SlideShare a Scribd company logo
Mga Akdang Lumaganap
sa Panahon ng Espanyol
Ang mga akdang lumaganap sa panahon ng Espanyol ay
nagsimula noong tuluyang bumagsak ang Pilipinas sa
kamay ng mga Espanyol noong 1565. Ang mga panitikan ay
naimpluwensiyan ng mga ideyolohiya ng mga Espanyol,
partikular na ang relihiyon.
Katangian ng Panitikan noong Panahon ng
Espanyol
Sari-Saring kaanyuhan at
pamamaraanKaraniwang paksa ay
Panrelihiyon
Ang mga panitikan ay halaw sa anyo, paksa at tradisyong
Kastila
Ang mga nilimbag na panitikan ay isinalin sa iba’t-ibang
Wikang Filipino (Wikang Tagalog, Bikolano, atbp.)
Noong panahon ng mga Espanyol, pinakilala nila ang
panibagong sistema ng alpabeto. Binubuo ito ng limang
patinig at labin-limang katinig
Patinig – a, e, i, o, u
Katinig – b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, at y
Doctrina Cristiana
 Kauna-unahang aklat na nailimbag sa Pilipinas noong
1593; ito’y isinulat ni Fr. Juan de Plasencia
Nilalaman nito ang mga dasal, sampung utos, pitong
sakramento, kasalanang mortal, pangungumpisal at
katesismo
 87 pahina lamang
Uri ng Panitikan noong Panahon ng Espanyol
Awit
Korido
 Duplo
Senakulo
Pasyon
Moro-Moro
Awit
 Isang uri ng tulang romansa na may sukat na
labindalawang pantig bawat taludtod
Patungkol sa bayani at mandirigma at larawan ng
buhay
Ang mga tauhan ay hindi nagtataglay na supernatural
na kapangyarihan
 Hango sa tunay na buhay
 Isang uri ng tulang pasalaysay na may sukat na walong
pantig sa taludtod
Patungkol sa kababahalagan o pananampalataya
Ang mga tauhan ay natataglay ng supernatural na
kapangyarihan
 Halimbawa ay Ibong Adarna
Korido
Ito ay ang pagtatalo na ginagamitan ng tula at kahusayan
sa pagbigkas
Ginagamitan nito ng mga salawikain, kawikaan at kasabihan
Karaniwang isinasagawa kapag may namatay
Villacos – lalaking pangunahing tauhan
Villacas – babaeng pangunahing tauhan
Duplo
Isang uri ng dula na isinasagawa tuwing Mahal
na araw na nagsasalaysay sa buhay, pagdurusa
at kamatayan ni Hesu Kristo
Senakulo
 Ito ay isang naratibong tula na nagsasaad ng buhay ni
Hesu Kristo mula sa kanyang pagsilang hanggang sa
kanyang kamatayan
Pasyon
Fr. Gaspar Aquilino de Belen – Unang Pilipinong sumulat
at kumanta ng Pasyon
Nagmula sa dula ng Europa, “Comedia de capa y españa”
 Isang uri ng komedya
Ito ay nag-ugat sa pakikipag-laban ng mga Espanyol sa
mga Muslim
Moro-Moro
Ito ay isang dulang itinatanghal at nagpapamalas ng
paghahanap ng pansamantalang tirahan nina Maria at
Jose sa Bethlehem.
Panunuluyan
Mga Akdang Panrelihiyon
 Kauna-unahang aklat na nailimbag sa Pilipinas noong
1593; ito’y isinulat ni Fr. Juan de Plasencia
Nilalaman nito ang mga dasal, sampung utos, pitong
sakramento, kasalanang mortal, pangungumpisal at
katesismo
 87 pahina lamang
– sinulat ito at inilimbag ni Pari Blancas de San Jose, O.P.,
noong 1602 sa Imprenta ng Santo Tomas.
Nuestra Señora del Rosario
Barlaan at Josaphat
– sinulat ito ni Pari Antonio de Borja, S.J., at inilathala noong
1708 at muli noong 1712. Ito ay batay sa sa mga salaysay
mula sa Bibliya. Ipinalalagay na ito ang kauna-unahang
nobelang Tagalog kahit salin lamang.
Ang Barlaan at Josaphat ang kauna-unahang nobelang
nalimbag sa Pilipinas. Ito ay isinalin sa Tagalog ni Padre
Antonio de Borja noong 1712. Ang akdang ito ay naitalang
mahabang akdang panrelihiyon na naglalaman ng mga
aral na tunay na totoong aakay sa mga tao sa mga
gawaing banal sa pamamagitan ng mga gawa ng mga
pangunahing tauhan sa nobela na sina Barlaan at Josaphat.
– sa panahon ng kuwaresma, ang buhay at
pagpapakasakit ng Panginoong Hesukristo ay inaawit.
Pasyon
Mga Dalit kay Maria
– sabayang inaawit bilang handog kung buwan ng Mayo sa
pag-aalay ng bulaklak sa Mahal na Birhen.
– dahil sa kanyang Urbana at Feliza, tinagurian siyang “Ama
ng Tuluyang Klasika sa Tagalog.”
Padre Modesto de Castro
Mga Dula sa Panahon ng
Kastila
– isang uri ng dulang panrelihiyon na namalasak noong
panahon ng Kastila. Ang pinakadiwa nito ay ang
paghahanap ng bahay na matutuluyan ng mag-asawang
San Jose at Birheng Maria noong bisperas ng Pasko.
Panunuluyan
– isang uri ng dulang makarelihiyon na ang
pinakamanuskrito ay ang pasyon. Itinatanghal ito kung
Mahal na Araw, kadalasa’y nagsisimula sa Lunes Santo at
nagtatapos ng Biyernes Santo, kung minsan pa’y umaabot
ng Linggo ng Pagkabuhay. Ito ay itinatanghal sa entablado.
Tinatawag din itong “pasyon sa tanghalan”.
Senakulo
– itinatanghal sa entablado. Dalawang pangkat ang
naghaharap dito: ang mga Kristiyano at ang mga moro.
Tinawag itong comedia de capa y espada na sa kalauna’y
naging kilala sa palasak na tawag na “moro-moro”.
Nasusulat sa anyong tula, pumapaksa sa paglalaban ng
mga Kristiyano at mga di-Kristiyanong tinawag ng mga
Kastilang “moro”. Laging magtatagumpay ang mga
Kristiyano sa mga paglalaban.
Moro-Moro
– ito ay may kaugnayan sa senakulo sapagkat ito ay
nauukol sa paghanap sa krus na kinamatayan ni Kristo sa
bundok ng Kalbaryo. Ang mga tauhan dito ay sina
Emperatris Elena at ang kanyang anak na si Emperador
Constantino. Tinawag na tibag sapagkat ito ay nauukol sa
pagtibag ng bundok ng Kalbaryo sa paghanap ng krus.
Tibag
Mga Tula sa Panahon ng
Kastila
Ang unang tula sa Tagalog ay sinulat ni Tomas Pinpin at
kasamang inilimbag sa kanyang aklat na Librong Pag-
aaralan nang manga Tagalog sa Uicang Castila. Ang tula ay
binubuo ng magkasalit na taludtod sa Tagalog at Kastila sa
layuning matutuhan ang Kastila.
Felipe de Jesus – ipinalalagay ng mga mananaliksik na ang
kritikong si Felipe de Jesus ng San Miguel, Bulakan, ang
unang tunay na makatang Tagalog.
Mga Tulang Romansa sa
Panahon ng Kastila
- tulang pasalaysay na may sukat na walong pantig sa
taludtod at may mga paksang kababalaghan at maalamat
(karamiha’y halaw at hiram sa paksang galing sa Europa) na
dala rito ng mga Kastila. Inaawit ito nang mabilis o “allegro”.
May walong pantig ang taludturan. (Halimbawa: Ibong
Adarna).
Kurido
– isang uri ng tulang binubuo ng labindalawang pantig
bawat taludtod ng isang saknong at kung inaawit ay
marahan o “andante”. (Halimbawa: Florante at Laura)
Awit
Ang tulang dula o tulang pantanghalan o dulang
pantanghalan ay kahit anumang drama na sinulat bilang
isang berso para wikain
At ang dula ay isinasagawa sa tanghalan kaya ito ay tinawag
na dulang pantanghalan.
KARAGATAN
uri ng tulang patnigan, isa sa sinaunang panitikan.
Ang paksa ng karagatan ay tungkol sa isang priNsesa na
nawala ang singsing sa karagatan.
Nagpapaligsahan ang mga binata sa kanilang mga husay at
talento (na isinasagawa sa pamamagitan ng pagtula).
Kung sino man sa kanila ang makakakuha ng singsing ay
magiging asawa ng prinsesa.
Ang karagatan ay nanggaling sa isang alamat tungkol sa
isang dalagang nawalan ng singsing.
Ang mga binatang maghahanap ng singsing dapat sasagot
ng patula kapag nahanap ang singsing matutuloy ang
kasalkasalan kapag hindi malulunod ang binata.
Duplo
uri ng tulang patnigan na pumalit sa Karagatan. Ang mga
pagbigkas ay galing sa mga kasabihan, salawikain at Bibliya.
Ito ay madalas laruin tuwing may lamay sa patay. Naglalaban
ang mga kasali sa pagbigkas at pagbibigay ng katwiran ng
patula.
Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa
pagbigkas at pangangatwiran nang patula
Dalit
Mga Dalit kay Maria
sabayang inaawit bilang handog kung buwan ng Mayo sa
pag-aalay ng bulaklak sa Mahal na Birhen.
isang uri ng tula, karaniwang pang relihiyon, partikular na
nakasulat para sa layunin ng papuri, pagsamba o panalangin,
at karaniwan ay ipadala sa isang Diyos o sa isang kilalang
pigura o maliwanag na halimbawa. at may kahalong
pilosopiya sa buhay.
HUWÉGO DE PRÉNDA
Ang huwégo de prénda, batay sa kahulugan ng
pinagmulan nitóng Espanyol na juego de prenda, ay “laro
ng multa.” Nilalaro ito tuwing búrol o lamayan.
Walang takdang bilang ang maaaring sumali sa laro
ngunit malimit na kabataan ang mga kalahok.
Umuupô sa isang pabilog ang mga manlalaro,
magkahiwalay ang mga babae at ang mga lalaki, at may
lider o hari sa gitna. Bawat manlalaro ay binibigyan ng
pangalan.
Pangalan ng punongkahoy o bulaklak ang sa babae.
Pangalan ng ibon o numero ang sa lalaki.
Nagsisimula ang laro sa pamamagitan ng pahayag ng hari na
nawawala ang kaniyang ibon at sisimulan niyang
pagbintangan ang isang kalahok na babae. Itatatwa ito ng
napagbintangan at ipapása ang sakdal sa isang kalahok na
lalaki. Kailangang mabilis sa pagsagot at pagpapása ang
kalahok. Kailangang memoryado din niya ang mga ibinigay
sa kanilang pangalan. Kapag namali sa pagsasabi ng
pangalan, o bumagal sa pagsagot, ang kalahok ay
“napeprendahan” o napaparusahan.
Ang parusa ay dalawang klase: tumupad ng isang utos o
tumula/umawit.
Laro ito ng mga kabataan, lalo na ng mga dalaga atr binata,
dahil ginagamit na pagkakataón para sa pagliligawan.
Malimit na mapagbiro ang utos kapag dalaga ang
naparusahan. Malimit namang may nakahandang tula ng
pagsuyo ang binata kapag naparusahang tumula.
Bago magsimula, sa pagitan ng mga parusa, at sa
pagtatapos ay umaawit ang mga kalahok ng dalít at ganito
ang koro: Sa Diyos natin ialay
Kaluluwa ng namatay
Patawarin kaawaan
Sa nagawang kasalanan.
Ang pagsasaulo ng mga solo sa pagdalít ay isang
katangiang kailangan upang maging higit na maging
aktibong kalahok sa huwego de prenda. Nagagamit niya
itong awit sa parusa. Naipagmamalaki din niya itong solo
bago magkoro.
Panubong
Ito ay isang mahabang tulang paawit bilang handog at
pagpaparangal sa isang dalagang mag kaarawan.
Nagsimula ito sa Marindoque. Sa ibang lugar, ito ay
tinatawag na pamutong.
Sa isang pagpaparangal, ang bagay na inilalagay sa ulo ng
pingangarangalan, karaniwan mga bulaklak.
Ito ay tinatawag na pamutong sa Tagalog. Sa mga taga-
Marindoque ito ay panubong. Ang taong tumutula sa
panubong ay tinatawag na manunubong
Ang panubong ay nahahati sa tatlo:
 Unang bahagi ay pag-awit sa tarangkahan ng ng may
kaarawan o bahay sa isang pook na nagdaraos ng isang
panuhing nais na parangalan.
 Ikalawang bahagi ay ang pag-awit habang umaakyat sa
hagdanan.
 Ikatlong bahagi ay ang pag-awit sa loob ng bahay.
Anekdota
Ito ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa
kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng
isang kilala, sikat o tanyag na tao
Ito ay may maikling salaysay ng buhay na punong-puno ng
mga aral na karaniwang ginagamit ng pari sa kanilang mga
sermon.
Ito ay may dalawang uri
kata-kata at hango sa totoong buhay.
Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa
mga ginagawa ng mga tao.
Platikas
ay mga sermon na humuhubog sa kagandahang
asal.
Sermon ng pari, ng ating mga magulang, ng mga
nakatatanda at kung minsan ay mga batang pastor.
Ang katipunan ng mahuhusay na sermon ni Padre
Modesto de Castro ay tinatawag niyang “Platicas
Doctrinales”. Ito ay binubuo ng 25 mahuhusay na sermon
ni Padre Modesto de Castro samantalang siya ang kura
paroko ng Kawit, Cavite.
Nakilala ang manunulat na si Padre Modesto de Casto.
Itinuturing na pangunahing manunulat noong ika-19 na
daantaon. tubong Biñan. Laguna. Kinilala siya dahil sa
kanyang angking kakayahan sa pagsulat ng mga sermong
pampolitika na kanyang binibigkas at nang tumagal ay
isinulat para malathala.
Pambihira ang kanyang angking talino. Ang katipunan
ng mahuhusay na sermon ni Padre de Castro na
humuhubog sa kagandahang -asal ay pinamagatang
"PLATIKAS”
Sanaysay
ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman
ng personal na kuru-kuro ng may-akda.
Pormal
Dalwang uri ng Sanaysay
Ang sanaysay na palana na tinatawag din na impersonal ay
naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa ng
makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales
tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay.
Tinuturing din itong maanyo sapagkat pinag-aaralan ng
maingat ang piniling pananalita kaya mabigat basahin.
Pampanitikandin ito dahil makahulugan, matalinhaga, at
matayutay ang mga pangugusap.
Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang
pananaw ay obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng
may-akda. Ang tono nito ay seryoso, pang-intelektuwal, at
walang halong pagbibiro.
Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang
pananaw ay obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may-
akda. Ang tono nito ay seryoso, pang-intelektuwal, at walang
halong pagbibiro.
Isang uri ng pormal na sanaysay ay ang editoryal ng isang
pahayagan.
Isa itong sanaysay na may opinyon tungkol sa mga maiinit
na mga balita. Bagama't may opinyon, ito ay hindi
ginagamitan ng unang panauhan sa paglalahad.
Di-pormal
Ang sanaysay na di-palana na tinatawag din na personal o
palagayan ay mapang-aliw, nagbibigay-lugod sa
pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksang karaniwan,
pang araw-araw at personal. Idinidiin dito ang mga bagay-
bagay, mga karanasan, at mga isyung bukod sa nababakas
ang personalidad ng may-akda ay maaring makiramay o
maging sangkot ang mambabasa sa kanyang pananalita at
parang nakikipag-usap lamang ang may-akda sa isang
kaibigan, kaya magaan at madaling maintindihan.
Personal din ang tawag sa uring ito dahil palakaibigan
ang tono nito dahil ang pangunahing gamit ay unang
panauhan. Subhektibo ito sapagkat pumapanig sa
damdamin at paniniwala ng may-akda ang pananaw.
Pagsisiyam o Nobena
ay ang makapananampalatayang pamimintakasi sa Diyos
Ama, kay Kristo, sa Birheng Maria, o sa mga santo, sa loob
ng siyam na araw na may layuning makahiling ng
natatanging mga biyaya, pagpapala, o grasya.
Nagsimula ang pagnonobena sa pagtulad o paggaya ng
mga taong deboto sa mga apostol o alagad ni Hesus na
nagsama-sama sa pagdarasal ng siyam na araw mula sa
pagpanik sa langit ni Hesus hanggang sa Linggo ng
Pentekostes. Isang halimbawa nito ang pagnonobena ng
rosaryo.
Nobela, Akdang-buhay o Kathambuhay
ay isang mahabang kuwentong piksiyon na binubuo ng
iba't ibang kabanata.
Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina.
Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig at
naging bahagi ng mga pangunahing henerong
pampanitikan.
Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak
na istilo o maraming tiyak na istilo.
Mga Dula sa Panahon ng
Kastila
Senakulo
Ito ay isang dula patungkol sa Buhay,
Pagpapasakit,Kamatayan at Muling Pagkabuhay ng
Panginoong Hesukristo. Isa ito sa mga tradisyon ng
Semana Santa sa ilang grupong Cristiano, partikular na sa
mga Katoliko.
Ang pagbuo ng isang Senakulo ay katulad din sa Dula ng
Pasko ng Pagkabuhay.
Nag-umpisa ito bilang isang ritwal ng Simbahan, na siyang
nagtatakda na ang Ebanghelyo ng Biyernes Santo ay dapat
awitin sa iba't ibang bahagi na paghahatian ng ilang mga
tao.
Kinalaunan, nagkaroon ng sariling anyo ang Senakulo.
Ang unang Senakulo ay isinadula sa wikang Latin, matapos
noon ay nagkaroon ng bersyon sa wikang bernakulo.
Dinagdagan ito ng iba't ibang mga anyo at laman ng higit
sa inaasahan ng mga manonood, hanggang sa ika-15 siglo
kung kailan nabuo naman ang mga sikat na dulang
panrelihiyon.
Kaya doon, ang Senakulo ng Bebedictberun ng ika-13 siglo
ay naglalaman karamihan ng mga diyalogong Latin at ng
awit pangsimbahan, at ito'y binuo para awitin.
Tibag
Ito ay isang dulang panrelihiyon na tinatanghal kung
buwan ng Mayo na nakaugalian na sa Bulakan, Nueva
Ecija, Bataan, Rizal at Bicol. Ito ay tungkol sa
paghahanap ni Sta. Elena sa mahal na Sta. Cruz na
kinamatayan ni Kristo.
Ito ay sinulat ni Fruto Cruz. Ang dulang ito ay nahahati
sa dalwang bahagi:
pagtatagumpay ni Emperador Constantino sa kanyang
mga kalaban at ang pagkakatuklas ni Sta. Elena sa krus na
Kinamatayan ni Hesus.
pagtatagumpay ng mga pinunong Kristiyano laban sa
mga hindi binyagan at ang pagkakasauli sa mahal na
Santa Cruz sa bundok ng Kalbaryo.
May bahaging itinatanghal sa entablado at may bahagi na
lumalakad ang mga tauhan na humahanap sa bundok. Ito ay
tatlong bundok na ginawa sa ibat-ibang bahagi ng bayan.
Karaniwan itong ginagawa sa mga lugar na kung tawagin ay
Hermano.
Ang kumakatawan kay Sta. Elena at sa mga kawal, kasama
pati ang haring Constantino ay lumilibot upang hanapin
ang Krus na kinamatayan. Bago tibagin ang bundok, may
mga binibigkas silang berso at mga pagpapuri. Ang krus ay
matatagpuan sa ikatlong bundok. Kung matagpuan na, itoy
ipo-prosisyon na magtatapos sa simbahan.
Kaakit-akit ang kasuotan ng mga nagsisiganap. Bago ang
paghahanap sa krus ay may bahaging ginaganap sa
entablado na nagsasadula ng paglalaban ng mga Moro at
Kristiyano. Palagi nang panalo ang mga Kristiyano sa
bahaging ito.
Matapos ang paglalaban ng mga Kristiyano (Bingyagan) at
Moro (di binyagan) kung saan magwawagi si haring
Constantino, masasakop niya ang bayan at may laya na sila
upang hanapin ang krus na kinamatayan. May mga bahay
na siyang namamahala sa tatlong bundok. Doon nagtutungo
ang mga tauhan upang itoy tibagin. Si Sta. Elena, mga kawal
at ang Hari ang maghahanap at titibag sa mga nasabing
bundok.
Niños Inocentes
Ipinagdiriwang ang Kapistahan ng Niños Inocentes
tuwing Disyembre 28 ng bawat taon.
Ito ang araw na ipinagdiriwang ng Simbahan ang pagiging
martir ng mga sanggol na pinatay ni Haring Herod dahil sa
takot na ang bagong silang sa Bethlehem ang magiging
dahilan para matanggal siya bilang hari.
Moriones o Morion
Ito ay isang taunang pista na ginaganap tuwing Mahal na
Araw sa pulo ng Marinduque, Pilipinas.
Sa Moriones, nakadamit at nakamaskara ang mga tao bilang
mga sundalong Romano ayon sa nasaad sa Bibliya sa
kuwento ng pagpapasakit ni Hesus.
Naging inspirasyon ang Moriones or Moryonan para
gumawa ng iba pang mga pista sa Pilipinas kung saan ang
mga pang-kalinangang gawi ay nagiging pista sa
lansangan.
Hango ang salitang Moriones mula sa salakot noong
ikalabing-anim at ikalabingpitong siglo na morion.
Ang pistang ito ay sinasariwa ang buhay ni Longinus, isang
senturyong Romano. Ang mga kaganapan ng pista ay
nagsisimula ng Lunes Santo at nagtatapos ng Pasko ng
Pagkabuhay
Ang mga nakasali sa pagtatanghal ay nangakamaskara at
nakadamit senturyon, isang uri ng kasuotang angkop
lamang sa nasabing pagtatanghal.
Komedya at Moro-moro
Ang komedya at Maoro-moro bagamat magkaiba tulad ng
sinabi nina Agoncillo at Guerrero ay naipagkamali ng mga
mamamayan na iisa sapagkat ang diwa at layunin ay
magkatulad –magpalagnap ng relihiyon at manlibang.
Ang komedya na unang nakilala bilang Comedia de la Capa
y España ay pagsasadula ng mga awit at korido.
Ang Moro-moro ay nagtatanghal ng paglalabanan ng mga
Moro at Kristiyano na nagwawakas sa pagbibinyag ng mga
Moro bilang Kristiyano.
Nagmula ang Moro-moro sa isang sayaw na mapandigma
na naidala rito ng mga Mehikano mula sa Granada.
Ang unang Moro-moro dito sa kapuluan ay itinanghal dito
sa Maynila noong 1637. Ito ang “Grand Comedia de la Toma
del Pueblo de Corralat y Conquista del Cerro” ni Padre
Geronimo Perez.
Dahil nga sa komedya at Moro-moro ay naipagkamaling
iisa, napangawitan ang katawagang Moro-moro
hanggang ang komedya ay tuluyan ng nawala
Noong 1750 ay itinanghal naman ang Guerras Piraticas
bilang parangal sa pagpapabinyag ni Sultan Alimudin.
Ayon kay Soller, isang mananaysay, ang pinakamahabang
Moro-moro ay nasulat sa wikang kapampangan. Ito ay
may pamagat na Gonzalo de Cordova na nalimbag noong
1912. Wala nang matagpuang orihinal na sipi ng mga
Moro-moro sapagkat diumano ay hindi naingatan at nag
mga ito ay nakain ng mga anay sa taguan.
Flores de Mayo
Ito ay pag-aalay ng mga bulaklak sa Mahal na Birheng Maria
ng itinatanghal bilang dula ng mga paring misyonero.
Ang mga gumaganap ay ang mga batang babae at lalaki na
nakasuot ng mga damit na puti. Umaawit sila ng mga awitin
ng pag-aalay sa Mahal na Birheng Maria.
Pangangaluwa
Ibinibilang din itong isang dulang panrelihiyon na
ibinabatay sa isang kaugaliang paulit-ulit na isinasagawa
dahil sa paniniwala na ikinikintal sa ating isipan ng mga
Kastila noong panahon ng kanilang pananakop.
Sa Pagdiriwang ng mga Patay, sa gabi ng Oktubre 31 ay
nagbalik diumano ang kaluluwa ng mga namatay sa
piling nating mga buhay na kamag-anak nila. Naggala
raw ang mga kaluluwa sa bahay-bahay upang dumalaw sa
kanilang mga kamag-anak na nabubuhay. Ang paggala ay
ginagawa ng mga kabataan na siyang nagkukunwang
mga kaluluwa.
Sa ngayon ang pangangaluwa ay ginagawa pa rin sa
malalayong baryo at nayon
Panunuluyan
Isa rin itong dulang panrelihiyon na isinasagawa sa gabi
nga Disyembre 24 bago mag misa de gallo. Isinasabuhay
nito ang paghahanap ng lugar na pagsilangan kay Hesus.
Salubong
Itinatanghal ang dulang ito sa madaling Araw ng Linggo
ng Pagkabuhay ni Hesus at ginaganap ito sa daan na
malapit sa simbahan. Sa sangang-daang ito ang Mahal
na Birhen na nakatalukbong ng itim na belo. Ang itim na
belo ay aalisin ng mga anghel na ginagampanan ng mga
batang babae. Ang pag-alis na ito ng belong itim
sumasagisag sa pagbabagong luksa ng Mahal na Birhen
sapagkat nabuhay nang muli si Hesus. Ang tagpong ito
ay paulit-ulit na ginagaw ng mga katoliko.
Ang salubong ay isang palatandaan na tapos na
ang Mahal na Araw o Semana Santa.
ROSMAR BAÑAS PINAGA, LPT, MAED
Lecturer

More Related Content

What's hot

Panahon ng Hapon
Panahon ng HaponPanahon ng Hapon
Panahon ng Hapon
Margielyn Aniñon
 
Karagatan at duplo
Karagatan at duploKaragatan at duplo
Karagatan at duplo
Junard Rivera
 
Panitikan sa kasalukuyan
Panitikan sa kasalukuyanPanitikan sa kasalukuyan
Panitikan sa kasalukuyan
Ernie Chris Lamug
 
Maikling Kasaysayan ng Panitikang Pilipino
Maikling Kasaysayan ng Panitikang PilipinoMaikling Kasaysayan ng Panitikang Pilipino
Maikling Kasaysayan ng Panitikang Pilipino
Marlene Panaglima
 
Panahon ng kastila
Panahon ng kastilaPanahon ng kastila
Panahon ng kastila
Rhodz Fernandez
 
Panulaang filipino: Panahon ng Amerikano
Panulaang filipino: Panahon ng AmerikanoPanulaang filipino: Panahon ng Amerikano
Panulaang filipino: Panahon ng Amerikano
isabel guape
 
Kasaysayan ng maikling kwento
Kasaysayan ng maikling kwentoKasaysayan ng maikling kwento
Kasaysayan ng maikling kwento
chrisbasques
 
panitikan sa panahon ng propaganda
panitikan sa panahon ng propagandapanitikan sa panahon ng propaganda
panitikan sa panahon ng propaganda
sjbians
 
Mga teorya
Mga teoryaMga teorya
Mga teorya
Nikz Balansag
 
Pamana ng mga kastila sa mga pilipino
Pamana ng mga kastila sa mga pilipinoPamana ng mga kastila sa mga pilipino
Pamana ng mga kastila sa mga pilipinoJared Ram Juezan
 
Panitikan sa Panahon ng Hapones
Panitikan sa Panahon ng HaponesPanitikan sa Panahon ng Hapones
Panitikan sa Panahon ng Hapones
menchu lacsamana
 
panitikan sa panahon ng espanyol
panitikan sa panahon ng espanyolpanitikan sa panahon ng espanyol
panitikan sa panahon ng espanyolLAZ18
 
Panahon ng amerikan
Panahon ng amerikanPanahon ng amerikan
Panahon ng amerikan
yahweh19
 
Dulang patula sa panahon ng Kastila
Dulang patula sa panahon ng KastilaDulang patula sa panahon ng Kastila
Dulang patula sa panahon ng Kastila
betchaysm
 
Panahon ng kastila
Panahon ng kastilaPanahon ng kastila
Panahon ng kastilaeijrem
 
Ang Mga Panahon ng Panitikan
Ang Mga Panahon ng PanitikanAng Mga Panahon ng Panitikan
Ang Mga Panahon ng PanitikanMckoi M
 
Filipino 8 Mga Akdang Lumaganap sa Panahon ng Espanyol
Filipino 8 Mga Akdang Lumaganap sa Panahon ng EspanyolFilipino 8 Mga Akdang Lumaganap sa Panahon ng Espanyol
Filipino 8 Mga Akdang Lumaganap sa Panahon ng Espanyol
Juan Miguel Palero
 
Panitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng KastilaPanitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng Kastila
menchu lacsamana
 

What's hot (20)

Panahon ng Hapon
Panahon ng HaponPanahon ng Hapon
Panahon ng Hapon
 
Panitikan sa panahon ng amerikano
Panitikan sa panahon ng amerikanoPanitikan sa panahon ng amerikano
Panitikan sa panahon ng amerikano
 
Karagatan at duplo
Karagatan at duploKaragatan at duplo
Karagatan at duplo
 
Panitikan sa kasalukuyan
Panitikan sa kasalukuyanPanitikan sa kasalukuyan
Panitikan sa kasalukuyan
 
Maikling Kasaysayan ng Panitikang Pilipino
Maikling Kasaysayan ng Panitikang PilipinoMaikling Kasaysayan ng Panitikang Pilipino
Maikling Kasaysayan ng Panitikang Pilipino
 
Panahon ng kastila
Panahon ng kastilaPanahon ng kastila
Panahon ng kastila
 
Panulaang filipino: Panahon ng Amerikano
Panulaang filipino: Panahon ng AmerikanoPanulaang filipino: Panahon ng Amerikano
Panulaang filipino: Panahon ng Amerikano
 
Kasaysayan ng maikling kwento
Kasaysayan ng maikling kwentoKasaysayan ng maikling kwento
Kasaysayan ng maikling kwento
 
panitikan sa panahon ng propaganda
panitikan sa panahon ng propagandapanitikan sa panahon ng propaganda
panitikan sa panahon ng propaganda
 
Mga teorya
Mga teoryaMga teorya
Mga teorya
 
Pamana ng mga kastila sa mga pilipino
Pamana ng mga kastila sa mga pilipinoPamana ng mga kastila sa mga pilipino
Pamana ng mga kastila sa mga pilipino
 
Panitikan sa Panahon ng Hapones
Panitikan sa Panahon ng HaponesPanitikan sa Panahon ng Hapones
Panitikan sa Panahon ng Hapones
 
panitikan sa panahon ng espanyol
panitikan sa panahon ng espanyolpanitikan sa panahon ng espanyol
panitikan sa panahon ng espanyol
 
Panahon ng amerikan
Panahon ng amerikanPanahon ng amerikan
Panahon ng amerikan
 
Dulang patula sa panahon ng Kastila
Dulang patula sa panahon ng KastilaDulang patula sa panahon ng Kastila
Dulang patula sa panahon ng Kastila
 
Panahon ng kastila
Panahon ng kastilaPanahon ng kastila
Panahon ng kastila
 
Ang Mga Panahon ng Panitikan
Ang Mga Panahon ng PanitikanAng Mga Panahon ng Panitikan
Ang Mga Panahon ng Panitikan
 
Filipino 8 Mga Akdang Lumaganap sa Panahon ng Espanyol
Filipino 8 Mga Akdang Lumaganap sa Panahon ng EspanyolFilipino 8 Mga Akdang Lumaganap sa Panahon ng Espanyol
Filipino 8 Mga Akdang Lumaganap sa Panahon ng Espanyol
 
Panitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng KastilaPanitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng Kastila
 
Fil1 morpema
Fil1 morpemaFil1 morpema
Fil1 morpema
 

Similar to Panitikan ppt

Mga elemento ng tula a
Mga elemento ng tula aMga elemento ng tula a
Mga elemento ng tula a
Lourdes Pangilinan
 
Pananakop ng kastila
Pananakop ng kastilaPananakop ng kastila
Pananakop ng kastilaMatthew Abad
 
Kabanata 3
Kabanata 3Kabanata 3
Kontemporaryong panitikan
Kontemporaryong panitikanKontemporaryong panitikan
Kontemporaryong panitikan
RMI Volunteer teacher
 
panitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdf
panitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdfpanitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdf
panitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdf
AngelaTaala
 
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akdaMga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Rosalie Orito
 
panitikan sa panahon ng kastila_final.pptx
panitikan sa panahon ng kastila_final.pptxpanitikan sa panahon ng kastila_final.pptx
panitikan sa panahon ng kastila_final.pptx
ReymarkPeranco2
 
Panitikan ng Rehiyon lll.pptx
Panitikan ng Rehiyon lll.pptxPanitikan ng Rehiyon lll.pptx
Panitikan ng Rehiyon lll.pptx
PacimosJoanaMaeCarla
 
BALAGTASAN-2.pptx
BALAGTASAN-2.pptxBALAGTASAN-2.pptx
BALAGTASAN-2.pptx
EdrichNatinga
 
Mga dulang pang aliw
Mga dulang pang aliwMga dulang pang aliw
Mga dulang pang aliw
Charissa Longkiao
 
Panitikan
PanitikanPanitikan
Panitikan
Vience Grampil
 
Lit103.pagpapalaganap ng kristiyanismo
Lit103.pagpapalaganap ng kristiyanismoLit103.pagpapalaganap ng kristiyanismo
Lit103.pagpapalaganap ng kristiyanismo
Ezr Acelar
 
Panitikan sa Panahon ng mga Kastila.pptx
Panitikan sa Panahon ng mga Kastila.pptxPanitikan sa Panahon ng mga Kastila.pptx
Panitikan sa Panahon ng mga Kastila.pptx
CassandraWinterCryst
 
Panahon ng kastila (2)
Panahon ng kastila (2)Panahon ng kastila (2)
Panahon ng kastila (2)
Micah January
 
Mga uri ng tula
Mga uri ng tulaMga uri ng tula
Mga uri ng tula
ariston borac
 
Patulang uri ng panitikan
Patulang uri ng panitikanPatulang uri ng panitikan
Patulang uri ng panitikan
dyancent
 
FILIPINO-10-TULA-2-Q2W3pptx.pptx
FILIPINO-10-TULA-2-Q2W3pptx.pptxFILIPINO-10-TULA-2-Q2W3pptx.pptx
FILIPINO-10-TULA-2-Q2W3pptx.pptx
MarissaMalobagoPasca
 

Similar to Panitikan ppt (20)

Mga elemento ng tula a
Mga elemento ng tula aMga elemento ng tula a
Mga elemento ng tula a
 
Pananakop ng kastila
Pananakop ng kastilaPananakop ng kastila
Pananakop ng kastila
 
Kabanata 3
Kabanata 3Kabanata 3
Kabanata 3
 
Kontemporaryong panitikan
Kontemporaryong panitikanKontemporaryong panitikan
Kontemporaryong panitikan
 
panitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdf
panitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdfpanitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdf
panitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdf
 
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akdaMga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
 
panitikan sa panahon ng kastila_final.pptx
panitikan sa panahon ng kastila_final.pptxpanitikan sa panahon ng kastila_final.pptx
panitikan sa panahon ng kastila_final.pptx
 
Panitikan ng Rehiyon lll.pptx
Panitikan ng Rehiyon lll.pptxPanitikan ng Rehiyon lll.pptx
Panitikan ng Rehiyon lll.pptx
 
Filipino takdang aralin
Filipino takdang aralinFilipino takdang aralin
Filipino takdang aralin
 
Dula 111213051254-phpapp01-1
Dula 111213051254-phpapp01-1Dula 111213051254-phpapp01-1
Dula 111213051254-phpapp01-1
 
BALAGTASAN-2.pptx
BALAGTASAN-2.pptxBALAGTASAN-2.pptx
BALAGTASAN-2.pptx
 
Mga dulang pang aliw
Mga dulang pang aliwMga dulang pang aliw
Mga dulang pang aliw
 
Panitikan
PanitikanPanitikan
Panitikan
 
Lit103.pagpapalaganap ng kristiyanismo
Lit103.pagpapalaganap ng kristiyanismoLit103.pagpapalaganap ng kristiyanismo
Lit103.pagpapalaganap ng kristiyanismo
 
Panitikan sa Panahon ng mga Kastila.pptx
Panitikan sa Panahon ng mga Kastila.pptxPanitikan sa Panahon ng mga Kastila.pptx
Panitikan sa Panahon ng mga Kastila.pptx
 
DULA_GROUP 1.pdf
DULA_GROUP 1.pdfDULA_GROUP 1.pdf
DULA_GROUP 1.pdf
 
Panahon ng kastila (2)
Panahon ng kastila (2)Panahon ng kastila (2)
Panahon ng kastila (2)
 
Mga uri ng tula
Mga uri ng tulaMga uri ng tula
Mga uri ng tula
 
Patulang uri ng panitikan
Patulang uri ng panitikanPatulang uri ng panitikan
Patulang uri ng panitikan
 
FILIPINO-10-TULA-2-Q2W3pptx.pptx
FILIPINO-10-TULA-2-Q2W3pptx.pptxFILIPINO-10-TULA-2-Q2W3pptx.pptx
FILIPINO-10-TULA-2-Q2W3pptx.pptx
 

Panitikan ppt

  • 1. Mga Akdang Lumaganap sa Panahon ng Espanyol
  • 2. Ang mga akdang lumaganap sa panahon ng Espanyol ay nagsimula noong tuluyang bumagsak ang Pilipinas sa kamay ng mga Espanyol noong 1565. Ang mga panitikan ay naimpluwensiyan ng mga ideyolohiya ng mga Espanyol, partikular na ang relihiyon.
  • 3. Katangian ng Panitikan noong Panahon ng Espanyol Sari-Saring kaanyuhan at pamamaraanKaraniwang paksa ay Panrelihiyon Ang mga panitikan ay halaw sa anyo, paksa at tradisyong Kastila Ang mga nilimbag na panitikan ay isinalin sa iba’t-ibang Wikang Filipino (Wikang Tagalog, Bikolano, atbp.)
  • 4. Noong panahon ng mga Espanyol, pinakilala nila ang panibagong sistema ng alpabeto. Binubuo ito ng limang patinig at labin-limang katinig Patinig – a, e, i, o, u Katinig – b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, at y
  • 5. Doctrina Cristiana  Kauna-unahang aklat na nailimbag sa Pilipinas noong 1593; ito’y isinulat ni Fr. Juan de Plasencia Nilalaman nito ang mga dasal, sampung utos, pitong sakramento, kasalanang mortal, pangungumpisal at katesismo  87 pahina lamang
  • 6.
  • 7. Uri ng Panitikan noong Panahon ng Espanyol Awit Korido  Duplo Senakulo Pasyon Moro-Moro
  • 8. Awit  Isang uri ng tulang romansa na may sukat na labindalawang pantig bawat taludtod Patungkol sa bayani at mandirigma at larawan ng buhay Ang mga tauhan ay hindi nagtataglay na supernatural na kapangyarihan  Hango sa tunay na buhay
  • 9.  Isang uri ng tulang pasalaysay na may sukat na walong pantig sa taludtod Patungkol sa kababahalagan o pananampalataya Ang mga tauhan ay natataglay ng supernatural na kapangyarihan  Halimbawa ay Ibong Adarna Korido
  • 10. Ito ay ang pagtatalo na ginagamitan ng tula at kahusayan sa pagbigkas Ginagamitan nito ng mga salawikain, kawikaan at kasabihan Karaniwang isinasagawa kapag may namatay Villacos – lalaking pangunahing tauhan Villacas – babaeng pangunahing tauhan Duplo
  • 11. Isang uri ng dula na isinasagawa tuwing Mahal na araw na nagsasalaysay sa buhay, pagdurusa at kamatayan ni Hesu Kristo Senakulo
  • 12.  Ito ay isang naratibong tula na nagsasaad ng buhay ni Hesu Kristo mula sa kanyang pagsilang hanggang sa kanyang kamatayan Pasyon Fr. Gaspar Aquilino de Belen – Unang Pilipinong sumulat at kumanta ng Pasyon
  • 13. Nagmula sa dula ng Europa, “Comedia de capa y españa”  Isang uri ng komedya Ito ay nag-ugat sa pakikipag-laban ng mga Espanyol sa mga Muslim Moro-Moro
  • 14. Ito ay isang dulang itinatanghal at nagpapamalas ng paghahanap ng pansamantalang tirahan nina Maria at Jose sa Bethlehem. Panunuluyan
  • 16.  Kauna-unahang aklat na nailimbag sa Pilipinas noong 1593; ito’y isinulat ni Fr. Juan de Plasencia Nilalaman nito ang mga dasal, sampung utos, pitong sakramento, kasalanang mortal, pangungumpisal at katesismo  87 pahina lamang
  • 17. – sinulat ito at inilimbag ni Pari Blancas de San Jose, O.P., noong 1602 sa Imprenta ng Santo Tomas. Nuestra Señora del Rosario Barlaan at Josaphat – sinulat ito ni Pari Antonio de Borja, S.J., at inilathala noong 1708 at muli noong 1712. Ito ay batay sa sa mga salaysay mula sa Bibliya. Ipinalalagay na ito ang kauna-unahang nobelang Tagalog kahit salin lamang.
  • 18. Ang Barlaan at Josaphat ang kauna-unahang nobelang nalimbag sa Pilipinas. Ito ay isinalin sa Tagalog ni Padre Antonio de Borja noong 1712. Ang akdang ito ay naitalang mahabang akdang panrelihiyon na naglalaman ng mga aral na tunay na totoong aakay sa mga tao sa mga gawaing banal sa pamamagitan ng mga gawa ng mga pangunahing tauhan sa nobela na sina Barlaan at Josaphat.
  • 19. – sa panahon ng kuwaresma, ang buhay at pagpapakasakit ng Panginoong Hesukristo ay inaawit. Pasyon Mga Dalit kay Maria – sabayang inaawit bilang handog kung buwan ng Mayo sa pag-aalay ng bulaklak sa Mahal na Birhen.
  • 20. – dahil sa kanyang Urbana at Feliza, tinagurian siyang “Ama ng Tuluyang Klasika sa Tagalog.” Padre Modesto de Castro
  • 21.
  • 22. Mga Dula sa Panahon ng Kastila
  • 23. – isang uri ng dulang panrelihiyon na namalasak noong panahon ng Kastila. Ang pinakadiwa nito ay ang paghahanap ng bahay na matutuluyan ng mag-asawang San Jose at Birheng Maria noong bisperas ng Pasko. Panunuluyan – isang uri ng dulang makarelihiyon na ang pinakamanuskrito ay ang pasyon. Itinatanghal ito kung Mahal na Araw, kadalasa’y nagsisimula sa Lunes Santo at nagtatapos ng Biyernes Santo, kung minsan pa’y umaabot ng Linggo ng Pagkabuhay. Ito ay itinatanghal sa entablado. Tinatawag din itong “pasyon sa tanghalan”. Senakulo
  • 24. – itinatanghal sa entablado. Dalawang pangkat ang naghaharap dito: ang mga Kristiyano at ang mga moro. Tinawag itong comedia de capa y espada na sa kalauna’y naging kilala sa palasak na tawag na “moro-moro”. Nasusulat sa anyong tula, pumapaksa sa paglalaban ng mga Kristiyano at mga di-Kristiyanong tinawag ng mga Kastilang “moro”. Laging magtatagumpay ang mga Kristiyano sa mga paglalaban. Moro-Moro
  • 25. – ito ay may kaugnayan sa senakulo sapagkat ito ay nauukol sa paghanap sa krus na kinamatayan ni Kristo sa bundok ng Kalbaryo. Ang mga tauhan dito ay sina Emperatris Elena at ang kanyang anak na si Emperador Constantino. Tinawag na tibag sapagkat ito ay nauukol sa pagtibag ng bundok ng Kalbaryo sa paghanap ng krus. Tibag
  • 26. Mga Tula sa Panahon ng Kastila
  • 27. Ang unang tula sa Tagalog ay sinulat ni Tomas Pinpin at kasamang inilimbag sa kanyang aklat na Librong Pag- aaralan nang manga Tagalog sa Uicang Castila. Ang tula ay binubuo ng magkasalit na taludtod sa Tagalog at Kastila sa layuning matutuhan ang Kastila. Felipe de Jesus – ipinalalagay ng mga mananaliksik na ang kritikong si Felipe de Jesus ng San Miguel, Bulakan, ang unang tunay na makatang Tagalog.
  • 28. Mga Tulang Romansa sa Panahon ng Kastila
  • 29. - tulang pasalaysay na may sukat na walong pantig sa taludtod at may mga paksang kababalaghan at maalamat (karamiha’y halaw at hiram sa paksang galing sa Europa) na dala rito ng mga Kastila. Inaawit ito nang mabilis o “allegro”. May walong pantig ang taludturan. (Halimbawa: Ibong Adarna). Kurido – isang uri ng tulang binubuo ng labindalawang pantig bawat taludtod ng isang saknong at kung inaawit ay marahan o “andante”. (Halimbawa: Florante at Laura) Awit
  • 30. Ang tulang dula o tulang pantanghalan o dulang pantanghalan ay kahit anumang drama na sinulat bilang isang berso para wikain At ang dula ay isinasagawa sa tanghalan kaya ito ay tinawag na dulang pantanghalan.
  • 31. KARAGATAN uri ng tulang patnigan, isa sa sinaunang panitikan. Ang paksa ng karagatan ay tungkol sa isang priNsesa na nawala ang singsing sa karagatan. Nagpapaligsahan ang mga binata sa kanilang mga husay at talento (na isinasagawa sa pamamagitan ng pagtula). Kung sino man sa kanila ang makakakuha ng singsing ay magiging asawa ng prinsesa.
  • 32. Ang karagatan ay nanggaling sa isang alamat tungkol sa isang dalagang nawalan ng singsing. Ang mga binatang maghahanap ng singsing dapat sasagot ng patula kapag nahanap ang singsing matutuloy ang kasalkasalan kapag hindi malulunod ang binata.
  • 33. Duplo uri ng tulang patnigan na pumalit sa Karagatan. Ang mga pagbigkas ay galing sa mga kasabihan, salawikain at Bibliya. Ito ay madalas laruin tuwing may lamay sa patay. Naglalaban ang mga kasali sa pagbigkas at pagbibigay ng katwiran ng patula. Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula
  • 34. Dalit Mga Dalit kay Maria sabayang inaawit bilang handog kung buwan ng Mayo sa pag-aalay ng bulaklak sa Mahal na Birhen. isang uri ng tula, karaniwang pang relihiyon, partikular na nakasulat para sa layunin ng papuri, pagsamba o panalangin, at karaniwan ay ipadala sa isang Diyos o sa isang kilalang pigura o maliwanag na halimbawa. at may kahalong pilosopiya sa buhay.
  • 35. HUWÉGO DE PRÉNDA Ang huwégo de prénda, batay sa kahulugan ng pinagmulan nitóng Espanyol na juego de prenda, ay “laro ng multa.” Nilalaro ito tuwing búrol o lamayan. Walang takdang bilang ang maaaring sumali sa laro ngunit malimit na kabataan ang mga kalahok.
  • 36. Umuupô sa isang pabilog ang mga manlalaro, magkahiwalay ang mga babae at ang mga lalaki, at may lider o hari sa gitna. Bawat manlalaro ay binibigyan ng pangalan. Pangalan ng punongkahoy o bulaklak ang sa babae. Pangalan ng ibon o numero ang sa lalaki.
  • 37. Nagsisimula ang laro sa pamamagitan ng pahayag ng hari na nawawala ang kaniyang ibon at sisimulan niyang pagbintangan ang isang kalahok na babae. Itatatwa ito ng napagbintangan at ipapása ang sakdal sa isang kalahok na lalaki. Kailangang mabilis sa pagsagot at pagpapása ang kalahok. Kailangang memoryado din niya ang mga ibinigay sa kanilang pangalan. Kapag namali sa pagsasabi ng pangalan, o bumagal sa pagsagot, ang kalahok ay “napeprendahan” o napaparusahan. Ang parusa ay dalawang klase: tumupad ng isang utos o tumula/umawit.
  • 38. Laro ito ng mga kabataan, lalo na ng mga dalaga atr binata, dahil ginagamit na pagkakataón para sa pagliligawan. Malimit na mapagbiro ang utos kapag dalaga ang naparusahan. Malimit namang may nakahandang tula ng pagsuyo ang binata kapag naparusahang tumula. Bago magsimula, sa pagitan ng mga parusa, at sa pagtatapos ay umaawit ang mga kalahok ng dalít at ganito ang koro: Sa Diyos natin ialay
  • 39. Kaluluwa ng namatay Patawarin kaawaan Sa nagawang kasalanan. Ang pagsasaulo ng mga solo sa pagdalít ay isang katangiang kailangan upang maging higit na maging aktibong kalahok sa huwego de prenda. Nagagamit niya itong awit sa parusa. Naipagmamalaki din niya itong solo bago magkoro.
  • 40. Panubong Ito ay isang mahabang tulang paawit bilang handog at pagpaparangal sa isang dalagang mag kaarawan. Nagsimula ito sa Marindoque. Sa ibang lugar, ito ay tinatawag na pamutong. Sa isang pagpaparangal, ang bagay na inilalagay sa ulo ng pingangarangalan, karaniwan mga bulaklak.
  • 41. Ito ay tinatawag na pamutong sa Tagalog. Sa mga taga- Marindoque ito ay panubong. Ang taong tumutula sa panubong ay tinatawag na manunubong Ang panubong ay nahahati sa tatlo:  Unang bahagi ay pag-awit sa tarangkahan ng ng may kaarawan o bahay sa isang pook na nagdaraos ng isang panuhing nais na parangalan.
  • 42.  Ikalawang bahagi ay ang pag-awit habang umaakyat sa hagdanan.  Ikatlong bahagi ay ang pag-awit sa loob ng bahay.
  • 43. Anekdota Ito ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao Ito ay may maikling salaysay ng buhay na punong-puno ng mga aral na karaniwang ginagamit ng pari sa kanilang mga sermon.
  • 44. Ito ay may dalawang uri kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga tao.
  • 45. Platikas ay mga sermon na humuhubog sa kagandahang asal. Sermon ng pari, ng ating mga magulang, ng mga nakatatanda at kung minsan ay mga batang pastor. Ang katipunan ng mahuhusay na sermon ni Padre Modesto de Castro ay tinatawag niyang “Platicas Doctrinales”. Ito ay binubuo ng 25 mahuhusay na sermon ni Padre Modesto de Castro samantalang siya ang kura paroko ng Kawit, Cavite.
  • 46. Nakilala ang manunulat na si Padre Modesto de Casto. Itinuturing na pangunahing manunulat noong ika-19 na daantaon. tubong Biñan. Laguna. Kinilala siya dahil sa kanyang angking kakayahan sa pagsulat ng mga sermong pampolitika na kanyang binibigkas at nang tumagal ay isinulat para malathala. Pambihira ang kanyang angking talino. Ang katipunan ng mahuhusay na sermon ni Padre de Castro na humuhubog sa kagandahang -asal ay pinamagatang "PLATIKAS”
  • 47. Sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda. Pormal Dalwang uri ng Sanaysay Ang sanaysay na palana na tinatawag din na impersonal ay naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay.
  • 48. Tinuturing din itong maanyo sapagkat pinag-aaralan ng maingat ang piniling pananalita kaya mabigat basahin. Pampanitikandin ito dahil makahulugan, matalinhaga, at matayutay ang mga pangugusap. Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw ay obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may-akda. Ang tono nito ay seryoso, pang-intelektuwal, at walang halong pagbibiro. Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw ay obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may- akda. Ang tono nito ay seryoso, pang-intelektuwal, at walang halong pagbibiro.
  • 49. Isang uri ng pormal na sanaysay ay ang editoryal ng isang pahayagan. Isa itong sanaysay na may opinyon tungkol sa mga maiinit na mga balita. Bagama't may opinyon, ito ay hindi ginagamitan ng unang panauhan sa paglalahad.
  • 50. Di-pormal Ang sanaysay na di-palana na tinatawag din na personal o palagayan ay mapang-aliw, nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksang karaniwan, pang araw-araw at personal. Idinidiin dito ang mga bagay- bagay, mga karanasan, at mga isyung bukod sa nababakas ang personalidad ng may-akda ay maaring makiramay o maging sangkot ang mambabasa sa kanyang pananalita at parang nakikipag-usap lamang ang may-akda sa isang kaibigan, kaya magaan at madaling maintindihan.
  • 51. Personal din ang tawag sa uring ito dahil palakaibigan ang tono nito dahil ang pangunahing gamit ay unang panauhan. Subhektibo ito sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda ang pananaw.
  • 52. Pagsisiyam o Nobena ay ang makapananampalatayang pamimintakasi sa Diyos Ama, kay Kristo, sa Birheng Maria, o sa mga santo, sa loob ng siyam na araw na may layuning makahiling ng natatanging mga biyaya, pagpapala, o grasya. Nagsimula ang pagnonobena sa pagtulad o paggaya ng mga taong deboto sa mga apostol o alagad ni Hesus na nagsama-sama sa pagdarasal ng siyam na araw mula sa pagpanik sa langit ni Hesus hanggang sa Linggo ng Pentekostes. Isang halimbawa nito ang pagnonobena ng rosaryo.
  • 53. Nobela, Akdang-buhay o Kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksiyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing henerong pampanitikan. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo.
  • 54. Mga Dula sa Panahon ng Kastila
  • 55. Senakulo Ito ay isang dula patungkol sa Buhay, Pagpapasakit,Kamatayan at Muling Pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo. Isa ito sa mga tradisyon ng Semana Santa sa ilang grupong Cristiano, partikular na sa mga Katoliko.
  • 56. Ang pagbuo ng isang Senakulo ay katulad din sa Dula ng Pasko ng Pagkabuhay. Nag-umpisa ito bilang isang ritwal ng Simbahan, na siyang nagtatakda na ang Ebanghelyo ng Biyernes Santo ay dapat awitin sa iba't ibang bahagi na paghahatian ng ilang mga tao. Kinalaunan, nagkaroon ng sariling anyo ang Senakulo.
  • 57. Ang unang Senakulo ay isinadula sa wikang Latin, matapos noon ay nagkaroon ng bersyon sa wikang bernakulo. Dinagdagan ito ng iba't ibang mga anyo at laman ng higit sa inaasahan ng mga manonood, hanggang sa ika-15 siglo kung kailan nabuo naman ang mga sikat na dulang panrelihiyon. Kaya doon, ang Senakulo ng Bebedictberun ng ika-13 siglo ay naglalaman karamihan ng mga diyalogong Latin at ng awit pangsimbahan, at ito'y binuo para awitin.
  • 58. Tibag Ito ay isang dulang panrelihiyon na tinatanghal kung buwan ng Mayo na nakaugalian na sa Bulakan, Nueva Ecija, Bataan, Rizal at Bicol. Ito ay tungkol sa paghahanap ni Sta. Elena sa mahal na Sta. Cruz na kinamatayan ni Kristo.
  • 59. Ito ay sinulat ni Fruto Cruz. Ang dulang ito ay nahahati sa dalwang bahagi: pagtatagumpay ni Emperador Constantino sa kanyang mga kalaban at ang pagkakatuklas ni Sta. Elena sa krus na Kinamatayan ni Hesus. pagtatagumpay ng mga pinunong Kristiyano laban sa mga hindi binyagan at ang pagkakasauli sa mahal na Santa Cruz sa bundok ng Kalbaryo.
  • 60. May bahaging itinatanghal sa entablado at may bahagi na lumalakad ang mga tauhan na humahanap sa bundok. Ito ay tatlong bundok na ginawa sa ibat-ibang bahagi ng bayan. Karaniwan itong ginagawa sa mga lugar na kung tawagin ay Hermano. Ang kumakatawan kay Sta. Elena at sa mga kawal, kasama pati ang haring Constantino ay lumilibot upang hanapin ang Krus na kinamatayan. Bago tibagin ang bundok, may mga binibigkas silang berso at mga pagpapuri. Ang krus ay matatagpuan sa ikatlong bundok. Kung matagpuan na, itoy ipo-prosisyon na magtatapos sa simbahan.
  • 61. Kaakit-akit ang kasuotan ng mga nagsisiganap. Bago ang paghahanap sa krus ay may bahaging ginaganap sa entablado na nagsasadula ng paglalaban ng mga Moro at Kristiyano. Palagi nang panalo ang mga Kristiyano sa bahaging ito. Matapos ang paglalaban ng mga Kristiyano (Bingyagan) at Moro (di binyagan) kung saan magwawagi si haring Constantino, masasakop niya ang bayan at may laya na sila upang hanapin ang krus na kinamatayan. May mga bahay na siyang namamahala sa tatlong bundok. Doon nagtutungo ang mga tauhan upang itoy tibagin. Si Sta. Elena, mga kawal at ang Hari ang maghahanap at titibag sa mga nasabing bundok.
  • 62. Niños Inocentes Ipinagdiriwang ang Kapistahan ng Niños Inocentes tuwing Disyembre 28 ng bawat taon. Ito ang araw na ipinagdiriwang ng Simbahan ang pagiging martir ng mga sanggol na pinatay ni Haring Herod dahil sa takot na ang bagong silang sa Bethlehem ang magiging dahilan para matanggal siya bilang hari.
  • 63. Moriones o Morion Ito ay isang taunang pista na ginaganap tuwing Mahal na Araw sa pulo ng Marinduque, Pilipinas. Sa Moriones, nakadamit at nakamaskara ang mga tao bilang mga sundalong Romano ayon sa nasaad sa Bibliya sa kuwento ng pagpapasakit ni Hesus.
  • 64. Naging inspirasyon ang Moriones or Moryonan para gumawa ng iba pang mga pista sa Pilipinas kung saan ang mga pang-kalinangang gawi ay nagiging pista sa lansangan. Hango ang salitang Moriones mula sa salakot noong ikalabing-anim at ikalabingpitong siglo na morion. Ang pistang ito ay sinasariwa ang buhay ni Longinus, isang senturyong Romano. Ang mga kaganapan ng pista ay nagsisimula ng Lunes Santo at nagtatapos ng Pasko ng Pagkabuhay
  • 65. Ang mga nakasali sa pagtatanghal ay nangakamaskara at nakadamit senturyon, isang uri ng kasuotang angkop lamang sa nasabing pagtatanghal.
  • 66. Komedya at Moro-moro Ang komedya at Maoro-moro bagamat magkaiba tulad ng sinabi nina Agoncillo at Guerrero ay naipagkamali ng mga mamamayan na iisa sapagkat ang diwa at layunin ay magkatulad –magpalagnap ng relihiyon at manlibang. Ang komedya na unang nakilala bilang Comedia de la Capa y España ay pagsasadula ng mga awit at korido.
  • 67. Ang Moro-moro ay nagtatanghal ng paglalabanan ng mga Moro at Kristiyano na nagwawakas sa pagbibinyag ng mga Moro bilang Kristiyano. Nagmula ang Moro-moro sa isang sayaw na mapandigma na naidala rito ng mga Mehikano mula sa Granada. Ang unang Moro-moro dito sa kapuluan ay itinanghal dito sa Maynila noong 1637. Ito ang “Grand Comedia de la Toma del Pueblo de Corralat y Conquista del Cerro” ni Padre Geronimo Perez.
  • 68. Dahil nga sa komedya at Moro-moro ay naipagkamaling iisa, napangawitan ang katawagang Moro-moro hanggang ang komedya ay tuluyan ng nawala Noong 1750 ay itinanghal naman ang Guerras Piraticas bilang parangal sa pagpapabinyag ni Sultan Alimudin.
  • 69. Ayon kay Soller, isang mananaysay, ang pinakamahabang Moro-moro ay nasulat sa wikang kapampangan. Ito ay may pamagat na Gonzalo de Cordova na nalimbag noong 1912. Wala nang matagpuang orihinal na sipi ng mga Moro-moro sapagkat diumano ay hindi naingatan at nag mga ito ay nakain ng mga anay sa taguan.
  • 70. Flores de Mayo Ito ay pag-aalay ng mga bulaklak sa Mahal na Birheng Maria ng itinatanghal bilang dula ng mga paring misyonero. Ang mga gumaganap ay ang mga batang babae at lalaki na nakasuot ng mga damit na puti. Umaawit sila ng mga awitin ng pag-aalay sa Mahal na Birheng Maria.
  • 71. Pangangaluwa Ibinibilang din itong isang dulang panrelihiyon na ibinabatay sa isang kaugaliang paulit-ulit na isinasagawa dahil sa paniniwala na ikinikintal sa ating isipan ng mga Kastila noong panahon ng kanilang pananakop.
  • 72. Sa Pagdiriwang ng mga Patay, sa gabi ng Oktubre 31 ay nagbalik diumano ang kaluluwa ng mga namatay sa piling nating mga buhay na kamag-anak nila. Naggala raw ang mga kaluluwa sa bahay-bahay upang dumalaw sa kanilang mga kamag-anak na nabubuhay. Ang paggala ay ginagawa ng mga kabataan na siyang nagkukunwang mga kaluluwa. Sa ngayon ang pangangaluwa ay ginagawa pa rin sa malalayong baryo at nayon
  • 73. Panunuluyan Isa rin itong dulang panrelihiyon na isinasagawa sa gabi nga Disyembre 24 bago mag misa de gallo. Isinasabuhay nito ang paghahanap ng lugar na pagsilangan kay Hesus.
  • 74. Salubong Itinatanghal ang dulang ito sa madaling Araw ng Linggo ng Pagkabuhay ni Hesus at ginaganap ito sa daan na malapit sa simbahan. Sa sangang-daang ito ang Mahal na Birhen na nakatalukbong ng itim na belo. Ang itim na belo ay aalisin ng mga anghel na ginagampanan ng mga batang babae. Ang pag-alis na ito ng belong itim sumasagisag sa pagbabagong luksa ng Mahal na Birhen sapagkat nabuhay nang muli si Hesus. Ang tagpong ito ay paulit-ulit na ginagaw ng mga katoliko.
  • 75. Ang salubong ay isang palatandaan na tapos na ang Mahal na Araw o Semana Santa.
  • 76. ROSMAR BAÑAS PINAGA, LPT, MAED Lecturer