SlideShare a Scribd company logo
Ni
Elpidio P. Kapulong
Umaapaw sa luningning ang gintong
himlayang iyon-ang gintong himlayan, niya at ni
Cleopatra. Hindi na batid ni Cesar kung siya’y
nakapikit o nakadilat pa. Ngunit malinaw na
namamalas niya ang larawang iyon.
Isang malaking eroplanong napakababa ang
lipad ang nagsusumabog na sumibad sa kanilang
tapat.
Kasabay ng pagsibad ng sinasakyan nilang
kalabaw ay sumambulat naman sa kanyang
guniguni ang binubuo niyang magandang daigdig.
Mula sa kanyang pangangarap ay nahulog siya sa
katotohanan; ngunit hindi pa naman lubos na
nakababalik ang kamalayan sa kanyang paligid
ay nahulog na sa kanyang pagkapigil ang kaangkas
niyang babaing may mahabang buhok at
kayumangging kulay.
Humalagpos sa kanyang lalamunan ang isang sigaw
na biglang naputol sa kalagitnaan nang
maramdaman niya ang pagtama sa kanyang ulo ng
isang napakatigas na bagay. At bago lubos na
naparam ang kutitap ng mga bituing sumabog sa
kanyang balintanaw ay naramdaman niyang siya’y
pumailanlang sa itaas upang pagkatapos ng isang
iglap ay dahan-dahan lumapag sa isang likmuang
nahihiyasan ng mga diyamante.
-1-
Pabalikwas na tumindig buhat sa isang trono ang
isang maharlikang mandirigma. Nakarinig siya ng
kaluskos sa dakong harapan at napakislot na wari’y
handang tumakbo sa pag-iwas sa panganib. Biglang
nabuksan ang malaking pintong nasa kabilang dulo ng
bulwagang kanyang kinaroroonan, at sa paghahawi ng
kurtinang sutla ay kasama ring nahawi ang dalawang
inaantok na tanod na siyang kawal na siyang
ikinabuwal ng mga iyon. Humahangos na pumasok ang
isang kawal na may mahabang sibat at pagsapit sa
harapan ng mandirigma ay nangayupapa at humalik sa
humalik sa kanyang yapak.
Napaigtad siyang papalayo. Ang kawal ay
patingalang lumuhod sa kanyang paanan na
nakabukas ang dalawang bisig.
“O, Dakilang Cesar!” ang humihingal na wika
nito. “O, Dakilang Emperador ng mga mandirigmang
bininyagan ng apoy ng mga bathala… Narito ang
hamak na alipin, at hindi malaman kung paano
mapagagalaw ang dilang ito sa pagsasabi ng isang
nakasusuklam na bagay buhat sa Impiyerno ni
Dante! Isinumpa ako ni Hupiter upang siyang
maghatid sa Dakilang Cesar ng balitang
pinangimiang ihatid maging ng makapangyarihang
makapangyarihang mga diyoses sa paanan ng
isang may bakal na laman at may leon sa puso.
Nauumid ako, O, Panginoon, ngunit … ang mga…
ang mga kaaway…”
Tinutop ni Cesar ang dalawang tainga at
nakamulagat na minalas ang kawal sa kanyang
paanan na may kagila-gilalas at kakatwang ayos at
pananalitang anaki’y isang tauhang nagbangon
buhat sa dahon ng isang aklat ng lumang
panahon. Nais niyang sumigaw at sumibad ng
takbo, ngunit biglang sumundot sa kanyang gunita
ang isang bagay na siyang nagpauntol sa kanyang
pagkilos; at siya’y dahan-dahang napasadlak sa
kanyang luklukan na ang mga mata’y nakapikit
nang mariin. Naalaala niyang siya ay napaidlip
samantalang tahimik na binabalangkas sa
kanyang isipan ang gagawing pagsalakay sa mga
kaaway, at sa bisa ng isang dumalaw na pangarap
ay nakalimot na siya nga pala ay si Cesar – si
Cesar, ang dakilang Mandirigma ng Roma, ang
dakilang Panginoon ng mga walang gulat, ang
walang kasing…
Dahan-dahang hinaplos ni Cesar ang
kanyang mukha at minalas ang kanyang sarili –
ang namumutok na kalamnan ng bisig na
nabibigkis ng bitling nagintong sagisag ng
pagkamandirigma, at ang kasuutang namumutitik sa
mga hiyas na sagisag naman ng pagkaemperador.
Muli siyang napatindig at saka pilit na
humalakhak nang ubos-lakas na ikinalundag ng
nakaluhod na kawal.
“Ha! ha! ha! ha! Si Cesar nga pala ay
nakalimot! Nakalimot ang isang Cesar dahilan sa
isang multong panaginip na dapat lamang sanang
panakot sa isang aso!. Ha! ha! ha! Nakatatawa, ang
isang dakila ay nakalimot! Ha! ha! ha! …”
Napaudlot sa kalagitnaan ang halakhak na
iyon. Naramdaman ni Cesar na ang laman ng
kanyang puso ay tila nawalang lahat na kasama
ng napawing alingawngaw. Walang kaluluwa ang
tawang iyon at siya ang unang nakapuna.
Nakangunot na minalas niya ang buong paligid.
Naroon pa rin sa kanyang paanan ang nakaluhod
at nakadipang kawal, na sa pagkakatingala sa
kanya ay mangani-ngani niyang tadyakan sa
mukha. Sa paligid-ligid ng malaking bulwagang
iyon ay nangakatindig na unat na unat ang ilang
nagtatayugang kawal na ang tangang sibat ay
lumagpas pa ng isang dipa sa ulo; may malalapad
na espada sa tagiliran; nangakadamit bagaman
litaw rin ang mga bisig at malulusog na hita at
binti; Sa ulo ay nakasaklob ang tila kung anong uri
ng salakot na sa tuktok ay papaspas-paspas ang
anaki’y malaking palong ng isang tandang, na
sumusunod sa pagtangu-tango ng ulong hindi
mawari kung naibibigatan lamang sa sunong o
inaantok na.
Ibinaling ni Cesar ang kanyang tingin sa
maluluwang na mga bintana at pinto – mga
kurtinang yari sa sutla at sari-saring kayo na may
matitingkad na kulay at namimigat sa halimuyak
ng pabangong napapasangkap sa amoy insensong
nakalutang sa kalawakan ng bulwagan. Ang mga
kuwadro sa oleo ng iba’t-ibang larawan ng mga
tanawin sa parang ng digma, ang mga
palarindingang marmol, ang mga haliging marmol
din na nagsisilbing panapo sa kisaming marmol
pa rin – isang buong larawang anaki’y pahinang
pinilas lamang sa isang alamat at napakaliwag
upang magpakatotoo. Ang pagkakaayos sa mga
sulok ng naroong mga estatwang upang
magpakatotoo. Ang pagkakaayos sa mga sulok ng
naroong mga estatwang kahoy, bronse, at marmol,
at ng kay Venus na lantay ng ginto,ay nagbibigay ng
pagkabaghan sa makatutunghay dahil sa kanilang
walang tinag na anyo, at ang matigas na katahimikan
ng kawalang-buhay na nasa kanilang malalamig na
katawan ay parang tinatanuran pa ng kaluluwa ng
mga taong kinakatawan ng nangabuhay noong
unang panahon.
Naramdaman ni Cesar ang manipis na hanging
humahaplos sa kanyang katawan buhat sa
pamaypay ng isang busabos. Bigla siyang napaupong
ang mga mata’y naititig sa malayo. Hindi siya naka-
ramdam ng kasiyahan sa kanyang namalas. Para
siyang tumungga sa isang kopang ginto upang
mabatid lamang na ang alak pang naroroon ay
linipasan na ng ispirito. Ibig niyang ipagsabog ang
mga bungang-kahoy sa mga bandehadong hawak
ng ilang aliping itim upang kumalat sa mga
alpombrang mga nakalatag sa sahig. Mayroon
siyang hinahanap sa kanyang paligid na hindi
makita at matagpuan. Wala roon ang isang
babaing may mahabang buhok at kayumangging
kulay…
Pilit na pinaglabanan ni Cesar ang damdaming
sumaklot sa kanyang pagkatao, ngunit siya’y tila
nawalan ng lakas. Namuhi siya sa kanyang sarili;
hindi niya akalaing magkaroon siya kahit sa
guniguni ng malabis na pananabik sa isang babae
tulad ng nararamdaman niya ngayon. Si Cesar ay
nababaliw sa paghahangad sa isang babae? Sa
babaeng noong una’y naging aliwan lamang niya?
Ang buong paligid ay muli niyang minalas.
Sumalubong ang mga iyon sa kanyang paningin na
tila isang anyo ng mahiwagang kulay na noon
lamang niya natitigan, kaya sumilaw sa kanyang
mga mata. Para siyang nabaghan. Ang mga iyon
ay tila nakatunghay rin sa kanya __nakatitig at
para bang nag bawat piraso ng kayamanang
naroon ay mga matang nanunuri – nangingilala –
sa isang linikhang napaligaw lamang doon. Ang
bulwagang iyon – ang lahat – ay tila isang daigdig
ngayong bago na sa kanya – na siya’y napasok
doon bunga lamang ng di – sinasadyang
pagkakamali.
At naalala niya ang kanyang napangarap.
Doon ay nakita niya ang kanyang sarili sa isang
malawak na kaparangan na nakasakay sa isang
hayop na maitim. Kaangkas niya sa likod ng hayop
ang hinahanap niyang babaing may mahabang
buhok at kayumangging kulay. Sapupo niya sa
baywang ang babaing iyon habang siya’y
humuhuni-huni ng isang malambing na awitin.
Iba ang ayos niya at pananamit sa pangarap
na iyon. Kayumanggi rin ang balat niya, may
katingkaran nga lamang kaysa babaing kaangkas
niya sa maitim na hayop. Ngunit doon ay kung
bakit palagay ang kanyang loob. Hindi siya
nagkaroon ng alinlangan sa kinatagpuang bagong
daigdig, hindi nag-usisa sa isip kung bakit siya
naroon at naiiba ang kanyang anyo. Tinanggap
niya ang daigdig na iyon nang walang pagbaban
tulot na tulad ng pagtanggap sa talagang kanya,
at ang tunay na Cesar – ang makapangyarihang
Mandirigma ng Roma – ay hindi ang dakilang
Cesar na nagbubulay – bulay ngayon, kundi ang
hamak na Cesar sa piling ng babaing may
mahabang buhok at kayumangging kulay.
Kumurap-kurap si Cesar at umanyong
titindig. Sa kanyang pagninilay-nilay ay sumapit
siya sa bahagi ng kanyang pangarap na lalong
kagila-gilalas. Nakita niya ang kanyang sarili roon
na tila isang gumaganap sa isang palabas, na ang
kilos at salita at pati iniisip ay nakita lamang
niyang tila binabasa sa isang aklat. Nakita niya
ang kanyang sariling iyon na nahibang at ilang
sandali ring nangarap, at ang Cesar na tunay
niyang sarili, hanggang sa pumailanlang ang
kanyang guniguni at mabuong mga larawan sa
kanyang diwa.
Magkayakap sila ni Cleopatra sa guniguni ng
kanyang sariling-pangarap at sila’y nagpalitan ng
mga pangungusap na tila salita ng mga bathala at
bathaluman sa Olimpo, at kaya lamang nabalik
siya sa piling ng babaing may kayumangging kulay
ay nang gulantangin siya ng isang malakas na
ugong na nagdaan sa kanilang tapat. Napasibad
ang hayop na kanilang sinasakyan at nag babae
ay tumitiling nahulog sa lupa.
Saka niya naramdamang tila sumabog ang
kanyang ulo nang mahampas ito ng isang
nakalundong sanga ng isang punungkahoy…
Di malaman kung sa anong dahilan ay ibig
niyang mabatid kung ano ang nangyari sa
nahulog na babae, na bagama’ pangarap lamang
ay kung bakit pinanabikan din niyang malaman
ang naging wakas.
Tulad ng isang palabasang nakatunghay sa
isang magandang kasaysayan na nang nasa
kasarapan na ay saka nabatid na ang mga huling
dahon pala ay wala at inubos na ng anay, si Cesar
ay hindi matahimik at hindi mapalagay na tila
ginagatungan.
“Panginoon..”
Nagulantang si Cesar. Nakita niyang
nakaluhod pa rin ang kawal na tila hindi
nangangalay at ang kanyang loob ay nagsiklab.
Hinawakan niya ang puluhan ng kanyang patalim.
“Sulong!” ang kanyang bulyaw. “Saan
nakatanglaw ang liwanag ng iyong mata at hindi
nakitang ang iyong Cesar ay nasa sandali ng
pagkabagabag?”
“Ngunit patawarin ang hamak na alipin ng
kanyang panginoon…”
Hinugot na bigla ni Cesar ang kanyang tabak
at ibabagsak na sana sa ulo ng kawal ngunit
napatigil nang makarinig ng bigla ingay na likha
ng mga sigawan sa labas. May bumagsak na kung
anong malaking bagay sa nakapinid sa pito at
iyon ay biglang nagiba. Ang mga tanod sa
bulwagan ay nagpulasansa iba’ ibang sulok at ang
dalawa sa kanila ay sa likuran pa ni Cesar
napasiksik. Hugos na pumasok sa nawasak na
pinto ang maraming sandatahang kawal at sa
isang iglap ay nakilala niyang iyon ay mga
kalaban.
Sa loob ng ilang saglit pa, ang kalansing ng
mga nagpipingkiang tabak ay nilunod na ng mga
daingan ng mga naghihingalo at sigawan ng mga
nakatama. Sa kabiglaan ay natabig ni Cesar ang
dalawang malalaki rin namang kawal na nagkubli
sa kanyang likod at ang dalawa ay gumulong sa
daanan ng mga kaaway. Hinarap ni Cesar ang
unang tatlong sumugod at ang mga ito’y pawang
nagsibagsak sa isang unday ng kanyang sandata.
Sa kanyang harapan ay humadlang naman ang
isang lalong may matipunong mga bisig na
nakilala niyang pinakapuno ng mga lumusob.
Nilagdaan ni Cesar ang tulos ng kalaban
kasunod ng pagbagsak ng kanyang sariling
patalim sa katawan nito. Ngunit iyon ay hindi
man lamang natinag at sa pakiramdam niya’y sa
hangin lamang siya tumaga kaya siya ay
napatigagal. Sinamantala ito ng mga kaaway at
siya’y inundayan. Bago nakaiwas ay tumama na
sa kanyang ulo ang tabak niyon at ang kanyang
kinatatayuan ay biglang natunaw at siya’y
bumagsak na tila may nauulinigan pang isang
mahiwagang tinig na nakiangkas sa sumisibat
niyang diwa:
“Ako si Cesar!... Ang hamak na magbubukid.. Ang
dakila hamak … dakila… Cesarrrrr…!
-2-
Nang imulat ni Cesar ang kanyang mga mata
ay nakalatag na siya sa isang matigas na
himlayan. Hindi niya kilala ang pook na ito, at
laong hindi niya kilala ang mukha ng isang
nakaputing taong nakatunghay sa kanya at
nababalot sa kanyang noo ng isang basahang puti
na basa ng kung anong bagay na nakahihilo ang
amoy. Sa isang iglap ay sumurot sa kanyang isipan
ang paniniwalang siya ay nasa kamay na ng mga
kaaway! Napabalikwas si Cesar at nag
nagkaputing taong inabot ng kanyang sipa ay
gumulong sa sahig. Nahagip din niya at naisaksak
sa sulok ang isa pang matandang babaing umiiyak
sa tabi ng higaan, na sinugod naman ng yapos ng
isang magandang babaing may mahabang buhok.
Tumilapon ang mga botelyang nakapatong sa
nabuwal na mesita at nagkabasag, at ang amoy
na masansang ng laman ng mga iyon ay pumuno
sa pook na iyon. Hindi man nakahuma ang ilang
taong naroroon na parang napatiran na ng mga
ugat sa tuhod at bisig.
Sumandal si Cesar sa dinding at hinarap ang
mga ito. Nangungunot ang kanyang noong
tinitigan ang kanilang mga bihis. Ang mga iyon ay
nakamaang na lahat sa kanya, at siya’y natigilan
ang biglang sumagi sa kanyang hinagap na ang
mga iyon at ang lahat ng ito ay nakita na niya at
nangakilalang minsan.
Minalas niya ang kanyang sarili ngunit bigla
siya nangilabot. Sa kanyang diwa ay nagtibay ang
isang hinalang siya ay nasa pugad ng kanyang
mga kaaway na higit na makapangyarihan.
Nagbalik sa kanyang gunita ang isang matandang
paniwalang iniwi ng kanyang panahon at naging
sangkap nang kanyang pagkatao buhat pa sa mga
unang araw ng kanyang kanyang kabataang
pinanday ng paaralan ng mga taon. Ang mga
taong ito’y mga engkantadong lahat… at siya’y
kinulam ng mga ito upang mag-iba ng anyo, at
nang sa gayo’y matulad sa kanila. Ang pangarap
niya sa kanyang luklukan sa trono ay isang uri ng
engkanto na naipasok sa kanyang diwa sa
sandaling maidlip upang malimot niya ang
kanyang kamaharlikaan. Ibig ng mga iyon ay
malimot niya ang kanyang sarili upang
maipailalim na lubos sa kanilang kapangyarihan.
Napahalakhak si Cesar.
“Ha! ha! ha! Ako’y si Cesar! Nalalaman kong
ako ay si Cesar! Ang Dakilang Mandirigma! Hindi
malilinlang ng mga uwak ang isang Roamnong
may putong na lawrel ng kadakilaan! Isasauli
ninyo siya sa kanyang kamaharlikahan at kung
hindi …”
Nadampot ni Cesar ang isang tungkod ng
bintana at saka iwinasiwas sa hangin. Ang mga
kaharap ay natilihan, nagtinginang tila
nagtatanong sa isa’t isa.
“Nababaliw na!” Ang bulung-bulungan ay
nagpalipat-lipat. “Nababaliw na si Cesar!
Nababaliw na sa lakas ng pagkahampas ng ulo!”
Namula si Cesar nang maulinigan ito at
humanda sa pagsugod. Nababaliw? At sasabihing
nababaliw si Cesar ng mga taong ito na sa ayos at
pananamit ay siyang karapat-dapat kapitan ng
salitang baliw?
Ang matandang babaing tumatangis ay
dahan-dahang umipod na papalapit.
“Anak!” May pagsusumamo ang tinig ng babae.
“Hindi mo ba ako nakikilala? Ako ang iyong ina,
a!”
Ngunit si Cesar ay nandilat lamang.
Pinaglabanan niya ang biglang pagsagi ng
pagnanasang sugurin niya at yakapin ang
matanda, at ang magandang babaing naiwang
nababaghan sa sulok. Naniniwala siyang inaakit
lamang siya ng masamang espiritu upang gawin
ang gayon.
“Ina?” pilit ang kanyang tugon. “Walang
nakikilalang ina ang isang dakila kundi si Minerva.
Puputulin ni Cesar ang dilang naglubid ng
kasini=ungalingang narinig ko!”
Ang matanda ay biglang dinahulong at
iniamba ang kanyang hawak. Napatili ang
magandang babaing naroroon, kasabay ng
paghadlang ng isang lalaki at ang kamay ni Cesar
ay sinalag. Nagpambuno ang dalawa hanggang sa
madaganan ang matanda. Parang nahipan ng
hangin ang mga taong naroon at nagkakagulong
sumugod upang umawat.
“Huwag! Huwag!” tili ng magandang babae.
Ngunit bago napawi ang alingawngaw niyon ay
naipalo na ng isang lalaki ang tukod ng bintana sa
ulo ni Cesar.
-3-
Natauhan si Cesar na nakagapos na ang
kanyang buong katawan sa ibabaw ng higaan at
ang ulo ay balot na balot ng mahabang benda.
Hindi niya gustong kumilos pagkat nangingirot
ang kanyang ulo at mga buto. Ipinikit na lamang
niya ang kanyang mga mata. Ayaw niyang mag-
isip ng anuman. Malabung-malabo ang kanyang
diwa at ang bahagyang pagpupunyagi sa pag-iisip
ay ikinahahapo nito.
Nagmulat siya ng mga mata nang makarinig
ng nag-aanasang mga tinig. Nakita niya ang isang
matandang babaing nakaupo na malapit sa
durungawan sa harap ng isang matandang
lalaking may mahabang balbas na halos umabot
na sa dibdib. Ang matandang babae ay
nakatungong nagpapahid ng mga mata,
samantalang hinahagud-hagod naman ng lalaki
ang mahabang balbas at tila nag-iisip. May pinag-
uusapan ang dalawa na siya ang tila pinakapaksa
ngunit hindi lamang niya lubos na matiyak
pagka’t pati ang makinig ng usapan ay tila
pumapagod sa kanya.
Umiiyak na ang babae. Humarap na bigla
rito ang balbasing matanda na sa sulok ng labi ay
nakakunyapit ang isang ngiting mahiwaga.
“Ngunit, Rosa,” ang marahang wika nito,
marahang-marahang tila sinadya, “si Cesar ay di
nababaliw!”
Naramdaman ni Cesar na namigat ang
kanyang ulo at siya’y napapikit nang mariin. Ang
mga tinig na naririnig niya ay pumupuno sa
kanyang ulo, na anhin man niyang iwaksi ay pilit
na nasusumiksik sa kanyang isipan.
Nahiwatigan niyang tila may pagtatalong
ilang saglit ang dalawa na sinundan ng isang
mahabang pangungusap ng lalaki, na paminsan-
minsan ay tila may nasusundot sa kanyang gunita
at nakapagpapaalaala sa kanya ng ilang
malalabong bagay na nagdaan. Pilit niyang inunawa
ang kahulugan ng kanyang mga naririnig ngunut
nag-agtingan lamang ang mga ugat sa kanyang ulo.
Narinig niyang nabanggit ang isang pangalan –
Meding… Meding… kababata ng aking anak…
anak… anak… ng aming kapitbahay… muntik na ring
mapahamak … dumadalaw ritong madalas buhat
nang si Cesar ay… marahil ay dadalaw na muli …
Nag-alumpihit si Cesar sa kanyang higaan. Ang
pangalang iyon… ang pangalang iyon! Ang… at
nang hindi na matiis ay nagtangkang bumangon sa
pagkakahiga,
ngunit pinigilan siya ng lubid na nakapulupot sa
kanyang katawan. “Cesar,” narinig niyang tawag
ng balbasing lalaki na noo’y nakalapit na sa
kanyang higaan. “Cesar…”
Napagulantang si Cesar at napadilat na muli.
Ngunit hindi siya tumugon. Hinipo siya ng lalaki.
Tumutol ang mga laman niya, ngunit ang salat ng
mga palad ng lalaking iyon ay hindi niya iwinaksi
pagkat nakapagpaginhawa sa kanyang
pakiramdam.
Yumuko iyon at siya’y tinitigang mabuti ng mga
matang malalamlam ngunit nanunuot hanggang
sa kaliit-liitang hibla ng kanyang laman. Sinalat
ang kanyang mga mata. Ipinakadilat ang mga
talukap. Tinitigan at tinatapatan ng isang kung
anong mabilog na salamin. Nang malao’y
napapikit na lamng siya at nakiramdam.
Pinulsuhan siya ng matanda, sinalat ang iba’t
ibang bahagi ng kanyang katawan, upang ibalik
lamang muli ang pansin sa kanyang mga mata.
“Cesar,” pagkaraan ng mahabang sandali ay
mulign tinawag ng matanda. Dumilat siya at
sinalubong ang nanunuot na titig niyon, ngunit
hindi pa rin siya sumagot. “Cesar… Cesar …”
Nag-unat ng katawan ang matanda at
pagkunwa’y hinudyatan ang babae upang
lumabas, saka ipininid ang kurtina ng pinto.
Nagbalik sa kinaroroonan ni Cesar at siya’y
isinandal sa pinagpatung-patong na mga unan.
Saglit iyong nagpalakad – lakad sa loob ng silid at
tinungo ang nakabukas na bintana. Saglit ding
huminga ng malalim, at pagkatapos ay muling
lumapit sa kanya. Dumukot ng isang bagay na
makislap at itinapat sa mata ni Cesar.
“Titigan mo ito,” ang wikang marahan, at
ang tingi ay nag-iba ng himig. Hinagod ng mga
daliri niyon nag pagitan ng kanyang kilay, at sa
salat ng daliri ay parang may hinigut sa salimuot
sa kanyang utak. “Huwag kakang mag-iisip kahit
ano. Pumanatag ka.
Huwag mong papansinin ang mga sinabi ko. Ayan
… parang pinapaypayan na ang iyong mga mata …
at ikaw ay mag – aantok … mag – aantok …”
Naramdaman ni Cesar na tila matutulis na
sibat ang mga salitang iyon na naglagos sa
kanyang utak, hanggang sa ang kanyang ulo ay
unti-unting lumaki at ang kanyang paningin ay
unti-unting nanlabo at ang kanyang katawan ay
unti-unting gumaan. Humina nang humina ang
tinig na naririnig niya hanggang tuluyang mawala
na sa kanyang pandinig.
At sa sandaling hindi pinakaaasahan ay bigla na
lamang siyang pumailanlang sa itaas. Sumibat ang
kanyang diwa sa kalawakang namumutiktik sa
mga bituin at buwan, sa mga kumeta at planeta,
na bawa’t isa’y nagtataglay ng mga larawan ng
isang taong mandi-rigma, ng isang taong
magbubukid, ng isang taong mandirigma, ng isang
…
Nagsala-salabat sa kanyang isip ang mga
larawang iyon hanggang sa biglang magsiinog sa
kanyang paningin lahat,
hanggang sa siya’y matangay at mapasama sa
mga iyon. Uminog siya nang uminog na kasabay
ng mga bituin at planeta, na kasama ng mga
kumeta at buwan. Uminog siya ng uminog … inog
… inog … inog nang inog …
At sa kanyang pag-inog ay tila may isang
matinis na tinig na nagbubuhat sa pinakaliblib na
sulok ng kanyang utak , nanunuot sa kanyang
diwa.
Limutin mo si Cesar na Mandirigma … isipin
mo si Cesar na magbubukid … limutin mo si Cesar
na Mandirigma … isipin mo si Cesar na
magbubukid … ikaw si Cesar na magbubukid …
magbubukid … magbubukid …
At patuloy ang kanyang pag-inog na kasama
ng mga bituin at planeta, ng mga kumeta at
buwan. Uminog siya nang uminog … inog ng inog
… inog … inog … i.. n.. o.. g.. i.. n.. o.. g.. i.. n.. o..
o.. o.. o.. g.. g.. g.. g……
-4-
Nagising si Cesar na wala nang gapos at
nakatunghay na sa kanya ang kanyang ina sa tabi
ng matandang balbasin. Walang kurap ang
pagkatitig sakanya ng mga mata niyong may luha
.. Titig na nananabik at nahihintay. Kumurap-
kurap si Cesar nang ilang saglit, at nang biglang
naunawa ang lahat ay saka pabalikwas na
nagbangon. Ngunit hindi ang matanda niyang ina
ang kanyang nasugod ng yakap.
Hindi, kundi ang isang babaing nasa may likuran ng
matanda … ang isang babaing duamating doon habang
siya’y natutulog … ang isang babaing may mabahang
buhok at kayumangging kulay.
“Meding!” ang kanyang tawag.
At sa ilang saglit pa’y nasa bisig niya ito,
pinupugpog ng halik – sa pisngi, sa leeg, sa buhok, sa
dibdib, sa labi, samantala’y walang tigl naman ang
pagtulo ng kanyang luha, ng luha ng babaing nakayapos
din sa kanya, at sa kanyang inang … umiiyak at
dumalangin at naspapasalamat sa Maykapal.

More Related Content

What's hot

Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahonKaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Gilbert Joyosa
 
Mga Natatanging Diskurso Sa Wika at Panitikan
Mga Natatanging Diskurso Sa Wika at PanitikanMga Natatanging Diskurso Sa Wika at Panitikan
Mga Natatanging Diskurso Sa Wika at Panitikan
AraAuthor
 
PAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA PANITIKANG FILIPINO
PAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA  PANITIKANG FILIPINOPAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA  PANITIKANG FILIPINO
PAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA PANITIKANG FILIPINO
Nimpha Gonzaga
 
Presentation in panitikang pilipino
Presentation in panitikang pilipinoPresentation in panitikang pilipino
Presentation in panitikang pilipino
ANNABELE DE ROMA
 

What's hot (20)

ANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKANANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKAN
 
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahonKaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
 
Panulaang Filipino
Panulaang FilipinoPanulaang Filipino
Panulaang Filipino
 
Mga Natatanging Diskurso Sa Wika at Panitikan
Mga Natatanging Diskurso Sa Wika at PanitikanMga Natatanging Diskurso Sa Wika at Panitikan
Mga Natatanging Diskurso Sa Wika at Panitikan
 
Pagsusuri ng akdang pampanitikan
Pagsusuri ng akdang pampanitikanPagsusuri ng akdang pampanitikan
Pagsusuri ng akdang pampanitikan
 
Kasaysayan ng maikling kwento
Kasaysayan ng maikling kwentoKasaysayan ng maikling kwento
Kasaysayan ng maikling kwento
 
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoPagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
 
Panitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
Panitikan Bago Dumating Ang Mga KastilaPanitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
Panitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
 
Mga Teorya at Dulog sa Pagsusuring Pampanitikan
Mga Teorya at Dulog sa Pagsusuring PampanitikanMga Teorya at Dulog sa Pagsusuring Pampanitikan
Mga Teorya at Dulog sa Pagsusuring Pampanitikan
 
PAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA PANITIKANG FILIPINO
PAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA  PANITIKANG FILIPINOPAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA  PANITIKANG FILIPINO
PAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA PANITIKANG FILIPINO
 
Mga Akda/Naisulat ni Dr. Jose Rizal
Mga Akda/Naisulat ni Dr. Jose RizalMga Akda/Naisulat ni Dr. Jose Rizal
Mga Akda/Naisulat ni Dr. Jose Rizal
 
PAKSA: Panitikan sa Panahon ng Hapones: Tanaga at Haiku
PAKSA: Panitikan sa Panahon ng Hapones: Tanaga at HaikuPAKSA: Panitikan sa Panahon ng Hapones: Tanaga at Haiku
PAKSA: Panitikan sa Panahon ng Hapones: Tanaga at Haiku
 
Presentation in panitikang pilipino
Presentation in panitikang pilipinoPresentation in panitikang pilipino
Presentation in panitikang pilipino
 
Mga Simulain sa Pagsasaling Wika
Mga Simulain sa Pagsasaling WikaMga Simulain sa Pagsasaling Wika
Mga Simulain sa Pagsasaling Wika
 
Ang Kwento ni Mabuti ni Genoveva Matute
Ang Kwento ni Mabuti ni Genoveva MatuteAng Kwento ni Mabuti ni Genoveva Matute
Ang Kwento ni Mabuti ni Genoveva Matute
 
Kontemporaryong Panitikan
Kontemporaryong PanitikanKontemporaryong Panitikan
Kontemporaryong Panitikan
 
Panahon ng bagong lipunan
Panahon ng bagong lipunanPanahon ng bagong lipunan
Panahon ng bagong lipunan
 
ANG KALIKASAN AT KAHALAGAHAN NG PANITIKAN
ANG KALIKASAN AT KAHALAGAHAN NG PANITIKANANG KALIKASAN AT KAHALAGAHAN NG PANITIKAN
ANG KALIKASAN AT KAHALAGAHAN NG PANITIKAN
 
Modyul 16 pagsusuri ng akda batay sa teoryang realismo
Modyul 16 pagsusuri ng akda batay sa teoryang realismoModyul 16 pagsusuri ng akda batay sa teoryang realismo
Modyul 16 pagsusuri ng akda batay sa teoryang realismo
 
Ang pagtuturo ng filipino sa batayang edukasyon
Ang pagtuturo ng filipino sa batayang edukasyonAng pagtuturo ng filipino sa batayang edukasyon
Ang pagtuturo ng filipino sa batayang edukasyon
 

Viewers also liked

Panahon ng Isinauling kalayaan
Panahon ng Isinauling kalayaanPanahon ng Isinauling kalayaan
Panahon ng Isinauling kalayaan
Hanna Elise
 
Panitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan
Panitikan sa Panahon ng Bagong LipunanPanitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan
Panitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan
Mi Shelle
 
PANAHON NG ISINAULING KALAYAAN
PANAHON NG ISINAULING KALAYAANPANAHON NG ISINAULING KALAYAAN
PANAHON NG ISINAULING KALAYAAN
cyraBAJA
 
Ang kuwento ni mabuti
Ang kuwento ni mabutiAng kuwento ni mabuti
Ang kuwento ni mabuti
Mildred Datu
 
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasa
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasaMaikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasa
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasa
Neri Zara
 
Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)
Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)
Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)
Denni Domingo
 
Walang Panginoon ni Deogracias Rosario
Walang Panginoon ni Deogracias RosarioWalang Panginoon ni Deogracias Rosario
Walang Panginoon ni Deogracias Rosario
Floredith Ann Tan
 
Philippine Literature boa
Philippine Literature boaPhilippine Literature boa
Philippine Literature boa
raileeanne
 

Viewers also liked (20)

Panahon ng Isinauling Kalayaan
Panahon ng Isinauling KalayaanPanahon ng Isinauling Kalayaan
Panahon ng Isinauling Kalayaan
 
Panahon ng Isinauling kalayaan
Panahon ng Isinauling kalayaanPanahon ng Isinauling kalayaan
Panahon ng Isinauling kalayaan
 
Panitikan sa Panahon ng Isinauling Kalayaan 1946-1971
Panitikan sa Panahon ng Isinauling Kalayaan 1946-1971Panitikan sa Panahon ng Isinauling Kalayaan 1946-1971
Panitikan sa Panahon ng Isinauling Kalayaan 1946-1971
 
Ang Panitikan sa Panahon ng isinauling kalayaan
Ang Panitikan sa Panahon ng isinauling kalayaanAng Panitikan sa Panahon ng isinauling kalayaan
Ang Panitikan sa Panahon ng isinauling kalayaan
 
Panitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan
Panitikan sa Panahon ng Bagong LipunanPanitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan
Panitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan
 
PANAHON NG ISINAULING KALAYAAN
PANAHON NG ISINAULING KALAYAANPANAHON NG ISINAULING KALAYAAN
PANAHON NG ISINAULING KALAYAAN
 
Ang kuwento ni mabuti
Ang kuwento ni mabutiAng kuwento ni mabuti
Ang kuwento ni mabuti
 
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasa
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasaMaikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasa
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasa
 
Pa nahon ng aktibismo
Pa nahon ng aktibismoPa nahon ng aktibismo
Pa nahon ng aktibismo
 
Pagsusuri sa lupang tinubuan
Pagsusuri sa lupang tinubuanPagsusuri sa lupang tinubuan
Pagsusuri sa lupang tinubuan
 
Kwento ni mabuti
Kwento ni mabutiKwento ni mabuti
Kwento ni mabuti
 
Teoryang Romantisismo
Teoryang RomantisismoTeoryang Romantisismo
Teoryang Romantisismo
 
Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)
Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)
Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)
 
Walang Panginoon ni Deogracias Rosario
Walang Panginoon ni Deogracias RosarioWalang Panginoon ni Deogracias Rosario
Walang Panginoon ni Deogracias Rosario
 
K to 12 SCIENCE Grade 3 (4th Quarter Summative QUIZ)
K to 12 SCIENCE  Grade 3  (4th Quarter Summative QUIZ)K to 12 SCIENCE  Grade 3  (4th Quarter Summative QUIZ)
K to 12 SCIENCE Grade 3 (4th Quarter Summative QUIZ)
 
Teoryang Pampanitikan
Teoryang PampanitikanTeoryang Pampanitikan
Teoryang Pampanitikan
 
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTOHALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
 
Philippine Literature boa
Philippine Literature boaPhilippine Literature boa
Philippine Literature boa
 
Neuron
NeuronNeuron
Neuron
 
Famous theorist pioneer
Famous theorist pioneerFamous theorist pioneer
Famous theorist pioneer
 

Similar to Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

FILIPINO 9. aNG inabandonang nayon PARA SA.docx
FILIPINO 9. aNG inabandonang nayon PARA SA.docxFILIPINO 9. aNG inabandonang nayon PARA SA.docx
FILIPINO 9. aNG inabandonang nayon PARA SA.docx
EnilrihsAvlasEbaf
 
Huling Paalam (Ultimo Adios) ni Rizal
Huling Paalam (Ultimo Adios) ni RizalHuling Paalam (Ultimo Adios) ni Rizal
Huling Paalam (Ultimo Adios) ni Rizal
Seo Dae Eun
 

Similar to Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong (18)

Hari Manawari
Hari ManawariHari Manawari
Hari Manawari
 
Alamat ni tungkung langit
Alamat ni tungkung langitAlamat ni tungkung langit
Alamat ni tungkung langit
 
Cupid at psyche
Cupid at psycheCupid at psyche
Cupid at psyche
 
Utak at dugo
Utak at dugoUtak at dugo
Utak at dugo
 
Florante at laura
Florante at lauraFlorante at laura
Florante at laura
 
665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdf
665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdf665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdf
665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdf
 
8 ARALIN 2 SAKNONG 1-25 (MGA HINAGPIS NI FLORANTE).pptx
8 ARALIN 2 SAKNONG 1-25 (MGA HINAGPIS NI FLORANTE).pptx8 ARALIN 2 SAKNONG 1-25 (MGA HINAGPIS NI FLORANTE).pptx
8 ARALIN 2 SAKNONG 1-25 (MGA HINAGPIS NI FLORANTE).pptx
 
cupid at psyche.pptx
cupid at psyche.pptxcupid at psyche.pptx
cupid at psyche.pptx
 
Presentation1 arpan 8.pptx
Presentation1 arpan 8.pptxPresentation1 arpan 8.pptx
Presentation1 arpan 8.pptx
 
FILIPINO 9. aNG inabandonang nayon PARA SA.docx
FILIPINO 9. aNG inabandonang nayon PARA SA.docxFILIPINO 9. aNG inabandonang nayon PARA SA.docx
FILIPINO 9. aNG inabandonang nayon PARA SA.docx
 
Filipino 10 Cupid at Psyche
Filipino 10 Cupid at PsycheFilipino 10 Cupid at Psyche
Filipino 10 Cupid at Psyche
 
8 ARALIN 2 Mga Hinagpis ni Florante.pptx
8 ARALIN 2 Mga Hinagpis ni Florante.pptx8 ARALIN 2 Mga Hinagpis ni Florante.pptx
8 ARALIN 2 Mga Hinagpis ni Florante.pptx
 
8 ARALIN 2 Mga Hinagpis ni Florante.pptx
8 ARALIN 2 Mga Hinagpis ni Florante.pptx8 ARALIN 2 Mga Hinagpis ni Florante.pptx
8 ARALIN 2 Mga Hinagpis ni Florante.pptx
 
Huling Paalam (Ultimo Adios) ni Rizal
Huling Paalam (Ultimo Adios) ni RizalHuling Paalam (Ultimo Adios) ni Rizal
Huling Paalam (Ultimo Adios) ni Rizal
 
PPT-PHILIPPINE-BALLET.pptx
PPT-PHILIPPINE-BALLET.pptxPPT-PHILIPPINE-BALLET.pptx
PPT-PHILIPPINE-BALLET.pptx
 
PPT-PHILIPPINE-BALLET.pptx
PPT-PHILIPPINE-BALLET.pptxPPT-PHILIPPINE-BALLET.pptx
PPT-PHILIPPINE-BALLET.pptx
 
Mitolohiyang Pilipino
Mitolohiyang PilipinoMitolohiyang Pilipino
Mitolohiyang Pilipino
 
Alamat ni tungkung
Alamat ni tungkungAlamat ni tungkung
Alamat ni tungkung
 

More from Hanna Elise

MOTION (The Restless Universe)
MOTION (The Restless Universe)MOTION (The Restless Universe)
MOTION (The Restless Universe)
Hanna Elise
 

More from Hanna Elise (20)

Mcqs linear prog
Mcqs linear progMcqs linear prog
Mcqs linear prog
 
Linear programming
Linear programmingLinear programming
Linear programming
 
Linear programming problems
Linear programming problemsLinear programming problems
Linear programming problems
 
Conventional strategies and its Limitations in Teaching Science by Ms. Lourra...
Conventional strategies and its Limitations in Teaching Science by Ms. Lourra...Conventional strategies and its Limitations in Teaching Science by Ms. Lourra...
Conventional strategies and its Limitations in Teaching Science by Ms. Lourra...
 
Challenges in Teaching Science in K to 12
Challenges in Teaching Science in K to 12  Challenges in Teaching Science in K to 12
Challenges in Teaching Science in K to 12
 
Art of Teaching Science : An Overview by Ms. April Grace Mesana
Art of Teaching Science : An Overview by Ms. April Grace MesanaArt of Teaching Science : An Overview by Ms. April Grace Mesana
Art of Teaching Science : An Overview by Ms. April Grace Mesana
 
Instructional Materials by Mr. Jay Windel A. Calaluan
Instructional Materials by Mr. Jay Windel A. CalaluanInstructional Materials by Mr. Jay Windel A. Calaluan
Instructional Materials by Mr. Jay Windel A. Calaluan
 
Assessing Science Learning Outcomes by Mehwish de Castro
Assessing Science Learning Outcomes by Mehwish de CastroAssessing Science Learning Outcomes by Mehwish de Castro
Assessing Science Learning Outcomes by Mehwish de Castro
 
Teaching Learning Innovation through Sciences by Rhina Mae Mendoza
Teaching Learning Innovation through Sciences by Rhina Mae MendozaTeaching Learning Innovation through Sciences by Rhina Mae Mendoza
Teaching Learning Innovation through Sciences by Rhina Mae Mendoza
 
The Role of Classroom Management in Laboratory Teaching by Ruth Tamara Encarn...
The Role of Classroom Management in Laboratory Teaching by Ruth Tamara Encarn...The Role of Classroom Management in Laboratory Teaching by Ruth Tamara Encarn...
The Role of Classroom Management in Laboratory Teaching by Ruth Tamara Encarn...
 
Human Person
Human Person Human Person
Human Person
 
Aristotle vs. Galileo
Aristotle vs. GalileoAristotle vs. Galileo
Aristotle vs. Galileo
 
PHOTON THEORY OF LIGHT
PHOTON THEORY OF LIGHTPHOTON THEORY OF LIGHT
PHOTON THEORY OF LIGHT
 
MOTION (The Restless Universe)
MOTION (The Restless Universe)MOTION (The Restless Universe)
MOTION (The Restless Universe)
 
Electricity and Magnetism
Electricity and MagnetismElectricity and Magnetism
Electricity and Magnetism
 
Biological Molecules
Biological MoleculesBiological Molecules
Biological Molecules
 
Introduction to Light Waves
Introduction to Light WavesIntroduction to Light Waves
Introduction to Light Waves
 
Early Models of the Universe
Early Models of the UniverseEarly Models of the Universe
Early Models of the Universe
 
Chemistry at Home
Chemistry at HomeChemistry at Home
Chemistry at Home
 
Chemistry in Everyday Life
Chemistry in Everyday LifeChemistry in Everyday Life
Chemistry in Everyday Life
 

Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong

  • 2. Umaapaw sa luningning ang gintong himlayang iyon-ang gintong himlayan, niya at ni Cleopatra. Hindi na batid ni Cesar kung siya’y nakapikit o nakadilat pa. Ngunit malinaw na namamalas niya ang larawang iyon. Isang malaking eroplanong napakababa ang lipad ang nagsusumabog na sumibad sa kanilang tapat. Kasabay ng pagsibad ng sinasakyan nilang kalabaw ay sumambulat naman sa kanyang guniguni ang binubuo niyang magandang daigdig. Mula sa kanyang pangangarap ay nahulog siya sa katotohanan; ngunit hindi pa naman lubos na
  • 3. nakababalik ang kamalayan sa kanyang paligid ay nahulog na sa kanyang pagkapigil ang kaangkas niyang babaing may mahabang buhok at kayumangging kulay. Humalagpos sa kanyang lalamunan ang isang sigaw na biglang naputol sa kalagitnaan nang maramdaman niya ang pagtama sa kanyang ulo ng isang napakatigas na bagay. At bago lubos na naparam ang kutitap ng mga bituing sumabog sa kanyang balintanaw ay naramdaman niyang siya’y pumailanlang sa itaas upang pagkatapos ng isang iglap ay dahan-dahan lumapag sa isang likmuang nahihiyasan ng mga diyamante.
  • 4. -1- Pabalikwas na tumindig buhat sa isang trono ang isang maharlikang mandirigma. Nakarinig siya ng kaluskos sa dakong harapan at napakislot na wari’y handang tumakbo sa pag-iwas sa panganib. Biglang nabuksan ang malaking pintong nasa kabilang dulo ng bulwagang kanyang kinaroroonan, at sa paghahawi ng kurtinang sutla ay kasama ring nahawi ang dalawang inaantok na tanod na siyang kawal na siyang ikinabuwal ng mga iyon. Humahangos na pumasok ang isang kawal na may mahabang sibat at pagsapit sa harapan ng mandirigma ay nangayupapa at humalik sa
  • 5. humalik sa kanyang yapak. Napaigtad siyang papalayo. Ang kawal ay patingalang lumuhod sa kanyang paanan na nakabukas ang dalawang bisig. “O, Dakilang Cesar!” ang humihingal na wika nito. “O, Dakilang Emperador ng mga mandirigmang bininyagan ng apoy ng mga bathala… Narito ang hamak na alipin, at hindi malaman kung paano mapagagalaw ang dilang ito sa pagsasabi ng isang nakasusuklam na bagay buhat sa Impiyerno ni Dante! Isinumpa ako ni Hupiter upang siyang maghatid sa Dakilang Cesar ng balitang pinangimiang ihatid maging ng makapangyarihang
  • 6. makapangyarihang mga diyoses sa paanan ng isang may bakal na laman at may leon sa puso. Nauumid ako, O, Panginoon, ngunit … ang mga… ang mga kaaway…” Tinutop ni Cesar ang dalawang tainga at nakamulagat na minalas ang kawal sa kanyang paanan na may kagila-gilalas at kakatwang ayos at pananalitang anaki’y isang tauhang nagbangon buhat sa dahon ng isang aklat ng lumang panahon. Nais niyang sumigaw at sumibad ng takbo, ngunit biglang sumundot sa kanyang gunita ang isang bagay na siyang nagpauntol sa kanyang pagkilos; at siya’y dahan-dahang napasadlak sa
  • 7. kanyang luklukan na ang mga mata’y nakapikit nang mariin. Naalaala niyang siya ay napaidlip samantalang tahimik na binabalangkas sa kanyang isipan ang gagawing pagsalakay sa mga kaaway, at sa bisa ng isang dumalaw na pangarap ay nakalimot na siya nga pala ay si Cesar – si Cesar, ang dakilang Mandirigma ng Roma, ang dakilang Panginoon ng mga walang gulat, ang walang kasing… Dahan-dahang hinaplos ni Cesar ang kanyang mukha at minalas ang kanyang sarili – ang namumutok na kalamnan ng bisig na nabibigkis ng bitling nagintong sagisag ng
  • 8. pagkamandirigma, at ang kasuutang namumutitik sa mga hiyas na sagisag naman ng pagkaemperador. Muli siyang napatindig at saka pilit na humalakhak nang ubos-lakas na ikinalundag ng nakaluhod na kawal. “Ha! ha! ha! ha! Si Cesar nga pala ay nakalimot! Nakalimot ang isang Cesar dahilan sa isang multong panaginip na dapat lamang sanang panakot sa isang aso!. Ha! ha! ha! Nakatatawa, ang isang dakila ay nakalimot! Ha! ha! ha! …”
  • 9. Napaudlot sa kalagitnaan ang halakhak na iyon. Naramdaman ni Cesar na ang laman ng kanyang puso ay tila nawalang lahat na kasama ng napawing alingawngaw. Walang kaluluwa ang tawang iyon at siya ang unang nakapuna. Nakangunot na minalas niya ang buong paligid. Naroon pa rin sa kanyang paanan ang nakaluhod at nakadipang kawal, na sa pagkakatingala sa kanya ay mangani-ngani niyang tadyakan sa mukha. Sa paligid-ligid ng malaking bulwagang iyon ay nangakatindig na unat na unat ang ilang
  • 10. nagtatayugang kawal na ang tangang sibat ay lumagpas pa ng isang dipa sa ulo; may malalapad na espada sa tagiliran; nangakadamit bagaman litaw rin ang mga bisig at malulusog na hita at binti; Sa ulo ay nakasaklob ang tila kung anong uri ng salakot na sa tuktok ay papaspas-paspas ang anaki’y malaking palong ng isang tandang, na sumusunod sa pagtangu-tango ng ulong hindi mawari kung naibibigatan lamang sa sunong o inaantok na. Ibinaling ni Cesar ang kanyang tingin sa maluluwang na mga bintana at pinto – mga kurtinang yari sa sutla at sari-saring kayo na may
  • 11. matitingkad na kulay at namimigat sa halimuyak ng pabangong napapasangkap sa amoy insensong nakalutang sa kalawakan ng bulwagan. Ang mga kuwadro sa oleo ng iba’t-ibang larawan ng mga tanawin sa parang ng digma, ang mga palarindingang marmol, ang mga haliging marmol din na nagsisilbing panapo sa kisaming marmol pa rin – isang buong larawang anaki’y pahinang pinilas lamang sa isang alamat at napakaliwag upang magpakatotoo. Ang pagkakaayos sa mga sulok ng naroong mga estatwang upang magpakatotoo. Ang pagkakaayos sa mga sulok ng
  • 12. naroong mga estatwang kahoy, bronse, at marmol, at ng kay Venus na lantay ng ginto,ay nagbibigay ng pagkabaghan sa makatutunghay dahil sa kanilang walang tinag na anyo, at ang matigas na katahimikan ng kawalang-buhay na nasa kanilang malalamig na katawan ay parang tinatanuran pa ng kaluluwa ng mga taong kinakatawan ng nangabuhay noong unang panahon. Naramdaman ni Cesar ang manipis na hanging humahaplos sa kanyang katawan buhat sa pamaypay ng isang busabos. Bigla siyang napaupong ang mga mata’y naititig sa malayo. Hindi siya naka-
  • 13. ramdam ng kasiyahan sa kanyang namalas. Para siyang tumungga sa isang kopang ginto upang mabatid lamang na ang alak pang naroroon ay linipasan na ng ispirito. Ibig niyang ipagsabog ang mga bungang-kahoy sa mga bandehadong hawak ng ilang aliping itim upang kumalat sa mga alpombrang mga nakalatag sa sahig. Mayroon siyang hinahanap sa kanyang paligid na hindi makita at matagpuan. Wala roon ang isang babaing may mahabang buhok at kayumangging kulay…
  • 14. Pilit na pinaglabanan ni Cesar ang damdaming sumaklot sa kanyang pagkatao, ngunit siya’y tila nawalan ng lakas. Namuhi siya sa kanyang sarili; hindi niya akalaing magkaroon siya kahit sa guniguni ng malabis na pananabik sa isang babae tulad ng nararamdaman niya ngayon. Si Cesar ay nababaliw sa paghahangad sa isang babae? Sa babaeng noong una’y naging aliwan lamang niya? Ang buong paligid ay muli niyang minalas. Sumalubong ang mga iyon sa kanyang paningin na tila isang anyo ng mahiwagang kulay na noon lamang niya natitigan, kaya sumilaw sa kanyang
  • 15. mga mata. Para siyang nabaghan. Ang mga iyon ay tila nakatunghay rin sa kanya __nakatitig at para bang nag bawat piraso ng kayamanang naroon ay mga matang nanunuri – nangingilala – sa isang linikhang napaligaw lamang doon. Ang bulwagang iyon – ang lahat – ay tila isang daigdig ngayong bago na sa kanya – na siya’y napasok doon bunga lamang ng di – sinasadyang pagkakamali. At naalala niya ang kanyang napangarap. Doon ay nakita niya ang kanyang sarili sa isang malawak na kaparangan na nakasakay sa isang hayop na maitim. Kaangkas niya sa likod ng hayop
  • 16. ang hinahanap niyang babaing may mahabang buhok at kayumangging kulay. Sapupo niya sa baywang ang babaing iyon habang siya’y humuhuni-huni ng isang malambing na awitin. Iba ang ayos niya at pananamit sa pangarap na iyon. Kayumanggi rin ang balat niya, may katingkaran nga lamang kaysa babaing kaangkas niya sa maitim na hayop. Ngunit doon ay kung bakit palagay ang kanyang loob. Hindi siya nagkaroon ng alinlangan sa kinatagpuang bagong daigdig, hindi nag-usisa sa isip kung bakit siya naroon at naiiba ang kanyang anyo. Tinanggap niya ang daigdig na iyon nang walang pagbaban
  • 17. tulot na tulad ng pagtanggap sa talagang kanya, at ang tunay na Cesar – ang makapangyarihang Mandirigma ng Roma – ay hindi ang dakilang Cesar na nagbubulay – bulay ngayon, kundi ang hamak na Cesar sa piling ng babaing may mahabang buhok at kayumangging kulay. Kumurap-kurap si Cesar at umanyong titindig. Sa kanyang pagninilay-nilay ay sumapit siya sa bahagi ng kanyang pangarap na lalong kagila-gilalas. Nakita niya ang kanyang sarili roon na tila isang gumaganap sa isang palabas, na ang
  • 18. kilos at salita at pati iniisip ay nakita lamang niyang tila binabasa sa isang aklat. Nakita niya ang kanyang sariling iyon na nahibang at ilang sandali ring nangarap, at ang Cesar na tunay niyang sarili, hanggang sa pumailanlang ang kanyang guniguni at mabuong mga larawan sa kanyang diwa. Magkayakap sila ni Cleopatra sa guniguni ng kanyang sariling-pangarap at sila’y nagpalitan ng mga pangungusap na tila salita ng mga bathala at bathaluman sa Olimpo, at kaya lamang nabalik siya sa piling ng babaing may kayumangging kulay ay nang gulantangin siya ng isang malakas na
  • 19. ugong na nagdaan sa kanilang tapat. Napasibad ang hayop na kanilang sinasakyan at nag babae ay tumitiling nahulog sa lupa. Saka niya naramdamang tila sumabog ang kanyang ulo nang mahampas ito ng isang nakalundong sanga ng isang punungkahoy… Di malaman kung sa anong dahilan ay ibig niyang mabatid kung ano ang nangyari sa nahulog na babae, na bagama’ pangarap lamang ay kung bakit pinanabikan din niyang malaman ang naging wakas.
  • 20. Tulad ng isang palabasang nakatunghay sa isang magandang kasaysayan na nang nasa kasarapan na ay saka nabatid na ang mga huling dahon pala ay wala at inubos na ng anay, si Cesar ay hindi matahimik at hindi mapalagay na tila ginagatungan. “Panginoon..” Nagulantang si Cesar. Nakita niyang nakaluhod pa rin ang kawal na tila hindi nangangalay at ang kanyang loob ay nagsiklab. Hinawakan niya ang puluhan ng kanyang patalim.
  • 21. “Sulong!” ang kanyang bulyaw. “Saan nakatanglaw ang liwanag ng iyong mata at hindi nakitang ang iyong Cesar ay nasa sandali ng pagkabagabag?” “Ngunit patawarin ang hamak na alipin ng kanyang panginoon…” Hinugot na bigla ni Cesar ang kanyang tabak at ibabagsak na sana sa ulo ng kawal ngunit napatigil nang makarinig ng bigla ingay na likha ng mga sigawan sa labas. May bumagsak na kung anong malaking bagay sa nakapinid sa pito at
  • 22. iyon ay biglang nagiba. Ang mga tanod sa bulwagan ay nagpulasansa iba’ ibang sulok at ang dalawa sa kanila ay sa likuran pa ni Cesar napasiksik. Hugos na pumasok sa nawasak na pinto ang maraming sandatahang kawal at sa isang iglap ay nakilala niyang iyon ay mga kalaban. Sa loob ng ilang saglit pa, ang kalansing ng mga nagpipingkiang tabak ay nilunod na ng mga daingan ng mga naghihingalo at sigawan ng mga nakatama. Sa kabiglaan ay natabig ni Cesar ang dalawang malalaki rin namang kawal na nagkubli sa kanyang likod at ang dalawa ay gumulong sa
  • 23. daanan ng mga kaaway. Hinarap ni Cesar ang unang tatlong sumugod at ang mga ito’y pawang nagsibagsak sa isang unday ng kanyang sandata. Sa kanyang harapan ay humadlang naman ang isang lalong may matipunong mga bisig na nakilala niyang pinakapuno ng mga lumusob. Nilagdaan ni Cesar ang tulos ng kalaban kasunod ng pagbagsak ng kanyang sariling patalim sa katawan nito. Ngunit iyon ay hindi man lamang natinag at sa pakiramdam niya’y sa hangin lamang siya tumaga kaya siya ay napatigagal. Sinamantala ito ng mga kaaway at siya’y inundayan. Bago nakaiwas ay tumama na
  • 24. sa kanyang ulo ang tabak niyon at ang kanyang kinatatayuan ay biglang natunaw at siya’y bumagsak na tila may nauulinigan pang isang mahiwagang tinig na nakiangkas sa sumisibat niyang diwa: “Ako si Cesar!... Ang hamak na magbubukid.. Ang dakila hamak … dakila… Cesarrrrr…!
  • 25. -2- Nang imulat ni Cesar ang kanyang mga mata ay nakalatag na siya sa isang matigas na himlayan. Hindi niya kilala ang pook na ito, at laong hindi niya kilala ang mukha ng isang nakaputing taong nakatunghay sa kanya at nababalot sa kanyang noo ng isang basahang puti na basa ng kung anong bagay na nakahihilo ang amoy. Sa isang iglap ay sumurot sa kanyang isipan ang paniniwalang siya ay nasa kamay na ng mga kaaway! Napabalikwas si Cesar at nag nagkaputing taong inabot ng kanyang sipa ay
  • 26. gumulong sa sahig. Nahagip din niya at naisaksak sa sulok ang isa pang matandang babaing umiiyak sa tabi ng higaan, na sinugod naman ng yapos ng isang magandang babaing may mahabang buhok. Tumilapon ang mga botelyang nakapatong sa nabuwal na mesita at nagkabasag, at ang amoy na masansang ng laman ng mga iyon ay pumuno sa pook na iyon. Hindi man nakahuma ang ilang taong naroroon na parang napatiran na ng mga ugat sa tuhod at bisig. Sumandal si Cesar sa dinding at hinarap ang mga ito. Nangungunot ang kanyang noong
  • 27. tinitigan ang kanilang mga bihis. Ang mga iyon ay nakamaang na lahat sa kanya, at siya’y natigilan ang biglang sumagi sa kanyang hinagap na ang mga iyon at ang lahat ng ito ay nakita na niya at nangakilalang minsan. Minalas niya ang kanyang sarili ngunit bigla siya nangilabot. Sa kanyang diwa ay nagtibay ang isang hinalang siya ay nasa pugad ng kanyang mga kaaway na higit na makapangyarihan. Nagbalik sa kanyang gunita ang isang matandang paniwalang iniwi ng kanyang panahon at naging
  • 28. sangkap nang kanyang pagkatao buhat pa sa mga unang araw ng kanyang kanyang kabataang pinanday ng paaralan ng mga taon. Ang mga taong ito’y mga engkantadong lahat… at siya’y kinulam ng mga ito upang mag-iba ng anyo, at nang sa gayo’y matulad sa kanila. Ang pangarap niya sa kanyang luklukan sa trono ay isang uri ng engkanto na naipasok sa kanyang diwa sa sandaling maidlip upang malimot niya ang kanyang kamaharlikaan. Ibig ng mga iyon ay malimot niya ang kanyang sarili upang maipailalim na lubos sa kanilang kapangyarihan.
  • 29. Napahalakhak si Cesar. “Ha! ha! ha! Ako’y si Cesar! Nalalaman kong ako ay si Cesar! Ang Dakilang Mandirigma! Hindi malilinlang ng mga uwak ang isang Roamnong may putong na lawrel ng kadakilaan! Isasauli ninyo siya sa kanyang kamaharlikahan at kung hindi …” Nadampot ni Cesar ang isang tungkod ng bintana at saka iwinasiwas sa hangin. Ang mga kaharap ay natilihan, nagtinginang tila nagtatanong sa isa’t isa.
  • 30. “Nababaliw na!” Ang bulung-bulungan ay nagpalipat-lipat. “Nababaliw na si Cesar! Nababaliw na sa lakas ng pagkahampas ng ulo!” Namula si Cesar nang maulinigan ito at humanda sa pagsugod. Nababaliw? At sasabihing nababaliw si Cesar ng mga taong ito na sa ayos at pananamit ay siyang karapat-dapat kapitan ng salitang baliw? Ang matandang babaing tumatangis ay dahan-dahang umipod na papalapit. “Anak!” May pagsusumamo ang tinig ng babae. “Hindi mo ba ako nakikilala? Ako ang iyong ina, a!”
  • 31. Ngunit si Cesar ay nandilat lamang. Pinaglabanan niya ang biglang pagsagi ng pagnanasang sugurin niya at yakapin ang matanda, at ang magandang babaing naiwang nababaghan sa sulok. Naniniwala siyang inaakit lamang siya ng masamang espiritu upang gawin ang gayon. “Ina?” pilit ang kanyang tugon. “Walang nakikilalang ina ang isang dakila kundi si Minerva. Puputulin ni Cesar ang dilang naglubid ng kasini=ungalingang narinig ko!”
  • 32. Ang matanda ay biglang dinahulong at iniamba ang kanyang hawak. Napatili ang magandang babaing naroroon, kasabay ng paghadlang ng isang lalaki at ang kamay ni Cesar ay sinalag. Nagpambuno ang dalawa hanggang sa madaganan ang matanda. Parang nahipan ng hangin ang mga taong naroon at nagkakagulong sumugod upang umawat. “Huwag! Huwag!” tili ng magandang babae. Ngunit bago napawi ang alingawngaw niyon ay naipalo na ng isang lalaki ang tukod ng bintana sa ulo ni Cesar.
  • 33. -3- Natauhan si Cesar na nakagapos na ang kanyang buong katawan sa ibabaw ng higaan at ang ulo ay balot na balot ng mahabang benda. Hindi niya gustong kumilos pagkat nangingirot ang kanyang ulo at mga buto. Ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata. Ayaw niyang mag- isip ng anuman. Malabung-malabo ang kanyang diwa at ang bahagyang pagpupunyagi sa pag-iisip ay ikinahahapo nito. Nagmulat siya ng mga mata nang makarinig ng nag-aanasang mga tinig. Nakita niya ang isang matandang babaing nakaupo na malapit sa
  • 34. durungawan sa harap ng isang matandang lalaking may mahabang balbas na halos umabot na sa dibdib. Ang matandang babae ay nakatungong nagpapahid ng mga mata, samantalang hinahagud-hagod naman ng lalaki ang mahabang balbas at tila nag-iisip. May pinag- uusapan ang dalawa na siya ang tila pinakapaksa ngunit hindi lamang niya lubos na matiyak pagka’t pati ang makinig ng usapan ay tila pumapagod sa kanya. Umiiyak na ang babae. Humarap na bigla rito ang balbasing matanda na sa sulok ng labi ay nakakunyapit ang isang ngiting mahiwaga.
  • 35. “Ngunit, Rosa,” ang marahang wika nito, marahang-marahang tila sinadya, “si Cesar ay di nababaliw!” Naramdaman ni Cesar na namigat ang kanyang ulo at siya’y napapikit nang mariin. Ang mga tinig na naririnig niya ay pumupuno sa kanyang ulo, na anhin man niyang iwaksi ay pilit na nasusumiksik sa kanyang isipan. Nahiwatigan niyang tila may pagtatalong ilang saglit ang dalawa na sinundan ng isang mahabang pangungusap ng lalaki, na paminsan- minsan ay tila may nasusundot sa kanyang gunita at nakapagpapaalaala sa kanya ng ilang
  • 36. malalabong bagay na nagdaan. Pilit niyang inunawa ang kahulugan ng kanyang mga naririnig ngunut nag-agtingan lamang ang mga ugat sa kanyang ulo. Narinig niyang nabanggit ang isang pangalan – Meding… Meding… kababata ng aking anak… anak… anak… ng aming kapitbahay… muntik na ring mapahamak … dumadalaw ritong madalas buhat nang si Cesar ay… marahil ay dadalaw na muli … Nag-alumpihit si Cesar sa kanyang higaan. Ang pangalang iyon… ang pangalang iyon! Ang… at nang hindi na matiis ay nagtangkang bumangon sa pagkakahiga,
  • 37. ngunit pinigilan siya ng lubid na nakapulupot sa kanyang katawan. “Cesar,” narinig niyang tawag ng balbasing lalaki na noo’y nakalapit na sa kanyang higaan. “Cesar…” Napagulantang si Cesar at napadilat na muli. Ngunit hindi siya tumugon. Hinipo siya ng lalaki. Tumutol ang mga laman niya, ngunit ang salat ng mga palad ng lalaking iyon ay hindi niya iwinaksi pagkat nakapagpaginhawa sa kanyang pakiramdam.
  • 38. Yumuko iyon at siya’y tinitigang mabuti ng mga matang malalamlam ngunit nanunuot hanggang sa kaliit-liitang hibla ng kanyang laman. Sinalat ang kanyang mga mata. Ipinakadilat ang mga talukap. Tinitigan at tinatapatan ng isang kung anong mabilog na salamin. Nang malao’y napapikit na lamng siya at nakiramdam. Pinulsuhan siya ng matanda, sinalat ang iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan, upang ibalik lamang muli ang pansin sa kanyang mga mata.
  • 39. “Cesar,” pagkaraan ng mahabang sandali ay mulign tinawag ng matanda. Dumilat siya at sinalubong ang nanunuot na titig niyon, ngunit hindi pa rin siya sumagot. “Cesar… Cesar …” Nag-unat ng katawan ang matanda at pagkunwa’y hinudyatan ang babae upang lumabas, saka ipininid ang kurtina ng pinto. Nagbalik sa kinaroroonan ni Cesar at siya’y isinandal sa pinagpatung-patong na mga unan.
  • 40. Saglit iyong nagpalakad – lakad sa loob ng silid at tinungo ang nakabukas na bintana. Saglit ding huminga ng malalim, at pagkatapos ay muling lumapit sa kanya. Dumukot ng isang bagay na makislap at itinapat sa mata ni Cesar. “Titigan mo ito,” ang wikang marahan, at ang tingi ay nag-iba ng himig. Hinagod ng mga daliri niyon nag pagitan ng kanyang kilay, at sa salat ng daliri ay parang may hinigut sa salimuot sa kanyang utak. “Huwag kakang mag-iisip kahit ano. Pumanatag ka.
  • 41. Huwag mong papansinin ang mga sinabi ko. Ayan … parang pinapaypayan na ang iyong mga mata … at ikaw ay mag – aantok … mag – aantok …” Naramdaman ni Cesar na tila matutulis na sibat ang mga salitang iyon na naglagos sa kanyang utak, hanggang sa ang kanyang ulo ay unti-unting lumaki at ang kanyang paningin ay unti-unting nanlabo at ang kanyang katawan ay unti-unting gumaan. Humina nang humina ang tinig na naririnig niya hanggang tuluyang mawala na sa kanyang pandinig.
  • 42. At sa sandaling hindi pinakaaasahan ay bigla na lamang siyang pumailanlang sa itaas. Sumibat ang kanyang diwa sa kalawakang namumutiktik sa mga bituin at buwan, sa mga kumeta at planeta, na bawa’t isa’y nagtataglay ng mga larawan ng isang taong mandi-rigma, ng isang taong magbubukid, ng isang taong mandirigma, ng isang … Nagsala-salabat sa kanyang isip ang mga larawang iyon hanggang sa biglang magsiinog sa kanyang paningin lahat,
  • 43. hanggang sa siya’y matangay at mapasama sa mga iyon. Uminog siya nang uminog na kasabay ng mga bituin at planeta, na kasama ng mga kumeta at buwan. Uminog siya ng uminog … inog … inog … inog nang inog … At sa kanyang pag-inog ay tila may isang matinis na tinig na nagbubuhat sa pinakaliblib na sulok ng kanyang utak , nanunuot sa kanyang diwa.
  • 44. Limutin mo si Cesar na Mandirigma … isipin mo si Cesar na magbubukid … limutin mo si Cesar na Mandirigma … isipin mo si Cesar na magbubukid … ikaw si Cesar na magbubukid … magbubukid … magbubukid … At patuloy ang kanyang pag-inog na kasama ng mga bituin at planeta, ng mga kumeta at buwan. Uminog siya nang uminog … inog ng inog … inog … inog … i.. n.. o.. g.. i.. n.. o.. g.. i.. n.. o.. o.. o.. o.. g.. g.. g.. g……
  • 45. -4- Nagising si Cesar na wala nang gapos at nakatunghay na sa kanya ang kanyang ina sa tabi ng matandang balbasin. Walang kurap ang pagkatitig sakanya ng mga mata niyong may luha .. Titig na nananabik at nahihintay. Kumurap- kurap si Cesar nang ilang saglit, at nang biglang naunawa ang lahat ay saka pabalikwas na nagbangon. Ngunit hindi ang matanda niyang ina ang kanyang nasugod ng yakap.
  • 46. Hindi, kundi ang isang babaing nasa may likuran ng matanda … ang isang babaing duamating doon habang siya’y natutulog … ang isang babaing may mabahang buhok at kayumangging kulay. “Meding!” ang kanyang tawag. At sa ilang saglit pa’y nasa bisig niya ito, pinupugpog ng halik – sa pisngi, sa leeg, sa buhok, sa dibdib, sa labi, samantala’y walang tigl naman ang pagtulo ng kanyang luha, ng luha ng babaing nakayapos din sa kanya, at sa kanyang inang … umiiyak at dumalangin at naspapasalamat sa Maykapal.