3. Dalawang magkakaibigang sundalo ang
nagkahiwalay nang sabihin ng kanilang kapitan na
uurong sila sa laban. Sila ay sina Arman at Mando.
Napakarami ng kaaway at wala silang kalaban-laban.
Maaari silang mapatay na lahat kung hindi uurong.
Pagdating sa kanilang kampo, natuklasan ni Arman na
wala si Mando. Nag-alala siya para sa kaibigan. May
usapan pa naman sila na walang iwanan. Lumapit siya
sa kanilang kapitan para magpaalam.
4. “Babalikan ko po si Mando, Kapitan. Baka nasa pook pa
siya ng labanan.”
“Hindi maaari,” sabi ng kapitan.
“Ayokong ipakipagsapalaran ang buhay mo sa isang taong
maaaring patay na.”
5. Alam ni Arman na mapanganib ang magbalik sa
lugar ng labanan kaya ayaw siyang payagan. Nagdaan ang
hatinggabi ay tumakas siya sa kanilang kampo. Gusto
niyang balikan ang kanyang kaibigan. Hindi siya
matatahimik hangga’t hindi niya ito nakikita kung
namantay ito sa labanan. Makita man lang niya ang
bangkay at mapanatag na siya. Nang magbalik si Arman
sa kabilang kampo ay sugatan siya. Marami siyang
sinuong na panganib. Galit na sinalubong siya ng kapitan.
6. “Sabi ko na sa iyo na patay na ang kaibigan mo. Ngayon,
malamang na mamatay ka na rin dahil sa mga sugat mo.
Ano ang halaga ng ginawa mo, sabihin mo nga?” galit na
tanong ng kapitan.
“Kapitan, buhay pa ang aking kaibigan nang abutan ko
siya. Bago siya nalagutan ng hininga sa aking kandungan,
naibulong pa niya sa akin, utol, alam kong babalikan mo
ako.”
7. Parang napahiya ang kapitan. Hindi na siya
nakipagtalo pa, agad niyang ipinagamot si Arman
sa mga kasamahan nila. Naglakad-lakad siya sa
paligid ng kampo nang gabing iyon. Hindi siya
makatulog. Naiisip niya ang kanyang kaibigan sa
kanyang pangkat. Tulad ng kaibigan ni Arman,
hindi rin ito nakabalik sa kampo nang sila’y
umurong. at hindi niya ito binalikan para hanapin.
8. Matapos mong basahin ang kwento ay magbahagi ng aral
na iyong natuklasan.
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_____________________________________________________
Sagutin ang mga katanungan na nasa ibaba.
1. Sino – sino ang magkaibigan sa maikling kwento?
a. Arman at Mando b. Erwin at Raffy c. Emman at Manuel
2. Ano ang trabaho ng magkaibigan?
a. Karpintero b. sundalo c. guro
9. 3. Kailan nagkahiwalay ang magkaibigang Arman at Mando?
a. Nang dahil sa pagsugod nila sa labanan.
b. Nang matalo sila ng mga kaaway.
c. Nang dahil sa pag – urong nila sa laban
4. Bakit bumalik si Arman sa pook kung saan sila lumisan?
a. Upang hanapin ang nawawala niyang sapatos.
b. Upang balikan ang kaniyang kaibigan na si Mando.
c. Upang labanan ang mga kaaway.
5. Paano natanggap ng kapitan ang pagbabalik ni Arman?
a. Hindi na lamang siya nakipagtalo.
b. Hindi na lamang siya kumilos.
Hindi na lamang siya gumawa ng gawain
10.
11. PANUTO: Magbigay ng mga salitang bago pa
lamang sa pandinig, pag – unawa o ngayon pa
lamang nabasa. Ip ang kahulugan nito.
1. __________________________
2. __________________________
3. __________________________
4. __________________________
5. __________________________
14. PANUTO: Sa inyong tahanan
ay maghanap ng isang
babasahin at ibuod ito. Ibigay
ang napulot na aral mula
dito.
15. PANUTO: Sumulat ng tatlong sitwasyon na
natutulad sa binasang akda. Sa tapat nito ay
ibigay mo ang solusyon na iyong isasagawa.
SITWASYON SOLUSYON
1. 1.
2. 2.
3. 3.