY • Ang uring ito ng pamatnubay ay ang pinakamatanda sa lahat ng uri na ginagamit ng mamahayag tulad ng Sino, Ano, Bakit, Paano, Kailan at Saan (5 W’s at H).
  • 4. A. Pamatnubay na Sino(Who Lead) •Ang pangalan ng kasangkot na may kinalaman sa pangyayari sa balita.
  • 5. B. Pamatnubay na Ano (What Lead) •Pinakamatuwid na pamatnubay na naghahayag ukol sa balita.
  • 6. C. Pamatnubay na Bakit (Why Lead) •Nagsasaad hinggil sa pinagmulan o sanhi ng itinampok na pangyayari.
  • 7. D.Pamatnubay na Paano (How) •Karaniwang ginagamit sa hindi inaasahang mg pangyayari at mga aksyon. Itinatampok ditto ang pamamaraan ng mga kaganapan.
  • 8. E. Pamatnubay na Kailan (When Lead) •Nagsasaad hinggil kung kalian naganap ang pangyayari.
  • 9. F. Pamatnubay na Saan (Where Lead) •Nagsasaad ng lugar kung saan naganap.
  • 10. 2. Di-kumbensyunal o Di-pangkaraniwan na Pamatnubay •Ang balitang lathalain ay gumagamit ng pamatnubay na ito. Inilalahad dito ang intension ng pagpupunyagi ng manunulat sa papapakilala ng kanyang balita sa paraang naiiba.
  • 12. • 1. Panggulat (Startler or Astonisher Lead) • -ginagamit ito kung ang tala ay lubhang mahalaga, nakakagulat, nakakagulantang o nakakasindak. • 2. Pinangyarihan o Sanligan (Background Lead) • -ito'y karaniwang ginagamit sa mga salaysay tungkol sa karnabal, sayawan, eksibisyon, pistahan, atbp.
  • 13. • 3. Tahasang Sabi (Direct Ooutation) • -ginagamit ito kung ang sinabi o sinipi ay higit na nakakatawag ng pansin o mas mahalaga kaysa taong nagsabi. Karaniwang ginagamit ito sa mga balitang tungkol sa talumpati (speech story) • 4. Tanong (Question Lead) • -ito'y ginagamit kung ang tanong ay may malaking • bahagi sa salaysay at kung ang tanong ay wala pang kasagutan. • 5. Paglalarawan (Descriptive o Picture Lead) • -ginagamit kung sa pamamagitan ng ilang salita ay • makakabuo ng malinaw na larawan sa isipan ng bumabasa.
  • 14. •6. Pagkakaiba (Contrast Lead) •-ginagamit ito upang maipakita o maipalitaw ang pagkakaiba ng dalawang bagay sa unang pangungusap ng balita. •7. Parodya (Parody Lead) •-binubuo ito ng mga palasak na kasabihan, kanta, tula, aklat o pamagat ng pelikula.
  • 15. •8. Isang salita •-sinisimulan ang lathalain sa isang makatawag pansing salita. •9. Pamatnubay na kakatwa •- ginagamitan ito ng tipograpikang epekto upang mapalakas ang hatak sa kawilihan ng mambabasa.
  • 16. • 10.Hiwa-hiwalay na salita o parirala • - binubuo ng sere ng mga salita o parirala na binabantasan ng mga tuldok, kuwit o gatlang. • 11. Pasalaysay • - inilalapit ang mambabasa sa istorya sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng pagkakataong iugnay ang sarili sa tauhan nito.
  • 17. • 12. Panukso • - ginagamit ito upang dayain sa pamamagitan ng pabirong pamamaraan ang mambabasa at mapukaw ang kanyang kurusidad na basahin ang istorya. • 13. Pontse • -ito ay isang maikli at makatawag-pansing pamatnubay
  • 19. • 1. Panggulat (Startler or Astonisher Lead) • -Kampeon na naman! • 2. Pinangyarihan o Sanligan (Background Lead) • Nagmistulang pook ng mga ninuno ang Freedom Park ng Lungs (BSED FIL. 3 ng Heneral Santos nang lahat ng mga estudyante at mga gurong lumahok sa kasukdulang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay nakaganyak ng mga lumang kausotang Pilipino.
  • 20. • 3. Tahasang Sabi (Direct Qoutation) • "You stole the presidency, not only once but twice!" • Ang sigaw ni Susan Roces, biyuda ni Fernando Poe Jr. na kumandidato sa pagkapangulo, sa sang pagtitipon ng mga nasa oposisyon, bilang pagtuligsa sa umano'y pandaraya ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa eleksyon noong 2004. • 4. Tanong (Question Lead) • -Paano mo malalamang tunay o peke ang iyong pera? • 5. Paglalarawan (Descriptive o Picture Lead) • Kalong ang maglitimang buwang sanggot, hindi napigitan ni Gng. • Norma Alcantana ang kanyang mga luha nang marinig niyang ang kanyang asawang si kpaitan Romeo Alcantara ay hinatulan ng kamatavan.
  • 21. • 6. Pagkakaiba (Contrast Lead) • -Noong mga 1960's ang sampung sentimong barya ay isa nang malaking kayamanan, ngayon ingapak- apakan na lamang ito sa daan. • 7. Parodya (Parody Lead) • "Minsan ka lang mabuhay, ngunit kung isabuhay mo ito nang tama, ang minsan ay sapat na."
  • 22. • 8. Isang salita • "Khorosho!" • 9. Pamatnubay na kakatwa • -Ipinagbibili: isang kidney • 10. Hiwa-hiwalay na salita o parirala • -Kidnapping. Terorismo. Kalamidad. At tiwaling pamamalakad ng mga nasa ginintuang upuan ng ating pamahalaan. Ang pagsasama-sama ng mga ito sa kasalukuyang panahon ang nagpapalublob sa ekonomiya ng ating bansa.
  • 23. • 11. Pasalaysay • -Noong unang panahon sa kasaysayan ng Olimpyada, ayon sa mga 5 mananalaysay, ang mga sinaunang atleta ay hubad na nagpapaligsaha PED 11 sa mga laro. Dahil ang mga palan ay ginagawa tuwing tag-araw, ang CBSED FIL 3. • pagsusuot ng damit ay itinuturing na sagabal at nakapagpapahina ng bilis ng mananakbo. Sa kabutihang palad, ipinagbabawal sa mga baba anq manood nito.
  • 24. • 12. Panukso • -Saan ba nagpapatubo ang baba ng pinakakulot na buhok? Sympre sa Africa. Ngunit doon ba talaga? • 13. Pontse • -Tatlong ulit na siyang nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pamamagitan ng pagbibigti hanggang sa mamatay siya sa bangungot.
  • 25. •Mga Dahilan Ng Paggamit Ng •Makabagong Pamatnubay • 1. Mapabuti ang kalidad ng pagiging basahin ng akda • 2. Mapukaw ang kawilihan ng mambabasa • 3. Maragdagan ang kalakasan at kulay ng akda • 4. Mahamon ang kakayahan ng manunulat
  • 26. • Kailan Ginagamit Ang Makabagong • Pamatnubay? • 1. Kung mayroong ma datos na hindi pantuwirang balita • sa kabuuan. • 2. Kung may mga datos na mas higit na kawili-wili kung • gagamitan ng kakaibang paraan sa paglalahad nito. • 3. Kung ang paggamit ng makabagong pamatnubay ay tila • natural lamang, angkop at Malaya. • 4. Kung ang layunin ng pamatnubay ay pukawin ang • kawilihan ng mambabasa.
  • 28. ••Sugnay- Ang Sugnay ay bahagi ng pangungusap na may paksa o simuno at panaguri ngunit hindi buo ang diwa. •Hal: •Kinikilala ang talino at galing ng mga Pilipino sa ibang •bansa kaya sila'y hinahangaan.
  • 29. • Dalawang Uri ng Sugnay • Sugnay na makapag-iisa - ito ay maaaring tumayo bilang • payak na pangungusap. • Hal: • Nagtapos siya ng pag-aaral para gumaan ang kanilang buhay. • Sugnay na di makapag-iisa - mayroon itong paksa at panaguri • ngunit hindi buo ang diwa ng ipnahahayag. Kailangan nito ng • sugnay na makapag-iisa upang mabuo ang diwa.
  • 30. • Parirala- ang Parirala ay bahagi ng pangungusap na walang buong diwa. • Hal: sa ibang bansa Mga Pilipinong manggagawa • • Pang-uri- ang Pang-uri ay ang bahagi ng pananalitang nagbibigay- turing sa pangngalan at panghalip. • Pang-uring panlarawan- • Halimbawa: matayog a pangarap, malapalasyong bahay • 2. Pang-uring pamilang-Halimbawa: • di-tiyak: mga, marami, kaunti tiyak: dalawa, isa, sampu, etc... tig-apat
  • 31. • Sugnay na Pananhi (Causal Clause) • Binubuo ng isang sugnay na di makapag-isa na nagsisimula sa alin mang pangatnig na pananhi tulad ng dahil sa, dahil kay, gaya ng, palibhasa, paano, mangyari, kasi, kundangan , alang-alang sa atbp. • Ex. Dahil sa maraming reklamo tungkol sa mga nawawalang aklat, ipinasara ng punungguro ang pintuan ng silid-aklatan kahapon.
  • 32. • •Sugnay na Pasubali (Conditional Clause) Binubuo ng isang sugnay na di makapag-lisa na nagsisimula sa alin man sa mga pangatnig na panubali tulad ng: kung, kapag, kundi, pagka, disin, sakali, sana, atbp • Ex. Kung hindi papayag ang pangulo ng • PTA na bumili ng bagong komputer para sa patnugutan, mapipilitang magdaos ang mga mag-aaral ng isang pambenepisyong sayawan.
  • 33. • Sugnay na Paninsay (Concessive Clause) • binubuo ng isang sugnay na di-makapag-lisa • na nagsisimula sa pangatnig na paninsay • tulad ng: kahit na , bagaman, gayong atbp. • Ex. Bagaman lalabing-anim na taon lamang si • Rosa David ng Paaralang Sekundarya g • Lungsod Quezon, siyay napili na lalahok sa • paligsahang Binibining Pilipinas sa darating na • Biyernes.
  • 34. • Sugnay na Patakda (Temporal Clause) nagsasaad ng takdang panahon; binubuo ng sughay na di-makapag-iisa na nagsisimula sa salitang: nang, habang, bago, simula nang, at samantala. • Ex. Samantalang pinaghahandaan pa lamang ng mga mag-aaral ang nakatakdang pagtatanghal, binayaran na sila kaagad ng kanilang tagapangasiwa.
  • 35. • • Sugnay na Pangngalan ( Noun Clause) binubuo ng sugnay na di-makapag-isa na ginagamit na simuno o tuwirang layon; •Ex. -- Na dinagsaan ng mga manunuod ang pagtatanghal ng "Malakas at Maganda" sa PNC Auditorium ay pinatunayan ng maraming araw na pagpapalabas nito.
  • 36. • • Pariralang Pawatas (Infinitive Clause) • nagsisimula sa pawatas ( nasa anyong pangngalang diwa ngunit walang panahunan) na banghay sa um o mag. • Ex. Ang tumulong sa mga batang mamamahayag ang pangunahing layunin ni • G. Teodoro Valencia, isang tanyag na mamamahayag at kolumnista,kayat ang Teodoro Valencia Foundation ay nagbibigay ng iskolarship sa mga nagwawagi sa pambansang paligsahan sa pamamahayag.
  • 37. • Pariralang Pang-ukol ( Prepositional Phrase) • Nagsisimula sa pang-ukol tulad ng sa, ukol sa, hinggil sa , tungkol sa, para sa, atbp. •Ex. Para sa kapakanan ng mamamayang Pilipino, sinikap ng pangulo ng kapisanan na mapaunlad ang kalagayang pangkabuhaya ng pamayanan.
  • 38. • Pariralang Pangngalang Pandiwa (Gerundial Phrase) •Nagsisimula sa pangngalang diwa ( pandiwang may unlaping pag) •Ex. Ang pagpapalinis at pagpapaganda ng purok ay ang tanging layunin ng Punong Guro na si Bb. •Mabini A. Gonzales.
  • 40.
  • 41. Layunin; A. Natutukoy ang mga katangian ng balita; B. Nauunawaan ang katuturan ng balita; C. Nagpapakita ng kawilihan sa pagbabasa at pagsusulat ng balita.
  • 42. Katuturan ng Balita Ang balita ay napapanahon at makatotohanang ulat ng mga pangyayaring naganap na, nagaganap at magaganap pa lamang.
  • 43. Ito ay maaaring maibahagi sa pamamaraang pasalita, pasulat at pampaningin. Pasalita ito, kung ang ginawang midyum ay ang radio at telebisyon; pasulat naman kung ito ay ipinalimbag sa pahayagan at iba pang uri ng babasahin; at pampaningin kung ang midyum ay ang telebisyon at sine.
  • 44. Mga Katangian ng Balita Kawastuhan -ang mga datos ay inilahad nang walang labis, walang kulang Katimbangan – inilahad ang mga datos na walang kinikilingan sa alinmang panig na sangkot. Makatotohanan– ang mga impormasyon ay tunay at aktuwal at hindi gawa-gawa lamang. Kaiklian- ang mga datos ay inilahad nang diretsahan , hindi maligoy.
  • 45. Mga sangkap ng Balita Ang isang balita ay nagiging balita lamang kung ito ay nakakapukaw ng interes ng mga tagapakinig o mambabasa. Kaya maaaring sabihing ang anumang kaganapan na balita para sa isa ay hindi balita para sa iba.
  • 46. Narito ang mga sangkap ng balita na maaaring makapagbigay ng interes sa mga tagapakinig at mambabasa. Kapanahunan - Ito ay bago pa lamang nangyari o maaaring matagal nang ngunit ngayon lamang natuklasan. Kalapitan - Mas interesado ang mga tagapakinig o mambabasa na malaman ang nagyayari sa kanilang paligid o pamayanan kaysa sa malalayong lugar.
  • 47. ♦Kabantugan –Tumutukoy sa pagiging prominente o kilala ng taong sangkot sa pangyayari. Kakatwahan o Kaibahan Mga pangyayaring di karaniwan tulad halimbawa ng isang tao na nangagat ng aso o ng isang hayop na dalawa ang ulo.
  • 48. ♦ Tunggalian Ito ay tumutukoy hindi lamang sa laban ng tao laban sa kapwa tao, maaari rin itong pakikibaka ng tao laban sa kalikasan o ng tao laban sa kaniyang sarili.
  • 49. M a k a t a o n g K a w i l i h a n Ito ay tumutukoy sa m g a p a n g y a y a r i n g nakapupukaw sa iba’t-ibang uri ng emosyon ng tao: pag-ibig, poot , simpatiya, inggit at iba pa.
  • 50. Romansa at Pakikipagsapalaran Tinatalakay dito hindi lamang ang buhay pag-ibig ng isang tao katulad ng mga artista kundi ang pakikipagsapa- laran din ng mga ordinaryong tao tulad ng pagliligtas ng batang si Rona Mahilum sa sa kaniyang mga kapatid sa nasusunog nilang bahay.
  • 51. Pagbabago at Kaunlaran Anumang pagbabago at kaunlarang nangyayari sa pamayanan ay maaaring paksain ng balita tulad ng pagpapatayo ng mga bagong gusali, kalsada, pamilihang bayan at iba pa.
  • 52. Bilang o Estadistika - Halimbawa nito ay ang mga ulat ukol sa pananalapi, resulta ng eleksyon at iba pa. Pangalan - Tumutukoy sa mga pangalang nasasangkot sa balita tulad ng mga nakapasa sa mga board examinations.
  • 53. Hayop Halimbawa nito ay ang mga bagong inakay ng Philippine Eagle mula sa itlog na nabuo sa pamamagitan ng artipisyal inseminasyon. Kalamidad Kapag nagkaroon ng malakas na bagyo, lindol, pag- putok ng bulkan at iba pa, karaniwang pinapaksa ng balita ang mga pinsalang dulot nito.
  • 54. Mga Uri ng Balita A. Ayon sa istilo ng pagkalahad ng datos 1. Tuwirang Balita Diretsahan ang pagkahanay ng mga datos at ginagamitan ng kombenkombensyonal o kabuurang pamatnubay. 2. Pabalitang Lathalain Hindi diretsahan ang paglalahad ng datos at ginagamitan ng makabagong pamatnubay.
  • 55. B. Ayon sa lugar na pinangyarihan 1.Lokal na Balita Kung ang kinasasaklawan ng pangyayari ay sa pamayanang kinabibilangan o tinitirhan ng taga- pakinig o mambabasa. a. pambarangay d. panlalawigan b. pambayan e. panrehiyon c. panlunsod f. pambansa 2. Balitang Pang-ibang Bansa
  • 56. C. Ayon sa nilalaman ♦ Pang-agham at teknolohiya ♦ Pangkaunlarang komunikasyon ♦ Pang-isports o pampalakasan
  • 57. D. Ayon sa pinagbabatayan o pinag- kukunan 1. Batay sa aksyon Ang manunulat / mambabalita ay naroon mismo sa lugar na pinangyarihan ng aksyon o pangyayari.
  • 58. 2. Batay sa Tala Kung ang pinagbabatayan ng balita ay mga talang nakalap mula sa talaan ng pulisya, ospital at iba pang ahensya.
  • 59. 3. Batay sa Talumpati Kung ang pinagkukunan ng datos ay ang talumpati ng mga kilalang tao. 4. Batay sa pakikipanayam Kung ang mga datos ay nalikom sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga taong sangkot o may alam sa pangyayari.
  • 60. E. Ayon sa pagkakaayos o pagkakaanyo sa pahina 1.Balitang may iisang tala Tumatalakay sa iisang pangyayari lamang 2. May maraming talang itinampok Naglalahad ng higit sa isang pangyayari na naganap sa iisang araw at halos magkaparehong oras.
  • 61. 3. Balitang Kinipil Balitang pinaikli na lamang dahil sa kawalan ng espasyo. 4. Dagliang Balita Pahabol na balita na dahil sa kawalan ng ispasyo ay nilagyan na lamang ng salitang flash at kasunod nito ang isang linya o talatang nilalaman.
  • 62. 5. Balitang pangkatnig Maikling balita na isinulat ng hiwalay ngunit kaagaapay sa kaugnay na pangunahing balita. 6. Bulitin Habol at karagdagan sa mahalagang balita at inilagay sa pangmukhang pahina na nakakahon at nasa tipong mariin.
  • 63. F. Ayon sa pagkakalahad ng nilalaman 1. Balitang pamukaw-kawilihan Karaniwang maiikling balita tungkol sa tao, bagay, hayop na umaantig sa damdamin ng mambabasa.
  • 64. 2. Balitang nagpapakahulugan Nagpapaunawa sa mambabasa tungkol sa dahilan, saligan, katauhan ng mga pangunahing sangkot at kahalagahan ng isang pangyayari.
  • 65. Ang Pamatnubay Pamatnubay ang tawag sa una at pangalawang talata ng balita. Nagsisilbi itong pang-akit sa mga mambabasa dahil ito ang pinaka- buod ng balita. Sa akdang lathalain o pabalitang lathalain, ito ay maaaring isang salita, parirala, pangungusap o isang talata.
  • 66. Mga Uri ng Pamatnubay 1. Kombensyonal o Kabuuurang Pamatnubay Sinasagot nito ang mga tanong na Ano?, Sino?, Saan?, Kailan?, Bakit? at Paano?
  • 67. Ang balita ay inilalahad sa baligtad na piramide kung saan ang mga Mahahalagang datos ay nasa una at pangalawang talata. Karaniwang ginagamit sa tuwirang balita.
  • 68. 2. Makabagong Pamatnubay Ginagamitan ng pangganyak na panimula ang akda upang akitin ang mambabasang basahin ang kabuuuan nito. Karaniwang ginagamit ito sa pagsulat ng Pabalitang Lathalain.
  • 69. Mga Uri ng Kombensyonal na Pamatnubay 1. Pamatnubay na Ano Kung ang pinakatampok sa balita ay ang pangyayari. Halimbawa: Isang lindol ang yumanig sa lalawigan ng Sorsogon at Masbate na ikinamatay ng tatlong tao at ikinasira ng mga bahay at gusali kahapon ng madaling araw.
  • 70. 2. Pamatnubay na Sino Kung higit na pinakatampok ang tao o organisasyong kasangkot sa pangyayari. Halimbawa: Binawi ni Nueva Vizcaya Rep. Rodolfo Agbayani, kasapi ng LDP ang kaniyang pirma sa impeachment complaint na inihain ng oposisyon, kahapon, matapos itong katayin sa komite.
  • 71. 3. Pamatnubay na Saan Kung higit na mahalaga ang lugar na pinangyarihan kaysa sa gawain o tao na kasangkot dito. Halimbawa: Sa Naga City ginanap ang 2009 National Schools Press Conference na dinaluhan ng mga batang manunulat sa buong bansa.
  • 72. 4. Pamatnubay na Kailan Hindi gaanong gamiting pamatnubay dahil ginagamit lamang ito kung higit na mahalaga ang petsa kaysa sa iba pang aspeto ng mga pangyayari. Halimbawa: Hanggang sa Abril 18 na lamang ang palugit na ibinigay ng BIR para sa pagababayad ng buwis sa taunang kita.
  • 73. 5. Pamatnubay na Bakit Kung ang dahilan o sanhi ng pangyayari ang pinakamahalaga. Halimbawa: Upang mapalawak at madaling maipaabot sa mga mamamayan ang mga serbisyo ng pamahalaan, inilunsad ng Sangguniang Panlunsod ng Quezon sa pamumuno ni Mayor Sonny Belmonte ang “City Hall sa Barangay”
  • 74. 6. Pamatnubay na Paano Kung ang kaparaanan ng pangyayari ang pinakamabisang anggulo na dapat itampok. Halimbawa: Nagkunwaring naghahanap ng mapapasukan, isang babae ang tumangay ng malaking halaga ng salapi at mga alahas ng isang ginang sa Lunsod ng Baguio, pagkatapos itong tanggapin bilang katulong.
  • 75. Sa pagpapasya kung aling uri ng kombensyonal na pamatnubay ang itatampok,dapat munang alamin ng manunulat kung aling anggulo ng balita ang higit na mahalaga. Kapag parehong matimbang ang Ano at Sino, unang itatampok ang Sino dahil higit na mahalaga ang tao kaysa sa mga bagay at pangyayari.
  • 76. Pamatnubay na nakagugulat • Maari ito ay isang salita o maikling angungusap. • Hal. Katarungan! Ito ang sigaw ng mga Overseas Contract Workers na siyang tinaguriang makabagong bayani ng bansa sa ginanap na Press Conference sa National Press Club dahil sa pagkamatay nina Delia Maga at Flor Contemplacion.
  • 77. Naglalarawang Pamatnubay • Naglalarawan ng mga pangyayaring mahalaga na may kaugnayan sa isang natatanging okasyon o pangyayaring may kaugnayan sa napakahalagang pangyayari.
  • 78. Pamatnubay na naghahambing ng dalawang pangyayari (Contrast Lead) • Binuhay ng Edsa 1986 ang natutulog na damdaminng makabayan ng mga Pilipino, pinukaw naman ng pagdiriwang ang 10th World Youth Day ang nanghihinang pananalampalataya ng buong sambahayan.
  • 79. Pamatnubay na Patanong • Patanong ang simula ng pamatnubay. • Hal. Maunlad na kaya ang Pilipinas sa taong 2008?
  • 80. Pamatnubay na Masidhi ang paglalarawan • Halos kauri ito ng descriptive lead, ang natatanging pagkakaiba nito sa huli higit na nakakaakit ito dahil sa emosyon, sa panahong nagsusulat ang reporter ay sumasanib sa kaniya ang lungkot ng damdamin at emosyon ng kaniyang paksa.
  • 81. Siniping pamatnubay • Maaring ito ay mula sa kasabihang Pilipino, sa mga salawikain na inuugnay sa isang pangyayari. Kalimitan ang mga balitang galing sa interview, talumpati, forum, seminar ay ginagamitan ng siniping pangungusap.
  • 82. Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng mabisang Pamatnubay: 1. Gumamit ng payak na pangungusap 2. Huwag isulat ang lahat ng kasagutan sa mga tanong na Ano, Sino, Saan, Kailan, Paano at Bakit sa isang pangungusap lamang, kung ito ay makasisira sa kaisipan ng talata at makalilito sa mambabasa. Alalahaning ang pangalawang talata ay pangalawang pamatnubay rin.
  • 83. 3. Huwag uliting gamitin ang mahalaga o di-karaniwang salita sa isang pangungusap. 4. Iwasan ang pag-uulit ng mga sugnay, parirala at mga iba pang katulad nitong gramatikong kayarian.
  • 84. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Balita 1. Isulat kaagad ang balita matapos makalap. 2. Itala ang mga datos ayon sa pababang kahalagahan. 3. Unahing itampok ang pinakamahalagang datos bilang pamatnubay.
  • 85. 4. Ibigay ang buong pangalan ng taong awtoridad o pinagkunan ng datos at kaniyang katungkulan. Sa muling pagbanggit sa kanya ay gamitin na lamang ang G. at apelyido ng lalaki at Bb. o Gng. at apelyido ng babae o anumang titulo na angkop sa kanya.
  • 86. 5. Iwasang magbigay ng opinyon sa balita. 6. Maging tumpak sa paglalahad ng datos. 7. Gawing maikli ang talata. 8. Gumamit ng mga payak na salita. 9. Gawing maiikli ang pangungusap at pag-ibaibahin ang haba nito
  • 87. 10. Gamitin ang pangungusap na tukuyan kaysa sa balintiyak. 11. Isulat ang tuwiran at di tuwirang sabi sa magkahiwalay na talata. 12. Ilahad ang dalawang panig ng mga taong sangkot sa balita. 13. Gawing pasalita ang bilang 1 hanggang 9 at gawing tambilang ang 10 pataas.
  • 88. Kaayusan ng Balita Ang kaayusan ng paglalahad ng mga datos sa balita ay sumusunod sa baligtad na piramide tulad ng nasa ibaba:
  • 89. Ang kaayusang baligtad na piramide ay nakatutulong sa mga sumusunod na dahilan: 1.Napapadali ang pagbabasa. Karaniwan sa mga mambabasa ay abala, kung kaya ang paglagay ng mga mahahalagang datos sa unahan ng balita, ay nakapagpapatipid sa kanila sa panahon, dahil sa pamatnubay pa lang ay nakukuha na nila ang buod ng istorya.
  • 90. 2. Napapadali ang pag-aayos ng ispasyo, dahil kung kulang ang ispasyo, maaari nang putulin ang huling bahagi ng balita na hindi nawawala ang mahalagang datos nito. 3. Napapadali ang pagsulat ng ulo ng balita dahil sa unang dalawang talata na naglalaman ng mahahalagang datos ay maaari nang mapagkunan ng itatampok sa ulo ng balita.
  • 91. Mga Tuntunin sa Pagtatalata ng Balita 1. Ang talata ay hindi sumusobra sa 75 na salita. 2. Ilagay ang mahahalagang datos sa unahan ng talata. 3. Iwasan ang paggamit ng mga magkatulad na mga salita o mga sugnay sa simula ng magkasunod na talata.
  • 92. 4. Huwag ilagay ang tahasang sabi at buod nito sa isang talata. 5. Ang isang pangungusap na talata ang pinakagamitin sa balita ngunit kung hindi maiiwasan ang paggamit ng mahigit sa isang pangungusap, hindi ito dapat na sumobra sa 3 pangungusap.
  • 93. 6. Isaayos ang mga talata ayon sa pababang kahalagahan upang kung kukulangin sa ispasyo ay maaaring putulin ang mga huling talata na hindi naaapektuhan ang nilalaman nito.
  • 94. Mga Katangian ng Isang Manunulat ng Balita 1. Matalas ang pang-amoy sa balita. -Alam kung saan makapangalap ng datos. -Marunong kumilatis kung alin ang anggulo sa pangyayari na itatampok sa balita. -Madaling makakilala ng mga kaganapang karapat-dapat ibalita.
  • 95. 2. Mapagtanong 3. Matiyaga 4. Makatarungan at walang kinikilingan 5. Totoong interesado sa tao. 6. Laging mapaghanap ng buong katotohanan
  • 96. 7. Mapamaraan 8. Malawak ang kaalaman sa talasalitaan at gramatika 9. Alam ang sariling kalakasan 10. Mapagbasa
  • 98. 1. Sumasagot sa 5W’s at 1H. 2. May maaksyong ulo ng balita. 3. May malinaw na pamatnubay. 4. Maaksyon ang nilalaman. 5. Sumusunod sa Inverted Pyramid o Decreasing Importance.
  • 99. 6. Buo ang mga detalye. 7. Walang paliguy- ligoy. 8. Walang opinyon. 9. May 3 bahagi hanggat maaari: Pamatnubay, Katawan at Pawakas. 10. Derecho at walang pinapanigan. 11. Nakapokus sa mga isyung pampaaralan.
  • 100. Gawain : •Ibigay ang Ano, Sino, Saan, Kailan, Bakit at Paano sa kasunod na mga balita.
  • 101. 167 katao, patay sa leptospirosis • Umaabot na sa 167 katao ang namatay sa sakit na leptospirosis na karamihan sa mga biktima ay residente ng binahang mga lugar sa mga Lunsod ng Pasig at Marikina. • Ayon pa kay Dra. Yolanda Oliveros ng Department of Health- National Center for Disease Prevention, tumaas na sa mahigit 2,000 ang naitalang kaso ng may sakit na leptospirosis na nag-umpisa ilang araw matapos hagupitin ang Metro Manila at ilang karatig lalawigan ng bagyong Ondoy. • Ang leptospirosis ay isang uri ng sakit na nakukuha mula sa ihi ng daga na karaniwan nang sumasama sa tubig-baha. • Magugunita na ang mga lunsod ng Marikina, Pasig sa Metro Manila at ang bayan ng Cainta, Rizal ang pinakagrabeng tinamaan ng flush flood, kaya dito rin nagkaroon ng paglaganap ng sakit na leptospirosis. • Sinabi ni Dra. Oliveros na ang sintomas ng leptospirosis ay ang pamamanhid ng katawan, paninilaw ng balat, sakit sa ulo, tiyan, pagtatae, pamumula ng puti ng mata,
  • 102. EDITORYAL Taga-ulat: Aguilar, Jona Buaya, Guendolyn Jumawan, Judy Laquio, Keinth Mancenero, Jam Medez, Charmae Olila, Erlyn
  • 103. Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Editoryal 1.Tiyaking nauunawang mabuti ang sitwasyon o isyu . 2.Tiyakin ang paksa ay kawili-wili sa mga mambabasa. Piliin ang pinakabago at kontrabersyal na isyu.
  • 104. 3.Limitahan ang akda sa isang aspeto lamang ng piniling paksa. 4.Magkaroon ng tiyak na layunin sa pagsulat ng akda. 5.Mangalap ng sapat na datos. 6.Magkaroon ng pinapanigan sa isang kontrobersyal na isyu.
  • 105. 7.Gumamit ng matibay at makatarungang pangangatwiran. 8.Gawing maikli lamang ang akda. Hangga't maaari, limang talata lamang.
  • 106. 9.Gawing makatawag pansin at kawili- wili ang panimula na binubuo ng batayang balita at reaksyon. 10.Magbigay ng mahahalaga at makabuluhang detalye upang maging kapani-paniwala ang iyong opinyon.
  • 107. 11.Gawing pormal ang pananalita at paglalahad ng opinyon. 12.Kung magbigay ng argumento, sumulat sa pinakamahalaga. 13. Maging maawtoridad, ngunit huwag mangaral o manermon.
  • 108. 14.Huwag sulatin sa unang panauhang "ako" sa halip ay kami" maliban kung gumamit ng tuwirang sabi. 15.Gumamit ng iba't ibang pamamaraan upang pukawin at panatilihin ang kawilihan ng mambabasa. 16.Tulad ng ibang akdang pampahayagan, kailangang taglay ng editoryal ang tuntunin ng kaisahan, kalinawan, kaugnayan at kariinan sa pagsulat ng akda.
  • 109. MGA BAHAGI NG EDITORYAL 1. Pamagat - May kinalaman sa paksa - Hindi hihigit sa limang talata Halimbawa: * Nakakabinging babala * Bakuna na nakakalunas
  • 110. 2. Panimula - Straight news at ang reaksyon - Balitang pinagtutungkulan - One word phrase introduction
  • 111. 3. Katawan - detalye ng opinyon - katibayan
  • 112. 4. Katapusan - Solusyon - Konklusyon - Suhestiyon
  • 118. EDITORYAL Ang editoryal ay isang akdang nagbibigay ng kuru- kuro o opinyon ng patnugutan ukol sa napapanahong isyu. Layunin nitong ipabatid ang mga patakaran at prinsipyo ng pahayagan. Maaari itong magpabatid, magpakahulugan, bumatikos, tumuligsa, o humikayat sa mambabasa upang pumanig sa prinsipyo nito.
  • 119. MGA KATANGIAN NG EDITORYAL 1.Kawili-wili 2.Malinaw at mabisa ang pangangatwiran at may kapangyarihang umimpluwensya ng opinyon ng mambabasa. 3.Makatotohanan at naglalaman ng mga impormasyon bilang suporta sa ipinaglalabang panig. 4.Maikli lamang
  • 120. MGA URI NG EDITORYAL 1. Editoryal na nagpapabatid 2. Editoryal na nagpapakahulugan 3. Editoryal na nakikipagtalo 4. Editoryal na namumuna 5. Editoryal na nanghihikayat 6. Editoryal na nagpaparangal 7. Editoryal na nagpapahalaga ng natatanging araw
  • 121. 1. Editoryal na nagpapabatid 2. Editoryal na nagpapakahulugan Nagbibigay lamang ng impormasyon tungkol sa isyung pinag-uusapan at wala ng iba. •Nagbibigay rin ito ng mga impormasyon tungkol sa isyu,ang pinakalayunin nito ay ang magpakahulugan sa pangyayari, sitwasyon o isyu. Mga Uri ng Editoryal
  • 122. 3. Editoryal na nakikipagtalo Maaari rin itong magbigay ng impormasyon tungkol sa isyu at magpakahulugan, ngunit ang namamayani nito ay ang layuning hikayatin ang mambabasang paniganang ipinaglalabang paniniwala o ideya ng patnugutan. Mga Uri ng Editoryal 4. Editoryal na namumuna May pagkakatulad ito sa editoryal na nakikipagtalo. Ang kaibahan lamang nito ay inilalahad ng manunulat ang kabutihan at di-kabutihan ng pangyayari o isyu, bagamat isa rito ang pinapanigan ng patnugutan.
  • 123. 5.Editoryal na nanghihikayat 6.Editoryal na nagpaparangal Mga Uri ng Editoryal Layunin nitong hikayatin ang mga mambabasa na sumuporta sa programa o planong aksyon sa pamamagitan ng pag-iisa-isa sa mga kabutihan na maaaring idudulot nito. Naglalaman din ito ng panawagan na pagkilos. Nagbibigay-puri sa mabubuting nagawa ng tao o institusyon. 7.Editoryal na nagpapahalaga ng natatanging araw Tumatalakay sa kahalagahan ng mga tanging okasyon tulad ng Araw ng Kalayaan, Araw ng mga Patay, Pasko at iba pa.
  • 124.
  • 125. Ang kartung editoryal ay isang palagiang bahagi ng pahinang editoryal. Ito ay editoryal na nakaguhit. Layunin nitong ilarawan sa pamamagitan ng impormal na guhit ang panig ng patnugutan tungkol sa isang isyu. Maliban dito, nagsisilbi rin itong pang-aliw o pampagaan ng loob sa gitna ng mga seryosong paglalahad ng mga opinyon tungkol sa iba’t ibang isyu.
  • 126. Mga Dapat Tandaan sa Pagguhit ng Kartung Editoryal 1. Limitahan ang paggamit ng mga salita at label. 2. Gumamit ng sariling istilo at huwag mangopya. 3. Magkakaroon ng sariling istilo at huwag mangopya. 4. Ituon ang pagguhit sa iisang paksa lamang. 5. Limitahan sa tatlo hanggang sa limang bagay ang iguguhit na tutulong upang mailarawan ang kaisipang nais ipabatid sa mga mambabasa. 6. Ilarawan nang husto ang ekspresyon ng mukha ng taong iguguhit, pati na ang pagkakakilanlan nito tulad ng buhok at nunal ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, kilay ni dating Speaker Jose De Venecia at iba pa. 7. Maaaring gumamit ng alusyon upang higit na mapatindi ang dati ng kartung editoryal sa mambabasa tulad ng paggamit ng mga sanligang kalbaryo, paggamit ng mga superhero at iba pa.
  • 127. Mga Hakbang sa Pagguhit ng Kartung Editoryal 1.Alamin ang pangunahing isyu na nais iguhit ng karton. 2.Alamin ang panig ng patnugutan tungkol sa isyu. 3.Gumuhit sa tulong ng pinakamabisang simbolo na aakma sa pangkalahatang opinyon ng patnugutan tungkol sa isyu. Mga Karaniwang Simbolo sa Pagguhit ng Kartung Editoryal 1.lapis, pluma, pahayagan- pamahayagan, karapatan sa pamamahayag 2.kalapati- kalayaan, kapayapaan, demokrasya
  • 128. 3. salakot- Juan dela Cruz, karaniwang mamamayang Pilipino 4. kadena- paniniil sa kalayaan, pang- aapi o pag-aalipin 5. kamatayan at karit- panganib, kapahamakan 6. heringgilya- parusang kamatayan, adiksyon sa droga 7. buwaya- abusado, mapagsamantala 8. buto’t balat na bata- kahirapan 9. malyete- husgado, batas 10. babaeng may piring at may dalang timbangan- katarungan 11. mga alon- mga hadlang, pagsubok 12. maskara- mapagkunwari, pagpapanggap 13. agila- katapangan 14. bareta na ginto- kayamanan, karangyaan 15. mataas na gusali- kaunlaran 16. susi- daan tungo sa tagumpay o kaunlaran 17. malaking bato sa daan- balakid sa anumang mithiin 18. bungo at dalawang nagkrus na buto- kamatayan, kapahamakan 19. sumisikat na araw- pag-asa 20. taong may maraming tatu- kriminal, masamang tao, dating bilanggo
  • 129. Kartung Editoryal sa Iba’t Ibang Anyo Ang isang isyu ay maaaring iguhit ng kartung editoryal hindi lamang sa iba’t ibang simbolo, kundi sa iba’t ibang panig at uri ng editoryal. Sa paligsahan sa pagguhit ng kartung editoryal, mahalagang pag-isipan munang mabuti kung sasang-ayon o tutol ka ba sa napapanahong isyu o gusto mo bang magpakahulugan, magbigay ng puna tungkol sa pampublikong usapin o magbigay ng parangal sa isang tao o organisasyong nakagawa ng kabayanihan at magpapahalaga sa isang natatanging araw.
  • 131.
  • 132.
  • 133.
  • 135. KOLUM Naglalaman ng kuru-kuro, ideya, opinion at paninindigan ng manunudling o kolumnista tungkol sa isa o higit pang paksa.
  • 136. LAYUNIN NG KOLUM 1. Magbigay ng Opinyon: Ang isang pangunahing layunin ng kolum ay magbigay ng personal na opinyon o pananaw ng kolumnista sa isang partikular na isyu o paksa.
  • 137. 2. Magbigay ng Pagsusuri -Ang mga kolum na may layuning magbigay ng pagsusuri ay sumasalamin sa kritikal na pagtingin ng kolumnista sa mga pangyayari, polisiya, o mga kaganapan. 3. Magpabatid ng Impormasyon -Ang ibang mga kolum ay may layuning maghatid ng impormasyon tungkol sa mga bagay na nauugnay sa paksa ng kolum. 4. Mang-akit ng Interes - Ang mga kolum na may layuning mang-akit ng interes ay naglalayong magbigay ng mga pambihirang istorya, mga puna, o mga karanasan upang humikayat at magpukaw ng interes ng mga mambabasa. 137
  • 138. 5. Mangatwiran o Makumbinsi Sa ilang mga kolum, ang layunin ay mangatwiran o makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang partikular na posisyon, paniniwala, o pagkilos. 6. Maglahad ng mga Solusyon o Alternatibo: Sa ibang mga kolum, ang layunin ay maglahad ng mga solusyon o alternatibong pagtingin sa isang problema o isyu.
  • 139. Mga uri ng kolum 1.Opinyon/Kasaysayan ng Kolum - Ito ang tradisyunal na uri ng kolum na naglalaman ng personal na opinyon, mga pananaw, at mga pagsusuri ng manunulat tungkol sa iba't ibang isyung panlipunan, politika, ekonomiya, at iba pa.
  • 140. 2. Talakayan/Kaantasan – Ito ay isang uri ng kolum na nagsasangkot ng pagtalakay at pagsusuri sa isang partikular na isyu o usapin. 3. Pamumuna/Satire – Ang uri ng kolum na ito ay may layuning magpatawa, magpamalas ng kamalian, o magbigay ng mga matalas na puna tungkol sa mga pangyayari, personalidad, o kaganapan sa lipunan. 140
  • 141. 4. Pang-ekonomiya Ito ay isang uri ng kolum na naglalayong pag- aralan at maipaliwanag ang mga konsepto at usapin na nauugnay sa ekonomiya. 5. Pang-sports Ito ay mga kolum na nakatuon sa mga pagsusuri, mga balita, at mga kwento na may kaugnayan sa mga isyu at pangyayari sa mundo ng palakasan at isport.
  • 142. 6. Pang-showbiz Mga kolum na naglalaman ng mga balita, mga ulat, at mga pagsusuri sa mundo ng showbiz at mga personalidad sa industriya ng pelikula, telebisyon, at musika. 7. Pang-lifestyle Ito ay mga kolum na tumatalakay sa mga aspekto ng buhay-araw-araw tulad ng pagkain, moda, kalusugan, paglalakbay, at iba pang interes ng mga mambabasa sa larangan ng lifestyle.
  • 143. BUMUO AT IPAHAYAG ANG IYONG MGA PANANAW 1. MAGHANAP NG SARILI MONG TONO • Magkaroon ng isang malinaw na kahulugan at sariling tono, maaaring nakakatawa o madilim. • Maaari kang magbasa ng mga artikulo sa pahayagan na nagbibigay lamang ng mga katotohanan at pagkatapos ay malayang sumulat ng sagot sa kanila. • Maaari kang gumamit ng sarkastikong tono, o palagi kang optimistiko. • Maari ka ring humingi ng tulong sa iyong editor-in-chief na mahanap ang iyong tono.
  • 144. • Ang isang mahusay na paraan upang subukan ang iyong opinyon ay tanungin ang sarili. “ May magpapakita ba ng malakas na reaksyon sa aking artikulo?” • Tiyaking i-back up ang iyong opinyon gamit ang sinaliksik na ebidensya. • Makapagpakumbinsi sa mga mambabasa na sundin ang iyong opinyon. 2. MAGKAROON NG OPINYON
  • 145. • Upang bumuo ng iyong sariling tono at saloobin, ito ay kapaki-pakinabang upang gumuhit sa iyong mga personal na karanasan. Sumulat tungkol sa mga anekdota sa iyong buhay. Sa ganitong paraan, hindi lamang nakakakuha ng koneksyon sa iyo ang iyong mambabasa, nagiging mas kapani-paniwala ka rin. 3. MAGBAHAGI NG MGA PERSONAL NA KARANASAN.
  • 146. 4. ISULAT SA UNANG TAO Dahil ang isang column ay batay sa iyong opinyon, gawing malinaw ang iyong boses gamit ang isang "I". Sa ganitong paraan, nairehistro ng mambabasa ang iyong patuloy na presensya at nilinaw mo kung anong opinyon ang iyong kinukuha. • Sa halip na isulat: "Ang tirahan ng mga kabayong puro lahi ay kadalasang hindi nakakatugon sa mga pamantayan.", • Ginagawang mas kaakit-akit ang pahayag mula sa unang tao: "Ang tirahan ng mga kabayong puro lahi, na nakita ko bilang isang tagapagsanay, ay hindi regular na nakakatugon sa mga pangangailangan ng mga hayop. At ito ay nakakaapekto sa kanilang pagganap at kagalingan."
  • 148. Mga Dapat Tandaan para Maakit ang Mambabasa
  • 149. 1. Pumili ng isang kaakit- akit na pamagat •Ang tamang pamagat ay pumupukaw sa mga inaasahan at interes ng mambabasa. •Ang mga mapang-akit na pamagat ay kadalasang naglalaman ng mga numero,nakakatawang adjectives, at isang pangako sa mambabasa.
  • 150. Halimbawa : 1. "Alisin ang mga mantsa sa carpet" 2. "Tatlong Hindi Karaniwang Pag-aalis ng mga Mantsa ng RedWine"
  • 151. 2. Magsimula sa isang "hook" na pumupukaw sa interes ng mambabasa •Ang unang pangungusap ay dapat maakit ang mambabasa sa artikulo gamit ang iyong mga salita at iniisip.
  • 152. " Isang buwan na ang nakalipas, natakot ako nang malaman kong mali ang pagkakatali ko sa aking mga sintas ng sapatos sa buong buhay ko Halimbawa :
  • 153. 3. Sabihin sa iyong mambabasa kung bakit mahalaga sa kanila ang iyong artikulo. •Ipaliwanag kung bakit may kaugnayan ang iyong paksa sa mambabasa at kung paano ito may positibo o negatibong epekto sa kanya.
  • 154. Kung ikaw laban sa isang bagong batas sa buwis Halimbawa : •Sabihin sa iyong mambabasa na ang bagong patakarang ito ay magpapabayad sa kanila ng mas maraming buwis
  • 155. 4. Sumulat sa kumbensyon •sumulat sa mas maikling mga pangungusap, o gumamit ng mga mas malinaw na salita upang magsulat ng mas kumbensyonal. Gawing mas malinaw ang iyong pananaw
  • 156. Halimbawa : "Ipinapalagay ng konseho ng lungsod na niligaw ng alkade ang mga residente Naniniwala ang konseho ng lungsod na niligaw ng alkalde ang mga residente
  • 157. Katangian ng isang Mabisang kulomnista 1. Palabasa 2. Malawak ang kaalaman sa ibat- ibang paksa o isyu 3. Matalas ang pang-unawa sa kahalagahan ng pangyayari
  • 158. 4.May Sapat na kaalaman sa pinaksa 5.Mahusay sa diplomasya 6.Malawak ang talasalitaan 7.Makatarungan sa pagpapasya 8.May sariling istilo sa pagsulat at may orihinalidad
  • 159.
  • 160.
  • 161.
  • 162.
  • 163.
  • 164.
  • 165.
  • 166.
  • 167.
  • 168.
  • 169.
  • 170.
  • 171.
  • 172.
  • 173.
  • 174.
  • 175.
  • 176.
  • 177.
  • 178.
  • 179.
  • 181. PAGSUSULAT NG LATHALAIN (Feature Writing) Balitang may puso ang lathalain. Kung sa pagsusulat ng balita ay may kalansay na sinusundan, sa pagsulat ng lathalain kasali pati ang laman at dugo na maaaring magpatawa, magpaiyak, magpalungkot, manakot o ano pa mang emosyon na nais iparating ng manunulat.
  • 182. Kahalagahan Ito ay isang espesyal na balita na nakalathalang din sa malaking bahagi ng bawat pahayagan. Kaiba ito sa tuwirang balita na mga kaganapan lamang ng pangyayari ang tinatalakay. Binibigyang pagkakataon ang daloy ng kaisipan at opinyon, pati na ang panunuri at mga interpretasyon ng mga pangyayari.
  • 183. MGA KATANGIAN 1. Walang tiyak na haba 2. Pinakamalaya sa lahat ng uri ng pamahayagang artikulo 3. May Kawilihan (Interest) 4. Gumagamit ng makabagong pamatnubay 5. Nasusulat sa paraang pataas ang kawilihan 6. May panimula, katawan at wakas 7. Timeless 8. May kaisahan (Unity) 9. Kaugnayan (Coherence)
  • 184. Isang uri ng pag-uulat ng makatotohanang bagay o pangyayari batay sa pag- aaral , pananaliksik o pakikipanayam at isulat sa paraang kawili-wili.
  • 185. MGA KATANGIAN NG MGA TAONG NAIS SUMULAT NG LATHALAIN 1. Malikhain 3. Mahilig Magbasa 2. May Interes 4. Mahilig Magtanong
  • 186. 1. Magpabatid 2. Magturo 3. Magpayo 4. Manlibang
  • 187. 1. Title Page 2. Introduction o Panimula 3. Body o Katawan 4.Conclusion o Wakas
  • 188. Uri ng Pamagat 1. Katanungan 2. Isang Kataga o Salita 3. Isang Parirala 4. Descripsyon
  • 190.  Kailangang batid ng manunulat kung ano ang kanyang isusulat. Kailangang may malawak na kaisipan at ang paksa ay malapit sa puso ng mga mambabasa. Presentation title Paghahanda
  • 191.  Ang pagpili ng paksa ay bahagi rin ng paghahanda sa pagsulat. Ito ang nagbibigay ng disenyo sa balangkas ng mga pangyayari na nais buhayin. Presentation title 191 Paghahanda
  • 192.  Sa pahayagang pampaaralan, karaniwang itinatampok ang mga isyung nasyonal na may kinalaman sa mga mag-aaral. Presentation title 192 Paghahanda
  • 193. Pananaliksik at Pangangalap ng Datos • Kinakailangang humanap ng mga kasagutan sa mga katanungan ang isang manunulat ng lathalain. • Kailangan niyang manaliksik hinggil sa mga paksa at damhin ang damdamin ng mga mamamayan at hanapin ang landas upang matagpuan ang tunay na mundo. Presentation title 193
  • 194. • Isang mahalagang pagmumulan ng katotohanan ay ang mga sariwang impormasyon, bago magsagawa ng interbyu, kailangang magsakatuparan ng pananaliksik hinggil sa taong kakapanayamin upang hindi magkamali o makaligtaaan ang mga pangyayari na may kinalaman sa paksa. Presentation title 194
  • 195. • Mahalagang sangkap ang pananaliksik sapagkat dito nakasalalay ang kakayahan ng manunulat na kumuha ng mga patunay. Kailangang siya may masistema sa pananaliksik sapagkat mahalaga ang mga tala upang madali ang pagsasaayos ng mga iyon. Ito ay makatutulong nang malaki sa pagbuo ng pahayag . Presentation title 195