SlideShare a Scribd company logo
Epiko
Ang epiko[1]
ay uri ng panitikan na tumatalakay sa mga
kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao
laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may
mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala.
Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-
gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipinoay
may maipagmamalaking epiko.
Uri ng Epiko
1. Epikong Sinauna
Sinasabing sinauna sapagkat ang mga uring ito ay lumitaw noong
unang panahon. Kilala rin sa taguring Epikong Pambayani – na
naglalahad ng isang sambayanan o bansa sa pagtataguyod ng isang
pambansang layunin o mithiin. Ito’y karaniwan nang may
katangiang pangunahing tauhang nag-aangkin ng mga katangiang
kahima-himala at kumakatawan sa adhikain ng isang lahi o isang
bansa. Ang tulang ito ay nagpasalin-salin sa bibig ng mga salinlahi at
unti-unting nabuo sa mga anyo nito ngayon. Ang Beowulf ng
Inglatera, Siegfried ng Alemanya, Ibalon ng Pilipinas ay mga
halimbawa ng epikong sinauna.
2. Epikong Masining
Tinatawag din itong epikong makabago o epikong
pampanitikan. Nahahawig sa epikong pambayani, nasusulat sa isang
marangal na kabuuan at nahihinggil sa lunggati at tahakin ng isang
lipi, lahi o bansa. Ngunit naiiba sa pangyayaring ang makata sa isang
pampanitikang panahon ay sumulat ng tulang may pagkakahawig sa
epikong pambayani. Ang epikong Iliad atOdyssey ni Homer,
ang Paradise Lost ni Milton, ang Florante at Laura ni F.
Balagtas; Mutya ng Silangan ni Patricio Mariano, Malolos ni Benigno
Ramos ay halimbawa ng epikong masining.
3. Epikong Pakutya
Kabalangkas ng epikong pambayani ngunit ang paksa ay naglalahad
at naglalayong na kutyain ang gawing walang kabuluhan at pag-
aaksaya lamang ng panahon ng tao. Halimbawa: Ang
Pangginggera ni Lope K. Santos.
Kasaysayan ng Epiko
May mga aklat nang nalathala tungkol sa ibang mga anyo ng panitikang
pagbigkas, tulad ng mga bugtong, salawikain, awit, pabula, alamat at
mito. Ngunit wala pang puspusang pag-aaral tungkol sa mga epiko, ang
pinakamataas na anyo ng panitikang pabigkas. At mahalaga ang mga
epiko di lamang bilang panitikan: ang mga ito’y makabuluhang dokumento
rin ng ating lipunan bago pa dumating ang pananampalatayang Muslim at
Kristiyano. May maidadagdag sila sa kakaunting tiyak na kaalaman natin
tungkol sa sinaunang panahon ng pambansang kasaysayan. Bukod dito,
ang mga tekstong orihinal ay magagamit ding sanggunian ng mga
lingguwista para sa mga namamatay nang mga wikain.
May dalawang uri ng kaantasan ang paghahambing:
1. Paghahambing na magkatulad- ginagamit ito kung ang
dalawang ihinahambing ay may patas na katangian.
Hal. Pareho silang maganda.
Magkasing puti ang blouse na iyon.
2. Paghahambing na di-magkatulad - ginagamit ito kung ang
pinaghahambing ay maymagkaibang katangian. May dalawa itong
uri:
a.Pasahol- kung ang hinahambing ay mas maliit.
Hal. Di-gaanong mabigat ang bag ko ngayon kaysa kahapon.
Hindi ko lubhang naintindihan ang turo ng bago
nating titser.
b.Palamang- kung ang hinahambing ay mas malaki o
naka hihigit sa pinaghahambingan,gumagamit ito ng mga
salitang higit, labis at di-hamak.
Hal. Labis ang saya ang naramdaman ni Ana noong nakita niya
ang tatay niya.
Di-hamak na mas maganda ang proyekto ni Ana kay Lito.
Semantika
Sapayaknakahulugan,angSemantiks,Paladiwaan,oSemantika ayangpag-aaral
ngmga kultura.Sa ganitongpagkakataon,tumutukoyangsalitang kultura sa
kaugnayan sa pagitan ng
mgatagapagpabatidotagapagkahulugan(mgasignifiersaIngles)at kungano ang
ibigsabihin ngmga ito.Angganyangmga tagapagpabatidayang
mga salita,pananda,at mga simbolo.
Halimbawa ng semantika
Pagigitan ngmga tagapagpagtid o tagapagkahulugan at kungano ang
ibig sabihin ngmga ito
Elehiya
AngElehiya ayisangtulangnagpapahayagngdamdaminopaggunitasaisangnilalang
na sumakabilang-buhay na.
Halimbawa ng Pagpapasidhi ng Damdamin
1. Hindi maaaring sabihin na ikaw ay humahagulgol kung humihikbi ka lamang.
Kung iaantas natin ang mga sumusunod na salitang magkakatulad sa kahulugan na
magkaiba naman sa tindi o digri ng nais ipahayag, ganito ang magiging ayos nila.
Hikbi → nguyngoy → iyak → hagulgol
Halimbawa ng Elehiya
AKO PALA ITONG ILILIBING NINYO!
ni: Avon Adarna
Ang nilalang na sumakabilang buhay
Saan paroroon at saan hihimlay?
Ang kaluluwa bang maitim ang kulay
Sa dagat ng apoy ang hantong na tunay?
At ang kaluluwa ng buting nilalang,
Pinto ba ng langit ang bukas na daan?
Sino ang hahatol, magbibigay puwang?
AMA ba o ANAK ang dito'y hihirang?
Nagising akong puno ng pag-asa,
Dumilat ang tingin sa ganda ng umaga,
Napagwari ko ding kaygaan ng umpisa,
Igting ng paligid ang bumulaga!
Ngunit ano itong nangyari sa amin?
Magulo ang tao, parang sa may piging,
Aba at nabigla, nagkaduling-duling,
Ako pala itong inyong ililibing!
Buod ng Noli me tangere ni Jose Rizal
Si Crisostomo Ibarra ay isang binatang Pilipino na pinag-aral ng kanyang ama sa
Europa. Pagkatapos ng pitong taong pamamalagi roon ay nagbalik ito sa Pilipinas.
Dahil sa kanyang pagdating ay naghandog si Kapitan Tiyago ng isang salo-salo
kung saan ito ay dinaluhan nina Padre Damaso, Padre Sibyla, Tinyente Guevarra,
Donya Victorina at ilang matataas na tao, sa lipunan Kastila. Sa hapunang iyon ay
hiniya ni Padre Damaso na siyang dating kura ng San Diego, ang binata ngunit ito'y
hindi na lamang niya pinansin at magalang na nagpaalam at nagdahilang may
mahalagang lalakarin.
Si Ibarra ay kasintahan ni Maria Clara. Siya kilala bilang anak-anakan ni Kapitan
Tiyago, isang mayamang taga-Binundok. Ang binata ay dumalaw sa dalaga
kinabukasan at sa kanilang pag-uulayaw ay di nakaligtaang gunitain ang kanilang
pagmamahalan simula pa sa kanilang pagkabata. Di nakaligtaang basahing muli ni
Maria Clara ang mga liham ng binata sa kanya bago pa man ito mag-aral sa
Europa. Bago tumungo si Ibarra sa San Diego ay ipinagtapat sa kanya ni Tinyente
Guevarra ng Guardia Sibil ang tungkol sa pagkamatay nga kanyang amang si Don
Rafael, ang mayamang asendero sa bayang yaon.
Ayon sa Tinyente, si Don Rafael ay pinaratangan ni Padre Damaso, na Erehe at
Pilibustero, gawa ng di nito pagsisimba at pangungumpisal. Nadagdagan pa ng
isang pangyayari ang paratang na ito. Minsan ay may isang maniningil ng buwis na
nakaaway ng isang batang mag-aaral, nakita ito ni Don Rafael at tinulungan ang
bata, nagalit ang kubrador at sila ang nagpanlaban, sa kasamaang palad ay
tumama ang ulo ng kastila sa isang bato na kanyang ikinamatay. Ibinintang ang
pagkamatay na ito ng kubrador kay Don Rafael, pinag-usig siya, nagsulputan ang
kanyang mga lihim na kaaway at nagharap ng iba-ibang sakdal. Siya ay nabilanggo
at ng malapit nang malutas ang usapin ay nagkasakit ang matanda at namatay sa
bilangguan. Di pa rin nasiyahan si Padre Damaso sa pangyayaring iyon. Inutusan
niya ng tagapaglibing na hukayin ang bangkay ni Don Rafael sa kinalilibingan
nitong sementeryo para sa katoliko at ibaon sa libingan ng mga Intsik at dahil
umuulan noon at sa kabigatan ng bangkay ay ipinasya ng tagapaglibing na itapon
na lamang ito sa lawa.
Hindi binalak ni Ibarra ang maghiganti sa ginawang kabuktutang ito ni Padre
Damaso at sa halip ay ipinagpatuloy ang balak ng kanyang ama na magpatayo ng
paaralan.
Sa pagdiriwang ng paglalagay ng unang bato ng paaralan ay kamuntik nang
mapatay si Ibarra kung hindi siya nailigtas ni Elias. Sa paglagpak ng bato habang
ito'y inihuhugos ay hindi si Ibarra ang nasawi kundi ang taong binayaran ng lihim
na kaaway ng binata.
Sa pananghaliang inihandog ni Ibarra pagkatapos ng pagbabasbas ay muling
pinasaringan ni Padre Damaso ang binata, hindi na lamang niya sana ito papansinin
subalit nang hamakin ang alaala ng kanyang ama ay hindi na siya nakapagpigil at
tinangkang saksakin ang pari, salamat na lamang at napigilan ito ni Maria Clara.
Dahil sa pangyayaring ito ay itiniwalag o ineskomonyon si Ibarra ng Arsobispo ng
simbahang Katoliko Romano. Sinamantala ito ni Padre Damaso upang utusan si
Kapitan Tiyago na sirain ang kasunduan sa pagpapakasal nina Ibarra at Maria
Clara. Nais ng pari na ang mapangasawa ng dalaga ay si Linares na isang binatang
kastila na bagong dating sa Pilipinas.
Dahil sa pagkasindak sa gumuhong bato noong araw ng pagdiriwang si Maria
Clara'y nagkasakit at naglubha. Dahil sa ipinadalang gamot ni Ibarra na siya
namang ipinainom ni Sinang gumaling agad ang dalaga.
Sa tulong ng Kapitan Heneral ay napawalang-bisa ang pagkakaeskomulgado ni
Ibarra at ipinasya ng arsobispo na muli siyang tanggapin sa simbahang Katoliko.
Ngunit, nagkataon noong sinalakay ng mga taong pinag-uusig ang kwartel ng sibil
at ang napagbintangang may kagagawan ay si Ibarra kaya siya ay dinakip at
ibinilanggo. Wala talagang kinalaman dito ang binata sapagkat nang kausapin siya
ni Elias upang pamunuan ang mga pinag-uusig ay tahasan siyang tumanggi at
sinabing kailanman ay hindi siya maaring mamuno sa mga taong kumakatawan sa
bayan.
Napawalang-bisa ang bintang kay Ibarra sapagkat sa paglilitis na ginawa ay walang
sino mang makapagsabi na siya'y kasabwat sa kaguluhang naganap. Subalit ang
sulat niya kay Maria Clara na napasakamay ng hukuman ang siyang ginawang
sangkapan upang siya'y mapahamak.
Nagkaroon ng handaan sa bahay nina Kapitan Tiyago upang ipahayag ang
kasunduan sa pagpapakasal ni Maria Clara kay Linares at samantalang nagaganap
ito ay nakatakas ni Ibarra sa bilangguan sa tulong ni Elias.
Bago tuluyang tumakas ay nagkaroong ng pagkakataon si Ibarrang magkausap sila
ng lihim ni Maria Clara,. Anya'y ipinagkaloob na niya rito ang kalayaan at sana'y
lumigaya siya at matahimik na ang kalooban. Ipinaliwanag ni Maria Clara na ang
liham na kanyang iniingatan at siyang ginamit sa hukuman ay nakuha sa kanya sa
pamamagitan ng pagbabanta t pananakot. Ippinalit sa mga liham na ito ang
dalawang liham na isinulat ng kanyang ina bago siya ipanganak na nakuha ni Padre
Salvi sa kumbento at dito nasasaad na ang tunay niyang ama ay si Padre Damaso.
Sinabi niya kay Ibarra na kaya siya pakakasal kay Linares ay upang ipagtanggol
ang karangalan ng kanyang ina subalit ang pag-iibig niya saa binata ay di
magbabago kailanman.
Samantala, tumakas na si Ibarra sa tulong ni Elias. Sumakay sila ng bangka,
pinahiga si Ibarra at tinabunan ng damo at pagkatapos ay tinunton ang ilog Pasig
hanggang makarating sa Lawa ng Bay. Ngunit naabutan sila ng mga tumutugis sa
kanila. Inisip ni Elias na iligaw ang mga ito kaya naisipan niyang lumundag sa tubig
kung saan inakalang si Ibarra ang tumalon kaya hinabol at pinaputukan siya ng
mga sibil hanggang mahawi ang bakas ng pagkakalangoy at magkulay-dugo ang
tubig.
Nakarating sa kaalaman ni Maria Clara na si Ibarra'y napatay ng mga Sibil sa
kanyang pagtakas. Ang dalaga'y nalungkot at nawalan ng pag-asa kaya't hiniling
niya kay Padre Damaso na siya'y ipasok sa kumbento ng Santa Clara upang
magmadre. Napilitang pumayag ang pare sapagkat tiyakang sinabi ng dalaga na
siya'y magpapakamatay kapag hindi pinagmadre.
Noche Buena nang makarating si Elias sa maalamat na gubat ng mga Ibarra,
sugatan at nanghihina na doon niya nakatagpo si Basilio at ina nitong wala nang
buhay.
Bago siya nalagutan ng hininga ay sinabing, namatay siyang hindi nakikita ang
pagbubukang-liwayway ng kanyang bayan at makakikita ay huwag sanang
kalilimutan ang mga nangamatay dahil sa pagtatanggol sa bayan.
Repleksyon:
nalaman ko na ang noli me tangere ay hango sa totoong buhay ni Rizal at
ito rin ay nakatuon tungkol sa pangaapi ng mga kastila sa mga pilipino na kagaya
ni Rizal na nilabanan niya ang mga kastila.Parehas din sila na naapi ang mga mahal
sa buhay
masaya ako dahil kaya ni Rizal na pamulatin ang mga pilipino laban sa
mga kastila gamit ang nobelang Noli Me Tangere.
Mga Halimbawa ng Epiko
Ibalon (Epiko)
Ang Ibalon ay matandang pangalan ng Bicol. Noong 1895, si Prayle Jose
Castaño ay may kinaibigang bulag na lagalag na mang-aawit na si
Cadungdung. Sa kanya narinig ng pari ang epikong Ibalon. Itinala at
isinalin ng pari sa Castila ang isinalaysay sa kanya ni Cadungdung.
Ang Epiko ay nababahagi sa trilogia. Inilalarawan dito ang kabayanihan
nina Baltog, Handiong, at Mantong.
Buod
Si Baltog ay nakarating sa lupain ng Ibalon dahil sa pagtugis niya sa isang
malaking baboy-ramo. Siya'y nanggaling pa sa lupain ng Batawara.
Mayaman ang lupain ng Ibalon at doon na siya nanirahan. Siya ang
kinilalang hari ng Ibalon. Naging maunlad ang pamumuhay ng mga tao.
Subalit may muling kinatakutan ang mga tao, isang malaki at
mapaminsalang baboy-ramona tuwing sumasapitang gabi aynamiminsala
ng mga pananim. Si Baltog ay matanda na upang makilaban. Tinulungan
siya ng kanyang kaibigang si Handiong.
Pinamunuanni Handiong ang mga lalaki ng Ibalon upang kanilang lipulin
ang mga dambuhalang buwaya, mababangis na tamaraw at lumilipad na
mga pating at mga halimaw na kumakainng tao. Napatay nila ang mga ito
maliban sa isang engkantadang nakapag-aanyong magandang dalaga na
may matamisna tinig. Ito ay si Oriol. Tumulong si Oriol sa paglipol ng iba
pang mga masasamang hayop sa Ibalon.
Naging payapa ang Ibalon. Ang mga tao ay umunlad. Tinuruan niya ang
mga tao ng maayos na pagsasaka. Ang mga piling tauhan ni Handiong ay
tumulong sa kanyang pamamahala at pagtuturo sa mga tao ng maraming
bagay.
Ang sistema ng pagsulat ay itinuro ni Sural. Itinuro ni Dinahong Pandak
ang paggawa ng palayok na Iluad at ng iba pang kagamitan sa pagluluto.
Si Hablon naman ay nagturo sa mga tao ng paghabi ng tela. Si Ginantong
ay gumawa ng kauna-unahang bangka, ng araro, itak at iba pang
kasangkapan sa bahay.
Naging lalong maunlad at masagana ang Ibalon. Subalit mayisang halimaw
na namang sumipot. Ito ay kalahating tao at kalahating hayop. Siya si
Rabut. Nagagawa niyang bato ang mga tao o hayop na kanyang
maengkanto. Maynagtangkang pumatay sa kanya subalit sinamang palad
na naging bato. Nabalitaan ito ni Bantong at inihandog niya ang sarili kay
Handiong upang siyang pumatay kay Rabut.
Nalaman ni Bantong na sa araw ay tulog na tulog si Rabut. Kaniya itong
pinatay habang natutulog.
Nagalit ang Diyos sa ginawang pataksil na pagpatay kay Rabut. Diumano,
masama mansi Rabut, dapat ay binigyan ng pagkakataong magtanggol sa
sarili nito. Pinarusahan ng Diyos ang Ibalon sa pamamagitan ng isang
napakalaking baha.
Nasira ang mga bahayat pananim. Nalunod ang maraming tao. Nakaligtas
lamang ang ilang nakaakyat sa taluktok ng matataas na bundok. Nang
kumati ang tubig, iba na ang anyo ng Ibalon. Nagpanibagong buhay ang
mga tao ngayon ay sa pamumuno ni Bantong.
Mga Halimbawa ng Parabula Sa Kanlurang Asya
Parabula ng Banga
“Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang bangang gawa sa lupa,”
ang tagubilin ng Inang Banga sa kaniyang anak. “ Tandaan mo
ito sa buong buhay mo.” “Bakit madalas mong inuulit ang mga
salitang ito, Ina?” ang tanong ng anak na banga na may
pagtataka. “Sapagkat ayokong kalimutan mo ito. At ikaw ay
nararapat na makisalamuha lamang sa ating mga kauring banga.”
Kaya’t sa buong panahon ng kaniyang kabataan, itinatak niya sa
kanyang isipan na siya ay isang banga na gawa sa lupa.
Hanggang sa makakita siya ng ibang uri ng banga. Nakita niya
ang eleganteng bangang porselana, ang isang makintab na
bangang metal, at maging ang iba pang babasaging banga.
Tinanggap niya na sila ay magkakaiba. Ngunit hindi niya lubos
na maunawaan kung bakit hindi siya maaaring makisalamuha sa
ibang banga. Marahil, gawa sila mula sa iba’t ibang materyal
at iba-iba rin ang kanilang kulay. May puti, may itim, may
kulay tsokolate at may dilaw. Sila ay may kaniya-kaniyang
kahalagahan. Hinulma sila nang pantay-pantay. Lahat sila ay
ginawa upang maging sisidlan o dekorasyon. banga DRAFT March
24, 2014 214 Isang araw, isang napakakisig na porselanang
banga ang nag-imbita sa kaniya na maligo sa lawa. Noong una,
siya’y tumanggi. Nang lumaon, nanaig sa kanya ang paniniwalang
ang lahat ng banga ay pantay-pantay. Naakit siya sa makisig na
porselanang banga. Napapalamutian ito ng magagandang disenyo
at matitingkad ang kulay ng pintura. May palamuting gintong
dahon ang gilid nito. Kakaiba ang kaniyang hugis at mukhang
kagalang-galang sa kaniyang tindig. “Bakit wala namang masama
sa paliligo sa lawa kasama ng ibang uri ng banga. Wala naman
kaming gagawing hindi tama,” bulong niya sa sarili. At sumunod
siya sa porselanang banga at sinabing,” Oo, maliligo ako sa
lawa kasama mo. Ngunit saglit lamang, nais ko lang na
mapreskuhan.” ‘’Tayo na,” sigaw ng porselanang banga na
tuwang-tuwa. Sabay silang lumundag sa lawa at nasarapan sa
malamig na tubig. Nakadama sila ng kaginhawahan sa mainit na
panahon nang araw na iyon. Nang sila’y lumundag sa tubig,
lumikha ito ng mga alon. Ang porselanang banga ay tinangay
papalapit sa kaniya. Kahit hindi nila gusto, bigla silang
nagbanggaan nang malakas. Isang malaking alon ang humampas
mula sa gilid ng lawa. Lumikha ito ng napakalakas na tunog.
Ang porselanang banga ay nanatiling buo na parang walang
nangyari. Ngunit ang bangang gawa sa lupa ay nagkalamat dahil
sa malakas na banggaan nila. Habang siya’y nabibitak at unti-
unting lumulubog sa ilalalim ng tubig,naalaala ng bangang lupa
ang kaniyang ina.
Ang Talinghaga Tungkol sa May-Ari ng Ubasan”
(Mateo 20: 1-16 sa Bagong Tipan)
Ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang taong
lumabas nang maagang-maaga upang humanap ng manggagawa
para sa kanyang ubasan. Nang magkasundo na sila sa upa
na isang salaping pilak sa maghapon, ang mga manggagawa
ay pinapupunta niya sa kanyang ubasan. Lumabas siyang
muli nang mag- ikasiyam ng umaga at nakakita siya ng
iba pang tatayu-tayo lamang sa palengke. Sinabi niya sa
kanila, ‘ Pumunta din kayo at magtrabaho sa aking
ubasan, at bibigyan ko kayo ng karampatang upa. At
pumunta nga sila. Lumabas na naman siya nang mag-
ikalabindalawa ng tanghali at nang mag-ikatlo ng hapon,
at sa ganoon din ang ginawa niya. Nang mag-ikalima na
ng hapon, siya’y lumabas muli at nakakita pa ng mga
ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, “
Bakit tatayu-tayo lang kayo dito sa buong maghapon?”
Kasi po’y walang magbigay sa amin ng trabaho,’ sagot
nila. Kaya’t sinabi niya, ‘ Kung gayon, pumunta kayo at
magtrabaho kayo sa aking ubasan.’ Nang gumagabi na,
sinabi ng may-ari ng ubasan sa kanyang katiwala,
“Tawagin mo na ang mga manggagawa at bayaran mo sila
magmula sa huli hanggang sa unang nagtrabaho. Ang mga
nagsimula nang mag-ikalima ng hapon ay tumanggap ng
tig-iisang salaping pilak.” Nang lumapit ang mga nauna,
inakala nilang tatanggap sila nang higit doon; ngunit
ang bawat isa’y binayaran din ng tig-iisang salaping
pilak. Nagreklamo ang mga nagtrabaho sa may-ari ng
ubasan. Sinabi nila, “Isang oras lamang gumawa ang mga
huling dumating, samantalang maghapon kaming nagtrabaho
at nagtiis sa nakapapasong init ng araw, bakit naman
pinagparepareho ninyo ang aming upa?” DRAFT March 24,
2014 209 Sumagot ang may-ari ng ubasan sa isa sa
kanila, “Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba’t
nagkasundo tayo sa isang salaping pilak? Kunin mo ang
para sa iyo at umalis ka na. Ano sa iyo kung ibig kong
bayaran ang nahuli nang tulad ng ibinayad ko sa iyo?”
“Wala ba akong karapatang gawin sa ari-arian ko ang
aking maibigan. Kayo ba’y naiinggit dahil ako’y
nagmagandang-loob sa iba?” Ayon nga kay Hesus, “ Ang
nahuhuli ay nauuna, at ang nauuna ay mahuhuli.”

More Related Content

What's hot

Mga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananaw
Mga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananawMga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananaw
Mga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananaw
MartinGeraldine
 
Filipino 9 Ponemang Suprasegmental
Filipino 9 Ponemang SuprasegmentalFilipino 9 Ponemang Suprasegmental
Filipino 9 Ponemang Suprasegmental
Juan Miguel Palero
 
1.karunungang bayan
1.karunungang bayan1.karunungang bayan
1.karunungang bayan
ElmerTaripe
 
Filipino 9 Etimolohiya
Filipino 9 EtimolohiyaFilipino 9 Etimolohiya
Filipino 9 Etimolohiya
Juan Miguel Palero
 
Kahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nioKahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nio
Mdaby
 
Paggamit ng mga matatalinghagang salita
Paggamit ng mga matatalinghagang salitaPaggamit ng mga matatalinghagang salita
Paggamit ng mga matatalinghagang salita
MartinGeraldine
 
Filipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
Filipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o DamdaminFilipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
Filipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
Juan Miguel Palero
 
Simbolismo.pptx
Simbolismo.pptxSimbolismo.pptx
Simbolismo.pptx
RioGDavid
 
Pagpapasinaya sa akda- Noli Me Tangere
Pagpapasinaya sa akda- Noli Me TangerePagpapasinaya sa akda- Noli Me Tangere
Pagpapasinaya sa akda- Noli Me Tangere
Ghie Maritana Samaniego
 
MGA URI NG TULA
MGA URI NG TULA MGA URI NG TULA
MGA URI NG TULA
Louis Kenneth Cabo
 
Dula
DulaDula
Dula
vavyvhie
 
Dulang pilipino
Dulang pilipinoDulang pilipino
Dulang pilipino
heidi_melendez
 
Halimbawa ng pagsasaling wika
Halimbawa ng pagsasaling wikaHalimbawa ng pagsasaling wika
Halimbawa ng pagsasaling wika
Jennifer Baluyot
 
Antas ng-wika-batay-sa-pormalidad
Antas ng-wika-batay-sa-pormalidadAntas ng-wika-batay-sa-pormalidad
Antas ng-wika-batay-sa-pormalidad
Mary Elieza Bentuzal
 
Kaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinas
Kaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinasKaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinas
Kaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinas
Rajna Coleen Carrasco
 
Tanka at Haiku
Tanka at HaikuTanka at Haiku
Tanka at Haiku
Ghie Maritana Samaniego
 
Anyo ng Globalisasyon
Anyo ng Globalisasyon Anyo ng Globalisasyon
Anyo ng Globalisasyon
edmond84
 

What's hot (20)

Mga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananaw
Mga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananawMga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananaw
Mga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananaw
 
Filipino grade 9 lm q3
Filipino grade 9 lm q3Filipino grade 9 lm q3
Filipino grade 9 lm q3
 
Dagli
DagliDagli
Dagli
 
Filipino 9 Ponemang Suprasegmental
Filipino 9 Ponemang SuprasegmentalFilipino 9 Ponemang Suprasegmental
Filipino 9 Ponemang Suprasegmental
 
1.karunungang bayan
1.karunungang bayan1.karunungang bayan
1.karunungang bayan
 
Filipino 9 Etimolohiya
Filipino 9 EtimolohiyaFilipino 9 Etimolohiya
Filipino 9 Etimolohiya
 
Kahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nioKahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nio
 
Paggamit ng mga matatalinghagang salita
Paggamit ng mga matatalinghagang salitaPaggamit ng mga matatalinghagang salita
Paggamit ng mga matatalinghagang salita
 
Filipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
Filipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o DamdaminFilipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
Filipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
 
Simbolismo.pptx
Simbolismo.pptxSimbolismo.pptx
Simbolismo.pptx
 
Pagpapasinaya sa akda- Noli Me Tangere
Pagpapasinaya sa akda- Noli Me TangerePagpapasinaya sa akda- Noli Me Tangere
Pagpapasinaya sa akda- Noli Me Tangere
 
MGA URI NG TULA
MGA URI NG TULA MGA URI NG TULA
MGA URI NG TULA
 
Dula
DulaDula
Dula
 
Dulang pilipino
Dulang pilipinoDulang pilipino
Dulang pilipino
 
Halimbawa ng pagsasaling wika
Halimbawa ng pagsasaling wikaHalimbawa ng pagsasaling wika
Halimbawa ng pagsasaling wika
 
Antas ng-wika-batay-sa-pormalidad
Antas ng-wika-batay-sa-pormalidadAntas ng-wika-batay-sa-pormalidad
Antas ng-wika-batay-sa-pormalidad
 
Kaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinas
Kaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinasKaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinas
Kaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinas
 
Kay sleya
Kay sleyaKay sleya
Kay sleya
 
Tanka at Haiku
Tanka at HaikuTanka at Haiku
Tanka at Haiku
 
Anyo ng Globalisasyon
Anyo ng Globalisasyon Anyo ng Globalisasyon
Anyo ng Globalisasyon
 

Viewers also liked

Balita sa Pamamahayag
Balita sa PamamahayagBalita sa Pamamahayag
Balita sa Pamamahayag
Mischelle Mariano
 
Journalism pagsulat ng balita
Journalism  pagsulat ng balitaJournalism  pagsulat ng balita
Journalism pagsulat ng balita
Ghie Maritana Samaniego
 
Sanaysay na mga guho
Sanaysay na mga guhoSanaysay na mga guho
Sanaysay na mga guhoIrene Yutuc
 
HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA
asa net
 
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysayTula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
Mariel Flores
 
Pamahayan/ Pahayagan
Pamahayan/ PahayaganPamahayan/ Pahayagan
Pamahayan/ Pahayagan
Eleizel Gaso
 

Viewers also liked (7)

Balita sa Pamamahayag
Balita sa PamamahayagBalita sa Pamamahayag
Balita sa Pamamahayag
 
Journalism pagsulat ng balita
Journalism  pagsulat ng balitaJournalism  pagsulat ng balita
Journalism pagsulat ng balita
 
Sanaysay na mga guho
Sanaysay na mga guhoSanaysay na mga guho
Sanaysay na mga guho
 
Balita.final.ppt
Balita.final.pptBalita.final.ppt
Balita.final.ppt
 
HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA
 
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysayTula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
 
Pamahayan/ Pahayagan
Pamahayan/ PahayaganPamahayan/ Pahayagan
Pamahayan/ Pahayagan
 

Similar to Epiko ni cilo

Panitikan sa Panahon ng Amerikano
Panitikan sa Panahon ng AmerikanoPanitikan sa Panahon ng Amerikano
Panitikan sa Panahon ng Amerikano
Mae Garcia
 
Buod ng noli me tangere
Buod ng noli me tangereBuod ng noli me tangere
Buod ng noli me tangereJaNa Denisse
 
KABANATA 3 el fili.pptx
KABANATA 3 el fili.pptxKABANATA 3 el fili.pptx
KABANATA 3 el fili.pptx
MarkLouieFerrer1
 
Mga halimbawa ng katutubong panitikan
Mga halimbawa ng katutubong panitikanMga halimbawa ng katutubong panitikan
Mga halimbawa ng katutubong panitikanJohn Anthony Teodosio
 
Florante at Laura
Florante at LauraFlorante at Laura
Florante at Laura
Merland Mabait
 
El-Filibusterismo Kabanata 1-39 Buod at Talasalitaan
El-Filibusterismo  Kabanata 1-39 Buod at TalasalitaanEl-Filibusterismo  Kabanata 1-39 Buod at Talasalitaan
El-Filibusterismo Kabanata 1-39 Buod at Talasalitaan
AngelouCruz4
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-51-at-52.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-51-at-52.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-51-at-52.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-51-at-52.pptx
unicaeli2020
 
Elfilibuod 110228061016-phpapp02
Elfilibuod 110228061016-phpapp02Elfilibuod 110228061016-phpapp02
Elfilibuod 110228061016-phpapp02Cecille Jane Caliso
 
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino Chin Chan
 
Buod ng Bawat Kabanata ng El Filibusterismo
Buod ng Bawat Kabanata ng El FilibusterismoBuod ng Bawat Kabanata ng El Filibusterismo
Buod ng Bawat Kabanata ng El Filibusterismo
Nátè Del Mundo
 
maam basay group 2.pptx
maam basay group 2.pptxmaam basay group 2.pptx
maam basay group 2.pptx
ShairaLouEmactao
 
Nailathala ang noli me tangere (1887)
Nailathala ang noli me tangere (1887)Nailathala ang noli me tangere (1887)
Nailathala ang noli me tangere (1887)Glenifer Tamio
 
Buod ng Noli Me Tangere
Buod ng Noli Me TangereBuod ng Noli Me Tangere
Buod ng Noli Me Tangere
NemielynOlivas1
 
Dr.pptx
Dr.pptxDr.pptx
Filipino el fili- padre florentino
Filipino  el fili- padre florentinoFilipino  el fili- padre florentino
Filipino el fili- padre florentino
Eemlliuq Agalalan
 
Buod ng noli me tangere
Buod ng noli me tangereBuod ng noli me tangere
Buod ng noli me tangere
zoe_elise
 
Noli me tangere kabanata 50
Noli me tangere kabanata 50Noli me tangere kabanata 50
Noli me tangere kabanata 50
Sir Pogs
 
Biag ni Lam-ang.pptx
Biag ni Lam-ang.pptxBiag ni Lam-ang.pptx
Biag ni Lam-ang.pptx
Lorniño Gabriel
 

Similar to Epiko ni cilo (20)

Panitikan sa Panahon ng Amerikano
Panitikan sa Panahon ng AmerikanoPanitikan sa Panahon ng Amerikano
Panitikan sa Panahon ng Amerikano
 
Nolimetangere
NolimetangereNolimetangere
Nolimetangere
 
Buod ng noli me tangere
Buod ng noli me tangereBuod ng noli me tangere
Buod ng noli me tangere
 
KABANATA 3 el fili.pptx
KABANATA 3 el fili.pptxKABANATA 3 el fili.pptx
KABANATA 3 el fili.pptx
 
Mga halimbawa ng katutubong panitikan
Mga halimbawa ng katutubong panitikanMga halimbawa ng katutubong panitikan
Mga halimbawa ng katutubong panitikan
 
Florante at Laura
Florante at LauraFlorante at Laura
Florante at Laura
 
El-Filibusterismo Kabanata 1-39 Buod at Talasalitaan
El-Filibusterismo  Kabanata 1-39 Buod at TalasalitaanEl-Filibusterismo  Kabanata 1-39 Buod at Talasalitaan
El-Filibusterismo Kabanata 1-39 Buod at Talasalitaan
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-51-at-52.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-51-at-52.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-51-at-52.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-51-at-52.pptx
 
Elfilibuod 110228061016-phpapp02
Elfilibuod 110228061016-phpapp02Elfilibuod 110228061016-phpapp02
Elfilibuod 110228061016-phpapp02
 
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
 
Buod ng Noli 49- 64
Buod ng Noli 49- 64Buod ng Noli 49- 64
Buod ng Noli 49- 64
 
Buod ng Bawat Kabanata ng El Filibusterismo
Buod ng Bawat Kabanata ng El FilibusterismoBuod ng Bawat Kabanata ng El Filibusterismo
Buod ng Bawat Kabanata ng El Filibusterismo
 
maam basay group 2.pptx
maam basay group 2.pptxmaam basay group 2.pptx
maam basay group 2.pptx
 
Nailathala ang noli me tangere (1887)
Nailathala ang noli me tangere (1887)Nailathala ang noli me tangere (1887)
Nailathala ang noli me tangere (1887)
 
Buod ng Noli Me Tangere
Buod ng Noli Me TangereBuod ng Noli Me Tangere
Buod ng Noli Me Tangere
 
Dr.pptx
Dr.pptxDr.pptx
Dr.pptx
 
Filipino el fili- padre florentino
Filipino  el fili- padre florentinoFilipino  el fili- padre florentino
Filipino el fili- padre florentino
 
Buod ng noli me tangere
Buod ng noli me tangereBuod ng noli me tangere
Buod ng noli me tangere
 
Noli me tangere kabanata 50
Noli me tangere kabanata 50Noli me tangere kabanata 50
Noli me tangere kabanata 50
 
Biag ni Lam-ang.pptx
Biag ni Lam-ang.pptxBiag ni Lam-ang.pptx
Biag ni Lam-ang.pptx
 

More from Marlon Villaluz

SAKSI_JOHN D BAPTIST.pptx
SAKSI_JOHN D BAPTIST.pptxSAKSI_JOHN D BAPTIST.pptx
SAKSI_JOHN D BAPTIST.pptx
Marlon Villaluz
 
Proverbs 16_1 – 33_Akong plano, sa Kabubut-on sa Dios ako Mosalig.pptx
Proverbs 16_1 – 33_Akong plano, sa Kabubut-on sa Dios ako Mosalig.pptxProverbs 16_1 – 33_Akong plano, sa Kabubut-on sa Dios ako Mosalig.pptx
Proverbs 16_1 – 33_Akong plano, sa Kabubut-on sa Dios ako Mosalig.pptx
Marlon Villaluz
 
3_Copy of FAQ 1_ WHAT IS THE GOSPEL.pdf
3_Copy of FAQ 1_ WHAT IS THE GOSPEL.pdf3_Copy of FAQ 1_ WHAT IS THE GOSPEL.pdf
3_Copy of FAQ 1_ WHAT IS THE GOSPEL.pdf
Marlon Villaluz
 
2_Christian Leadership.pdf
2_Christian Leadership.pdf2_Christian Leadership.pdf
2_Christian Leadership.pdf
Marlon Villaluz
 
Public storm warning signal
Public storm warning signalPublic storm warning signal
Public storm warning signal
Marlon Villaluz
 
Philosophical and Sociological Foundations of Philippine Education System_PhD...
Philosophical and Sociological Foundations of Philippine Education System_PhD...Philosophical and Sociological Foundations of Philippine Education System_PhD...
Philosophical and Sociological Foundations of Philippine Education System_PhD...
Marlon Villaluz
 
First life groups launchig
First life groups launchigFirst life groups launchig
First life groups launchig
Marlon Villaluz
 
mother tongue-based - test in math iv
mother tongue-based - test in math ivmother tongue-based - test in math iv
mother tongue-based - test in math iv
Marlon Villaluz
 
English eIMs - key sentence
English eIMs - key sentenceEnglish eIMs - key sentence
English eIMs - key sentence
Marlon Villaluz
 

More from Marlon Villaluz (9)

SAKSI_JOHN D BAPTIST.pptx
SAKSI_JOHN D BAPTIST.pptxSAKSI_JOHN D BAPTIST.pptx
SAKSI_JOHN D BAPTIST.pptx
 
Proverbs 16_1 – 33_Akong plano, sa Kabubut-on sa Dios ako Mosalig.pptx
Proverbs 16_1 – 33_Akong plano, sa Kabubut-on sa Dios ako Mosalig.pptxProverbs 16_1 – 33_Akong plano, sa Kabubut-on sa Dios ako Mosalig.pptx
Proverbs 16_1 – 33_Akong plano, sa Kabubut-on sa Dios ako Mosalig.pptx
 
3_Copy of FAQ 1_ WHAT IS THE GOSPEL.pdf
3_Copy of FAQ 1_ WHAT IS THE GOSPEL.pdf3_Copy of FAQ 1_ WHAT IS THE GOSPEL.pdf
3_Copy of FAQ 1_ WHAT IS THE GOSPEL.pdf
 
2_Christian Leadership.pdf
2_Christian Leadership.pdf2_Christian Leadership.pdf
2_Christian Leadership.pdf
 
Public storm warning signal
Public storm warning signalPublic storm warning signal
Public storm warning signal
 
Philosophical and Sociological Foundations of Philippine Education System_PhD...
Philosophical and Sociological Foundations of Philippine Education System_PhD...Philosophical and Sociological Foundations of Philippine Education System_PhD...
Philosophical and Sociological Foundations of Philippine Education System_PhD...
 
First life groups launchig
First life groups launchigFirst life groups launchig
First life groups launchig
 
mother tongue-based - test in math iv
mother tongue-based - test in math ivmother tongue-based - test in math iv
mother tongue-based - test in math iv
 
English eIMs - key sentence
English eIMs - key sentenceEnglish eIMs - key sentence
English eIMs - key sentence
 

Epiko ni cilo

  • 1. Epiko Ang epiko[1] ay uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagila- gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipinoay may maipagmamalaking epiko. Uri ng Epiko 1. Epikong Sinauna Sinasabing sinauna sapagkat ang mga uring ito ay lumitaw noong unang panahon. Kilala rin sa taguring Epikong Pambayani – na naglalahad ng isang sambayanan o bansa sa pagtataguyod ng isang pambansang layunin o mithiin. Ito’y karaniwan nang may katangiang pangunahing tauhang nag-aangkin ng mga katangiang kahima-himala at kumakatawan sa adhikain ng isang lahi o isang bansa. Ang tulang ito ay nagpasalin-salin sa bibig ng mga salinlahi at unti-unting nabuo sa mga anyo nito ngayon. Ang Beowulf ng Inglatera, Siegfried ng Alemanya, Ibalon ng Pilipinas ay mga halimbawa ng epikong sinauna. 2. Epikong Masining Tinatawag din itong epikong makabago o epikong pampanitikan. Nahahawig sa epikong pambayani, nasusulat sa isang marangal na kabuuan at nahihinggil sa lunggati at tahakin ng isang lipi, lahi o bansa. Ngunit naiiba sa pangyayaring ang makata sa isang pampanitikang panahon ay sumulat ng tulang may pagkakahawig sa epikong pambayani. Ang epikong Iliad atOdyssey ni Homer, ang Paradise Lost ni Milton, ang Florante at Laura ni F.
  • 2. Balagtas; Mutya ng Silangan ni Patricio Mariano, Malolos ni Benigno Ramos ay halimbawa ng epikong masining. 3. Epikong Pakutya Kabalangkas ng epikong pambayani ngunit ang paksa ay naglalahad at naglalayong na kutyain ang gawing walang kabuluhan at pag- aaksaya lamang ng panahon ng tao. Halimbawa: Ang Pangginggera ni Lope K. Santos. Kasaysayan ng Epiko May mga aklat nang nalathala tungkol sa ibang mga anyo ng panitikang pagbigkas, tulad ng mga bugtong, salawikain, awit, pabula, alamat at mito. Ngunit wala pang puspusang pag-aaral tungkol sa mga epiko, ang pinakamataas na anyo ng panitikang pabigkas. At mahalaga ang mga epiko di lamang bilang panitikan: ang mga ito’y makabuluhang dokumento rin ng ating lipunan bago pa dumating ang pananampalatayang Muslim at Kristiyano. May maidadagdag sila sa kakaunting tiyak na kaalaman natin tungkol sa sinaunang panahon ng pambansang kasaysayan. Bukod dito, ang mga tekstong orihinal ay magagamit ding sanggunian ng mga lingguwista para sa mga namamatay nang mga wikain. May dalawang uri ng kaantasan ang paghahambing: 1. Paghahambing na magkatulad- ginagamit ito kung ang dalawang ihinahambing ay may patas na katangian. Hal. Pareho silang maganda. Magkasing puti ang blouse na iyon. 2. Paghahambing na di-magkatulad - ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay maymagkaibang katangian. May dalawa itong uri: a.Pasahol- kung ang hinahambing ay mas maliit. Hal. Di-gaanong mabigat ang bag ko ngayon kaysa kahapon. Hindi ko lubhang naintindihan ang turo ng bago
  • 3. nating titser. b.Palamang- kung ang hinahambing ay mas malaki o naka hihigit sa pinaghahambingan,gumagamit ito ng mga salitang higit, labis at di-hamak. Hal. Labis ang saya ang naramdaman ni Ana noong nakita niya ang tatay niya. Di-hamak na mas maganda ang proyekto ni Ana kay Lito. Semantika Sapayaknakahulugan,angSemantiks,Paladiwaan,oSemantika ayangpag-aaral ngmga kultura.Sa ganitongpagkakataon,tumutukoyangsalitang kultura sa kaugnayan sa pagitan ng mgatagapagpabatidotagapagkahulugan(mgasignifiersaIngles)at kungano ang ibigsabihin ngmga ito.Angganyangmga tagapagpabatidayang mga salita,pananda,at mga simbolo. Halimbawa ng semantika Pagigitan ngmga tagapagpagtid o tagapagkahulugan at kungano ang ibig sabihin ngmga ito Elehiya AngElehiya ayisangtulangnagpapahayagngdamdaminopaggunitasaisangnilalang na sumakabilang-buhay na. Halimbawa ng Pagpapasidhi ng Damdamin 1. Hindi maaaring sabihin na ikaw ay humahagulgol kung humihikbi ka lamang.
  • 4. Kung iaantas natin ang mga sumusunod na salitang magkakatulad sa kahulugan na magkaiba naman sa tindi o digri ng nais ipahayag, ganito ang magiging ayos nila. Hikbi → nguyngoy → iyak → hagulgol Halimbawa ng Elehiya AKO PALA ITONG ILILIBING NINYO! ni: Avon Adarna Ang nilalang na sumakabilang buhay Saan paroroon at saan hihimlay? Ang kaluluwa bang maitim ang kulay Sa dagat ng apoy ang hantong na tunay? At ang kaluluwa ng buting nilalang, Pinto ba ng langit ang bukas na daan? Sino ang hahatol, magbibigay puwang? AMA ba o ANAK ang dito'y hihirang? Nagising akong puno ng pag-asa, Dumilat ang tingin sa ganda ng umaga, Napagwari ko ding kaygaan ng umpisa, Igting ng paligid ang bumulaga! Ngunit ano itong nangyari sa amin? Magulo ang tao, parang sa may piging, Aba at nabigla, nagkaduling-duling, Ako pala itong inyong ililibing!
  • 5. Buod ng Noli me tangere ni Jose Rizal Si Crisostomo Ibarra ay isang binatang Pilipino na pinag-aral ng kanyang ama sa Europa. Pagkatapos ng pitong taong pamamalagi roon ay nagbalik ito sa Pilipinas. Dahil sa kanyang pagdating ay naghandog si Kapitan Tiyago ng isang salo-salo kung saan ito ay dinaluhan nina Padre Damaso, Padre Sibyla, Tinyente Guevarra, Donya Victorina at ilang matataas na tao, sa lipunan Kastila. Sa hapunang iyon ay hiniya ni Padre Damaso na siyang dating kura ng San Diego, ang binata ngunit ito'y hindi na lamang niya pinansin at magalang na nagpaalam at nagdahilang may mahalagang lalakarin. Si Ibarra ay kasintahan ni Maria Clara. Siya kilala bilang anak-anakan ni Kapitan Tiyago, isang mayamang taga-Binundok. Ang binata ay dumalaw sa dalaga kinabukasan at sa kanilang pag-uulayaw ay di nakaligtaang gunitain ang kanilang pagmamahalan simula pa sa kanilang pagkabata. Di nakaligtaang basahing muli ni Maria Clara ang mga liham ng binata sa kanya bago pa man ito mag-aral sa Europa. Bago tumungo si Ibarra sa San Diego ay ipinagtapat sa kanya ni Tinyente Guevarra ng Guardia Sibil ang tungkol sa pagkamatay nga kanyang amang si Don Rafael, ang mayamang asendero sa bayang yaon. Ayon sa Tinyente, si Don Rafael ay pinaratangan ni Padre Damaso, na Erehe at Pilibustero, gawa ng di nito pagsisimba at pangungumpisal. Nadagdagan pa ng isang pangyayari ang paratang na ito. Minsan ay may isang maniningil ng buwis na nakaaway ng isang batang mag-aaral, nakita ito ni Don Rafael at tinulungan ang bata, nagalit ang kubrador at sila ang nagpanlaban, sa kasamaang palad ay tumama ang ulo ng kastila sa isang bato na kanyang ikinamatay. Ibinintang ang pagkamatay na ito ng kubrador kay Don Rafael, pinag-usig siya, nagsulputan ang kanyang mga lihim na kaaway at nagharap ng iba-ibang sakdal. Siya ay nabilanggo at ng malapit nang malutas ang usapin ay nagkasakit ang matanda at namatay sa bilangguan. Di pa rin nasiyahan si Padre Damaso sa pangyayaring iyon. Inutusan niya ng tagapaglibing na hukayin ang bangkay ni Don Rafael sa kinalilibingan nitong sementeryo para sa katoliko at ibaon sa libingan ng mga Intsik at dahil umuulan noon at sa kabigatan ng bangkay ay ipinasya ng tagapaglibing na itapon na lamang ito sa lawa. Hindi binalak ni Ibarra ang maghiganti sa ginawang kabuktutang ito ni Padre Damaso at sa halip ay ipinagpatuloy ang balak ng kanyang ama na magpatayo ng paaralan.
  • 6. Sa pagdiriwang ng paglalagay ng unang bato ng paaralan ay kamuntik nang mapatay si Ibarra kung hindi siya nailigtas ni Elias. Sa paglagpak ng bato habang ito'y inihuhugos ay hindi si Ibarra ang nasawi kundi ang taong binayaran ng lihim na kaaway ng binata. Sa pananghaliang inihandog ni Ibarra pagkatapos ng pagbabasbas ay muling pinasaringan ni Padre Damaso ang binata, hindi na lamang niya sana ito papansinin subalit nang hamakin ang alaala ng kanyang ama ay hindi na siya nakapagpigil at tinangkang saksakin ang pari, salamat na lamang at napigilan ito ni Maria Clara. Dahil sa pangyayaring ito ay itiniwalag o ineskomonyon si Ibarra ng Arsobispo ng simbahang Katoliko Romano. Sinamantala ito ni Padre Damaso upang utusan si Kapitan Tiyago na sirain ang kasunduan sa pagpapakasal nina Ibarra at Maria Clara. Nais ng pari na ang mapangasawa ng dalaga ay si Linares na isang binatang kastila na bagong dating sa Pilipinas. Dahil sa pagkasindak sa gumuhong bato noong araw ng pagdiriwang si Maria Clara'y nagkasakit at naglubha. Dahil sa ipinadalang gamot ni Ibarra na siya namang ipinainom ni Sinang gumaling agad ang dalaga. Sa tulong ng Kapitan Heneral ay napawalang-bisa ang pagkakaeskomulgado ni Ibarra at ipinasya ng arsobispo na muli siyang tanggapin sa simbahang Katoliko. Ngunit, nagkataon noong sinalakay ng mga taong pinag-uusig ang kwartel ng sibil at ang napagbintangang may kagagawan ay si Ibarra kaya siya ay dinakip at ibinilanggo. Wala talagang kinalaman dito ang binata sapagkat nang kausapin siya ni Elias upang pamunuan ang mga pinag-uusig ay tahasan siyang tumanggi at sinabing kailanman ay hindi siya maaring mamuno sa mga taong kumakatawan sa bayan. Napawalang-bisa ang bintang kay Ibarra sapagkat sa paglilitis na ginawa ay walang sino mang makapagsabi na siya'y kasabwat sa kaguluhang naganap. Subalit ang sulat niya kay Maria Clara na napasakamay ng hukuman ang siyang ginawang sangkapan upang siya'y mapahamak. Nagkaroon ng handaan sa bahay nina Kapitan Tiyago upang ipahayag ang kasunduan sa pagpapakasal ni Maria Clara kay Linares at samantalang nagaganap ito ay nakatakas ni Ibarra sa bilangguan sa tulong ni Elias. Bago tuluyang tumakas ay nagkaroong ng pagkakataon si Ibarrang magkausap sila ng lihim ni Maria Clara,. Anya'y ipinagkaloob na niya rito ang kalayaan at sana'y lumigaya siya at matahimik na ang kalooban. Ipinaliwanag ni Maria Clara na ang liham na kanyang iniingatan at siyang ginamit sa hukuman ay nakuha sa kanya sa pamamagitan ng pagbabanta t pananakot. Ippinalit sa mga liham na ito ang dalawang liham na isinulat ng kanyang ina bago siya ipanganak na nakuha ni Padre Salvi sa kumbento at dito nasasaad na ang tunay niyang ama ay si Padre Damaso. Sinabi niya kay Ibarra na kaya siya pakakasal kay Linares ay upang ipagtanggol ang karangalan ng kanyang ina subalit ang pag-iibig niya saa binata ay di magbabago kailanman. Samantala, tumakas na si Ibarra sa tulong ni Elias. Sumakay sila ng bangka, pinahiga si Ibarra at tinabunan ng damo at pagkatapos ay tinunton ang ilog Pasig hanggang makarating sa Lawa ng Bay. Ngunit naabutan sila ng mga tumutugis sa kanila. Inisip ni Elias na iligaw ang mga ito kaya naisipan niyang lumundag sa tubig kung saan inakalang si Ibarra ang tumalon kaya hinabol at pinaputukan siya ng mga sibil hanggang mahawi ang bakas ng pagkakalangoy at magkulay-dugo ang tubig.
  • 7. Nakarating sa kaalaman ni Maria Clara na si Ibarra'y napatay ng mga Sibil sa kanyang pagtakas. Ang dalaga'y nalungkot at nawalan ng pag-asa kaya't hiniling niya kay Padre Damaso na siya'y ipasok sa kumbento ng Santa Clara upang magmadre. Napilitang pumayag ang pare sapagkat tiyakang sinabi ng dalaga na siya'y magpapakamatay kapag hindi pinagmadre. Noche Buena nang makarating si Elias sa maalamat na gubat ng mga Ibarra, sugatan at nanghihina na doon niya nakatagpo si Basilio at ina nitong wala nang buhay. Bago siya nalagutan ng hininga ay sinabing, namatay siyang hindi nakikita ang pagbubukang-liwayway ng kanyang bayan at makakikita ay huwag sanang kalilimutan ang mga nangamatay dahil sa pagtatanggol sa bayan. Repleksyon: nalaman ko na ang noli me tangere ay hango sa totoong buhay ni Rizal at ito rin ay nakatuon tungkol sa pangaapi ng mga kastila sa mga pilipino na kagaya ni Rizal na nilabanan niya ang mga kastila.Parehas din sila na naapi ang mga mahal sa buhay masaya ako dahil kaya ni Rizal na pamulatin ang mga pilipino laban sa mga kastila gamit ang nobelang Noli Me Tangere. Mga Halimbawa ng Epiko Ibalon (Epiko) Ang Ibalon ay matandang pangalan ng Bicol. Noong 1895, si Prayle Jose Castaño ay may kinaibigang bulag na lagalag na mang-aawit na si Cadungdung. Sa kanya narinig ng pari ang epikong Ibalon. Itinala at isinalin ng pari sa Castila ang isinalaysay sa kanya ni Cadungdung. Ang Epiko ay nababahagi sa trilogia. Inilalarawan dito ang kabayanihan nina Baltog, Handiong, at Mantong. Buod Si Baltog ay nakarating sa lupain ng Ibalon dahil sa pagtugis niya sa isang malaking baboy-ramo. Siya'y nanggaling pa sa lupain ng Batawara. Mayaman ang lupain ng Ibalon at doon na siya nanirahan. Siya ang kinilalang hari ng Ibalon. Naging maunlad ang pamumuhay ng mga tao. Subalit may muling kinatakutan ang mga tao, isang malaki at mapaminsalang baboy-ramona tuwing sumasapitang gabi aynamiminsala
  • 8. ng mga pananim. Si Baltog ay matanda na upang makilaban. Tinulungan siya ng kanyang kaibigang si Handiong. Pinamunuanni Handiong ang mga lalaki ng Ibalon upang kanilang lipulin ang mga dambuhalang buwaya, mababangis na tamaraw at lumilipad na mga pating at mga halimaw na kumakainng tao. Napatay nila ang mga ito maliban sa isang engkantadang nakapag-aanyong magandang dalaga na may matamisna tinig. Ito ay si Oriol. Tumulong si Oriol sa paglipol ng iba pang mga masasamang hayop sa Ibalon. Naging payapa ang Ibalon. Ang mga tao ay umunlad. Tinuruan niya ang mga tao ng maayos na pagsasaka. Ang mga piling tauhan ni Handiong ay tumulong sa kanyang pamamahala at pagtuturo sa mga tao ng maraming bagay. Ang sistema ng pagsulat ay itinuro ni Sural. Itinuro ni Dinahong Pandak ang paggawa ng palayok na Iluad at ng iba pang kagamitan sa pagluluto. Si Hablon naman ay nagturo sa mga tao ng paghabi ng tela. Si Ginantong ay gumawa ng kauna-unahang bangka, ng araro, itak at iba pang kasangkapan sa bahay. Naging lalong maunlad at masagana ang Ibalon. Subalit mayisang halimaw na namang sumipot. Ito ay kalahating tao at kalahating hayop. Siya si Rabut. Nagagawa niyang bato ang mga tao o hayop na kanyang maengkanto. Maynagtangkang pumatay sa kanya subalit sinamang palad na naging bato. Nabalitaan ito ni Bantong at inihandog niya ang sarili kay Handiong upang siyang pumatay kay Rabut. Nalaman ni Bantong na sa araw ay tulog na tulog si Rabut. Kaniya itong pinatay habang natutulog. Nagalit ang Diyos sa ginawang pataksil na pagpatay kay Rabut. Diumano, masama mansi Rabut, dapat ay binigyan ng pagkakataong magtanggol sa sarili nito. Pinarusahan ng Diyos ang Ibalon sa pamamagitan ng isang napakalaking baha. Nasira ang mga bahayat pananim. Nalunod ang maraming tao. Nakaligtas lamang ang ilang nakaakyat sa taluktok ng matataas na bundok. Nang kumati ang tubig, iba na ang anyo ng Ibalon. Nagpanibagong buhay ang mga tao ngayon ay sa pamumuno ni Bantong.
  • 9. Mga Halimbawa ng Parabula Sa Kanlurang Asya Parabula ng Banga “Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang bangang gawa sa lupa,” ang tagubilin ng Inang Banga sa kaniyang anak. “ Tandaan mo ito sa buong buhay mo.” “Bakit madalas mong inuulit ang mga salitang ito, Ina?” ang tanong ng anak na banga na may pagtataka. “Sapagkat ayokong kalimutan mo ito. At ikaw ay nararapat na makisalamuha lamang sa ating mga kauring banga.” Kaya’t sa buong panahon ng kaniyang kabataan, itinatak niya sa kanyang isipan na siya ay isang banga na gawa sa lupa. Hanggang sa makakita siya ng ibang uri ng banga. Nakita niya ang eleganteng bangang porselana, ang isang makintab na bangang metal, at maging ang iba pang babasaging banga. Tinanggap niya na sila ay magkakaiba. Ngunit hindi niya lubos na maunawaan kung bakit hindi siya maaaring makisalamuha sa ibang banga. Marahil, gawa sila mula sa iba’t ibang materyal at iba-iba rin ang kanilang kulay. May puti, may itim, may kulay tsokolate at may dilaw. Sila ay may kaniya-kaniyang kahalagahan. Hinulma sila nang pantay-pantay. Lahat sila ay ginawa upang maging sisidlan o dekorasyon. banga DRAFT March 24, 2014 214 Isang araw, isang napakakisig na porselanang banga ang nag-imbita sa kaniya na maligo sa lawa. Noong una, siya’y tumanggi. Nang lumaon, nanaig sa kanya ang paniniwalang ang lahat ng banga ay pantay-pantay. Naakit siya sa makisig na porselanang banga. Napapalamutian ito ng magagandang disenyo at matitingkad ang kulay ng pintura. May palamuting gintong dahon ang gilid nito. Kakaiba ang kaniyang hugis at mukhang kagalang-galang sa kaniyang tindig. “Bakit wala namang masama sa paliligo sa lawa kasama ng ibang uri ng banga. Wala naman kaming gagawing hindi tama,” bulong niya sa sarili. At sumunod siya sa porselanang banga at sinabing,” Oo, maliligo ako sa
  • 10. lawa kasama mo. Ngunit saglit lamang, nais ko lang na mapreskuhan.” ‘’Tayo na,” sigaw ng porselanang banga na tuwang-tuwa. Sabay silang lumundag sa lawa at nasarapan sa malamig na tubig. Nakadama sila ng kaginhawahan sa mainit na panahon nang araw na iyon. Nang sila’y lumundag sa tubig, lumikha ito ng mga alon. Ang porselanang banga ay tinangay papalapit sa kaniya. Kahit hindi nila gusto, bigla silang nagbanggaan nang malakas. Isang malaking alon ang humampas mula sa gilid ng lawa. Lumikha ito ng napakalakas na tunog. Ang porselanang banga ay nanatiling buo na parang walang nangyari. Ngunit ang bangang gawa sa lupa ay nagkalamat dahil sa malakas na banggaan nila. Habang siya’y nabibitak at unti- unting lumulubog sa ilalalim ng tubig,naalaala ng bangang lupa ang kaniyang ina. Ang Talinghaga Tungkol sa May-Ari ng Ubasan” (Mateo 20: 1-16 sa Bagong Tipan) Ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang-maaga upang humanap ng manggagawa para sa kanyang ubasan. Nang magkasundo na sila sa upa na isang salaping pilak sa maghapon, ang mga manggagawa ay pinapupunta niya sa kanyang ubasan. Lumabas siyang muli nang mag- ikasiyam ng umaga at nakakita siya ng iba pang tatayu-tayo lamang sa palengke. Sinabi niya sa kanila, ‘ Pumunta din kayo at magtrabaho sa aking ubasan, at bibigyan ko kayo ng karampatang upa. At pumunta nga sila. Lumabas na naman siya nang mag- ikalabindalawa ng tanghali at nang mag-ikatlo ng hapon, at sa ganoon din ang ginawa niya. Nang mag-ikalima na ng hapon, siya’y lumabas muli at nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, “ Bakit tatayu-tayo lang kayo dito sa buong maghapon?” Kasi po’y walang magbigay sa amin ng trabaho,’ sagot nila. Kaya’t sinabi niya, ‘ Kung gayon, pumunta kayo at magtrabaho kayo sa aking ubasan.’ Nang gumagabi na,
  • 11. sinabi ng may-ari ng ubasan sa kanyang katiwala, “Tawagin mo na ang mga manggagawa at bayaran mo sila magmula sa huli hanggang sa unang nagtrabaho. Ang mga nagsimula nang mag-ikalima ng hapon ay tumanggap ng tig-iisang salaping pilak.” Nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang tatanggap sila nang higit doon; ngunit ang bawat isa’y binayaran din ng tig-iisang salaping pilak. Nagreklamo ang mga nagtrabaho sa may-ari ng ubasan. Sinabi nila, “Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw, bakit naman pinagparepareho ninyo ang aming upa?” DRAFT March 24, 2014 209 Sumagot ang may-ari ng ubasan sa isa sa kanila, “Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba’t nagkasundo tayo sa isang salaping pilak? Kunin mo ang para sa iyo at umalis ka na. Ano sa iyo kung ibig kong bayaran ang nahuli nang tulad ng ibinayad ko sa iyo?” “Wala ba akong karapatang gawin sa ari-arian ko ang aking maibigan. Kayo ba’y naiinggit dahil ako’y nagmagandang-loob sa iba?” Ayon nga kay Hesus, “ Ang nahuhuli ay nauuna, at ang nauuna ay mahuhuli.”