Panahon ng
Kastila
(Tulang Bayan)
Ang Pilipino ay may sarili nang
tula na mayaman sa uri, paksa, at
estraktura bago pa dumating ang
mga dayuhang Espanyol. Subalit
nang dumating ang mga Espanyol
ang tulang Pilipino ay nagkaroon
ng maraming pagbabago at
karagdagan lalo na sa uri at
paksa.
Noong nanirahan ang mga
dayuhan sa ating bansa karamihan
sakanila ay mga maimpluensiyang
prayle.
Ang mga prayleng ito ay hindi
lang nagtuturo tungkol sa
Kristyanismo kundi sila rin ay mga
iskolar ng lengguaheng Espanyol kung
kaya madali nilang naibahagi at
naipalaganap ang Kristyanismo at ang
kulturang espanyol.
Nang mapailalim tayo sa
kanilang mga kamay ang ating mga
puso at isipan ay sumunod din.
Dahil dito ang mga katutubong
Pilipino o ang mga Indio na
madaling silang tawagin ay madali
na nilang nabago ang anyo ng mga
katutubong tula.
Ang mga pagbabago ay
pagdaragdag sa mga
paksang panrelihiyon,
pangmoralidad, etika,
panlibangan, pangwika,
at pangromansa
Ang mga uri namang
dinagdag sa
katutubong panulaan
ay ang mga Tugma,
Pasyon, Dalit, at ang
Awit at Korido.
Tatlong Uri ng
Tulang Bayan
Larong Patula
Dulang
Panlibangan
Tulang
Pangromansa
Larong Patula
1.Karagatan
2.Duplo
.
KARAGATAN
Nanggaling sa alamat ng prinsesang
naghulog ng singsing sa karagatan, tapos
nangakong papakasalan niya ang binatang
makakakuha nito. Isang larong may
paligsahan sa tula ukol sa singsing ng
isang dalagang nahulog sa gitna ng dagat
at kung sinong binata ang makakuha rito
ay siyang pagkakalooban ng pag-ibig ng
dalaga.
DUPLO Larong paligsahan sa pagbigkas
ng tula na isinasagawa bilang
paglalamay sa patay. Isinasagawa sa
ika-9 na araw ng pagkamatay.
Pagalingan ito sa pagbigkas at
pagdebate, pero kailangan may
tugma / sa paraang patula.
Gumagamit ng mga biro, kasabihan,
salawikain at taludtod galing sa
banal na kasulatan.
Kayo ay makinig ako'y magkukwento,
Nitong nalimutang sinaunang duplo;
Sa tuwing may patay sa Rayap kong baryo
Ang nangaglalamay parang siraulo.
Bibigkas ng tulang pawang lamang-isip,
Ang manganonood ay bumubungisngis;
Dahil sa salitang nilagyan ng bagwis
Pati namataya'y hindi makaidlip.
Mayroong babaing nagmamatang igat,
Hinanip ang kalan namatay ang dingas;
Ulaol sumuso ang kuto at pulgas
Sa balbuning asong sobrang pagkapayat.
Pugo'y nagkatahid ang linta'y tumahol,
Dito rin nanganak ang lalaking baboy;
Kaytaas lumipad ng binatang unggoy
Kinaplog na manok laging nagngunguyngoy.
Duplo sa Baryo
Ni Raul Funilas
Estamos en la Buena composicion.(Titindig)
Ang komposisyon ng tanan
ay paglalarong mahusay!
Ang magulo ay mahalay
Sa mata ng kapitbahay.
Mga binibini at mga ginoo,
Matatanda’t batang ngayo’y naririto,
Malugod na bati ang tanging handog ko
sa pagsisimula nitong larong duplo.
Ang hardin ko’y kubkob ng rehas na bakal,
Asero ang pinto’t patalim ang urang;
Ngunit at nawala ang ibon kong hirang,
Ang mga bilyaka ang nuha’t nagnakaw!
Dulang Panlibangan
1.Karilyo
2.Senakulo
3.Salubong
4.Tibag
5.Santa Cruzan
6.Panunuluya
7.Moro- moro
8.Sarswela
TUGMA
Ang tugma ayon sa depinisyon ay ang
huling saknong ng tulang ito ay
magkakatugma. Ang uring ito ay
ginagamit na nang mga Indio noon ngunit
ang mga Espanyol ay nagdagdag ng isa o
marami pang saknong. Ang dapat na
nilalaman o paksa ay ayon sa bagong
pananampalataya sa Panginoong
Jesukristo.
Sa paghahanap ko nitong katarungan,
Baka makarating sa kinabibilangan,
Nitong mga pigtas ang hingang nilalang,
Na naghihintay doon sa krus na daan.
Kung sa lupa’y kinang ay sadyang mailap,
Nitong katarungang ibig na malasap,
Hayaang lumuha't dugo ay pumatak,
Pagkat nasa langit ang tunay na galak.
Mabuti-buti pa na ipasaitaas,
Ang ibig makamit na ngiti at gilas,
Ang katarungang libing na at agnas
Makakatalik kung dating na ang wakas!.
PASYONAwit tungkol sa pagpapakasakit,
pagkamatay at pagkabuhay ni Kristo.
Tulang may limang saknong na may
walong pantig.
Ito ay ikinakanta at
nagsasalaysay ng kaniyang buhay mula
noong siyaía ipinanganak, dakpin,
ipinako sa krus hanggang sa kaniyang
muling pagkabuhay.
Matay na niyang isipin
ang kabuntisan ng Birhen
anopa’t babaling-baling
walang matutuhang gawin,
ang loob niya’t panimdim.
DALIT
Ang pag-aalay ng bulaklak
kasabay nang pag-awit bilang handog
sa Birheng Maria.
Dahil ang Birheng Maria ay
simbolo ng kalinisan ng puri siya ay
hinahandugan tuwing buwan ng Mayo.
Matamis na Birheng pinaghahandugan
Kami’y nangangako naman pong mag-
alay
Ng mga girnalda bawat araw
At ang magdudulot yaring murang
kamay.
Tuhog na mga bulaklak sadyang salit-
salit
Sa mahal mong noo’y aming ikakapit,
Lubos ang pag-asa’t sa iyo’y pananalig
Na tatanggapin mo handog ng pag-ibig.
SANTA CRUZAN
ay isang prusisyon na isinasagawa
sa huling bahagi ng pagdiriwang ng
Flores de Mayo. Isinasalarawan nito
ang paghahanap sa Banal na Krus ni
Reyna Elena, ang ina ni Constantino.
.
PANUNULUYAN
Dulang tinatanghal sa
lansangan paghahanap ng
matutuluyan nina Maria at
Joseph sa Bethlehem. Ang
mga bahay sa paligid ang
hinihingan ng mag-asawa ng
silid na matutuluyan.
KULO
SENAKULO
isang dulang
nagsasalaysay ng buhay
at kamatayan ng Poong
Hesuskristo. Kadalasan
ginaganap sa lansangan o
sa bakuran ng simbahan.
“Poon Kong Aking Ama, Lampara na Aking mga Paa”
Mga kapatid, mga
kababayan
Magsidulog na’t
pagmalasakitang lubos
Buhay naming ilalahad
Looban nawa ng
kaalaman
Tungo sa aking
daraanan
Ihilig ang aming puso
Sa buhay at kalbaryo
Ni Jesus, Kristo
Sa simula’y ang salita
Dyos ang salitaIkaw,
Hesus, ang susundan. Ikaw
poon ang hantungan.
Kaloob mong talino, ata’s
mo’y pagyamanin.
Sa pakikihamok lagi
naming gamitin
Karahasa’y papaiitin,
kamalia’y tutuwi
rinNaging tao ang
salitaHanda kaming
makilala
Sa Iyo, Kami’y magtitiwala
SALUBONG
Ito yung pagpasok ng madaling
araw ng Linggo ng Pagkabuhay.
Pagtatanghal ng pagtatagpo ng
muling nabuhay na Panginoong Hesus at
ni Maria.
TIBAG
Ito ay tumutukoy sa paghahanap
ng krus, sa kalagitnaan ng ikalawang
pandaigdigang digmaan (WORLD WAR
II). Ito ay itinaguyod ng mga Kastila
noong pagdating nila sa Pilipinas, niyakap
ito ng mga katutubo sa ilang bahagi ng
Luzon. Lumaganap din ito sa iba't ibang
rehiyon ng Visayas at Mindanao, sa
pamamagitan ng pagpapakalap ng
Kristyanismo. Ito ay patuloy na
lumaganap at ginagamit bilang tradisyon
sa kasalukuyan.
isang pagsasadula
kung saan tinitibag ang
bundok upang hanapin
ang krus na
kinamatayan ni Hesus.
KOMEDYA/ MORO-MORO
isang matandang dulang
Kastila na naglalarawan ng
pakikipaglaban ng Espanya sa mga
Muslim noong unang panahon.
Dulang tungkol sa labanan ng
mga muslim at Kristiyano na laging
Kristiyano ang nagtatagumpay.
KARILYO
pagpapagalaw ng mga anino ng mga
pira-pirasong kartong hugis tao sa
likod ng isang kumot na puti na may
ilaw.
Dula-dulaang gumagamit ng mga
kartong ginupit tulad ng sa puppet
show.
SARSWELA
isang komedya o
melodramang may kasamang
awit at tugtog, may tatlong
(3)yugto, at nauukol sa mga
masisidhing damdamin tulad
ng pag-ibig, paghihiganti,
panibugho, pagkasuklam at
iba pa.
DUNG AW
Binibigkas nang
paawit ng isang naulila
sa piling ng bangkay ng
yumaong asawa,
magulang at anak.
Ay ama nga nageb-ebba
Dinak man kaasian aya
A panawan a sisina
Tay uneg balay a kasa.
Ay ama nga nageb-ebba
Dinak man kaasian aya
A panawan a sisina
Tay uneg balay a kasa.
SAYNETE
o Itinuturing na isa sa mga
dulang panlibangan nang mga
huling taon ng pananakop ng
mga Kastila. Ang paksa ng
dulang ito ay nahihinggil sa
paglalahad ng kaugalian ng
isang lahi o katutubo.
PANGALULUWA
Kilala bilang Todos
Los Santos.
Kaluluwa kaming tambing
Sa purgatoryo nanggaling
Doon po’y ang gawa namin
Araw gabi’y manalangin
Maybahay pong maginoo/ Magandang gabi sa inyo
Malayo pa’y sumasainyo/ Humahalimuyak ang
bango.
Lakad nami’y dahan-dahan/ Sa pagpasok sa
bakuran
Baka dito’y may halaman/ Kung masira ay mahalan.
Anong rikit anong ganda/ Ng nakatirang dalaga
Pa’no kaya ang pagkuha/ Walang kamay kundi paa.
Ang mabuti nating gawin/ Gumawa ng ibong papel
At siya nating padagitin/ Sa granadang nakabitin.
Yaring tapos na, tapos na/ Itong aming kinakanta
Maybahay na sinisinta/ Kami po ay limusan na.
Maraming Salamat!
MwaaHugs ;*

Panahon ng kastila (2)

  • 1.
  • 2.
    Ang Pilipino aymay sarili nang tula na mayaman sa uri, paksa, at estraktura bago pa dumating ang mga dayuhang Espanyol. Subalit nang dumating ang mga Espanyol ang tulang Pilipino ay nagkaroon ng maraming pagbabago at karagdagan lalo na sa uri at paksa.
  • 3.
    Noong nanirahan angmga dayuhan sa ating bansa karamihan sakanila ay mga maimpluensiyang prayle. Ang mga prayleng ito ay hindi lang nagtuturo tungkol sa Kristyanismo kundi sila rin ay mga iskolar ng lengguaheng Espanyol kung kaya madali nilang naibahagi at naipalaganap ang Kristyanismo at ang kulturang espanyol.
  • 5.
    Nang mapailalim tayosa kanilang mga kamay ang ating mga puso at isipan ay sumunod din. Dahil dito ang mga katutubong Pilipino o ang mga Indio na madaling silang tawagin ay madali na nilang nabago ang anyo ng mga katutubong tula.
  • 6.
    Ang mga pagbabagoay pagdaragdag sa mga paksang panrelihiyon, pangmoralidad, etika, panlibangan, pangwika, at pangromansa
  • 7.
    Ang mga urinamang dinagdag sa katutubong panulaan ay ang mga Tugma, Pasyon, Dalit, at ang Awit at Korido.
  • 8.
    Tatlong Uri ng TulangBayan Larong Patula Dulang Panlibangan Tulang Pangromansa
  • 9.
  • 10.
    . KARAGATAN Nanggaling sa alamatng prinsesang naghulog ng singsing sa karagatan, tapos nangakong papakasalan niya ang binatang makakakuha nito. Isang larong may paligsahan sa tula ukol sa singsing ng isang dalagang nahulog sa gitna ng dagat at kung sinong binata ang makakuha rito ay siyang pagkakalooban ng pag-ibig ng dalaga.
  • 11.
    DUPLO Larong paligsahansa pagbigkas ng tula na isinasagawa bilang paglalamay sa patay. Isinasagawa sa ika-9 na araw ng pagkamatay. Pagalingan ito sa pagbigkas at pagdebate, pero kailangan may tugma / sa paraang patula. Gumagamit ng mga biro, kasabihan, salawikain at taludtod galing sa banal na kasulatan.
  • 12.
    Kayo ay makinigako'y magkukwento, Nitong nalimutang sinaunang duplo; Sa tuwing may patay sa Rayap kong baryo Ang nangaglalamay parang siraulo. Bibigkas ng tulang pawang lamang-isip, Ang manganonood ay bumubungisngis; Dahil sa salitang nilagyan ng bagwis Pati namataya'y hindi makaidlip. Mayroong babaing nagmamatang igat, Hinanip ang kalan namatay ang dingas; Ulaol sumuso ang kuto at pulgas Sa balbuning asong sobrang pagkapayat. Pugo'y nagkatahid ang linta'y tumahol, Dito rin nanganak ang lalaking baboy; Kaytaas lumipad ng binatang unggoy Kinaplog na manok laging nagngunguyngoy. Duplo sa Baryo Ni Raul Funilas
  • 13.
    Estamos en laBuena composicion.(Titindig) Ang komposisyon ng tanan ay paglalarong mahusay! Ang magulo ay mahalay Sa mata ng kapitbahay. Mga binibini at mga ginoo, Matatanda’t batang ngayo’y naririto, Malugod na bati ang tanging handog ko sa pagsisimula nitong larong duplo. Ang hardin ko’y kubkob ng rehas na bakal, Asero ang pinto’t patalim ang urang; Ngunit at nawala ang ibon kong hirang, Ang mga bilyaka ang nuha’t nagnakaw!
  • 14.
  • 15.
    TUGMA Ang tugma ayonsa depinisyon ay ang huling saknong ng tulang ito ay magkakatugma. Ang uring ito ay ginagamit na nang mga Indio noon ngunit ang mga Espanyol ay nagdagdag ng isa o marami pang saknong. Ang dapat na nilalaman o paksa ay ayon sa bagong pananampalataya sa Panginoong Jesukristo.
  • 16.
    Sa paghahanap konitong katarungan, Baka makarating sa kinabibilangan, Nitong mga pigtas ang hingang nilalang, Na naghihintay doon sa krus na daan. Kung sa lupa’y kinang ay sadyang mailap, Nitong katarungang ibig na malasap, Hayaang lumuha't dugo ay pumatak, Pagkat nasa langit ang tunay na galak. Mabuti-buti pa na ipasaitaas, Ang ibig makamit na ngiti at gilas, Ang katarungang libing na at agnas Makakatalik kung dating na ang wakas!.
  • 17.
    PASYONAwit tungkol sapagpapakasakit, pagkamatay at pagkabuhay ni Kristo. Tulang may limang saknong na may walong pantig. Ito ay ikinakanta at nagsasalaysay ng kaniyang buhay mula noong siyaía ipinanganak, dakpin, ipinako sa krus hanggang sa kaniyang muling pagkabuhay.
  • 18.
    Matay na niyangisipin ang kabuntisan ng Birhen anopa’t babaling-baling walang matutuhang gawin, ang loob niya’t panimdim.
  • 20.
    DALIT Ang pag-aalay ngbulaklak kasabay nang pag-awit bilang handog sa Birheng Maria. Dahil ang Birheng Maria ay simbolo ng kalinisan ng puri siya ay hinahandugan tuwing buwan ng Mayo.
  • 21.
    Matamis na Birhengpinaghahandugan Kami’y nangangako naman pong mag- alay Ng mga girnalda bawat araw At ang magdudulot yaring murang kamay. Tuhog na mga bulaklak sadyang salit- salit Sa mahal mong noo’y aming ikakapit, Lubos ang pag-asa’t sa iyo’y pananalig Na tatanggapin mo handog ng pag-ibig.
  • 22.
    SANTA CRUZAN ay isangprusisyon na isinasagawa sa huling bahagi ng pagdiriwang ng Flores de Mayo. Isinasalarawan nito ang paghahanap sa Banal na Krus ni Reyna Elena, ang ina ni Constantino.
  • 24.
    . PANUNULUYAN Dulang tinatanghal sa lansanganpaghahanap ng matutuluyan nina Maria at Joseph sa Bethlehem. Ang mga bahay sa paligid ang hinihingan ng mag-asawa ng silid na matutuluyan.
  • 26.
    KULO SENAKULO isang dulang nagsasalaysay ngbuhay at kamatayan ng Poong Hesuskristo. Kadalasan ginaganap sa lansangan o sa bakuran ng simbahan.
  • 27.
    “Poon Kong AkingAma, Lampara na Aking mga Paa” Mga kapatid, mga kababayan Magsidulog na’t pagmalasakitang lubos Buhay naming ilalahad Looban nawa ng kaalaman Tungo sa aking daraanan Ihilig ang aming puso Sa buhay at kalbaryo Ni Jesus, Kristo Sa simula’y ang salita Dyos ang salitaIkaw, Hesus, ang susundan. Ikaw poon ang hantungan. Kaloob mong talino, ata’s mo’y pagyamanin. Sa pakikihamok lagi naming gamitin Karahasa’y papaiitin, kamalia’y tutuwi rinNaging tao ang salitaHanda kaming makilala Sa Iyo, Kami’y magtitiwala
  • 28.
    SALUBONG Ito yung pagpasokng madaling araw ng Linggo ng Pagkabuhay. Pagtatanghal ng pagtatagpo ng muling nabuhay na Panginoong Hesus at ni Maria.
  • 30.
    TIBAG Ito ay tumutukoysa paghahanap ng krus, sa kalagitnaan ng ikalawang pandaigdigang digmaan (WORLD WAR II). Ito ay itinaguyod ng mga Kastila noong pagdating nila sa Pilipinas, niyakap ito ng mga katutubo sa ilang bahagi ng Luzon. Lumaganap din ito sa iba't ibang rehiyon ng Visayas at Mindanao, sa pamamagitan ng pagpapakalap ng Kristyanismo. Ito ay patuloy na lumaganap at ginagamit bilang tradisyon sa kasalukuyan.
  • 31.
    isang pagsasadula kung saantinitibag ang bundok upang hanapin ang krus na kinamatayan ni Hesus.
  • 32.
    KOMEDYA/ MORO-MORO isang matandangdulang Kastila na naglalarawan ng pakikipaglaban ng Espanya sa mga Muslim noong unang panahon. Dulang tungkol sa labanan ng mga muslim at Kristiyano na laging Kristiyano ang nagtatagumpay.
  • 34.
    KARILYO pagpapagalaw ng mgaanino ng mga pira-pirasong kartong hugis tao sa likod ng isang kumot na puti na may ilaw. Dula-dulaang gumagamit ng mga kartong ginupit tulad ng sa puppet show.
  • 36.
    SARSWELA isang komedya o melodramangmay kasamang awit at tugtog, may tatlong (3)yugto, at nauukol sa mga masisidhing damdamin tulad ng pag-ibig, paghihiganti, panibugho, pagkasuklam at iba pa.
  • 38.
    DUNG AW Binibigkas nang paawitng isang naulila sa piling ng bangkay ng yumaong asawa, magulang at anak.
  • 39.
    Ay ama nganageb-ebba Dinak man kaasian aya A panawan a sisina Tay uneg balay a kasa. Ay ama nga nageb-ebba Dinak man kaasian aya A panawan a sisina Tay uneg balay a kasa.
  • 40.
    SAYNETE o Itinuturing naisa sa mga dulang panlibangan nang mga huling taon ng pananakop ng mga Kastila. Ang paksa ng dulang ito ay nahihinggil sa paglalahad ng kaugalian ng isang lahi o katutubo.
  • 41.
    PANGALULUWA Kilala bilang Todos LosSantos. Kaluluwa kaming tambing Sa purgatoryo nanggaling Doon po’y ang gawa namin Araw gabi’y manalangin
  • 42.
    Maybahay pong maginoo/Magandang gabi sa inyo Malayo pa’y sumasainyo/ Humahalimuyak ang bango. Lakad nami’y dahan-dahan/ Sa pagpasok sa bakuran Baka dito’y may halaman/ Kung masira ay mahalan. Anong rikit anong ganda/ Ng nakatirang dalaga Pa’no kaya ang pagkuha/ Walang kamay kundi paa. Ang mabuti nating gawin/ Gumawa ng ibong papel At siya nating padagitin/ Sa granadang nakabitin. Yaring tapos na, tapos na/ Itong aming kinakanta Maybahay na sinisinta/ Kami po ay limusan na.
  • 43.