Filipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o DamdaminJuan Miguel Palero
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang mga paraan ng pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin sa kapwa tao. Dito din matatagpuan ang mga kahulugan ng mga paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin.
Nawa'y mayroong maitulong sa inyo ang presentasyon na ito. Maaaring makakita kayo ng ilang pagkakamali magkagayon man alam kong ito'y makakatulong pa rin sa inyo. Salamat!
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa Elehiya. Dito din matatagpuan ang ilang depinisyon, halimbawa at aktibidad patungkol sa paksang tatalakayin.
Ang paksang ito ay tinatalakay sa Grade 10 o Ikasampung Baitang, Ikalawang Markahan, sa tulong ng Batayang Aklat na Pinagyamang PLUMA 10 ng Phoenix Publishing House, Inc.
Filipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o DamdaminJuan Miguel Palero
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang mga paraan ng pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin sa kapwa tao. Dito din matatagpuan ang mga kahulugan ng mga paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin.
Nawa'y mayroong maitulong sa inyo ang presentasyon na ito. Maaaring makakita kayo ng ilang pagkakamali magkagayon man alam kong ito'y makakatulong pa rin sa inyo. Salamat!
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa Elehiya. Dito din matatagpuan ang ilang depinisyon, halimbawa at aktibidad patungkol sa paksang tatalakayin.
Ang paksang ito ay tinatalakay sa Grade 10 o Ikasampung Baitang, Ikalawang Markahan, sa tulong ng Batayang Aklat na Pinagyamang PLUMA 10 ng Phoenix Publishing House, Inc.
Kaligirang Pangkasaysayan ng Tanka at Haiku; Pagkakatulad at pagkakaiba ng tanka at haiku; integrasyon ng tanka at haiku sa tula ng Pilipino; paghahambing ng tulang hapon sa lokal na kauri nito.
Ito ay isang powerpoint presentation patungkol sa paksa o araling patungkol sa Tuwiran at Di-Tuwiran na uri ng mga pahayag. Andito rin ang ilan sa mga halimbawa ng mga nasabing pahayag.
Ito ay isang powerpoint presentation patungkol sa paksa o aralin patungkol sa pagsasaling-wika o translation. Kapapalooban din ito ng mga paalala, mga alintuntunin at mga halimbawa patungkol sa pagsasaling-wika.
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa Sanaysay. Dito din matatagpuan ang kasaysayan at mga halimbawa ng mga Sanaysay
Filipino 9 Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan at OpinyonJuan Miguel Palero
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan at opinyon. Dito din matatagpuan ang mga halimbawa ng mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan at opinyon.
Kaligirang Pangkasaysayan ng Tanka at Haiku; Pagkakatulad at pagkakaiba ng tanka at haiku; integrasyon ng tanka at haiku sa tula ng Pilipino; paghahambing ng tulang hapon sa lokal na kauri nito.
Ito ay isang powerpoint presentation patungkol sa paksa o araling patungkol sa Tuwiran at Di-Tuwiran na uri ng mga pahayag. Andito rin ang ilan sa mga halimbawa ng mga nasabing pahayag.
Ito ay isang powerpoint presentation patungkol sa paksa o aralin patungkol sa pagsasaling-wika o translation. Kapapalooban din ito ng mga paalala, mga alintuntunin at mga halimbawa patungkol sa pagsasaling-wika.
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa Sanaysay. Dito din matatagpuan ang kasaysayan at mga halimbawa ng mga Sanaysay
Filipino 9 Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan at OpinyonJuan Miguel Palero
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan at opinyon. Dito din matatagpuan ang mga halimbawa ng mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan at opinyon.
teoryang top-down. teoryang bottom up. teoryang iskema. teoryang interaktiv. Katangian ng proseso ng masining na pagbasa. Ang aklat at ang halaga sa pagbasa.
grade11 lessson batch 2k16. curriculum of k12
Filipino 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong G...Juan Miguel Palero
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng mga Opinyon at Mga Wastong paggamit ng mga Salita.
Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasaRochelle Nato
Ang unang aralin sa Pagbasa at Pagsusuri ng ibat' ibang teksto tungo sa Pananaliksik.
I. Batayang Kaalaman sa Mapanuring Pagbasa
Sanggunian: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't ibang Teksto tungo sa Pananaliksik ni Crizel Sicat- De Laza (May-akda) at Aurora E. Batnag (Koordineytor)
Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP) Grade 10: Module 3 (Paghubog ng Konsiyensiya batay sa Likas na Batas Moral) and Module 4 (Ang Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan)
Awiting Bayan ay isa sa mga taglay na karunungang bayan ng lugar. Sa pamamagitan nito, mahihinuha ang taglay na kaalaman ng mamamayan sa larangan ng panitikan.
Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)Bryan Ben Orcenado
Ang Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralan ng Madrid Surigao del Sur Division
Tomo 1 Bilang 1 │ Agosto 2023 - Mayo 2024. Ang pampaaralang pahayagang ito ay kuwalipikado para sa National Schools Press Conference 2024 na gaganapin sa Carcar City, Cebu ngayong Hulyo.
3. Sa bawat pakikibaka ng tao, sa bawat pakikisalamuha
niya sa iba, inilalahad niya ang anumang saloobin sa
pamamagitan ng pagbibigay sa pansariling opinyon,
paniniwala, katwiran, at paninindigan. Ngunit kung minsan
ay nagkakasalungatan ang bawat isipan ng tao.
Nagkokomento tayo kapag meron tayong naririnig at
hindi ito naaayon sa ating paniniwala, sa mga nakikita na
taliwas sa ating pinaniniwalaang katanggap-tanggap.
Kaya marahil angkop lamang na ipahayag natin ang ating
paninindigan sa pamamagitan ng pangangatwiran.
4. Masasabing naging bahagi na ng ating pang-araw-araw
na buhay ang pagpapahayag ng ating pangangatwiran.
Ang opinyon ay tumutukoy sa mga ideya ng mga tao,
mga ideyang nakabatay, hindi sa katunayan, kundi sa
ipinalalagay lamang na totoo. “Hindi ito katunayan kundi
pagsusuri o judgement ng katunayan” (Constantino &
Zafra, 2000.p.143)
Ang “palagay”ay katutubong salita sa Filipino ng
opinyon. Sa UP Diksyonaryong Filipino, ang palagay ay
nangangahulugang “pansariling pananaw” o paniniwala
hinggil sa isang bagay na maaaring nakabatay sa
katunayan o kaalaman.”
5. Sa kabilang banda, kaiba naman ang pagpapahayag ng
pangangatwiran sa opinyon at palagay dahil ang una’y
nagpapahayag na kasabay ang pagbibigay ng sapat na
katibayan o patunay upang ang isang panukala ay maging
katanggap-tanggap o kapani-paniwala. Layunin nito’y
hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang
kawastuhan ng kanilang pananalig o paniniwala sa
pamamagitan ng makatuwirang pagpapahayag.
Ang katotohanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa
pamamagitan ng mga katwiran o rason (Arogante)
6. Ang pangangatwiran ay maaaring tawaging
pagmamatuwid o argumentasyon. Ito ay isang anyo ng
pagpapahayag ng kaisipan na naglalayong makahikayat o
mapaniwala ang nakikinig o bumabasa. Ito’y nagagawa sa
pamamagitan ng pananalita o pagsulat ng mga matuwid o
katwiran upang mapaniwala o mapakilos ang iba ayon sa
kagustuhan ng nagmamatuwid o nangangatwiran.
Ginagamit dito ang sistematiko at pa-baitang na katwiran
upang patunayan ang isang bagay. Ang ganitong
pamamaraan ay sadyang isinaayos nang mabigyang
gabay ang mga mambabasa sa pagsuri
7. Sa pagsuri ng mga katibayan at magkaroon ng
kongklusyon tulad sa sumulat.
Ang pangangatwiran ay hindi ginagawa dahil lamang
sa pagnanais na mangatwiran. Dapat tayo’y may sapat na
batayan sa mga bagay na ating ipagmamatuwid,
nakahanda sa pagtanggap ng katotohanan, at maging
magalang at mapagpahalaga sa kuro-kuro ng iba.
Kailangan din sa isang mabuting pangangatwiran
ang sapat na kaalaman sa paksa, mga kaugnay lamang
ng paksa ang laman ng katwiran, at di-dapat lubhang
malawak ang paksa.
8. Gawing malinaw at tiyak ang katwiran batay sa
kahalagahan at katunayan ng pinagkunan. Kapag ang
mga matuwid ay makatarungan at wasto, may isang
kaisipan at may pagsasaalang-alang at bukas na kaisipan
upang madaling makamit ang layuning makahikayat.
Dalawang paraan ng paglapit ng pangangatwiran. Ito’y
(1) ang pag-apila sa isipan na maaaring tawaging
kumbiksyon
(2) pag-apila sa emosyon o damdamin na maaaring
tawaging perswasyon
9. Ang kumbiksyon ay isang paraan ng pagbuo ng
paniniwala o di-paniniwala sa pamamagitan ng pag-apila
sa isipan. Ang mga pangangatwiran ay direkta sa talino at
pang-unawa ng nakikinig o bumabasa. Sa pamamagitan
ng kumbiksyon, higit na lumilinaw ang katunayan at
katotohanan. Sapagkat ang paniniwala ay kalagayan ng
isipan, kailangang ang mga katwirang ihahanay ay puno
ng katotohanan at batay sa mga katunayan.
Sa kabilang dako, ang perswasyon ay isang paraan ng
pagbuo ng paniniwala o di-paniniwala sa pamamagitan
ng tuwirang pag-apila sa emosyon
10. O damdamin. Ang pangangatwiran ay nakatuon sa
kahinaan ng pandama ng tao. Ang mga matuwid ay
maaaring nakatutuwa, nakaiiyak, nakapagpupuyos ng
galit, humihingi ng awa, at iba pa.
Dahil dito, nabibigyang pansin ang damdamin na
siyang umiimpluwensiya sa paniniwala at
nagpapakilos sa nakikinig o bumabasa.
11. Ang pangangatwiran ay isang sining sapagkat ang
paggamit ng wasto, angkop, at magandang pananalita ay
makatutulong upang mahikayat na pakinggan, tanggapin,
at paniniwalaan ng nakikinig ang nangangatwiran.
Ito rin ay maituturing na agham sapagkat ito ay may
prosesong dapat isaalang-alang o sundin upang ito ay
maging mahusay at matagumpay, lalo na sa formal na
pangangatwiran gaya ng debate.
Higit sa lahat ito ay isa ring kasanayan dahil ang
kahusayan ay maaaring matamo ninuman subalit hindi sa
paraang madali at sa maikling panahon lamang.
12. Dahilan ng Pangangatwiran
1. Upang mabigyang-linaw ang isang mahalagang usapin
o isyu
2. Maipagtanggol ang sarili sa mali o masamang
propaganda laban sa kaniya.
3. Makapagbahagi ng kaniyang kaalaman sa ibang tao.
4. Makapagpahayag ng kaniyang saloobin.
5. Mapanatili ang magandang relasyon sa kaniyang kapwa.
13. Kasanayang nalilinang sa Pangangatwiran
1. Wasto at mabilis na pag-iisip
2. Lohikong paghahanay ng mga kaisipan
3. Maayos at mabisang pagsasalita
4. Maingat na pagkilala at pagsusuri ng tama at maling
katwiran
5. Pagpapahalaga sa kagandahang asal gaya ng
pagtitimpi o pagpipigil ng sarili at pag-unawa sa mga
karaniwang inilahad ng iba o pagtanggap sa nararapat
na kapasyahan.
14. Uri ng Pangangatwiran
Mahalaga sa pangangatwiran ang mga katunayan ng
pangyayari at ang mga katibayan nito. Kailangan sa
pagmamatuwid ang mga ebidensiya sapagkat ang mga ito
ang higit na nakaaakit ng paniniwala o di-paniniwala. Ang
paghahain ng mga katwiran ay maaaring hatiin sa dalawa:
1. Pangangatwirang Pabuod o induktibo – Ito ay nagsisimula sa
mga halimbawa o particular na kaisipan o katotohanan at
nagtatapos sa pangkalahatang simulain o katotohanan.
15. Inihahanay ang mga matuwid mula sa maliliit na
detalye bago ihayag ang pangkalahatang obserbasyon. Ang
kaisipan dito ay nagsisimula sa particular na pangyayari o
katibayan at mula doo’y nagagawa ang pagbubuod o
kongklusyon.
Layunin dito na patunayan o bumuo ng
pangkalahatang katotohanan, isang komprehensibong
panuntunan, at masaklaw na kongklusyon. Nagsisimula ito
sa obserbasyon ng mga ispesipikong katotohanan: inuuri
ang mga ito, pinipili ang mga magkakaugnay, at
inihihiwalay ang naiiba, at mula sa mga nakikilalang
katotohanan, humahan-
16. tong ito sa isang simulain o prinsipyo.
Tatlong uri ng Pangangatwirang Induktibo
1. Induktibong Ganap (Perfect Induction)
Binabanggit ang mga particular at espesipikong
bagay o katangian ng isang pangkat. Kung pakasusuriing
mabuti ang induktibong ganap, lahat ng matatagpuang
bagay o katangiang nakahanay sa matuwid ay pawang
mga dati nang bagay o katangiang angkin ng isang
pangkat. Kung ganoon, hindi lumalabas ang talakay sa
mga bagay na wala sa paksa at wala ring bagong kaalaman
na magiging batayan ng kongklusyon.
17. 2. Induktibong di-ganap (imperfect Induction)
Dito tinatangka ang makabubuo ng isang
pangkalahatang kongklusyon o panuntunan. Mula sa mga
kilala o batid na kalagayan, pangyayari, bagay o katangian,
makababalangkas ng kongklusyon na maaaring maging
daan tungo sa isang bagong kaalaman.
3. Maagham na Pagmamatuwid (Scientific Method)
Ito’y gumagamit ng iba’t ibang paraan ng obserbasyon
at paulit-ulit na eksperimentasyon at pagsusuri. Higit na
mabisa at nagtatagal ang katotohanan o kongklusyon na
nagdaan sa mga nabanggit na paraan.
18. Ang maagham na pagmamatuwid ay mapagmasid sa
anumang bagay o pangyayari na lumalabas o nakikita,
kundisyon o kalagayan na naganap bago o kasabay ng
pangyayari, ang dahilan o sanhi ng pagbabago at ang
bunga o resulta.
2. Pangangatwirang Deduktibo – Mula sa pangkalahatan
patungo sa particular o ispesipiko. Layunin nitong
makabuo ng isang tiyak na konggklusyon sa
pamamagitan ng pagpapatotoo sa isang pahayag na
umaayon o bahagi ng pangkalahatang panuntunan o
katotohanan.
19. Ang pangangatwirang deduktibo ay paraan ng
pagmamatuwid na nagpapakitang ang isang particular na
bagay o pangyayari ay totoo sapagkat ito’y bahagi ng
pangkalahatang panuntunan o prinsipyo na matagal nang
pinaniniwalaan o ipinapalagay na pinaniniwalaan.Ito ang
pagbuo ng kaisipan mula sa unang dalawang proposisyon
patungo sa ikatlo- ang kongklusyon o katotohanan.
Halimbawa: Lahat ng Kristiyano ay binyagan.
Si Delfin ay Kristiyano.
Si Delfin ay binyagan.
20. Gumagamit tayo ng mga pang-ugnay
upang idiin na tayo ay nagpapahayag ng
sariling pananaw. Maaaring gamitin ang mga
salita at pariralang sa palagay ko, sa tingin ko, sa
ganang akin, sa pakiwari ko, sa nakikita ko, pakiramdam
ko, para sa akin, kung ako ang tatanungin, ang masasabi
ko, mukhang, parang, atbp.